Against Time (COMPLETED)

By untoldjins

2.9K 553 455

What would you do if someday you'll wake up in someone else's body? Or in your body... a hundred years ago. H... More

AGAINST TIME
01 : In The Midnight Hour
02 : Born In The Past
03 : Maybe The Last
05 : For As Long As We Love
EPILOGUE
n o t e
SPECIAL CHAPTER

04 : The Beginning of the End

214 61 34
By untoldjins

CHAPTER FOUR: The Beginning of The End






Naalimpungatan ako nang mapansing wala na si Axel sa tabi ko. As far as I remember, tabi kaming natulog kagabi.




"Where is he?" mahinang bulong ko matapos libutin ang buong bahay pero ni anino ni Axel, hindi ko nakita.



Tanging kami na lamang ng natutulog na si Reese ang tao sa bahay.



Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ni Axel. Ilang beses pa itong nag-ring pero hindi niya sinasagot. Napapadyak ako sa inis at sinabunutan ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ako morning person?



"Ate mommy, why are you hurting yourself?" Napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko at gulat na napatingin kay Reese na mukhang kakagising lang at kinukusot ang mga mata.



"A-Ah... wala lang 'to, baby. Are you hungry? Ipagluluto na kita ng breakfast mo, ah?" Tumango naman siya kaya agad ko siyang binuhat at inuupo sa stool na malapit sa kitchen. Ipinagluto ko lamang siya ng almusal at ipinagtimpla ng gatas.


"Here na baby, enjoy your meal." I smiled at her.


"Thank you ate mommy!" Nakangiti niyang pasasalamat. Nginitian ko lamang siya at tinabihan. Ayaw naman niyang magpasubo dahil big girl na raw siya kaya't marahan akong napailing.


Muli kong kinuha ang cellphone ko at itinext si Axel.


Iya:

Asan ka? You're not answering my calls. Nag-aalala na ako, please reply :)


"Ate mommy, where's kuya daddy?" Ibinalik ko sa bulsa ng aking ang cellphone at nilingon si Reese na umiinom sa tinimpla kong gatas.

"Maagang umalis baby, e. Hintayin nalang natin na umuwi, okay?" She nodded before continuing to eat.



Tumayo ako. "Baby diyan ka muna ha? Magbibihis lang si Ate mommy. I'll be quick, I promise," dagdag ko.


"Sure po. I'll behave." Napangiti naman ako at hinalikan siya sa pisngi.


Papasok na sana ako sa kuwarto namin ni Axel nang mag-vibrate ang cellphone ko.


Axel:
Sorry, something came up. I'll be back later, okay? Don't worry, I'm fine. Take care, my love. I love you.



Napangiti naman ako bago nagreply.



Iya:
Ayos lang 'yun. Ingat ka diyan, okay? I love you too!




Pumasok na ako sa kuwarto at agad na naligo. Nang makaligo ako ay agad akong nagbihis at inayos ang sarili sa salamin.



Napahawak ako sa aking mukha habang nakatingin sa aking reflection sa salamin. Mukha ko talaga ito. Mukha ng Hyacinth na ipinanganak taong 2120. Pero bakit nandito ang mukha ko? Totoo ba talagang ito ang buhay ko dati? Bakit parehas na parehas?




Marahas akong napatayo nang marinig ko ang tawag ni Reese mula sa labas ng kuwarto. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ang umiiyak na si Reese.




"Baby, anong problema?" tanong ko bago siya kinarga.




"There's... There's a body.... He's dead. Ate mommy there's corpse outside!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na umawang ang aking labi.




P-Patay?


Ibinaba ko siya sa kama at inihiga bago ako lumabas. Parang tinakasan ako ng aking kaluluwa nang makita ang sinasabi ni Reese. There's a dead man outside our house at kitang-kita iyon mula sa bintana! Nakahiga ito sa kalsada at punong-puno ng dugo ang katawan habang may nakatarak na dugo sa dibdib nito.




Dali-dali kong idinial ang number ni Axel habang nanginginig ang aking mga kamay. Shit, what should I do?





"Yes, love?"




"A-Axel... Axel may patay! M-May patay sa labas ng bahay. Umuwi ka na please I don't know what to do..." Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa bangkay. Anong gagawin ko?





"Iya calm down, okay? Pauwi na ako. For now, pumasok ka muna sa kuwarto. Stay there. Ilock mo ang pinto, tatawag nalang ako kapag papasok na ako. Alright?"





"I-I'm... I'm scared."





"Don't be scared, baby. I'll be there. Sa ngayon sundin mo muna ang mga sinabi ko. Baka andiyan pa ang killer." Tumango naman ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. Nanginginig ang kamay kong inilock ang pinto at tumakbo sa kuwarto.




"Bilisan mo please," mahinang bulong ko.




"I will. Wait for me, alright? I love you."



"I love you too," sagot ko bago pinatay ang tawag upang samahan si Reese.




"Ate mommy, ano pong nangyayari?" tanong ni Reese nang makapasok sa kuwarto. She's holding back her tears while hugging her doll.




Lumapit ako sa kaniya. "Everything will be fine, baby. Ate mommy's here," pag-aalo ko kahit na maski ako ay takot na rin.




"Si kuya daddy po, ate mommy? It's dangerous outside po." Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko. I'm so damn worried about him. Paano kung maabutan siya ng killer sa labas? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya?



"Why are you crying, ate mommy? Don't cry please." Hindi ko na pala napansing umiiyak na ako. Tumango naman ako at ngumiti kay Reese bago punasan ang mga luha ko.




"I'm just worried about your kuya daddy, baby," sagot ko. Tumango naman siya bago isiniksik ang ulo sa dibdib ko.




Maya-maya pa ay tumunog na ang cellphone ko tanda na nasa labas na si Axel. Dali-dali akong tumayo at iniwan si Reese sa kuwarto para pagbuksan si Axel.




"Why are you crying? I'm here now." Bungad ni Axel saka ako ikinulong sa kaniyang bisig.




"A-Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo... Bakit ngayon ka lang? Nag-alala ako," tanong ko pa bago mas isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Parang kanina lamang ay si Reese ang gumagawa nito sa akin pero ngayon ay ako na ang gumagawa kay Axel. I'm too soft for him.


"I'm here, okay? Hindi na ako aalis. Please don't cry, I don't like seeing you cry---" Naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng putok ng baril. Agad niya akong hinila papasok bago ilock ang pinto.


"A-Ano yun? May namatay na naman ba?" tanong ko.



Iniupo niya ako sa sofa bago tumabi sa akin. "Mukhang may panibago na naman silang pinatay," he whispered but enough for me to hear.



"Bakit ba nila ginagawa 'to? Para sa pera ba? For attention? Ano?"




"They are a bunch of psychos. They are mentally illed." Napanganga ako. If that's the case, we can't do anything.




"Anong gagawin natin?" tanong ko. Napahilot siya sa sintido at napalunok.




"Sa ngayon, 'wag muna kayong lalabas," sagot niya kasabay ng pagbuntong hininga.



"Kayo? Paano ka?" tanong ko bago siya hinarap.




He intertwined our fingers together before giving me a reassuring smile. "I'll stay outside."




I was taken aback upon hearing his response. This is familiar. Ano ngang nangyari pagkatapos nito?




"Anong lalabas ka? Sa tingin mo papayag ako?!"




"Trust me, Iya. Trust me," bulong niya bago ako hinila upang mayakap.




I can't help but to curse internally. Anong susunod na mangyayari? Bakit wala akong matandaan?




---




Mabilis lumipas ang oras at gabi na. I diverted my attention to Reese the whole day while Axel was busy doing his duty. Hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila ng kung sino mang kausap niya sa phone niya kaya hindi na ako nangialam pa.


Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto. Dahan-dahan akong tumayo at sinubukang huwag makagawa ng kahit na anong ingay dahil baka magising ko ang kakatulog lamang na si Reese.


"Are you done?" mahina kong tanong nang mabuksan ko ang pinto. Sinenyasan ko si Axel na huwag maingay dahil tulog na si Reese at sa living room na lamang kami mag-usap. Tumango naman siya at sumunod sa akin sa paglalakad.




Nang makaupo kami sa sofa ay agad niya akong hinila papalapit at niyakap. Sa ilang araw na pamamalagi ko dito, isa lamang ang masasabi ko sa kaniya. This man loves cuddling so much.


"I'm tired, love," bulong niya na parang nagsusumbong.




Napabuntong hininga naman ako bago kumalas sa yakap niya. I looked at him before giving him a peck on his lips.


"Better." Nakangiti niyang sabi. Napailing naman ako at mahinang natawa. Oh God, I love this man so much. I can't leave him.


"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong totoo ang past life?" I asked unciously. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.



"Past life? May ganoon ba?" Natatawang tanong niya habang pinaglalaruan ang buhok ko.




Tumango naman ako. "What if this is my past life? Maniniwala ka ba?"




"Hindi. Paano naman kita papaniwalaan kung bata pa lang tayo kasama na kita?" sagot niya. Muli akong napabuntong hininga.




"What if lang naman. Paano kaya kung after a hundred years, ma-reincarnate tayo? Tapos hindi na natin kilala ang isa't-isa. O kaya naman hindi na natin alam kung nag-eexist pa ba ang isa sa atin? What would you do?" muli kong tanong.


Kasi ako, hindi ko alam.




Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik sa taong 2120. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang iwan. Hindi ko kaya.




Ilang minuto siyang hindi nakasagot na animo'y iniisip ang tanong ko. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang kanang kamay ko at itinapat sa dibdib niya.




"This, Iya. Our heart remembers. My heart only beats for you. Ikaw lang, Iya. Ikaw lang," sagot niya bago ako binigyan ng napakalawak na ngiti. Maya-maya pa ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.


He cupped my face before kissing me. "What's wrong? Why are you crying?" he asked in between of our kisses.


"Nothing. I just realized that I love you so much," I answered. Inihiwalay niya ang labi niya bago ako binigyan muli ng isang ngiti.




"I love you too, my love," he answered before kissing me again.




Our kiss was interrupted when Axel's phone rang. "Tsk, panira." Natatawang sambit niya bago sinagot ang tawag.




"Hello Ju---" Hindi na nito natapos ang bati kay Jude at parang naestatwa sa narinig.




"Problem?" nag-aalala kong tanong nang makitang nanginginig ang kamay niya.




Ibinaba niya ang phone niya at tumingin sa akin. I just gave him a questioning look.




"S-Si Jude... "




"Anong meron kay Jude?" tanong ko.




"He... He's... He's dead. Jude is dead." Parang tumigil ang mundo ko at bumagsak na naman ang mga luha ko mula sa aking mga mata. I immediately hugged Axel and hushed him. Ramdam ko ang pagbaba at taas ng balikat niya... He's crying.




"Hush, love. Hush..." I said while stroking some strands of his hair.




"Bakit si Jude pa? Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Pangarap niya pang magka-sariling pamilya. Sabi niya dapat magkakaibigan rin ang mga anak namin. Sabi niya kapag matanda na kami, magrarace pa kami. Tangina, paano na? Bakit niya agad ako iniwan?"


Hindi ko rin mapigilang mapaiyak. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi lang bestfriend ang turing ni Axel kay Jude. They treated each other like real brothers.




"Iiyak mo lang 'yan. I'm here, hindi kita iiwan." I choked a little while saying the latter part. I know that I'll leave soon. Babalik rin ako sa pinanggalingan ko.




"Ang sabi niya, lalaban pa kami. Ang sabi niya, siya ang papatay sa mga hayop na criminal na 'yun. Tangina bakit siya sumuko? Bakit niya hinayaang patayin siya ng mga gagong 'yun?"



"A-Atleast he's at peace now. Hindi na niya kailangang lumaban pa," bulong ko.



"Hindi ko kakayanin kapag pati ikaw mawawala pa sa akin, Hyacinth. Hindi ko kakayanin."



Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako bumulong ng panibago na naming kasinungalingan. "Hindi ako mawawala Axel. Hindi kita iiwanang mag-isa," I lied before kissing the top of his head.




"I love you, Hyacinth. I love you so much and I can't afford losing you."




"I love you too," I remarked before we heard a loud bang. Nandito na naman sila.




"I'll protect you, love. I'll kill them for you," rinig kong bulong ni Axel bago tumayo. The next thing I knew, he was holding a gun and was ready to go out.




"Sigurado ka na ba talaga dito?" I asked while holding his hand. He intertwined our fingers before looking at me.




"I don't have any choice. Kung walang kikilos, hindi na 'to matatapos." He answered before he wrapped his arms around me.




"Pero bakit kailangang ikaw pa?" tanong ko. My eyes swam with tears as he tightened his hug. "Don't go outside... please."




"I swear to God that I would protect you. And if this is the only way to protect you, I'm more than willing to do it. " Mas lalo pa akong napahagulhol dahil sa sinabi niya.




"Please? Kahit ito nalang. Sundin mo naman ako." Inalis niya ang yakap niya sa akin.




"Hush, don't cry, please? D'yan lang ako sa labas ng pinto. Hindi ako lalayo. Babantayan ko lang sila, that's all. You don't have to worry, hindi ako masasaktan." He assured before giving me a peck on my lips.




"How can I be so sure? Hindi ko man lamang alam kung ano na ang nagyayari sa'yo sa labas. Paano kung...kung...kung p-patay ka na pala?" I asked while a new batch of tears fell from my eyes. A vein popped out in his neck upon looking at my face.




Maya-maya pa ay dumiretso ito sa kusina at bumalik na may dalang kutsilyo. My brows arched an inch.
I almost collapsed when he stabbed our door. Nanlaki ang mata ko nang makitang may butas na nabuo dahil doon.




"You can look for me here. I promise, hindi ako lalayo," he said as he embraced me once again.




"Promise?" tanong ko.




"I promise." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. "I'll be back."














-----
;

edited: 07.15.20

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 112 52
Love me, Adora Genre: Fantasy Masayahin, makulit at mabuting bata. Iyan ang mailalarawan kay Adora ng mga madre sa bahay ampunan. Sa murang edad...
1.5K 93 9
Asteria and Allistair has been transmigrated into a world of aristocracy. Their fates has been concluded, after isolated to their lines. Succeeded to...
8.3K 1K 55
Everyone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Na...
17.6K 618 34
Isang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalar...