Bukas Na Lang Kita Babastedin...

Por melainecholy

3.6K 172 9

Binasted ni Danica si Cielo nang mag-proposed ito sa kanya. Pero nang ma-realized niyang gusto rin pala niya... Más

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

225 16 0
Por melainecholy


Matapos ang meeting nila with the wedding coordinator ay tumuloy sila sa condo niya. Wala roon si Richael dahil sinamahan nito sina Hamiel at Limien sa isang mall tour. Nothing much for a simple date. All they have were food to eat and DVD's to watch. Pang-third movie na ang pinapanood nila, isang horror Thai movie.

She was enjoying the movie so much. Mahilig siya sa horror film. "Cielo oh, nakapatong iyong mumu sa balikat niya. Astiggg!" Nakasandal siya sa headrest ng kama, nakahiga naman ito.

Wala siyang narinig na sagot mula dito kaya nilingon niya ito. She sighed. Cielo was sleeping like a baby beside her. Marahil ay napagod na rin ito sa dami ng ginagawa nito araw-araw. Aside from being a celebrity, he was handling the Pontez Media Productions. Mula sa isang show ay tatlong shows na ngayon ang mina-manage nito. Plus gigs and concerts pa with the band. Mas madalas na kulang ito sa tulog at tamang pahinga. Wawa naman ang Cielo Baby ko, pagod na pagod.

Kinuha niya ang remote control at pinatay ang tv. Mas magandang panoorin ang binatang mahimbing na natutulog sa tabi niya kesa sa babaeng nagmumulto at sumasakay sa balikat ng ex-boyfriend. Habang pinapanood niya ang pagtulog nito ay bigla itong nagising at umubo nang umubo.

"Cielo..."

She gently tapped his back. Natigilan siya dahil medyo mainit ito. Sinapo niya ang noo nito, pati na rin pisngi. Confirmed, nilalagnat nga ito. "Cielo!"

"Hmmm?" tugon nito bago ito ubuhin uli. "Tapos na ba iyong movie, naku sorry nakatulog ako."

Bumaba siya ng kama. She turned the aircon low. Ikinumot niya ng ayos dito ang comforter. "Kanina pa ba masama ang pakiramdam mo? Bakit di mo sinasabi sa akin?" Pumasok siya sa built in dresser niya at kumuha ng paracetamol sa medicine cabinet.

"Well I thought it won't go further into fever."

Kumuha siya ng isang basong tubig sa nadaanang water dispenser. Pinabangon niya ito para makainom ito ng gamot. "Uminom ka ng gamot kanina?" Umiling ito. "Dapat inaagapan mo yan. May schedule ka pa naman ng mall tour sa Laguna bukas."

"Thanks, I think I should go. Sa bahay na lang ako magpapahinga para di na kita maistorbo." May kinuha ito sa ilalim ng unan niya.

Natigilan si Danica. Iyong pictures ni Cielo, nakalimutan niyang itago. Waaaaaahhh. Patay ako! Dead me!

"Mukhang kasing di pa tapos ang pangungulam mo sa akin, Danica Baby," he impishly grinned.

Inagaw niya ang pictures dito. Dahil siguro sa masama ang pakiramdam ay hindi na siya nito pinahirapan na makuha ang mga pictures. "Pwede ba, mind your own pangungulam. Kung naiinggit ka e di kulamin mo rin ako."

"No need, I know you're drop-dead, head over heels, upside down in love with me."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Sigurado ka? E paano kung gumaganti lang ako sa'yo?"

Natigilan ito. Pagkatapos ay tuluyan na itong bumangon ng kama. "I'll go ahead."

"No!" pigil niya dito. Hinila niya ito at pinahiga ulit ng ayos sa kama. Inayos pa niya ulit ang pagkakakumot ng comforter nito. "Dito ka na lang. Malakas ang ulan sa labas, siguradong traffic at baha pa. Mas magandang magpahinga ka na lang dito."

Wala na itong nagawa kundi ang humiga ng ayos. Napangiti si Danica. Naalala niya ang mga sandaling iniilusyon niyang magiging sunud-sunuran sa kanya si Cielo. Though hindi naman ito under sa kanya, masarap pa rin sa pakiramdam na sinunod siya nito. Somehow, she felt that he valued her care.

"Magpahinga ka muna. May kukuhanin lang ako."

"Okay. Balik ka agad."

"Bakit mami-miss mo agad ako?"

"Hindi. Baka kasi maisipan mo na namang dagdagan ang kulam mo sa akin. May sakit ako, wala akong laban." He grinned.

Ikinumot niya hanggang sa ulo nito ang comforter. "Iyang pagpapahinga mo ang asikasuhin mo. Wag mong pakialaman ang pangungulam ko okay?"

He removed the comforter in his face. "May sakit na nga ako, dapat inaalagaan mo ako."

"Kiss na lang kita." She pouted her lips while moving closer to him.

"Ah no!" He pushed her away. "Baka mahawa ka sa sakit ko."

"Wooo! Ang sabihin mo hanggang ngayon choosy ka pa din sa kiss."

"Hindi kaya ako nakatulog noong halikan mo ako," he uttered.

"Dahil sa kilig?"

He looked at her in knotted head. "Dahil sa trauma." He then laughed.

Sinimangutan niya ito. "Ang sama mo." She kissed him on his forehead. "Pero love pa rin kita. Wait there okay?" Tumayo na siya para lumabas ng kwarto.

"Nica..."

"Yes?"

"Thank you for being here."

She smiled. "I should be thanking you for the same reason."

Lumabas siya at pumunta sa kusina para kumuha ng basin. Nilagyan niya ito ng tubig. Bumalik siya sa kwarto. Mukhang nakatulog na si Cielo dala ng lagnat. Kumuha siya ng malinis na face towel. Inilagay niya ang basin sa bedside table. Pinunasan niya ng basang tuwalya ang braso nito at mukha trying to help the medicine ease the fever.

Umubo ito at bigla na lang yumakap sa baywang niya. Napangiti si Nica. She was more than happy that day. The feeling that Cielo needed her somehow made her feel loved by him. Kahit di mo masabi, alam ko naman na mahal mo rin ako. She stayed beside him hanggang siya ay makatulog na din.

CIELO WAS BUSY having a silent conversation with the glass wall window in his office. malapit na ang araw ng kasal nila ni Nica. He witnessed how excited Danica was for the past few weeks. Tumulong ito sa pag-aasikaso ng kasal. She managed to choose her bridal gown and the best suit for him. Nagbago na din ang tingin niya sa state ng magulong relationship nila ni Danica. He knew she really love him so much.

He remembered how she patiently took good care of him in those days that he was in fever. Tumuloy siya sa gig kinabukasan kahit nilalagnat. Nakabantay ito sa kanya para maalagaan siya ng husto. She even turned down some interviews from different writers who wanted to interview her just to be able to take good care of him well. And since that day that he gave his sweetest yes to her, everything between them changed magically. He liked the feeling but he's scared.

"Tulala ang anak ko." His father interrupted.

He turned his swivel chair. "Hey, Pa. Kanina pa po kayo?"

Hinila ng ama niya ang visitor's chair at tumabi sa kanya. They once again faced the glasswall window wherein the scenic view of Manila at night was clearly seen.

"Not much. Lately tahimik ka." His father gave him a bottled beer.

Nagulat siya. He never thought that his father would notice it. Akala niya ay kaya niyang itago na may something na nagba-bother sa kanya. "Just thinking about something."

"Or someone?"

"Both." He smiled and took her first shot of beer. "Pa, what did you feel few weeks before you marry mama?"

"Doubt, fear and combination of both." His father drink some beer. And Cielo was surprised by his father's answer. "Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung sigurado na ba ako? O kung si Zhei ba siguradong makasama ako? Natatakot din ako. You know it, life is not perfect. Marriage is the same thing. It's a lifetime risk that you have to take and be ready for consequences. Paano kung in the middle of journey, hindi na masaya si Zhei sa marriage namin? Or along the way, ma-fall out siya at mag-decide na iwan ako? Or vice versa?"

"Paano po iyon nawala? Or isn't it still there in you?"

"Na-wash out na yon nang magpakasal kami, dumating kayo ni Ciella sa buhay namin. Kalokohan lang pala ang mag-doubt at matakot. Kasi nasa sa inyong dalawa naman yon kung bibitaw ang isa o hindi."

"Pa, paano mo nalaman na si Mama na talaga?"

"One day I woke up and realized...na hindi ko nakikita ang future ko na organized pero walang maingay na umaaligid sa bahay ko." His father laughed. "Gusto kong mabuhay na naririnig araw-araw ang kakulitan ng nanay mo. And I think that's what they called love."

Napangiti si Cielo hoping na maging tulad ng relationship ng mga magulang niya ang magiging relationship nila ni Danica. Pero paano kung pati sa sarili ko di ako sigurado? He went back being serious and suddenly he sighed.

"If you feel confused or not sure, stop thinking about it. Your heart can tell the whole truth that your mind can deny."

Tama ang tatay niya. There's no use of thinking too much. What matters now is that he will marry Danica and he would do his best to be right for her.

"Last question, Pa. Did Mama Zhei knew about that doubt and fear that you've been through?"

"Yes."

"Anong nangyari nong sinabi n'yo?"

"Naglasing ang nanay mo." he said and they both laughed about it.

Imagining his mother drunk... no... he just can't even imagine how his mom look and act like when she's drunk.

"Kaya kung may pareho kang nararamdaman, wag mo na lang sabihin kay Danica. Baka maglasing din. Palagi pa naman silang magkasama ng nanay mo lately. Baka nahahawaan na rin siya ng kakulitan ng nanay mo."

"I don't think that Danica will resort to drinking until wasted. More like...ako po ang maglasing."

"That would be epic, Cielo. Cheers!"

"ANG GANDA KO TALAGA, di ba Cielo Baby?" Danica uttered while gazing at the giant billboard in front of them. It was a picture of them endorsing the Corporate attire Collections of Keithan Apparels, ang dating clothing line na binanggit ni Ciella na matagal na ring nililigawan siyang mag-model para dito. And now, everything had been materialized.

"Hindi rin--Aray!"

Hinampas niya si Cielo. "Ikaw naman! Umoo ka na lang kasi."

He just smiled. Pagkatapos ay inakbayan siya habang tinitingnan nila ang billboard. Nag-stop over sila sa spot kung saan kitang-kita ang billboard nila. Good thing it was already two in the morning. Wala namang manghuhuli siguro sa kanila sa pag-park sa kalagitnaan ng skyway. kagagaling lang nila sa gig ni Cielo sa Senang Hati.

"Mag-picture tayo dali!" Iniangat niya ang cellphone para makakuha ng selfie pic with Cielo.

"Picture na nga natin yan, magpi-picture ka pa? Di ba masyado ng redundant yon?" Pero nakisama naman ito sa trip niya.

"Ngiti na lang kasi. Andaming reklamo! Hindi naman gwapo."

"Hindi ba?" tanong nito na umaarteng na-hurt. "Sabagay, alam ko namang hindi ako gwapo. Sobrang gwapo lang."

"Sige na lang, Cielo." She posted the picture on Twitter and Instagram with the Tagline, 'Ang love ko kay Cielo ay parang billboard sa likod namin...Oversized.'

Cielo was only silently watching her while she was busy posting online. He then held her hand. "Let's go. It's getting too late. Pagod ka na din."

"Okay!"

For the last time, magkasabay na tumingala sila para tingnan uli ang billboard nila. Pasimpleng pinagmasdan niya si Cielo habang seryosong nakatingin ito sa billboard. Ano kayang iniisip mo? Masaya ka bang nakikita tayong dalawa na magkasama sa picture o pinag-iisipan mo kung tama ba itong ginagawa mo? Hindi maiwasan ni Danica na magtanong lalo na ngayong nalalapit na ang kasal nila pero hindi pa ito naga-I love you sa kanya. At hindi siya manhid. Kahit na nakikita na niya ngayon ang loving side ni Cielo, alam niyang may gumugulo sa isipan nito. And she's pretty sure that it has to do with her and their upcoming wedding.

Bigla itong bumaling sa kanya. Caught in the tuloy siyang nakatitig dito. "Mas gwapo ako sa personal ano?" He smiled.

"Hindi rin," gaya niya sa sinabi nito kanina. "Actually, mas gwapo yong katabi mong billboard, si Lee Min Ho. At iyong nasa kabila, si Mario Maurer."

"Isang ligo lang ang lamang ng mga yan sa akin." He opened the car's door for her. Pagkatapos ay sumakay na rin ito sa driver's seat.

Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Hindi na niya ito kinulit dahil alam niyang pagod na rin ito sa maghapong trabaho at sa kakatapos lang na gig. Hanggang sa makarating na sila sa condo unit na inuuwian niya.

Still in silence, bumaba siya ng kotse nang pagbuksan siya nito. They entered the elevator up to the 11th floor.

Nang makalabas sila ng elevator ay napahinto ito sa paglalakad.

"Cielo? Bakit?"

"Nahilo lang ako ng konti. Pagod plus puyat. But don't worry, I'm fine." He went back from walking again with her.

"I think hindi mo na kayang mag-drive. Dito ka na lang matulog. Umuwi si Richael sa province nila. Doon ka na lang sa room ako. Doon ako sa room ni Richael matutulog," she offered. Hindi din naman siya mapapalagay kung magmamaneho pa ito pauwi.

"Are you sure okay lang?" tanong nito sabay hikab.

Tumawa lang siya. "Inaantok ka na, wag ka ng mag-inarte." She opened the door of her unit and they went to her room.

Umupo ito sa love seat sa may bintana. Habang siya naman ay binuksan ang aircon. Kumuha siya ng baso na may malamig na tubig. Nakita niya itong tinitingnan ang mga papel na nasa love seat. Naiwan ngapala niya roon ang mga printed copies ng flower arrangements, event set up, gown and suit designs at iba pang details ng kasal nila.

"Cielo Baby."

"Hmmm?" Nilingon siya nito.

Remembering that scene when she first met Cielo's dogs, she winked. "Do you want cold water or me?" She winked.

Cielo looked at her with amusement. "Of course I want... your cold water. Akin na yan uhaw na ako."

Tumawa lang siya. Ibinigay niya dito ang baso. "Ano ba yan? Hindi mo na ako pinili sa choices."

"Upo ka dito sa tabi ko," he said after drinking water. She did. "Ikaw naman ang final choice ko."

She smiled and looked at him intently. His eyes were telling her that he was happy to be with her. Pero hindi niya talaga ma-gets kung bakit hindi pa rin ito nagsasabi kung mahal ba talaga siya nito o hindi.

"Cielo, nami-miss ko iyong Cielo na ayaw na ayaw sa akin."

"Ayaw mo ba sa Cielo na kaharap mo?"

"Honestly, para kang Cielo na possesed. Katulad nung Cielo na nagsabing buntis ako."

"Hindi ko din alam kung anong nangyayari e." He sighed.

Danica thought it was an opportunity to talk to him about their wedding. "Cielo, sigurado ka bang papakasalan mo ako?"

"We'll getting married next week. Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala kang magpapakasal ako sa'yo?"

"May iba sa'yo. Pansin ko yon."

He sighed once again. Umiwas na ito ng tingin at hinawakan ang kamay niyang may suot ng engagement ring. "Hindi ako sigurado, Danica."

"Saan?" tanong niya kahit may idea naman siya sa sinasabi nito.

"Sa nararamdaman ko. I know you know what I'm saying."

"Call off the wedding kung di ka sigurado. Ikaw din naman ang nagsimula ng lahat, ikaw lang din ang dapat tumapos ng confusion mo. Don't mind me, I might got hurt, but I'm ready for it."

"I can't hurt you again, Nica."

Those words touched her heart. A man in confusion, telling her that he will never wanted to hurt her feelings. How I wish you can say that you love me or even just admit it to yourself and brave enough to tell me that you care. "You can."

"I won't do that."

"So saan patungo ang usapang ito, Cielo?"

"I don't know. When you declined my public proposal several years ago, I thought hurting you back will satisfy me," he confessed.

She thought too. After being hurt when he refused her proposal, she felt the same. She thought that annoying him can satisfy her. But she just ended up falling in love again. "Didn't you get satisfied?"

"No. I got regrets. I regret causing every drop of tears that fell from your eyes. It shouldn't be that way. I shouldn't feel that way. But I end up, wanting you and hating you all at the same time. Ego and love should not mix up in any way."

Nagkalakas siya ng loob na balingan ito. Now, they were facing each other. "Do you love me?" matapang niyang tanong.

"Yes."

Umiwas siya ng tingin para maiwasang mapaiyak. She gathered her strength again to face him. "You should learn that when a woman says, 'I love you' or ask the question 'do you love me?', she is waiting to hear I love you, I love you too, I love you more, or I love you so much and not just a simple yes." Tumayo na siya. "Magpahinga ka na. If you need water, meron diyan sa dispenser. If you want to eat, may mga food ako sa ref at cup noodles sa cabinet. May mainit na tubig naman sa dispenser. I'll just be on Richael's room."

"Danica..."

Papalabas na siya ng kwarto nang muli niya itong balingan. "May concern ka pa?"

"You're not going to decline our wedding, right?"

She faked a smile. "Don't worry nothing's changed. Cielo Baby, I love you, mwah mwah tsup tsup." She pouted her lips on him like how she annoyed him before.

He smiled. "Sweet dreams, nightmare."

Pinandilatan niya ito. "Bangungutin ka nga sana. Ang ganda kong ito, ang sexy at yummylicious kong ito, at ang seductive kong ito, sasabihin mo lang na bangungot?" She tried to crack a joke just to hide the pain striking in her fragile heart.

"I f I dream of you tonight, I don't mind not waking up tomorrow. I'll die happy."

In fairness, kahit nabuwisit siya dahil di nito masabing mahal siya nito, kinilig pa din siya.

"Puyat lang yan. Sige na dream of me, Cielo Baby." She went out and closed the door. Then automatically, tears fell from her eyes.

Kelan ko ba maririnig ang I love you mo,Cielo?

Seguir leyendo

También te gustarán

175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.1K 222 12
Nawala ng parang bula ang saya sa buhay ni Anastasia nang pumanaw ang kanyang kasintahan na si Florentino. Lalong mas nawala ang rason niya para mabu...
697K 22.4K 49
Even the scariest girl in the world has her own love story.
1.8M 37.2K 29
WATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, dahil sa kagagawan ng kanyang aroganteng...