🌈THE KASAMBAHAY ✔ [SOON TO B...

By cutiecane23

462K 19.9K 1.6K

[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na l... More

FRONT PAGE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
TEASER
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Fin.
Last Note!!
SPECIAL CHAPTER: HONEYMOON
Thank you!!!

Chapter 37

3.9K 212 3
By cutiecane23

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

"Sir kayo po pala?" gulat na sabi ng mga Guards ng makita kung sino ang humigit sa akin.

"Kilala nyo po ba sya?" tanong pa ng mga ito sabay turo sa akin.

"Yes, ako na bahala sa kanya."

"Sige po sir, mauuna na po kami," pagpapaalam pa ng mga guardya.

"N-Nico? Ikaw pala," di makapaniwalang saad ko habang nakatingin sa kanya.

"Rylan! Anong ginagawa mo dito," masiglang sagot naman niya at inalog-alog pa ang magkabila kong balikat.

"Ah kasama ko si Dy---"

"Ry ko!!! " sigaw na nakapagpagulat sa amin ni Nico. Napatawa naman ako ng mapansing medyo napatalon pa si Nico dahil sa takot.

"Ry ko! Bakit bigla kang nawala? At bakit kasama mo si Nico," tanong pa ni Dylan nang makalapit siya sa aming pwesto.

"Sorry Dylan, nalibang kasi ako sa pagtingin sa paligid, tapos dumating yung mga guards para palabasin ako, pero iniligtas ako ni Nico," masayang pagkukwento ko pa sa kanya, kaya naman napatingin siya ng masama kay Nico.

Tinaasan lang naman siya ng dalawang kilay ni Nico at nginisihan.

"Hayss, kaya pala kahit salita ako ng salita kanina ay walang sumasagot, natakot ako ng mapansing nawala ka," nag-aalala namang sabi ni Dylan.

"Pasensya na talaga Dylan."

Tumango siya at bahagyang ngumiti sa akin na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hinawakan na rin niya ako sa kamay para daw di ako mawala ulit.

Yumuko na lang ako at hindi na pinapansin ang mga tingin na ipinupukol ng mga empleyado sa akin dahil sa paghawak ni Dylan sa aking kamay,  at pagsunod ni Nico sa aming likuran habang papasok sa elevator.

Nang makapasok kami sa loob ng elevator ay mas nakahinga ako ng maluwag dahil kami lang ang nandito. At wala na din ang kakaibang tingin na nagmumula sa mga tao.

"Okay ka lang Ry ko?" tanong pa sa akin ni Dylan habang umaandar ang elevator paakyat sa kanyang floor.

"Ayos lang ako Dylan."

Maya-maya pa ay tumigil na ang elevator ng makita kong umabot na ito sa pinakataas na floor, naglakad kami sa isang mahabang pasilyo na may nakalatag na red na carpet.

Wow ang ganda-ganda talaga dito. Sa pader nito ay nakalagay ulit ang pangalan ng kumpanya, katulad ng makikita mo pagpasok palang ng building.

     HENDRICKS ENTERPRISE

Habang papalapit kami sa isang pinto dun sa pinakadulo ay may madadaanan muna kaming table.

"Ry ko, yan ang table ni Nico," ani Dylan habang tinuturo ang malinis at organize na table sa tabi ng pinto ng opisina niya.

"At ito naman ang opisina ko," pagmamalaki pa niya nang makapasok kami sa loob ng silid niya.

May karapatan naman talaga syang ipagyabang ito sapagkat malaki at maluwag ang kanyang opisina. Nasa unahan ng bintanang malaki ang kanyang table tapos may maliit ba sala din dito.

Sa aking paglinga sa paligid ay napansin ko rin na may isa pang pinto.  'Siguro ay banyo yun?' isip-isip ko pa.

Umupo na siya sa kanyang likod ng kanyang magandang mesa, si Nico naman ay nakasunod lang sa amin mula ng makapasok kami rito.

"Rylan, ito upuan oh," alok pa ni Nico sabay lapag ng upuan sa tabi ng table ni Dylan.

"Salamat Nico, maasahan ka talaga," pagpuri ni Dylan at sumaludo naman si Nico.

Nagpasalamat din ako dito at umupo na sa tabi ni Dylan, ngiting-ngiti naman siya sa akin habang inaayos ang magulo niyang table, napailing na lang ako sa kanya.

"Tutulungan na kita Dylan."

"Salamat Ry ko, pasensya ka na ah, di kita isinama dito para mag ayos ng table ko, trabaho ito ni Nico eh," pagpapalusot pa niya.

Napatawa na lang ako, hindi ko naman iniisip yun, masaya nga ako na-isinama niya ako rito.

Habang nag aayos ako ng table niya ay napansin ko ang name plate na nakapatong sa kanyang mesa, ENGR. DYLAN VON HENDRICKS ang nakasulat doon.

Hmm, Engineer pala siya akala ko ay isa lang syang business man. Habang ipinagpapatuloy ko ang aking ginagawa ay tumawag naman siya sa teleponong nasa kanyang table.

"Nico, do I have a meeting for today?"

"Hm, a lot? Then re-schedule all of them, except the quarteely report."

"Okay, ready all the documents for the meeting."

Napahanga naman ako sa kanya habang nakikipag usap siya sa telepono, seryoso siya at talagang napaka pormal, mukha talaga siyang business man. Ganito pala sya pag nasa trabaho.

Pagkatapos kong ayusin ang table niya ay nginitian pa niya ako at nagpasalamat.

"Ry ko, may meeting ako mamaya gusto mo bang sumama?" tanong pa nito.

Dahil gusto ko din naman malaman kung anong nangyayari sa mga meeting ay sumang-ayon na ako.

"Sige Dylan," sagot ko sa kanya at sinagot naman niya iyon ng pisil sa aking pisngi.

Nagbukas siya ng laptop at nagsimula ng magtype doon, ako naman ay inabala na lang ang aking sarili sa paglalaro sa aking cellphone. Pansin ko na habang nakatingin siya sa laptop ay may hawak pa siyang mga papeles, hmm sobra namang busy niya, pwede naman sigurong isa-isa lang.

Maya-maya pa ay dumating na si Nico para sunduin si Dylan dahil magsisimula na daw ang meeting, habang naglalakad kami papunta doon sa conference room ay parang gusto kong tanungin ulit ang aking sarili, Bakit nga ba ulit ako nandito?

Mukhang ipapahiya ko na naman ang sarili ko ah, dapat kasi di na ako sumama.

Napailing na lang ako habang nakasunod sa dalawang lalaking swabeng naglalakad sa aking unahan, ang aastig talaga nila.

Sana nabiyayaan din ako ng malaki at matikas na katawan na kagaya ng kanila, hindi kagaya nitong katawan ko ang  hubong ay parang sa babae, pero wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ito, sapagkat ito ang kaloob sa akin ni God.

"Uii Rylan, anong problema? Kinakabahan ka?" natatawa pang tanong niya sa akin.

"Medyo," sagot ko naman.

"Naku nga, dapat di ka na sumama, siguradong mabo-bored ka lang dun. Puro reporting lamang iyon ng bawat department," bulong pa ni Nico sa akin.

"Pero maiinip din naman ako dun sa opisina kaya okay na rin dito sa meeting, at least kasama ko si Dylan."

Hindi na siya sumagot at ngumisi na lang habang napapailing sa akin.

Bago siya maglakad papunta sa unahan ni Dylan ay narinig ko pa siyang  bumulong ng...

"Bagay na bagay talaga kayo."

Natatanaw ko na ang pinto ng conference room at nauna na si Nico doon para ipagbukas ng pinto si Dylan, napansin siguro ni Dylan na nakayuko ako habang naglalakad kaya hinawakan niya ang aking kamay habang papasok na kami sa kwarto.

Pilit kong sinisilip ang aking paligid sa ilalim ng aking buhok na nakatabon sa aking mga mata dahil sa pagkakayuko. Malawak ang silid na ito, may mahabang table at maraming upuan. Bawat upuan ay okupado ng bawat isang tao.

Pagpasok pa lang namin ay narinig ko na ang pagbati nila kay Dylan, ngumiti lang naman siya sa mga ito at bumati pabalik.

Bawat isa sa kanila ay tinatapunan ako ng kakaibang tingin at reaksyon, may nakataas ang kilay, meron din namang nakasimangot, at may napapansin din akong mga nakangiti.

Pero ang lahat ay napaiwas na lang ng tingin ng bigyan sila ni Dylan ng tingin na may pagbabanta. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad habang nakahawak sa aking kamay. Ako nama'y nanatiling nakatago sa likod niya.

Ang silya ni Dylan ay sa dulo ng table at nasa tagiliran naman niya lahat ng mga department heads.

Naglagay ulit si Nico ng upuan sa tabi ni Dylan at pinaupo ako dun habang siya naman ay tumayo sa kabilang gilid ni Dylan.

"Good morning. Well, since everyone is here, we should get started.

Maotoridad na sabi ni Dylan at di naman ang lahay magkaintindihan sa pag aayos ng kanilang mga irereport.

Tahimik lang akong nunuod sa mga nangyayari habang abala naman si Dylan sa pagbabasa sa mga papeles na hawak. Kahit busy siya sa ginagawa ay may oras pa rin siya para tumingin at ngumiti sa akin. Minsan ay bumubulong pa siya at nangungulit sa akin.

"Ry ko, inip ka na?" tanong pa niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Hindi pa naman Dylan, bakit?"

"Baka kasi naiinip ka na, ito inom ka munang tubig," alok pa niya, sabay abot sa akin ng bote ng mineral water na kakalahati na lang ang laman dahil nainom na niya kanina.

Inabot ko iyon at ininom, habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lang siya sa akin kaya naman halos masamid ako sa iniinom ko.

"D-Dylan, yung nagpepresent ang tingnan mo, wag ako," saad ko sa kanya, buti na lang at madilim ang paligid kaya hindi niya pansin ang pamumula ng aking pisngi.

Sumunod naman siya sa akin, pero halatang wala talaga syang interes sa mga nangyayari sa meeting na ito, pero minsan ay pag may gusto syang linawin ay tinatanong niya sa nagre-report, ang presentor naman ay di alam ang gagawin para makasagot sa lahat ng kanyang mga tanong. Naiisip ko tuloy na kahit parang wala syang interes sa mga nangyayari ay nakikinig pa rin siya ng mahusay.




"Hays, salamat na tapos din," bulong pa niya sa sarili nang matapos na ang meeting na abot ng halos dalawa at kalahating oras.

Nag-alisan na ang lahat at kami na lang nina Dylan at Nico ang natira dito. Tumayo na siya nag-inat ng likod at braso, si Nico naman ay inayos lahat ng mga folder at papeles na ginamit sa meeting.

"Boss, Rylan una na ako, aayusin ko pa ito." Paalam ni Nico sa amin at lumabas na ng silid.

Tumingi ako sa aking cellphone para makita ang oras, 11:30 am pa lang, maaga pa pala. Nang makarating kami at makapasok sa kanyang opisina ay dumeretso siya sa isang sofa dito sa kanyang mini sala. Mula doon ay may kinuha syang paperbag.

Teka? Kilala ko ang paperbag na yun ah, laman nun uniform ko. Paano na punta yan dito eh hindi ko naman dinala yan?

"Ry ko, bakit di mo muna isukat ang uniform mo para makita natin kung kasya sayo," nakangiti pa niyangng sabi at inabot ang paperbag sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"O-Okay, pero paano napunta ito dito, iniwan ko ito sa kotse kanina?"

"Ah ipinakuha ko yan sa isang employee ko para dalhin dito," mayabang at puno pa ng pagmamalaking sabi pa niya sa akin at ngising-ngisi pa.

Napailing na lang ako at dumeretso na sa isang pinto dito sa loob ng opisina. Pagbukas ko nito ay nagulat ako sa aking nakita dahil ang pag-aakala ko ay isang itong banyo, pero isa pala itong bedroom.

"Pasok na Ry ko," bulong pa ni Dylan sa aking tenga kaya halos mapatalon ako sa gulat, at agad ko din na tinakpan ang aking tenga dahil baka bulungan na naman niya.

"Dylan naman!" inis na reklamo ko pa sa kanya.

Tumawa pa siya bago sumagot. "Kanina ka pa kasing nakatulala sa harap nyang pinto, may nakita ka bang multo sa loob?"

"Wala, nagulat lang ako. Akala ko kasi banyo ito," tugon ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

Itinuro naman niya sa akin ang pinto ng banyo na nasa loob ng kwarto. Sabi niya isuot ko daw ang uniform at ipakita sa kanya.

Pagpasok ko sa banyo ay nagsimula na akong tanggalin ang aking damit at pantalon. Isinuot kong una ang pants ng uniform, medyo fit ito sa akin, pero okay lang naman. Nakakagalaw pa naman ako at komportable pa ang aking pakiramdam. Ang sunod ko namang isinuot ay ang pantaas na damit ng uniform. Maganda ito, hindi sikip at mahaba pa kaya takip ang aking pwetan.

Walang malaking salamin dito sa loob ng banyo kaya di ko makita ng buo ang aking itsura. Nang sa palagay ko ay okay na ang pagkakasuot ko dito ay lumabas na ako para ipakita ito kay Dylan. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at may kausap sa cellphone.

"Yes please, here at HENDRICKS ENTERPRISE"

"Make it quick."

"Thank you."

Rinig ko pang sagot niya sa kanyang kausap sa cellphone, at ng mapansin niya akong nakatayo sa labas ng banyo ay napako ang kanyang tingin sa akin.

Napataas ang aking kilay dahil parang natulala na ata siya sa akin, ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin siya gumagalaw kaya naman dahil sa pag-aalala ay lumapit na ako sa kanya para tingnan kung nahinga pa ba siya.

'Baka na stroke na siya.'

Hinawakan ko ang kanyang noo at iwinagayway ang aking kamay sa kanyang harap para makuha ang attensyon niya, pero di talaga siya nagalaw kaya natakot na ako at tumalikod sa kanya para humingi ng tulong kay Nico.

Paalis pa lang ako nang biglang...

"AHH! Dylan, papatayin mo ba talaga ako sa gulat!!" sigaw ko pa sa kanya nang bigla niya akong higitin niya ako pabalik.

Hindi siya sumagot, bagkus ay itinaas niya ang kanyang kamay sabay...

Thumps up.

Kasabay din nun ang pagtulo ng dugo sa kanyang ilong kaya lalo akong nataranta.













"D-Dylan! Dylan! Nadugo ang ilong mo!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.6K 289 20
This is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you...
102K 4.1K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
133K 11K 51
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...