Itim Na Ulap

By gereyzi

2.4K 67 7

. More

Itim na Ulap
Kabanata 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Panimula

373 22 2
By gereyzi

Panimula

"Nov, nasaan ka na ba? Magsisimula na ang laro ni Cliff!" bungad sa akin ni Clarisse nang tawagan ko ito.

I sighed as I pack my things inside my bag. Nilagay ko rin doon ang mga device na kakailanganin ko para sa klase ko mamaya.

"Papunta na ako," kinuha ko na ang aking gamit at lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko naman si mommy na abala sa mga papel na nasa lamesa sa sala. May kape doon, sigarilyo, at alak. She looks so wasted and frustrated.

"Mom, I'm going," lapit ko sa kanya bago dinampot ang ilang upos ng sigarilyo sa lamesa at ang dalawang bote ng alak.

Tiningnan nya ako saglit bago tumango at nagpaka-abala na ulit sa ginagawa. Dinala ko naman na ang kalat nya sa aming kusina bago ako tuluyang umalis ng aming tahimik na bahay. Nilakad ko ang palabas ng aming village para doon maghintay ng bus. Ilang minuto lang naman ay may dumating na iyon kaya agad akong sumakay.

"Damn life, huh," umiling ako at nakipagsiksikan sa loob ng bus na punong-puno. Wala akong magagawa kundi ang tumayo ng thirty minutes or else ay hindi ako makakapunta sa klase at laro ng aking kaibigan.

Umandar na ang bus at saglit muling tumigil nang may sumakay pa na pasahero. Rinig na rinig na ang angal ng ilang pasahero dahil sobrang sikip na nga ay dagdag pa ng dagdag itong kundoktor.

"Baka gusto nyang sumakay na tayo sa lagayan ng bag!"

Gusto kong matawa dahil sa sinabi ng matandang babae pero pinili ko na lang manahimik dahil baka madamay pa ako sa init ng ulo nito.

"Nako, Lola, ayos lang naman na pasakayin ang ganyan kakisig na pasahero!" sabi naman ng katabi nitong babae na medyo bata pa kaya napalingon ako sa tinitignan ng mga ito.

Nangunot ang noo ko nang makita ang matangkad na lalake na kakasakay lang at nakatayo lang din. Sobrang seryoso nito at nakatitig sa akin na akala mo ay hindi ako aware sa titig nya.

Nakasuot ito ng itim na maong jacket na may white vneck shirt sa loob. Naka pantalon itong kulay itim at high cut na sapatos na itim rin. Katamtaman ang haba ng buhok nito na jet black.

Napunta ang tingin ko sa kanyang itim na itim na makakapal na kilay. Ang mata nito ay itim na may pagka kulay abo. Masyadong lubog ang mata nya at nakadepina. Kitang-kita ang kulay ng mga ito. Ang ilong naman nito ay saktong sakto ang tangos at ang kanyang labi ay kurbado din at maninipis lang. Pulang pula ang mga ito na para bang nakipag halikan siya sa babaeng may makapal na lipstick. Ang hugis naman ng kanyang mukha ay panglalaki talaga. The jaw lines are perfect-

"Why are you staring at me?" natigil ang pagsuri ko sa kanya nang nasa harap ko na pala sya nakatayo.

What the?!

Gulat na gulat ako sa napakabilis nyang paglapit at napanganga pa kaya hindi ako nakaimik.

"B-but... you were there..." nauutal at gulat kong usal.

"San Lazaro College! Meron ba?!" biglang sigaw ng kundoktor kaya roon ako napatigin at umiling saka lumayo sa weird na lalake na ito.

"Baka naging abala lang ako," bulong ko sa aking sarili at umiling. "By the way, you were the one who stared at me first!" bulyaw ko sa lalake saka umirap at nagmamadaling bumaba na ng bus.

Muli kong nilingon ang bus at nakitang nakatingin pa rin sa akin ang lalake nang may pagtataka hanggang sa tuluyan nang makalayo ang bus.

"That was weird," usal ko saka sinilip ang oras.

Simula na ng laro ni Cliff!

It's already 6:30 at kanina pa iyon nagsimula panigurado. May klase pa ako nang alas otso hanggang alas diyes kaya kaylangan kong magmabilis!

Saktong pasok ko sa gate ng school ay bumuhos na ang napakalakas na ulan kaya napairap na lang ako at tumakbo sa hallway kung saan may bubong. Agad kong pinunasan ang aking katawan na nabasa na atsaka ako nagmadali na dumeretso sa gymnasium na malayo pa lang ay rinig na ang sigawan kahit napakalakas ng ulan.

"Go, Lopez!" una kong narinig na sigaw ng mga tao para kay Cliff nang makapasok ako nang tuluyan.

Saglit kong pinunasan uli ang aking braso at ulo bago tinahak ang daan papunta sa malapit sa court at maya't maya na ang sulyap sa akin ng mga kapwa estudyante ko. Siguro ay mga nagtataka kung bakit ngayon lang ako at basang basa pa.

Hindi ko naman ginusto ito, tsk.

"Another three for The Beast!" anunsyo ng barker matapos maka-shoot ni Cliff.

Umiling ako at napangiti dahil wala syang kupas.

"Nov, here!" binalingan ko si Miguel na nasa bench kasama ang mga kaibigan namin kaya roon ako nagmamabilis na lumapit.

"Oh my! What happened to you?" gulat na tanong ni Clarisse at agad kinuha ang kanyang panyo sa bulsa at ipinunas sa akin.

"Thank you," saad ko at kinuha na sakanya ang pamunas. "Medyo natagalan at nagligpit pa ng kalat ni Mommy," ngumiwi ako at tumango naman sya.

"Maupo ka na para makapagpahinga ka."

"Uh... patapos na?" tanong ko at naupo na.

"Nako, girl, three minutes na lang! Pero okay na yan, at least kumpleto na tayo," si Basha naman.

"Galing, Pare!" salubong nila Ethan at Migs kay Cliff nang mag time out ang kabilang team.

Friendly match kasi ito against sa kabilang school.

"Thanks, bro!" nakipag fist bump dito si Cliff saka ako sinulyapan at tanging tango ang iginawad sa akin bago ako sinuri ng tingin.

"Kaunti na lang at panalo na naman!" si Lauren ay nakipag apir sa kanya kaya dito na bumaling sya bumaling.

"Another win for the San Lazaro College's Tornadoes!" anunsyo uli ng barker nang matapos ang laro at manalo ng aming basketball team.

Nabuo ang sigawan at selebrasyon sa court kaya lumabas na ako sa kumpol ng tao roon at pumunta na sa bench para kuhanin ang mga gamit ko dahil magsisimula na ang klase ko na pang gabi.

"Bakit basang-basa ka?" binalutan ako ni Cliff ng isang malaking towel kaya nilingon ko sya at tinanguhan.

"Biglang umulan nang papasok na ako," tipid kong sagot saka pinunas sa buhok ko ang towel.

Tumango naman sya saka ako muling pinagmasdan.

"I have an extra shirt in my locker. You can use that," he offered na agad ko namang inilingan at nangunot naman ang noo nya. "Are you still avoiding me?" bigla nyang hinawakan ang palapulsuhan ko kaya kinabahan ako at mabilis iyong inalis bago pa kami makita ng iba at kung ano nanaman ang isipin sa aming dalawa.

Malinaw sa akin na matalik na magkaibigan lang kami mula bata. Akala ko rin ay malinaw din sakanya iyon pero nitong mag college na kami ay biglang nag iba ang pakikitungo nya sa akin. Masyado na syang over protective at nakakasakal iyon dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

Aware naman ako sa feelings nya na never nyang inamin.

"Ikinakahiya mo na ba ako? Dahil ba sinuntok ko ang manliligaw mo?" he smirks. Seems so proud of himself.

Nakakainis ang kagaspangan ng ugali!

Tinitigan ko sya bago ko dahan dahang inalis ang towel sa aking balikat at marahang binalik iyon sakanya.

"Dahil ayaw ko ng kung ano ang iniisip sa atin ng iba. I made myself clear from the very beginning of this stupidity of yours, Clifford," deretsahan kong sagot pero nagkibit balikat lang sya.

"Doon din ang punta natin-"

"We're just friends and we'll stay that way," paglilinaw ko kaya tumango sya pero parang hindi naman sya nakikinig sa akin kaya bumuntong hininga ako at di na umimik dahil dumating na ang ilang kaibigan namin.

"Paalis ka na agad?" tanong ni Clarisse. Tumango ako at sinabit na sa aking balikat ang aking bag.

"May klase na ako," tipid kong sagot kaya kahit nagtataka ay tumango sila.

"Dumeretso ka sa dorm namin mamaya, ha! Inuman daw!" si Miguel naman ang nagsalita na tinanguhan ko lang din saka ako tuluyang umalis at iniwan silang nagtataka sa gym.

"So today, we'll identify which is the good and the bad between these two bacterias," pag iinstruct ng aming propesor kaya kumilos na kaming magkakaklase.

Suot ang aming lab gown, gloves, at mask ay nag umpisa na kaming sumilip sa aming microscope.

"Huy, totoo ngang nanliligaw palang sayo si Cliff? Akala ko kayo na?" biglang bulong sa akin ni Gigi kaya kunot noo ko syang binalingan at tinaasan ng isang kilay .

"And where did you get that stupid news?" masungit kong tanong. She shrugged and flipped her long, black, wavy shiny hair.

"Kalat naman sa buong campus iyon. So ano nga?" pag usisa nanaman nya na inilingan ko.

"Santos and Matozzi, care to share?" tanong ng aming propesor kaya napairap ako kay Santos saka bumaling sa aming prof.

Natahimik ang lahat at napatingin sa amin nang may pagtataka.

"Not so important, Ma'am. She's just scooping news about my relationship with Lopez. The news is still fake as it is, Ma'am," pag amin ko kaya nagkabulungan ang buong klase at si Gigi naman ay napayuko nalang sa kahihiyan.

Estupida.

Alas dies nang matapos ang aking klase at gaya ng sabi ni Miguel kanina ay pumunta nga ako sa dorm nila.

"Kahit isang shot!" si Lauren na kanina pa ako pilit na pinapainom. Umiling lang uli ako at hinayaan na sila roon.

Si Cliff naman ay tahimik na nakikipag inuman habang nasa tabi ko.

Nang mag alas onse na ay tumayo na ako kaya gulat na gulat silang napalingon sa akin.

"Seriously, may boyfriend ka na ano? Kaya puro tanggi ka na?" napipikon na puna sa akin ni Lauren. Pinaningkitan ko lang sya ng mata.

"I'll send you home," biglang tayo rin ni Cliff. Tinitigan ko sya saka umiling.

"I'll let you if you're not yet drunk but you are. Thanks for the offer," sagot ko at hindi naman na sya nakaangal maging ang ilang kasamahan namin.

Sa halip na umuwi na ay pumasok muna ako sa isang coffee shop na madalas kong puntahan 'pag may pang gabi ako na klase. Inuubos ko ang aking oras sa paghihintay dito kay Daddy na lumabas sana sa mansyon nya na nakatayo sa tapat ng shop na ito.

Sa ilang beses na pagpunta ko ay dalwang beses ko palang sya nakikita. Lagi pang kasama ang bagong asawa. That shit hurts though.

Nang lumagpas na ang oras na palugit ko sa aking sarili ay umalis na ako sa shop at saktong ulan nanaman.

Nakakainis! Nakakainis ang buhay!

"Seriously?!" inis ko nang bulong saka sinugod ang ulanan papunta sa bus station.

Nakarating ako sa side walk at tumigil nang mag red light nang patawid na sana ako sa pedestrian lane.

May tumayo sa tabi ko at hindi ko na pinansin iyon dahil nanginginig na ako sa lamig. Wala manlang akong payong. Tsk.

"Hindi ba talaga uso sa mga tao ang pag iingat?" biglang salita ng aking katabi kaya kunot noo ko syang tinignan.

Nagulat ako dahil sya yung makisig na lalake na nakasabay ko kanina sa bus. Hindi lang iyon ang nakapag pagulat sa akin, dahil kahit sobrang lakas ng ulan at wala rin syang payong ay tuyong tuyo sya at tila hindi nababasa!

What the heck is with this dude?!

"H-how..."

"Tsk! Minsan matuto rin kayong alagaan ang sarili nyo!" bwelta nya saka naglakad sa gitna ng kalsada.

Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang lakad niy.

"T-teka!" pigil ko sakanya pero huli na at nasagasaan na sya ng ten wheeler truck!

It's because the light is still on red! Masasagasaan talaga siya!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nagkagulo naman na ang lahat ng sasakyan sa kalsada at nagbabaan pa ang iba para makitulong sa malakas na pagkakabangga roon sa lalake.

Hindi ko alam ang iisipin ko nang isigaw ng nakabangga na...

"Wala rito yung nabangga ko!"

What the hell?!

Continue Reading

You'll Also Like

55K 1.9K 83
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...
10.5M 511K 80
â—¤ SEMIDEUS SAGA #04 â—¢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...