Kabanata 1

148 13 3
                                    

Kabanata 1

It's Saturday morning and I'm still on my bed, thinking about what happened last night. I just can't still believe it. As in ganon na lang ba iyon? Bigla syang nawala!

Siguro, kung hindi ako nilapitan ng enforcer kagabi ay baka nakatulala pa rin ako doon hanggang ngayon. I mean, that's just too creepy! That's beyond the universe... Or some kind of evil-whoah! Wait there, November. Quit wasting time thinking about that shit!

Guni-guni ko lang iyon at pawang walang katotohanan.

"Hija, kain na ng umagahan," said Nana Siling. Tumango ako sa kaniya bago tumayo ng kama.

Ibang-iba ang panahon ngayon kesa kagabi. Parang walang ulan na sobrang lakas ang nangyare kahapon dahil sobrang aliwalas ng paligid, pati ang kalsada ay tuyo.

Baka naman panaginip ko lang talaga yung kagabi?Pero bakit ako nilalagnat at sinisipon ngayon? Ano 'to, out of the blue ay bigla akong lalagnatin?

Bumaba ako sa aming hagdanan papunta sa unang palapag, naabutan ko ulit si mommy sa sala pero maayos na ito ngayon kumpara kagabi na sobrang wasted. Naka-roba siya na kulay pink at may balot ng twalya sa ulo.

"Morning!" bati ko saka humalik sa kanyang pisnge.

She smiled as she tap my side face. "It's the street near your school, right?" bigla nyang tanong habang nakatingin sa tv. Kunot noo akong napatingin doon saka binasa ang headline.

"Isang lalaki na nasagasaan kagabi ng ten wheeler truck, biglang nawala matapos malakas na binangga ng sasakyan."

"That was weird," mahina niyang sabi. Ako naman ay natulala sa tv dahil napagtanto ko na hindi pala panaginip ang lahat.

Nanginig ako at biglang nanlamig dahil sa kilabot na naramdaman ko. I... I was there last night and the guy even talked to me!

"Mom..." tawag pansin ko sa aking nanay. Nilingon nya ako.

"Hmm?" sagot nya saka lumingon ulit sa tv. Hindi ko na tiningnan iyon dahil paulit-ulit sa cctv ang pagkakabangga na scene.

"Possible po kaya iyan?"

"I don't know, hija. The world is wide and huge.We don't know," umiiling nyang sagot saka muling binalik ang tingin sa tv dahil iniinterview na doon ang driver kagabi.

"Sir, sigurado ho ako na may nabangga ako! Kaya nga bumaba agad ako ng truck para sana tumulong pero nalibot ko na ang paligid ay wala pa rin ito!" sabi ng driver.

Naiiling na nilisan ko ng tingin ang tv saka nag martsa papasok sa kusina.

"Mom, breakfast na!" pagtawag ko sa aking nanay.

"Coming!" malambing nyang sagot.

Or she's not really malambing? Baka yung boses lang nya na super soft talaga iyon? We weren't that really close pero sakto lang. Hindi naman malayo ang loob ko sa kanya pero sigurado akong malapit ang loob ko kay daddy.

He cheated though. He's my idol back then. Pinaka gusto ko 'pag nasa bahay sya ay ang magic tricks nya kasi sobrang astig no'n. Sa lahat ng bagay ay magkasundo kami dati. We were happy though. Things have changed lang noong nagpamilya si daddy ng iba. Biglang lumayo ang loob nya sa amin.

Dating mahal na mahal nya si mommy, pero bigla syang nag-iba at naging mailap dito. Mommy endured everything he did just for him to stay pero talagang nag-iba si daddy. Parang nawala ang pagmamahal nya sa aming dalawa bigla. Naiintindihan ko si mommy kung bakit sya nagkakaganoon at handa ko syang intindihin nang paulit-ulit.

Itim Na Ulap Where stories live. Discover now