A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.8K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS

1.8K 79 3
By LovieNot

~MARCIELLA PERRER~
MHINN INTERNATIONAL SCHOOL TEACHER
GUIECO CLAN PRIME AGENTS LEADER

(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

I closed my laptop in frustration after watching the ending of "Forever Ko'y Ikaw." Although this TV series has been on for a while, my busy schedule only allows me to catch it now and then. I've saved all the episodes on my laptop.

What's really annoying is that both the main male and female characters had to die. It's just a fictional story, but they still had a sad ending! If I were a writer, I wouldn't ever write a tragic ending. But the reality is, I'm not a writer; I'm a teacher.

In addition to being one of the Prime Secret Agents in the Guieco Clan, I'm also a respected teacher at Mhinn International School, which is owned by Kenya's spouse, who happens to be one of our bosses.

"Damn it! Ang hilig nila sa sad ending. Romeo and Juliet, Jack and Rose..."

"Ikaw at ako."

Agad naman akong napalingon sa may-ari ng boses na iyon. Pinigilan kong taasan ng kilay ang lalaking nahagip ng aking mga mata.

Ashmer Guieco. Tsk.

Ikaw at ako? Hell! Ah, yeah kasi never kaming magkakaroon ng happy ending.

Ending, yeah, but happy? Isa iyon sa mga imposibleng mangyari sa mundong ito.

Umikot siya sa likuran ko at niyakap ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang kumalas. Ipinatong niya pa ang kaniyang panga sa balikat ko.

"Ash, nababaliw ka na ba?" asik ko.

Hindi ako makakilos dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napakuyom ako dahil sa nararamdaman kong inis at pagkadismaya sa aking sarili. Alam ko namang mali itong eksena namin ngayon ngunit hindi ko man lang kayang umalma.

"Sa 'yo? Oo, Marciella Perrer."

"Jerk, haduf!" sunod-sunod na mura ko.

Napapalatak naman siya. "Language, pretty babe."

Kumalas ako mula sa kaniyang pagkakayakap at tumayo na. Malamya ko siyang tinitigan.

"Nasa pool tayo, 'di ba?"

"Yes, why?"

"Paano kung may makakita sa atin dito at isumbong tayo kay Percy? Kahit wala akong ginagawang masama ay madadamay at madadamay ako sa kalandian mo, Ashmer Guieco!" panenermon ko sa kaniya.

Malamig ang titig na ibinigay niya sa akin habang walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha pero walang epekto 'yon sa 'kin. Hindi man lang ako natinag. Kung sa iba niya ito ginawa ay baka tumakbo na kaagad papalayo sa kaniya.

He's recognized for his icy gaze that can send shivers down anyone's spine and his consistently serious and emotionless expression. This has led to him being dubbed the "robot boss" in our compound.

But honestly, his demeanor varies drastically when it comes to others and when he's around me. To everyone else, he's an unapproachable, intimidating boss, but in my presence, he transforms into a mischievous and charming robot.

"The door is closed," aniya at itinuro ang main door.

Well, sarado nga. Alam ko naman, haduf 'to!

"And? Baka nakakalimutan mo na girlfriend mo ang best friend ko. Huwag mo akong tinutukso."

Tukso? Okay, mukhang wrong choice of words tayo, Marciella.

"So, natutukso ka sa akin, gano'n?" nang-aasar pang tanong niya.

Napairap na lang ako at humalukipkip. Wala akong balak na makipag-asaran sa kaniya sa ganito kaaga.

"C'mon, Ash, sinong hindi?" pag-aamin ko pa.

We don't really hide anything from each other. We're true to our feelings, but there are just some truths that are painful, and neither of us wants to accept them.

Humakbang siya papalapit sa 'kin. Napaatras naman ako. Humakbang siya ulit, umatras na naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan dahil tubig na ang kababagsakan ko nito. Yakap ko pa ang laptop ko kaya 'di puwedeng mahulog ako sa pool. Maraming school-related files ang nandidito.

Jusko lord! Bakit ba ganito ang lalaking ito? Nagkakasala ako kay Percy dahil sa robot niyang boyfriend mismo, eh.

Hinapit niya na nga ang baywang ko papalapit sa kaniya. Akmang hahalikan niya ako pero naiharang ko kaagad ang aking laptop sa pagitan ng mga mukha namin.

No, hindi na tama ito. Oh tukso, layuan mo ako!

Itinulak ko siya nang malakas. "Ash naman, eh! Huwag mo nga sabi akong inaano!"

"Inaano ba kita?" Umangat pa ang gilid ng labi niya na halata namang pinipigilang matawa.

"Ewan ko sa 'yo! Gags ka!"

"I gags you too." Napataas-kilay naman ako.

"Anong sabi mo?" asik ko naman.

"Ayaw mo namang maniwala kapag sinasabihan kita ng I love..."

"Cut it off," putol ko sa sasabihin niya.

While "I love you" may bring joy to some, for me, it's like a dagger that sinks deeper into my heart with every utterance, inflicting more pain.

"See? Kaya I gags you na lang. Gags means love," bulong niya pa sa akin.

Siniko ko naman siya. "Mga pauso mong alien ka!" sigaw ko saka tinalikuran na siya.

"Gags you!" sigaw niya rin sa nang-aasar na tono.

"Gags mo mukha mo, Ashmer Guieco!"

Tumawa lang naman ang nyawa. Padarag na binuksan ko ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat nang magsisubsuban sa lapag sina Gabriella, Jeannie, Kenshane at Crystal. Sila ang ilan lamang sa mga kasamahan kong GC agents.

Mga chismosa talaga!

"Oh? Ginagawa niyo?" seryosong tanong ko.

"Ah, hi, boss," sabay-sabay nilang bati.

Boss? Ako o si…

Awtomatikong na napalingon ako at muntik pang maglapat ang kaniyang bibig sa pisngi ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Napaurong naman agad ako palayo.

Naku, naku, naku! Mababaliw talaga ako sa kaba dahil sa kalandian ng lalaking ito, eh.

Mabuti na lang din at hindi nakita ng mga haduf ang nangyari dahil abala sila sa kakapagpag ng mga damit nila na para bang duming-dumi talaga.

Ang sabihin niyo, natakot lang kayo sa amin. Zsss! Mga style niyo, bulok!

"Anong ginagawa ninyo rito?" seryoso niyang tanong sa apat. Mukhang nasindak naman sila.

Buti nga sa inyo.

"Ahh, n-napadaan l-lang kami, Kuya Ashmer," sagot ni Kenshane. Siya lang ang may lakas loob na sumagot dahil magpinsan naman sila.

Napakapit pa sa laylayan ng damit ko ang kambal kong si Gabriella na nuknukan din ng kalokohan sa katawan. Hindi kami identical twin at mas lalong opposite din ang personality namin.

"Sus! Napadaan ba talaga o naghahanap lang kayo ng mapagchismisan sa ganito kaaga? May pinag-usapan lang kaming misyon kaya kami nag-uusap, 'di ba, boss?"

Pinanlakihan ko naman siya ng mata para kumbinsihing makisama sa alibi ko.

"Ah, yeah. She's telling the truth."

Gusto kong mapairap at suntukin siya dahil may diin talaga ang salitang 'truth'.

"Ahh, misyon naman pala," sabay-sabay na namang saad nila.

Pala? So, may ibang ina-asumme nga sila na ginagawa namin?

"Hey guys! Anong ganap? Almost 5:00 a.m pa lang, ah?" untag sa amin ng kakarating palang na si Percy.

Clad in short shorts and a sports bra, she flaunted her incredibly alluring physique. Evidently, she had just awakened, her hair slightly disheveled, yet she exuded the allure of a fashion model at this very moment.

Her fashion sense stands worlds apart from mine. I often embody the quintessential nerd, comfortable in my oversized shirts and unisex shorts.

"Wala naman, Percy. Nag-uusap lang kami tungkol sa ng mga bagay-bagay na nangyayari dito sa camp saka maliligo rin kami, 'di ba? Maliligo tayo, 'di ba?" asik ni Crystal sa tatlo na mukhang lutang-lutang pa ang diwa.

"Oo, maliligo pala tayo, ano?" segunda ni Gab.

"Oo nga pala," sabay na sang-ayon ni Jeannie at Kenshane.

Ayan na naman 'yang may salitang 'pala'. Linyahan ng mga halata.

I let out a subtle laugh. It appeared they were merely going along with Crystal, and it was quite evident that taking a swim wasn't their true intention.

They might have been on their way to the dining area when they spotted Ash entering, sparking their curiosity. Alternatively, they could have overheard my earlier outburst.

"Ah, sabay-sabay na tayo... Oh? Hon? Nandito ka rin pala. Good morning."

Napaiwas naman ako ng tingin nang maghalikan sila sa harap mismo namin. Ang apat ay napatakip pa ng kanilang mata.

"Goodness gracious, you two! You're making me blush!" Jeannie exclaimed.

"My goodness! What did I just witness, huh?" Crystal commented, her voice filled with surprise.

"I couldn't shield innocent eyes," Gab complained, looking a bit embarrassed.

"Go and get a room, lovebirds," Kenya teased as they entered the pool area, adding a touch of playful awkwardness to the situation.

"Hi, Marciella! Good morning din sa 'yo," bati rin ni Percy sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Napapitlag pa ako at bahagyang napaawang ang aking bibig dahil hindi ko inaasahan iyon.

Kemeng ngumiti na lang ako. "Good morning," tipid kong saad.

"Maliligo ka rin ba?" tanong niya.

"Hindi."

"Hindi 'yan naliligo. Kambing," sabat ni Ashmer sa seryosong tono pero alam kong trip niya talagang buwisitin ako sa araw na ito. Imbes na patulan ito ay binalewala ko na lang.

Ngumiti sa akin si Percy, sanay naman din siya sa pagiging seryoso ko sa lahat ng bagay. Pareho lang kami nitong boyfriend niyang haduf.

"Maliligo na muna ako, ha? Bye muna," paalam niya pa sa amin at hinalikan uli si Ashmer bago tuluyang umalis.

"Anong sabi mo?" kompronta ko sa nyawa. "Kambing? Baka gusto mong sumama sa aking maligo para alam mong thrice a day akong naliligo?"

"You know I would love that, Ell," nakangisi niyang sabi. Lumabas na naman ang pilyo niyang personality sa harap ko.

Hindi na lang ako umimik pa at baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin. Napatitig ako sa pool. Nag-aasaran lang naman ang mga kasamahan namin. Para silang mga kindergarten na first na maligo rito.

"Bakit?" asik ko nang mapansing napapasiring ng tingin ang haduf na lalaking ito sa akin.

Nahuli ko pa siyang nakatingin sa labi ko. Pinigilang kong mapalunok para hindi niya mapansin ang tensiyon na nararamdaman ko kanina pa.

"We kissed," saad niya na ang tinutukoy ay si Percylla. Napakuyom naman ako nang pasimple.

Relax, heart. Relax ka lang.

"And? Why would I care?"

"She kissed you kaya..."

"Feeling mo! Cheek lang 'yon saka siya ang humalik sa akin at hindi ikaw."

"Wala naman akong sinasabing ako pero parang gano'n..."

"Ang pabebe mo talaga. Sungitan mo nga rin ako tulad ng pagsusungit mo sa lahat, dali! Mas mabuti pa ang gano'n, eh."

"Ayaw ko nga. I gags you, remember?"

"Gags mo mukha mo!"

Akmang tatalikod ako sa kaniya para umalis na nang pumasok ang kaniyang kapatid na si Kenya.

"Hey, Marci, maligo ka na my pretty friend, may evaluation tayo, remember? Bawal ma-late."

Napasapo naman ako sa aking noo. "Oo nga pala, ano oras?"

"Right after the flag raising ceremony. Mauna na ako, ah? Baka hinahanap na ako ng asawa kong chairman," sabi nito sabay kindat sa akin. Halatang proud sa married life niya.

"Okay," sagot ko at tinapunan ng tingin ang nananahimik na Ashmer. Wala naman sigurong balak umalis ang isang ito. Baka hinihintay niya pa si Percy.

"What?" asik niya.

"Pasuyo naman," sabi ko sabay abot ng laptop ko sa kaniya. May password naman kaya hindi niya mabubuksan kung sakaling saltikin siya.

"Ngayon ay bait-baitan ka?"

"Please?"

"Lagay mo na diyan sa lapag."

"Nyawa ka talaga kahit na kailan. Huwag na nga lang."

"Akin na nga, 'di mabiro." Inagaw pa talaga sa akin. "Mag ba-bra ka lang din ba?" dagdag tanong niya pa sa kaswal na tono.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Manyak talaga ang isang ito. Kung hindi lang siya guwapo at matino tingnan ay ini-report ko na siya sa mga pulis.

"Hindi. Nandito ka, eh. Baka manyakin mo pa ako sa harap nila. Saka puwede ba? Mga babae ang nandidito, umalis ka na. Baka mapagkamalan kang bakla."

"What?!"

"Sige, gags! Lakasan mo boses mo. Nasa pool lang ang girlfriend mo, oh," nang-aasar kong saad at tumalon na sa pool.

One of my secret talents, kept from everyone, is my capacity to remain underwater for several minutes. That's why I'm relishing the tranquility in the deepest section of the pool. It's quite deep, and I submerge myself until I touch the pool's floor.

I even sat in an Indian-style position and closed my eyes. It's incredibly relaxing. My day has already begun with stress. I can't believe I'm bothered by Ash's flirtatious behavior. My goodness.

Nag-isip na lang ako ng magandang pangyayari sa buhay ko para naman mawala 'yong negativity sa paligid.

Bigla ko lang naalala ang isa sa kulitan namin ni Ashmer noong maayos pa ang lahat sa pagitan namin.

"Ash, anong ginawa mo sa mukha ko?" naiiyak kong asik habang nakatitig sa sarili kong reflection sa salamin.

"Eh? Sabi mo make-up-an kita, 'diba? Sorry, cyan lang ang kaya ko, Ell."

"My God! Mukha na akong clown!".

Foundation day pa naman ngayon. Wala pa kasi 'yong mga baklang mag-aayos sa akin kaya inutusan ko siya na ayusan ako kasi ang sabi niya naman marunong siya.

"Ayaw mo ba? Wait lang, 'wag kang umiyak, buburahin lang naman natin 'yan, eh."

Natatarantan siyang kumuha ng wipes para tanggalin na ang make-up sa mukha ko pero pinigilan ko siya.

"Huwag muna, picture muna tayo."

"Sige."

"Pero dapat may make-up ka rin."

"Eh?"

"Sige na, please?"

"Sige na nga," napipilitan niyang saad. Kaya naman ginawa ko rin siyang clown pagkatapos ay pinagtawanan.

Bahagya pa akong natawa dahil sa ala-alang iyon. Gulat na gulat sa mga hitsura namin ang nakaabot sa amin sa ganoong sitwasyon.

Napamulat ako nang may humawak sa akin. Naputol tuloy ang aking pagbabalik tanaw sa kalokohan namin noong high school pa lang kami.

Bumungad sa paningin ko ang mukha ng lalaking nasa ala-ala ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin at hinila ako pataas.

Nang makasampa na kami ay malakas na batok ang ibinigay ko sa kaniya dahil sa inis. Sinira niya lang ang self-remediating ko. Mukhang nagulat pa siya pati ang kasamahan namin kabilang na si Percy dahil sa ginawa ko.

"Bal, ayos ka lang ba? Akala namin ay nalunod ka na, eh." Bakas sa mukha ni Gab ang pag-aalala.

Ah, okay. Kaya pala feeling hero ang isa dito, eh.

"Gab naman. Lunod? Sa pool? Tsk," asik ko at umahon na lang ako. Sumunod naman ang lalaking haduf sa akin.

"Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa 'yo!" sigaw niya pa sa akin.

Lahat kami ay napanganga. Mukhang agad namang nag sink-in sa kukuti niya ang kaniyang binitiwang linya kaya napadapo ang tingin niya kay Percy na malapit lang din sa puwesto ko. Mukhang confused din ito sa nangyayari.

"Huwag mong sigawan si Marcie, hon. Calm down, okay?" pangkakalma nito sa kaniyang boyfriend na bigla na lang naninigaw. Hindi naman din ako nakapagsalita.

"Lalo na ikaw Cylla at ikaw din Kenshane," dagdag pa ng haduf na Ashmer. "Bakit kasi dito pa nagsiligo sa pool eh may mga shower room naman?" aniya pa at umalis na.

Naiwan kaming pare-parehong hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa 'yo!"

Yeah, yeah, yeah whatever. Naniwala ka naman Marciella sa kayabangan ng Ashmer na iyon?.Sadyang malandi lang siya kaya 'wag na 'wag kang magpapalandi.

Kailan niya ba kasi ako lulubayan? May usapan na kami, eh!

Bago pa mahalata ng lahat ang frustration sa aking pagmumukha ay lumabas na din ako at dumiretso ng Flat. Tumakbo na rin ako kasi nararamdaman ko na ang panunuot ng lamig sa aking katawan. Mahina pa naman ang tolerance ko sa lamig.

Akmang pipihitin ko na ang door knob ng pinto ng flat ko nang may tumawag sa'kin.

"Ell!"

Napapikit ako dahil sa boses na 'yon. Naaasar ko siyang nilingon.

"Ano?"

"Laptop mo," mahinahon niyang saad.

Napalunok pa ako nang masaksihan ko kung paano niya sinuyod ang kabuuan ko. Nagtama ang aming paningin. Parang natutunaw ako sa paraan ng kaniyang titig.

It's weird, but when we look at each other, it feels like we're cheating on Percylla, and it hurts that I can't clear my own doubts.

"Akin na, salamat!" Pagkakuha ko ay agad na pumasok na ako.

How can I steer clear of my extremely seductive boss? I have to run fast to escape from him.

(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

My day turned out fine despite a not-so-great morning. When I got back from MHIS, I thought I'd chill for a bit to clear my mind. I'm also reading a book as part of my relaxation, hence the one in my hand right now.

Napaigtad ako nang may biglang tumabi sa akin. Nasa GC Garden ako at isang tao lang naman din bukod sa'kin ang palaging nandidito rin. Sa kanya ito eh, siya nagpagawa nito. Nakiki-share lang naman ako.

Wow! Bakit parang pati salitang 'share' ay double meaning na rin? Masyado na yatang toxic itong utak ko, ha?

"Nasaan ang phone mo?" panimula niya.

"Nasa bag ko? Bakit?" tugon ko na nasa libro ang tingin. Kinuha niya iyon at itinabi.

"Kapag kausap o kasama mo ako, dapat nasa akin lang ang atensiyon mo. Hindi sa mga weird na genre mong libro."

Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. "At bakit? Boyfriend ba kita at girlfriend mo ba ako? Hindi naman, 'di ba?"

Mga mata niya naman ang nanliit. "Wala akong sinabing gano'n, Marciella Perrer.  Puwede bang dalhin mo palagi 'yong cellphone mo. Lagi na kitang iti-text o kaya ay tatawagan."

Gusto ko siyang irapan dahil halata namang inaasar niya lang ako. Alam naming pareho na hindi niya gagawin iyon dahil hindi dapat.

"Sumasakit ang panga ko sa 'yo, Ash. Bakit ba ayaw mo pa akong lumabayan, ah? Paano ako magkaka-love life kapag palagi kang nakabuntot?"

"Bawal kang mag-love life hangga't hindi pa kami kasal ni Cylla."

"Aba, Unfair mo naman," asik ko sabay irap sa kalawakan. "Ikaw nga may girlfriend tapos ako bawal? Bawal, your face! Nagpapahanap ng ako kay Kenya ng puwede kong maka-blind date, 'no?" kaswal na dagdag ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong balak at hindi ako interesado sa mga nirereto sa akin ng kaniyang kugtong na kapatid.

Napangiwi naman siya. "Sige lang, tingnan natin."

"Anong tingnan natin, ha?"

Nakakabuwisit talaga ang lalaking ito.

"Lahat ng idi-date mo ay padadalhan ko ng death threats," aniya habang sa kalawakan din nakatingin.

Napairap na talaga ako sabay hampas sa kaniyang braso. "Abnormal ka talaga! How about isumbong na lang talaga kita sa kay Percylla, ha?"

"Isumbong? Samahan pa kita, gusto mo?"

Bakit ginaganito mo ako, Ashmer? Nag mo-move-on na ako, eh! Gusto na kitang kalimutan. I seriously want to forget everything about you.

Humugot ako ng lakas bago nagsalita.

"Tapatin mo nga ako Ash, just be honest this time. Ano ba talaga ako para sa 'yo, ha?"

Mataman na tinitigan niya pa muna ako sabay singhap. "Hindi ba at nasagot ko na 'yan? Ayaw mo lang maniwala, eh. Gusto kita."

"At sino ang mas matimbang sa 'min ni Percy?"

"Siya." Walang alinlangan niyang sagot.

Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Oh, 'di ba? Kaya layuan mo na ako," mahinahon kong saad.

"Mas sexy ka kasi sa kaniya kaya mas matimbang siya sa 'yo."

I furrowed my brow as I contemplated his reply in my mind.

Is he actually discussing our physical weight? Aish, this jerk!

"Umayos ka nga sa mga sagutan mo na 'yan! Hindi nakakatuwa 'yang humor mo!" gigil na singhal ko sabay batok sa kaniya.

"Aray ko, ang brutal mo talaga."

"Kakainis ka, eh."

"Mahal ko si Percy pero ikaw ang gusto ko."

Nasapo ko na talaga ang batok ko. Literal na mababaliw yata ako sa lalaking ito.

"Alin ba ang mas lamang sa gusto at mahal, Ash? Wag kang ngang utak alimasag diyan! Kawawa ang mga brain cell ko sa 'yo."

Tumawa naman siya at umakbay sa 'kin. Nagpumiglas ako pero wala eh mas malakas talaga siya.

"Cute mo talagang maasar."

Hindi ako cute. Maganda ako. Gandang hindi mo nakikita, zsss!

"Ang labo mo kasing kausap."

"Ang low gets mo."

"Ang complicated mo."

"Tsk, ibinigay ko lang sa 'yo ang gusto mong makuhang sagot mula sa akin, Marciella," makahulugan niyang tugon. Hindi naman ako nakaimik. "Hindi ka naman interesado sa totoong nararamdaman ko, 'di ba? You even forced me into this situation."

Tila ba tuluyan kong nalunok ang aking dila. May katotohanan naman ang sinasabi niya. Nasa ganito kaming sitwasyon dahil sa aking naging desisyon pero hindi ako nagsisisi.

Sacrificing is the sole path to shield Percy from pain. I must guard her heart at any expense, even if it means letting her be with the man we both love. Even if I have to endure pain forever, I can handle it, regardless.

"Tsk! Anong gamit mong lotion?" untag niya sa akin. Halatang pilit na iniiba ang usapan. Mas mabuti nga ang gano'n.

"Pakialam mo ba?"

"Nagtatanong lang, eh."

"Secret. Ayaw kong sabihin."

Napanguso naman siya at inamoy at nilaro-laro pa ang buhok ko. Gags talaga. Ang hilig niya talagang gawin 'yan sa 'kin. Minsan pa nga ginugulo niya pa ang buhok ko tapos ay susuklayin gamit ang kaniyang mga daliri.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang sakit niya sa panga, my goodness!

"Ash," untag ko sa kaniya.

"Hmmm?"

"Ibili mo nga ako ng libro. Wala na akong mababasa, eh. Tinatamad akong mag-online shop at tinatamad din akong lumabas," iba ko rin sa usapan.

"Kiss muna."

Hay naku! Puro kalokohan.

"Huwag na nga."

He chuckled, and his arm wrapped around me, transforming into a comforting hug. This man exudes remarkable charisma and self-assurance. If he were someone else, his soul might have soared by now. He's the only one who has this effect on me.

"Sige na, bukas bibilhan kita. Tapos mo na ba 'yong ibinigay ko sa
'yong mga libro noong galing akong Paris?"

"Oo, lima lang naman 'yon, eh," saad ko sabay tingala sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.

"Grabi sa lang, ah? May dalawang libro akong bago, ikaw muna magbasa then after mo ay ako naman."

"Talaga? Genre?"

"Mystery-Thriller. Iyon lang naman ang paborito mo."

Palagi niya talagang kino-consider kung magugustuhan ko ba ang binibili niyang libro dahil alam niyang hihiramin o hihingiin ko lang din naman.

"Cool. Ibigay mo na mamaya sa 'kin."

"Oo na po. Kakasabi lang, eh."

"Excited lang ako."

If there's one thing we both loved to do, especially when we were bored, it was reading. Back in our childhood, our mothers often recounted stories about how we did it frequently. I took turns being the storyteller, and he did too.

To be honest, I can't recall much about those times. What I do remember vividly is my 18th birthday. He gifted me ten romance novels, purely to poke fun at me because, of all the genres, that was the one I disliked the most. I found it boring and couldn't stand the fairy tale concepts.

However, his mischievous gift actually brought me closer to romantic stories. Now, I'm open to reading all genres with no particular preferences, though I have to admit that action still excites me the most.

"Palagi ka namang excited kapag libro ang usapan. Kawawa magiging asawa mo. Laging magseselos at magagalit sa 'yo."

"That's why I need to find a man who can tolerate my book addiction. At least, books lang ang magiging karibal niya at hindi tao."

"I can bear with your book addiction..."

"Mukha mo," putol ko sa sasabihin niya, patutsada na naman 'yon.

Alam ko na ang liko ng bituka ng lalaking ito eh. Natawa lang ang haduf.


"Ash?"

"Yes?"

"Puwedeng kumalas ka na sa 'kin bago ko pa maputol ang kamay mo?"

"Ayaw."

"Isa," asik ko pa pero parang wala siyang narinig. "Dalawa," pagpapatuloy ko. Wala pa rin. Nakatingala lang siya sa kalangitan. "Tat..."

"Ayan na nga, bibitiw na, damot!"

"Gags ka ba? Sumasakit talaga panga ko sa 'yo! Akin na 'yang libro ko."

Tumayo na ako at akmang kukunin ang libro na nasa tabi niya pero mabilis na nakuha niya iyon at itinaas.

"Ash naman! Kainis ka talaga."

"Agawin mo muna."

"Ano ako bata?" Humagalpak naman siya ng tawa. "Bahala ka nga, hatid mo 'yan sa Flat ko! Masama pakiramdam..."

"Heto na nga," aniya sabay abot sakin ng libro. Inilapat niya pa palad niya sa noo at leeg ko na para bang sinusuri kong may lagnat ako.

"Ginagawa mo?"

"Sabi mo masama pakiramdam mo? Inom ka kaagad ng gamot, kumain ka na ba?"

Natawa naman ako. "Crazy. Hindi lahat ng masama ang pakiramdam ay dahil sa lagnat. Ibang sama ng pakiramdam ito," biro ko pa. Napansin ko ang biglaang pagseryoso ng kaniyang mukha.

"It's not easy to pretend that everything is okay between us, is it?" tanong niya pa.

Marahan akong tumango para sang-ayonan ang kaniyang tanong.

"Yeah, but you understand why we chose this situation, right?" pangugumpirma ko naman.

"Why can't I choose you? You know I'm doing everything I can to stay with Percy because of you, don't you?"

There was only silence. Complete silence.

"Let's not talk about this, Ashmer, if you want to keep talking to me."

"Marciella, I just can't seem to understand you."

"I don't either, but look." I closed my eyes, overwhelmed by a whirlwind of emotions. "We can't be together, okay?"

"I'm starting to accept that, but please keep your promise. Stay by my side, even if I end up marrying her."

I felt as if I'd been pinned from where I stood. I swallowed hard, unable to calm the racing of my heart.

I promised to remain his close friend, but not in the way he imagines. Now, I'm afraid of getting entangled in such a forbidden affair.

No, I can't allow that. Nothing like that can happen.

"What are you talking about? Diyan ka na nga! Ang promise mong libro, ha?" asik ko sabay naglakad na paalis.

Haduf na buhay ito! Nagmumukha akong kontrabida sa isang nobela. Zsss!

I'm trying to distance myself from temptation, but it's the temptation itself that keeps getting closer to me.

Ewan, ang sakit sa panga.


(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)
Vote. Comment. Follow.

NOTE:
MUST READ FIRST
Guieco Clan Series 1
Wild Night With My Stranger
Kenya Guieco and Dailann Mhinn

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
399K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
698K 15.1K 40
Status: Under Editing Start Posted: February 12, 2017 End: March 17, 2018 Obsessed, ruthlessly and dangerously man better known to her brother. Lahat...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...