BROTHER-IN-LAW ✓

By TheRealMinieMendz

246K 6.4K 377

Happy married ang status ng relationship nina Heaven and Balagtas. Sa apat na taon na magkarelasyon ay never... More

BROTHER-IN-LAW
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

17K 506 23
By TheRealMinieMendz

Chapter nine

Nagising si Baltazar mula sa pagkakatulog ng dakpin ng pulisya. Nagwawala ito at nang makalabas ay napatigil ito bago napatingin sa kanya at sa katabi niya. Tinatagan niya ang loob na tignan ito ng matatag pero nang makita ang sakit sa mata nito ay bigla siyang nakadama ng sakit.

"Anak, ano ba 'tong ginawa mo? Bakit mo nagawa sa kapatid mo iyon?" umiiyak na sabi ni Mommy Chonna habang nanghihina na hinahampas si Baltazar sa katawan. Napaiwas siya ng tingin dahil nakatitig pa rin ito sa kanya habang namumula ang mata sa para bang nasasaktan ito ng malamang nabuking na ito.

"Dahil gusto niya si Heaven noon pa, Mom." madiin na sabi ni Balagtas kaya napatingin siya rito, "hindi ba tama ako?" napangisi ito, "noon mo pa pinagnanasahan si Heaven. Hindi ka lang makaporma dahil mahal niya ako at balewala ka lang."

"Ano naman kung ganon nga? Sa akin pa rin naman siya mapupunta." tugon ni Baltazar.

"Kung mangyayari pa iyon? Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin." sinenyasan ni Balagtas ang mga pulis, "dalhin niyo na iyan at 'wag na 'wag palalayain." dagdag pa nito.

"Ano ba naman kayo mga anak?! Bakit ba kayo nagkakaganito?!" sigaw ng ama ng kambal.

Hindi na naawat ang paghuli kay Baltazar. Para bang nakadama siya ng sakit at hindi niya maintindihan ang sarili.

"Sisihin niyo ang sarili niyo, Mom at Dad. Pinatapon niyo sa amerika si Baltazar dahil mali kayo maghati ng atensyon sa aming dalawa!" nabigla siya sa sinabi ni Balagtas sa magulang nito. Napahinto naman ang mga magulang nito at napaiyak, "akala niyo ba gusto ko na ako pinupuri niyo pero siya kahit na mas matalino siya sa akin ay hindi niyo man lang napupuri ang gawa niya. Kaya minsan lumalayo sa akin si Bal dahil nagseselos siya sa akin. Walang nagmamahal sa kanya." sabi pa nito.

"Hindi ganon iyon, Anak. Mahal namin kayong pareho.." sabi ng Mom nito.

Umiling si Balagtas, "Sinasabi niyo lang 'yan ngayon pero ako ang saksi kung paano sumasaya si Baltazar sa barkada niya na hindi niya mahanap sa pamilya natin. Sinusundan ko siya tuwing magkaka cutting class siya. Pumupunta siya sa mga barkada niya na tinuturing siyang kapatid at kaibigan. Nang mahuli niya ako na sumusunod sa kanya ay hiniling niya na huwag sabihin sa inyo at pinapaalis niya ako. Pero makulit ako at patuloy na sinusundan siya dahil ayokong mapahamak siya. Naiinis ako sa inyo dahil sa inyo kaya lumalayo din ang loob niya sa akin. Kaya niya nagawa ito ay dahil sa inyo. Kaya huwag niyo kaming sisisihin kung bakit siya nakakulong ngayon. Dahil sa inyo iyon."

Matapos sabihin ni Balagtas iyon ay umalis ito sa harap ng magulang nito. Hindi niya alam kung mananatili pa ba siya, pero agad na sinundan niya si Balagtas.

"Balagtas." tawag niya rito.

"Huwag mo akong sundan, Heaven. Gusto kong mapag-isa." sabi nito na kinatigil niya. Hindi na siya nito tinatawag na Mahal. Hindi niya mapigilan na masaktan sa lahat ng narinig niya at nalaman. Hindi niya alam kung ano na nga ba ang mangyayari sa kanya.

-

Pagkatapos ng pangyayaring bumago sa buhay ni Heaven ay pinilit niya na makipag-ayos kay Balagtas. Napatingin siya rito na nagbabasa ng libro at nakaupo tila ba wala lang siya sa tabi nito. Nalulungkot siya dahil nandito nga ito ngunit parang wala rin.

Tumayo siya at tinignan ito na nananatili sa libro ang mga tingin.

"Pupuntahan ko lang si Alice." paalam niya rito.

"Okay." nilipat nito sa next page ang aklat at tumingin sa kanya, "may pamasahe ka ba? Kung wala pahihiramin kita." ambang kukunin nito ang wallet ay pinigil niya agad ito.

"Hindi na. May pera naman ako."

Nakiba't-balikat ito, "Okay. Ingat."

Napalunok siya at napatango, "Aalis na ako." aniya at umalis. Paglabas niya ng bahay ay hindi niya mapigilan na mapaiyak. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya at nasasaktan siya dahil kahit na bumalik nga ito sa tabi niya, parang lumayo na ang loob nito sa kanya.

Nagpahid siya ng luha at naglakad palabas ng village. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid papunta kela Alice. Mula ng mangyari na nagtampo sa kanya si Alice ay hindi na ito dumadalaw o kinakausap siya. Ito na lamang ang malalapitan niya. Gusto niyang hingin muli ang payo nito.

Nang makarating sa bahay nito ay bumaba siya ng makapagbayad. Nang makaalis ang taxi ay lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Maya-maya pa ay lumabas ito kaya ngumiti siya, pero agad nawala ang ngiti niya ng makitang may pasa ito sa mukha.

"Alice, anong nangyari sa 'yo?" tanong niya.

"Anong ginagawa mo rito?" umiwas ito ng tingin ng magtanong din ito.

"Gusto kong makausap ka.. At ang pasa mo.."

"Wala lang ito. Makakaalis ka na." ambang tatalikod ito ay nagsalita siya.

"Nag-iisa nalang din ako." aniya at napayuko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya ito at napaluha siya, "Buhay si Baltazar, at ang Balagtas na nakakasama ko ay ang tunay na Baltazar."

Nakita niyang nagulat ito at hindi makapaniwala. Pinapasok siya nito at doon sa loob ito nagpakwento.

"Paanong nangyari na si Baltazar ang kasama mo at hindi si Balagtas?" tanong nito.

"Lumitaw si Balagtas ng gabing anibersaryo nina Mom. Nalaman ko ang totoo sa kaniya at nakilala ko siya. Sobra akong lutang na lutang sa natuklasan ko at hindi ko alam ang sasabihin kay Balagtas kung paano ako nagsisisi at hindi ko man lang nalaman na ang kakambal pala niya ang kasama ko."

"Grabe! Sabi na nga ba at hindi maganda ang pakiramdam ko sa Balagtas na nakakasama mo. Iyon pala ay ang hate na hate kong kakambal ni Balagtas." gigil na ito habang nagsasalita, bigla naman itong napatingin sa kanya na tila sasagap pa ng chismis, "so, anong nangyari pagkatapos? Anong nangyari sa kambal?"

Napahinga siya ng malalim at hindi niya maintindihan ang sarili na isipin kung kumusta na kaya si Baltazar sa kulungan.

"Pinakulong ni Balagtas si Baltazar." aniya na mahina ang pagkakasabi.

"Buti nga! Bagay lang sa kanya iyon, Bes. Buti naman at nakahanap ng katapat ang mayabang na 'yon." tuwang-tuwa pang sabi ni Alice. Bigla siyang nakadama ng awa kay Baltazar. Ayaw niya na may nakikitang tao na nalaman na nakakulong ito at sasabihin na nababagay rito ang makulong.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" tanong nito at umusod pa palapit sa kanya, "huwag mong sabihin na nasasaktan ka at nakulong iyon? Mahal mo na ba siya, Bes?"

Napayuko siya at napaiyak, "Sa ngayon, hindi ko alam, Alice. Naguguluhan ako. Ngayong nalaman ko ang totoo at nakasama ko muli ang totoong Balagtas, nag-iba naman ang lahat. Malamig na ang pakikitungo sa akin ni Balagtas pero nandoon pa rin siya at concern sa akin.. Hindi ko ma-feel na nandoon siya."

"E, si Baltazar? Namimiss mo?" Tumingin siya rito at tumango siya na kinailing nito, "ano ba ang kamandag ng hayop na Baltazar na 'yon? Matapos ng ginawa niya ay namimiss mo?"

"Hindi ko rin maipaliwanag. Ngayong nakakasama ko si Balagtas, wala na doon ang dati kong nararamdaman. Para bang isa nalang kilala ang nararamdaman ko. Hindi ko naman alam kung bakit ako nasasaktan sa pandededma niya? Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hinahanap ko naman ang pagiging mahigpit sa akin ni Baltazar? Parang mas gusto ko pa ang trato sa akin ni Baltazar, dahil alam ko na kaya niya ginagawa iyon dahil ayaw niya ako mawala."

"Natumbok mo na, Bes." ani ni Alice kaya nagtataka na tinignan niya ito.

"Mahal mo na si Baltazar at hindi na si Balagtas. Mas minahal mo ang brother-in-law mo kesa sa tunay mong asawa. Mas mahal mo ang ugaling magaspang ni Baltazar kesa sa maginoong si Balagtas."

Natigilan siya sa sinabi ni Alice. Mahal na nga ba niya si Baltazar? Ang Brother-in-law niya?

Tinapik siya ni Alice kaya nagbalik siya sa sarili. Ngumiti ito ng tipid.

"Tapusin niyo na ang sa inyo ni Balagtas kung wala na ang dating pagmamahalan niyo. Sasaktan mo lang ang sarili mo lalo't sa puso mo ay iba na ang nilalaman nito." turo nito sa dibdib niya.

"Pero anong dapat kong gawin? Paano kung masaktan ko si Balagtas? Nakokonsensya na nga ako dahil pinagtaksilan ko na, tapos iiwan ko pa siya."

"Bes, linawin natin ha." ani nito at hinawakan siya sa kamay, "hindi ka nagtaksil. Dahil in the first place biktima ka dito. At kausapin mo si Balagtas. Sabihin mo ang tunay mong damdamin. Dahil kung mananatili ka sa kanya pero wala ka naman nararamdaman na, masasaktan mo lang siya lalo. Mainam na tapusin niyo na kung ayaw mong matulad sa akin." payo nito.

Ngayon na buksan nito ang topic tungkol rito ay nag-alala naman siya para rito.

"Ano nga ba nangyari sa mukha mo? Bakit ka may pasa?" tanong niya.

"Gawa ng ex ko. Ang walanghiya! Nahuli ko ba naman na dito pa gumagawa ng milagro kasama ng kabit niya. Kaya ng sabunutan ko ang kabit niya ay sampalin ba naman ako at sapakin. Edi pinapulis ko sila. Ngayon ay malaya na ako dahil mabuti hindi ko nabigay sa gagong 'yong ang puri ko."

Bigla naman siyang nakonsensya dahil may dinadala pala itong mabigat na problema pero hindi niya alam. Palagi ito ang nagbibigay ng payo pero siya ay wala man lang magawa para rito.

"Sorry, Bes. Wala man lang ako maitulong sa 'yo." aniya na nakonsensya.

"Ano ka ba! Sa atin dalawa ay ako ang malakas. Kaya hindi mo na dapat ako alalahanin. Ang sarili mo at ang baby d'yan sa tiyan mo ang dapat mong isipin. Malapit ka nang manganak. Ano na ang plano mo?"

Napaisip siya sa sinabi nito at sa totoo lang hindi niya napaghandaan lahat. Napakabilis ng pangyayari at hindi niya akalain na mangyayari sa kanya lahat ng ito.

"Sa ngayon hindi ko pa alam.. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimulang tapusin ang sa amin ni Balagtas."

"Gusto mo bang samahan kita?"

Umiling siya sa alok nito, "Hindi na. Kaya ko na ito. Salamat sa lahat, Alice."

"Wala iyon.. Best friend mo ako, kaya tutulungan talaga kita kahit anong mangyari." sabi nito. Napangiti naman siya at niyakap ito. Nagpapasalamat siya at may best friend pa rin siyang katulad ni Alice. Paano nalang kaya kung wala? Paano na siya?

-

Umuwi siya para ayusin na niya ang lahat. Nag-taxi siya pauwi at pinapasok niya sa village. Nag-iisip siya kung paano niya sisimulan sabihin kay Balagtas ang lahat. Natatakot siya na masaktan niya ito, pero tama si Alice, mas masasaktan niya si Balagtas kung hindi niya aaminin rito lahat.

Nang malapit na sila sa bahay niya ay bigla niyang nakita si Balagtas at may kausap na babae.

"Manong, ihinto niyo po." pigil niya sa taxi driver at binayaran ito. Bumaba siya at tinanaw si Balagtas at ang babae na nakatalikod sa gawi niya.

"Mahal kita, Balagtas." umiiyak na sabi ng babae na kinasinghap niya.

"Alex.." nasabi nalang ni Balagtas rito at natigilan siya ng makitang halikan ito ni Balagtas. Hindi niya alam ang magiging reaksyon at nagtago siya sa isang halaman. May iba na palang mahal si Balagtas. Kaya ba ganon nalang ang trato nito sa kanya? Sumilip siya at nakita niya na tapos na ang mga itong maghalikan, "mahal din kita.. Pero may asawa na ako."

"Mahal mo ba siya?" tanong ng babae.

Hinihintay niya na makasagot si Balagtas at nakita niya na hindi nito masabi ang totoo. Ngumiti siya ng mapait at nagpahid ng luha. Lumabas siya sa pinagtataguan at lumapit sa mga ito.

"Balagtas." tawag niya rito. Napatingin ito at napalingon ang babae. Nagulat siya ng makilala ang babae. Ang manghuhula. Hindi siya makapaniwala na ito ang manghuhula. Hindi ito nakasuot ng manghuhula costume. Nakasimpleng dress ito habang lantag na lantag ang kulot nitong buhok na bumagay sa indianong mukha nito.

"H-Heaven.." ani ni Balagtas na nagulat.

Inayos niya ang sarili niya at muling tinignan si Balagtas.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali?" pakiusap niya.

"Aalis na ako." sabi ni Alexandrite.

"Dito ka lang.." pigil ni Balagtas rito at tumingin ito sa kanya, "Heaven, may mahal na akong iba." sabi nito sa kanya. Kahit pala alam niya sa sarili niya na may iba na siyang mahal, masakit din pala na sabihin sa kanya ng dating mahal niya na wala na itong pagmamahal sa kanya. Pero ngumiti siya at lumapit sa mga ito, "huwag mong sasaktan si Alex. Minahal ko siya dahil siya ang tumulong sa akin na makabangon. Patawad kung nawala na ang pagmamahal ko sa 'yo simula ng bumalik ako." dagsag nito kaya natawa siya tila ba sasaktan niya si Alexandrite.

"Huwag kang humingi ng sorry, Balagtas." aniya at tinignan ito at si Alexandrite, "ang gusto ko sana sabihin sa 'yo ay wakasan na natin ang relasyon natin. Alam ko, mula nang bumalik ka ay nararamdaman ko na wala ka nang pagmamahal sa akin. Naiintindihan ko iyon. Hindi mo kailangan makonsensya dahil ako naman ang naunang magmahal ng iba. Sorry sa lahat." bumaling siya kay Alexandrite, "please, alagaan mo siya at mahalin ng tunay. Mabait si Balagtas. Sana rin huwag mo siyang sasaktan."

"Hindi ko gagawin iyon." sabi nito kaya tumango siya at ngumiti.

"Maiwan ko na kayo. Aayusin ko lang ang mga gamit ko." sabi niya. Naisip niya na kung may mahal na itong iba, wala nang saysay pa para manatili siya sa bahay nito. At bukod doon, naalala niya na napawalang bisa na ni Baltazar ang kasal nila ni Balagtas. Kaya ano mang oras, maaari ng itira ni Balagtas si Alexandrite sa bahay nito.

"Sandali, Heaven." pigil sa kanya ni Balagtas kaya nilingon niya ito.

"Hindi mo naman kailangan umalis. Buntis ka at baka mapano ka."

Ngumiti siya, "Ayos lang ako, Balagtas. Bahay mo naman ito at wala na akong karapatan na tumira dito." sinenyas niya si Alexandrite kaya napatingin dito si Balagtas, "sige.." pumasok na siya sa bahay at agad na sinilid sa maleta ang damit niya. Naupo siya sa kama at ang alaala nila ni Baltazar ang naalala niya sa kwarto. Ni bakas ng alaala nila ni Balagtas ay wala. Nagpahid siya ng luha at tumayo na para umalis. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Balagtas.

"Heaven, hindi ka aalis." sabi nito.

"Huh? Bakit?" tanong niya. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinipigilan?

"Kung ayaw mo na rito. Maaari kang tumira sa bahay ni Baltazar. Dinadala mo ang anak niya kaya nararapat lang na okupahan mo iyon." sabi nito.

"Pero hindi naman--"

"Sige na.. Makokonsensya lang ako kung aalis ka." lumapit ito at kinuha ang maleta niya, "ihahatid na kita." sabi pa nito at nauna na itong tumalikod.

Copyrights 2020 © MinieMendz

Continue Reading

You'll Also Like

4M 81.1K 43
Mafia Affair Series #:1 Nicholas and Lilian. Lumuwas ng probinsya si Lilian na pansamantalang pumalit sa Tiyahin niya bilang kasambahay sa mansion ng...
209K 4.1K 54
Ariaña Monhito is an International Prosecutor who work hard in her father's law firm. Aria is given reports to file a case togetherwith the beast in...
18.7K 456 43
"Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino...
963K 22.3K 55
UNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya a...