Fire in the Clouds

By DoroteaDiana

146K 3.9K 1.4K

(For Love # 2) Afterall, love prevails over everything. •••TAGLISH | New Adult More

Fire in the Clouds
Simula
Unang Kabanata
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

Kabanata 16

2.5K 96 51
By DoroteaDiana

Mahal

"Tangina mo, kupal. Pumunta ka mag-isa mo, idadamay mo pa ako." Tinapik siya ni Axxel sa balikat. "Sige na, kaya mo na 'yan. Pupuntahan ko pa si Ingrid."

Hinila ni Yvanno sa laylayan ng damit si Axxel ng tumalikod ito upang iwan siya. Sininghalan niya ito nang muli siyang harapin ni Axxel na nakasimangot.

"Sino ba ang nakaisip na ipaalam ang lahat kay Drako? 'Di ba ikaw? Kaya samahan mo ako."

"Gago, nagmungkahi lang ako. Ikaw na ang bahala magsabi. Problema mo 'yan, kupal 'to."

Hinampas niya sa ulo si Axxel ng tatalikod na naman ito. Ang sama ng tingin sa kanya ng kaibigan ng humarap ito sa kanya. Pucha, kagabi lang may pasabi-sabi pa itong suportado siya nito tapos ngayon inaabando siya. Pinagloloko ba siya ni Axxel?

"Hindi kita idadamay, ulol. Aawatin mo lang naman si Drako kapag aamba ng suntok." Paliwanag niya sa kaibigan. He's not afraid to face Drako and spill the tea, but he knows for sure that Drako will go ballistic the time he'll drop the bomb. Napag-isipan na niya ito, maaaring hindi pabor kay Santina na pangunahan niya ito sa pagsabi kay Drako ng tungkol sa kanila, ngunit wala rin siyang pagpipilian. Sooner or later, Drako will find out his relationship with Santina, uunahan lang niya. He's gonna need Drako's help, anyway.

Aasahan na niyang dadapo ang kamao ni Drako sa pagmumukha niya dahil sa pinatulan niya ang kakambal nito. Wala siyang balak na lumaban dahil alam niyang nararapat lang iyon sa kanya. Drako warned him a lot of times, even before Santina and him became a thing, na huwag tatulunin ang kakambal nito. Lalo na at alam ng kaibigan ang tungkol sa kasalang magaganap sa kanila ni Luna balang araw...bagay na kung saan nagkaroon ng rason si Drako na protektahan ang kakambal laban sa kanya. That angered him. Drako was extra protective of Santina when it comes to him. Hindi halata ngunit pansin niya na iba kung protektahan ni Drako si Santina kapag siya ang usapan. Nakakagago lang.

"Damn, man. Ako masusuntok no'n kapag pinigilan ko. Besides, you are deserving of his punch. Tinalo mo iyong kapatid niya kahit na alam mong bawal." Singhal sa kanya ni Axxel. "Pasuntok ka lang kahit isa, saka ko na aawatin kapag aamba ng isa pa."

Gago, amputa.

Minutes later when Axxel called Drako. May pinuntahan daw ang huli ngunit pauwi na. Axxel says Yvanno has something to tell and they are coming over, natawa pa si Drako dahil mukhang ang seryoso raw ng pag-uusapan nila dahil bakit kailangan pa na sa personal pag-usapan. Yes, fuck, it is.

"Gago, ang bakla mo tingnan." Sita sa kanya ni Axxel ng makababa sila ng sasakyan at tinanaw ang bahay ng mga Arkova. The guard let them in, kilala na sila rito na umabot na sa puntong maaari silang maglabas-masok ng bahay. Well, except when the head of the Arkova family is here. Madalang kung makasalamuha nila ito dahil iniiwasan din nilang magpunta rito sa mga oras na alam nilang namamalagi sa bahay si Tito Manolo.

That Lieutenant General of the Philippine Army is scary as fuck. He always has his shotgun in his hand whenever they see each other in the house, meticulously cleaning it with a piece of cloth while giving them glances once in a while. His presence solely dreaded them. Wala naman itong sinasabi patungkol sa kanila so they assume they're good. Sadyang mapag-obserba lang siguro ito. Still, having him in the same room feels like you're having suffocation. Kung iniisip nito na masamang impluwensiya sila kay Drako, then, he better know his son is actually the mastermind of their troubles.

Umupo sila ni Axxel sa sofa sa sala habang hinihintay si Drako. Turns out they came here earlier than him. May nag-alok sa kanila na isang kasambay ng maiinom, Axxel asked for a beer. Nang maibigay ito ay inabot sa kanya ni Axxel ang beer na pinasuyo nito.

"Pampalakas ng loob," Axxel laughs. Sinamaan ito ni Yvanno ng tingin ngunit tinanggap ang beer at tuluy-tuloy ang ginawang paglagok.

He's not scared. Not even a bit. He's just worried of how the things would go after the minute he told Drako what's with him and Santina. Walang kasiguraduhan na papaboran sila ni Drako. He might disown him as a friend but whatever happens, Yvanno has to make sure things at the end will be in favor of him. Ayos lang masakal siya ni Drako huwag lang makasal kay Luna.

"Ano'ng meron, kupal?"

Nagulat siya ng mabungaran ang magkakasunod na pumasok na sina Fourth, Jed, at Aleander na nagkanya-kanya ng upo. Umakbay pa sa kanya si Aleander na magulo ang buhok na parang bagong gising lang. Pinaningkitan ito ng mga mata ni Yvanno. Aleander's still wearing the clothes he wore last night when Yvanno paid him and Axxel a visit to talk about his problem of his said engagement with Luna. Nagka-inuman sila nang kaunti bago siya umuwi, and Axxel now still smells reek of alcohol and cigarettes.

Tinulak ito ni Yvanno palayo sa kanya. "Ang baho mo, putangina. Hindi ka man lang naligo bago nagpunta rito? Amoy alak at sigarilyo ka pa, 'tado. Doon ka nga, huwag ka tumabi sa'kin. Pucha 'to." Pagtataboy niya rito na ikinasama ng tingin sa kanya ni Aleander.

"Gago, iyang tarantado na 'yan ang sisihin mo," turo nito kay Axxel na abala sa pagse-cellphone. "Pagmadaliin ba naman ako ng kupal. Akala ko ano'ng emergency ang sinasabi nito, e, nakatambay lang pala kayo rito kina Drako."

"Ang ganda na ng panaginip ko," bulong pa ni Aleander. "Ayun na, peste, papasukan ko na iyong kweba, may umistorbo lang na kupal."

"Pa?" aniya.

"Anong pa?" Tanong ni Aleander.

"Pakihanap iyong pake ko," diretsong ani niya bago pinagpagan ang sarili at dumistansya ng upo rito. Narinig na naman niya ang sunud-sunod na pagmumura ni Aleander.

"Tanginang kaibigan 'to, ang gago,"

Natigilan si Yvanno ng makita ang bulto ni Drako na pumasok ng bahay. Nagulat ito nang mapagmasdan na kumpleto sila na naroon. Ilang segundo ay ngumisi ito at naglakad sa kanila papalapit. Jedah who's nearer to Drako did their factitive handshake.

"Namiss niyo ako mga kupal?" Kantyaw ni Drako at nagkanya-kanya sila ng atungal.

"Si Yvanno, may sasabihin daw sa'yo,"

Sa sinabing iyon ni Axxel ay tumutok ang lahat ng mga mata sa kanya. He anxiously gulped upon receiving the attention. Binuka niya ang bibig upang magsalita ngunit muling itinikom nang hindi mahanap ang mga salita na gusto niyang sabihin. Suddenly, he's lost of words. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag kay Drako ng tungkol sa kanila ni Santina na hindi ito mabibigla.

Nagkatinginan sila ni Axxel. Nangunot ang noo nito sa kanya habang sinesenyasan siyang magpatuloy. Bahagya siyang napangiwi.

"Is it important?" Tanong ni Drako pagkatapos ay nagkibit-balikat. "Well, you won't come here and say it to me personally if it wasn't, right? Ano ba 'yon?" Drako remained standing not a far from him.

Ilang segundo siyang napipi. He hovered his fingers through his messy undercut pomp hair, lick his lip, and unconsciously played the rings on his fingers. One of the five rings he's wearing on his left index finger was given by Drako, it's a friendship ring, lahat sila mayroon nito. It's seemingly unseeming and gaudy, yeah. Tinawanan pa nila si Drako ng bigyan sila nito isa-isa at pinagkakantyawan, nevertheless, they never took of the ring Drako gave them. It's just a Unique Spinner Stainless Steel Ring with Month, Day, and Date, but Drako insisted it's a friendship ring. Ang laki raw ng gastos nito sa mga singsing kaya huwag silang magtatangka na hubarin ito. Moreover, their friendship would be over if they did.

Wala sa sariling inikot niya ang singsing at inilagay sa petsa ng unang araw na nagkita sila ni Santina. 6th of June, tuesday evening he remembers. That day was a horrible night but when Santina approached him that instant on the rooftop while having his momentum, thinking of jumping off the high building and end his life, it became magical and wondrously fantastic as soon as his dark eyes met her green ones. She saved him without her knowing. Meeting her is a miracle, and loving her is magic. He can't believe how it's possible to walk through hell and still feels like it's heaven.

"Anyway, I've heard the news from Tito Alwin. Uuwi na raw si Luna sa susunod na buwan? Isn't supposed to be next year? Bakit napaaga?" Tanong ni Drako kay Fourth na siyang kapatid ni Luna. Upon the mention of the latter's name, Yvanno raised his head to lend an ear on their conversation.

Tumango si Fourth sa tanong ni Drako. "She took summer classes and advanced her available units that's why. Hindi naman namin siya pinupwersa sa pag-aaral pero sadyang masugid ito. Namimiss na raw nito ang Pinas kaya minadali ang pag-aaral doon."

Tumawa si Drako. "Baka iba ang namimiss at gustong madaliin?" His friend threw him a glance. Nangunot ang noo niya rito. Ito talaga ang numero uno sa panunudyo sa kanila ni Luna. Si Fourth tahimik lang sa usaping iyon pero si Drako halos igaya na sila sa simbahan at ipakasal na dalawa. Nakakagalit. He's supposed to be on his side and not annoying the fuck out of him like that. Kung kay Santina siya nito aasarin, matutuwa pa siya. May kasama pang nginig, putangina.

"Stop it," Yvanno glared at Drako. His friend's forest colored eyes are up to mischief. Kumibot sa isang ngisi ang sulok ng mga labi nito.

"What? Did I say something wrong?" He whistled. "I can feel a wedding coming in a month. Everyone's ready?"

Sumama lalo ang timpla ng kanyang mukha. Drako's pissing him off. Gusto niyang umpisahan ang ipapaliwanag niya rito ng tungkol sa kanila ni Santina sa maayos at mahinahon na paraan pero baka sumabog siya at ano nalang ang masabi sa sandaling magpatuloy pa si Drako. Baka imbes na uunti-untiin niya, basta nalang niya masabi nang diretsuhan.

"I said stop it," he hissed. Hindi niya itinago ang irita sa mukha. Ngunit sadyang gago lang yata si Drako at hindi natinag.

"Fourth, magiging bayaw mo itong si Yvanno. Ano'ng masasabi mo?" Tawa pa nito. Ang kupal, mag-isa lang nito ang masaya. Pailing-iling sina Jed at Axxel at piniling manahimik ni Aleander.

Bahagyang ngumisi si Fourth sa kanya. "Gusto mo ba akong maging bayaw, Yvanno?"

"Fuck you," he spitted. Humalakhak ang mga ito sa kanya. Fourth is testing his limits. Alam nito na wala siyang ibang pagpipilian sa kasal na ipinagkasundo sa kanya noong umpisa, maging ang tungkol sa kanila ni Santina. Seeing him riding with Drako's teasing despite knowing those things, he's obviously pushing him off the cliff to surrender.

"Why so salty, man?" Ani Drako. "Luna will surely be a perfect wife, matututunan mo rin iyong mahalin. And wouldn't you like it, your friend is your brother-in-law,"

"My friend is my brother-in-law, huh?" Tumango-tango siya. Drako nodded too, agreeing to him. Siya naman itong napangisi at saka direktang tumingin kay Drako.

"Then how about you being my brother-in-law? Would you like it?"

Napanganga si Aleander ng marinig ang kanyang tanong. Nanlaki ang mga mata ni Jed, sunud-sunod na napaubo si Fourth, habang napatampal sa noo si Axxel.

Nakita niyang natigilan si Drako. His teasing smile disappeared including the mischief emotion plastered on his face. Nilakasan nalang ni Yvanno ang loob na salubungin ang lamak na seryosong mga mata ni Drako at ang pagtikwas ng kilay nito na wari'y tinatanong siya kung tama ba ang pagkakarinig nito.

Yvanno pursed his lips and made sure Drako can see the seriousness and determination on his eyes. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsenyas at panlalaki ng mga mata sa kanya ni Fourth na nagsasabing bawiin niya ang sinabi habang maaga pa. No, it's too late to take it back. At wala rin siyang balak na bawiin iyon.

It's now or never. Malalaman din naman ito ni Drako, bakit hindi pa ngayon?

"I think I heard you wrong," ani Drako na umaasa pang namali ito ng dinig.

"You heard me right," matigas niyang sabi nang hindi kumukurap. Aleander nudged him on his side, whispering if he had lost his mind. Hindi niya ito pinagtuunan ng pansin at nakipaglaban ng titigan kay Drako.

Pagak na tumawa si Drako na parang biro ang kanyang sinabi. "Ano ito, Yvanno? Kindly enlighten me and make sure to say the right choice of words or else who knows what I'm going to do with you,"

Drako's low threatening voice made their friends' face grimaced. Siya naman ay pilit na pinanatili ang postura na may determinidad sa kabila ng pagbabanta ng kabigan.

Fuck, bahala na ano'ng masabi niya. As long as he can make Drako believe him and his sincerity towards Santina, then that will be enough.

"I can't marry someone unless it's Santina, Drako. Yeah, sure, Luna can be a perfect wife, but a perfect wife is not what I'm looking for. Si Santina...I love your sister so much. Siya lang ang gusto kong makasama. Siya lang ang gusto kong pakasalan. It's Santina or no one, Drako. Walang halong biro, seryoso, peksman, mamatay man, cross my heart, tapon susi,"

Nangunot ang noo sa kanya ni Drako. Nagsimula ng manggalit ang mukha nito. Wala itong sinabi at namayani ang sandaling katahimikan sa kanila. Based on his expression, mukhang naghihintay ito ng salitang 'joke', ultimong binibigyan siya ng pagkakataon na bawiin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon ang nangyari.

"Come again?" Pang-uulit ni Drako.

Yvanno sighed but repeated his words. "I love Santina,"

"Ano ulit?"

"Mahal ko si Santina,"

"Pakiulit,"

"Mahal na mahal ko si Santina,"

"Ano sabi?"

Huminga nang malalim si Yvanno bago malakas na sumagot dahil sa paulit-ulit na tanong ni Drako. "ITATANAN KO SI SANTINA—"

That's probably Drako's cue to move and walk near him to hardly punch him straight on the face. Napamura siya sa suntok ni Drako at sinapo ang nasaktang mukha. Anak ng kalbo, hindi niya alam na malakas ito sumuntok. Ang mga kaibigan nilang nanonood ay hindi man lang pumigil at kanya-kanya lang ang pagngiwi sa kanya. 'Tanginang mga kaibigan 'to, ang gagago.

Kinuwelyuhan siya ni Drako. "Explain yourself further or I'm going to kill you, Montealegre," nagtatagis ang mga bagang na saad sa kanya nito. Hearing him call him by his surname, Drako is probably not lying when he said he'll kill him if he wouldn't like his about to say words.

Pabalya nitong binitawan ang pagkakakwelyo sa kanya pagkatapos ay umayos siya ng upo. Yvanno can even taste the blood on his lip but he gave that less attention.

"Iyong babae na sinasabi ko sa'yo, it's Santina," umpisa niya. "We've first met on Dad's birthday three years ago, at the rooftop of the hotel building. I liked her since then and trust me, I didn't know she's your sister. Kaya gano'n nalang ang gulat ko ng ipakilala mo siya sa amin. I can't hold back. My feelings for her, gusto ko man ipagsawalang-bahala pero hindi ko kaya, hindi ko magawa. I tried to keep my distance but my feet kept on leading me to her. 'Tangina, ang hirap labanan. The more I ignore it, the more my heart burnt in intensity. That's why I surrender. I gave in. I'm glad I did."

Hindi nagkomento si Drako. His silence urges him to continue, and so he did.

"I'm forever thankful your sister came to my life, Drako. She's the best thing that ever happened to me. The most beautiful. The most precious. She's a proof no matter how long you are suffering in hell, you can still be in heaven. No matter how broke you are, you are still valuable and worthy of love. She taught me that. She taught me love and life. Everything. Ang tanga ko na lang kung hahayaan ko pang mawala sa'kin si Santina. Ang laking bobo ko na lang kung papakawalan ko pa siya. Ang gago ko na lang kung tatalikuran ko siya para lang sa isang bagay na napilitan lang akong sang-ayunan kung kaya ko naman siyang ipaglaban."

Ngumiti siya. The thought of a beautiful Santina made his smile grew wider. He bet his eyes are smiling too.

"I won't let her go. She's a keeper. A very rare beautiful gem. Mahirap makahanap ng tulad niya." Umiling siya. "How stupid of me to say that, of course, nag-iisa lang si Santina. I won't find someone like her. Kaya hindi ko na siya dapat pa na pakawalan. She belongs to me, the same way I am to her. We belong to each other, Drako."

Yvanno was so immersed at the thought of Santina to say those romantic words. Lumalabas ang pagkakeso niya kapag si Santina talaga ang usapan. It amazes and bewilders him how can he say such words like it's natural to utter. Maybe it's love that's talking.

Drako scoffed a moment later. He's looking at him like he came from another dimension. Hindi lang si Drako, dahil maging ang apat na kupal pa nilang kaibigan ay nakatangang nakatitig sa kanya.

Maya-maya ay may isang epal na dahan-dahang pumalakpak. Si Aleander na epal. Papalakpak ito pagkatapos ay tutuyin kuno ang mga luha sa mga mata. Hinayaan nila ang kupal na magpakagago.

"Seryoso ako kay Santina, Drako. Tingin mo tatagal kami ng dalawang taon kung nagloloko lang ako?"

"There are relationships who last for even ten years or more but still cheat, Yvanno. Stop being a fool,"

Sandali siyang hindi nakasagot do'n.

"But our case is different. Hinding-hindi ko gagawin ko 'yon. You know me, Drako. I never look to other woman." Yvanno squinted his eyes on him. "Tell me, you have a hint about me and your sister, don't you? Come on, Drako. I'm not that a good pretender to mask my actions and emotions when Santina's around. Tanga nalang kung hindi mo pa iyon mapansin o kaya'y nagbubulag-bulagan ka lang. Alin sa dalawa?"

Nagtagis ang bagang ni Drako at kumuyom ang mga kamao nito. He's readying himself for another punch but it didn't came. Nagkokontrol pa ito.

"You can hate me or throw punches on me, but I won't let go of Santina. You can't make me stay away from her, Drako. I won't let that. Hindi ako papayag." He sternly said.

Hindi niya inaasahan ang muling pagdapo ng kamao sa kanya ni Drako. Gayunman, hinayaan lang niya. Ginusto rin naman niya ito.

"That's for hitting my sister behind my back," ani Drako sa nanggagalit na mga ngipin. Pagkatapos ay tumingin ito isa-isa kina Axxel. "Does anyone of you knows about this?"

Hindi nakaimik ang mga kupal at nagsi-iwas ng tingin. Nagdilim ang mukha ni Drako nang mapagtanto ang sagot. Pagak itong tumawa at saka umiling.

"I can't believe you all agreed to this. You take me for a fool, aren't you? Grabe, 'tangina, iba rin pala ang galing niyo sa pag-arte,"

Mabilis na umugong ng atungal ang mga kupal sa narinig. Nabahala ang mga ito sa matalim na salita sa kanila ni Drako. Yvanno heaved a sigh. He can't drag his friends to this. Siya naman ang nagsabi na ilihim ito kay Drako kahit na ayaw ng mga kaibigan niya mula pa noong umpisa. He's the one how convinced them. Damay lang din ang mga ito ng pagiging makasarili niya.

"They have nothing to do with this, Drako. Ako ang nagpumilit na ilihim nila ito sa'yo dahil ayokong magalit ka. Sa'kin ka magalit, huwag mo silang idamay. Spare them 'cause they're also a victim like you,"

"Yvanno," mariing tawag sa kanya ni Fourth, tumatanggi sa mga sinabi niya.

"Gago, kupal, pumayag kaming ilihim 'to kaya ibig-sabihin may kasalanan din kami. H'wag mong sarilinin. Nakakainis ka, 'tangina mo," palahaw sa kanya ni Jed.

"Fuck whoever have something to do about this! The fact that you all kept this a secret from me...nakakagago 'tangina. Maiintindihan ko naman. Hindi niyo naman kailangang ilihim kasi iintindihin ko, punyeta. Still, you held each other and walk towards the light while you chose to keep me in the dark. Kapatid ko 'yung pinag-uusapan dito hindi kung sino lang."

Yvanno heaved another sigh. Somehow, humihinahon na ang usapan, or so what he thought.

"I forgive you for keeping this from me," nagliwanag ang mukha ni Yvanno sa sinabi ni Drako, "but do tell me you haven't touched my sister just yet,"

Napalunok siya sa tanong ni Drako.

Napipi at hindi kaagad nakasagot.

Guilt embeded on his face and probably by that, Drako would know the answer.

Nag-init ang pisngi ni Drako sa galit at sinugod siya ng tatlong magkakasunod na suntok. Dumaing siya sa lakas ng tama ng mga suntok nito. Hayop, iba ang epekto dahil sa mga singsing na suot nito. Bahagyang umikot ang paningin niya.

"Fuck you, kapag ang kapatid ko nabuntis—"

"Hindi, maingat ako,"

Minsan pa siyang napadaing ng suntukin siya sa tiyan ni Drako. Letse, nakakailan na ito at hindi pa umaawat si Axxel. Usapan isang suntok lang at eeksena na ito. Gago talaga ang kupal.

"Bakit ka ba nagagalit, noong tinanong kita kung ano'ng gagawin ko para hindi na makawala sa akin si Santina, sabi mo buntisin ko," aniya rito. Isang suntok pa sa tiyan ang inabot niya at saka sinamaan ng tingin si Axxel na naging abala ulit sa cellphone. Pucha, kailan ba may aawat dito?

"Tarantado 'to, malay ko ba na si Santina ang tinutukoy mo noon? Kapag ang kapatid ko binuntis mo ng wala sa oras, malala pa rito ang aabutin mo," banta ni Drako sa kanya at sinenyasan siyang babantayan nito ang bawat galaw niya.

Drako took a step back and fished out his phone from his pocket and called someone. Nakamata lang siya rito habang hinihimas ang mga parteng sinutok nito.

"Come home. Right now. You better hurry up, Santina Emanuelle."

Sa pangalang binanggit ay napatigil si Yvanno.

"You have a lot of explaining to do, young lady,"

Iyon lang ang sinabi nito at ibinaba na ni Drako ang tawag.

"Go easy on her. Ako naman ang lumapit-lapit kay Santina noong una pa lang." Aniya rito.

Nagtaas ng kilay sa kanya si Drako at nanghamak. "Who knows if you're lying? Baka ilusyon mo lang na kayo ni Santina kahit hindi naman. Baka ikaw lang ang nagmamahal, assumero ka lang. I wanna hear it from her if she feels and thinks the same."

Hindi makapaniwala si Yvanno sa sinabi nito. Grabe, ang lawak mag-isip. Gago siya, oo, pero hindi siya nag-iilusyon lang. Lalo na hindi siya assumero. Magtatalik ba sila ng ilang beses ni Santina kung hindi nila mahal ang isa't isa?

"Your face...I don't like what you're thinking," Drako spatted. "Fool of you to think sex means love. Just because someone desires you, it would mean they value you. It's more than that. Huwag kang magpapaloko,"

Ngumisi si Yvanno rito. "You talk like a love guru. Ano'ng mayroon at mukha kang expert sa pag-ibig?"

"Utak, bobo." Sagot nito na nagpa-amang sa kanya. "Palibhasa kasi iyang ulo sa ibaba ang ginagamit mo. Sinasabi ko sa'yo, kupal ka, huwag mong mabuntis-buntis si Samuelle,"

"So, ayos lang na magsex kami basta ba siguraduhin ko na hindi siya mabubuntis?"

Nahampas ni Drako ang ulo niya.

"Don't you dare talk sex when it includes my sister!"

"Tingnan mo 'to, nagtatanong lang naman ako. Ikaw kaya ang nauna riyan,"

Hindi siya sinagot ni Drako at tumalikod upang pumasok ng kusina. Pagbalik nito ay lumalagok na ito ng beer sa isang lata.

"Nakakasakit ka ng damdamin, kupal! Hindi mo man lang kami pinangkuha," pagdadrama niya na ikinatalim ng tingin ni Drako. Hindi man lang ito nadala sa pagdadrama niya dahil nanatili itong nakatayo sa harapan nila hanggang sa maubos nito ang iniinom na beer.

"Mag-aalala na naman si Santina kapag nakita itong mukha ko. Ayaw na ayaw no'n na nasasaktan ako," aniya na ikinatingin sa kanya ni Drako.

"How sure are you?"

Ngumisi siya. "Sus. Makita mo, mananakbo iyon palapit sa'kin."

Ilang sandali ng marinig nila ang tinig ng isang babae na pumasok ng bahay.

"Kuya, I'm home!" Boses iyon ni Santina. Nakangiti itong umentrada sa sala ngunit mabilis na natigilan ng makita sila roon na magkakaibigan. May bitbit itong box ng kung ano.

"Anong..." nagsalubong ang kanilang paningin. His heart feels like been hammered in glee when he met her beautiful green eyes. Nakita niyang napatda ito sa kinatatayuan habang pinapasadahan siya ng tingin hanggang sa nanlaki ang mga mata nito at mabibilis ang mga hakbang na tinungo siya.

Santina held his face in both hands. Sinipat nito ang kanyang mukha. Her eyes displayed worry. Pinag-alala na naman niya ang Santina niya.

"A-ano'ng nangyari? Sino'ng may gawa nito? Let's get you to the hospital, oh god."

Ngumiti siya rito at umiling. "I'm okay, sweetheart." Paniniyak niya.

"You don't look okay! Look at your face! Ang pangit mo na. Let me treat your wounds." Anito at umambang tatayo ngunit pinigilan niya ito sa mga kamay. She's really worried.

Drako behind her loudly coughed that made Santina stilled. Nakita niya kung paano nahugot ni Santina ang hininga nang makita si Drako na nakatayo sa likuran nito habang nagtatagis ang bagang. Napabitaw sa kanya si Santina at lumayo ng upo. He wanted to protest but he remained silent.

"So it's true," Drako scoffed. "Explain this to me, Santina Emanuelle." Mapanganib nitong saad na ikinalunok ni Santina.

Yvanno held her hand and gave it gentle strokes. Nararamdaman niya ang kaba nito. Santina unconsciously gripped his hand tighter followed by another squeeze.

"Huwag mo namang takutin si Santina, Drako." Sita niya sa kaibigan.

"Kinakausap kita, Samuelle," madiing agaw-pansin ni Drako sa kapatid nito.

Santina heaved a deep breath and clasped her hand tightly on his. Tila kumukuha ito ng lakas ng loob doon. He brushed his thumb finger on hers to urge her to go on and he's just beside her.

"I love Yvanno, kuya. Mahal na mahal." Matapang nitong diretsong sabi. Siya naman ay parang tangang nagpipigil ng ngiti nang marinig ang sinabi ni Santina.

Ang sarap kiligin, pucha.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...