To love a star

By mymirai2012

129K 4.4K 1.1K

Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha... More

Author's note
Cast/characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 13

2.1K 92 16
By mymirai2012

Natasha "nati" Simeon Pov




"Oh akala ko ba gusto mong makilala buong pagkatao ko? Yung totoo sakin?so bakit ganyan palang selos at galit kana? Chill kalang ok?oh!dito na pala tayo" sinenyasan ko lang yung driver para ihinto sa tapat ng isang malaki pero may pagkaluma ng bahay.




Napansin ko lang si Rain na medyo napapalunok at napapakunot-noo parang andami niyang gustong sabihin at itanong pero pinili nalang niyang manahimik muna, kanina puro reklamo na kasi naririnig ko sakanya, siguro na feel niya na medyo seryoso narin ako sa mga sinasabi ko.



Bumaba na kami ng sasakyan, mahigpit kong hinawakan si Rain sa kamay at tumapat sa may doorbell sa labas ng bahay.


"Are you ok?" Asked rain concerned, "gusto mo ako nalang ang pumindot ng doorbell?"


Napansin ata ni Rain, ang pagaalangan ko kung itutuloy ko ba ang pag pindot ng doorbell o ano.





"No, ako na." I said calmly,And pinilit ko nalang ngumiti, saka ako huminga ng malalim, sobrang kabado ko talaga sa totoo lang.


Almost 6 years na rin kasi nung huli akong magpunta rito, sobrang heart-broken talaga ako ng time na yun,tapos ang sakit lang na yung isa sa pinagsasabihan at nakakaunawa ng mga pinagdadaanan mo, ng mga problema, yung nakakakilala sakin sa buong pagkatao ko e nawala pa.



Yung kaisa-isang lalaking minahal ko ng buong-buo, yung isa sa taong sobrang kumumpleto ng buong buhay at pagkatao ko,Yung lalaking buong buhay kong pasasalamatan dahil sa buhay na binigay niya sakin.


Huminga muna ako ng malalim saka ko na pinindot ang doorbell.


Noong una'y walang sumagot sa una kong kong doorbell, kaya pingalawa ko pa saka palang sumagot ang nasa speaker ng doorbell sa labas.




"Dochirasama desuka?" (Sino po sila?)
Tanong ng isang may matandang boses na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, Napuno ako ng takot at pangamba, na baka sa ilang taong hindi ko pagpaparamdam,baka hindi na nila ako matanggap sa buhay nila.




"Ahhh, yu—yu, Yumiko desu." (Si Yumiko po)I said na medyo nauutal sa kaba.


"Arama! Yumiko jyanai ka! Tsottomate ne!" (Si yumiko ba talaga?! Sandali lang)" sabi ng babae sa intercom, na super excited pa ng boses.Taliwas sa inaasahan kong reaksyon.



ilang saglit pa lumabas ang isang may kaedaran na babae, her nAme is Emiko, my biological father's sister..


Excited na lumabas ang tita ko sa bahay, at sinugod ako ng yakap, saka siya halos maluha, siguro sa saya o sa pagkasabik na makita ako.


Pinapasok kaming dalawa ni Rain sa loob ng bahay at pinapunta sa may parang altar nila, nandon din ang mga picture ng mga lolo't lola ko at ang picture ni Papa at may maliit na vase sa harap ng picture ni Papa, halos lumuhod ako sa harapan nun, at iyak ako ng iyak, at humingi ng tawad kay Papa. Lumuhod din si Rain niyakap ako ng mahigpit sa likod ko pilit pinapatahan, siguro ngayun lang niya akong nakitang nag kaganito, dahil madalas sa pelikula nya lang ako nakikita sa ganitong eksena. At hindi sa tunay na buhay.

Ng medyo kumalma na ang nararamdaman ko.


nagkakwentuhan kami ni tita, bilin daw ni papa na wag ililibing ang abo niya kung hindi rin daw ako ang maglilibing sakanya sa libingan mismo ng mga yumao.


We talk in Japanese, tapos tina-translate ko nalang kay Rain sa tagalog.


Pinakilala ko rin si Rain bilang girlfriend ko, nagulat pa si tita dahil siguro bakit babae ang karelasyon ko, pero natuwa nalang siya.



"Ame-san?" Tawag niya kay Rain, 'ame' means rain, 'san' means miss or mister mga ganun..
"Beijin dane, Yumiko mitai" (beautiful,like yumiko) saka biglang tumawa si tita "shiawasesoudane"(you look so happy together) said tita sa aming dalawa ni Rain.


Halos dalawang oras din kami nagtagal kina tita at nangako ako na babalik ako para sa libing ng abo ni Papa, pero bago yun pinakita muna ni tita yung mga tinagong pictures namin ng kapatid ko nung mga maliliit pa kami,at nagtawanan pakami. Humingi pa ng remembrAnce na picture si Raun nung maliit palang ako. Cute cute ko daw kasi nung bata pa ako.


Nasa sasakyan nakami pabalik ng hotel.


Sinandal ni Rain ang ulo niya sa balikat ko saka niya ako niyakap.



"Nagseselos kapa rin ba?" I asked saka ako tumawa.

"Sira! Malay ko ba naman na father mo ang sinasabi mo diba?" Inirapan ako ni Rain saka niya ako niyakap ng mahigpit "so your real name is Hideo Yumiko? Kasi yun yung nakalagay na name sa picture mo kanina,so tell me paano ka naging Natasha Simeon?"


So habang nasa byahe kami nag start akong magkwento sakanya simula ng pagkabata ko. Pero hindi naman lahat naikwento ko sakanya may edited parin pagdating sa kwento ko sakanya. Ayoko kasing makita siyang masaktan.


So here it goes.



Pa graduate na si mama noon sa high school ng mahikayat siyang mag entertainer sa Japan, hindi alam ng lolo't lola ko yun, sobrang strict daw nina lolo o yung father ni mama, kaya tumakas siya papuntang Japan, nagrebelde kunbaga,ibang pangalan ang ginamit ni mama since under Age pa siya that time, then nag over stay siya and almost two years din yun, kaso naghigpit sa immigration and marami naring nahuling mga overstayer, so yun, sa takot ni mama,nag decide siya na magpakasal kay papa kahit hindi naman niya mahal Si papa, para lang maging legal yung stay niya dito sa Japan, my biological father is half Japanese and half Brazilian, yung father ni papa yung Japanese and Brazilian yung mother niya.



That time yung work ni papa sa construction, and si mama hindi tumigil sa pagtatrabaho sa gabi, so Kaming dalawa ng kapatid ko halos si Emiko na o yung sister ni papa nagbabantay samin... actually ayaw naman talaga ni papa mag work si mama sa gabi, dahil siya lang daw dapat ang bumubuhay sa pamilya niya, pero siguro dahil medyo may kabataan pa si mama ng mga panahon na yun, ayaw niya daw matali lang sa bahay, malosyang at magalaga lang daw saming mga anak niya, At hindi sapat sa luho ni mama ang kinikita ni papa.


I was 8 and 2nd grade that time and yuna my younger sister is 5 and nasa kindergarten pa noon, Ng itakas kami ni mama kay papa, dahil
Siguro hindi na siya masaya dahil puro nalang sila nagaaway, my mom tells me all lies about my father.


Sabi niya na kesyo babaero daw kasi si papa, pero saka ko nalang nalaman na itinakas kami ni mama dahil may nakilala siyang higit pa kay papa, a business man, filipino-canadian na nakilala ni mama sa club, siya rin ang tumulong kay mama, para makapag migrate kami sa canada at baguhin ang lahat ng identities naming magkapatid.


Pero mabait naman yung step father namin, at tinuring niya kaming parang mga anak niya, and mabait naman yung mga naunang mga anak niya, kaya ok narin.


Kaso when i was 13,nagkasakit yung step father namin at binawian ng buhay, so my mom decided na bumalik nalang kami ng pinas,for good.



Ni hindi kami marunong magtagalog ng kapatid ko That time, i can speak Japanese,pero naging mas fluent ako sa english and french.


pero i need to learn tagalog kasi kailangan, sa pinas narin kasi namin tinuloy ang pagaaral namin.


Natasha Simeon ang binigay na name ng step father ko sa bagong identity ko,  Simeon kasi yung apelido niya, and Natalie Simeon ang pangalan na ipinalit sa kapatid ko.



I was 16 that time ng madiscover ako ng Manager ko ngayun na isang talent manager, habang kumakain kami ng kapatid ko sa gotohan ni mang cook, e sakto ata dun din sila kumakain that time.


I told my mom pero ayaw niya akong payagan, makakasira lang daw ang pagaartista sa pagaaral ko,



Pero sinuway ko parin si mama, pinagsabay ko ang pagaartista at pagaaral, and like Rain hindi rin naman naging madali at first ang dami rin tumanggi samin that time, ang dami rin nag down at nag bash sa akin dahil mukhang wala naman daw akong ibubuga sa pag-arte, but look at me now, isa ng sikat na celebrity.


I hate Ferrer's corporation that time, kasi sila yung kauna-unahang nagmaliit sa amin nung mga panahon na yun, na kesyo hindi daw namin kayang i-meet ang mga standards nila.  Kaya nangako rin ako Sa Manager ko na kapag sumikat ako never akong mag sa sign ng contract para maging endorser nila kahit anong mangyari, kaya nagsumikap talaga ako,hanggang kabilaan na ang mga company na pinagaagawan ako.


I was 19, nung halos unti-unti na akong nakilala ng publiko, hindi na rin kami magkaintindihan ni mama, lalo na nung magasawa siya ulit na isa ring business-man, na hiwalay sa asawa at may 3 anak, At isa dun si raffy.


Hindi ko gusto ang trato ng mga step siblings ko
Samin lalo na yung recent step father ko noon, kaya nakitira muna ako sa Manager ko. Sabi ko magiipon lang ako, kukunin ko na yung kapatid ko kay mama,


Yung kapatid ko nalang yung nakakaintindi sakin,
I love her so much kaya ang sakit-sakit ng mawala siya sa buhay ko.


Nangako ako na magiipon lang ako, then sabay naming hahanapin si papa sa Japan,pero hindi na nangyari yun, namatay yung kapatid ko na hindi man lang natupad ang pangarap niyang makapiling si papa.


Bago mamatay si Yuna(Natalie), tumawag siya sakin, naglalambing, sabi niya,



"ate, miss na miss nakita,magkita naman tayo oh?"



Naramdaman ko na may iba sa pagtawag niya, pero hindi ko binigyan pansin kasi that time medyo unti-unti palang nakikilala ang pangalan ko, inuna ko pa yung trabaho ko kesa sa pagbigyan ko ang lambing ng kapatid ko, saka every-time na magkikita kami, lagi naman kaming masaya, until Recently na parang may kakaiba sa mga kinikilos niya,bakit hindi ko kagad naramdaman yun?bakit hindi ko kagad siya binigyan pansin? Mga katanungan na hangga ngayon pinagsisihan ko,na hangga ngayun hindi ko parin mapatawad ang sarili ko.



Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya ginawang priority ko noon, at inuna ko pang ipriority ang umuusbong kong career kesa prioritized, ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.


Nasa subic lang ako that time at may final taping, kung tutuusin after that pweding-pwedi ko na siyang puntahan pero, After taping inuna ko parin yung mga kasama ko sa taping para mag celebrate kasama sila. But i told her na hintayin niya lang ako.


Pero sana kung umuwi ako agad at nakipag kita ako sa kapatid ko, baka hindi nangyari ang aksidente, baka siguro hangga ngayun buhay parin siya at kasama ko pa ngayun,


Kasama kong bumubuo ng mga pangarap.
kasama ko sa saya,
kasama ko sa bawat award na natatanggap ko, kasama ko sa lahat ng tagumpay ko.

Ang daming sana.
Ang daming baka, siguro.
And dami kong sinayang na panahon,ang dami kong pinalipas na panahon na sana pinili ko nalang makasama siya kahit mahirap.


Ang sakit-sakit mawalan ng sobrang mahal mo. Para na rin niyang sinama ang buong pagkatao ko sa pagpanaw niya,
at sinabay narin niya sa libingan niya ang puso ko.


At ang masakit hindi naman yun basta aksidente lang, suicide ang nangyari, namatay ang kapatid ko kasama ng pinagbubuntis niya.


Oo, 2months ng buntis ang kapatid ko, kaya pala before she died iba ang pakiramdam ko sa tuwing magkikita kami, yung pilit ang pagiging masiyahin niya. Pero hindi ko binigyan ng atensyon, kasi feeling ko baka dahil lang kay mama or baka sa school lang,or baka nastress siya dahil malimit nalang niya akong makasama dahil nagiging busy na ako sa pagaartista ko noon.


Ayaw kasi nilang magkaroon ng tsismis sa bagong pamilya ni mAma ngayun,Kaya pinalabas nila sa publiko na aksidente ang nangyari, at hindi na public na buntis din ang kapatid ko, binayaran nila ang nag investigate para hindi kumalat sa publiko.


Kinuha ko kay mama yung ibang gamit ng kapatid ko, kasi yun nalang ang mga tanging ala-ala ko sakanya.


Hanggang mabasa ko ang diary niya,


Nung mga panahon na kailangan niya ako sa tabi niya,dahil na dedepress na pala siya kay mama, Yung mga panahon na, nabuntis siya ni Raffy..



Nakasulat din sa diary ng kapatid ko na nauna niyang sinabi yun kay mama, yung nabuntis siya ni RaFfy, pero sinabihan lang siya ni mama na palaglag ang bata at manahimik nalang dahil ayaw niyang ma eskandalo ang pamilya ni Mr. Chen na asawa ni mama ngayun.



Sa last page ng diary niya, sabi niya balak na daw niyang ipagtapat sakin ang lahat, kahit pinipigilan siya ni mama na huwag na huwag sasabihin kahit kanino kahit pa saakin,dahil alam nila na may tendency na baka mag eskandalo ako kapag nalaman ko ang totoo sakanya.


yung huling tawag niya sakin na naglalambing siya, sobrang depress na depress na pala siya nung mga oras na yun, yung last text niya sakin na hindi ko kagad nabasa dahil inuna ko pang magpakasaya sa mga bagong kong mga naging kaibigan sa industriya.


Sabi niya  sa huling text niya


"ate hindi ko na talaga kaya,
sorry ate,hindi na ata kita mahihintay,but please remember that i love you so much.."


Pero huli na ang lahat, nasa hospital na siya at critical na ang kalagayan niya ng mabasa ko ang huling mensahe niya.


Pagdating ko sa hospital, halos agaw-buhay na siya. Hanggang binawian na siya ng buhay.


Ang tagal-tagal bago ako nakapagmove-on, sinubsob ko ang oras ko sa trabaho para lang makalimutan ko ang sakit sa pagkawala ng kapatid ko and till now, hindi ko parin mapatawad si mama, at lalong hindi ko parin mapatawad ang sarili ko.,hindi ko parin mapatawad ang mga taong naging dahilAn ng pagkawala ng kapatid ko.


Dahil kasalanan ko rin ang lahat. Kung inuna ko sana siya edi sana buhay parin siya hangga ngayun kasama ng pamangkin ko sa sinapupunan niya.


Hinanap ko rin si papa sa Japan, hanggAng sa nag ka communication ako sakanya, and kAda may bakasyon ako sa work, binibisita ko si papa sa Japan at mga pinsan ko.



Kaya nagkaroon ng panibagong buhay ang puso ko, at lalo pang nabuo when i met Nichole Fabian, Ang taong nagturo sakin kung paano tumawa ng galing sa puso, yung genuine. Hindi yung smile na parang umaakting palagi sa harap ng publiko.


Siya yung nagturo sa akin kung paano maging masaya, kung paano buksan muli ang puso ko, parang magic at tinadhana ang pagdating niya sa buhay ko, Parang lahat nagkaroon ng saysay.



And yes, dahil sa lagi namin pagkikita, hindi ko namamalayan na unti-unti napala akong nahuhulog sakanya, pero halata naman na may something sila Ni Dani that time, pero lagi naman nasasaktan si Nikki kay Dani, and ayoko siyang nakikita siyang nasasaktan kaya ako pumupuno ng pagkukulang ni Dani, Ako ang sumasalo lahat ng mga kakulangan niya,Kahit alam kong, wala akong pag-asang mapasaakin si Nikki kahit anong gawin ko, kahit masakit, kahit nagmumukha na akong tanga sakaniya, kahit alam kong wala talagang pag asang maging iisa ang nararamdaman naming pagmamahal, pinili ko parin ang mahalin siya.


One time, may nangyari sa kanila ni Dani na alam kong sobrang nasaktan si Nikki, and syempre nasasaktan din ako para sakanya, nagpunta siya sa condo ko, naginuman, she was so drunk that time, and suddenly she pulled me and kiss me, alam ko mali, at alam ko naman na hindi niya yun sinasadya.


Pero for me, Parang lalo kong na realized sa sarili kong, gusto ko talaga siya.

no!..

mahal ko talaga siya.


Andami kong ginawang katangahan para agawin lang siya kay dani, pero hindi eh,
sila talaga ang nakatadhana.


Andami nilang pinagdaanan ni Dani sa buhay, andami-daming gumawa ng paraan mahiwalay lang sila, pero hindi e sila parin talaga sa huli.


Yung aksidenteng nangyari kay Nikki, nung akala ko mawawala na siya sa buhay ko
Kahit bilang kaibigan lang niya, takot na takot ako nun eh, saka ko narealized na kahit mahal na mahal Ko si Nikki, kailangan ko na siyang igive up, sa taong makakapagpapasaya talaga sa buhay niya. At yun ay kay Dani lang.

Nung ikasal sila, i was actually invited that time, pero sino namang tangang aattend ng kasal ng mahal niya?! nag bakasyon muna
Ako sa canada that time, para makalimutan ang pagiging broken-hearted ko, and after that i planned to visit my biological father in Japan..



I was feeling devastated, wasted and broken that time, pero ok na yun, atleast masaya ang mahal ko Sa feeling ng taong alam kong kukumpleto at magiging masaya sa pagkatao niya.




Kahit sobrang sakit ng mga nararamdaman ko.
Kahit sobrang feeling ko kinamatay ko.


Kahit hinihiling ng puso't isipan ko na
"Sana ako nalang yun,"


I told my dad na bibisitahin ko siya soon sa Japan after kong mag relax sa Canada,pero kung minamalas-malas ka nga naman sa pagmamahal,


Hindi inamin ni papa na, may lung cancer na pala Siya na matagal na niyang tinatago,so nagmadali akong mag pa book sa Japan. Pero hindi eh. Hindi ko na rin siya naabutan,nirerevive na rin siya ng makita ko siya sa hospital,niyakap ko lang si papa sa hospital bed niya bago siya ilipat sa morgue. But that was the last time na nagpakita ako Sakanila, hindi ko na hinintay na ma cremate si papa,dahilSa sobrang sakit ng nararamdaman ko, Bumalik na ako ng Pinas.

Sa mga oras na yun, gustong-gusto ko naring mamatay,mga akala mong kukumpleto ng buhay mo, Sila pa ang ang unang mawawala
Sayo, i feel incomplete,I feel wasted.
sabik ako sa pagmamahal,
Sabik akong mahalin ng totoo, sabik ako sa taong hindi ako iiwan sa ganitong kasakit na paraan.


Pero diba? Paano naman akong magmamahal?
Kung hindi ko mabitawan ang nakaraan ko?
O kung hindi ko parin napapatawad man lang ang sarili ko?

Sabi nga ni Nikki, mahalin ko nga muna daw ang sarili ko, at i set free kung anong mga
Bumabagabag sa puso't isipan ko,



Pero Paano nga ba ako magmamahAl?
Kung mismong sarili ko nakalimutan ko narin atang mahalin?.

Nikki, keep pushing Rain to me, and sabi niya baka sakaling sakanya ko mahanap ang kukumpleto ng buhay ko.



I really like Rain, as in so much.
Importante siya sa buhay ko,
Mahalaga siya sa buhay ko.

Special siya sa buhay ko.

Pinipilit ko naman siyang mahalin,
Pinipilit kong ibigay ng buong-buo sakanya ang puso ko.

Pero minsan ang hirap,
Hindi lang siya ang naloloko Ko, kung hindi ang buong pagkatao ko rin.


How can i totally love her? Kung hindi ko parin ganap na le-let-go ang past ko.?



I tried na magpakatotoo sakanya, pero the fact na gusto kong magpakatotoo sakanya, siya rin ang time Na nararamdaman ko ang takot ko, na baka bigla siyang mawala sa buhay ko. Siya nalang kasi ang nakakaintindi sa akin, sakanya ko nafi-feel ang buong-buong pagmamahal,na hindi humihingi ng kapalit.


Masaya ako tuwing kasama ko siya, pero parang may kulang parin,andaming kulang sa buong pagkatao ko.


Oo nga,ako naman talaga yung may problema sa sarili ko.


Bashed me.
Judged me.
Hate me.
All you want.
Go on.



Yun din naman Kasi ang nararamdaman ko sa pagkatao ko.

Yes sa mata ng publiko, i am perfect in every way,


But not me, being myself.
Im not perfect.

I am far from being perfect.


I am Incomplete.


I may look strong..


But i am broken,
and depress.

Ayokong mawala si Rain sa buhay ko,Kaya gusto kong magpakatotoo sakanya. Im planning to let-go yung mga sakit na nararamdaman ko. Susubukan kong magpatawad,susubukan kong patawarin ang sarili ko. Ang mama ko,
Ang mga taong nanakit sa buong pagkatao ko, susubukang kong magbago sa mga pananaw ko sa buhay, susubukan ko rin mahalin ang sarili ko.



Susubukan kong i totally let-go ang natitirang pagmamahal Ko kay Nikki, at mag totally move on sakanya,at ibigay ng buong-buo kay Rain itong puso ko, ang buong buhay ko.


Im hoping and praying for that.
Sana makayanan ko..


I mean kakayanin ko..


Para masabi ko ng buo sakanya na mahal ko siya,ng walang pag-aalinglangan,Na importante siya sa buhay ko.

********
"Hey! Babe! bat ka umiiyak?" I asked Rain,Halos patapos na kasi ako sa kwento ko sakanya about kay mama, sa sister ko at kay papa,at halos kakabalik lang namin sa hotel



"Kanina ko pa pinipigilan umiyak sa sasakyan palang,ang hirap pala Ng mga pinagdaanan mo, don't worry,i promise you. Na kahit anong mangyari hinding-hindi ako mawawala sa tabi mocmamahalin kita buong buhay ko, I love you.. i love you so much" She said..

Niyakap ko siya, and wiped her tears using my thumb.. "babe,I know!and ayoko rin mawala ka sa buhay ko."



"I love you". She sincerely said



Sana masabi ko rin sayo ang mga salitang yan. Ang salitang matagal mo ng hinhintay sa akin. Pero sana huwag kang mainip. Im trying to move on, I'm trying to let go all the worries and fears inside of me. Im trying to repair all the scratch puzzle inside my heart, trying to let-go all the sad memories that I've been trying to hide all this years.


"Thank you, but please be patience to me ok?"



"Ofcourse, kahit may pagkastubborn ka madalas!" Sabay kurot niya sakin sa bewang.



"Aray! Sakit nun ah!."i said and kiniliti ko siya. "Pero maiba tayo ng usapan."



Kunot-noo siya "anu yun?"



"Hindi ko kasi gusto ang paglapit sayo ni mr. savvy kahapon ha!."



"Beb, binigyan niya lang ako ng calling card and inalok sa bagong sexy film na gagawin nila."


"HuWag kang papayag sa offer niya ok?"




"Bakit naman hindi?"


"Magaaway tayo talaga, ayokong magpaka daring or magpaka sexy  ka sa harap ng camera, ayokong ipublic mo ang katawan mo sa lahat, ayoko."bumuntong-hininga muna ako "basta wag kang papayag,Ayokong pagnasaan ka ng publiko.."



"Bakit naman? Nagseselos ka?" Sabay smile
Niya ng nakakaloko at kiss me.



"Ofcourse magseselos ako, at ang gusto ko, ako lang, ako lang ang taong pakikitaan mo ng katawan mo, at wala ng iba" saka na ako tumalikod sakanya sa bed.kunwari nagtatampo.


Yumakap siya sakin sa likod "ofcourse i'm not,gusto mo bang maatake sa puso ang parents ko kapag nagpaka sexy ako sa movies?" Saka lang siya tumawa .



"Dapat lang! marami namang ibang offers so
Yun nalang i accept mo Ok?"




"Ok po.." saka niya ako hinalikan.



And this time siya yung nag initiate ng romansahan namin, sinulit na namin dahil
Bukas balik pinas nakami, and magiging busy nanaman ako sa mga commitments ko.

*********************

So guys! Alam niyo na kung ano ang deep dark side secret ni Natasha.. sana mabawasan ng konti yung galit niyo sakanya.

Ineedit ko na ang next chapter.. malay niyo bukas lang may next chapter na ulit..

Thanks sa walang sawang, pag read ng stories ko.🥰
Comment lang po kayo.😊..

Sobrang gusto ko ang magbasa ng mga comments niyo, para alam ko rin kung komusta na ba ang flow ng stories ko..

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
58.9K 1.4K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
26.8K 1.6K 47
It's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.
242K 8.6K 37
'One of the worst things in the world is being fooled by one of the people you care and love. Because trust, when it's broken, it's hard to give back...