Haunting Aubrey (SEXY BLACK D...

By HippityHoppityAzure

324K 5.9K 388

(š’š„š—š˜ šš‹š€š‚šŠ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" hau... More

Haunting Aubrey
Chapter 1: A Part of The Past
Chapter 2: Chester
Chapter 3: What He Wants
Chapter 4: The Broken Girl
Chapter 5: Violinist
Chapter 6: Ave Maria
Chapter 7: Her Decision
Chapter 8: Sensing Trouble
Chapter 9: Haunting in Japan
Chapter 10: A Favor
Chapter 12: Hurt More
Chapter 13: Reckless Night
Chapter 14: Again
Chapter 15: That Dirty Woman
Chapter 16: Shouldn't She?
Chapter 17: Trial
Chapter 18: Feelings, Emotions
Chapter 19: Bloody Mess
Chapter 20: Angel
Chapter 21: Resolution
Chapter 22: Race
Final Chapter: Game Over

Chapter 11: New Side

10.1K 203 19
By HippityHoppityAzure

Chapter 11: New Side

PAGKABIHIS NI AUBREY, bumaba na siya sa lobby ng hotel. Pero wala namang Chester ang nakapuwesto sa alin mang sofa na naroon.

            Tumingin-tingin siya sa paligid, hanggang sa makita na niya ito malapit sa reception desk. May kausap itong dalawang hotel concierge na agad ding yumuko bago umalis. Then sakto, may dalawang kararating lang na guest ang dumiretso sa reception area, whom to Aubrey’s surprise, ay niyukuan ni Chester.

            Hindi nga? Marunong magpakita ng galang ang gagong ‘yan?

            And Chester even smiled, making Aubrey more skeptically surprised.

            Th-the jerk smiled. Take note—smiled. Not smirked!

            Nalingunan na siya ni Chester. Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mga mata nito, bago ngumisi. Napaikot naman ng mga mata si Aubrey sa pag-ngisi nito.

            Here goes that annoying smirk of his again.

            “Is there anything I can help you with, ma’am?”

            Aubrey shivered at Chester’s husky, cold voice. Nakalapit na pala ang gago sa kanya. Nang tignan niya ito, aba, nakangisi pa rin.

            “Ah, yes, yes.” Sagot ni Aubrey nang nakataas ang isang kilay. Tinuro niya rin ang nakangising mga labi nito. “That smirk on your face pisses me off. So puwede pakialis?”

            “Oh... Pisses you off? Or seduces you?”

            Seduces. Naestatwa si Aubrey sa salitang iyon. Hindi siya kumportable na lumagpas muli sa linyang namamagitan sa kanila ng lalaking ito.

            “Hmm anyway,” biglang nag-iba ang boses ni Chester, from huskily cold to casually cool. “The tour service is going to start now.”

            “Tour service?” Medyo nagulat si Aubrey. Akala niya si Chester ang mismong sasama sa kanya sa pag-iikot base na rin sa sinabi ng kanyang nobyo. Pero ayun pala, may tour service na inalaan ito sa kanya.

            Right. This hotel must be offering such service. Nagkibit-balikat na lang siya at ngumiti. Much better.

            Unti-unti nang nagbubunyi ang kalooban ni Aubrey nang makita naman niya ang muling pag-ngisi ni Chester—kasabay ng pag-unbutton nito sa suot-suot na black suit.

            “Ahuh. Tour service.” Ani Chester. “Chester Salviejo’s Personal Tour Services. So, c’mon.”

            At nauna nang umalis ang binata, habang naiwang nakanganga si Aubrey.

                                                            ***

CHESTER SALVIEJO’S PERSONAL Tour Services? Yeah right.

            Nakasimangot si Aubrey habang tahimik silang naglalakad ni Chester.

            Oo, naglalakad lang sila mula pa nung umalis sila sa hotel at walang ideya si Aubrey kung saan sila papunta. Wala na rin siyang pakialam. Isinawalang bahala na niya kung paano ang magiging takbo ng tour service-kuno ng gagong kasama niya.

            Wala na talaga siyang pakialam. Basta masunod lang ang gustong mangyari ni Justin, ayos na sa kanya. Kaso, sadyang mahirap kalabanin ang emosyon ng isang tao. Nung makarating kasi sila sa isang istasyon ng tren at sabihin ng kasama niya na sasakay sila roon, na-excite siya. Isa kasi iyon sa mga gusto niyang maranasan sa Japan. Ang makasakay sa mga public transpo rito.

            Well, okay. Tren lang naman iyon. May tren din sa Pilipinas at ilang beses na siyang nakasakay roon. Pero iba pa rin ang tren sa Japan. Napaka-high tech nito ayon sa mga nabasa at napanood niyang mga travel guide.

            Hindi naman siya nagkamali. High tech nga ang sistema ng tren dito. Napadali pang sumakay. Manghang-mangha lang siya, at pinipilit niyang hindi ngumanga sa pagkamangha.

            Akihabara.

            Sa istasyon na ‘yon sila bumaba at muli niyang hindi malabanan ang excitement na kanyang nararamdaman. Why not, when she always dreamt of visiting that place. Heaven for anyone who was into gadgets and animes.

            Sa tuwa ay hindi na niya namalayang basta-basta na siyang pumapasok sa mga shop na nadadaanan nila. Nakalimutan niyang dayo lang siya roon at hindi pa bihasa sa pagha-Hapon. Mamaya maligaw pa siya. Nakakatakot lang. Good thing that she’d always find Chester right behind her every time she felt scared.

            Nabilib siya roon. Nasusundan pala siya ni Chester saan man siya sumuot sa kabila ng dami ng tao. Kung makatingin nga rin ito sa kanya, parang...

            Wala lang. Aubrey cut her own thoughts off.

            Pero hindi niya maipagkakaila sa sarili. Kakaiba nga ang tingin ni Chester sa kanya mula pa nung maglakad sila. Hindi mapang-asar, hindi mapanakot. Chester was... she didn’t know. She couldn’t explain it. Basta kakaiba ito at ang mga tingin nito sa kanya. Different in a way that nawala ang pagkailang na akala niya ay habang buhay na niyang mararamdaman dito.

            “You wanna buy those?” Biglang tanong ni Chester sa likuran niya habang pinag-iisipang bilhin ang isang stack ng Naruto manga.

            “Oo?” Aubrey was not sure. Napakarami kasi no’n. Sampung volume din iyon na kung bibilhin niya ay mahihirapan niyang bitbitin.

            But then she thought, Chester might courteously volunteer to carry those. Kaso nakakahiya!

            “Fan ka ba niyan?” Tanong pa ulit ni Chester with a hint of curiousity.

            Tumango lang siya.

            “Talaga? Wala sa itsura mong magkahilig sa mga ganito ah.” Komento pa nito sabay kuha dun sa mga manga.

            Natigilan saglit si Aubrey. It was just that, Justin gave her the same comment before. Pero sa Naruto lang naman siya nahumaling.

            “Ka-in love kasi si Kakashi, eh.” Wala sa sariling sabi ni Aubrey nang sabayan niya si Chester sa paglalakad papuntang counter.

            Mahina lang na natawa si Chester.

            “Pero mas nakaka-in love pa rin si Justin.” Nakangiti niyang dagdag at napatigil naman sa pagtawa ang kasama niya.

            Sa counter, naglabas na si Aubrey ng credit card para makapagbayad. Iaabot na sana niya iyon kay Chester. Kaso ang gago, naglabas ng sariling credit card at iyon ang ginamit pambayad. Kinausap pa nito ang matandang kahera in Japanese—in fluent Japanese na ikinamangha niya.

            “Let’s go.” Seryoso at kaswal na sabi ni Chester pagkatapos kausapin ‘yung kahera.

            “Wait. ‘Yung pinamili ko?” Pag-aalala niya dahil tinabi lang nung kahera ‘yung mga manga niya.

            “Huwag kang mag-aalala. Those will be delivered straight at your room tonight.” Paliwanag ni Chester bago lumabas ng shop.

                                                            ***

MALAMANG SINABI SA kanya ni Justin ang mga gusto kong puntahan.

            Iyon ang naisip ni Aubrey habang naglalakad kasama si Chester. Pagkatapos kasi nilang isa-isahin ang halos lahat ng specialty shops sa Akihabara, nagpunta naman sila sa Asakusa.

            Akihabara and Asakusa. Dalawa iyon sa mga gustung-gusto niyang puntahan sa Japan eh. So Aubrey thought that Justin definitely shared it to his best friend.

            Tinanong naman niya sa kanyang nobyo thru online chat kung nasabi nga nito kay Chester ang mga plano nila. Pero hindi naman ito nagre-reply.

            Ah, right. Busy Sunday-golfing with a moody Canadian investor.

            Magbubuntung hininga dapat si Aubrey, kaya lang eh namangha na naman siya sa pagdaan nila sa malaking gate ng Asakusa—kaya napanganga na lang ulit siya habang tumitingin sa paligid.

            Ang galing... Aubrey was very much amazed. Ang dami kasing tindahan na maka-luma ang tema!

            Natauhan na lang si Aubrey sa kanyang pagnganga nang makarinig siya ng pigil na tawa mula sa kasama niya.

            “Anong tinatawa-tawa mo diyan?” Asar niyang tanong dito kahit alam niya na siya ang tinatawanan nito.

            “Ikaw. You look funny with your mouth hanging open.”

            Gago talaga. Bwiset. Buong akala kasi ni Aubrey ay magwa-Wala lang ito. Pero talagang pinahiya pa siya nito.

            “Asakusa,” ngumiti na lang si Chester at tumingin sa paligid, with both hands on his hips. “During the Edo Period—around 1600’s—this place was the leading entertainment district in Tokyo. Natigil na lang iyon nung World War Two, when almost the whole place got destroyed due to air raids. So karamihan ng structures dito ay inayos na lang after the war, then preserved up to this day.”

            Namimilog ang mga mata ni Aubrey habang nakatulala kay Chester.

            Pinagsasabi ng gagong ‘to? Bakit alam niya ang tungkol do’n?

            “Dati ka bang tour guide dito, ah?” She asked him.

            Ginantihan siya nito ng tingin nang may namimilog ding mga mata—sabay tawa.

            “I’ve never been a tour guide before, Aubrey. Just now. For you.”

            Nanatili ang pagkatulala rito ni Aubrey. Napakurap na lang siya nang tumalikod na ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan niya ito. And the jerk, feel na feel ang pagiging tour guide. Halos lahat ng shop at stall na madaanan nila, pinapaliwanag kung anong mga tinda.

            Weird. Why is this jerk so weird today? She wondered. Kung dati kasi ay parang demonyo ito na nanggugulo sa buhay niya. Ngayon, tila nag-transform ito bilang anghel na ginagabayan siya.

            Hindi ko na alam... Ano ba talaga ang totoong Chester?

            Aubrey was starting to get frustrated with the guy. Kaya naman pala kasi nitong magpakabait. Eh bakit kailangan pa nitong manggulo ng buhay niya?

            Bipolar lang? O may problema na ‘to sa pag-iisip?

            Napawi ang pagkalito at pagka-frustrate niya nang ilibre siya ng pagkain ni Chester sa mga stall na nadadaanan nila. Hanggang sa marating nila ang kilalang templo at shrine doon, kung saan nagdasal si Aubrey the Shinto way.

            I wish I can be with Justin forevermore... Err, English pala ‘yon. Sana lang maintindihan ng Shinto Gods. At sana pagbigyan nila ang hiling ko kahit hindi ako isang Shinto.

            Awkward siyang natawa sa sarili niya pagkatapos.

            Ano bang pinaggagawa ko?

            “Now, let’s go to our next stop.” Ani Chester nang balikan niya ito sa isang tabi. At may naalala siya.

            Sana pala hiniling ko rin na maging ganito na lang kabait ang lalaking ‘to forevermore!

                                                            ***

IBA NA ANG kulay ng langit. Dapit-hapon na kasi. Pero naglalakad pa rin si Aubrey kasama si Chester—this time sa tabi ng malapad na ilog na sa tantya niya ay kasing-lapad ng Pasig River.

            Sa ilog nakatutok ang paningin niya. Nakakamangha naman kasi ang pagkalinis nito, maging ang magandang view ng mga building sa kabilang ibayo.

            “Over there’s the Sumida Park.”

            Napatingin si Aubrey kay Chester nang magsalita ito. May tinuturo ito na agad niyang binalingan ng tingin. Isa ‘yung parke—na maraming puno ng cherry blossoms!

            “Oh my God...” Ayun na lamang ang nasabi ni Aubrey sa kanyang nakita. Then she ran toward that park’s area at malapitang tiningala ang mga puno na nagpapaulan ng pink petals.

            She was speechless. Another dream just came true for her. Dati ini-imagine niya lang kung ano sa pakiramdam nang ganoon, ang mapalibutan ng cherry blossoms tree at maulanan ng mga bulaklak, but now it was happening—and it felt so magical.

            Buti na lang sakto ang pagpunta niya sa Japan. Isa sa dahilan kaya pumayag siya na magpunta roon at tumugtog ngayong tagsibol ay dahil sa mga punong iyon.

            “Beautiful.” Salita ni Chester na nasa tabi na niya.

            “You bet! Maganda talaga sila! Ang ganda ng paligid kapag ganito!” Ngiting-ngiti niyang tinignan si Chester na matipid na nakangiti sa kanya.

            Again, she found the guy very weird and it frustrated her.

            Pero bakit pa siya mafu-frustrate? Bakit hindi na lang siya magpasalamat sa mga ginawa nito sa kanya ngayong araw? Nakakahiyang magpasalamat, but she believed that it was a must-do.

            “Thank you ah, Chester.”

            Slight lang itong tumango at tumingin sa ibang direksyon. Napasimangot naman si Aubrey.

            “Alam mo, uso ring mag-You’re Welcome kapag may nag-Thank You sa’yo.” Inis niyang sabi.

            “Why bother now if I can do it later? Dahil sigurado ako na papasalamatan mo ulit ako mamaya. Nakakainis lang kapag paulit-ulit.”

            “Fine! Eh ‘di mamaya na lang!” Inikutan niya ito ng mga mata. Pero muli rin siyang ngumiti nang makita ang mga petals na bumabagsak sa kanila.

                                                            ***

KAYA PALA NASABI kay Aubrey ni Chester na muli siyang magpapasalamat. May karugtong pa pala kasi ang tour services-kuno nito which was dinner sa isang ramen house.

            Busog na busog si Aubrey pagkabalik nila sa hotel—at satisfied na satisfied sa pagpasyal nila ni Chester. Ngunit may panghihinayang din siyang nararamdaman. Si Justin dapat ang kasama niya eh. Sayang lang. Eh ‘di sana masayang-masaya siya ngayon.

            “Oh, siguro naman ngayon makakatanggap na ako ng You’re Welcome kapag mag-Thank You ako.” Sabi ni Aubrey nung nasa tapat na sila ng elevator. “Thank you, Chester.”

            “You’re welcome.” Simple nitong sagot.

            Natulala si Aubrey sa itsura nito. Emotionless na. Siguro pagod?

            “Chester...” Hindi niya sinasadyang magtunog malambing. Napatingin tuloy ito sa kanya nang may unting pagkagulat. “Uhm, natutuwa lang ako. Sa’yo. Nakita ko ‘yung ibang side mo ngayong araw. I mean, your nice and bright side.”

            Hindi ito kumibo at nanatiling nakatingin sa kanya.

            “At naisip ko lang... Sa kabila ng... ng mga nangyari sa atin—noon at ngayon—puwede pa rin naman tayong maging magkaibigan ‘di ba?” Pagbabaka sakali niya.

            “No.” Diretso at seryoso namang sagot nito na ikinabigla niya. “Don’t get me all wrong with what I’ve done today, Aubrey. Dahil ayaw kong maging kaibigan mo.”

            Aubrey was hurt—and so much frustrated. Ano ba talaga, Chester?

            “Iisa lang ang gusto kong mangyari, at hindi pa rin nagbabago ‘yon.”

            Nagtitigan sila. Aubrey looked defeated, while Chester looked very determined.

            “I still want you to break up with my best friend. That’s it, Aubrey.”

            Tumunog ang elevator, hudyat na nasa palapag na nila iyon. Pero kasabay no’n ay ang pagtalikod ni Chester at paglakad palayo sa kanya, leaving her confused again.

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

103K 6K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.8M 111K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by hate or by heart. League of Billi...
355K 5.8K 33
The issues of friendship, love, lust and revenge are the biggest issues she have ever faced on her entire life. She became the umbrella, turning upsi...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...