Call Me Daddy (Awesomely Comp...

By HolyCarbonara

491K 7.4K 741

Ni minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimi... More

Call Me Daddy
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Epilogue
Thank you!

18

9.4K 158 10
By HolyCarbonara

Nara

Nakatulala lang ako sa Mama ni Travis habang nililinis nito ang mga gasgas ko sa braso. Hindi ko naman matignan ang asawa nito dahil nakakailang. Kanina pa rin kasi ito nakatitig sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Siguro dahil kamukha ko ang asawa ng anak nila? Posible.

Dumating si Travis na may dalang palanggana kaya tinignan ko siya't nginitian ng bahagya bilang pasasalamat. Kanina pa rin salubong ang mga kilay niya simula nang makita ang kalagayan ko. Alam kong nangangati siyang magtanong pero hindi niya pa ginagawa. Ang inuna kasi talaga muna nila ay ang asikasuhin ako.

Nakakahiya nga kasi nakikitira lang ako pero heto ako't inaasikaso ng pamilyang nagpapaaral at nagpapakain sa akin. Kaya ko naman asikasuhin ang sarili ko pero hindi ako makapagsalita simula pa kanina dahil hiyang-hiya ako't ganito nila ako nadatnan. At isa pa, naiilang ako dahil hindi ko naman sila kilala talaga.

"Napano ka ba, apo? Napaaway ka ba?" nag-aalalang tanong ni Lolo. Tinignan ko ito saka umiling. "Eh, ano nangyari at nagkaganiyan ka?"

"Activity po sa school. P.E." Pinilit ko magtunog na para bang hindi nagsisinungaling at habang hinihintay ang sagot nila ay hinihiling ko na sana hindi sila maghinala.

"Grabe naman iyong school niyo." Napatingin kaming lahat kay Mrs. Eru dahil sa sinabi nito.

"Part of growing up, Han." Narinig kong sinabi ng asawa nito pero hindi ako tumingin dahil ramdam ko pa rin ang titig nito.

"Nara," pagkuha ni Mrs. Eru sa atensyon ko. "Why don't you take a bath first bago ka sumama sa amin?"

"Po? Saan po ba tayo pupunta?"

"We plan on eating out kasi since I wasn't able to cook kanina. We had a bit of a..." Tumingin siya kina Mr. Eru at Travis nahuli ko ang pagsasalubong ng kilay niya at ang mag-ama naman ay nakangising nakatingin sa kaniya. "Family discussion." Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ako binigyan ng maliit na ngiti. "Pero kaya mo ba? You might be in pain right now because of school that's why I'm asking. We can just order—"

"Nako. Kaya ko po."

Inilublob niya ang hawak na bimpo sa palanggana na dinala ni Travis saka ito piniga bago ipinahid sa akin. "You don't need to be shy around us, okay? We kinda remember you. Travis told us na nagsama kayo sa isang shoot back then when you were kids."

"O-Opo. Ako nga po iyong batang iyon, Mrs. Eru."

"She's super casual. Nakakaloka." matawa-tawang sinabi niya saka inilagay sa palanggana ang hawak na bimpo at tumayo. "Pero kamukha mo—"

"Ma, kakasabi ko lang kanina." pagsapaw ni Travis kaya napatigil ito sa pagsasalita.

"Whatever." Nag-ikot ng mata matapos irapan ang anak saka ako hinawakan sa pulso. "Go and take a bath na, Nara. We'll wait for you here."

Tumango ko habang nakangiti saka nagpaalam. Habang naakyat sa hagdan, hindi ko maiwasang maisip si Chrissy sa ipinakitang ugali ni Mrs. Eru. Magkaparehang-magkapareha sila, lalo na sa pagsasalita. Naruon ang pagiging maarte pero ito iyong tipo ng arte na hindi maiinis, bagkus ay matutuwa ka pa.

Umalis rin kaagad kami gamit ang sasakyan nila. Malaki ito. Ang sabi, ginagamit raw ito ng mag-asawa para sa trabaho nila. Kaya pala maraming nakasabit na magagandang damit sa bandang likuran dahil artista sila. Malamang maraming wardrobe changing ang nagaganap dahil sa mga scenes na ginagawa nila.

Bumyahe kami ng halos isang oras dahil walang makitang restau na gusto nila si Mr. Eru, o Sir Uno dahil iyon ang gusto nitong itawag sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na puwede naman sa restau na pinagtatrabahuhan ko pero naalala kong hindi pala basta-basta ang mga kasama ko. Baka imbis na makakain sila ng maayos ay dumugin sila.

Maganda ang napuntahan naming restaurant. Mukha rin walang pakielam ang ibang customer sa mga kasama ko dahil, siguro, mayayaman rin ang mga ito. Hindi ko alam pero hindi sila dinumog. May iilang nag-pi-picture ng palihim ang nakikita ko pero hanggang duon lang ang ginagawa ng mga ito.

Iginiya kami ng waiter sa isang pabilog na lamesa na pinalilibutan ng walong upuan. Nakakatuwa ang mga upuan rito dahil may foam ang mga ito kaya magiging kumportable ang kung sino man na kumain rito. Katabi ng floor to ceiling glass wall ang puwesto namin kaya kitang-kita ko mula sa puwesto ko ang kalsada, na bibihira lang may dumaang kotse.

Tahimik lang ako habang umo-order sila. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil para akong napapagod habang nasa lugar na ito. Para nitong dine-drain ang lakas ko. Siguro dahil na rin hindi ko gusto ang mga ganitong tagpo. Ayoko kasi talagang lumabas at makisalamuha sa mga tao dahil napapagod ako. Nakakahiya naman sa mga bisita namin kung hindi ako sumama dahil parang isa ako sa dahilan ng pagpunta ng mga ito rito.

Gusto ko ngang ibaling na lang ang tingin ko sa ibang bagay, tulad ng makinang na chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng kisame nitong restau, sa bintana, sa kalsada at sa mangilan-ngilang tao na nanggagaling sa parking lot.

"Nara?" Napakurap ako ng ilang beses nang tawagin ako ni Sir Uno. Tinignan ko kaagad ito saka tumango ng isang beses bilang paghingi ng paumanhin. "Ayos ka lang ba? Sobrang tahimik mo."

"Nako, Sir." Napatingin ito kay Lola nang magsalita ito. "Ganiyan lang ho talaga ang apo namin. Pagpasensiyahan niyo na. Simula kasi bata, hindi na madaldal iyan."

"Ayos lang po, Lola Tes." sagot naman nito. "So anyway. How old are you, Hija? Nakalimutan ko. Nakita ko na iyong birthday mo sa nakuha naming birth certificate sa dati mong school, eh. Tinatamad lang ako mag-compute kung ilang taon ka na." Nabalot ng mahinang tawa ang lamesa dahil sa sinabi ni Sir Uno.

"22 po."

"I believe Education ang kinuha mo, tama ba?" Tumango ako sa tanong nito saka ko pinaglaruan ang mga daliri ko. "English major, right?" Muli akong tumango pero biglang bumahing ang katabi ko kaya bahagya akong nagulat.

"Gah." paghingi ng paumanhin ni Travis saka hinablot ang isang piraso ng tissue sa rack na nasa gitna ng lamesa.

"Since mag-te-teacher ka," Nabaling ulit ang atensyon ko kay Sir Uno nang magsalita ito. "Puwede bang turuan mo rin ng tamang asal ang anak namin?"

"Right!" pagsang-ayon ni Ma'am Aira habang tumatawa. "Bless you, Trav."

"Pa, Ma." ungot ni Travis saka itinabi ang tissue.

"It still baffles me." Napatingin kami kay Ma'am Aira nang magsalita ito. Gamit ang dalawang palad, sumalumababa siya saka ako tinignan ng maigi. "Nara, do you know anyone whose last name is Clemente?"

"Ma!"

Masamang tingin ang ipinukol nito sa anak kaya natahimik si Travis. "Your tone, Trav. And I know we already talked about it but I still want to know things about her. I think I have the rights naman to know what I'm curious about since she lives in a house I bought and sends her to school."

"Han," pagkuha ni Sir Uno sa atensyon ng asawa kaya napatingin ito rito. "Why don't we respect his decision?"

"Eru, harmless questions ito. It's not like I'm going to ask her how many people has she killed or how many boyfriends she's had." Umirap ito saka tumingin sa akin. "Nara, don't be scared. I don't bite so no need to be so stiff. Ease up." Binigyan niya ako ng maliit na ngiti kaya ang kaba na unti-unting kumakain sa akin kanina ay nabawasan.

"Sorry po."

"By the way, Ma." Napatingin si Ma'am Eru nang kunin ni Travis ang atensyon nito. "She has a habit of saying sorry everytime she breathes."

"Just like your Kuya back then."

Mukhang nabago ang timpla ni Travis nang marinig ang salitang kuya. Nag-isang linya kasi ang labi niya. "Ma, don't go there."

"Lola Tes, akala ko nagbago na ang anak ko? Ang sama pa rin ng ugali." pagsusumbong nito kay Lola, na halata namang biro lang. Tanging tango lang ang isinagot ni Lola. Ibinalik rin naman kaagad ni Ma'am Aira ang tingin sa akin. "Going back, natanong ko lang dahil kamukha mo ang asawa ng anak ko. Her name's Daniella Clemente-Eru. You know, when I first saw your photo, nagulat talaga ako. I thought, it's too much of a coincidence na anak ko pa ang pagsisilbihan mo with that face. I know that there are cases na may magkakamukha talaga that aren't related but in your case, it's... baffling. You probably saw my other son and his wife, right? Dane and Daniella? They're pretty well-known dahil monster rookie models sila."

"Nakita ko nga po ang asawa ng anak niyo. At kahit magkamukha kami, mukhang malabo po na kamag-anak ko ito. Nag-trend din po ako minsan dahil nga sa pagkakamukha namin."

"Yeah, I remember that. Siya mismo nagsabi sa akin. Kahit siya, gulat na gulat. I asked her if she has a twin and she told me that she doesn't. And I think she'll exert an effort on reaching out to you kung alam niyang may nawawala siyang kakambal. Sorry, Nara. You guys are so identical, it's surreal."

"Ma..." mahinang pagtawag ni Travis rito. "Can we please not talk about them? Let's drop the topic." Nahagip ko ang paghawak ni Sir Uno sa balikat ng asawa, na para bang sinasabing tama na kaya tumahimik naman ito at ibinaling sa ibang bagay ang pinag-uusapan.

Habang kumakain, naging madaldal pa rin ang mag-asawa pati na sina Lolo at Lola. Halatang close sila sa isa't-isa at halatang kahit ang mag-asawa ang amo, may respeto pa rin ang mga ito kina Lolo at Lola. Nakakatuwa lang dahil may mga mababait na amo ang mga taong mahalaga sa akin. Kung itrato rin kasi ng mga ito sina Lolo, parang kapamilya. Mula sa tono ng pagsasalita, pag-aalok ng pagkain at pagkikipag-usap.

Kami naman ni Travis, tahimik lang habang kumakain. Nasira nga yata ang mood nito dahil sa naging pag-uusap tungkol sa kapatid niya't sa asawa nito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero halatang hindi ito basta-basta.

Tahimik pa rin kaming dalawa hanggang sa makauwi kami. Dahil gabi na't delikado na bumyahe, napagpasyahang sa kwarto ko matutulog ang mag-asawa at ako naman ay makikikuwarto muna kay Travis. May parte sa akin na gustong tumutol dahil nga sa mga kalaswaang naiisip ko nitong mga nakaraang araw tungkol kay Travis pero may parte rin sa akin na masaya dahil sa unang pagkakataon, makakatabi ko ito sa pagtulog.

Naunang maglinis ng katawan ang mag-asawa sa second floor at si Travis naman ang umokupa sa first floor. Nang matapos na sila, ako naman ang sumunod. Hanggang sa banyo, iniisip ko kung anong nangyari kina Travis, kapatid niya at sa asawa nito pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Speculation lang pero mukhang love triangle ang dahilan. Marahil ay minahal nilang pareho ang Daniella na iyon pero puwede rin na mali ako dahil baka ibang tao ang dahilan ng gulo nila.

Ewan ko.

Iniwan ko muna sa marumihan nina Lolo ang mga pinaghubaran ko saka ako bumaba para uminom. Ang contact lens ko naman ay iniwan ko na rin sa ibabaw ng ref at isinuot ang salamin ko na nakapatong rin dito. Pagkabukas ko ng ref ay bumungad sa akin ang iilang karton ng Chuckie kaya nakaisip ako ng ideya. Kumuha ako ng isa rito saka ako nagsalin ng tubig sa baso. Nang makainom ay umakyat kaagad ako't kumatok sa pinto ng kwarto ni Travis. Sinabi niya namang pumasok ako kaya pinihit ko na ang seradura ng pinto at pumasok.

"Travis?" pagkuha ko sa atensyon nito dahil nakatutok ito sa hawak na cell phone saka ako naglakad papunta sa paanan ng kama. Napatingin naman siya sa akin saka ako tinaasan ng kilay. "Uhh... Sorry kung sa tingin mo, nanghihimasok na ako sa personal mong buhay dahil sa mga sasabihin ko pero..." Inilabas ko ang karton na itinago ko sa likod ko saka ito inilahad sa kaniya. "Kapag marami akong iniisip at malungkot ako, napapasaya ako ng Chuckie na iniiwan mo sa tapat ng pinto ko tuwing umaga. Sorry kung kumuha ako ng isang karton pero para sa iyo naman ito at isa pa, nagbabakasakali lang ako na mapasaya ka nito tulad ng nararamdaman ko kapag binibigyan mo ako nito."

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti saka umalis sa pagkakasandal sa headboard. Napalunok ako dahil wala siyang pang-itaas at tanging basketball shorts lang ang suot. Gumapang siya palapit sa akin saka umupo sa paanan ng kama at kinuha ang Chuckie sa kamay ko. "Thanks. This helps."

"Mabuti nam—"

"Kaya lang nag-toothbrush na ako so..."

"Sorry. Nawala sa isip ko." Akmang kukuhanin ko ulit sa kaniya ang karton pero inilayo niya ito sa akin. Inialis nito ang pagkakakabit ng straw sa likod at itinusok ito sa karton matapos alisin ang plastic nito. "Hmm." Ininom niya ito ng isang hingahan at nang maubos ay ipinatong niya lang ito sa sahig. "Ang sarap." Nginitian niya ako pero hindi man lang ito umabot sa mga mata niya.

Umupo ako sa tabi niya pero nilagyan ko ng kaonting distansiya. "Travis..."

"Hmm?"

"Sorry kung napag-usapan ang tungkol sa Kuya mo at kay Daniella. Kung hindi ko siguro kamukha ang taong iyon, hindi mapupunta ruon ang topic kanina."

"Hindi mo naman kasalanan."

"Pero kasi kamukha ko—"

"Nara, let's not talk about them." mariing sinabi niya pero sa kagustuhan ko siyang pangitiin ulit, tumayo ako sa harap niya't tinignan siya sa mga mata.

Desidido akong pasayahin ulit siya dahil pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit siya malungkot ngayon. Tama naman, hindi ba? Hindi pag-uusapan ang kamukha ko kung hindi dahil sa akin, kung hindi dahil sa mukhang mayroon ako. Siguro nga, na-ti-trigger ang masasamang alaala ni Travis kapag tinitignan ako, eh. Malabo, oo pero hindi imposible.

Kahit ano, gagawin ko, mapasaya lang ulit siya. Hindi ko gusto ang ganitong siya dahil pati ako, nakakaramdam ng lungkot kapag tinitignan siya. Baka nga umiiyak na siya ngayon kung wala lang ako rito.

"Gusto ko lang ngumiti ka ulit."

Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa gilid. "Nara, okay lang ako."

"Sa nakikita ko ngayon, alam kong hindi ka masaya. Travis, kung gusto mo maglabas ng sama ng loob, o kung gusto mo magkwento, nandito ako—"

"What do you even know about me?" Napakurap ako ng ilang beses dahil medyo nagtaas na ang tono ng boses niya. "Gusto mo akong pasayahin? Okay. Go. Pero paano? Sa anong paraan?" Naitikom ko ang bibig ko dahil kahit sa sarili ko, hindi ko rin alam kung paano. Ang nasa isip ko lang, kapag nagkuwento siya o naglabas ng sama ng loob, gagaang ang pakiramdam niya at ngingiti na ulit siya pero mukhang malalim ang pinaghuhugutan ng lungkot niya ngayon.

"S-Sorry—"

"Sorry? Iyan na naman tayo sa sorry mo. You're sorry because of what? Kasi hindi mo alam kung paano ako pasayahin, hindi ba? Kasi nga hindi mo ako kilala."

"Sorry..." halos pabulong na sinabi ko dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Naninikip na rin ang dibdib ko at gusto ko nang umiyak dahil sa sakit na unti-unting nilalamon ang buong pagkatao ko. "Sorry..." Tumingala ako para pigilan ang pagpatak ng luha ko pero nabigo ako. Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa pulso kaya napatingin ako sa kaniya. Mariin ang tingin na ipinupukol niya sa akin kaya medyo natakot ako.

"Gusto mo ba akong makilala?" mahinang tanong niya na sinagot ko ng isang tango. "At gusto mo akong pasayahin?" Muli akong tumango sa sinabi niya saka ko pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko. "I know one way."

"Paano...?"

Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya nagsimula nang kumabog ng mabilis ang puso ko. "You'll do anything I ask you to?" Tumango ako sa tanong niya. "To make me happy, right? Just to make me happy and to know me a little better."

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

Tumayo siya sa harap ko saka inialis ang salamin ko. Kahit malabo na ang paningin ko gawa ng luha at natural na kalabuan ng mata ko, nakikita ko ang hulma ng ngiti sa mukha niya. Napasinghap ako nang hilahin niya pa lalo ako palapit sa kaniya at tumama sa tiyan ko ang hinaharap niya. "You said anything, Nara. Anything." Kinakabahan man sa mga susunod na mangyayari, tumango pa rin ako't pumikit. "I believe you already know what I want to happen. Do you know, Nara?"

Tumango ulit ako saka humugot ng malalim na paghinga. "Alam ko."

"I need to wake something up first." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa pulso ko at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa bewang ko. Pinakiramdaman niya ito gamit ang mga daliri niya saka niya unti-unting ibinaba ang isang kamay sa garter ng suot kong pajama. "Is it really okay with you?" pabulong na tanong niya sa tabi ng tenga ko. Kagat-labi naman akong tumango. "I won't let you stop me now." Dahan-dahan niyang ibinaba ang garter nito at ang isa niyang kamay na nakahawak pa rin sa bewang ko ay ibinaba niya rin para ibaba ang kabilang banda ng suot kong pajama.

Napapikit lalo ako ng mariin nang maramdaman kong naibaba niya na ito at tanging pangloob ko na lang ang nagtatago sa pagkababae ko. Dala ng kaba, kusa kong naihawak ang mga kamay ko sa mga braso niya at ilang saglit lang nang sinimulan niya muling igalaw ang kamay niya. Marahan niyang ipinasok ang isang kamay niya sa suot ko at napasinghap ulit ako nang tumapat ito sa pagkababae ko.

Biglang nilamon ng kakaibang init ang buong katawan ko nang maipasok niya ang isang daliri sa loob ko at ang hinlalaki niya naman ay dinama ang mumunting laman sa ibabaw ng itinatago ko.

"Travis..." Nang iminulat ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung paanong nangyari pero biglang luminaw ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko at ang mga kuko ko ay bumabaon na sa mga braso niya.

"No, Nara." Inalis niya na ang kamay sa loob ko saka ako inihiga sa kama bago niya ako pinaibabawan. "We are going to do this every now and then and whenever we do, I want you to call me daddy." nakangising utos niya saka ako hinalikan.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
85.3K 401 23
These are collection of short stories where they will experience how love bites them. But like any bite, whether deep or shallow, it heals in time an...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...