Seventh Sense (Erityian Tribe...

Galing kay purpleyhan

29.7M 988K 273K

Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices. Higit pa

front matter
Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
n o t e

Chapter 6

483K 16.3K 3.7K
Galing kay purpleyhan

***

“Kailangan pa ng autopsy report para malaman natin ang time of death,” sabi ng isang pulis sa may gilid. Halata namang humdrum siya dahil sa mga kinikilos niya.

“Heh, no need for us,” bulong naman ni Michiko sa amin.

Naglabas bigla si Mayu ng parang laser something at iniscan niya ‘yung bangkay gamit ‘yun. After that ay tumayo siya at lumabas muna ng bangko habang sinusundan ko siya ng tingin.

“Miyu can do that job. Mas mabilis pa siya magprocess ng kalagayan ng bangkay kesa sa autopsy process ng humdrums,” dagdag naman ni Akira.

Awesome. That vehicle is really awesome. Paano sila nakakagawa ng ganun? Ngayon ko lang naappreciate ang pagiging Legendary Mechanic ng Aiwa na ‘yun. Kaya pala gustung-gusto siyang patayin nina Dad ay dahil sa skills niya.

Tinignan ko naman ulit ‘yung babaeng bangkay sa harapan namin. Sa likod ang tama niya pero hindi siya nakadapa kundi nakaharap. Gumalaw ba siya nung tinamaan siya? Tsk. Pero nakakainis kung sino mang gumawa nito. Ang dumi ng pagkakagawa niya. Humdrums are really pathetic.

Bigla namang sumeryoso ‘yung mukha ni Akira. Ang weird talaga na makita siyang seryoso. Hindi ako sanay.

“April dela Rosa, 28 years old. General Manager ng bank. Nakita ang bangkay kaninang 7:45 AM ng body guard. Disabled ang CCTVs kagabi kaya walang footage na nakuha at ‘di pa rin alam ang time of death. Ang cause of death ay tama ng bala sa likod and loss of blood. Finished,” sabay grin niya sa amin ni Mitsuo.

How the heck did she know all of those?!

Mukhang nabasa niya ‘yung reaksyon ko kaya umakbay siya sa akin pati na rin kay Mitsuo.

“I heard them from the humdrum police officers. Habang nagsasalita sila doon sa may gilid, sinasabi ko sa inyo ‘yung pinag-uusapan nila. Galing ko ‘no?” tsaka siya tumawa.

“Stop showing off, Akira,” sabi naman ni Hideo sa kanya.

Tsaka ko naman naalala ‘yung sinabi niya kanina. Oo nga pala. Her sixth sense is that she can hear everything within an 800-meter radius.

“Wait, don’t touch her,” biglang sabi naman ni Naomi. Pagtingin ko, gusto pa lang hawakan ni Mitsuo ‘yung bangkay. “Michiko,” sabay tingin niya kay Michiko.

“Roger!” then the next thing I knew, bigla na lang may lumitaw na gloves sa kamay niya at binigay niya ‘yun kay Mitsuo. “Oh ito, gamitin mo. Wag na ‘wag kang hahawak ng bangkay with bare hands. Baka makuha nila ang fingerprints natin. You know, kakaiba ang katawan natin kaya siguradong magsususpect ang humdrum community.”

Of course. Kaya nga kapag pumapatay kami, wala kaming iniiwang ebidensya. Unlike sa crimes na ginagawa ng humdrums, sobrang dumi.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Bakit biglang may hawak na si Michiko na gloves? Saan niya ‘yun nakuha?

“How the hell did you do that?” tanong ni Mitsuo sa kanya.

“That’s my sixth sense. I can summon everything I touched before.”

Summon? What the heck? Ang galing!

“Their family’s sixth senses are useful. Kaya nga sila ang subject ng Technology department for the last 15 years. Sinusubukan nilang i-apply ang summoning sa weapons para hindi na kailangang dalhin at makakapili rin sila ng appropriate weapons sa isang situation,” dagdag ni Naomi.

Another important information. Kailangan ko ‘tong ipaalam kina Dad. Kapag naging successful ang project na ‘yun, magkakaroon sila ng advantage sa amin. Damn. The Technology department is really a pain in the ass!

“Gusto kong makita ‘yung bullet wound,” biglang sabi ni Mitsuo.

“Huh? Baliw ka ba? Kailangan mong baligtarin ‘tong katawan para makita mo ‘yun! Makikita tayo ng mga humdrum police! Baka bigla na lang tayong paalisin dito dahil ginalaw natin ‘to,” pabulong na sabi ni Michiko sa kanya.

“But I want to see it.”

“Ugh! Ang kulit!” sabay facepalm ni Michiko. Maski ako mapapaganun dahil ang pilit ni Mitsuo tapos gagamitan ka pa niya ng expression niyang hindi ko maintindihan kung galit, walang paki o ano.

Nakita ko namang napabuntung-hininga si Hideo tapos tumingin siya sa relo niya.

“I want to see it, too,” sabi niya.

“Huh?!” sabay na reaksyon ni Akira at Michiko.

“Naomi,” tapos tumingin si Hideo sa kay Naomi at tumango naman si Naomi sa kanya. Then tinignan niya ‘yung paligid at napatigil siya doon sa tatlong pulis na nakatingin sa amin.

“You only have three seconds. Kaya gawin niyo na lahat within three seconds,” sabi niya tapos huminga siya nang malalim.

“Okay.”

‘Listen. We need to turn her over to see the bullet wound. Help me,’ rinig kong sabi ni Hideo sa isip ko.

‘For three seconds? Seryoso?’ tanong naman ni Akira.

‘Hay. Wala tayong choice. ‘Yun ang limit ni Naomi,’ sabi naman ni Michiko.

Wala naman kaming masabi ni Mitsuo dahil hindi pa namin maintindihan kung anong mangyayari. Pero nagready na lang ako dahil ganun ang ginagawa nila. Binigyan rin kami ni Michiko ng gloves kaya sinuot ko kaagad. Humarang kaming lima sa view ng ibang tao para hindi nila makita ‘yung gagawin namin.

‘Go!’ Pagkasabi nun ni Naomi ay bigla naming tinulak ‘yung bangkay at agad-agad hinawakan nina Mitsuo at Hideo ‘yung sugat nung babae sa likod and then after that ay binalik agad namin sa dating pwesto ‘yung bangkay.

“Whoa! Akala ko ‘di tayo aabot!” bulong ulit ni Michiko.

“Muntik na akong mamatay sa sobrang kaba!” sabi naman ni Akira sabay hawak niya pa sa dibdib niya.

Bigla namang tumayo si Hideo at tinanggal niya ‘yung gloves niya.

“Let’s go,” tapos nagsimula na siyang maglakad.

“Teka, saan tayo pupunta?” tanong ko naman. Bakit bigla kaming aalis? Maski sina Akira at Michiko ay tumayo na rin.

“Kay Mayu,” tapos bigla siyang ngumiti kaya nabigla ako. First time niyang ngumiti ngayong araw.

‘Don’t mind him. Ganyan talaga ‘yan kapag may nakita siyang evidence,’ sabi naman ni Akira sa isip ko.

Napatayo na rin ako dahil sa kanila pero napatigil ako at napatingin ako kay Naomi. Tumayo na rin siya pero parang may kakaiba sa kanya. Itatanong ko na sana kung anong problema niya pero bigla na lang siyang na-out of balance!

“Nao—”

Napahinto ako sa pagtawag dahil nasalo na siya ni Mitsuo. Buti naman—teka nga. Tama. Dapat wala akong pakialam sa kanila. I’m just a spy here. Hindi dapat ako ma-attach sa kanila.

“Careful,” narinig kong sabi ni Mitsuo sa kanya at inalalayan niya si Naomi sa paglalakad.

“T-Thanks.”

Tumalikod na lang ako. Pero pagtalikod ko, bigla akong may nabangga. Pagtingin ko, si Hideo pala. Teka, bakit ‘to nandito? Siya ang nauunang maglakad kanina ah?

“I guess I don’t need to worry.” Nakita ko namang nakatingin siya kay Naomi. Ibig sabihin nakita niya ring natumba si Naomi kanina? Eh nakatalikod siya ah? Humarap ba siya? Parang ‘yung nangyari kanina sa may hallway sa dorm. Hindi naman siya nakatingin sa akin nun pero nalaman niya ‘yung ginagawa ko. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

“I can see everything around me within a one-kilometer radius, if that’s what you want to ask.” Napatingin naman agad ako sa kanya. Sabi na nga ba may kinalaman sa sixth sense niya ‘yun eh. Nagsimula naman siyang maglakad ulit kaya sumunod na lang ako.

“Anong nangyari kanina? ‘Yung ginawa ni Naomi?” Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit three seconds lang ang allotted time kanina para gawin ‘yun.

“That’s her sixth sense. She can freeze any moving object within a certain distance for three seconds by looking at it. Though it requires a lot of stamina.”

Bigla naman akong napatingin kay Naomi. Ibig sabihin, pinahinto niya ‘yung time ng tatlong pulis para hindi nila makita ‘yung ginawa namin dahil nakatingin sila sa amin?

They are really on a different level. ‘Yung mga nakaharap kong Senshins dati, hindi ganito kalakas. Pero sa kanila, naririnig ko pa lang ang sixth sense nila, kinikilabutan na ako.

“Baka tapos na rin ni Mayu ‘yung autopsy report,” sabi ni Hideo. Bigla naman kaming napahinto nung may tatlong taong pumasok sa bangko at may escorts silang pulis.

“April!” sabay takbo nung lalaki papunta doon sa bangkay pero pinigilan siya nung pulis.

“A-ate...”

“Ma’am April...”

Nagkatinginan naman kami ni Hideo at mukhang pareho kami ng iniisip.

These three are the suspects.

***

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4.6K 195 10
An ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a...
305K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4.3K 361 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...