The Gangster Queen Sapphire

By MikaJayEm_13

77.1K 2.8K 109

They called me Queen in America. A Gangster that can make your life miserable. A lady that can destroy you. I... More

The Gangster Queen Sapphire
Chaprer 1 My First Day of School
Chapter 2 My First Day of School 2
Chapter 3 The Real me
Chapter 4 Shadow Eclipse
Chapter 5 My Game
Chapter 6 Bad Day
Chapter 7 Why?
Chapter 8 Demon Fire
Chapter 9 Slap
Chapter 10 Room
Chapter 11 Gangsters
Chapter 12 Accept or Reject
Chapter 13 Me with Him
Chapter 14 Me with Her
Chapter 15 Evil Plan
Chapter 16 What's wrong?
Chapter 17 Bad Memories
Chapter 18 Hero
Chapter 20 Another Gang
Chapter 21 Cover Gang
Chapter 22 Cute Guy
Chapter 23 That Night
Chapter 24 Just Hide
Chapter 25 Giz
Chapter 26 Small World
Chapter 27 The Party
Chapter 28 This will be so Fun
Chapter 29 Their World

Chapter 19 It's Hard to Explain

2K 73 2
By MikaJayEm_13

Nah!! Ang boring. Wala na akong ibang ginawa kundi ang humiga, manood at magtype. Haha.

Enjoy :)

------------

Ryan's POV

Matapos kong ipasok ang sasakyan niya sa garahe ay agad akong umikot sa backseat para kunin siya.

Grabe mahimbing parin ang tulog niya.

Pumasok ako sa loob at binuhat siya ng bridal style.

Pumasok kami sa loob at pumasok sa guest room. Wala namang gumagamit ng kwartong ito dahil sa mag-isa lang ako dito. Kapag umuuwi naman si Dad ay hindi siya nagpapalipas ng gabi dito dahil agad din siyang umaalis.

Dahan dahan ko siyang inilapag sa kama.

Tulog na tulog talaga siya.

Tinanggal ko ang kanyang sapatos at inayos ang kanyang paghiga. Inunan ko ang kanyang ulo at kinumutan siya hanggang bewang.

Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Fred.. Uhmmm. Fred.. Don't leave me please. You promised me that-" sabi niya habang nakapikit.

Umiiyak rin siya dahil sa ungol na naririnig ko mula sa kanya.

At sino naman kaya si Fred? Boyfriend niya? Ex niya?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama. Hinawakan ko ang kamay niya baka sakaling kumalma siya.

"Shhh. Andito lang ako." wala sa sarili kong nasabi para mapatahan siya.

Hinawakan niya rin ang kamay ko pero napakahigpit. Parang hindi babae ang humahawak nito. Pakiramdam ko rin ay mababali na ang mga buto ko sa darili.

Binawi ko ang kamay ko ngunit ayaw niyang pakawalan. Ganito ba katindi ang galit niya sa akin? Na pati sa panaginip niya ay gusto niya akong patayin.

"Arayyy naman. Bitawan mo nga ako." sabi ko habang hinihila ang kamay ko.

Bigla namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya nabitawan niya ako.

"You promised me you won't leave me." sabi niya habang lumuluha.

Binabangungot ba siya? At bakit parang alam niya ang mga sinasabi niya? Hindi kaya gising siya at nagtutulog tulugan lang? Pero pinagpapawisan siya kahit na nakabukas naman ang air condition.

At bakit parang hindi ko kaya na nakikita siyang ganito? Bakit parang nasasaktan ako? Ano ba to?

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng bimpo. Kailangan ko kasing punasan ang kanyang pawis.

Bumalik ako sa kwarto dala ang bimpo. Pero nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo ng tuwid at nakasandal sa uluhan ng kama.

Gising na kaya siya?

Lumapit ako at muling umupo sa tabi niya.

Nakita kong nakapikit parin naman siya kaya sigurado akong tulog parin siya.

Unti-unti kong pinupunasan ang kanyang pawis ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sinabi mo hindi mo ako iiwan. Ang daya mo naman eh." sabi niya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanan kong kamay. Inangat niya ito at nilagay sa kanyang pisngi. Ganito ba siya kalambing kapag tulog? Pero ramdam ko na para siyang nagtatampo.

Teka ano ito? Bakit nag-uunahan ang tibok ng puso ko at ng paghinga ko? Pakiramdam ko rin ay parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Ngayon ko lang naramdaman ito.

Pero sa pagkakatanda ko. Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. Bakit ngayon iba na? Ibang-iba na ang pakiramdam nito.

Unti-unti kong hinila ang kamay ko sa kanya para mabitawan niya. Habang nilalayo ko ito ay inaabot naman niya hanggang sa hindi na niya ito nahawakan pa.

Nagtuloy tuloy na ang pagpatak ng kanyang luha ngayon. Hindi katulad nang kanina na isa isa lang.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya nagkakaganito? Nahihirapan ako dahil sa mga nakikita ko.

"Hindi mo ba alam na masakit para sa akin 'yon? Dapat hindi ka bumitaw. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako." sabi niya na parang may kinakausap.

Ganito ba talaga siya kapag lasing? Dito lang niya naipapakita ang pagiging totoo niya. Na nasasaktan rin pala siya. Na marunong rin pala siyang lumuha.

Inabot ko ang kanyang kanyang kamay at hinawakan ito.

"Time to sleep baby. Everything will be fine." sabi ko pagkatapos ay inalalayan ko siyang humiga.

Naninibago ako dahil sa mga kilos ko ngayon. Kung ibang babae lang siguro ang kasama ko ngayon baka pinabayaan ko na siya.

Nang masiguro kong ayos na nga siyang natutulog ay iniwan ko na siya. Bukas maaayos din ang lahat.

Sapphire's POV

Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Ang sarap talagang matulog lalo na kapag naka air condition.

Nagmulat ako ng mata pero hindi ko masyadong makita ang paligid dahil sa nakakasilaw na liwanag.

Hindi ko naman hinahawi ang kurtina ko dito sa bahay kaya sino namang gagalaw neto? Naglakad ako papunta sa kurtina at tinakpan ang pinagmumulan ng liwanag. Pumikit ako at nagsimulang maglakad papuntang comfort room. Narerelax talaga ako habang naglalakad ng nakapikit.

*Toinkkks*

"Arayyy!" napahawak ako sa noo ko dahil sa pagkakauntog ko sa pader. At mukhang nadeform pa yata ang matangos kong ilong.

Pero teka hindi pa ako nagkakamali ng direksyon papuntang CR. Nagmulat ako ng mata. And wow. Anong nangyari sa kulay ng kwarto ko? Mas gumanda yata.

Oppps. Hindi ito ang kwarto ko ah. Kung ganun nasaan ako?

Bumalik ako sa kama dahil sa nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo.

Aray naman. Ano bang nagyayari sa akin? Bakit ang sakit ng ulo ko? Hindi naman ganun kalakas ang pagkakauntog ko ah. Nasaang lugar ba ako?

At ano to? Hindi pa ako nakakabihis ng pantulog. Gosh! Paano ako nakatulog ng nakapantalon. At sinong nagtanggal ng sapatos ko? Sh*t. Wala akong maalala.

Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng mga yapag papunta sa akin. Nagtago ako sa likod ng pinto at naghanda ng isang malakas na suntok para sa taong papalapit.

Nakita kong gumalaw na yung doorknob kaya naman nagbilang na ako.

'1....2.....3'

Open.

Pumasok ang isang lalaki na nakatalikod sa akin at naglakad papasok kaya naman nang paglingon niya sa akin ay akmang susuntukin ko na sana siya nang makilala ko siya. Natigil ang kamao ko sa harap ng mukha niya.

"Balak mo ba talaga akong patayin?" tanong niya sa akin sa masungit na boses.

"Eh ikaw anong binabalak mo sakin?" tanong ko sa kanya.

Wala talaga akong maalala kagabi. Bakit ako nandito sa kwarto niya? O baka naman nasa condo kami. Hayy. Huwag naman sana.

"Bumaba kana nakapagluto na ako." sagot niya pagkatapos ay naglakad na palabas. Sumunod naman ako pagkatapos kong isuot yung sapatos ko.

"Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Paano ako napunta dito? Bahay ba to? Sayo ba ito?" tanong ko sa kanya habang nililibot ang tingin ko sa paligid. " At sinong kasama natin dito? Tayo lang ba?" dagdag ko pa. Ang dami ko kasing gustong malaman na hindi ko kayang sagutin eh.

Nakababa na kami ng hagdan at nakita kong may pagkain naring nakahain.

"Teka anong ginawa mo sa akin? Bakit masakit yung ulo ko?" tanong ko na naman. Bakit ba kasi hindi niya ako sinasagot.

"Maupo kana muna. Mamaya na kita sasagutin." sagot naman niya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa ikli ng sagot niya. Nakakinis siya.

Hinila ko ang isang upuan at umupo doon. Umupo naman siya sa harap ko.

"Kumain na muna tayo." sabi niya.

Owwww? Kakain ako kasama ang lalaking to? Kaya ko kaya? Eh ang lakas mang-asar neto eh.

"Sagutin mo muna ako kasi hindi ako makakakain ng maraming inaalala." sagot ko na lang.

"Tsk. Bakit hindi ka pa ba nagugutom?" tanong niya sa akin na halatang nainis na naman.

Gutom na nga rin ako eh. Ano bang kinain ko kagabi? Wala talaga akong maalala. Kainis.

Umiling na lang ako bilang sagot.

"Sige. Magtanong ka pero isa isa lang." sagot naman niya.

Uyyy himala. Hindi siya ganun kasungit ngayon. At syempre pagkakataon ko na to para magtanong. Abusado rin ako eh ano?

"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya.

"Dinala kita dito dahil sa sobrang kalasingan mo kagabi. Bahay ko to at wala tayong kasama dito. Nakita ka namin sa bar kasama yung tatlong lalaki. Ngayon may tanong ka pa?" tanong niya sa akin.

Napanguso nalang ako dahil sa sagot niya. Isang tanong lang yung sinabi ko pero halos nasagot na niya lahat nang tanong ko. Pero wala parin akong maalala. Anong lasing? Anong tatlong lalaki? At anong bar?

Nag-isip ako ng mabuti para maalala ang lahat.

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hang over siguro. Hinilot ko muna ito bago muling nagtanong.

"Sinong namin? Sino bang kasama mo kagabi?" tanong ko sa kanya dahil sinabi niyang hindi lang naman siya ang nakakita sa akin.

"Ang barkada." sagot naman niya.

Ahhh. Kaya pala. Pero bakit wala sila dito? Hindi ba sila sumama? Teka at bakit naman sila sasama? Tsk.

Oo. Tama. Naaalala ko na ang lahat. Tsk. Ang tatlong bastos na yun. Kapag nakita ko sila babalian ko sila ng leeg.

"Anong nangyari sa tatlo?" tanong ko nalang ulit.

"Umalis sila nang bar dahil sa hindi ka nila mailabas. Sinukahan mo pa nga yung isa kaya iniwan ka nila." seryosong sagot naman niya.

Ahh. Ganun ba? Pero sa pagkakaalala ko. Hindi naman ako nagsusuka kapag nalalasing ako. Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa hang over. Iwww. Yuck. Kadiri. First time ko yatang sumuka dahil sa alak.

"Ah. Okey." sagot ko nalang.

Gutom na kaya ako.

Sa totoo lang kanina ko pa pinipigilan ang matawa dahil sa nakikita ko kay Ryan. Haha. Kung hindi ko lang kasalanan kung bakit siya may black eye baka kanina pa ako tumatawa dito. At mabuti nalang wala ako sa mood tumawa ngayon. Kaya lang nakakaguilty kasi alam kong kasalanan ko yun. Pero kasalanan rin naman niya eh. Sana lang hindi pa niya yun nakikita.

Nagsimula na kaming kumain.

Walang nagsalita hanggang sa matapos kami. Wala kasi akong balak makipag-usap dahil sa sobrang kagutuman ko. At alam ko rin naman na wala siyang balak na magbukas ng isang usapan. Napakatahimik kasi. Masyadong nagtitipid ng laway.

Grabe marunong rin palang mag-asikaso ng bisita ang isang 'to? Ayos ah. Sana araw-araw na lang pala akong bisita niya. Pinatulog na niya ako dito, pinakain pa. Libre rin kayang ligo? Hindi ako nakaligo kagabi. Iwww ambaho ko na.

Tapos na kaming kumain kaya inunahan ko na siya sa pagliligpit ng pinagkainan. Hindi na rin naman siya umangal pero tinitigan niya lang ako ng masama. Tsk. Hindi na yun bago. Hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti eh. Kala mo naman kapag ngumiti siya katapusan na ng mundo.

Ako narin ang naghugas dahil hindi ko maimagine kung anong magiging itsura niya kapag siya pa ang naghugas.

Nasa living room siya ngayon at nakaupo sa sopa habang pinapanood niya ako sa ginagawa ko. Oo nakatalikod ako sa kanya pero ramdam ko naman ang titig niya sakin na halos tumagos na sa laman ko. Tsk! Problema neto? Malapit na rin naman akong matapos eh kunting tiis nalang.

Ilang sandali pa ay tapos na ako. Nagpunas ako ng kamay at lumakad papunta sa kanya habang siya naman ay nakatingin parin sa akin. Umupo ako sa tabi niya mismo.

"Stop staring at me like that." sabi ko sa kanya na sinalubong ang kanyang tingin.

Umusog siya palayo sa akin. Bakit na naman ba? Ayaw ba niya akong katabi? Oh no! Hindi nga pala ako naligo kagabi. Mabaho na kaya ako?

"Bakit?" tanong ko sa kanya dahil sa paglayo niya sa akin.

"Masyado kang malapit." sagot naman niya.

"Tsk! Ganun na ba ako kabaho?" sabay amoy sa sarili ko. Tinaas ko pa nga yung kamay ko para amuyin yung kilikili ko eh. Pero wala naman akong naamoy. Tanga na siguro ang ilong niya.

Napailing na lang siya. Hindi ko naman alam kung anong dahilan niya.

"Saan ang CR dito?" tanong ko sa kanya.

"Lahat ng kwarto may CR." sagot naman niya.

"Eh damit meron ka?" tanong ko naman ng maalala kong wala pala akong damit.

"Marami." sagot naman niya.

"Sige. Pahiram mo ako." sagot ko naman.

"Wala akong pambabae." sagot naman niya.

Ngayon lang siya maayos na kausap ah. Ayos narin kahit na palaging salubong ang kanyang kilay at palaging nakabusangot. Kesa naman sa irap siya ng irap kahit na wala naman akong ginagawa.

"Ayos na yun." sagot ko naman.

Wala naman akong pakialam na kahit na panlalaki ang isuot ko. Parang mas kumportable nga ako sa ganun eh.

"Seryoso ka?" tanong niya sabay ngisi.

Ang kulit rin niya eh ano? Teka. Naalala ko lang, asan na kaya yung sasakyan ko? Naiwan ba sa bar? O sa school. Kaasar naman.

"Asan na yung sasakyan ko?" tanong ko sa kanya.

"Nasa garahe." sagot naman niya.

Agad namang nagningning ang mata ko dahil sa narinig ko. Mabuti nalang nandito. Kahit na ayaw kong may gumagamit nun ayos narin atleast nandito.

"Pengeng pera." sabi ko sabay lahat sa kamay ko.

Nakalimutan ko kasi kung saan ko na nailapag yung wallet ko eh. Naiwan siguro sa bar. Sayang. Mabuti nalang three thousand lang ang laman nun.

Agad naman siyang dumukot ng pera sa kanyang bulsa at inabot yun sakin.

Wow ambait ha. Hindi man lang nagtanong. Binigyan niya ako ng two thousand. Binalik ko sa kanya yung one thousand dahil sobra yun.

"Bakit?" takang tanong niya naman nang binalik ko yun.

"Kahit nga one thousand lang sobra na. Ibigay mo sakin yung susi ko." sabay lahad na naman ng kamay ko.

Binigay niya naman agad yun.

"Maglabas ka ng damit mo. Gusto ko yung hindi masikip ha? Tatamaan ka sakin. Pantalon narin para kumpleto. Babalik ako." sabi ko pagkatapos ay agad akong lumabas ng pinto at tinungo ang sasakyan ko. May bibilhin lang ako.

Mabait siya ngayon ha? Nakakapanibago.

-----------

Done :)

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
3.6M 95K 116
[Completed] A weird mysterious girl showed up at West International School. Isang babaeng walang kinatatakutan, walang sinusunod, walang kaibigan. Ev...
1.7M 54.4K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
1.7M 47.8K 54
|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet...