The Gangster Queen Sapphire

By MikaJayEm_13

77.1K 2.8K 109

They called me Queen in America. A Gangster that can make your life miserable. A lady that can destroy you. I... More

The Gangster Queen Sapphire
Chaprer 1 My First Day of School
Chapter 2 My First Day of School 2
Chapter 3 The Real me
Chapter 4 Shadow Eclipse
Chapter 5 My Game
Chapter 6 Bad Day
Chapter 7 Why?
Chapter 8 Demon Fire
Chapter 9 Slap
Chapter 10 Room
Chapter 11 Gangsters
Chapter 12 Accept or Reject
Chapter 13 Me with Him
Chapter 14 Me with Her
Chapter 15 Evil Plan
Chapter 16 What's wrong?
Chapter 17 Bad Memories
Chapter 19 It's Hard to Explain
Chapter 20 Another Gang
Chapter 21 Cover Gang
Chapter 22 Cute Guy
Chapter 23 That Night
Chapter 24 Just Hide
Chapter 25 Giz
Chapter 26 Small World
Chapter 27 The Party
Chapter 28 This will be so Fun
Chapter 29 Their World

Chapter 18 Hero

1.7K 71 0
By MikaJayEm_13

Madali ko lang natapos yung Chapter 17 kaya may oras pa ako sa araw na 'to para tapusin ang Chapter na 'to. Mabuti nalang wala akong masyadong ginagawa.

Enjoy ^.^

-----------

Ryan's POV

Sumakit yata ang ulo ko kakaisip sa Sapphire na yon. Paano naman kasi? Nagalit na naman sa akin. Pero ano ba kasing pakiaalam ko kung nagalit siya? Hayy kaasar.

*Beeeeeep*

At sino naman kaya ang taong istorbo? Sila na naman ba? At kung nakabusina naman parang napakabingi ko ah. Ano pa nga ba? Wala akong kasama sa bahay eh. Ayaw ko namang magkaroon ng katulong dito. Mga sakit lang sa ulo.

Lumabas ako sa kwarto at naglakad pababa ng hagdan. Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. Sabi ko na nga ba sila na naman.

"Bakit ba kailangan niyo pa akong pababain? Mga istorbo. Alas nueve na ng gabi. Ano na naman bang meron?" tuloy tuloy kong sabi habang papasok ng bahay. Sumunod naman sila. Umupo ako sa sopa at sumunod naman sila.

"Magbihis ka. Mag baBar tayo." seryosong sabi ni Red.

"Anong meron?" tanong ko naman.

"Sus. Sabado bukas. Walang pasok. Tara gimik tayo." sagot naman ni Neil.

Siguro kailangan ko rin naman yun. Medyo gulo kasi ang utak ko eh.

"Sige. Hintayin niyo ako." pagkasabi ko nun ay agad akong pumanhik sa taas at nagbihis.

Pagbaba ko ay nasa dati parin silang pwesto.

"Tara na." sabi ko at nauna na sa paglabas.

"Ang tagal mo naman. Baka wala na akong mahanap na maganda dun dahil sayo eh." nagmamaktol na sabi ni Red habang nakasunod sa akin.

Hindi na rin naman ako magtataka na yun ang pangunahing dahilan niya kung bakit siya pupunta sa bar. Babae na naman.

Kotse ni Neil ang gamit nila sa pagpunta dito kaya naman yun din ang gagamitin namin papunta sa bar.

Nauna na ako sa loob. Sa likod ako nakaupo kasama ni Hero. Nasa harap naman sina Red at Neil. At syempre si Neil ang nagdrive.

Sabado bukas kaya umuwi muna kami. At ang araw na ito rin ang tamang araw para sa mga gimik dahil pwede kaming magpuyat.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang Candian Bar.

Una akong bumaba. Papasok na ako ng bar ng may makita akong parang pamilyar na mukha.

May kasama siyang tatlong lalaki. Yung dalawa ay nasa magkabilang gilid niya para alalayan siyang makatayo at yung isa naman ay nakasunod lang sa kanila. Nakayuko siya kaya hindi ako sigurado kung kilala ko nga siya.

"Oh Ryan hindi ka ba papasok?" tanong sakin ni Red na nauna na pala sa loob kasama nila Neil.

Tumuloy nalang ako ngunit hindi ko parin inalis ang tingin ko sa kanya. Umupo kami sa sopa sapat na para makita ko parin sila.

"Bashtos. Your such a f*cking Idiot. Leave me alone." sigaw nang babae pagkatapos ay sinampal niya ang isang lalaki.

Nakuha niya ang lahat ng atensyon namin. Doon ko lang napansin na si Hero ay nandun na pala sa harap nila.

Lumakad narin ako palapit sa kanila. Narinig kong tinawag ako ni Red pero hindi ko nalang pinansin. Siguro hindi rin nila napansin ni Neil na kanina pa hindi nakasunod si Hero sa amin.

"Bitawan niyo siya." sabi ni Hero sa mga lalaki.

"Bakit naman namin yun gagawin? Ano kami tanga? Isa pa nag-eenjoy siya sa amin." sagot naman niya pagkatapos ay hinawakan pa ang pisngi ni Sapphire.

Mga bastos.

Tinapik naman ni Sapphire ang kamay ng lalaki.

"Bashtos ka! Magpashalamat ka lashing ako. Kundi mapapatay kita. Pangit." sagot ni Sapphire.

Nagtawanan naman ang iba dahil sa ginawa niya.

Nagulat ako nang biglang sinampal siya ng isa sa kanila. Yung nakatayo lang kanina.

"Ang kapal ng mukha mo na pahi-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil agad siyang sinuntok ni Hero. Pumutok ang labi niya dahil sa ginawa niya.

"Sh*t." akmang susuntukin rin sana niya si Hero pero pinigilan ko siya gamit ang aking kamay.

"Mamili ka. Hihinto ka o babaliin ko ang kamay mo?" tanong ko sa malamig na boses na sinamahan ko pa ng masamang tingin.

Akmang susuntikin sana ako ng isa sa nasa gilid ni Sappire pero inunahan ko na siya. Kinuha ko ang bote sa pinakamalapit na mesa at hinampas ito sa kanya.

"Arayy." sagot niya habang nakahawak sa dumudugo niyang ulo.

Pinilipit ko ang kamay ng hawak kong lalaki kaya naman napaaray din siya.

"Teka lang bitawan mo ako. Masakit na eh." sabi niya sa akin habang pinagpapawisan. "Oo na aalis na kami." dagdag pa niya.

Binitawan ko na siya at agad silang kumaripas ng takbo.

Doon ko lang napansin na hawak na pala ni Hero si Sapphire at inaalalayan na sa pagtayo.

Lumapit ako sa bar tender.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa kanya.

" Kanina pa pong alas singko dito yan eh. Mukhang wala sa sarili. Ngayon ko lang din po siya nakita dito." sagot naman niya.

Tumalikod na ako at akmang aalis na nang muli siyang magsalita.

"Kilala niyo po siya?" tanong niya sa akin. Hinarap ko siya at sinagot.

"Oo." sagot ko naman.

"Pwede po bang pakibayaran nalang po yung bill niya? Hindi pa po nakakabayad eh." sabi niya habang inaabot ang bill.

Bakit ang laki? Ano bang inorder niya? At ilan?

Binayaran ko nalang ang nakasulat doon dahil may tiwala ako sa lalaking 'to. Matagal narin kasi kami pumupunta dito kaya kilala niya na rin kami.

"Asan ba yung ininum niya dito?" tanong ko nalang sa kanya nang may makita akong mga bote sa mesa kung saan ka oorder.

"Lahat po yan." sagot naman niya habang tinuturo ang mga boteng wala ng laman.

Ha? Ganun ba siya kalakas uminom? At paano ba naman kasi siya hindi malalasing eh pitong bote ng tequila ang nainom niya?

Lumakad nalang ako papunta sa sopa kung saan nandoon silang lahat pati si Sapphire.

Umupo ako sa harap ni Sapphire. Habang si Hero ay nasa kanan niya, si Red sa kaliwa at katabi ko naman sa kanan ko si Neil.

"Pass muna ako sa paghahanap ng babae ngayon kasi mukhang may nakita na ako." kumikinang ang mata ni Red habang nakatingin sa nakasandal at nakapikit na si Sapphire.

"Tumigil ka Red baka masapak kita" malamig at walang kabuhay buhay sa sagot ni Hero.

Seryoso? Ang may pagkaisip bata na si Hero ay nagsusungit? At teka. May gusto ba siya kay Sapphire? Hindi maaari to.

Napalunok naman si Red dahil sa narinig niya at nagpeace sign nalang.

"Maganda rin pala siya kapag tulog no? Hindi mo aakalaing mabangis siya?" seryosong sabi naman ni Neil habang nakatingin kay Sapphire.

Maganda naman talaga siya eh. Yun nga lang masungit, mataray at masyadong palaban.

Napansin naming gumalaw siya at nagmulat ng mata habang nakatingin kay Hero.

"Si-si-shino ka? Thanks. You're my hero." sabi niya pakatapos ay hinaplos pa ang kanyang pisngi ni Hero bago muling pumikit.

Nakita kong namula ang kanyang pisngi dahil sa narinig niya. Grabe ang lakas ng tama niya. Napansin ko rin na medyo napangiti si Hero.

At siya pa talaga ang hero niya? Ako na ngang nagpaalis sa mga nambastos sa kanya at nagbayad pero hindi man lang magpapasalamat? Nakakainis.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Sinong may alam ng address niya? Ihatid na natin." sabi ko sa tatlo pero walang sumagot. Sa halip ay nagtitigan lamang sila.

Marahil ay hindi rin nila alam kung saang lupalop ng mundo nakatira ang babaeng 'to.

"Hindi niyo rin alam? Kung ganun saan natin siya iuuwi?" tanong ko sa kanila.

"Pare kahit babaero ako hindi ako nag-uuwi ng babae. Patay ako kapag nalaman nila Mommy." sagot ni Red.

"Kasama ko kapatid ko sa bahay. Baka kung ano pang isipin niya." sagot naman ni Neil.

" Uuwi sina Mommy sa bahay mamaya." sagot naman ni Hero.

"Kung ganun saan natin siya dadalhin?" tanong ko nalang.

"Sa inyo na lang. Wala ka namang kasama diba?" sagot ni Red.

"Oo nga. Alangan namang iwanan natin to dito." sagot naman ni Neil.

Nag-aalangan akong tumingin kay Hero na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ikaw nang bahala sa kanya." sagot naman niya.

Wala na siguro akong magagawa dahil tatlo laban sa isa na ang labanan.

"Buhatin niyo siya at dalhin sa kotse niya. Ako nang bahala sa kanya." sagot ko pagkatapos ay nauna na sa labas para hanapin ang sasakyan ni Sapphire.

Hinanap namin ang susi niya sa kanyang bulsa kasi wala naman akong ibang gagamiting sasakyan kundi yung sa kanya. Bahala na kung magalit man siya.

Punaandar ko na ang kotse niya nang makita kong naipasok na siya sa backseat.

"Ingatan mo siya." pahabol pa ni Hero bago ko patakbuhin ang kanyang sasakyan. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nasa hallway na kami ng lingunin ko siya kung ayos lang ba siya. Binalik ko ang tingin ko sa kalsada.

"Iinum-inom ka kasi hindi mo rin pala kaya." sabi ko nalang na para bang maririnig niya ako.

Mukhang may pagkabaliw nga talaga ang isang 'to. O baka naman may problema lang. Hindi naman siguro dahil yun sa kanina.

At tagang siya pa ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang gimik naming magbabarkada. Ako lang ang wala dun. At alam kong hindi narin naman mag-eenjoy pa si Hero dahil sa labis na pag-aalala.

------------

Hahaha. Tapos na po :)

Mabuti nalang wala pa kaming pasok. May time pa ako para dito.

Continue Reading

You'll Also Like

14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
1.1M 35.8K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.4M 45.5K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...