Way Back 1895

By IvanRaffhallieAyapMa

106K 3.6K 286

Dalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang a... More

Kabanata 1: Montecilla
Kabanata 2: Unang Pag-ibig
Kabanata 3: Unang Pagkikita
Kabanata 4 : Lorenzo
Kabanata 5 : Ang gintong relos
Kabanata 6 : Simbahan
Kabanata 7 : Palengke
Kabanata 8 : Diary
Kabanata 9: Elisa
Kabanata 10: Rosita
Kabanata 11: Ang Pagtitipon
Kabanata 12: Matthew
Kabanata 13: Sekretong Lugar
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Date?
Kabanata 16: Past Life
Kabanata 17: Caja de Musica
Kabanata 18: Party
Kabanata 19: Realize
Kabanata 20: Peace
Kabanata 21: Piging
Kabanata 22: Nathan
Kabanata 23: Santacruzan
Kabanata 24: Ysabel
Kabanata 25: San Ildefonso
Kabanata 26: Painting of Memories
Kabanata 27: Serendipity
Kabanata 28: A Day With You
Kabanata 29: A Secret Love
Kabanata 30: A Real Confession
Kabanata 31: Luiz
Kabanata 32: Ang Totoong Pag-amin
Kabanata 33: Selos
Kabanata 34 : Ikaw Pa Rin
Kabanata 35: Para Sa Akin
Kabanata 36: Tayo
Kabanata 37: Mikael
Kabanata 38: Ang Pagdating at Pag-alis
Kabanata 39: Sulat
Kabanata 40: School Trip (Part 1)
Kabanata 41: School Trip (Part 2)
Kabanata 42: Via
Kabanata 43: Intramuros
Kabanata 44: Le Intramuros
Kabanata 45: Therese
Kabanata 46: Joaquin
Kabanata 47: Busy
Kabanata 48
Kabanata 49: Complicated
Kabanata 50: Mahal kita
Kabanata 52: Project
Kabanata 53: Montecilla Aragon at Lorenzo Sebastian (End of Book 1)
AUTHOR'S NOTE
Kabanata 54: Confusion
Kabanata 55: Hukuman
Kabanata 56: Secrets
Kabanata 57: Kasal
Kabanata 58: Elisa at Juancho
Kabanata 59: Romeo y Julieta
Kabanata 60: Lihim
Kabanata 61: Hapunan
Kabanata 62: Bukid
Kabanata 63: Palayan
Kabanata 64: Hatol
Kabanata 65: Sayawan (Part 1)
Kabanata 66: Sayawan (Part 2)
Kabanata 67: Pamilya
Kabanata 68: Unexpected Guest
Kabanata 69: Mama
Kabanata 70: Promise
Kabanata 71: Casa Aragon
Kabanata 72: Kuya
Kabanata 73: Our Fate
Kabanata 74: Casa Sebastian
Kabanata 75: 1895
Kabanata 76: Ulan
Kabanata 77: Nakaraan (Part 1)
Kabanata 78: Nakaraan (Part 2)
Kabanata 79: Nakaraan (Part 3)
Kabanata 80: Nakaraan (Part 4)
Kabanata 81: Nakaraan (Part 5)
Kabanata 82: Nakaraan (Part 6)
Kabanata 83: Nakaraan (Part 7)
Kabanata 84: Nakaraan (Part 8)
Kabanata 85: Nakaraan (Part 9)
Kabanata 86: Nakaraan (Part 10)
Kabanata 87: Nakaraan (Part 11)
Author's Note: Hiatus Announcement
Kabanata 88: Nakaraan (Part 12)

Kabanata 51: Alaala

398 25 0
By IvanRaffhallieAyapMa

[Last Entry]

1895, Oktubre

       Kapag nagmahal ka, handa mong ibigay lahat para sa kanya. Kapag nagmahal ka, ipaglalaban mo siya, kahit masaktan ka pa.

Nakita ko kaagad ang aking ina at ama nang makarating ang sinakyan naming barko ni Kuya Juan sa daungan ng San Ildefonso. Pagkababa ko sa barko ay agad akong lumapit sa kanila. Niyakap kaagad ako nina Mama at Papa. Matapos noon ay niyakap ko naman si Kuya Simon. Ngumiti ako dahil batid kong nakaramdam din ako ng pangungulila sa kanila.

"Mabuti naman at nandito ka na, Mi prinsesa." sabi ni Papa habang nakangiti sa akin at hinawakan niya ako sa aking dalawang balikat. 

"narito na po ako, Papa." sabi ko habang nakangiti. Lumapit naman sa amin si Mama kaya umalis muna sandali si Papa.

"Kamusta ka, anak? Kuwentuhan mo ako mamaya tungkol sa naging karansan mo sa Maynilla ha." sabi ni Mama at hinawakan naman niya ako sa aking pisngi

Nahagip naman ng aking mga mata sina Papa at Kuya Juan na nag uusap. Nakita ko kung paano napailing si Papa at mababakas sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa kung ano mang pinag-usapan nila ni Kuya

Nagulat ako nung bigla may gumulo sa buhok kong nakalugay

"kumusta bunso? Naging mabait ka ba sa Maynila?" Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtanto ko kung sinong nasa mabuting palad ang gumulo ng aking buhok na halos kalahating oras ring sinuklay at pinaganda ni Rosita

"Kuya Simon!" inis kong sabi sa kanya. Natawa naman si Kuya sa naging reaksyon  ko sa ginawa niya

"kahit kailan talaga ang sarap mong asarin" sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya

Nung binitawan niya ako ay ramdam ko ang pagkirot ng aking mumunting ilong na sa tingin ko ay namumula.Hinawakan ko ito upang himasin. Ang sakit ah! Biglang tumigil si Kuya Simon sa pagtawa kaya napatingin ako sa kanya. Tama! makonsyesya ka sa ginawa mo sa napakaganda mong kapatid!

"Anong nangyari dyan, Montecilla?" sabi niya habang nakatingin sa akin

"malamang namula dahil pinisil mo ang aking ilong" sabi ko sa kanya habang nakasimangot

"Hindi iyan, ito." pagkasabi niya nun ay hinila niya ang aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong nakita niya yung sugat ko na ginamot ni Rosita noong isang araw. Hindi pa nga pala ito gumagaling. Nakuha ko ito noong napalupagi ako sa lupa. Agad ko namang hinila ang aking kamay mula sa kanya at itinago ito sa aking likod

"ah, wala ito. N-nadapa kasi ako noong minsang namasyal ako sa Intramuros." sabi ko nalang habang nakatingin sa kanya

"Sigurado ka?" sabi niya habang nakahawak pa ang isang kamay sa kanyang baba

"Oo nga, nadapa ako." sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya

"Ayaw kasing mag-iingat, kaya lalo kang pumapangit eh" sabi ni kuya Simon habang iiling iling

"Aba!" sabi ko sa kanya. Sumbong kita dyan eh. Tumawa nalang si Kuya. Napabuntong hininga naman ako. Buti nalang at di na nagtanonng pa si Kuya

Buti nalang naniwala siya. Ang galing ko talagang magpanggap at magsinungaling!

Agad na kaming umuwi. Natuwa ako nang makita kong maraming pagkain ang nakahain sa hapag kainan. 

"Kain na tayo." sabi ni Mama, agad naman akong umupo  sa tabi ni Mama

"Alam mo bunso, kapag nailuwal na ni Mama ang ating kapatis, tiyak akong diyan siya uumupo kapag lumaki na siya." sabi ni Kuya Simon nang umupo siya sa tapat ni Mama. 

"Kung ganoon ay matutuwa ako, dahil tiyak akong magugustuhan niya ang pwestong ito. Ako na rin ang uupo dyan sa pwesto mo no" sabi ko sa kanya habang mapang-asar na nakangiti sa kanya

Habang kumakain kami ay nagkukwento ako tungkol sa mga nangyari sa akin habang nasa La Concordia ako at sa Intramuros. Mukhang tuwang tuwa si Mama nang sinabi kong nagkaroon ako ng kaibigan at pinuri ako ng aming guro.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta si Papa sa kanyang opisina. Si Mama naman ay nagpunta na sa kanilang kwarto ni Papa upang magpahinga. 

"Montecilla" 

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kuya Simon

"Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa'yo ito pero... ikakasal na sa susunod na linggo si Binibining Elisa kay Ginoong Luiz Geronimo." sabi niya. Natigilan ako sa aking narinig

"Sige, bababa na ako. Magpahinga ka na" sabi ni Kuya Simon. Naramdaman ko nalang ang pag-alis ni Kuya mula sa likod ko

Agad kong binuksan yung pintuan. Pumasok ako sa kwarto at sirahan ang pinto. Sumandal ako sa pintuan. Inilagay ko ang aking mga kamay sa akig bibig  nang sa gayo'y di nila marinig ang aking paghikbi

Iiyak na naman ba ako? Iyung mga kaibigan ko ay nahuli na. Pero hanggang ngayon ay makasarili pa rin ako.

Iniisip ko pa rin si Lorenzo

Iniwan ko siya nang walang paalam. Sigurado akong nagtatampo siya ngayon dahil hindi ako sumipot sa aming usapan.

Pinaasa ko siya sa wala

Agad akong nagtungo sa aking tokador upang gumawa ng sulat para kay Lorenzo. Kailangan kong humingi nh tawad sa kanya. Laking panlulumo ko nang mapansin kong nawawala ang mga gamit ko sa pagsusulat.

Nasaan na ang mga ito? Pinagbubuklat ko ang aking mga damitan at baul sa pag asang ako'y may makikitang papel o panulat ngunit wala.

Hatinggabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Naiisip ko pa rin yung nangyayari

Bakit kailangan kong umuwi ng maaga?

Bakit nahuli nila agad sina Elisa?

Bakit kailangan kong iwan si Lorenzo?

Nagiging mahina na talaga ako nitong mga nakaraang araw. Nagigiring marupok at makasarili. Ganito na ba talaga ako?

Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya akong uminom ng tubig sa kusina. Dala ang aking gasera ay tinahak ko ang daan patungo sa kusina

Paparating na ako sa kusina nang mapansin kong may liwanag sa loob ng opisina ni Papa. Hindi ko na sana papansinin ito ngunit narinig ko ang boses ni Papa na parang may kausap

Baka kausap niya lamang si Mama o nagtattabaho pa siya kahit gabing gabi na

Papabalik na ako sa aking kwarto nang muli kong narinig ang boses ni Papa mula sa kanyang opisina. Mababakas ko sa boses niya na galit na galit siya.

"Tinangka 'nilang' paslangin ang ating anak, Cecilia! Hinding hindi ko ito mapapalampas!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng tono ng boses ni Papa

"Ngunit Miguel, wala tayong katibayan na 'sila' nga ang may gawa noon." Narinig ko ang boses ni Mama. Kung gayo'y sila nga ang magkausap kanina

"Hindi na kailangan pa ng katibayan, ang kasaysayan ng ating pamilya ay sapat na upang masabing sila ang may kagagawan nitong lahat!" mariing sabi ni Papa

Anong gagawin ko? Mukhang may narinig akong hindi dapat.

Nang marinig kong tila papalabas na sila Mama at Papa ay tumakbo akong mabilis paakyat ng hagdan

------------------------------------------

Kinabukasan, muli na namang akong nagising sa isang sunod sunod na katok. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang nag aalalang mukha ni Rosita. Pinagpapawisan siya at namumutla

"May problema ba? Rosita" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at laking gulat ko ng maramdaman kong nanlalamig ito

"Binibini" yun na lamang ang kanyang nasabi bago niya ako pinagmadaling bumababa ngunit habang nasa hagdanan ay tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Papa. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa palapulsuhan at marahas na hinila pababa na tila nais niya akong kaladkarin. Napuno ng takot at kaba ang aking puso dahil sa inasal ng aking ama. Tila mga kabayong tumatakbo ang aking puso dahil sa malakas at mabilis na tibok nito

Pagkarating namin sa salas ay marahas akong binitawan ni Papa. Napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa habang umiiyak, inaalo naman siya ni Rosita. Naroroon rin sina Kuya Juan at Kuya Simon. Pareho silang may pag-aalalang tingin.

Lalong nadagdagan ang aking takot nang muli akong harapin ni Papa

"Montecilla, nais kong sagutin mo ang aking mga kataninungan. Kahit anong mangyari ay 'hindi' ang iyung isasagot sa akin" mahinahon na tanong ni Papa

Heto na... heto na ang pinakakinatatakutan ko...

"Totoo bang may relasyon kayo  ni Lorenzo Sebastian?"

Ang malaman ng pamilya ang tungkol sa aming dalawa....

Ang malaman nila at paghiwalayin.

"Montecilla" muling banggit ni Papa sa aking pangalan

"Sabihin mong mali ang nakasaad sa sulat na ito. Sabihin mong kasinungalingan ang buong nilalaman nito at matatapos tayo ng matiwasay" sabi ni Papa sabay taas ng kanyang kamay na may hawak na sulat. Nanlaki ang mga mata ko...

Sulat ko ang hawak ni Papa. Ang sulat na iyun ay naglalaman ng pag ibig ko kay Lorenzo. Naluha ako at napaluhod

"Patawarin niyo ako, Papa" sabi ko

"Montecilla, sagutin mo ako. Ikaw nga ba ang nagsulat ng liham na ito?" nakaramdam ako ng takot. Nababatid ko sa tono ni Papa na nawawalan na siya ng pasensiya

"A-ako po ang nagsulat ng liham na iyan" sabi ko at napayuko

"Kung ganon, ikaw rin ang napadala nito rito, ganun ba?" galit na sabi ni Papa

Nagpadala?... naalala kong nawawala ang mga papel ko sa kwarto ko. Kaya ba nadiskubre ni Papa ang aking sulat. Hindi ako makasagot nang makita ko ang galit sa mga mata ng aking ama. Ramdam ko na kahit anong sabihin ko sa oras na ito ay hindi niya pakikinggan.

Bakit ganon? 

Nagmahal lang naman ako ah, kung titigan ako ni Papa ay parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo.

"Montecilla, mahal mo ba ang descaradong Sebastian na iyon?" sabi ni Papa. Ipinikit ko ang aking mga mata bago ako tumingala para saluhin ang mga matatalim na mata niya.

"Si, lo amo con todo mi corazon. Lo siento, Papa y Mama. Lo siento mucho" 

Sa mga salitang binitawan ko, alam ko..

Alam kong tuluyang magbabago ang lahat para sa akin... para sa amin.. ganunpaman, hindi ko siya kayang itanggi lalo na ang nararamdaman ko para sa kanya

"Binigo mo ako, Montecilla. Hindi ko akalaing magiging isa ka sa kahihiyan ng pamilyang ito. Yo estaba equivocado acerca de ti."

Masakit ang mga bintawang salita ni Papa. Tila ito mga kutsilyong siyang tumatarak at sumisira sa aking puso pero tanggap ko. Kasalanan ko lahat ng ito.

"Hiwalayan mo na bastardong iyun" mariing sabi ni Papa bago niya ako talikuran. Sa kabila ng panginginig ng aking tuhod at panghihina ay nagawa ko pa ring tumayo. Sa kabila ng aking pagluha ay nagawa ko pa ring tumingin sa kanila at sa kabila ng aking kapangahasan ay nagawa ko pa ring magsalita

"Hindi ko po kaya, Papa" matapang kong sabi sa kaniya. Nagulat sina Mama at mga Kuya dahil sa aking tinuran. Sa kauna unahang pagkakataon ay sinagot ko si Papa. Sa kauna unahang pagkakataon, sinabi ko ang totoonng nararamdaman ko sa harap nila.

Marahas na lumingon sa akin si Papa. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang gulat. Tinignan ako ni Papa at bakas sa kanya na di siya makpaniwala na kaya ko pang dagdagan ang galit na nararamdaman niya para sa akin. 

"Mierda! Talagang ginagalit mo ako, Montecilla! Simula ngayon ay di ka na maaaring lumabas ng iyong silid hanggat di ko sinasabi! Hindi ka na mag-aaral at sisiguraduhin kong hindi mo na makikita ang Sebastian na yun kahit kailan, naiintindihan mo ba?!" sigaw ni Papa. Sa sobrang galit niya ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay sa ere at akmang ako'y pagbubuhatan ng kamay

"Papa!"
"Miguel!"

Narinig kong sigaw nila. Napatingin naman si Papa sa kanyang kamay na nahinto sa ere dahil sa kamay ni Kuya Simon na nakahawak sa siko.

"Hindi niyo maaaring saktan si Montecilla, Papa! Ako nalang ang parusahan niyo sa kasalanang ginawa naming dalawa. Hindi ako makapapayag na danasin niya ang sakit na ipinaranas niyo sa akin noon" sabi ni Kuya Simon. Lalo akong naiyak nang makita ko ang luha na nagmula sa kanyang mga mata na lumandas sa kanyang pisngi

Kuya Simon

Tinignan naman ng masama ni Papa si Kuya Simon. Napatingin din si Papa kay Kuya Juan na malapit sa akin. Napangisi ng nakakaloko si Papa

"Magkakapatid nga kayong tatlo, pare pareho kayong suwail! Punyeta! Tonta! Mga estupido!. Tignan natin kung saan kayo dalhin ng mga tapang niyo. Makinig ka, Montecilla. Sa oras na hindi mo putulin ang kahit ano mang namamagitan sa inyong dalawa ng Sebastian na iyun, pasensiyahan tayo. Kalimutan mo na na isa kang Aragon at naging ama mo ako dahil kakalimutan kong naging anak kita, entendido?"

Pagkasabi noon ni Papa ay umalis na siya. Napatingin naman ako kay Mama. Napailing lamang siya bago sumunod kay Papa. Doon na ako tuluyang naiyak. Napaluhod akong muli, tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking mukha at nag iiyak. Naramdaman ko namang niyakap ako nina Kuya Roman at Kuya Simon

"P-Patawad" sabi ko na lamang. Hindi na nagsalita pa sina Kuya at tahimik akong inalo.

Pagkapasok ko sa aking silid ay agad akong bumagsak sa sahig. Sunod sunod na dumaloy ang aking mga luha dahil sa sakit na aking nadarama. Masyado na akong nagiging makasarili. 

Di na gumising
Magmula ng ikay maging lama nitong panaginip
Oh biglang tumigil
Ang oras magbuhat ng ikay natala sa aking isip

Napatingin ako sa aking tokador. Sa ibabaw ng lamesa noon ay nakapatong ang caja de musica na bigay sa akin ni Lorenzo. Lumapit ako sa aking tokador at naupo sa harap nito. Matagal ko na ring hindi naririrnig ang tinig na nagmumula rito. Naalala kong pinapatgtog ko ito sa tuwing umuulan dahil naaalala ko si Lorenzo. 

"Montecilla? Montecilla!"

"Bakit ka ba nagpabasa sa ulan? Ha? Paano kung magkasakit ka? Nasaan si Joaquin?" 

"Caja de Musica ang tawag diyan. Ako ang umukit at gumawa niyan pero iyung tunog ay nagmula sa paborito kong kanta"

Napangiti ako nang muling nagbalik sa aking alaala ang pangyayaring iyun kasabay noon ay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Nandito lang ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking huling pag idlip

Binuksan ko ang aking tokador. Nakita ko roon ang maskarang aking sinuot noong may kasiyahan sa kabisera kung saan ay dumating ang Gobernador-Heneral at ang kanynag asawa.

Kinuha ko ang aking maskara at tinitigan ito. Hinawakan ko ang bawat bagahi nito. 

Alam ko... alam ko sa puso ko, si Lorenzo ang lalaking nakasayaw ko noon. 

Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Unang kita ko palamang sa kanya, alam kong siya ang pipiliin ng puso ko pero pilit ko itong itinatanggi noon.

"Bakit nag - iisa ka binibini?"

"Maaari ba kitang maaya sa isang sayaw?"

Lalo akong naiyak sa mga ala alang iyun. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang gintong relos na pagmamay ari ni Lorenzo.

Alam mo ba kung bakit hindi ko pa ito binabalik sayo, Lorenzo?

Dahil noon, ito lamang ang koneksiyon nating dalawa. Kung wala ito ay tiyak na hindi mo ako papansinin. Magkaaway ang ating pamilya kaya naisip kong hindi ka magtatapon ng iyung tingin sa isang katulad ko. Hindi ko na ito maibabalik sayo ngayon, dahil ito ang naging sandigan ko noong mga panahong nasasaktan ako. Patawarin mo ako kung muli kong ipagpapaliban ang pagbabalik nito sayo. 

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili

Mapait akong napangiti 

"Nagpunta ako dito dahil sa relos ko na nasa'yo"

"oo, sige..salamat...magandang gabi, Montecilla"

Niyakap ko ang relos at tahimik na umiyak.

 Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak sa aking higaan habang yakap yakap ang relos ni Lorenzo nang biglang bumukas ang pintuan. tatlong araw na akong hindi lumalabas ng aking silid. Dinadalhan na lamang ako ni Rosita ng pagkain ngunit ni minsan ay di ko ito ginalaw.

Tahimik lamang ako sa isang tabi at di siya kinakausap. Paminsan minsan ay dinadalaw ako ni Mama ngunit hindi siya nagsasalita at tahimik akong niyayakap at pinapatulog. May mga bantay na guardiya sibil sa labas ng aking silid, batid ko iyun dahil nakita ko sila nang minsang pumasok si Rosita sa aking silid.

Bakit di mapigil
Damdami'y tuwang tuwa
Sa bawat saglit makapiling

Sa tuwing naiiwan akong mag-isa ay naaalala ko ang nangyari kay Kuya Simon noon. Siguro ganito rin ang naranasan niya. Ganitong lamig at pag-iisa ang nadama niya sa kanyang paligid. Kwarto ko ang lugar na ito sa loob ng ilang taon ngunit ngayon ko lang naranasan na tila hindi ito ang lugar ko, na hindi ito ang lugar para sa akin. Para akong namamahay sa sarili kong pamamahay. Malungkot, nakakatakot at masakit. Damang dama ko ang aking pag-iisa.

Sinubukan kong tumayoo ngunit agad akong napaluhod dahil sa pang hihina. Ilang araw na kong hindi kumakain at hindi rin ako gaanong umiinom ng tubig. Napaupo na lamang ako sa sahig at napasandal sa gilid ng aking kama. Niyakap ko ang aking mga tuhod at muling naluha.

Maya maya ay nakarinig ako ng ingay mula sa aking bintana. Napatingin ako dito ngunit hindi na naulit ang tunog. Akala ko ay imahinasyon ko lang ito ngunit muli na namang tumunog ang aking bintana na tila may batong tumatama dito.

Paano sasabihing
Pagsinta'y umaapaw
At di sapat aking tinig

Pinilit kong tumayo kahit hinang hina na ako. Kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad patungo sa may bintana. Buong lakas ko itong binuksan. Mabuti na lamang ay hindi ito kinandaduhan nina Papa

Madilim na ang paligid at nakikita ko mula sa langit ang bilog na buwan. Maraming bituin sa langit.

'Psst'

Napatingin ako sa baba at nagulat ako nang makita ko siya...

Si Lorenzo...

Nandito na ngunit hindi maamin
At hanggang saking muling pag idlip

Ngumiti siya at agad na kumaway sa akin. Muli na naman akong naluha ngunit agad rin akong napangiti. Tila napawi lahat ng pagod at pangamba ko ngunit paano siya nakapasok dito? Napatingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa kanya

"Montecilla" sabi niya bago niya itinuro ang kanyang kamay. Nakatikom ito at tila may hawak. Ibinato niya papunta sa akin ang papel kaya agad ko itong sinambot. Dali dali ko itong binuklat at binasa ang nakasulat

Montecilla, alam na nila ang tungkol sa ating dalawa. Nais nila akong ipakasal sa iba ngunit hindi ako makapapayag sa nais nila. Kaya kung maaari sana, kung papayag ka ay...

Napatingin ako sa kanya dahil putol ang nakasulat sa papel

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili

"Magtanan na tayo at magpakalayo layo, Montecilla" sambit niya na tila nagpatigil sa pagtibok ng aking puso. Napangiti ako ngunit agad ring natigilan... kaya ko ba? kaya ko bang iwan ang mga magulang ko para sa pag-ibig?

Hindi ito ang oras para mawalan ako ng lakas ng loob. Handa si Lorenzo na piliin ako kaysa sa pamilya at dapat ganoon din ang gawin ko... hindi ba?

Agad kong nagmadaling pumunta sa aking damitan. Inilabas ko ang aking mga damit at kinuha ko ang aking tampipi sa ilalim ng aking kama. Kinuha ko ang aking talaarawan na nakapatong sa aking tokador. Kinuha ko rin ang aking caja de musica at maingat ngunit mabilis ko itong isinilid sa aking tampipi. Mabilis ko ring itinali ang aking mga kumot at kurtina upang magamit ko ito sa pagbaba

"Paalam at Patawad, Mama at Papa." sabi ko bago ko kinuha ang aking tampipi at tinahak ang daan pababa at paalis mula sa lugar na aking kinalakihan.

Pagkababa ko ay agad na kinuha ni Lorenzo sa akin ang aking tampipi. Tiniganan niya akong mabuti at tumungo bago niya hinawakan ang aking kamay. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti

Nakapiling ka
Iniingat ingatan ko oh aking sinta
Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw

Habang naglalakad kami palabas ng hardin ay agad kaming nagtagao nang may nakita kaming guwardiya sibil. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong papunta siya sa pinagtataguan namin. Naghanda naman si Lorenzo.

Napapikit ako nang konti na lamang ay matutuntun na niya kami. Nagulat ako nang may narinig kaming ingay sa kabilang direksiyon namin. Nagmadali naman ang guwardiya sibil at nagpunta roon. Tila nabunutan ako ng tinik nang mawala na sa aming landas ang guwardiya. Agad kaming umalis sa aing pinagtataguan.

Habang tinatahak namin ang daan papalabas ng aming hacienda ay nagulat ako at nabato sa aking kinatatayuan nang makita ko si Kuya Juan na nakatayo at tila ay may hinihintay. Huli na nang mapatigil kami sa pagtakbo ni Lorenzo dahil nakita na niya kami.

Kung ganoon ay hanggang dito na lamang ang lahat. Napatingin ako kay Lorenzo na seryoso pa ring nakatingin kay Kuya Juan

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan

"Alam ko ng mangyayari ito" sabi niya at seryosong tumingin sa amin

"Kahit ano pang sabihin mo ay di mo kami mapipigilan sa gusto naming gawin." matapang na sabi ni Lorenzo. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Lorenzo sa kamay ko kaya napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak kamay

"Alam ko, kaya naririto ako upang tulungan kayo"

"Hindi ako papayag na hadlangan mo kami--- ha?" sabi ni Lorenzo na gulat na nakatingin kay Kuya. Gulat rin akong napatingin sa kanya. Napangisi naman si Kuya. Naglakad siya papunta sa amin pero hindi nagpatinag si Lorenzo

Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y nandito palagi

"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, Lorenzo Sebastian." sabi ni Kuya Juan bago niya hinawakan sa balikat si Lorenzo. Tumingin naman sa akin si Kuya Juan.

"Makinig ka, Montecilla. Napag-isipan ko na ito. Hindi ko nagawang protektahan ang babaeng mahal ko sa ating ama dahil naging mahina ako ngunit hindi ko na hahayaang maulit pa iyun, gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita. Kapatid kita ngunit hindi ako kasing tapang mo, niyo ni Simon. Nasa daungan na si Simon kasama ang iyong kapatid, Sebastian. Magkita kayo at magpakalayo na kayo. Malayo mula sa mapanghusgang lugar na ito." sabi ni Kuya Juan bago niya ako niyakap

"Salamat, Kuya Juan. Mahal na mahal kita."

"Mahal rin kita, palagi mo iyang tatandaan" sabi niya. Tumingin si Kuya Juan kay Lorenzo at tumungo. Tumungo rin si Lorenzo sa kanya bago ako hinila ni Lorenzo papunta sa kalesang naroroon pala. Nakita ko si Mang Samuel, ngumiti siya sa akin. Nagulat rin ako ngunit agad kong sinuklian ng ngiti at pasasalamat ang kabutihan niya sa amin

Nang magsimula ng umandar ang kalesa ay napalingon ako kay Kuya Juan

"Mag-ingat kayo" sabi niya habang nakangiti sa akin

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili

"Salamat, Kuya." sabi ko. Pinagmasdan ko ang pigura niyang paliit ng paliit hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa aking paningin. Napatingin ako kay Lorenzo. Tumingin rin siya sa akin bago ngumiti. Napangiti ako dahhil alam kong magiging maayos rin ang lahat.

Nang makarating kami sa daungan ay nakita ko sina Kuya Simon at Ate Mercedes na naghihintay sa amin. Agad naming niyakap ang isa't isa dahil sa saya. Konti na lamang ay tuluyan na kaming magiging malaya.

Kahit alam kong mahirap ang daang pinili kong tahakin ay hinding hindi ako magsisisi dahil alam ko na sa kahit anong laban na aking haharapin ay kasama ko si Lorenzo upang ito'y talunin. Maraming salamat sa lahat at patawad, Papa at Mama pati na rin sa inyo Kuya Juan at Kuya Roman.

Nagmamahal,

Montecilla

Agad 'siyang' napabalikwas ng bangon. Naluha dahil sa panaginip na pilit na bumabagabag sa kanya. Pawisan 'siya' at mabilis ang tibok ng puso. Mabilis niyang pinahid ang luha sa pisngi

Naroroon siya. Naroroon siya kasama ang babaeng pinakamamahal niya sa nakaraang buhay niya.

Ang babaeng naging buhay niya sa loob ng maraming taon. Bumangon siya at napatingin sa isang malaking larawan na nakasabit sa pader ng kanyang kwarto. Iginuhit niya ito noong bata pa siya dahil malimit itong magpakita sa mga panaginip niya.

Maganda ang babaeng nasa larawan. Kuhang kuha nito ang wangis ng babae kahit sa pinakamaliit na detalye ng kanyang mukha. Hinawakan ng lalaki ang pisngi ng babae sa larawan.

'Konti nalang, malapit na. Matutupad ko na rin ang pangako ko sayo, Montecilla" sabi niya bago naluha

--------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you for reading!!!

Sorry for late update!!

Keep safe readers!

Nagmamahal,

Ms.Mysterious 

Continue Reading

You'll Also Like

725K 29.2K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
31.9M 816K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
310K 10.5K 59
"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane PeƱalosa a young lady is ought to discover...
3.2M 166K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...