Sunny Adelson: The journey

By ItsM_2005

3.9K 155 10

[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod na... More

Work of fiction
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
SPECIAL CHAPTER

11

103 5 0
By ItsM_2005

Sunny's pov;

Napamulat ako ng mata sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Nagunat muna ako at inayos ang hinigaan ko. Inayos ko ang sarili ko at napagpasyahang bumaba.



"Magandang umaga sainyo!" bati ko ng makita kong kumakain na pala sila.



"Magandang umaga rin." si andres ang bumati sa akin. Umupo ako katabi niya.



"Bakit naman hindi niyo ako ginising?" nakangusong sabi ko sa mga ito. Si Dio naman ay kain lang ng kain kung kaya puro 'hmm' lang ang naririnig ko samantalang parang donya namang nakaupo si prinsepe rafael.



"Baka raw kasi manapak ka kapag ginising ka." naka ngising sabi ni prinsepe rafael.



"Hmp!" napangangang napatingin sila sa akin ng biglang pagsabi ko non. Anong problema?



Kinalaunan ay nagsibalikan sila sa pagkain at nagpuntahan na sa kaniya kaniya nilang kwarto. Siyempre ako rin hehe. Naligo na ako at nagayos.



"Sunny, tara na." rinig kong boses ni dio sa labas. Wala akong balabal ngayon dahil mamaya ko na kukunin kila kyle. Nakita kong ako nalang pala ang inaantay nila. Nginitian ko ang mga ito at nagaya ng lumabas. Habang naglalakad ay hindi maiwasang may mapatingin at may maibulong sa amin.



"Ang ganda niya talaga ano?"

"Totoo. Ang tapang pa."

"Pare, binigyan ko yan ng letter. Hindi na ako torpe dre!"



Napakunot naman ang noo ko sa narinig at bumaling kay prince rafael.



"May locker ba kame rito?" tanong ko.



"Meron. Nakalimutan kong sabihin. Halikayo at ituturo ko sa inyo." tinahak namin kung saan nakalagay ang mga locker namin. Nakita naming parang puputok na ang apat na locker namin kabilang ang locker ni prince rafael.



"Bakit parang mas malaking pagkalobo ng lockir mo sunny?" tanong ni andres. Napatawa naman ako ng mahina



"Locker andres." pag tama ko rito. Tinuruan naman sila ni prinsepe rafael sa pagbukas. Nanlaki ang mga mata namin ng tumambad ang madaming mga papel sa bawat locker nila.


"Omg girl!"

"Baka mabasa na niya ang mga sulat natin!"



bulong ng mga manonood na hindi ko napansin kanina hehe.



"P-Paano ko babasahin ang mga ito?" may pagka hiyang sambit ni andres. Kumuha naman si prinsepe rafael ng lalagyan at kaniya kaniya silang lagay ng mga mensaheng ibinigay sa kanila. Tumingin naman ang mga ito sa akin.



"Bakit hindi mo pa binubuksan ang iyo?" tanong naman ni dio.



"Baka may ahas sa loob HAHAHA" Nakitawa rin ang iba sa sinabi ko. Nahirapan pa akong buksan ang locker ko dahil parang gusto ng kumawala ng kung anomang meron ang loob ng locker ko. Napaatras at nanlaki ang mata ko ng maglabasan ang mga letter at mga pagkain! Umabot ang mga ito hanggang bewang ko! Napakamot naman ako sa batok dahil sa hiya. Hinahawakan at Binasa ko ang ilang nandirito. Ang ibang nakasulat ay naiinggit at may galit sa akin pero mas lamang ang may gusto raw at humahanga raw sa akin.



"Shit! Binasa niya ang letter ko!"

"Pasapak ako pre ngayon na!"



"WAAAA! EMEGED EMEGED!" hiyaw ko ng may nakita akong marshmallows! Kinuha ko naman ito at may nakita akong sulat kung kanino galing.



"Sino sa inyo si lim?" malambing na sabi ko sa mga manonood. May nakita naman akong grupo ng mga kalalakihan na may itinutulak na lalaki.



"H-Hoy a-ano b-ba nakakahiya." sambit ng lalaki. Lumapit ako rito.



"Ikaw ba si lim na nagbigay nito?" mahinahong tanong ko.



"O-Oo binibini." namula naman ang dalawang tenga niya. Niyakap ko namn ito at naramdaman kong natigilan ito.



"Maraming salamat! Paborito ko ito e! wieeeee!" pasasalamat ko rito. Mas lalo naman itong namula. Bumalik naman ako sa mga letter na nagkalat.



pwede na akong magswimming nito



Napanguso ako ng tatlong malalaking plastic ang nagkasya sa lahat ng letter at pagkain na ibinigay sa akin habang ang mga kasamahan ko ay tig iisa lang. Pinahatid naman ni prinsepe rafael ang mga ito sa dorm namin.



"Ang ganda kasi e." panunukso ni dio. Sinimangutan ko naman ito. Pumasok naman na kami sa room namin at nagklase. Nakatuon lang ang mukha ko sa bintana. Naiintindihan ko parin naman ang sinasabi ng guro namin.



"Sunny!" tawag sa akin ni prinsepe francis. Ngumiti naman ako rito. Sabay sabay kaming pumunta sa susunod na klase. Ang sunod naman na itinuro sa amin ay ang paggamit ng xylophone. Nakita kong nakatingin sa akin si alia, yung may pagkanerd at shy type. Nginitian ko naman ito. Namulang umiwas ito ng tingin. Pangit ba ang ngiti ko?



"Diba ngayon ang una nating pag eensayo?" tanong ni andres kay prinsepe rafael. Tumango naman ito bilang sagot. Kinalaunan ay natapos din ang pangalawang subject at physical combat na ang susunod. Napahiwalay na sina prinsepe sa amin.



"Sunny!" napalingon ako sa pinaggagalingan ng boses na iyon nakita kong tumatakbo papalapit sa amin si kyle. Nakangiting kinawayan naman namin ito.



"Eto na pala ang balabal mo. Nilabhan ko na rin iyan." sambit nito sa akin. Inilaga ko naman sa bag ko ang balabal. Pinabilog na pinaupo na kami ni prinsepe rafael.



"Una muna nating isipin kung anong kayang gawin ng mga kakalabanin natin. Pangalawa, kung sino ang malakas sa kanila. Pangatlo, ibigay ang lahat ng makakaya." seryosong boses ni prinsepe rafael.



"Ang grupo nila alia, si alia ang isa sa mga matatalino sa buong academia kaya malalaman niya agad kung paano ka kumilos o sumugod. Ang pinakamalakas naman sa kanila ay si pip, maliksi ito at mabilis. " turo niya sa pip sa kabilang grupo na nakaupo.



"Ang grupo nila cindy, si cindy ang malakas sa mga ito ngunit kapag nagsama sila ng dalawa pang kaibigan niya ay may lalakas pa ang pagsugod nito, nila." mukhang alam na niya talaga ang bawat taktika rito ah?



"Ang grupo ni prinsepe rim, syempre siya ang malakas na sinamahan pa ni prinsepe francis. Kapag lumaban ng seryoso yang si rim, hindi mo na maiintindihan kung bakit ang bilis ng kamao niya. "



"Habang ang grupo naman ni prinsepe gim, yung ibang mga kagrupo niya nakikitaan ko ng maliksi sa galaw lalo na puro lalaki yung kagrupo niya." tango tango naman ang sinagot namin.



"Halina kayo, pupunta na tayo sa lugar kung saan ako nagsasanay." sumunod nalamang kami rito. Tinahak namin ang landas sa mapupunong lugar hanggang sa huminto kami sa may maliit na kubo. Hindi naman kalayuan ito sa academia.



"Paano mo nalaman ang lugar na ito, prinsepe?" magalang na tanong ni kyle.



"Noong bata pa ako, naligaw ako rito. Hanggang ngayon nga hindi ko alam kung sino ang dating nakatira sa kubong iyan." tukoy niya sa maliit na kubo.



"Magsimula na tayo." sambit niya. Napagpasyahan naming dala dalawa muna ang magpakita ng lakas. Naunang naglaban si Andres at Dio. Bago sila naglaban ay pinaalalahanan ko muna si dio na wag munang ipakita ang kakayahan niyang magpalutang. Nasa gilid lamang kami nito at nanonood.



Seryoso ang dalawa sa ginagawa. Sumugod si andres kay dio ngunit nailagan naman niya ito. Sinuntok naman ni dio si andres sa tyan kaya napaatras ito at napahawak sa tiyan niya. Maingat na iniamba na ni andres ang kamao niya para sapakin si dio ng makailag muli ito at tumama ang kamay nito sa puno na naging dahilan para magsilaglagan ang ibang mga sanga nito. Napangiti ako ng mapansing parang lumulutang si dio sa bilis nitong makailag sa bawat suntok at tadyak na paparating sa kaniya ngunit hindi naman ito kapansin pansin. Nagpatuloy silang maglaban hanggang sa mahingal hingal silang dalawa.



"Tama na iyan. Dio, magaling kang umiwas ng atake ngunit dapat ay hindi puro iwas lang ang gawin mo. Andres, malakas ang bawat pagsuntok mo ngunit kailangan itong makontrol at matansya ang kakalabanin mo. Magaling." Palakpak ni prinsepe rafael at bumaling sa aming dalawa ni kyle.



Nakangiting inilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod habang tinitignan si kyle na nakaposisyon na panlaban at seryosong nakatingin sa akin.



"Magingat ka diyan, ginoong kyle." may halong pambabanta na sabi ni dio. Napanguso naman ako ng makitang bumaba ng onti ang pagkaseryoso nito.



"Wag mo ngang takutin. Hmp!" singhal ko rito.



"Magumpisa na kayo."




Third person's pov;

"Magumpisa na kayo." sambit ni prinsepe rafael. Gusto na nitong makita kung paano ba makipaglaban si binibining sunny. Lalo pa na parabg laro lang sa kaniya ang ginagawang pagsasanay.



'ngiti pa lamang niya ay parang natutumba na ako' sambit ni kyle sa isipan.



Nakangising pinagmamasdan naman nina andres ang dalaga. Alam nilang kahit magsama silang dalawa ay hindi parin nila makakayanan kung paano ito kumilos at lumaban.



Naunang sumugod si kyle at inambahan ng suntok si sunny. Umilag naman si sunny dito. Tumalon paitaas si kyle at akmang tatadyakan na niya si sunny ng magulat siya sa pinanlaban nito. Maging ang mga kagrupo niya ay nanlalaki ang mata na napatingin sa kaniya.



Nakataas ang kaliwang paa ni sunny na isinalubong ang paabang na paa sa kaniya. Parang nakaestatwang nakatayo si kyle sa paa nito. Tumalon si kyle roon. Binilisan niya ang pagkilos. Manghang nakanood lang ang mga kagrupo nila sa kanila. Hindi magkanda ugaga ang mga mata nila sa mabilis na pagsuntok suntok nito kay sunny. Ngunit kahit isa rito ay walang tumama. Habol hiningang huminto si kyle sa pag atake.



'buong lakas ko na iyon.' sambit ni kyle sa kaniyag isipan.



"Tapos ka na ba?" mahinahon at parang hindi manlang napagod ang dalaga na siyang ikinamangha ng kaniyang mga kasama.



"Ilagan mo ha." mabilis na tinadyakan ni sunny ang bewang nito. Napaatras naman si kyle hanggang naramdaman niya ang kirot dahil sa pagtama ng likod niya sa puno at pagsipa nito. Napaupo naman si kyle sa atake nito.



'Isang atake palang iyon.' manghang sabi ni prinsepe rafael sa kaniyang isipan.



"Hala! napalakas ba? Sabi ko kasi sayo ilagan mo e! iyon na nga ang pinakamahina ko waaa!" natarantang sabi ng dalaga na ikinamuwang ng mga bibig ng mga kagrupo niya. Agad niyang inalalayan si kyle. Napanguso ito dahil nabitin siya sa pageensayo niya.



'kasing lakas ng dambuhalang tao ang lakas na iyon tapos iyon ang pinakamahina niya?!' sambit ni kyle sa kaniyang isipan.



"I-Ibang klase." sambit ni andres.



"Tayo naman ang maglaban." biglang sabi ni prinsepe rafael. Nagulat ang tatlong binata dahil alam nilang malakas ito. Hindi naman alam ni andres at dio kung kanino sila magaalala. Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga sa narinig.



"Sige sige waaa!" may halong kasiyahan na sambit ng dalaga na siyang ikinailing ng binata.



Walang emosyon ang makikita sa binata habang parang natutuwa pa ang dalaga sa nakikita niya.



'seryoso masyado HAHAHAHA' isip- isip ni sunny.



"Nagugutom na ako. Bilisan natin ha? hihi." sambit ng dalaga.



Naunang umatake si prinsepe rafael. Saglit na napahanga si sunny sa bilis nito. Inambahan ito ng suntok sa tyan ng paikutin ni sunny ang kaniyang paa sa kamay nito at pinaikot. Napainda naman ang prinsepe. Sinamantala ni sunny ang paginda ng prinsepe at sinipa ito sa dalawang tuhod. Halos hindi na kumurap ang mga nanonood sa kanila dahil sa bilis ng mga ito.



Mabilis na inambangan ng tadyak si sunny ngunit ang tadyak na iyon ay napunta sa likod niya at natamaan siya sa binti. Napangisi naman ang binata ngunit nawala ng biglang magsalita ang dalaga



"WAAAH! NAKILITI AKO WAAAA!" napanganga naman ang mga ito at hindi makapaniwalang napatingin kay sunny na namula ang tenga dahil nakiliti. Nangunot ang noo ni prinsepe rafael habang nakangiti.



"Malakas ang pagsipa kong iyon tapos kiliti lang sa iyo? Ibang klase." sambit niya. Itinigil naman na niya ang pageensayo. Silang dalawa ni kyle ay paika ikang maglakad habang humihingi ng paumanhin si binibining sunny sa ginawa niya na ikinangiti nila. Ang kulit at ngiti ni sunny ay nagpawala ng onting pagod sa mga ito. Hinatid naman nila sa kaniyang dorm si kyle at pumunta narin sa dorm nila. Nagpautos ang prinsepe na magpakuha ng mga pagkain. Tahimik na kumakain ang mga ito.


"Sinabi ko na kay ama ang binabalak ng mga itim na bandido." sambit ni prinsepe rafael. Napatigil naman ang mga kasamahan niya sa pagkain.



Sa hindi malamang dahilan ay parang kumabog bigla ang puso ni sunny. Tila parang kinakabahan ito. Bumigat bigla ang kaniyang paghinga.



"A-Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni andres. Tumango naman siya at ngumiti.



Pagkatapos kumain ay nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang kwarto. Habang nakahiga si sunny ay hindi niya maiwasang mapaisip sa mga itim na bandido.



'may mga tao talagang gahaman sa kapangyarihan' sambit ni sunny sa isipan niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago maisipang matulog.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
63.3K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.