Sunny Adelson: The journey

De ItsM_2005

3.9K 155 10

[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod na... Mais

Work of fiction
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
SPECIAL CHAPTER

6

126 7 0
De ItsM_2005

Sunny's pov;

"I-Isang babae?!"

"Nahihibang ba siya?"

"Lagot na ang binibining iyan. "



Hindi ko pinansin ang mga sinabi ng mga ito at naglakad. Nasa likod naman ang mga kamay ko. Tumitingin ang mga nasa gilid ng dinaraanan ko na may parang awa sa kanilang mata. Tumapak ako sa loob. Ang itsura nito ay parang isang kulungan ngunit may makakaranig sa iyo sa labas. At maririnig mo rin sila mula roon hanggang dito.



May pangaasar sa labi ang nasa harap ko. Habang ang dalawang taong ikakatunggali ko pa ay prenteng nakaupo sa gilid. Ang isa pa ay nilalaro ang kamay.



Tumingin naman ako kung nasaan nanonood si Dio. Kumaway ako rito. Galit nanaman ito sa akin. Napanguso ako.



"Tanggalin mo ang balabal mo, binibini."



"Ayoko nga, Hehe." Malambing kong sabi rito. Nawala bigla ang ngisi nito at napalitan ng pag nganga. Nakita kong tumigil naman sa paglalaro ng daliri ang nakaupo roon.



"H-Hindi pa kita lubos na kilala ngunit may oras ka pa para umatras." Napatingin naman ako sa malaking orasan. May limang pung minuto pa pala ako e hehe.



"Ako si sunny! Ikaw, sino ka?" kalmadong sabi ko rito at umabante ng onti. Umatras naman ito. eh?



"A-Ako si ley."



"Ano mag papakilala nalamang ba kayo sa isa't isa? Gutom na ako." sambit ng lalaking naglaro kanina ng kamay. Prenteng nakacross naman ang braso ni andres at nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.



"Tara na laro na tayo! hihi." magiliw na sabi ko rito ay naglakad papalapit. Umugong muli ang bulungan kesyo huling biro ko na daw ito. Nagbibiro ba ako? May sinabi ba akong biro o nakakatawa? hmp!



Tumakbo ito sa akin at akmang susuntukin ang tyan ko ng sipain ko ang kamao nito na resulta na sakaniya napunta ang suntok na ginawa niya. Napadaing naman si ley. Hindi niya marahil inaasahan iyon.
Sumugod siyang muli ngunit mabilis na pumunta ako sa likod niya at tinadyakan ang likod,hita,paa at maging ang batok nito na siyang ikinatulog nito. Nagsigawan naman ang mga tao. Napatayo naman ang kaninang naglalaro ng kaniyang daliri na tila hindi makapaniwala sa nagawa ko.



"S-SA LOOB LAMANG NG T-TATLONG MINUTO NAPATUMBA NITO ANG UNANG TAO SA UNANG HAKBANG! N-NAPAKABILIS!" Nanginig na sabi ng tagapagsalita. Tatlong minuto? Hindi na masama. Tumingin naman ako sa lalaking naglalaro ng darili kanina ngunit ngayon ay seryosong nasa harapan ko at tinitigan ako. Saglit akong sumulyap sa prinsepe na katabi ni dio. Kinindatan ko ang mga ito. Nakita ko pa ang pamumula nilang dalawa. Hindi pa man ako nakakalingon ay umilag na ako sa nakaambang suntok papunta sa mukha ko.



"Mabilis kang makiramdam, babae ka ba talaga?" manghang sabi nito. Muli naman itong sumugod at mukha ko ulit ang sinugod na agad naman akong nakailag.



"Gusto mo talagang makita ang mukha ko ginoo? Kung ako sayo ay sasabihin ko nalang kesa naman magpakahirap pa ako." pang aasar ko rito na ikinuwang ng bibig nito.



"A-Ano?! H-Hindi totoo ang iniisip mo binibini!"



talaga lang ha



Lumapit ako rito. Humakbang ito paatras. Hinawakan ko ang braso nito.



"Magpustahan tayo." mahinahong sabi ko.



"A-Ano iyon?" agad niyang kinagat ang ilalim niyang labi na dapat ay hindi niya sinabi iyon.



"Tanggalin mo ang balabal na nakasuot sa akin at kapag ginawa mo iyon ay ibig sabihin ay talo o sumusuko ka na. Batid kong gusto NIYONG makita ang mukha ko, ginoo." malambing kong sabi. Diniin pa ang salitang 'niyo' at tumingin kay andres na nakatayo na pala.



"H-Hindi maari k-aga-galitan a-ako ni p-pinunong andres---" naputol ang sinabi nito ng magsalita si andres.



"Gawin mo." puno ng autoridad nitong sabi na ikinahiyaw ng mangilan ngilang kababaihan dahil siguro sa kalaliman ng boses nito.



Binitiwan ko ang braso nito at inilapit pa ang mukha ko rito. Nanginginig pa itong hinawakan ang balabal ko. Napatawa naman ako ng mahina na siyang nakapagpatigil rito. Tumikhim ako para mawala ang pagkatulala nito.



"Ay saglit!" napatigil naman ito. Tinuro ko kung nasaan si Dio maging ang kamahalan.



"BINABATI KO NGA PALA ANG KAIBIGAN KONG SI DIO MAGING SI PRINSEPE FRANCIS! ARTISTA NA AKO HOOO!" malakas na sigaw ko na para bang nasa liveshow ako ni kuya willie revilliame. Napatawa naman ang mangilan-ngilang nanonood maging ang reyna, prinsesa lou, prinsepe francis at si dio ay napatawa dahil sa ginawa ko. Napatingin naman ako sa kaharap ko na mahina ring tumatawa.



"Ibang klaseng babae." mahinahon nitong sabi na ikinangiti ko ng palihim. Dahan dahan naman niya itong hinawakan muli ngunit tinigil ko uli. hehe.



"Wag po kayong magugulat ha? hehe."  kamot sa batok na sabi ko na muli nilang ikinatawa. Nanginginig parin ang kamay ng nasa harapan ko. Tinap ko nama ang ulo nito.



"Kumalma ka. Hindi ako mangangain." ngumiwi naman ito. Nakita kong nagpipigil ng tawa si andres.



"TANGGALIN NA YAN!"

"TANGGALIN NA YAN!"



Sigaw ng mga manonood. Nang matanggal na ang puting balabal ko ay ngumiti ako rito. Maging sa mga manonood at sa mga kamahalanan. Napanganga naman ang mga ito ang iba ay napatayo sa upuan maging ang reyna. Tanging palakpak lamang ni prinsesa lou ang naririnig.



"Sabi ko kasi kanina wag magugulat ih." napatawa naman si dio. Hinawakan ko sa balikat ang kaharap ko.



"Ano ngang pangalan mo? hehe."

"L-Leo.."



Pumalakpak ako ng malakas sapat na para bumalik ang lahat sa kani-kanilang presensya mula sa pagkatulala at pagkagulat.



"OH TAMA NAYANG PAGTITIG NINYO SA AKIN BAKA MATUNAW AKO HAHAHA" tuwang sabi ko sa mga ito. Umugong naman kaagad ang mga bulungan.



"Kaigandang babae.."

"Isang dilaw na anghel.."



Napanguso naman ako dahil sa narinig. Tumitig naman ako sa may hawak ng mikropono. Mukhang nakuha niya naman ang sinabi ko.



"A-AT DAHIL SA P-PUSTAHANG NAGANAP AY NGAYON, TALO NA ANG IKALAWANG TAO SA IKALAWANG HAKBANG. NGAYON NAMAN AY ORAS NA PARA SA ATING PINUNO!" malakas na palakpakan ang ginawa nila.



Inilagay kong muli ang kamay ko sa likod ay prenteng tinignan  ang naglalakad papalapit sa akin.



"Napahanga mo ako binibini.. ngunit ikalulungkot ko na hanggang dito ka na lamang." sabi nito at agad pinusisyon ang kamay niya sa kaniyang harapan. Naging mabilis ang paglapit niya sa akin inilag ko ang ulo ko. Tumama naman ang kamao niya sa rehas na nasa gilid ng ulo ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang nayupi iyon! Hindi pangkaraniwan ang kamay niya! Marahil ay isa siya sa mga sariling misyon ko rito? hmm..


Napabalik naman ako sa wisyo ko ng sugurin muli ako nito. Nasa likod ko parin ang mga kamay ko. Tumalon siya at inambangan ako ng suntok inilag ko ang katawan ko mula sa kaniya. Nagkaroon ng bakat ng kamao niya sa sahig.



"WAAAH! ANG GALING!" Saglit na ikinatigil nito ang naging turan ko at tumawa ng mahina. Napatingin ako sa orasan. Bente minuto nalang.



"Kapag ba manalo ako rito ay sasama ka sa akin?" determinado kong tanong na ikininoot naman ng noo nito.



"At bakit naman ako sasama sayo?"



"Dahil gusto ko at sinabi ko." Seryosong sabi ko rito at ngumiti.



"Sige papayag ako. Ngunit.." ako naman ngayon ang kumunot ang noo.



"Kapag natalo ka, magiging asawa kita." napanganga ako maging ang lahat sa tinuran nito maging sila leo at ley. Nakita ko namang nagtiim bagang si Dio. Walang emosyon naman akong nakita sa prinsepe.



"Sige!" maganang sabi ko. Ngumisi naman ito. Ginantihan ko lamang ito ng malawak na ngiti.



Seryoso siyang tumakbo sa akin. Nakaambang ang dalawa niyang kamao. Ilag lang ang ginagawa ko.



"Bakit nailag ka lang?! Minamaliit mo ba ako?!" naiinis na sigaw nito sa akin. Huminga ako ng malalim.



"Ayaw kitang saktan." napanganga ito. Pagkakataon ko na at pumunta akong mabilis sa kaniyang likod at pinatulog ito gamit ang paghampas sa batok nito. Binuhat ko naman ito at inilagay sa balikat na parang sako.



"Hindi ko kayang saktan ang magiging kaibigan ko. " ngiting sabi ko at medyo kinurot ang katambukan na pwet nito. Cute cute.



"S-SA KAUNA UNAHANG PAGKAKATAON NAGWAGI ANG ISANG BABAE! PALAKPAKAN NATIN SI BINIBINING SUNNY!"



Humiyaw naman ang ilan sa narinig. Lumabas na ako at tumahak sa pwesto nila leo.



"May tahanan ba kayo?"



"Meron binibini." sagot ni ley habang nakatingin sa buhat ko.



"Maari ba kaming tumuloy muna doon? hehe."



"O-Oo naman binibini." tumayo ang dalawa. Paika-ikang lumakad si ley na inaalalayan naman ni leo.



"Masyadong masakit ba?" tanong ko kay ley.



"H-Ha? h-hindi naman.." napanguso naman ako.



"Sunny!" sabay na sabi ng prinsepe at si Dio. Nagkatinginan ang dalawa. Napatawa naman ako.



"Maraming salamat sa pagpayag mo na sumali ako sa paligsahan, mahal na prinsepe." yumuko ako biang paggalang rito. Nagulat ako ng hawakan nito ang dalawang balikat ko at seryosong nakatingin sa akin.



"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo?!" saglit na tumaas ang boses nito dahil siguro sa nagaalala siya. Hinawakan ko ang kamay nito na nasa balikat ko.



"Ayos lang mahal na prinsepe. " ngiting sabi ko rito. Parang napapasong inilayo niya ang kamay niya sa kamay ko. Problema neto



"Ikaw na ngayon ang bagong tagamuno." Ngiting sabi ng reyna sa akin. Umiling ako na siyang ikinataka ng mga ito.



"Hindi maari. Sumali lang ako sa paligsahan na iyon para kay Dio. Nais ko lamang ipanalo ito sa kaniya at wala sa intensyon kong maging taga puno. Matagal tagal narin kasi mula ng may makadwelo ako HAHAHAHA" hagikgik ko. Napatawa naman sila.



"Anong nais mong gawin ngayon binibining sunny?" tanong ng prinsepe. Tumingin ako kay ley at leo. Nginitian ko ito ng malawak at kinindatan. Namula naman ang mga ito.



I got you all bros



"Nais kong sila ley at leo nalamang ang maging tagaturo at tagamuno. Sila na ang bahala sa kung sino ang magtuturo o ang mamumuno. " seryosong sabi ko na ikinangiti ng prinsepe at reyna.



"Ate ganda ate ganda! Paglaki ko gusto ko maging malakas katulad mo!" sambit ni prinsesa lou. Hinawakan ko naman ang pisngi nito.



"Magpaturo ka sa iyong kapatid. Tiyak ay matutuwa iyon. " Hinalikan ko ito sa pisngi. Nahikhik naman ito at namula. May humawak naman sa pisngi kung saan hinalikan ko. Tumingin ako kay prinsepe francis. Kinuha ko ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad nito. Lumaki ang mata niya at naging sobrang pula ang mukha. Napatawa naman ang reyna sa tinuran ko.



"Maari ko rin po ba kayong mahalikan sa pisngi, reyna? bilang pamamaalam?" malambing na sabi ko. Tumango naman ito. Hinalikan ko ito sa pisngi.



"Sana ay magkita pa tayo binibini. Batid kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Kapag may kailangan ka ay nandirito lamang ako." tumango naman ako sa sinabi nito. Napatawa ako ng makitang nakabusangot ang mukha nila ley,leo at dio.



"Wag kayong magalala, ley at leo. Hahalikan ko rin ang mga palad ninyo kapag tapos na ang misyon ko sa inyong dalawa HAHAHAHA" Napakamot nalang sa batok si dio.



"Paalam sa inyo!" kumaway ako rito. Namumula parin hanggang ngayon ang prinsepe.



"Saan ang tahanan ninyo?" Tanong ko kay leo. Si Dio na ang nagbuhat kay andres.



"Malapit na tayo. Malapit lamang ito sa palengkehan."



Huminto kame sa isang may kalakihang kubo. Inilapag ni Dio si andres.



"Humiga ka rin, ley." sabi ko rito. Aangal sana siya ng ako na mismo ang nagpahiga sa kaniya.



"Maari niyo ba akong bigyan ng pamunas,mainit na tubig, at kahit na anong dahon?" tanong ko sa dalawa. Tumango naman ito. Habang wala sila ay ramdam ko ang titig ni ley sa akin.



"Si andres ba.. ang may kakaibang kakayahan sa kamay?" nanlaki ang mata nito sa tinanong ko. Kinalaunan ay tumango tango ito. Dumating na ang dalawa. Mukhang nagkwekwentuhan sila. Naginit ng tubig si leo.



Nagtali ako ng buhok siyaka kumuha ng pamunas at nilagay iyon sa mainit na tubig.



"Wala na ba kaming ibang gagawin?" tanong ni dio. Tumango ako.



"Magpahinga nalamang kayo o kaya naman ay bumili ng makakain ninyo." ngiting sabi ko rito. Pinunas punasan ko naman ang batok ni andres. Naging maligamgam naman na ang tubig. Pinunasan ko rin ang mukha nito dahilan para mapadilat ito. Hindi ko alintana ang titig nito sa akin at pinunasan parin ang noo at mukha nito. Inilagay ko ang pamunas sa batok nito. Napasama ata ang paghampas ko hehe.



Lumapit nama ako kay leo na tulala sa akin. Kumuha ako ng dahon. Napangiti ko ng ang dahong kinuha nila ay sakto para pampawala ng pasa at pamamanhid. Nilublub ko muna ang mga iyon sa tubig bago ilagay sa mga pasa ni leo.



"B-Bakit ginagawa mo ang mga ito?" sambit ni leo.



"Dahil kaya ko at gusto ko." wala pang isang segundong sagot ko.



"Paano mo natutunan ang mga iyon,binibini?" tanong naman ni Andres. Ngumiti ako rito.




"Hindi ko maalala kung papaano at keylan hehe. " napakamot ako sa batok. Pumasok na sila dio na may dalang makakain. Ihahain na sana nila ito ng pigilan ko ito.



"Magpalit na kayo ng damit ninyo. Alam kung pawisin na kayo kahit hindi niyo sabihin. " tumango naman ito at nagpalit. Kumuha ako ng damit ng mga kuya ko sa bag ko. Hindi ko alam kung bakit may ganitong nilagay si mommy. Apat ito at magkakaparehong puti. Hinagis ko rin ang dalawa pa sa dalawang nakahiga.



"Suotin ninyo iyan. Ikakatuwa ko kapag nasuot na ninyo yan. Lalabas muna ako. Tawagin ninyo ako pag tapos na kayong magpalit. " ngiting sabi ko at lumabas. Ang tahanan nila andres ay malapit nga lang talaga sa palengke. Onting lakad lang ay makikita mo na iyon. Kahit na andirito ako ay naririnig ko parin ang ingay mula sa palengke. Tumingin ako sa mga ulap.



"Pang ilang araw ko na ba dito?" takang tanong ko sa sarili habang nakatingin parin sa ulap. Tinawag na nila ako. Pumasok ako roon.



"Bagay sa inyo! ang gwapo ninyo!" palakpak pa na sabi ko. Si andres ay nakatayo na ngunit si ley ay hindi pa.



Naghain na ako ng makakain namin. May humawak sa likod ko at parang kinapa.



"Pawis ka na din." seryosong sabi ni andres.



"Mamaya magpapalit ako pagkatapos nating kumain." ngiting sabi ko rito at tinap ang ulo nito. Inalalayan naman nila si ley.



"Dadaan ang eroplano~" pangbaby na sabi ko kay ley habang winawagayway pa ang kutsara. Napatawa naman sila sa ginagawa ko.

Ang takaw ni andres kung kumain. Grobi



"Sinong maghuhugas?" tanong ko. Nagkatinginan ang mga ito at tinuro si andres na grabe kung kumain. Napabuntong hiningang tumango ito na parang sang ayon ito. Masayang nagkwentuhan ang mga ito habang nakain.



Continue lendo

Você também vai gostar

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
466K 33.7K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...