He Who Passed By (Completed)

By envious_lady

387 273 16

Sa buhay, marami tayong nakakasalamuha at ang dami nating nakakasalubong sa bawat araw. May mga taong papunta... More

HWPB 1
HWPB 2
HWPB 3
HWPB 4
HWPB 5
HWPB 6
HWPB 7
HWPB 8
HWPB 9
HWPB 10
HWPB 11
HWPB 12
HWPB 13
HWPB 14
HWPB 15
HWPB 16
HWPB 17
HWPB 19
HWPB 20
HWPB 21
HWPB 22
HWPB 23
HWPB 24
HWPB 25

HWPB 18

12 10 0
By envious_lady

"May boyfriend ka na pala Ate Haeli ah"

"Hala Teacher Fe, kaibigan ko lang po yon"

"Ehem" - Athaliah

"Hmm anong ibig sabihin naman ng ehem mo Ate Aya ?"

Tinitigan ko si Athaliah at sana mabasa nya gusto kong sabihin.

"Wala po Teacher Fe, medyo nasamid lang po"

With that bigla na lang napunta ang usapan about love. Yung experience ni Teacher Fe at mga anak nya ngayon, nag share din yung mga kaklase ko na kasama namin.

Teacher Fe is only 34 years old at nagka anak siya when she's only 19. She always gives us advice at nag sh-share din siya about sa life niya.

Tuwing may free time or after the class, ayaw nyang magpapigil sa panlilibre sa pagkain naming immersionist. That time din nag kwe-kwentuhan kami sa kahit na anong topic. Pag pauwi din, nililibre nya kami kaya minsan nag e-excuse na kami na may pupuntahan pa kami dahil nakakahiya na.

"Second year college na dapat kayo di ba. Normal lang yan ate Haeli. Hindi talaga maiiwasan sa mag kaibigang lalaki at babae na may ma-fall"

'May' . Isa lang. Di ba pwedeng both. Hayst.

**

Walang pasok ang Day Care kaya nasa school kami ngayon para mag attendance sa immersion office and umattend ng class with other section ng Humss.

Ngayon ko din na prove yung kinukwento ni Angennelle.

Pagkalabas ko pa lang ng office, nakita ko na sila na magkasama pumasok.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa covered walk hanggang sa malapit ko na silang makasalubong.

"Haeli?" - Aiden

"Yow. Good morning"

"Akala ko nasa immersion ka?"

Tinitigan ko sila sa mata.

"Walang pasok day care ngayon"

I can sense mixed emotions to Aiden. While the smirked in Yvonne's face is very obvious.

Sabi na nga ba. She's asking for my forgiveness then what now, tsk.

"Pero need namin mag attendance saka umattend ng class. So see you around"

I smiled at them. Making sure na walang makaka alam sa totoo kong nararamdaman.

"Haeli wait!"

I faced them again.

"Sabay tayo umuwi mamaya ah"

"Sige lang"

Tiningnan ko si Yvonne. Then I smiled. Ang sarap nyang inisin.

**

"Ayiiee sino yang ka txt mo?" -Tine

"Si Aiden. Sa gate na lang daw kami magkita"

"Babaero naman nyan" - Angennelle

"Hoy tumigil ka nga. Lagi mo na lang iniinis si Haeli" - Tine

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Sorry to say this ah pero kasi parang tinu-two time nya kayo" - Angennelle

"Wala namang kami"

"Wala narin naman sila ni Yvonne. So ibahin natin yung term, parang ginagamit nya kayo"

"Hoy grabe ka na" - Tine

"Sinasaktan mo na si Haeli" - Athaliah

"Hindi ganon si Aiden"

"Gano mo ba siya kakilala" - Angennelle

"Angennelle tumigil ka na"

"Yeah. Yeah. Sorry. Masyado na kong nangingialam sa inyo. Pero concerned lang ako sayo Haeli"

"I understand. Sige una na ko sa inyo umuwi ah"

"Ingat" - Tine

"Gumana na naman kasi pagiging straight to the point mo" - Athaliah

Lumakad na ko paalis.

Nagulat ako nung yumakap mula sa likod ko si Angennelle.

"Haeliiiiii. Sorry naaa. Wag ka ng magalit"

"Ano ba. Okay lang. Di ako galit sayo. Sabi ko nga naiintindihan ko di ba. Nakakatuwa nga na concerned ka pala sakin"

"Ay grabe siya. Di lang ako showy sa pagiging sweet. Kilala mo naman ako"

"Hahahah yeah right. Sige na bitaw na, uuwi na ko"

"Okay na tayo ah"

"Oo na"

"Yey. Sige na. Babush"

"Bye guys"

Hays. Napaisip din talaga ko sa sinabi ni Angennelle.

Gano ko nga ba kakilala si Aiden.

Totoo nga ba yung pinapakita nyang kindness o nabubulag lang ako dahil sa nararamdaman ko sa kanya.

"Haeli! Sorry, kanina ka pa ba dito?"

"Kadadating ko lang din"

"Gusto mo bang gumala muna? Tagal rin nating di nakapag usap"

"Uhm sorry pero gusto ko na kasing umuwi eh"

"Ganon ba...sige, maybe next time na lang?"

Nakita ko si Yvonne na kalalabas lang din mula sa gate.

"Sure. Di lang talaga maganda pakiramdam ko ngayon"

Nakita nya kami kaya napatigil siya.

"Hala. Nilalagnat ka ba, sinisipon o ano?"

He cupped my face habang nakatingin sakin then chineck nya yung noo ko.

Napangiti ako nung nakita kong kumunot yung noo ni Yvonne, umirap saka umalis.

"Oh bat ka nakangiti dyan?"

"Ala. Tara na nga"

"Ang weird ah"

"Maiba tayo. Okay na pala kayo ni Yvonne"

"Not really. Sinusubukan lang ibalik yung friendship pero like what I've said before may lamat na nga talaga,  na may part na hindi na kayang ibalik yung dati"

"Pero mukhang okay naman na kayo ah. Gaya ng dati"

"Talaga ba? Pero pakiramdam ko kasi di na talaga gaya ng dati. Madalas ngang may awkward moment eh. Di narin siya yung sobrang lapit sakin"

"Pero gusto mong mabalik yung dati?"

Napatigil siya sa tanong ko.

"Silence means yes"

"Hays. Tanga na kung tanga pero kasi kahit sinaktan nya ko. Kahit gusto ko siyang iwasan, kahit sabi ko sayo may lamat na... kinain ko lang yung sinabi ko kasi kabaligtaran parin ang gusto kong mangyari"
"Gusto ko parin mabalik kung anong meron samin noon"

"Pero di ba its just an act. I mean yung ginawa ni Yvonne"

"Pakiramdam ko kasi totoo yung sinabi nya, na mahal nya din ako and not just because of her reason kung bat nya yon ginawa"

Manahimik. Yan lang ang kaya kong gawin ngayon.

"Oh bat ka natahimik?"

Bat ba kasi nagtanong pa ko.

"Ala. Di kasi ako maka relate"

"Sino ba kasi yung taong gusto mo. Think of him baka sakaling maintindihan mo yung nararamdaman ko"

"Magkaiba tayo ng sitwasyon. Pero ang pinagkapareho natin... parehas tayong nagpapakatanga"

"Sakit naman marinig mula sayo"

"Truth hurts"

**

Natapos ang grade 12 sa immersion and post immersion. Sa thesis lalo na sa spss na sobrang nagpahirap samin, and sa final defense. Sa trial hearing naming Humss and sa role play sa daan ng school namin na pinagtataka ng mga tao kung anong nangyayari bakit may mga pulis at soco. Which our law teacher congratulate us for doing great.

Then sa Bazaar that teach us kung pano mag handle ng business and natuto rin kaming mag accounting.

And now its time to give ourselves some time dahil natuloy parin ang fieldtrip kahit may issue parin ng virus.

Ang malas nga lang kasi bago ko umalis sa bahay kaninang 4am, sinend ng advicer namin kung sino makakasama naming Humss sa bus number 7. And walang iba kundi ang tvl tourism which includes Yvonne.

Medyo okay pa kanina dahil may kanya-kanya naman kaming group of friends. Pero not now na dumating kami sa EK, dahil bigla na lang kaming hinila ni Aiden na samahan siya mag drop tower.

"Ano ba Aiden, magpasama ka na lang sa mga kaibigan mo"

"Rio Grande at Jungle log gusto ng mga yon, ayoko muna mabasa"

"Edi dat pinilit mo muna sila na huli na yung gusto nila"

"Gara naman. Ikaw Yvonne ayaw mo din ba?"

"Gusto ko din mag drop tower pero takot sa heights mga kasama ko, so sama muna ko sayo"

Tsk. Plastic.

"Yown. Ikaw Lili ayaw mo talaga?"

I can't hide not to smirk when I noticed something.

Kung pano nagbago yung tawag nya kay Yvonne. And yung di nagbago na tawag nya sakin since naging close ko siya.

Humarap ako sa mga kasama ko.

"Guys, sama muna ko sa kanila ah. Chat na lang kung saan tayo magkikita kita"

"Sige. Maghihiwa-hiwalay din muna kami dahil di kami magkasundo kung anong uunahin"

Natawa ko dahil para kaming bumalik sa pagkabata.

Humarap ako kay Aiden.

"Tara"

"Nice. Let's go guys"

Medyo nauna maglakad si Aiden. Kami naman ni Yvonne, kasya pa apat  na tao sa pagitan namin.

"Wala naman kayong fear of heights no?"

"At ngayon ka pa talaga nagtanong kung kelan paakyat na tong inuupuan natin?"

"Hay nako Lili, meron o wala lang naman sagot. Ikaw ba Yvonne?"

"Wala. Baka ikaw meron"

"Wala noh"

Nung nasa tuktok na kami.

"Ang ganda ng view!"

"Ang inggay mo Lili"

"Walang basagan ng trip. Ang ganda naman talaga oh"

Napasigaw na lang kami nung biglang bumulusok pababa at parang naiwan yung kaluluwa namin sa taas.

Tumingin ako sa dalawang nasa left ko.

"Wala ka palang fear of heights ah pero grabe higpit humawak haha"

"Wala naman kasi talaga. Nagulat lang ako sa biglang pagkahulog"

"Parang iba yon ah"

Which I can relate.

"Ayos ka lang?"

Akala ko ako yung tinatanong nya pero nakatingin siya kay Yvonne.

Isa pa to.

Di na makagalaw sa inuupuan nya.

Tinanggal na namin yung safety belt chuchu pero siya nakaupo parin kaya si Aiden na ang gumawa non for her.

"H-hey. Yvonne"

"T-tre-trev"

Pagkatayo sa kanya ni Aiden bigla na lang nya tong niyakap.

I don't know if it's just an act or what.

Nanginginig siya.

"Aiden dalin mo na siya sa gilid. May upuan don oh. Nakakaabala na tayo"

Pagkaupo nya dito sa gilid, tinabihan nya to dahil mahigpit yung hawak sa braso nya.

"Haeli may tubig ka bang dala?"

Parang de javu lang ah.

Aiden was serious base pa lang sa pagtawag nya sa pangalan ko.

"Wala kong dala dito. Nasa bus"

Tumingin ako kay Yvonne.

Sumandal siya sa balikat ni Aiden saka ngumiti sakin.

Yung ngiting maiinis ka talaga dahil parang Antagonist sa palabas.

Hay nako Yvonne.

Kung competition ang tingin mo sa sitwasyong to.

If you only knew. Ikaw na ang panalo for Aiden.

I think its not my time na maging bida sa sarili kong istorya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.2K 65
Chloe Mae Santos Ang suki sa Detention Room. Palagi siyang napupunta sa Detention kasi marami siyang kalokohang ginagawa. Theodore Madrigal Ang SSG...
12.2M 288K 40
[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal ng isang Dota Player? o makaka relate na lang ako sa kantang.. Dot...
157K 9.4K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...