Haunting Aubrey (SEXY BLACK D...

By HippityHoppityAzure

324K 5.9K 388

(š’š„š—š˜ šš‹š€š‚šŠ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" hau... More

Haunting Aubrey
Chapter 1: A Part of The Past
Chapter 2: Chester
Chapter 3: What He Wants
Chapter 4: The Broken Girl
Chapter 5: Violinist
Chapter 6: Ave Maria
Chapter 7: Her Decision
Chapter 8: Sensing Trouble
Chapter 9: Haunting in Japan
Chapter 11: New Side
Chapter 12: Hurt More
Chapter 13: Reckless Night
Chapter 14: Again
Chapter 15: That Dirty Woman
Chapter 16: Shouldn't She?
Chapter 17: Trial
Chapter 18: Feelings, Emotions
Chapter 19: Bloody Mess
Chapter 20: Angel
Chapter 21: Resolution
Chapter 22: Race
Final Chapter: Game Over

Chapter 10: A Favor

9.7K 192 2
By HippityHoppityAzure

Chapter 10: A Favor

SUNDAY.

            Pangalawang araw pa lang ni Aubrey sa Japan at bored na bored siya. Pagkakain ng almusal na pina-room service niya, humilata lang siya sa kama at tumitig sa kisame.

            Wala siyang magawa. Gusto niyang gumala at i-explore ang Japan—kahit ang Tokyo man lang sana—pero ayaw rin naman niya. Mamaya kasi bigla na lang lumitaw ‘yung gago mula sa kung saan. At saka, ayaw niya ring ikutin ang Japan nang hindi kasama si Justin.

            Napasimangot naman si Aubrey nang maisip ang nobyo, at muli siyang nakaramdam ng pagtatampo rito.

            Ang ganda-ganda ng mga plano namin no’n sa pagpunta namin dito. Nilista ko pa ang lahat ng lugar na gusto kong mapuntahan at lahat ng pagkaing gusto kong matikman kasama siya. Tapos ganito?

            Tumagilid na siya ng higa sa kama at tinitigan ang screensaver ng phone niya. Selfie nila iyon ni Justin habang nasa kotse sila at na-stuck sa traffic.

            Napangiti na siya sa pagtitig niya roon. ‘Yung itsura naman kasi ni Justin, naka-wacky. Ang panget lang.

            Panget na guwapo. And she giggled.

            “W-what the?” Nagulat naman siya at muntikan pang mabitawan ang phone niya nang bigla-bigla itong mag-vibrate at mag-ring. At nagkataon pang si Justin ang tumatawag!

            Umupo siya yakap-yakap ang isang unan at sinagot ang tawag.

            “Oh, Justin?”

            “Were you just thinking of me, baby?” Bungad naman nitong tanong.

            I was. Gusto sana niyang isagot agad pero naunahan siya ng pagtataka. “Huh? Bakit mo natanong?”

            “Hmmm... Bigla ko kasing nakagat ang dila ko.”

            Aubrey knew that belief. ‘Yung kapag nasamid ka, bigla-biglang nabahing, o hindi kaya ay iyon, nakagat ang sariling dila, may nakaalala raw sa’yo.

            “So, totoo pala ang kasabihang ‘yon?” Amused at natatawa niyang tanong.

            “Oh... So iniisip mo nga ako kanina?”

            “Ahuh. Just right before you made this call.”

            Natahimik bigla si Justin. But Aubrey knew what he was up to.

            “Oh, ngiting-ngiti ka naman diyan?” She teased him.

            Her man let out a chuckle. “Wala eh. Kinilig kasi ako.”

            Natawa na naman si Aubrey. Kinilig? So gay!

            “Pero...” Her voice turned a little serious. “Kikiligin ka pa kaya ‘pag malaman mo ang dahilan kung bakit iniisip kita?”

            “Why? Ano nga bang dahilan at iniisip mo ako?”

            Humiga ulit si Aubrey nang yakap-yakap pa rin ang unan. “Kasi nagtatampo ulit ako sa ‘yo...” Tunog nagtatampo nga siya. “Gusto ko kasi sanang gumala ngayon pero hindi ko magawa kasi nakakatamad. Kasi wala ka rito. Nakakapanghinayang lang ‘yung mga pinlano kong gawin dito kasama ka.”

            “Aubrey...” Justin sounded sad and guilty.

            Natauhan naman agad si Aubrey. Bakit pa ba niya binabalikan ang mga problemang naayos na nila?

            Tumawa na lang siya para i-ease ang mood nila. “Sorry, Jus. Bored lang ako ngayon dito sa kuwarto ko at nami-miss na kita sobra. I miss you, I miss you, I miss you.”

            Natawa na lang din si Justin. “Aubrey, alam ko na. You stay there, okay?”

            “Huh? Bakit?”

            “Just stay there, baby.”

            Aubrey sensed her man grinning. “Hmm, okay...”

            Nag-hang up na si Justin after an I love you, and she was left wondering.

            Anong meron? Bakit ayaw niya akong paalisin dito?

            But an idea soon came into her mind, exciting her.

            Hindi kaya nandito na si Justin? Dito sa Japan? Maybe kanina nasa airport na siya at ngayon, papunta na siya sa hotel na ‘to?

            Napaupo ulit siya. Ang puso niya, hindi mapakali sa excitement. Knowing that her man would come anytime soon, she decided to fix herself up. Naligo na siya. And right after she stepped out of the bathroom’s door, may kumatok na sa pinto ng kuwarto niya.

            Justin! She gasped in surprise.

            Naka-bathrobe lang siya. At ang buhok niya, nakabalot pa ng tuwalya. Pero sa excitement na makita ang nobyo ay nagtungo na siya sa pinto at ngiting-ngiti na binuksan iyon.

            Damn it. She cursed mentally when she did not find Justin on the other side of the door.

            It was not Justin. Rather, it was the jerk wearing a black suit, with his head cocked to the right while gazing at her getup.

            Inis niyang sinara ang pinto, pero napigilan iyon ni Chester at dumiretso ng pasok sa kuwarto niya.

            “That was rude of you.” Komento nito sabay sara ng pinto at titig sa kanya.

            “Wow. Look who’s talking.” Sarkastiko niya namang sagot. “Now, do you mind if you take your leave? You are already invading too much of my privacy.”

            “I can’t take my leave yet. Hindi mo pa alam ang ipinunta ko rito.” Chester crossed arms and stared straight at her eyes.

            Nakaramdam naman ng takot si Aubrey. She felt so vulnerable, knowing that she wasn’t wearing anything under her bathrobe.

            “Hindi ko pa alam ang ipinunta mo rito? Nagpapatawa ka ba?” Nanggigigil siya sa asar. “Eh ano pa bang bago sa tuwing nagpapakita ka sa akin? Aren’t you always on your haunting Aubrey game whenever you’re around?”

            Chester smirked. Oh that damn smirk. “Ahh, right. My favorite game. Haunting Aubrey.”

            Bigla yata siyang nilamig nang banggitin nito ang pangalan niya sa kakaibang tono.

            “But sad to say,” nagbuntung hininga pa ito kunwari. “I can’t play that game right now ‘cause I’m doing my best friend a favor.”

            His best friend? Natulala na si Aubrey sa pagkagulat at pagkalito. Meaning, si Justin? Pero ano namang favor ‘yon? Bakit—

            “Chester?” Nabigla na lang si Aubrey sa paglapit ng lalaki sa kanya. Hinawakan siya nito sa kanyang baba at malapitang hinarap, allowing her to see his manly facial features--as manly as Justin’s. That rough chin due to shaving, that kissable lips, that ever-luscious eyes.

            Using his thumb, Chester then wiped something off her chin.

            “May toothpaste,” ani ‘to bago lumayo at muling ngumisi.

            Toothpaste?!

            Bara-barang pinunasan ni Aubrey ang sariling baba. Ayaw niyang maniwala na may toothpaste doon kanina. Sigurado siya na pinagtitripan lang siya nito.

            “Magbihis ka na,” ma-otoridad na utos nito bigla at saka tumalikod. “I’ll be waiting for you at the lobby.”

            “P-pero!—”

            Pinagbagsakan na siya nito ng pinto.

            How dare him! Ang galing niyang sabihin na rude ako! Akala mo siya, hindi! That jerk! Ugh!

            Sa gitna ng pagwawala niya mentally, nag-ring ang phone niya. She knew Justin was the one calling so nagmadali siya na kuhanin iyon sa bedside table.

            Pinakalma ni Aubrey ang sarili bago sinagot ang tawag. “Hello, Jus?”

            “How’s my surprise?” Magiliw nitong tanong.

            Surprise? Nagtaka pa si Aubrey kung anong surprise iyon, but she quickly thought that Justin might be talking about Chester and the favor.

            Nagsimula na siyang kabahan. Ganun naman palagi. Every time na mag-uusap sila ng nobyo ng may kinalaman kay Chester, kinakabahan siya at parang nawawalan ng lakas.

            “Ah... You mean, Chester...” Napaupo siya sa kasama.

            “Yes. Pinakiusapan ko kasi siya na i-tour ka diyan. Nagkataon din namang nandiyan siya eh. Well actually, I just found out that he owns that hotel you’re staying in.”

            Pumikit si Aubrey at huminga nang malalim.

            “Justin, nakakahiya naman sa best friend mo... Inistorbo mo pa...”

            “No,” matawa-tawa ito. “Wala naman ‘yung mahalagang ginagawa ngayon. Nagpunta nga lang siya diyan to unwind.”

            More like to play haunting game with me. She wanted to clear but held it back.

            “Aubrey, ayokong masayang ang isang araw mo diyan only because I’m not with you. So please let Chess give you a tour around.”

            Ayoko... Gustong tumanggi ni Aubrey. Pero paano? Paano siya tatanggi nang hindi magmumukhang kaduda-duda?

            “You don’t have to worry about anything dahil kabisado na ni Chess ‘yang Tokyo. Suki na siya ng lugar na ‘yan eh. God. He even got fluent with the language dahil sa pagbabalik-balik niya diyan.”

            “Justin, ikaw ang gusto kong makasama sa pagpasyal dito. Not...” Not that jerk. “Not Chester or anyone else. Just you.” Aubrey was already about to cry.

            “Pero wala nga ako diyan ngayon...” Justin was getting frustrated. “Aubrey, I want the same thing, so badly, pero hindi ko nga magawa. And it frustrates me. It makes me feel bad, but I don’t want you to feel the same. Gusto kong mag-enjoy ka ngayon dahil sa susunod na mga araw, magiging busy ka na sa rehearsals.”

            He’s right. But...

            “That’s why I asked my best friend a favor to give you a tour around. Siya lang kasi ang maaasahan at mapapagkatiwalaan ko pagdating sa’yo. Pero kung ayaw mo,” Justin paused for a couple of seconds to heave out a sigh—a self-disappointment kind of sigh. “okay, I understand. I’m gonna tell Chess that he doesn’t have to wait for you anymore at the lobby. Sorry, baby.”

            Now, Aubrey was the one feeling guilty.Nag-e-effort si Justin para bumawi sa kanya—sa delikadong paraan nga lang. But still, it was for her. How could she turn it down?

            “N-no, Jus. No. I mean, sorry. Ako dapat ang nagso-sorry. I’m being difficult. Sorry. And huwag mo na tawagan si—si Chester.” She tensed just by uttering the jerk’s name. “Sasama na ako sa kanya for the tour. Sayang naman eh. Pambawi mo ‘yon sa akin. Pagtiya-tiyagaan ko na lang muna.”

            Justin chuckled. “Oh baby. Hayaan mo. Ilang araw na lang. We’re going to see each other there—very, very soon.”

            “Inaasahan ko ‘yan,” Aubrey said, smiling.

            “Yes, baby. Maaasahan mo. ‘Cause I love you so damn much.”

            “I love you so damn much too.” Natawa si Aubrey sa sagot niya.

            “So have fun, okay? While I bore myself in front of the computer monitor.”

            Saglit niya pang inalo ang nobyo habang tumatawa, at saka nagbihis para samahan na si Chester.

            A day with that jerk...

            Sana lang matagalan ko.

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 1.1K 22
Raphael Martinez and Celestine Sandoval.
4.5M 58K 44
Handa ka bang harapin ang mga kaparusahan kapag ginawa mo ang bawal? R-18
452K 9.9K 17
"Painted as scheming and selfish ex-wife, Elaine Martinez will do everything to get her second chance with her rich ex-husband." Just when Elaine's h...
10.3K 213 4
DELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1) Famous designer Charlie de Vera promised not to look back to the old life that she had. But when her mento...