My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 38: The Extra Part 1

29K 130 61
By PrinceofBanat

Chapter 38: Don-Don

“September is back,” ani Dave na parang takot na takot kay September.

Sinagot ko siya agad, “Oo. Alam ko. ‘Di ba nga, nakita natin siya sa mall. At wait, ‘tol! May meet-up na ino-organize si Cyrel. Hulaan mo…”

“Sep is coming,” ang dugtong niya.

Sigurado si Dave sa idinugtong niya na sakto sana sa sasabihin ko, kaya napadami ang tanong ko, “Ha? Ano? Coming? Saan? Sa Meet-up? Bakit? Alam mo na?”

“Easy lang ‘tol. Parang ikaw ang may problema, ah?!”

“Eh, ano nga kasi…” Napahawak ako sa batok ko.

“Iyon na nga ‘tol, eh. Sep is back—really back. Not just in the country—but, ugh.” Natigilan siya. Halatang nahihirapan siyang ituloy ang gusto niyang sabihin. “She’s back in my life.” Iyon na—nasabi niya na, at ikinagulat ko iyon. Back in his life? Ibig sabihin—hindi ko mabuo ang bagay sa isip ko. Pati ako, nahihirapang mag-isip, kaya hindi ako nakasagot agad kay Dave; ngunit kahit ganoon ay nagpatuloy pa rin ang pag-uusap namin.

Ikinuwento niya nang buo sa akin ang pagbabalik ni September sa buhay niya. Hindi daw siya makapaniwala sa mga nangyayari—kaya paano pa ako?! Bukod kay Sep, nabanggit niya rin si Maggie. Naguguluhan ngayon ang kaibigan ko dahil dalawa ang mahal niya.

Hindi ko mahuhusgahan si Dave. Hindi niya hawak ang mga pangyayari. Saksi ako sa pagmamahalan nila ni Sep noon. Saksi rin ako sa pagmamahalan nila ni Maggie ngayon. Sa totoo lang, ako mismo ay naguguluhan rin sa sitwasyon niya, kaya pinilit ko ang sarili kong magbigay tuon sa problema niya para kahit paano’y makatulong ako. Nagbigay ako sa kanya ng payo, paliwanag, pati na rin biro, kahit may sarili din akong problema.

Natapos ang usapan namin tungkol sa meet-up. Pupunta si Dave kasama si Sep. Napasubo na daw siya, eh. Ang problema, paano kapag nalaman na ni Maggie ang lahat tungkol kay Sep at Dave. Masasaktan siya. Masasaktan din ako kapag nagkataon. Actually, nasasaktan na nga ako, eh—matagal na.

Bakit ba concern ako kay Maggie? Hindi naman kami. Fuck! Ang hirap mag-deny. Gusto ko si Maggie, pero hindi pwede. Gusto ko siya kasi bungisngis siyang tumawa—nakakadala. Gusto ko siya kasi maganda ang boses niya—nakakatunaw. Gusto ko siya kasi matalino siya—nakakabilib. Gusto ko siya kasi masarap ang brownies at spaghetti niya—nakaka-addict. Gusto ko siya kasi maganda ng ngiti at mata niya—nakakabaliw. Gusto ko siya…pero kay Dave na siya. Tang ina lang. Hindi pwede ‘to.

Ako ang unang nakakilala kay Maggie bago pa si Dave. Siya kaagad ang una kong napansin noong pasukan, kasi siya ang bagong salta, at siya lang ang kakaiba ang mukha—exotic kumbaga.  Simula noon, lumalala na araw-araw ang pagkuha niya ng atensyon ko dahil sa kilos niya, sa tawa niya, sa ngiti niya, sa boses niya, at sa lahat-lahat na. Pero simula nang magkaroon ng something sa kanila ni Dave, hanggang pang-aalaska na lang ang ginagawa ko, magkapansinan lang kami. Halatang-halata naman kasing si Dave ang gusto ni Maggie. Nakakainis.

Nakaka-guilty. Hindi ko ‘to dapat nararamdaman. Ayokong magkasira kami ng kaibigan ko—ng taong itinuturing kong kapatid, kaya araw-araw ko ring pinipigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Kapag nagkataon kasi, ako pa rin ang talo sa huli.

Napansin ko sa sarili ko na nitong mga huling araw, sa kabila ng pagsasabi ko sa sarili kong ibaon na sa limot ang nararamdaman ko para sa kanya, lalo naman itong lumalala. Napansin ko na lang sa sarili ko na inaagahan ko ang pagpunta sa Café Love para madatnan agad si Maggie. Napansin ko rin sa sarili ko na hindi ko mapigilan ang lingunin siya lagi. Nakakainis. Kaya nga naisipan ko na lang mag-absent ngayong araw, dahil sa araw-araw na nakikita ko silang magkasama ni Dave, dalawa lang ang nararamdaman ko: selos at awa sa sarili.

Selos: Nagseselos ako sa tuwing tatawa at kikiligin siya sa mga jokes at banat ni Dave. Sus! Ang korni-korni ni Dave pero kung makahagikgik siya… ang babaw! Nagseselos ako sa tuwing maghaharutan sila. PBB Teens? Laos na ‘yun! Ang haharot! Nagseselos ako sa tuwing makikita kong suot nila ang couple shirt nila. Ang panget naman! Nagseselos ako sa tuwing magpi-picture-an kami na sila ni Dave ang magkatabi. Group picture pero kailangan sila lagi ang magkatabi? Group pa ba ‘yun?! Nagseselos ako sa mga simpleng besohan nila. So gay! Nagseselos ako sa hawakan nila. Ugh, ang OA! Nagseselos ako sa tawagan nila. Ubeko?! Yuck! Ampanget. Ambaduy! Unique?! Sus! Hindi naman—basta!

Awa sa sarili: Naaawa ako sa sarili ko kasi araw-araw akong nagseselos, at araw-araw ring pumapasok sa isip ko na hindi pwede ang nararamdaman ko.

Bukas, sa Café Love, ganun na naman ang mangyayari. Hindi. Mali. Bukas, may magbabago na. Magpapa-late na ako lagi para hindi masarili si Maggie. Hindi ko na rin siya aasarin. Um, minsanan na lang kasi ang cute niya talagang tumawa, eh. Hindi, Don. Hindi na. Tumigil ka na. Hindi na rin ako makikitabi sa kanila kapag magpi-picture-an kami—kina Chloe at Dan na lang ako tatabi.

Naalala ko na naman ang problema ni Dave. Torn between two lovers ang kupal! Haay! Kung pwede lang sabihin kay Dave na: ‘Tol, kay Sep ka na lang. Obey your parents. Tsaka, siya ang dream girl mo, ‘di ba? Siya ang first love mo, ‘di ba?! Siya na lang! Siya na lang! Si Maggie, akin na lang!

***

“Kahapon, ikaw ang late. Ngayon naman, si Maggie,” ani Dave sa akin. Bad mood siya ngayon, sa nakikita ko. Siguro hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa sitwasyon niya ngayon.

“Chlow, na-text mo ba si Maggie. Kanina ko pa tine-text kung nasaan na, at kagabi ko pa tine-text, hindi pa rin nagre-reply. Tinawagan ko kagabi, hindi naman sumagot.” Alalang-alala si Dave batay sa tono ng pagsasalita niya.

“Wait, um, I’m gonna call her,” ang tugon ni Chloe. Tumawag siya kay Maggie pero ni-reject niya ang tawag. “What the—? She declined my call.” Takang-taka at pissed off si Chloe sa ginawang pag-reject ni Maggie sa tawag niya. Matapos ang isang minuto ay nakatanggap ng text si Chloe. “Oh, Maggie’s just texted me.” Binasa niya nang malakas sa amin ang text ni Maggie. “Sorry, Chloe. Hindi ako makakalabas. Grounded ako. Alam na ni mama ang tungkol sa suspension.” Nagulat kaming lahat nang malamang alam na ng mama ni Maggie ang tungkol sa suspension namin. Itinuloy ni Chloe ang pagbasa sa text, “Hindi rin ako pwedeng makipag-usap kahit kanino, sorry. Nandito pa kasi sa bahay si mama. Sorry talaga. Sad face.” Tumingin siya kay Dave at sinabing, “OH-MY-GOD… Dave—”.

“Galing! Ang galing! Sa text mo, may reply siya, pero sa akin—wala,” dismayadong tugon ni Dave.

Grabe naman siya. Inuna niya pa talagang bigyan ng reaksyon ang pag-reply ni Maggie kay Chloe kaysa sa pagkakaalam ng mama ni Maggie tungkol sa suspension.

“Uh, Dave. Don’t you get it? She declined my call, so she might as well… explain me why she did that. And based on her message, her reply was just, you know… stolen chance? Or something?” ang paliwanag niya kay Dave.

Hindi naging maganda ang Huwebes namin. Nalaman kasi naming grounded si Maggie. Pissed off pa si Dave dahil sa pang-iisnob ni Maggie sa kanya. At siyempre, naramdaman talaga namin ang absence ni Maggie. Walang maingay. Walang feeling teacher. Wala akong matignan.

Pinag-usapan namin ang tungkol kay Sep. Gaya ng reaksyon ko nang ikwento sa akin iyon ni Dave, gulat na gulat rin sina Daniel at Chloe.

“So that’s why you gave her stuff toy?” tanong ni Chloe.

Nagulat ako sa tanong ni Chloe. Stuff toy para kay September? What?

 “It wasn’t for Sep, actually. It was for Maggie,” ani Dave.

Kung nabigla ako kay Chloe, mas nabigla ako sa sagot ni Dave. Shit, ‘tol! Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon, pero shit talaga! Unfair ‘yun kay Maggie. At para pa talaga kay Maggie ang stuff toy na ibinigay mo kay September? Wow! Talagang… UGH!

“Alam ba ni Maggie na binilhan mo siya ng stuff toy?” tanong ni Dan.

“Bull! Ugh!” Napahawak si Dave sa noo niya sa sobrang inis. “Magtataka si Maggie kung paano nawala ang stuff toy. Actually, pina-trade lang namin ‘yun from Time Zone. Anong sasabihin ko? Alangang sabihin kong binigay ko ‘yun kay Sep! Argh!” Napahampas siya sa lamesa. Tumingin siya sa akin at sinabing, “Don! ‘Yung mga tickets mo?! Dala mo ba?!” Balisang-balisa siya.

Nakita ni Dave sa bag ko nang minsan ang lahat ng nakolekta kong tickets from Time Zone. Ito siguro ang dahilan kung bakit siya nagtatanong. Ang problema, wala akong dala kahit isa ngayon. “Sorry, ‘tol, pero nasa bahay, eh.”

Tumayo agad si Dave at sinabing, “Tara na! Kuhanin na natin! ‘Tol, kailangan ko ng kaparehong stuff toy para kay Maggie.”

Napatingin ako kina Chloe at Dan na parang naghihintay ng reaksyon nila. Actually, gusto kong pigilan nila ako, pero tumango sa akin si Dan, habang si Chloe naman ay nagsabing, “Go! Sige na.”

Dahan-dahan akong tumayo na parang mabigat ang itlog. Ayoko sanang pagbigyan si Dave pero napilitan pa rin ako. Sumama siya sa akin sa bahay para kuhanin ang mga tickets ko. Pagkatapos ay dumeretso kami sa Time Zone at pasalamat siya dahil may available pang same stuff toy.

“Thank God!” Humawak sa kaliwang balikat ko si Dave at sinabing, “Thank you talaga, ‘tol!” Tumango lang ako.

Bumalik kami ng Café Love. Napag-usapan namin ang tungkol sa meet-up. Sumang-ayon naman sina Dan at Chloe na sumama. Napagpasyahan rin naming huwag nang ipaalam kay Maggie ang tungkol sa meet-up. Dapat lang—kasi kasama namin si Sep. 

***

Kinabukasan, last day namin sa Café Love, dahil sa Monday ay pwede na kaming pumasok, maliban kina Chloe at Maggie.

“I called Maggie last night, at tama ako—patakas lang siya sa paggamit ng phone. Mmm… Hindi naman sobrang strict ang mama niya, actually. Um, ayun, we talked in haste. Ang then, um, she’s making herself busy with her studies. Eh, kasi, guys, malapit na ang Periodic Exams, ‘no?! So dapat tayo rin—we should study na. Last na natin ang meet-up bukas, okay?! After all, malapit na rin naman ang Christmas vacation. I’m so excited! And by the way, Dave… um, Maggie’s bag, ako na lang ang magdadala. Wait! Aren’t you planning to pay her a visit, huh?!”

Ang daldal ni Chloe. Siya lang ang kanina pang putak nang putak. Si Dan, busy sa PSP niya. Ako, busy sa phone ko. Si Dave… nakatulala. Pero pilit pa rin siyang dinadaldal ni Chloe.

“Dave!” sigaw ni Chloe.

“Oh?” Nagulat siya sa lakas ng boses ni Chloe.

“Hindi mo ba pupuntahan si Maggie?”

“Tss… Ni hindi nga ako nire-reply-an, eh.”

“I’ve already said that she’s busy. So, where’s her bag and stuff toy?”

“Bukas, idadaan ko sa’yo—at pakisabi sa kanya…” Napahinto si Dave at hindi na itinuloy ang gusto niya sanang sabihin. “Wala, bahala siya! Teka, may dalaw ba siya?” Ang tanong ni Dave.

Napaisip rin ako. Pwede. Pwedeng iyon ang dahilan: regla. Ganun naman kasi karamihan ng babae—mahirap na ngang intindihin, mahirap pang ispelengin lalo na kapag may dalaw.

“Dave?” dismayadong tugon ni Chloe.

“Eh, ba’t hindi niya ako sinasagot? Wala naman kaming pinag-awayan! The last time I called her, she sounded… Ano—ah, basta!”

“Don’t worry, I’ll mention her prince is so annoyed because of her royal absence,” pang-aasar ni Chloe.

Napatingin ako sa reaksyon ni Dave. Pikon na pikon na ang mukha niya dahil pakiramdam niya, binabalewala siya ngayon ni Maggie.

“Psshhh!!! Royal absence ka diyan! Sabihin niya lang kung ayaw niya na sa akin!”

Whoa! Tapos ano, ‘tol? Kay September ka na lang? Ganun lang kadali? Sabihin lang ni Maggie na ayaw niya na, aayaw ka na rin kasi may September ka pang reserba? Mag-away na lang kaya tayo para pwede ko nang saluhin si Maggie kung sakali mang iwan mo?!

“Dave, she has a reasons. Y’know?! She’s grounded, so calm your ass down!” ani Chloe.

“Pero bakit ikaw, nakakakuha siya ng chance para mag-reply sa’yo? Bakit sa’kin, hindi? Can you ask her if she has mistaken you as me—her boyfriend?!”

“Whoa, Dave! Wait! Um, don’t include me with this. I already said I’ll talk to her tomorrow, okay?! Well, by the way, you’ve already blurted it out. You… are her boyfriend, so you should be the one talking to her, right?”

“Whoa, Chloe! Paulit-ulit? Ayaw niya nga, eh.”

Napatingin ako kay Dan. Pareho kami ng reaksyon. Nakakainis pakinggan sina Chloe at Dave. Ang ingay nilang magtalo. Mahirap naman sumingit at siigawan sila ng: HOY TUMAHIMIK KAYO! — Mainiitin kasi ang ulo ni Dave, pikon naman si Chloe. Kupal lang ako, pero pagdating sa dalawang ‘yan, napapahiya lang ako.

“Oo na nga, Dave! Kaya nga po sasabihin ko na po sa kanya bukas ang lahat ng reklamo mo sa kanya. Ang sinasabi ko lang naman sa’yo, intidihin mo muna siya kasi nga grounded siya at busy siya sa pag-aaral.”

“Oo na nga, Chloe! Ang akin lang naman, sana gumawa siya kahit konting paraan man lang para magparamdam sa akin. Para siyang pagbaba ng presyo ng kuryente.”

Nagkatinginan kami ni Dan—pagkatapos, sabay kaming napatingin sa reaksyon ni Chloe. Maging siya ay nagtataka sa huling sinabi ni Dave. Kasunod ay napatuon ang atensyon naming tatlo kay Dave.

Napaimik ako ng, “Pagbaba ng ano? Presyo ng kuryente?”

Sabay-sabay kaming tatlong napatanong ng, “BAKIT?”

“Hindi ko man lang maramdaman.”

“Ikaw na talaga ang King of Banat!” ang komento ni Dan.

Natawa ako sa komento ni Dan. Dahil tuloy doon ay bumaba ang tensyon sa paligid naming apat. Umasta akong makata para magbiro. “Oh, Maria! Maria! / Ikaw ra’y katulad ng pagbaba / Ng presyo ng kuryente, Maria / Hindi ka man lang maramdaman, Maria / Maria, magparamdam ka na / Ang mahal na hari ay nangungulila na!”

“Gago!” ani Dave sa akin sabay bato ng tissue.

“Gago ka rin!” ang sagot ko with flying tissue rin.

***

6:00 pm magsisimula ang Tumblr Meet Up sa Nox Resto-Bar na pagmamay-ari ni Cyrel, pinsan ni Dave. 5:30 pm ako umalis ng bahay. Doon na kami magkikita-kitang magkakaibigan. Dadaanan pa daw kasi ni Dave si September. Habang sina Dan at Chloe naman ay sabay na pupunta. Mabuti na lang, may kasabay pa rin akong pupunta: ang doodler friend ko sa Tumblr na si Ereen.

Maraming minors ang pupunta kaya alcohol-free ngayong gabi. Sus! Sabi lang ‘yun, pero hindi pwedeng walang alcohol.

Dinaanan ko si Ereen sa bahay nila at sabay kaming nagtungo sa Nox.  Nadatnan namin sina Chloe at Dan na nakaupo sa isang table. Lumapit kami at ipinakilala ko sa isa’t-isa sina Ereen, Chloe, at Dan kasunod ng mga Tumblr URL’s nila. “Guys, si Ereen, secretsofabully! Ereen, si Dan, iamdanny. And this is Chloe, chloetuazon.”

Nag-wave lang ng “hi” si Ereen sa kanila. Mahiyain kasi siya.

“So, Ereen, are you taken?” tanong ni Chloe.

Nagulat kaming dalawa ni Ereen sa tanong niya. Tanging, “Huh?!” lang ang naging reaksyon ni Ereen.

“I mean, do you have a boyfriend?”

“Chloe…” sabi ko.

Humindi si Ereen.

“Hmmm. I apologize. I don’t mean to intimidate you, Ereen. Um, sit down.”

Hindi ko alam kung bakit niya naitanong ‘yun kay Ereen. Malamang, iniisyuhan ako ng madaldal na babaeng ‘to kay Ereen.

Hindi napigilan si Chloe sa pakikipag-usap kay Ereen. Na-mention ni Chloe na pina-follow niya daw si Ereen sa Tumblr at fan siya ng mga doodles niya.

Ilang saglit lang ay magkakasabay na dumating sina Dave, September, at Cyrel. Marami ang nagulat nang dumating ang Davember ng Tumblr. Unang lumapit sa kanila si shoutyourwhisper: ang masugid na tagasubaybay ng love team nina Dave at Sep. Hindi namin alam kung saan niya nakukuha ang sources niya ng mga issue sa Tumblr, pero lagi siyang nauuna. Siya, sa pagkakaalam ko, ang unang nakaalam ng relasyong Dave at September, pati na rin ang break-up nila.

Tumayo ako at lumapit kina Dave para salubungin. Kasunod lang ako ni Carl (shoutyourwhisper).

Nagbeso sina September at Carl, habang nag-handshake sila ni Dave. Ipinatong ni Dave ang kamay niya sa ulo si Carl at sinabing, “Ang liit mo pala?!”

Napakaprangka talaga ng kaibigan kong ‘to. Gusto niya sigurong maisyuhan uli ni Carl. Ngumiti na lang si Carl kay Dave, pero halatang nainsulto siya sa biro ng kaibigan ko. Pagkatapos ay nagsilapitan pa ang iba. Tumblr famous kasi ang dalawa, lalo na si September. Ang daming nagpa-picture sa kanila, kaya naman unti-unting lumayo ang distansya ko kina Dave at Sep. Habang nagkukuhanan sila ng picture ay nagtatanong ang iba ng, “Kayo na ba uli?”

Wow, ha! Parang artista ang dating ng Davemeber na napapaligiran ng press. Huminto lang ang kaguluhan dahil kay Cyrel, ang organizer at may-ari nitong Nox. “Friends, tama na muna. Magsa-start na ang program, okay?!”

Napalapit na ako sa likod ni Dave at sinabing, “Tol, doon tayo.” Pumunta na kami sa table kung saan naroon sina Chloe at Dan.

Nagsimula na ang program sa maikling welcome address ni Cyrel. Nagkaroon ng games, raffles, at getting-to-know-each-other gimmick. Pagkatapos ay naganap na ang mga usual na pangyayari sa kahit na anong meet-up: picture-taking; tanong-tanong ng URL ng bawat isa; kainan; inuman; at daldalan. Pagkatapos ang ilang oras ay may isang babaeng dumating na dahilan ng biglaang pag-iba ng ambience. Naapektuhan hindi lang ako, kundi pati na rin sina Dave at September.

Ang babaeng dumating ay maputi, sexy, at maikli at kulay brown ang buhok. Mahaba at itim ang buhok niya noon. Siya si nangmaiba (URL ni Adi), ang ex-girlfriend ni Dave na noo’y crush ko rin. We were friends before—close friends. Kami lagi ang magkausap via TA, pero nang mag-break sina Dave at September, isang gabi, nagulat na lang ako na sweet na sa dashboard sina Dave at Adi, and eventually, naging sila. Hindi nga lang nagtagal ang relasyon nila. At first, I was so mad with Dave, pero na-realize ko na wala siyang kasalanan kasi never ko namang nabanggit sa kanya si Adi, so technically, hindi siya nang-agaw.

Pinagmasdan ko sina Dave at September, nang una ay pinuputakte sila ng ilang tumblrista tungkol sa kanila. Tanging pagngiti lang ang reaksyon ni September, habang denial naman si Dave. Ang hindi alam ng marami, kaya hindi makaimik si Sep, kahit ipinapa-engage na sila ng mga magulang nila, ay dahil nauna nang nag-deny ang lalake. At kaya naman nagde-deny si Dave ay dahil may girlfriend siya ngayon, at mahirap na kapag kumalat ang tungkol sa kanila ni September—maaaring malaman ni Maggie. Ang gulo ng sitwasyon ni Dave. Paano kapag may nag-mention bigla ng tungkol kay Maggie? Patay! Sana walang tumblrista dito ang nakakaalam tungkol kina Maggie at Dave, kundi lagot na.

Lalo pang gumulo ang sitwasyon dahil sa pagdating ni Adi. Ang awkward—sobra. Nagkakatinginan sina Dave at Adi; Sep at Adi; at kami ni Adi. Hindi ko na kaya ang ambience, at dahil alam kong ganun rin ang nararamdaman ni Dave, at nahahalata na rin nina Chloe at Dan, nagyaya na akong umalis. Agad naman silang pumayag. Nang una ay pinigilan pa kami n Cyrel, pero hindi na kami nagpapigil. Nagpaiwan si Ereen dahil may nakita siyang mga kaibigan at nagsabing sa kanila na lang sasama. Nagpaiwan rin si September dahil kay Cyrel at ilan pang tumblr friends.

Sa Café Love ang destinasyon namin. Tahimik kaming nag-travel at nang makarating kami doon ay nakaramdam kami ng wagas na kapayapaan. Agad kaming nagkwentuhan ng mga nangyari sa meet-up, pagkatapos ay nabuksan na naman ang topic tungkol kina Dave, Sep, at Maggie.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
50.6K 2K 70
si SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang...
45.7K 612 46
Meet Angelo, isang photographer na nagta-trabaho para sa isang Magazine Company. One day, during sa isang event sa La Mesa Eco Park. Nakita niya ang...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.