VIGILANTES BOOK 1: Archer (Th...

Autorstwa margarette_ace

16.3K 751 89

Archer Dominguez is the type of man who plans everything before taking action. Bilang leader ng grupong VIGIL... Więcej

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Epilogue

1.8K 101 30
Autorstwa margarette_ace

“HI, buddy! Long time no see,” bati ni Archer sa picture ng kaibigang si Billy na sa itaas ng musuleo nito. It’s been months since the last time he went there to visit his friend.

Nilagyan niya ng isang baso na may lamang alak ang tapat ng framed picture ni Billy. Kumuha rin siya ng sa kanya at ipingki niya ang baso.

“Cheers!” sabi ni Archer. Inisang lagok niya ang laman ng baso at naramdaman niya ang pagguhit ng init sa lalamunan niya.

Nilagyan ulit niya ng laman ang baso niya. Ilang sandaling umiral ang katahimikan at nanatili lang siyang nakatingin sa nakangiting mukha ni Billy.

“Gaano na nga ba katagal noong huli tayong uminom ng magkasama?” Natawa si Archer. “I just want you to know that I love your sister, Billy. And I am so lucky that she loves me too.” He can imagine Billy smirking with what he said and it makes him shake his head smiling. “Sinubukan kong lumayo sa kanya pero hindi ko kaya. She’s been my everything, Bill and I know that you know it.” Napahigpit ang hawak niya sa baso. “I know that I am not good for her but she wants me and that’s what matters to me.”
Inisang lagok ulit niya ang laman ng baso. “I promise that I will take good care of her, protect her, cherish her and love her for the rest of my life at wala ka ng magagawa doon.” Napangiti siya na kaagad na nabura nang maalala ang kaibigan. Naramdaman niya ang tila bara sa lalamunan niya. Ilang beses siyang lumunok para pigilan ang emosyon.
“I miss you, buddy.”

He was his best friend and brother rolled into one. And he missed him so much.

Napatayo siya nang tuwid nang maramdaman ang presensiya sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon and he held his breath when he saw Fei. Dumaan ang pagkagulat sa mata nito habang nakatingin sa kanya pero kaagad din iyong napalitan ng ngiti. Parang may lumukso sa puso ni Archer dahil sa ngiting iyon. Gusto niyang matawa sa sarili nang marealize na para siyang teenager.

“Hindi ko akalain na pupunta ka rito, Archer.” Inilagay nito ang dalang bulaklak sa tapat ng puntod ni Billy bago ipikit ang mga mata. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Matapos umusal ng taimtim na panalingin ay muli itong nagmulat ng mata. Lumingon ito sa kanya at nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito nang makita ang baso sa kamay niya.

“So, if I remember it correctly, you are not allowed to drink alcohol, Mister.”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Gustong-gusto niya kapag nagiging protective sa kanya si Fei.
Nagkibit-balikat siya. “I just had the urge to talk to your brother.”

Lumambot ang hitsura nito. Parang may mainit na bagay na humaplos sa puso niya nang muli itong ngumiti. “Nang hindi sinasabi sa akin?” Hindi na niya ito napigilan nang kunin nito ang baso sa tapat ng picture ni Billy at inumin iyon. Pinigilan niya ang matawa nang hindi nito maubos ang alak na kaunti lang ang nabawas.

Kinuha niya dito ang baso. Lukot ang mukha nito. “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto ninyong uminom ng alak kahit ang pangit ng lasa.”

Ipinatong niya ang mga baso sa itaas ng musoleo ni Billy at hinapit palapit si Fei. Pinagsalikop niya ang mga daliri nila.

“Ano naman ang sinabi mo kay Kuya at hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka ngayon dito?” tanong nito.

“I just promised Billy that I will take good care of you, protect you, cherish you and love you for the rest of my life.” Nilingon siya ni Fei at parang malulunod siya sa emosyong nasa mata nito.

“Archer-“

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pinatawad mo ako. May mga pagkakataon pa rin na naiisip ko na sana ako na lang ang namatay at hindi siya.” Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.

Hinawakan ni Fei ang mukha niya at sinalubong ang tingin niya. “Archer. Hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Kuya. Hindi siya magiging masaya kapag patuloy mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari sa kanya. Masakit ang mawala si Kuya pero alam kong nasa itaas lang siya at binabantayan ako at alam kong mahal ka niya na parang isang tunay na kapatid, Archer.”

Sinapo niya ang batok ni Fei at hinalikan ito sa mga labi. Ipinaramdam niya sa halik niya kung gaano siya kasaya na mahal siya nito at tanggap siya nito. Hindi niya alam kung gaano na katagal magkadikit ang mga labi nila ni Fei. Naghiwalay lang sila para sumagap ng hangin. Idinikit niya ang noo sa noo ni Fei.

“Have I told you that I love you?”

Tumango si Fei at kinagat ang ibabang labi. “Everytime. And I want you to know that I love you too, Archer.”

“Mayroon akong aaminin sa iyo.” Nagtatanong ang mga matang nilingon siya ni Fei. “Noong ipinakita ni Billy sa akin ang picture mo, nagkaroon na ako ng crush sa iyo.”

Nanlaki ang mata ni Fei at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng tainga. Damn!

“Picture iyon na kasama mo si Billy at ang lola mo at nakangiti ka sa camera. I was captivated by your smile. It’s serene and innocent. Hindi ko alam kung napansin ni Billy na matagal kong tinitigan ang picture mo.” Natawa siya. “Then one time noong nalasing si Billy, kinuha ko ang wallet niya at pinicture-an ang picture mo and have it duplicated.” Kinuha niya ang wallet at ipinakita ang picture na binabanggit niya kay Fei.

Nanlaki ang mata nito at napaawang ang mga labi habang nakatingin sa picture niya.

“I’m sorry if it sounded creepy.” Sana ay hindi niya ito natakot sa mga sinabi niya. Pinagsisihan tuloy niya na sinabi niya ang mga iyon kay Fei.

“Archer-“

Nagulat siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Naramdaman niya ang pagyugyog nang mga balikat nito. “God!”

“Hey, what’s wrong, Fei?”

“I just love you.”

Gumanti siya nang yakap dito. He felt complete having Fei inside his arms. Gagawin niya ang lahat para lang sumaya ito. When she told him that she found her home in him, he felt the same way.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. There were tears on her eyes. “I love you, Archer. And I will never stop loving you.”

Hinalikan niya ito sa noo. “Same here, Fei. Hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako.”

“By the way, Archer. May gusto sana akong itanong sa iyo.”

“Ano 'yon?”

“Well, nabanggit mo dati na nagkaroon ka ng bagong identity. I’m just curious kung ano ang totoo mong pangalan?” Natigilan siya. Naramdaman siguro ni Fei ang pag-aalinlangan niya. “Kung ayaw mong sagutin okay lang sa akin.”

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. “Joel.” Hindi alam ni Archer pero parang hindi pamilyar sa pandinig niya ang totoong pangalan. Kailan ba ang huling beses na sinabi niya ang pangalan na iyon? Taon na siguro ang lumipas. Dahil kasabay nang paglimot niya sa dating buhay ay ang paglimot niya sa pangalan niya.

“Joel? I like it.”

Parang may sumipa sa dibdib ni Archer. Posible bang maging ganito kasaya ang isang tulad niya?
Nagtagal pa sila ng halos isang oras sa puntod ni Billy bago nagpasyang umuwi dahil nag-uumpisa ng dumilim ang paligid.

“I love you, Kuya,” ani Fei at niyakap ang picture ng kapatid nito. Nagpaalam din si Fei sa mga magulang at sa lola nito. He will never let her feel alone.

Magkahawak-kamay na naglakad sila pabalik sa sasakyan nila.

Thank you.

Natigilan si Archer sa paglalakad nang may parang bumulong sa kanya. Marahas siyang lumingon sa pinanggalingan. It was creepy because he swear he saw Billy smiling at them. Napahigpit ang hawak niya kay Fei.

“Hey. What’s wrong?” Niyuko niya si Fei. Nang muli siyang lumingon ay wala na ang imahe ni Billy.

Napailing na lang siya at hindi mapigilang mapangiti.

Umiling siya at ngumiti. “Nothing.”
Isa sa mga araw na ito ay ikukuwento niya kay Fei ang tungkol sa lahat ng pinagdaanan niya noong bata pa siya. He knew that he can trust her and she will not judge him.

Finally they both found their home in each others arms.

-Wakas-
💖💖💖💖💖💖💖💖

M.A.: so heto na po ang last part ng story ng leader ng Vigilantes na si Archer. Maraming salamat sa mga sumubaybay sa story nina Archer at Fei.

Ano ang masasabi ninyo? 😁😁😁 comment nyo lang guys. 😁😁 salamat ulit... 😘😘😘

Next: Vigilantes Book 2: Zai (The Sniper)

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
66.1K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
97.3K 4.8K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...