The Half Blood Prince [COMPLE...

Bởi HappyJuanie

1.2K 78 32

Date Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palagin... Xem Thêm

•~•
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven

Chapter Six

48 4 0
Bởi HappyJuanie

LAYCA's POV

"Grabe 'no?" tanong ni Jake sa'kin. Narito kami ngayon sa tapat ng tindahan ni Aling Andang.

Simula nang mamatay ang nanay ni Mauricius ay hindi ko na siya nakita pa. Pumunta ako sa bahay nila ngunit wala akong natagpuang Mauricius. Gusto ko na siyang makita ulit.

"Akalain mong palagi tayong hinahanap ni Maui para lang makita noon pero ngayon, nasaan siya?" humigop ito sa iniinom nitong softdrinks.

Napangalumbaba na lang ako dahil sa sinabi niya. May point siya. Kumagat ako sa kinakain kong tinapay saka ako tumingin sa bahay nila Mauricius sa 'di kalayuan kung saan walang ilaw at nakasara ang buong bahay.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit heto ako at hinihintay ang pagbabalik ni Mauricius. Gusto ko siyang makita at mayakap, pagkatapos ay masabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

Na hindi isang kaibigan ang turing ko sa kaniya dahil mahal ko na siya. Matagal na panahon na rin ang nakalipas na kasama ko siya at nang mawala siya ay doon ko lang na-realize na mahal ko na pala talaga siya.

Napabuntong-hininga ako at saka ako humigop sa iniinom kong softdrinks.

Nagsara na ang factory dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, isang buwan na rin ang nakakalipas nang mangyari 'yun at ngayon, kapwa kami naghahanap ni Jake ng trabaho. May mga nahahanap kami ngunit hindi kami natatanggap, may tumatanggap nga sa'kin... puro bar naman.

Binuksan ko ang cellphone ko at naghanap ng trabahong pwedeng mapasukan sa facebook group namin. Kapwa kami kasali ni Jake sa group na 'to at dito rin namin nahanap noon ang trabaho bilang factory worker sa Toy Factory Incorporated na ngayon ay nagsara na dahil daw sa pagkalugi ng kompaniya. Nakakapanghinayang.

"Oh!" agad kong ipinakita kay Jake ang post na nakita ko sa facebook.

"Makakapasok ba tayo diyan? Eh malaking kompaniya 'yan" takang tanong ni Jake sa'kin.

Tinulak ko ito palayo sa'kin, "Eh ano naman ngayon? Pwede naman akong maging secretary, ah"

"Tapos ako? Janitor?" tanong niya sa'kin, "Matatanggap ko pa ang magtrabaho bilang dishwasher sa isang fast food" sabi niya.

"Kung ayaw mo, edi 'wag" sagot ko sa kaniya saka ko siya nginusuan.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon at talagang naligo ng matagal habang naliligo para maging maayos at mabango ako sa harap ng magi-interview sa'kin.

Matapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa salas para tingnan ang sarili ko sa malaking salamin na nasa gilid ng TV.

"S'an ka pupunta?" tanong ni Mama sa'kin habang naglalagay ako ng lipstick sa labi ko.

"Maga-apply ako bilang secretary, Ma" sagot ko sa kaniya saka ko siya nilingon.

"Kumain ka muna kaya"

Inilagay ko ang lipstick ko sa handbag na nakasabit sa kanang balikat ko saka ako naglakad papunta sa lagayan ng sapatos at kinuha ang 6-inches red stilleto ko na ipapares ko sa suot kong red dress. Pulang-pula rin ang lipstick na inilagay ko sa labi ko.

"Secretary ba talaga ang a-apply-an mo o ano?" takang tanong ni Mama sa'kin saka ito tumayo at nagtungo sa kusina. Makalipas ang ilang segundo ay nakarinig na ako ng mga hinuhugasang plato.

"Oo naman, Ma" sagot ko saka ako naglakad patungo sa pintuan, "Ma, alis na ho ako"

"Sige" sagot niya.

Nang makalabas ako ng gate ay natigilan ako nang may humintong kulay itim na sasakyan sa tapat ko. Bumaba ang hood ng sasakyan at nakita ang pagmumukha ni Daniel.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya sa'kin.

"I'm here to fetch you. 'Di ba may usapan tayo? Don't tell me, nakalimutan mo na?" tanong niya sa'kin pero inirapan ko lang siya saka ako nagsimulang maglakad.

Wala akong paki-alam kung mapagkamalan nila akong si Lily Cruz o si Daniella Mondragon ng Kadenang Ginto. Ano naman ngayon kung naka-pula ako? Maganda nga 'yun, eh. Atleast matatanggap ako sa trabaho.

Ano kayang hitsura ng magiging boss ko?

Wala kasi akong alam sa kompaniya na 'yun. Nakikita ko 'yun sa TV pero ang mukha ng may-ari ay hindi ko pa nakikita. Tinry kong i-search sa Google pero wala akong nakita.

Pumara ako ng jeep at sumakay. Hindi ko ininda ang mga nagtatakang tingin nila. Wala akong pakialam sa kaniya.

"Mama, si Daniella Mondrago" sabi ng isang batang babae na nakakandong sa isang babae na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Shh!" agad nitong sinaway ang bata at tinakpan ang bibig nito para patigilin ito. Nag-iwas ito ng tingin sa'kin.

Tumingin na lang ako sa labas ng jeep na sinasakyan ko at hindi rin nagtagal ay huminto ang jeep sa harap ng isang napakalaki at napakagandang building. Nakita ko ang pangalan ng kompaniya na nakalagay sa labas ng building at gawa sa kung ano'ng materyales na hindi ko alam.

Tierro Corporation

Pumasok na ako sa loob at nagulat naman ako nang bigla akong harangin ng security guard.

"Ano ang kailangan mo, Miss?" tanong ng guard sa'kin.

"Maga-apply ako" sagot ko sa kaniya.

Pinapasok naman nila ako at ilang saglit pa ay nakita ko ang isang pila ng mga babae sa gawing kanan. Lumapit ako sa isang babae na kakalabas lang ng pintuan.

"Dito po ba 'yung pila ng mga maga-apply?" tanong ko sa babae.

"Yes po" sagot niya habang nakangiti sa'kin.

"Upo na lang po kayo sa dulo. Hintayin niyo lang po ang turn niyo" tumango lang ako at umupo sa pinakadulo at nagsimulang hintayin ang pagtawag sa'kin.

"Sana matanggap ako" sabi ng isang babae na nasa tabi ko. Napakakapal ng makeup nito at hapit na hapit sa katawan nito ang suot niyang dress na suot niya.

"Balita ko, inilipat na raw ni Mr. Tierro sa anak niya ang kompaniya" sabi ng isa pa.

"At masungit daw, ayaw na ayaw niya ng babaeng hinaharot siya" hindi ko naman naiwasang pakinggan ang mga pinagtsi-tsismisan nila.

"Hindi lang masungit, walang kasing-sungit. Demonyo kung baga" sabi n'ung isa pa.

Tinawag na ang isa sa kanila kaya naputol ang kanilang tsismisan. Hindi ko na alam kung ilang segundo minuto ang lumipas at natawag na lahat ng mga maga-apply na lumalabas ng may inis o lungkot na ekspresiyon sa kanilang mga mukha matapos silang interview-hin sa loob.

Lumabas ang isa sa kanila kasunod ang babaeng pinagtanungan ko kanina. Tumingin ito sa'kin, "Miss, ikaw na" sabi nito.

Tumayo na ako mula sa mahabang pagkaka-upo sa bench at sumunod sa kaniya. Nang makarating kami sa loob ay mas isa pang pintuan na sinalubong kami at pinapasok ako doon.

"Good afternoon, Miss Reymundo" bati sa'kin ng isang lalaki na naka-upo sa isang kulay itim na recliner at may hawak-hawak na white folder. Nakasuot pa ito ng stylish na suit na talagang bumabagay sa kagwapuhan at kaputiang taglay nito.

"Good afternoon, sir" nahihiyang tugon ko sa kaniya.

Isinenyas niya sa'kin ang upuan na nasa harap ng desk nito. Umupo ako doon at inilibot ang tingin sa maayos na paligid. Natigilan naman ako nang makakita ako ng CCTV Camera sa sulok nito kung saan pakiramdam ko ay may nanonood sa'min... sa akin.

"Miss Reymundo" biglang sabi nito dahilan para bumalik ako sa ulirat. Bigla akong napalingon sa kaniya.

"W-Why, sir?" tanong ko sa kaniya.

"Maga-apply ka ba talaga o napadaan ka lang dito at talagang pupunta sa Mother Ignacia?" tanong nito sa'kin.

"Maga-apply ho ako" sagot ko sa kaniya. Mukha ba talaga akong artista?

"Okay" sabi niya habang nakatingin sa white folder na parang may binabasa, "According to your resumé, you've only graduated first and secondary education"

"Yes, sir" sagot ko sa kaniya.

"Ano nga ulit ang a-apply-an mo?" tanong nito sa'kin.

"Secretary ho" sagot ko sa kaniya.

"Oh! So you want to apply as the CEO's secretary?" tanong nito sa'kin dahilan para makaramdam ako ng inis pero pinigilan ko ang sarili ko at nanatiling nakangiti sa kaniya kahit na gusto ko na siyang pagsasampalin ngayon dito sa loob ng kwarto at ipakain sa kaniya ang resumé na ipinasa ko, "I thought you'll apply as a janitress" tumawa pa ito na siyang ikina-inis ko. Pero mas nai-inis ako sa tawa niyang pang-Boy Abunda with matching hampas pa sa lamesa.

Natigil lang ito sa pagtawa nang biglang tumunog ang landline na nasa gilid ng lamesa nito. Agad niyang hinila ang telepono at idinikit sa kaniyang tainga, "Hello?"

Biglang sumeryoso ang mukha nito saka niya ibinaba ang tawag. Tumikhim siya na siyang ikinabahala ko. Ito na ba 'yun? Hindi ba ako tanggap? Sayang ba ang paghahandang ginawa ko para sa interview'ng ito?

"Okay. You're hired" sabi nito dahilan para mapatili ako dahil sa tuwa.

"Thank you po!" tuwang-tuwang sabi ko at hindi nag-atubiling makipag-kamay sa kaniya. Gusto ko sana siyang yakapin kaso naisip kong 'wag nalang.

Napahinto ako nang tumayo siya sa upuan ko, "Follow me"

Lumabas ito at hindi ko naiwasang hindi mamangha dahil sa napakagandang building ng kompaniyang ito habang naglalakad kami patungo sa isang elevator.

"Ano nga po pala ang pangalan ng boss ko?" tanong ko sa kaniya nang pumasok na kami sa loob.

"Mauricius Tierro"

•~•

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

504K 35.3K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
1M 17.9K 68
Everyone would envy me... dahil ang pinapangarap ng lahat ng babae is my Husband... The CEO of Bosen Company isa sa pinakamalaki at sikat na company...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...