Perfect Two

By charytes

140K 2.1K 96

After how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
Author's Note

20

3.8K 63 0
By charytes

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad saakin ang mukha ng taong inaasahan ko ngayon. Nanlaki ang mga mata nya ng makita akong dilat at buhay na buhay.


"C-Calliy?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Nginitian ko lang sya bilang sagot at ng matauhan sya ay biglang sumigaw at tinawag sila kuya para sabihin na gising na ako.


"Oy! Okay ka lang ba? Ayos ka na ba? May masakit sayo?" Sinimangutan ko lang si kuya Jerry na alalang-alala sakin.


"Mukha bang hindi ayos yan?" Sinamaan naman ako ng tingin ni kuya Tom.


"Buti naman ayos ka na" napangiti lang ako kay Charlie. Thanks to him, nalaman ko na ang lahat. Speaking of that...


"Umalis na tayo dito at kating-kati na akong sabihin sa inyong lahat ang totoo."


"Pero—" hindi na natuloy nila kuya ang sasabihin ng bigla kong tanggalin ang dextrose na nakasuot sa kamay ko at tumayo.


"May dala ba kayong extrang damit?" Tanong ko kela kuya.


"Wala eh. Di mo naman sinabi" napairap nalang ako. Alam ko ba na maoospital ako? Alam ko ba na mangyayari to? At paano ko sasabihin sakanila eh tulog nga ako.


"Gamitin mo nalang muna tong hoodie ko" sabi saakin ni Ty-Ty este.. Tyrone.. hindi pa ngayon.. may tamang panahon para sabihin ko sakanya na naaalala ko na ang lahat..


"Paano yung pang-baba? Asaan ba kasi yung pants ko?" Inis na tanong ko sakanila. Nakaka-istress ah! Kung kelang nagmamadali talaga saka naman nagkakagulo-gulo.


"Nandito yung jogger ko, balak ko kasing mag-jogging ngayon. Gamitin mo muna, stress ka agad ei" biglang sabi naman ni Nick. Oh, ngayon ko lang napansin na nandito pala tong panget kong pinsan.


Kinuha ko yung hoodie ni Tyrone at yung jogger ni Nick saka dumiretso sa Banyo para magpalit. Nang makapagpalit ay nag-check out na rin kami sa ospital at lumabas na.


"Calliy, sakay na" sabi ni Kuya Jerry at sasakay na sana ako sa likod pero bigla akong hinila ni Nick palayo sa kotse.


"Dito ako. Doon ka kay Tyrone, wala syang kasama" sabi nya at nginuso si Kupal na nasa tabi ng lambhorgini nya at may kinakalkal sa cellphone.


"Ayoko nga! Ikaw doon!" Sabi ko pa at sumakay na sa likod. Pero, pilit nya parin akong pinapaalis doon.


"Bakit ba ayaw mong kasama si Ty-Ty?" Napatigil ako. So, naaalala nya rin? Bakit ba ako lang ang hindi nakakaalala kay Tyrone? Bakit hindi ko sya agad nakilala?


"Sabi ko nga eh" sabi ko at inirapan sya. Lumabas na ako ng mustang at dumiretso sakanya. Habang nakatalikod sya saakin at busy sa cellphone ay binatukan ko sya sa ulo.


"Ara—" tinaasan ko sya ng kilay. Magrereklamo pa eh, samantalang dati lagi nyang ginagawa saakin yun! Halos ma-bobo na nga ako kaka-batok nya saakin.


"Oh, ba't di ka pa sumakay doon?" Tanong nya at tinuro ang mustang.


"Ahhh.. so, ayaw mo akong kasama? Okay." Wala sa mood na sabi ko sakanya at didiretso na sana ulit sa mustang pero kinuha nya ang braso ko at hinila papasok ng Lanbhorgini. Napairap nalang ako sa hangin, ang dami pa kasing arte ei.


Nang makasakay na sya ay pinaharurot na nya ang sasakyan. "Saan ba tayo?"


"Nasa Earth." Sinamaan naman nya ako ng tingin. Sabi ko nga, hindi na eh. "Sa Restaurant kung saan nangyari ang lahat."


"Okay." Tipid nyang tanong na ikinataas naman ng kilay ko. Mapag-tripan nga tong lokong to HAHAHAHA!


"Hoy ikaw, naguguluhan na ako sayong kupal ka ah? Bakit ba napaka-weirdo mo? Kilala ba kita? Or nakilala na? Ni-hindi ka man lang nagtatanong kung anong naging buhay ko noon. At parang kilalang-kilala mo na ako. Pati sila kuya ganun rin sayo, pati si Nick! Tinawag ka pa nyang Ty-Ty kanina!" Gusto kong tumawa ng tumawa dahil sa mga pinagsasabi ko pero act normal muna. Makaganti lang dito sa lalaking to sa mga pinaggagawa nyang katarantaduhan saakin noon!


Tinignan nya ako saglit and i saw pain in his eyes na para bang isang pitik ko lang ay maiiyak na sya. But, why? Agad naman nyang iniwas ang tingin at nag-focus sa daan. 


"So, hindi mo na talaga ako naaalala.. ganun nalang pala yun? Ang dali ko palang kalimutan" Tinignan ko sya ng seryoso at nakita kong hindi sya nagbibiro. Anong ginawa mo, Calliy!!! Waaahhh, joke lang naman yun eh!


Hindi na ako nagsalita pa at nagfocus nalang sa phone ko. Ang bigat sa pakiramdam.. bakit ba kasi ginawa ko pa yun? Nakokonsensya ako.. Hindi pala sya madaling biruin pang seryosong mga bagay na ang pinaguusapan. Di bale, babawi nalang ako sakanya next time.


Nang makarating sa restaurant ay agad akong bumaba at iniwan sya. Gusto ko na talagang sabihin ang totoo... hindi ko alam pero parang biglang lumamig at napakapit ako sa hoodie ni Ty.


Pagpasok ko sa restaurant ay wala paring mga tao, talagang pinaghandaan nila. Wala namang kailangan inbistigahan dito sa restaurant dahil wala naman tong kinalaman sa nangyaring insidente. Dumiretso ako sa table na pinaguupuan nila kuya at Nick. Wala na si Charlie dahil sabi nya ay pinatawag daw sya ng mommy nya at may family reunion daw sila.


"Calliy, are you sure about this?" Seryosong tanong saakin ni Kuya Tom at tumango lang ako. I'm 100% sure. At gusto ko na talagang pumatay ng tao ngayon sa sobrang galit ko.


"Ano-ano ang mga bagay na naimbistigahan nyo?" Tanong ko at bigla namang sumulpot si Ty na naka-shades. Wala namang araw naka-shades, peymus ka zerr?


"Na-cancel ang flight ko papuntang batanes. Kaya tinulungan ko nalang si Jeremy na hanapin yung lalaking nagdadala ng mga threats sa table ko." Explain ni kuya Tom at napatingin naman kami kay Kuya Jerry para hingin ang impormasyon na nalaman nya.


"Gaya nga ng sabi ko sayo, nakita namin yung lalaking yun. Naka-leather na jacket, naka-helmet. Iniwan nya sa table ni Tommy yung papel tapos umalis na rin sya. I'm sure na hindi sya yung gumawa nun dahil alam naman natin na napag-utusan lang sya" napatango naman kaming lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kuya.


"So, the question is... Sino ang pumatay kay Tita?" Tanong ni Nick.


"No, your question is wrong, Nick" napatingin naman silang lahat saakin na naguguluhan sa sinabi ko. "Walang pumatay kay mommy."


Tila nagulat silang lahat sa sinabi ko at hindi makapaniwala, "Calliy? Obvious naman na may pumatay kay mommy. See? May mga threats tayong natatanggap at maaring galing iyon sa murderer"


"No, you're wrong kuya Jerry." Napakunot-noo naman silang lahat. 


"Oo, meron tayong natatanggap na mga sulat. But it doesn't mean na meron nang pumatay kay mommy. At kung meron man, matagal na syang nakulong."


"Alam mo, hindi na maganda yang mga pinagsasabi mo, Calliy! Hindi naman pwedeng magpakamatay nalang si mommy ng dahil lang sa pagtetext ni Daddy sa phone! Hindi nya gagawin yun lalo na't alam nyang walang magaalaga saatin!" Inis na sabi saakin ni kuya Tom. Hala? Bakit kayo sakin nagagalit? Ako ba yung pumatay ha?!


Huminga ako ng malalim, kinuha ang phone ko at dinial ang dahilan ng lahat ng ito. Wala pang ilang minuto ay sinagot na rin nya ang tawag ko.


"Calliy? Napatawag ka?" I smiled bitterly when i heard her sweet voice, ang sarap katayin.


"I need you right now.. please.." inend ko ang tawag at tinext sya kung nasaan ako.


"Calliy, stop with your jokes. Seryosong usapan to" pati si kuya Jerry ay seryoso na rin akong sinuway.


Magsasalita pa sana ako pero biglang sumabat si Ty, "Pakinggan muna natin ang opinyon ni Calliy. Alam kong hindi sya nag bibiro sa mga oras na to." 


Napangiti naman ako ng patago. Wala pang ilang oras ay nandito na rin ang babaeng inaantay ko. Ang babaeng karibal ko. Ang babaeng tinuri kong kaibigan pero tatraydorin rin pala ako.


"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong nila kuya at maski-si Tyrone ay nagulat rin ng makita sya. "Don't tell me, Calliy na sya..."


I smiled bitterly again at niyakap ang peke kong kaibigan. "I missed you."


"Calliy—" hindi na nya naituloy ang sasabi dahil bigla ko syang sinabunutan at padabog na inupo sya sa isang upuan na ikina-sigaw naman nya.


"CALLIY!" pigil naman ng apat saakin pero wala akong pakielam.


"Sinasabi ko sainyo, mabait akong tao pero once na binigyan nyo ako ng rason para ilabas ang totoong ako... hindi ko ipagdadamot na ibigay sainyo ang hinihiling nyo." I smirked at tila nag bago ang aura ng paligid. Nanginginig na nakatingin saakin ang kaibigan ko at onti nalang ay iiyak na sya. 


"Call your stupid mother, right now or else... i'll end your life gaya ng ginawa nyo sa mommy ko!"


Sinigaw ko sa pagmumukha nya ang mga salitang iyon kaya naman agad-agad nyang tinawagan ang mommy nya. "Dapat pala hindi na kita kinaibigan noon palang, dapat pala hindi na kita nilapitan. Akala ko kasi porket nerd ka, mabait ka na. Pero, sabi nga nila.. don't judge a book by its cover. So ang nerd noon, traydor na ngayon"


"Wala akong alam sa sinasabi mo, Calliy!" Sigaw nya pa kaya nasampal ko sya sa kanang pisngi.


"Don't pretend like you didn't know everything" tumayo sila kuya at inawat ako. Binantayan naman ni Nick ang stupid motherfvkcker kong kaibigan at hindi nya hinayaan na makawala iyon sa upuan.


"Calliy, pwede mo bang iexplain saamin ang lahat? Gulong-gulo na ang isipan namin!" Pagmamakaawa ni Tyrone saakin tinignan ko lang sya at ngumiti ng pilit.


Narinig naming bumukas ang pinto ng restaurant. Napangiti naman ako ng mapait ng makita ang babaeng inaasahan ko na ina ng kaibigan ko kaya yeah.. siguradong-sigurado na ako.


"Anong ginawa nyo kay Sofie?!" Galit na sigaw nito saamin at napatawa naman ako. Lumapit sya saakin at nanlaki ang mga mata ko ng sampalin nya ako dahilan para magkalat ang dugo ko sa gilid ng labi.


Nagdilim naman ang paningin ko at sya lang ang nakikita at wala nang iba. Ginantihan ko sya ng sampal, hindi lang isa kundi dalawa. "Anong ginawa ko sa Anak mong traydor? Sinampal ko lang naman sya at sinabunutan. Eh ikaw? Anong ginawa mo sa Mommy ko?!"


"Bakit ba binabalikan nyo pa ang nakaraan? Hindi ba kayo maka-move on na wala na ang magaling nyong ina?"


"Wow.. so, kami pa ang hindi maka-move on huh? Eh yung kambal mo ang hindi maka-move on! Kambal mong tinatraydor ka kaya binibigyan kami ng threats para malaman namin na kayong dalawa ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy!" Hindi sya makapaniwalang tinignan ako.


"Si Honey?" Napa-smirk ako.


Hinarap ko sila kuya, Nick at Tyrone. "Gusto ko lang linawin. Hindi pinatay si Mom. She comitted suicide dahil nabasa nya ang convo nitong Harley na to at ni Dad. Nalaman nya na may anak silang dalawa at yun ay si Sofie na tinuri kong kaibigan pero ang totoo, trinaydor lang ako. Hindi yun ang unang beses na nalaman ni mom na naglalandian tong dalawang to. Alam na nya ang lahat bago pa ako ipanganak, hindi nya kinaya ang depression nya kaya tinapos nalang nya ang buhay nya."


Sinamaan ko ng tiningin ang maginang nasa harapan ko ngayon. Great.. hindi na talaga ako mag titiwala ng mga taong basta-basta ko nalang makikilala. Nang matauhan ang dalawa kong kuya ay sila naman ang nag salita. Binigyan nila ng mga masasakit na salita ang maginang nakayuko na ngayon. Tumabi ako kay Nick at Tyrone at doon umiyak ng umiyak. I can't believe it.. after 11 years... nandito parin yung sakit..


Don't worry mom, okay na ang lahat.. gusto lang namin ng paghihiganti. Kahit ngayon lang mom, pagbigyan mo kami.. everything's gonna be alright.. we love you mom.. kahit hindi kita nakasama hanggang pagtanda, ikaw parin ang best mom ever. Ngayong malinaw na ang lahat, tanggap na namin kung bakit mo kami iniwan. Okay lang yun mom.. tao ka rin, may feelings, nasasaktan at napapagod.. okay lang na magpahinga... Lagi mong tatandaan mom, mahal na mahal ka namin...


"Sshh.. don't cry.." bulong saakin ni Ty at niyakap ako. Sana nga mom.. sana makahanap ako ng lalaking hindi ako sasaktan at lolokohin... kaso, meron pa bang ganun ngayon?


Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa ang magaling kong ama. Hindi pa sya tuluyang nakakapasok ay sinalubong na agad sya ng suntok nila kuya dahilan para maiyak ako lalo. Ang sakit... hindi ko alam kung bakit. Tinakpan ni Ty ang mga tenga ko at sinubsob ako sa dibdib nya. Patuloy lang ako sa pagiyak... parang ayoko na tumigil dahil sa bigat ng pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.


"Calliy, stop crying.. Princesses don't cry, remember?" Hindi ko alam pero sa gitna ng pag iyak ko ay nakuha kong ngumiti ng maalala ang sinabi ko sakanya nung mga bata pa kami.


"Umiyak ka ba?" - Ty-Ty


"Hindi no!" -Siopao


"Weh?" - Ty-Ty


"Oo nga! Sabi ni mommy, wag daw akong iiyak. Dahil princesses don't cry"


Lalo akong napayakap sakanya ng mahigpit ng maalala ang lahat ng iyon. He never failed to make me smile..


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Continue Reading

You'll Also Like

36K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
5.1M 145K 49
Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015
41.6K 1.4K 27
• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)
634K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...