For All Time

By bienpi

1.9K 74 68

Being happy or being responsible? It's all about making the right choices and sacrifices. More

For All Time
Update 1: Hawak Kamay
Update 2: The Past
Update 3: Seatmate
Update 4: Breakeven
Update 5: Tindahan ni Aling Nena (Part 1)
Update 5.5: Tindahan ni Aling Nena (Part 2)
Update 6: The Great Topher
Update 7: Isaw
Update 8: Moving On
Update 9: Bipolar
Update 10: Archi Building
Update 11: Hello, Goodbye!
Update 13: Not Now, Maybe Next Time
Update 14: Cliche
Update 15: Babe
Update 16.1: Conflict No. 1 (Part 1)
Update 16.2: Conflict No. 1 (Part 2) and Conflict No. 2

Update 12: Doors & Windows

72 3 3
By bienpi

Update 12: Doors & Windows

(A/N: Hmm. Ndi ko matantsa kung ano bang kinalabasan ng chapter na toh. Basta nairaos ko. >.< Sorry naman po. Na WB ako eh. Habang ginagawa ko din to WB ang kalaban ko. Hmm. Babawi nalang ako sa mga susunod na chappie.

Lalabas na kaya si Someone? HAHAHA. We'll find out.

Dedicated kay Prettypine kasiii.. BASTA)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

When a door closes, a window opens. It's just up to you how to accept everything --- how to accept the fact that the only permanent thing in this world is change and how to accept and embrace the changes that will come your way.

Danielle/Mei’s POV

6 months has passed.

Ganun na pala katagal yun. Yung araw na huli kaming nagusap. yung araw na nagpaalam siya. At yung araw na halos gumuho ang mundo ko.

Anim na buwan na din pala ang nakalipas mula nung incident na yun sa liko nd Archi building. Pagkatapos nun, wala na akong narinig pang kahit anong balita patungkol sa kanya.

Hindi ko narin siya nakita sa univ pagkatapos nung araw na yun. Hindi ko na din sinubukang tumawag sa kanila dahil sinabi kong palalayain ko na siya.

Hindi ko alam kung nakaalis na siya papuntang US. Hindi ko alam kung mas napaaga na siya o kung ano na ba talagang nangyari sa kanya. AS in wala!

May oras na gusto kong kausapin si Pam kasi baka siya may alam pero natatakot akong lapitan siya, ntatakot parin akong malaman kung anong meron sa kanila.

December na ngayon, ilang araw nalang pasko na. Pero bakit hindi ko maramdaman? Pakiramdam ko walang dahilan para magcelebrate ng pasko ngayong taon.

For the past 6 months, I've been trying to find my happiness without him. I can say that I'm better now but still not at my best.

Kahit papaano humupa na ang sakit na nararamdaman ko kumpara nung unang dalawang buwan. Siguro kasi napagod na din ako sa kaiiyak. Hindi naman kasi nabalik ng mga luha ko at bawat hagulgol ko si JV sa akin eh.

Kung nasan man siya ngayon sana maayos lang siya. Sana masaya siya.

Kasi ako, pinipilit kong maging masaya kahit alam kong mas sasaya ako kapag siya ang kasama ko.

That Someone's POV

"Sasama ka ba?" Tanong ko sa kanya pero siya sumagot.  "Heyy M! Huuuy!!!!"

Hindi niya ako pinapansin. Tsk! She's spacing out again.Haii. Lagi nalang siyang ganyan simula nung. Tsss!! Nevermind!

"Huyy! M, ano baaa?" sabi ko habang pinopoke siya sa may braso niya. "Nakikinig ka ba? Hah?!"

"Ha? Ano?" Sagot niya sakin na takang taka.

"Haii naku! Kanina pa ako salita ng salita dito hindi mo ko pinapansin.*pouts*"

"HAHAHA! ampanget mo talaga Pangs!! Wag ka ngang gumanyan! You really look like gay!" Natawa siya sa pout ko. >.< Ano bang meron? Tsk! "Anong tinatawa tawa mo diyan hah? Tss! Hindi ka naman nakikinig sakin eh!"

"Ehh ang epic ng pout mo eh! Isa pa nga? AHAHAHAHAHA!" grabeng makatawa tong babaeng toh. Parang walang bukas eh! "Tss!" Yun nalang nasabi ko sa kanya. Ang snob kasi.

"Ehhhhh! :( Sige na nga! Hindi na! Huyy! Ano ba yung sinasabi mo kanina??" bahala siya jan, hindi ko siya papansinin. "Naman Pangs eh. :( Huuy ano baaaa???? Sorry na. Please?!" with matching beautiful eyes pa. Tss. Hindi ko to matiis eh.

"Tss. Kasi naman, you were spacing out again. Nagkekwento ako tapos ganun? Hindi ka naman pala nakikinig." Kunyaring pagtatampo ko sa kanya. "*beat* Sorry na nga. :( Sige na makikinig na ako, promise! Ano na kasi yung huling sinabi mo?" "Sabi ko, kung sasama ka ba?" "Huh? Saan?" "Kita mo?! Hindi mo alam kasi hindi ka nakikinig." Hala! Sige pa sad face pa. HAHAHA. Ang cute niyaaa! HAHAHA.

Ang sarap talagang asarin at lokohin netoh. "Sorry na nga kasi diba? :( San nga kasi?" "Sabi ko, sa puso mo." hahah! nagblush siya. HAHAHA. "Ikaw! TSS! Sige, kung ayaw mo kong seryosohin, wag mo kong kausapin!" Hala! Yan na, nagmamasungit na! Hahaha, pero ang cute prin eh. Last na tlaga! "Seryoso naman ako sayo ah? Never naman kitang niloko, at hinding hindi kita lolokohin kailanman." sabi ko, habang seryosong nakatingin sa mata niya.

Haii Meimei, kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga!

"Isa pa talaga Pangs! Wawalk out-an kita" Iwas tingin niya sakin at namumula mula pa. Ahahahaha! "Tss! Sige na fine. Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Bohol? Sa Christmas break? Mga 27-30. ano game ka?" "Sus! Yun lang pala! Kala ko kung ano na. Hm.. Pagiisipan ko pa." Nagaalinglangan niyang sagot.

"Tss! Wag mo nang pag-isipan pa! Sumama ka na!" "Ehh! pagiisipan ko pa nga! Kulit mo din eh noh?" "Bakit? May iba ka bang plano sa mga araw na yun?" "Ah, eh, wala naman. Basta pagiisipan ko." "Eh anong gagawin mo dito? Magmamaktol na naman? Tss! Diyan ka magaling. Move on move on din. Andito naman ako eh." "Whatever!" then she rolled her eyes.

Six months na simula naging mas close kaming dalawa netong babaeng toh. I've seen her worst. Medyo okay na siya ngayon. Nakakatawa na. Hindi katulad noon na pagkukulong lang sa kwarto ang inaatupag niya.

Minsan I almost gave up on her. Pinagtatabuyan pa kasi ako noon eh. Ayaw daw niya ng kausap at ayaw niyang may nakakakita sa knya na ganun siya. Pero pasensya siyahinding hindi ko siya susukuan. Mainis na siya kung makulit ako sadyang hindi ko lang kayang iwanan siya.

Bukod sa pinangako ko kay JV nung araw na yun, tinutupad ko rin ang pangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya pababayaan.

ung closeness namin ngayon ay yung closeness na sobrang transparent kami sa isa't isa. Alam ko kapag nsasaktan siya. Kung totoo ba yung mga ngiti sa labi niya at yung tawang ginagawa niya. Alam ko rin kapag nasasaktan siya. Higit sa lahat, alam kong mahal parin niya si JV.

Masakit para sakin na mahal parin niya si JV. After all these months na ako ang kasama niya, si JV parin ang naiisip niya. Siguro nga hindi ganun kadaling kalimutan yun. Pero para sakin sapat na munang ganito kami ngayon.

Hindi ko parin nasasabi sa kanya hanggang ngayon ang nararamdaman ko para sa kanya pero bago ko sabihin yun, meron pa akong isang dapat gawin.

That is to let go of Rachel. To let go of my ex. yes, we're not together anymore but whenever we talked to each other, there's still this feeling that we stil have obligation with each other. Yun ang gusto kong mawala na. And to finally move on with my life. My life with Meimei.

Nandito pala kami ngayon sa park. Wala lang, gusto lang kasi niyang maglakad lakad. Lagi naman akong nasa kanila kasi eh. Simula nga nung araw na yun.

Nakita ko medyo inaantok antok na si Mei. Medyo malalim narin kasi ang gabi at napagod pa 'to kanina sa practice ng volleyball nila. Nakasandal siya sa balikat ko habang nakaupo kami sa damuha sa ilalim ng puno. "M, let's go? HAtid na kita sa inyo, inaantok ka na eh." Hindi siya sumagot kaagad. Napaisip at nagbuntong hininga"Hmm.. Sige tara na." Medyo may lungkot sa pagsasalita niya.

Malamang iiyak na naman toh pagkauwi nito. Nauna akong tumayo at inalalayan ko naman siya sa pagtayo niya.

Nang makatayo na siya, hinawakan ko ang kamay niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat.

Pero imbis na bitawan ko, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya at tinitigan siya sa mga mata niya. "Mei, I won't promise na hindi kita iiwan because some promises are meant to be broken. But one thing I can assure you, I will never ever leave your side kapag kinailangan mo ko. I'll be with you through pain, victory, sadness or happiness. I'll stay by your side as long as you want me to stay." sabi ko and then I smiled sincerely.

Hindi siya nagsalita lahat. Nagkaroon ng konting katahimikan medyo kinabahan ako baka nagalit siya dahil hinawakan ko kamay niya.

Bibitawan ko na sana yung pagkakahawak ko sa kamay niya pero nung sinubukan ko, pinigilan niya ito. At niyakap ako.

Naririnig ko ang mahihinang hikbi niya. Hinahagod ko ang likod niya para kahit papaano ay makaramdam siya ng ginhawa.

"I know. I know that you'll always be my Superman. I know that you'll always gonna be there for me..

Christopher."

(A/N: Puchu puchu! Sorry!!! :(

Ayun, dedicated sa kanya (Prettypine) dahil sa pagkakahula niya kung sino si Someone. At dahil, alam niya na yun. HAHAH! pangako ko kasi sa kanya yan eh.

Wag niyo kong gigilitan ng leeg please? Babawi ako. Basta. Hintay hintay lang. Salamat po sa pagbabasa.)

Vote, Comment and Be a Fan.

-bienpi

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...