Numb is in

By asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... More

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 27: He's Real..
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 38: Bad Day..
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 41: Revelations.
CHAPTER 42: Hatred
FINALE : ♫ It will rain ♫
EPILOGUE

CHAPTER 40: Pain and Tears

24.6K 346 5
By asherinakenza

CHAPTER 40: Pain and Tears

 

TJ’s P.O.V

 

 

Isang marahas na paghila mula sa likod ko ang naramdaman ko, at agad akong nakaramdam ng malakas na suntok na naging dahilan ng pagkatumba ko sa lupa.

“MATTHEW ANO BA!!!!” – sigaw ni Alex at saka lumapit sakin.

“O-okay ka lang ba?” – tanong niya sakin na nakahawak sa balikat ko.

“Okay lang ako.” – sagot ko.

Tumayo si Alexis para harapin si Matthew na ngayon ay masama ang tingin sakin.

“Tarantado ka!! Diba sabi ko sayo itawag mo sakin agad kapag nakita mo siya?!! Ano ‘to?!!” – sigaw ni Matthew.

“Matthew it’s not what—“ – sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si Alex.

“Diba eto naman ang gusto mo?!!! O ayan! Nakita mo na! Hindi mo na ako kailangan pasundan pa kung kani-kanino para lang malaman kung sinong kasama ko! Ngayon malinaw na sayo lahat! Totoo lahat ng binibintang mo sakin sa pictures!!” – sigaw ni Alex na halos pumiyok pa dahil sa pinipigilang hikbi.

“Alexis no.. Hindi mo ko naiintindihan..” – bulong ni Matthew.

“Talagang hindi kita maiintindihan! Dahil kahit kailan hindi mo pinaintindi sakin!” – sigaw ni Alex, tuluyan na siyang umiyak.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakanila. Ang alam ko, nasasaktan siya.. Nasasaktan si Alex..

Lumapit si Matthew kay Alex at hinawakan ito sa dalawang kamay.

“Alexis, hindi.. Hindi mo naman magagawa ‘to diba? Yung pictures na nakita mo, wala lang yon. Promise.” – ngayon umiiyak na rin pati ang pinsan ko.

“Layuan mo ko.” – bulong ni Alexis.

“Alex..” – Matthew.

Tumalikod si Alex saka naglakad. Naiwan kami ni Matthew, gusto ko siyang tanungin kung anong nangyayari pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan. Hinalikan ako ni Alexis para makita ng pinsan ko?

Maya maya lang narinig ko siyang sumigaw.

“Tj! Let’s go!” – sigaw niya.

Tinap ko sa balikat si Matthew saka ako sumunod kay Alex.

------      

Naglalakad na kami sa loob ng subdivision namin, tahimik lang kami. Habang siya nakatungong umiiyak.. Naririnig ko ang bawat hikbing pinapakawalan niya.. Tumigil ako paglalakad at hinila ko yung kamay niya para mayakap ko siya.

“Alexis, wag ka ng umiyak.” – sabi ko.

Tumungo siya sa dibdib ko at niyakap din ako.

“Alam kong mali na hindi ko pakinggan ang explanations niya.. pero sobrang sakit kasi Tj, masakit isipin na yung taong mahal na mahal mo pinaghihinalaan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa.” – umiiyak parin siya habang sinasabi yan.

“Alex..” – hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, pero kailangan kong makausap ang pinsan ko.

“Tj, ilayo mo ko dito. Kahit ngayon lang.” – sabi niya.

Inilayo ko siya sakin at tinignan sa mata, kitang kita ko na nasasaktan siya..

-------    

Bumalik muna kami sa bahay para kunin yung kotse ko. Nagdrive lang ako hanggang sa makarating na pala kami sa Laguna. Hawak hawak ni Alex yung camera ko at panay ang kuha niya ng pictures sakin.

“Tj! Smile naman!” – natatawang sabi niya.

“Alexis tama na.” – natatawang sagot ko.

“Last na! Yieee titingin na yan!” – pang aasar niya.

Tumingin ako sandali sakanya at  agad din binalik ang tingin ko sa pagmamaneho. Masaya na akong makita siyang masaya. Masaya na kong makita yung maganda niyang ngiti.

“Wooo.. Tj tignan mo! May nagbabasaan!” – sigaw niya.

Napalingon ako sa tinuturo niya. Itinigil ko yung sasakyan ko. May mga taong nagbabasaan gamit ang kani-kanilang timba, may truck pa ng bumbero at masayang binabasa yung mga tao.

“Tj!! Baba tayo!!” – masayang sabi niya.

“Alexis baka  basain tayo!” – sabi  ko.

“Sige na!” – pagpipilit niya.

“Wala tayong extrang damit!” – sabi ko.

“Bahala ka jan!” – agad bumaba si Alexis at tumakbo palapit sa nagbabasaan, suot niya parin yung T-shirt na regalo niya sakin.

Bumaba na rin ako  para sundan siya, pagkababa ko palang may mga nambasa na sakin.

“Woooooo!! May dayo dito!!” – sigaw nung isang bumasa sakin.

Naglapitan naman sakin yung mga tao  at binasa ako!

“HAHAHAHAHAHAHA!” – nakatingin sakin si Alexis na basang basa na rin!

Lumapit ako sakanya.

“Grabe Tj! Ang lamiggggg!!” – masayang sabi niya.

“Misss!!!” – sigaw nung bumbero sa taas ng truck  at agad itinapat sa amin ni Alexis yung hose ng bumbero.

May mga mosiko din na tumutugtog sa daan habang nagbabasaan. Lahat ng tao  sumasayaw, at may santo silang isinasayaw habang nagpuprusisyon. Sumama kami ni Alex sa prusisyon. Lahat ng madaanan namin binabasa kami, may mga naghahagis ng pagkain sa mga bahay na dinadaanan namin, nakaplastic naman yung mga pagkain kaya nasasalo yun ng mga nagpuprusisyon.

“Sakto pala yung punta natin dito Tj! Pagoda daw sabi nung kausap ko kanina!” – sigaw ni Alexis.

Kahit lamig na lamig na siya, enjoy na enjoy padin siya paglalakad.

“Hi!! Taga Maynila kayo?” – tanong ng isang babae.

Tumango si Alexis.

“Ako nga pala si Meliza.” – inilahad niya yung kamay  niya at tinanggap naman ni Alexis yon.

“Alexis! Hmm siya naman si Tj!” – nakangiting sabi ni Alexis.

“Hi.” – bati ko.

Ngumiti si Meliza.

“Ganito dito samin taon taon! Araw ni San Rafael ngayon, at isinasayaw namin yung poon.” – nakangiting sabi niya, naglalakad padin kami.

“Sakto nga yung punta namin dito! Grabe first time namin  maexperience ‘to!” – masayang sabi ni Alex.

“Teka, taga saan ba kayo dito sa Laguna?” – tanong niya.

“Wala napadaan lang kami.” – sagot ni Alexis.

“Nako, sigurado wala kayong dalang pamalit!” – nag aalalang sabi ni  Meliza.

“Haha, oo nga eh! Pero matutuyo din naman siguro ‘to mamaya!” – sabi ni Alexis.

“Nako hindi! Sumama na kayo sa akin sa bahay! Papahiramin ko kayo ng pamalit baka mamaya magkasakit pa kayo, malayo pa naman ang Maynila, dalawang oras din ang biyahe!” – sabi niya.

Tinignan ako ni Alexis, parang nagtatanong siya na okay lang ba? Nginitian ko siya.

“Kahit anong gusto mo okay lang.” – sagot ko.

Ngumiti siya at tumingin ulit kay Meliza.

“Sige! Salamat Meliza ha!!” – sabi ni Alexis.

“Nako wala yun!”

Mahigit isang oras din bago natapos yung prusisyon, sabi ni Meliza sa Aplaya pa daw sila nakatira kaya kailangan daw magtrycikle, kaya naman sinabi ko nalang na gamitin nalang namin ang sasakyan ko, pumayag naman siya.

Malapit sa dagat yung bahay nila Meliza, si Alexis kuha padin ng kuha ng mga pictures. Nakaplastic na yung camera ko, may nagbigay daw sakanya ng plastic kanina sa pagoda para hindi mabasa yung camera.

“Nay!! May bisita tayo  galing Maynila!” – sigaw ni Meliza.

Agad namang lumabas sa kusina yung Nanay ni Meliza, at ngiting ngiti na nilapitan kami.

“Magandang araw po!” – bati namin ni Alexis.

“Nako, siguro nalaman na dayo kayo kaya ayan binasa kayo mabuti.” – sabi ng Nanay ni Meliza.

“Oo nga po eh! Pero masaya naman po!” – sabi ni Alexis.

“Dito na kayo magpalipas ng gabi! Hapon na rin naman.” – sabi ng Nanay ni Meliza.

“Po?! Naku, hindi na po. Uuwi na rin ho kami mamaya.” – sagot ni Alex.

“Dito na hija! Sige ka magtatampo ako sayo.” – sagot ng Nanay ni Meliza.

Natawa naman si Alexis.

“Nakakahiya po  kasi.” – Alexis.

“Nako, walang hiya hiya dito hija! Teka nobyo mo ba ito? Ang gwapo hija! Bagay kayo.” – nakangiting sabi ng nanay ni Meliza.

Nagkatinginan kami ni Alexis

“Hindi po magkaibigan lang po kami.” – sagot ko.

“Ganun ba? Sayang naman bagay pa naman kayo. Teka Meliza! Nasan na yung mga damit na ipapahiram mo sakanila?” – sigaw ng nanay ni Meliza.

“Eto na, hmm Alexis mauna ka na maligo, eto yung mga damit.” – sabi ni Meliza.

“Salamat.”

“Halika Hija, ihahatid kita sa Cr.”

Pumunta na sila Alex sa Cr para makaligo na siya.

------    

Gabi na rin, nakaupo kami ngayon dito ni Alexis sa tapat ng bahay nila Meliza kasama si Meliza at ang kapatid nito. Nakaligo na rin pala ako kanina at pinahiram din ako ng damit ng kapatid niyang lalaki.

“Akala ko talaga mag boyfriend kayo!” – sabi ni Meliza, may panghihinayang sa boses niya.

“Hmm, actually dati.” – napalingon ako kay Alexis na ngayon ay kumakain ng mangga.

O_O Meliza.

“talaga?!! Teka ibig sabihin break na kayo pero magkasama padin kayo?” – tanong ni Meliza.

“Pwede naman maging magkaibigan diba?” – sabi ni Alexis.

Napailing ako sa sarili ko, hanggang ngayon naaapektuhan parin ako sa salitang –kaibigan- lalo na at kay Alexis nanggaling yon.

“Sayang naman! Bakit hindi kayo magbalikan!” – sigaw ng kapatid ni Meliza na si Tom.

“May boyfriend na siya. And besides two years na rin naman ang nakalipas nung naging kami.” – sagot ko.

“Eh bakit malungkot ka?!!” – mapang asar na tono ng tanong ni Meliza.

Bakit nga ba?.

“Tom!! May inuman daw sa Silangan baka gusto ng mga dayo makisama?” – sigaw nung isang lalaki na bagong dating lang.

“Tara!” – sigaw ni Alexis saka tumayo.

Hinila ko siya.

“No.” – mahinang sabi ko sakanya.

Nakatingin samin yung magkapatid.

“Tj ano ka ba! Minsan lang ‘to.” – sabi niya.

Tinignan ko siya ng may pagbabanta, pero tinawanan niya lang ako.

“Kuya! Anong alak niyo dun?!” – tanong ni Alexis sa nagyaya.

“Lambanog Miss, umiinom ba kayo nun?” – tanong niya.

“Hmm, hindi pa eh! Pero sige!” – sabi ni Alexis saka hinila si Meliza at Tom.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanila.

-----    

Naka-anim na shot na ng lambanog si Alexis sobrang pula na niya at alam kong nahihilo na siya.

“Pre tagay ka!” – sigaw nung kaharap ko.

“Hindi sige pre, salamat.” – sagot ko, ayokong uminom, dahil kilala ko ‘tong si Alexis kapag nalalasing, hindi pa naman naming ganun kakilala yung mga kasama namin dito.

“Sige na pre isa lang!” – sabi nung isa.

“Sige na Tj, one shot lang.” – bulong ni Tom.

Kinuha ko yun at tinungga!

“Woooooo!! Balik kayo dito ha! Masaya dito!” – sigaw nung isang lalaki na lasing na.

Inabot nanaman nung isang lalaki yung shot glass kay Alexis, punong puno yun. Nakangiting inubos naman ni Alexis yun.

“Tama na.” – bulong ko sakanya.

*_*

“hano kha ba *hik*  nagshashaya dito eh *hik!*” – Alexis, lasing na siya.

Mabilis siyang malasing lalo na at lambanog pa yung ininom niya.

Tumayo ako at inalalayan ko siya.

“Bitiwan mo ko!!” – sigaw niya.

“Alexis! That’s enough! Pinayagan na kitang uminom diba?! Tama na!” – bulyaw ko.

“hano ba khita?!! Diba bhhreeaak na thayooo! *hik*” – sigaw ni Alexis saka tinabig ang kamay ko.

“Pre hayaan mo na siya gusto yata magi nom ng girlfriend mo eh.” – sabi nung isa.

“Hindi n..iya ko gelpreeenn *hik*! Hex ko na shaa!” – sabi ni Alexis.

“Alexis tama na.”

Binuhat ko siya na parang sako ng bigas.

“Hano ba!!! Timothy!! Put me downnnn!!” – sigaw niya habang pinag hahampas ako sa likod.

Sumunod naman samin si Meliza at Tom.

Buhat buhat ko parin siya pabalik sa bahay nila Meliza, nagpapadyak siya kaya naman hinawakan ko yung dalawang binti niya.

“Tj!!!!!” – sigaw niya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Meliza, ibinaba ko na siya dun.

Umiiyak siya.

“Stop crying.” – I said.

“Damn you!!” – sigaw niya.

Umupo siya at tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang mukha niya. Nanatili kaming nakatayo nila Meliza at tinitignan siya. Nilapitan ko siya pero tinulak niya ko.

“I hate you!!” – sigaw niya.

“Alexis..”

Alam kong hindi siya umiiyak ng dahil sa pagpipigil ko sakanyang uminom, umiiyak siya dahil sa nararamdaman niya ngayon.

“Ano bang ginawa ko sa inyo para saktan ako ng ganito?!” – sabi niya, rinig ko yung hikbi sa bawat sinasabi niya.

“Kailangan niyo yatang mag usap papasok na muna kami.” – sabi ni Meliza.

Tumango nalang ako, pumasok na silang dalawa ni Tom.

Nilapitan ko si Alexis at hinimas ko ang likod niya.

“I’m sorry... tama na Alexis..”- bulong ko.

“Nakakainis ka! Alam mo bang galit parin ako sayo hanggang ngayon!!!” – sigaw niya.

Nanatili parin ako sa tabi niya.

“Dahil kung hindi mo ako iniwan, hindi ako masasaktan ng ganito ngayon..” – bulong niya.. napatingin ako sakanya.

“Dahil kung hindi mo ako iniwan, hindi ko matututunang mahalin yung pinsan mo! Naiinis ako sayo! Dahil sayo nagsimula lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!” – sigaw niya.

Lasing na nga siya.. dahil nag iiyak na siya, at alam kong totoo lahat ng sinasabi niya..

“Ngayon, pinaglalaruan niyo ba akong dalawa?! Nung oras na nasasaktan ako dahil sayo nanjan si Matthew!, ngayong nasasaktan ako dahil sakanya nanjan ka naman!! Pagod na pagod na ko!..” – bulong niya.

“Tama na...ayoko na..Tj..please?? Wag niyo na akong saktan..wag mo na akong saktan..”

Nabingi ako sa katahimikan. Wala akong ibang naririnig ngayon kundi ang paghikbi niya.. Nasasaktan ko parin siya? Tama siya, kasalanan ko lahat ‘to.. kung hindi ko siya hinayaan mapalapit kay Matthew hindi siya masasaktan ng ganito ngayon, kung hindi ko siya iniwan hindi sana siya umiiyak ng ganito ngayon..

..to be continued..

 

_Ash...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 179 11
[ COMPLETED ] Christine Anika Mendoza is a lady na masasabi mong halos perpekto. She's outstanding in class, beautiful like a goddess, and a talented...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
The Player By KD

General Fiction

937K 1K 2
Our favorite game is called "LOVE"..