Perfect Two

By charytes

141K 2.1K 96

After how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Author's Note

17

4K 60 0
By charytes

Pauwi na kami at nagpaiwan na si Charlie sa Cafè na pinag-stop over namin kahapon dahil naiwan doon ang motor nya. Sunod naman naming inuwi ay si Kylie dahil mas malapit ang bahay nya. Sunod, ako..


"Thank you ah. Naging masaya ako kahit na napilitan lang naman talaga ako sumama" nakangiti kong sabi sakanilang dalawa.


"No problem!" Sagot naman ni Kurt. Bumaba na ako at sumunod naman saakin si Kupal. Kinuha nya ang bag ko sa compartment at sumama sa loob ng bahay.


"Wala mga kuya mo?" Iling lang ang sinagot ko sakanya.


"Pauwi na rin yun." I lied.. kasi susunod ako sa restaurant. Ayokong malaman nya ang buhay ko. Baka kaawaan nanaman nila ako. Na lumaki ako ng walang magulang at tanging sila kuya lang ang nagalaga saakin.


"O sya, uuwi na rin ako." Akala ko ay tatalikod na sya pero nagulat ako ng bigla nya akong halikan.... sa pingi lang syempre. "Bye"


Lumabas na sya at narinig ko namang umandar na ang kotse ni Kurt pero hindi parin ako makapaniwala. Humarap ako sa salamin at nanlaki ang mga mata ng makitang pulang-pula ang mukha ko. Napatingin naman ako sa tutang nasa paanan ko. Kinarga ko sya at niyakap.


"I miss you, baby.." kiniss ko sya sa noo at nilaro muna sya saglit dahil alam kong namiss nya rin ako. Tinext ko sila kuya na nasa bahay na ako at maliligo nalang.


Pagtapos magbihis ay nagpaalam muna ako kay Chim na saglit na aalis muna. Ni-lock ko ang bahay at nagabang ng taxi sa kanto. Habang nagaatay ay may biglang humintong mamahaling sasakyan sa harapan ko at bumaba ang bintana nito sa driver's seat.


"San punta mo?" Nakangising tanong nya at nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala sya.


"Hoy!" Natawa naman sya ng makita ang reaksyon ko. Sumakay ako sa passenger's seat kahit hindi nya sinasabi. Pabagsak kong sinara ang pinto dahil sa excitement.


  "Dahan-dahan! Bagong-bago ang kotse ko oh!" Reklamo nya pa at pinaandar na ang kotse


Napa-'aray' naman sya ng sinapak ko sya sa braso pero mahina lang. "Hindi ka man lang nagsasabi na nakauwi ka na pala dito sa Pinas!"


"Hahahaha! Pinapunta ako ng mga kuya mo dahil kailangan nyo ng poging pinsan" nakangising sabi nya pa na ikinairap ko nalang


"So, doon ka rin pupunta?" Tumango naman sya. "Totoo kaya yung sinabi ni kuya Jerry na hindi nag committed si Mommy ng suicide?"


"Ewan. Malalaman natin mamaya"


"Atsaka, bakit ngayon lang? 11 years na matapos nangyari iyong aksidenteng yun. Tapos ngayon lang nila iimbestigahan?" Kunot-noo ko pang tanong sakanya.


"Pwede ba? Wag ka sakin magtanong. Wala akong alam, atsaka.. hindi ko nga alam kung bakit ako pinapunta nung dalawang tukmul" inirapan ko nalang sya. Pupunta ba sya doon ng wala syang alam? And hindi naman sya papapuntahin doon nila kuya kung wala syang maiiambag na tulong.


"Nga pala, anong trabaho mo sa America? Ang yaman mo na ah" sabi ko habang tinitignan ang gamit nya sa backseat.


"Secret."


"Napaka-daya mo, Nick!" Lalo naman syang natawa ng makita akong naiinis. ANONG NAKAKATAWA DON?!


ilang minuto pa kaming bumyahe at nakarating na rin kami doon sa restaurant kung saan kami nag celebrate nung 5th birthday ko. Habang nakatingin doon, parang walang pinagbago.. ganun parin ang pintura at ang iba pang design nun. 11 years na, pero wala paring nagbago. Pumasok kami sa loob at wala talagang nagbago, kahit yung arrangement nung mga upuan ay ganun parin. Walang tao dahil mukhang pinasara muna dahil nga sa imbistigasyon na magaganap.


Nakita namin sila kuya na nakaupo sa isang gilid habang seryosong naguusap. Umupo kami sa tabi nila at nakisali sa usapan.


"Ehem, explanation now" biro ko sakanila pero nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso nila akong tinignan. Sabi ko nga di na ang magbibiro ei.


May binigay saakin si Kuya Tom na papel at naguguluhan ko iyon tinignan. Pero, binasa ko parin

.

Kayong tatlong anak ni Elly, alam kong matatalino kayo dahil matalino ang nanay nyo. Kaya nga nahuli nya na nag cheat ang tatay nyo eh. Hahahahaha! Ngayon, patunayan nyo saakin na matalino nga talaga kayo. I-solve nyo tong kaso na to ng hindi humihingi ng tulong sa pulis at detectives. Kapag nalaman nyo na ang tunay na sagot sa mga tanong nyo, pumunta kayo sa ******** ****** ako mismo ang magpapakita sainyo. Goodluck! Hahaha

                                         -S.H.


"At sino naman tong S.H. na to?" Kunot-noo kong tanong sakanila pero wala silang sinagot. Huminga ako ng malalim, "sino nagbigay sainyo ng letter na to?"


"Nakita ko nalang yan sa table ko pagbalik namin sa classroom" sagot ni kuya Tom


"Edi nasa school nyo yung nagbigay nyan." Sabat naman ni Nick.


"Kailangan na nating kumilos. Kating-kati na ako malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Mom" sabi naman ni Kuya Jerry at napatingin kami sa kanya. 


"Tommy, ikaw kumausap sa mga tita natin sa Batanes, itanong mo kung meron bang mga kaaway si Mom nung mga panahon na iyon. Isama mo si Nick" tumango naman si Kuya Tom.


"Ako na ang bahala humanap kung sino ang nagbigay nung letter na yun sa CU."


"Paano ako?"


"Ikaw ang bahalang magimbistiga tungkol kay Dad. Kausapin mo sya or yung mga assistant nya since sya naman ang kasama ni mom bago ito nawala"


Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso? Nababaliw ka na ba kuya Jerry? Hindi ko kayang gawin yun!"


"Of course, kaya mo." Tumayo na si Kuya Jerry. "Simulan na natin ngayon, para kay mom" inilahad nya ang kamay nya saamin. Pinatong naman ni Nick at ni Kuya Tom ang kamay nila doon bilang pagsang-ayon. Huminga ako ng malalim at inilahad na rin ang kamay doon. Para kay Mom.


Kanya-kanya na kaming alis. Dumiretso ako sa company ni Dad. Habang nakatingin sa harap nun ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba kasi ako pa ang inutusan ni Kuya Jerry na pumunta dito eh pwede naman sya o kaya si Kuya Tom. Pero, gagawin ko ang lahat
para kay Mom. Para malaman namin kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pagkamatay nya.


Buong tapang akong pumasok doon at didiretso na sana sa elevator ng harangan ako ng Guard. "I.D miss?" Napairap nalang ako dahil sa sobrang higpit nila.


Kinuha ko ang wallet ko sa bag at binigay sakanya ang I.D ko. Nanlaki naman ang mga mata mya ng makilala ako. "I'm sorry Ms. Jones—"


"Its okay." Parang kumulo ang ulo ko ng tawagin nya akong "Ms. Jones" kainis. Dumiretso na ako sa elevator matapos kuhanin sakanya ang I.D ko. Habang nasa elevator at inaantay na makalapag sa 18th floor ay nakaramdam ako ng ihi. Shet naman! Sumabay pa tong ihi na to! Baka dahil kinakabahan ako or what. Kahit ano namang gawin ko, tatay ko parin naman sya noh!


Nang makalapag sa 18th floor ay hinanap ko muna ang CR at pumasok sa cubsicle. Habang nakaupo sa toilet bowl ay may narinig akong pumasok na mga babae at nagusap-usap.


"Balita ko nandito daw ang anak ni Mr. Karlo."


"Oo nga, nakita ko sya kanina. Maganda sya!"


"Bibisitahin nya kaya si Mr. Karlo?"


"Malamang, Sherine" nagtawanan lang sila at lumabas na ng CR. Nakahinga naman ako ng maluwag at lumabas na rin ng Cubsicle. Inayos ko ang itsura ko bago lumabas ng rest room. Hinanap ko ang office ni Dad at nang mahanap ko iyon ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko.


Kumatok ako at narinig ko nanaman ang boses nya, "Come in"


Huminga ako ng malalim at inisip na gagawin ko to para kay Mommy. Yeah, para kay Mom. Binuksan ko ang pinto at tila naestatwa ako ng makita sya at si Dep*tang Harley ay meron pang isang babae na may salamin.


"C-Calliy.." hindi makapaniwalang banggit nya sa pangalan ko. Nakita ko namang biglang ngumisi ng nakakaloko yung babaeng may salamin habang si Harley naman ay tahimik lang na may inaayos sa laptop nya.


"Pwede ba kitang makausap, Mr. Jones?" Ayoko syang tawaging "Dad", hindi sya naging Tatay saakin kailanman.


"Oo naman. What's it?"


"Yung tayong dalawa lang SANA" pagpaparinig ko sa dalawang alagad nya.


"Uhhmm.. Ms. Honey and Harley, pwedeng lumabas muna kayo?" Napatango naman ang dalawa at bago sila makalabas nakita ko ang matalim na tingin ni Harley at ang nakakalokong ngiti nung Honey.


Nang makalabas na sila ay huminga ako ng malalim. Malamig naman dito sa office pero hindi ako makahinga ng maayos. Ngayong kaming dalawa nalang ang nandito.. mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.


"About kay Mom.."


"Matagal ko nang kinalimutan ang mommy mo—" hindi pa nya natatapos ang sasabihin ay bigla nalang kusang gumalaw ang palad ko at nasampal sya. Wala ako sa tamang posisyon para saktan sya pero nadala ako ng galit.


"Alam ko at alam mo na hindi nag committed ng suicide si Mom, right?" Pagbabalik ko sa topic.


"I told you, wala nga akong alam!" Isang sampal pa ang natikman nya saakin. Hangga't hindi sya sumasagot, makakatikim talaga sya.


"Walang alam? Ikaw ang huling nakasama ni Mom bago sya bawian ng buhay!" Sigaw ko sakanya at hindi ko namalayan na naluha na pala ako.


"Kung wala kang gagawin na maganda, umalis ka na." Napayuko ako ng marinig iyon mula sakanya. Pinunasan ko ang luha ko at padabog na lumabas ng pinto.


Nakita ko si Honey at Harley na naguusap sa isang tabi at mukhang hindi nila ako napansin kaya agad akong pumunta sa table ni Honey at kinuha ang papel na nakapatong sa table nya pati yung kay Harley. Sila lang ang dalawang pwede kong pagbintangan since "H" sila.


Dinaanan ko lang sila na parang walang nangyari saka pumasok ng elevator. Habang nasa elevator ay doon ako huminga ng malalim at uminom ng tubig. Bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita..


"Anong ginagawa mo dito, Sofie?" Kunot-noo kong tanong sakanya.


"A-Ano.. inutusan ako ni Tito na ideliever tong pagkain sa nagorder" sabi nya at pinakita pa ang plastic na dala nya.


"Akala ko ba nasa ospital ka pa kaya hindi ka makapasok?"


"Sabi ni Mommy, wag na daw muna ako pumasok dahil busy kami.."


"Busy saan?"


"Busy sa ano.. uhmm.. sa karindirya namin!" Napatango nalang ako at nagpaalam na. Nang makalabas ako ng Company ay hindi ko na alam ang gagawin ko.


Nakita kong may cafè sa tabi ng company kaya doon muna ako dumiretso at umorder ng frappè. Nilapag ko sa table ang sulat ni Honey at Harley. Ang problema, hindi ko natandaan kung kaninong papel ang dalawang to. Dumating ang order ko at uminom muna ako ng frappè. Nahagip ng mata ko ang lalaking naka-motor na dumiretso sa harap ng company. Nakita kong bumaba ito at kinausap si Honey.


Nawala ang tingin ko sakanila ng marinig kong nagring ang phone ko. Nang mabasa ko ang pangalan ni kuya Jerry doon ay agad kong sinagot.


"May nakita akong lalaking pumunta dito sa classroom namin. Naka-helmet sya at naka-leather jacket." Agad akong napatingin sa naguusap na si Honey at ang lalaking naka-motor. "May nilagay sya sa mesa ni Tommy na papel. Isesend ko sayo ang picture. Anong balita dyan?"


"Mukhang kilala ko na kung sino ang S.H. na yun. Meron pa akong isang gagawin para masigurado ko ang nasa isip ko ngayon."


"Cge.. btw, nakausap mo na si Mr. Jones?"


"Yeah. Pero, wala syang sinabi saakin na matinong sagot kaya—"


"Sinaktan mo?"


"Of course! Wala akong pakielam kung tatay natin sya, hindi naman sya naging mabuting ama saatin."


"Pero, tatay parin natin sya, Calliy"


"I know" inend ko na ang call at nagfocus sa dalawang papel na nasa harapan ko ngayon. Kailangan ko ng kumilos para malaman ko na kung totoo ba ang nasa isip ko ngayon.


Kinuha ko ang phone at tinawagan si Charlie. "Hello? I need you. Sunduin mo ako dito sa cafè asap."


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Continue Reading

You'll Also Like

258K 15.9K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
140K 9.4K 27
Filimon Sides #1: The Goodbye Girl ▬ "Everyone calls me Tree, but most people know me as The Goodbye Girl. In our University, people would pay me to...
107K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...
61K 2.5K 79
Welcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!