Paper Planes (Sandejas Siblin...

By heartlessnostalgia

2.8M 115K 40.8K

Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for... More

Paper Planes (Sandejas Siblings Companion Book)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Paper Planes (Self-Published)
JerLena: Stairway to Heaven
Paper Planes Book Excess

Special Chapter

127K 4.5K 1.5K
By heartlessnostalgia

Special Chapter

"ANG GANDA NAMAN ng project mo, Lena!" Cecille exclaimed while staring at the portfolio.

"Kagabi lang 'yan," ngisi ko. "Bakit maganda rin naman ang sa 'yo, ah?"

"Naku, nagpa-lettering lang ako sa pinsan ko! Mas maganda itong sa 'yo, gusto ko 'yong kulay." Turo niya.

"Mornin," I stopped and lifted my gaze. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang nakangangang si Ejercito habang nakamasid sa amin.

"What?"

"Ang ganda," turo niya sa gawa kong hawak ni Cess.

"Thanks," I grinned. "Ikaw, patingin ng sa 'yo?"

"Uhm," he suddenly bit his lip and sat beside me, ang bag pack ay halatang walang laman kaya napailing ako.

"So?" I raised my brow.

"Ayos naman siya," he said, pouting a bit. "Cess, patingin nga ng iyo."

Cess gave her project to him, nanliit pa ang mata ni Jer at mas napasimangot.

"Bakit ang gaganda? Bakit ganyan? Required bang maganda?" Kumunot ang noo niya.

"Sakto nga lang 'yan," Cess commented.

"Kaysa naman ang sa 'kin?" nguso niya't nanlaki pa ang butas ng ilong.

"Ano ba kasi sa 'yo? Patingin nga," I said.

"Ayaw," sumandal siya sa balikat ko. "Pangit 'yon."

"Patingin kasi," I insisted.

"Kapasa-pasa naman siya," mukhang napapaisip pa siya. "...siguro?"

"Jer..." I warned.

"Ayaw nga, nahihiya ako." He whispered and blushed.

Inagaw ko ang bag niya, hindi pa siya kaagad nakapagreklamo at umawang lang ang labi kaya nabuksan ko ang bag.

I took his portfolio out at halos mapapikit ako sa nakitang design.

"Ano 'to..." I showed it to him. "Seryoso ba 'to, Ejercito? Ano 'to? Portfolio o pamunas sa pwet?"

"Sabi kasi sa 'yo," nguso niya. "Pero grabe ka sa pamunas ng pwet, ah! 'Di naman...'di naman masyado."

It was in a magazine, like what was told, kaso nga lang ang title sa harapan ay nakasulat lang ng kulay itim na pentel pen! Halatang napipilitan pa.

"Hindi ko na lang siguro ipapasa," he murmured.

"Baliw ka ba?" I hissed. "Anong grade mo?"

"Mabuti na lang gwapo ako kahit pangit ang gawa ko, pambawi." He muttered coolly.

"Hay naku, Ejercito." Cess scratched her eyebrow. "Wala ka nang matinong naipasa."

"Babawi na lang—"

"Babawian kita ng buhay, Sandejas." Irita kong bulong.

"Nakakahiya, eh, paano ko ipapasa...h'wag na lang." Ngiwi niya.

He looked confused and lost, magulo pa ang buhok niya at nakanguso kaya pinitik ko na ang labi.

"Harriet!" He whined.

"Kailangan mong magpasa!" I lectured.

"Paano..." tumitig siya sa gawa ko pabalik sa akin at biglang sumandal. I was startled, yumakap siya sa braso ko at parang tuta na kumapit.

"Lena, baka naman...pa-lettering." Lambing niya.

I rolled my eyes.

Humagalpak si Cess sa amin.

"Sabi na, eh," Cess commented.

"Ayoko," I murmured.

"Sige na," humarap siya sa akin at hinanap ang mata ko. "Lena! Lena, please? Please?"

Hindi ako umimik.

Hay, naku, Sandejas.

"Sige na... Please? Libre kita sa perya mamaya." Suhol pa niya at akala ba niya'y bibigay ako riyan?

"'Yon lang?" I raised my brow.

"Libre kitang kikiam d'yan sa labas," he smiled at me when he noticed me thinking.

"Ano pa nga ba?" I sighed and shrugged. "Okay."

He suddenly gasped.

"Yehey!" He raised his hand happily.

Natawa na lang ako nang makitang tuwang-tuwa siya. I took my colored pens and designs, naupo sa tabi ko si Cess habang tumayo si Jer at tumakbo palabas.

I took his portfolio, naiiling pa sa design kuno niya. May balahibo pa! Ano ito, kinuha lang ata sa manok at sinawsaw sa water color!

Santisima, Jer! Baka nakalbo ang poultry n'yo makakuha ka lang ng balahibo! Parang sa tandang pa ata ito galing!

"Ang weak mo naman sa lambing ni Jer," biro ni Cess sa tabi ko.

"May libre kasi," I murmured and started doing my thing.

Habang gumagawa ay napatingin ako at natawa nang makitang dumating si Ejercito na may dala-dala pang pagkain at juice.

May inilagay siyang bulaklak sa gilid ng tainga ko kaya napahawak ako roon.

"Pinitas ko sa garden, nagpaalam naman ako." Inunahan na niya ako.

"Ano 'yan?" tawa ko nang ilapag niya sa tabi ko iyon at nag-squat sa harap ko sa tapat ng lamesa.

"Pagkain mo," he said, staring curiously at my work. "Galing naman n'yan, Lena."

Natawa ako, habang gumagawa ay binuksan niya ang pagkain at sinubuan ako.

"Say ah, Harriet," aniya.

I opened my mouth and received the food, nakatunganga naman siya sa harapan ko habang gumagawa ako at nanunuod siya.

I caught him eating the food he bought for me.

"Wow, Jer, nanunuod sine?" Cess teased.

Naiwan sa ere ang nakangangang mukha ni Jer na pasubo na sana sa pagkain.

He stopped. His eyes widened.

"Ay, fuck, kay Lena pala 'to." He smiled sheepishly at isinubo sa akin ang pagkain.

Napailing na lang ako at ngumisi.

After a few minutes and I'm done, I smiled and showed it to him.

"Done!" I chirped.

His mouth parted, nodding and sighed.

"Sa wakas," he murmured at pagod na napapikit kaya ngumiwi ako at pinitik ang noo niya.

"Wow, ikaw ang napagod?" nanliit ang mata ko.

He suddenly chuckled, kissing my cheek swiftly and sat beside me.

"Kaya love na love kita," hagikhik niya.

Those moments are one of the memories I cherished the most. It was one of the most beautiful moments in my life...meeting my husband.

"Seriously, Jer? I won't fall." Natatawang bulong ko sa asawa ko.

He groaned a bit, opening his eyes to glance at me. Namumungay ang kanyang mga mata, ang kamay ay marahang humaplos sa aking likod habang nakanguso.

"I rarely got mornings like this," he whispered, wrapping me tightly on his arm, lowering his head to kiss my lips.

"Hmm?" I kissed him softly back and stared at him. "I don't get it."

"Just...you, wrapped in my arms. Palaging nagigising akong nasa kabilang dulo ka ng kama, Harriet."

I laughed, kinurot ko ang ilong niya. Ipinikit niya ang mga mata at marahang humalik sa kamay ko.

"Kaya binalot mo na ako sa yakap mo?" I asked.

"Sa ating dalawa, parang mas clingy ako, hon." Ungot niya.

I laughed more, raising my hand to brush his hair softly, his blue eyes glistening, looking so amused yet sleepy.

"Magulo ba talaga akong matulog?" Tanong ko.

He nodded, nang ibaba ko ang kamay ay muli niyang inabot at ibinalik sa buhok niya kaya sinuklay ko ulit iyon gamit ang daliri ko.

"Pampam mo ako, Lena." He murmured.

I chuckled, hinampas ko siya at ngumisi lang siya bago yumakap.

"Ano ka, bata?"

"Baby mo ako," bulong niya. "Malalaki na ang mga bata kaya ako na ulit ang baby mo."

"Baby damulag kamo, Sandejas." Tumawa na ako sa naisip.

He chuckled too, niyakap ko siya pabalik at sa sumiksik ako sa kanyang leeg.

He sighed deeply, kissing my hair and touched my back.

"I love you, hon. Good morning." He whispered.

My heart thumped, kahit ilang taon na kaming magkasamang dalawa at may apat nang mga anak ay hindi pa rin nawawala ang malakas na pagkabog ng puso ko kapag ganito ang asawa ko.

"Yeah, kahit pinuyat mo ako." I mumbled.

Humagalpak siya ng tawa.

"What? You're insatiable, habang tumatagal parang mas nababaliw ako sa 'yo, Lena."

I snorted, bumungisngis siya at pinaraan ng halik ang labi ko.

"You? Do you love me, hon?"

"Seriously? Apat na ang anak natin, Jer. Magka-college na si Iñigo, tinatanong mo pa 'yan?"

"Of course," his lip twitched. "Just say it."

I placed a smack on his lips.

"I love you," bulong ko sabay ngiti.

He froze, nahuli ko ang pagkurap at ang pagpula ng pisngi kaya ngumisi na ako. I smacked his arm when he looked away shyly.

"Namumula ka pa rin?" hinuli ko ang mukha niya.

"W-What? Masama kiligin?" I burst out laughing, pinching his cheek.

"Mommy! Daddy! Wakey-wakey!" I heard the loud knock on the door and the voice of my youngest one.

Nagkatinginan kami ni Jer, sabay na napatawa at marahan niya akong pinakawalan.

I went immediately to the bathroom to fix myself, nang pormal na ako ay lumabas at naabutan ang mag-ama ko sa kama.

I chuckled when Zidney screamed.

"Daddy! No! It tickles!" She exclaimed.

"Really, huh? What did you brothers tell me? May pumoporma sa 'yo? Sino 'yan, huh?" He teased.

"Wala, dad!" Zid exclaimed and laughed when she saw me. "Mom! Help! Dad's tickling me!"

I laughed, pinitik ko ang tainga ni Jer kaya napatigil siya sa kalokohan sa anak.

"Stop it," I chuckled.

"May nanliligaw sa prinsesa ko, Lena." Himutok niya.

"Come on, dad. It's just an admirer." Zidney murmured, her black eyes shining.

"Kahit na, saan iyon mapupunta, huh, princess? Sa boyfriend? Alam mo, anak, bata ka pa—"

"H'wag mong igaya sa 'yo ang anak mo, Ejercito. Hindi 'yan magbo-boyfriend pa. Ikaw nga, bata ka pa lang nambababae ka na."

"Excuse me?" tumaas ang kilay ni Jer.

Napasigaw ako sa gulat nang hatakin niya ako paupo sa kanyang hita.

Zidney laughed, staring at us.

"Ikaw nga lang ang girlfriend ko!" He hissed.

"Pero may mga babae—"

"They liked me! Not the other way around ikaw lang gusto ko, Lena. Manhid ka lang kaya hindi mo dama—"

"Aba..." I smacked his arm.

He smirked, niyakap niya ang aking baywang at nagsumiksik sa leeg ko.

"Love na love ko talaga 'to si Harriet, 'di ba, princess? Love natin si mommy?"

"Opo!" Her eyes smiled too when she nodded enthustically.

Nakangiting tumingin ako sa bunso ko at pinaling ang ulo ko.

"Why, princess? You hungry?" I asked.

"Not really pero...may ibibigay po kasi ako."

I nodded, sumilip ang asawa ko sa balikat ko para tignan din ang anak.

"What is it, princess?" he asked.

Zid bit her lip, mula sa may gilid ay may kinuha at inabot sa amin. I curiously took it, dumungaw din si Jer sa balikat ko at umawang ang labi ko nang makita kung ano 'yon.

"Wow..." I muttered.

It was a simple family drawing, lapis lang ang ginamit at halatang madalian pero ang ganda-ganda nang pagkakagawa.

We we're sitting in a chair. Magkatabi kami ni Zid at sa likuran namin ay ang mga lalaki.

"Ang ganda," my husband murmured, lifting his gaze at his daughter.

"When did you drew this, princess?" He asked.

"Uhmm, last night po." She smiled. "I was bored and I drew that, nanguha ako ng mga picture n'yo sa album."

Bumaba ako sa hita ng asawa ko at lumapit kay Zid.

She chuckled when I hugged her, yumakap siya pabalik sa akin at humalik ako sa pisngi niya.

"You made me so proud, princess. You're really good in things like this." I murmured.

"Saan ka kaya nagmana, prinsesa?" singit ni Jer.

"Uhmm...I don't know? Mommy hindi po ba kayo nagdo-draw? Pati si Daddy?" She asked, her eyes resembled mine the most.

"I'm good at designs—"

"Ako, magaling ako mag-drawing, 'nak," ngisi ng asawa ko.

I froze, eksaherada ko siyang nilingon at kumurap siya sa akin.

"Hmm? Right, Harriet?" He smirked.

"Baka ipaalala ko sa 'yo 'yong portfolio mo dati, Atty. Sandejas?" I hissed.

He stopped upon remembering something, slowly, the smile faded as he chuckled awkwardly.

"Si Lena naman hindi mabiro—"

"Oh, Daddy sucked at drawing, Mommy?" My princess exclaimed.

Namilog at eksaherada na naman ang asawa ko.

"Hindi kaya, princess—"

"Yes, Zid. Magaling lang 'yang tatay mo magpakilig pero hindi siya marunong mag-design at drawing." I murmured.

Zidney laughed, napasinghap naman ako nang tusukin ni Jer ang baywang ko kaya pinalo ko siya.

"Ejercito!"

"You're bullying me!" He sulked.

I laughed, niyakap ko siya at hinalik-halikan sa mukha.

"Hindi ka man magaling sa drawing, panalo ka pa rin sa puso ko." I winked.

It made his jaw dropped, humagalpak pa lalo si Zid at maya-maya'y nakasilip na 'yong tatlong lalaki sa kwarto.

"Ay, iba si Mommy! Talo ka, Dad!" Zeijan exclaimed and laughed.

Ngumisi ako, humalik sa asawa ko bago tinawag ang tatlo.

"Come on, boys, look what our princess drew. Ang galing-galing!" Bida ko.

Zidney blushed when her brothers rushed towards us to check her drawings, inulan ng papuri sa mga Kuya kaya nahihiya.

"You're really great, princess." Iñigo greeted with a smile on his face.

"Thank you, Kuya!" She smiled.

"Sa 'yo na ako papa-drawing," ngisi ni Dash doon.

"Sus, pakitaan ko kayo ng drawing ko—" Bida ni Zeijan na kaagad hinagisan ni Jer ng unan.

"Zeijan," he warned,

Zeij laughed, napatawa kami lahat nang kunin niya ang unan na hinagis sa kanya ng ama at hinagis pabalik. Sumapol sa mukha ng asawa ko.

"You brat!" Jer exclaimed.

"Mana lang po sa 'yo, Attorney!" Hagalpak niya.

Napailing ako sa kalokohan nila, nilingon si Zid na may matamis na ngiti sa labi.

I slowly hugged her and took her drawing from his Kuya Dash.

"Boys, listen," I said.

Natahimik 'yong apat kong lalaki at nilingon ako.

"I want to have a portrait like this," I said, showing them the drawing. "Tapos lagay natin sa sala, malaking picture dapat."

"I'd love that!" Zid giggled.

"Alright, Mom." Iñigo smiled.

"Ay, gusto ko 'yan, pang-hacienda 'yang ganyan." Bida ni Zeij. "Tapos, sa gilid ko si Kuya Raf at Dash-beybe, gitna ako kasi ako ang pinakagwapo."

"Sa akin ka nagmana, Zeijan Ruais." Ngiwi ni Jer. "Kaya gwapo kayo kasi sa akin."

"Excuse me, contributor din ako!" I interrupted. "Papaalala ko lang na beauty queen ako."

"Sorry, my queen." Jer smirked and pretended to be bowing kaya natawa ako at pinalo siya.

"Edi hati kayo sa amin?" Zeij asked.

"Oo," bida ng asawa ko.

"Uh, so, nagmana ako sa inyo?" aniya.

"Hindi sa Daddy mo lang," turo ko kay Jer.

"Hindi, kay Mommy Lena lang!" he exclaimed.

"So nagtutulakan na kayo?!" ngiwi niya at natawa na ang mga kapatid niya. "Kanina nag-aagawan kayo tapos no'ng ako ayaw n'yo na!" He sulked.

"Joke lang, mahal ko." I giggled. Tinabihan ko siya at hinalikan sa pisngi.

Zeij pouted, hugging me a bit and kissing my cheek.

"I love you, anak," I whispered softly. He glanced at me and grinned, his eyes resembling his father.

"Edi, 50/50? Combination n'yo siguro ako ni Daddy 'no?" aniya.

I bit my lip, napaubo si Jer at ngumawa na naman ang anak ko.

"Mammeh nga!" he whined.

"Oo nga," I laughed.

Mas niyakap ako ng pangalawa ko at napailing na ako nang hinarap niya ang mga kapatid at biglang dumila.

"See this? Yakap ako ni Mommy! Sinabihan n'ya 'kong I love you! Ako ang favorite niyang anak!" Pagbibida niya.

Natawa na lang ako nang yakapin ni Jer ang tatlo kong naiwan doon.

"Love kami ni Daddy!" They exclaimed.

Nailing ako, humiwalay kay Zeij bago siya hinila palapit sa mga kapatid niya.

Jer pulled me closer, naupo ako sa hita niya at nakigaya rin si Zeij.

"Paupo rin, hon!" He teased my husband and the room was filled with laugher again when they fought like kids.

***

PAKITANG-GILAS NA naman 'tong Sandejas na 'to.

"Daddy, kapag nalaglag 'yang pancake, bahala ka." Ngiwi ni Zeij habang ang tatay niya ay nagluluto at inaangat pa ang kawali para lumipad ang pancake niya.

"Hay naku, Jer," ngiwi ko.

"Kaya ko nga," he chuckled and maneuvered the pan. Matiwasay niyang napaangat sa ere ang pancake.

"Luh, gwapo ka, dad?" Zeij murmured.

He was barefoot, only wearing his dark maong jeans and his upper body is naked. Nakasuot pa ng apron na pink ang may saltik kong asawa.

"H'wag kayong magulo, inaakit ko si Mommy Lena." Ejercito murmured with a large, foolish grin on his lips.

Iñigo suddenly coughed on the coffee he's drinking, mabilis na tinakpan ang tainga ng bunsong kapatid na kumukurap lang at umiinom ng gatas.

"Ejercito!" I hissed and rolled my eyes.

Dash just grinned, si Zeijan naman ay nanlaki pa ang mata at nagpapalit-palit ang mata sa aming mag-asawa, marahang tinatakpan ang bibig ng palad, nagpapanggap na naeeskadalo.

Napapikit ako ng mariin ang sinapo ang noo.

I eyed Jer sharply. He chuckled, tumalikod at muling nagluto ng agahan roon.

"H'wag n'yong pansinin ang tatay n'yo, kulang lang sa tulog." I murmured, sipping on my coffee quietly.

"Pinuyat mo kasi ako kagabi, hon—" Sa irita ko ay hinablot ko ang hinubad na shirt ni Ejercito at tinapon sa kanya.

He gasped and suddenly laughed.

I rolled my eyes, tumayo sa stool at nang makalapit sa asawa ay kinurot ng kanyang baywang.

He screamed.

"Hon! Aww!" He gasped. I slapped his arm pero sa halip na manahimik ay natatawa siyang inabot ang baywang ko at hinuli ang kamay ko.

"Ano ba..." I groaned.

He laughed, walang hirap na niyakap ang baywang ko mula sa likod at iniharap ako sa kanyang mga anak na ganoon ang ayos.

I saw my youngest giggling, nangingisi ang Dash at Iñigo at nang sumulyap ako kay Zeij ay nanlalaki pa ang butas ilong nito kaya napatawa na ako.

"Dad, you should really get a room or something—"

"Baka gusto mong ibalik kita sa sinapupunan ng Mommy mo?" Jer fired back.

Nagtawanan ang mga kapatid niya, sumimangot si Zeij at sumulyap sa akin, nagpapa-cute.

"Mammeh, save me! Inaaway ako—"

"Muntik ka nang mapa-abort,' nak." I teased with a sweet smile.

He froze again, mas lumakas ang tawanan sa kusina at ang halakhak ni Jer sa tainga ko ay ang pinakamalakas.

Kinurot ko ang braso niya, natatawang niyakap niya akong lalo at pinatakan ng halik ang pisngi ko at mahinang bumulong.

"I love you so much, Harriet ko. Thank you for giving me this wonderful family." Suyo niya.

Continue Reading

You'll Also Like

567K 16.1K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
1.2K 282 61
Ang Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
168K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.