I'm done chasing you

By Anthony_Shadow

54.2K 1.4K 126

Hindi kagaya ng iba na lalake ang naghahabol ay iba ang situation nila Axel At Elaine. 4 YEARS ng Hinahabol n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHapter 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80 FINALE
Authors Note

CHAPTER 9

890 22 0
By Anthony_Shadow

ELAINE'S POV
Laking Gulat ko nang si Timothy.... si Timothy yung nag doorbell. Nakangiti tong tumingin sakin.

"Timothy anong ginagawa mo dito?" Takang Tanong ko naman sakanya.

"Wala naman bumisita lang, bakit masama ba?"

"Hindi naman, pero Hindi ko Lang kasi inexpect na pupunta ka Dito ngayon." Sagot ko naman. "Wala ka naman kasing binangit kagabi Eh." Dagdag ko pa

"Nakalimutan ko sorry , Kung ano ano kasi pinagkwentuhan natin hahahha." Natatawang Sabi nito.

"Ahhhh."

"May kasama ka ba?" Tanong naman nito. Sasabihin ko ba na si Axel kasama ko?

"Meron... um kaibigan ko." Maikling sagot ko. Hindi ko na sinabe sakanya na si Axel ang kasama ko, kasi mamaya kung ano pa isipin nito. Nagkwkwentuhan pa kaming dalawa ko Timothy sa may Pintuan. Nang Biglang.

"Si Sam At Jane?"

"Uhhh.... hindi si——-"

"Elaine bat ang tagal mo? sino ba yang kau——-" Hindi na natuloy ni Axel ang sasabihin nang nagkatitigan sila ni Timothy. Para naman akong baliw na palipat lipat ang tingin sakanilang dalawa.  

"Hoy!" Malakas na sabi ko. Nahinto naman ang pagkakatitigan nila, pero sumimangot yung itsura nung dalawa.

"Ohhh so siya yung kasama mo." Sarkastong sabi ni Timothy. Na naka ngisi pa.

"Oo, ako kasama niya. Bakit May problema ka ba dun?!" Inis na sabi ni Axel.

"Hmmm, wala naman." Maikling sagot ni Timothy sabay sumandal sa side nag pinto.

"C-Cr Lang ako Elaine, pinause ko muna yung movie." Paalam ni Axel at tumungo na papuntang Cr.

"Ay Sige." Sagot ko naman. Nag simula ng maglakad si Axel paalis na sumulyap pa Kay Timothy, na hinabol naman nito ng tingin. Ano bang nangyayare sa dalawang to May Rivalry ba sila o May away na nangyare?

"Bakit Kasama mo siya?" Biglang Tanong ni Timothy nung makaalis na si Axel.

"Ahhh kwan kasi, pinabantay ako ni mama sakanya. Ewan ko nga bakit Eh."

"Ang Tanda tanda mo na pinapabantay ka parin."

"Eh Trip ni Mama."

"At Bakit siya!? Hindi nalang si Sam o si Jane."

"Kasi swempre matagal narin sila magkakilala ni Mommy, kasi nga diba Friends Parents namin, at diyan Lang sa tapat yung bahay nila oh. Kesa naman sila Sam at Jane eh ang layo ng dalawang yun dito" pagpapaliwanag ko naman, pero Parang hindi parin siya naconvince.

"Ahhhh, so palagi ka niya binabantayan pag Sabado?"

"Hindi naman, first time nga to eh. Kasi usually gumagawa siya ng Kung ano anong paraan para Hindi ako bantayan. Kaya nga gulat akong nakita siya kanina dito eh. Tapos sinabe pa niya na pinabantay ako ni mommy sakanya. Eh Hindi naman to pumapayag Eh." Kwento ko naman.

"Ano namang ginagawa niyo?"

"Wala naman, nanonood Lang ng Movie."

"Anong klaseng movie?" Tanong pa nito. Andami naman nitong tanong ano to Q and A?

"Ah, horror. Gusto mo ba sumali samin?Diba the more the merrier." Pagyayaya ko naman dito.

"Ay Hindi na, nakakahiya naman sainyo."

"Hindi ah, Sige na sumali ka na." Pagpupumilit ko naman sakanya

"Hindi na." Nahihiyang sabi pa nito.

"Halika na." Sabi ko pa at hinila na siya papasok sa bahay at Sinara ang pinto.

"Sabing ayaw diba!?" Inis na sabi nito na sinusubukan pang buksan yun pinto ulit pero pinigilan ko.

"Nakapasok ka na, kaya wag na umarte at halika na." Sabi ko pa, at hinila na siya papunta sa Living room Kung na Saan si Axel. Pagpasok naman sa living room ay nakaupo si Axel at nagcecellphone.

"Axel, ok Lang bang sumali satin si Timothy sa pagpapanood ng movie." Sabi ko naman Kay Axel. Tumingin naman to samin ng parang walang gana.

"Yah sure, why not?" Maikling sagot nito at tumingin ulit sa cp.

"Oh Timothy halika na." Umupo na ako sa tabi ni Axel, at sumunod naman si Timothy. So ang posisyon namin ay ako ang nasa gitna nung dalawa. Tinapik ko naman si Axel. Tinignan ako nito at plinay na ang movie. Halos kakaumpisa Lang rin naman nung Biglang nagdoorbell si Timothy so wala siyang gaano namiss. Habang nanonood ay nakita kong nag cecellphone parin si Axel kaya tinapik ko Ito ulit, Inis naman tong tumingin sakin. Tinuro ko yung Cellphone niya. Nagets nito kaagad yung sinasabe ko, at walang gana naman nitong binaba ang cellphone at tumingin na sa tv.

Habang nanonood kami ay kumakain kami ng mga snacks sa bahay. Si Axel gumawa ng popcorn habang si Timothy naman ay May chips. Ako naman ay nanonood Lang kasi medyo busog pa ako. Horror ang pinapanood namin at pagmay nangyayaring nakakatakot ay Parang Wala Lang sakin, pero pansin ko namang napapapikit tong dalawa. Natatawa naman ako sakanila kasi kalalakeng Tao natatakot sa horror. HAHAHAH. Sa May pinaka nakakatakot na part ay pansin kong umiiwas ng tingin ang dalawa sa Tv. Ang intense at nakakatakot dahil dun sa  background sound. May naisip akong Plano. Ngumisi naman ako at Biglang sumigaw ng pagpapagulat. Napasigaw naman yung dalawa at nahulog pa sila sa Couch. Lakas naman nag tawa ko sa nangyare, baka buong street namin Eh narinig tawa ko.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH." Malakas na tawa ko Pa.

"Why did you do that!?" Inis na tanong ni Axel.

"Bwisit ka Elaine!" Inis naman na sabi ni Timothy. Hindi parin ako huminto sa kaka tawa. Tumayo naman na tong dalawa at umupo na ulit sa couch.

"Kalalakeng Tao, tapos ang Duduwag niyo hahahahahah." Natatawang sabi ko pa. "Sa Horror movie napapapikitpikit pa kayo at napasigaw pa. Hahahahah," natatawang Dagdag ko pa. Tinignan ko naman yung dalawa na mukhang Inis na Inis ang itsura. Hahhahaha ang Kyut nilang pareho tbh. Parang mga bata lang.

"Nakaka inis ka ah." Sabi ni Timothy.

"That was a such a childish move." Sabi naman si Axel.

"HAHAHAH, Sorry na, tinignan ko Lang naman magiging reaksyon niyo Eh. HAHAHAHAH" Inis naman tong dalawa na binalik sa tv ang tingin. Habang nanonood ay nakaramdam na ako ng konting Gutom. Pero pagtingin ko sa table ay wala ng pagkain dun. Napansin naman to nung dalawa at sabay na inabot sakin ang kinakain nila.

"Popcorn?" Sabi ni Axel

"Chips?" Sabi naman ni Timothy. Nagkatinginan naman tong dalawa, kasi sabay nilang inabot sakin ang pagkain. Hindi ko alam kung kanino ako kukuha, kaya ginamit ko ang left hand ko at kumuha Kay Timothy, at ang right hand ko naman ay ginamit ko at kumuha Kay Axel. Nagtuloy tuloy ang movie hangat natapos na namin. Nang matapos na ay tinignan ko ang orasan at 11:30 am na. Kaya tumayo ako. Gulat naman tong dalawa na tumingin sakin.

"Wait Lang oorder Lang ako ng Lunch natin." Sabi ko naman. Biglang tumayo naman yung dalawa.

"Hindi ako nalang." Sabay nilang sambit. Nagkatitigan pa sila at Medyo natawa ako.

"Maupo na kayo at ako nalang." Sabi ko at pumunta na sa kusina at tumawag sa resto at umorder. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa sala. Nakita ko naman na Hindi nag uusap si Axel at Timothy at May kanya kanyang ginagawa. Bumalik na ako sa upuan ko sa gitna nila. At pinunta ang tingin Kay Timothy.

"Timothy susunduin mo ba ako bukas sa school?" Tanong ko dito.

"Ay oo pala..l Hindi ko sure Eh, pero trtry ko pero baka malate ako ah. Anong oras ka ba uuwi bukas?"

"Hindi ko sure pero sabi ni Sam mga 5:00pm daw." Sagot ko naman.

"Ay sige tignan ko nalang ah. Tetextan nalang kita."

"Ako na susundo sayo." Biglang singit ni Axel. Napatingin naman kami ni Timothy sakanya.

"Ay Axel wag na, alam ko namang busy ka eh." Sabi ko naman.

"Hindi, ako na. May pupuntahan rin ako bukas, at pag uwi ko ay madadaan ko yung school kaya ako nalang."

"Sure ka ba?"

"Yah, and ano ba kasi gagawin mo sa school bukas Edi ba Linggo bukas?" Takang Tanong nito.

"Ay kwan mag pa paint kasi kami at Sunday Lang pwede, kasi May ginagawa pa sa school ngayon."

"Ah, ok." Maikling sagot nito at binalik ang tingin sa cellphone. Kaya binalik ko narin tingin ko Kay Timothy na Nakasimangot.

"Oh Timothy, si Axel na daw susundo sakin bukas."

"Sige, your choice."

"Ha? Bat parang galit ka."

"Hindi ah." Pagtatangi nito. Nagkwentuhan pa kami ng Biglang May nagdoorbell.

"Ay andiyan na yung food." Tumayo na ako at dumertsyo sa Pintuan. Pag bukas ko ay tama nga ako kinuha ko na yung bit bit ng delivery guy at binayaran na to. Pag Sarado ko ng door Ay May biglang kumuha ng bitbit ko.

"Ako na." Sabi ni Axel. Dumeretsyo na kaming tatlo sa kusina at kumain na. Nagkwentuhan pa kaming tatlo ng konti pero ang seryoso nitong dalawa. Parang kanina Lang rin ang pwesto namin ako sa gitna nila, Wala man lang umupo sa kabilang side. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na kami. Sabi ko ako na ang maghuhugas ng Plato kasi bisita ko sila, pero nagpumilit si Axel at sa huli siya ang nag hugas ng mga ito. Pagkatapos namin magligpit at maglinis sa kusina ay nagpaalam na ang dalawa at umalis na sila.....

TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE

Continue Reading

You'll Also Like

726K 14K 40
Simple lang naman ako NOON eh. Pero simula no'ng hinabol ako at nalaglag sa bangin. Everything changed, my life,
115K 3.6K 110
Christlie Kate Montenegro. The gangsters bestfriend. Ang babaeng magpapatiklop sa pinakamataas sa gang world. Ren Ethan Morris. Clashers leader and t...
738K 20.3K 84
They were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to...