ELAINE'S POV
(Received) 11:30 "Matulog kana. Makikita mo pa naman ako bukas eh. Kaya wag ka mag papuyat kakaisip sakin." Nagulat ako nang mabasa ko to. sino kaya to? Tinignan ko pa yung number pero Hindi ko Alam kung kanino ito.
(Sent) 11:35 "Uhhh.... Sino To? At pano niyo nakuha Number ko?"
(Received) 11:37 "Eh. Sino pa ba Edi ang Kaisaisang Gwapo sa Mundo." Ahhhh alam ko na Kung sino to.
(Sent) 11:39 "Timothy. Pano mo nakuha number ko?"
(Received) 11:40 "Binigay ni Sam kaninang uwian." Bwisit talaga yun. Hindi man Lang Ipaalam sakin na bibigay number ko sa lokong to.
(Sent) 11:42 "Bwisit talaga yun, Hindi man Lang nagpaalam. At bakit mo naman ako Minessage?"
(Received) 11:45 "Wag ka magalit sakanya. Umalis ka kasi kaagad kaya Hindi ko nakuha Number mo. At anong masama na emessage kita." matutulog na dapat ako eh nagtext pa to.
(Sent) 11:48 "at bakit mo naman gusto kunin Number ko?"
(Received) 11:51 "Wala Lang, masama ba Kung kunin ko Number mo. Eh diba Sabi mo 'Close Friends' tayo kaya siguro naman May karapatan akong kunin number mo." Bwisit to ah.
(Sent) 11:53 "ok Lang naman kunin mo number ko. Pero ang late mo naman magtext matutulog na dapat ako eh." Inis na reply ko naman sakanya.
(Received) 11:56 "eh Bakit kasi Gising Kapa?" Eh ikaw kasi Eh. Hindi kita matangal sa isip ko. Tss.
(Send) 11:58 "uh wala Lang. May iniisip Lang ako kaya Hindi ako makatulog."
(Received) 12:00 "Siguro ako iniisip mo no. Hahahahhah." Lakas ng Pakiramdam nito ah. Pero Oo ikaw ang iniisip ko. Bwisit ka kasi Eh. nalilito ako dahil sa mga ginagawa mo.
(Sent) 12:03 "Feeling Ka talaga."
(Received 12:05 "Totoo naman diba? Na ako iniisip mo." Medyo na tulala ako at Hindi alam ang erereply. Kasi tama siya eh. Siya ang iniisip ko. Kanina pang Lunch simula nung umalis na siya.
(Received) 12:08 "Oh. Bat Hindi ka makasagot. Kita mo, Totoo hinala ko hahahha." Piling ko ngumingisi pa to. Loko to ah. Eh bakit ba kasi Hindi ko siya matangal sa isip ko? Bakit puro siya nalang?
(Sent) 12:11 "Hindi Ah." Pagsisinungaling ko.
(Received) 12:13 "wehhhhhhh, Hindi ba talaga?" Pang aasar pa nito. Bwisit talaga tong lalakeng to.
(Sent) 12:15 "Oo na, Oo na, ikaw ang nasa isip ko. At Hindi ko alam bakit Hindi kita matangal Sa isip ko. Puro Ikaw nalang at Wala ng Iba." Pag sasabi ko naman ng totoo. Bwisit to napaamin talaga ako.
(Received) 12:18 "Masmagandang ako nalang iniisip mo. Kesa sa mga walang Kwentang Tao diyan sa paligid mo." Medyo Nagulat na napangiti sa sagot nito.
(Sent) 12:20 "Salamat ulit sa lahat ah. Sa pag tulong mo sakin sa Mall, sa Pag libre mo sakin ng Dinner, At sa Cake Na binili mo for me kanina. I really Appreciated It"
(Received) 12:23 "Welcome. Wag ka mag alala Umpisa palang yan." Nagulat ako sa sagot nito. Anong Umpisa palang? So that means May kasunod pa? Bakit mo ba ginagawa to? Gustong gusto ko tanong sakanya yun pero Hindi ko kaya. Hindi ako nakapag reply dahil sa kakaisip ko.
(Received) 12:27 "Oh Sige na Matulog kana. 12:00 na oh. At May pasok pa tayo Bukas. Goodnight Elaine."
(Sent) 12:29 "GoodNight rin Timothy." Sagot ko nalang at nilapag na ang cellphone sa tabi ko at natulog na.
~ ~ ~ ~ ~
Pagkagising ko Ay chineck ko kaagad Cellphone ko. Medyo na dismaya ako ng wala itong Text sakin. Wait Lang bakit ba kasi ako umaasa na magtetext ito. Naguguluhan ako. Ginawa ko ang usual na gawain ko. Mag ready for School, Maligo, Kumain then umalis na. Paglabas ko ng Gate Ay Wala pa si Axel kaya nag antay pa ako.
Pagkalipas Lang ng ilang saglit ay lumabas narin ito ng Bahay nila kaya nag para na ako. Kasi ako ang nag para ay nauna na ako sa loob at sumunod naman to. Habang nagbiyabiyahe ay Hindi kami nag usap. Kahit gusto ko man kulitin ito ay masyado ako abala sa iniisip ko. And guess what si Timothy yun. kahapon ka pa ah. Kung ano ano kasi pinaggagawa niya kaya Hindi ko na siya matangal sa isip ko. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na kami sa School. Bumababa at nagbayad na kami pareho. Habang naglalakad papasok sa School ay mag kasabay Lang kami.
"A, Kumusta Ang School?" Tanong ko naman para masira ang katahimikan sa pagitan namin. Sana naman Sumagot ito ayaw ko ng hangin nanaman kausap.
"Naka tayo parin naman, as you can see." Sarcastong sabi nito. Medyo nainis naman ako. Kasi Kung Hindi naman nito sasagotin tanong ko, ang sagot naman nito Sarcastic oh walang ka kwenta kwenta. Bwisit to kahit kailan.
"Kinakausap kita ng maayos tapos ganyan esasagot mo! Bahala ka na nga, Hindi na nga Lang kita kakausapin!" Inis na sabi ko tapos binilisan ang paglakad para maiwan yun. Nang binilisan ko na maglakad ay May Biglang humawak sa balikat ko. Inaasahan kong si Timothy sana yun, pero pagtalikod ko laking gulat ko ng si Axel yun.
"BakIT?!" Inis na sabi ko dito.
"Ok Lang." Biglang sabi nito.
"Anong 'Ok Lang'?" Takang tanong ko naman.
"Yung Pag aaral ko, Ok Lang Hindi naman ako nahihirapan at kakaumpisa palang naman." Walang ganang sagot nito. Wow for the first time sinagot ako ng maayos, kaso walang gana pero atleast maayos naman. Ngumit naman ako.
"Yan, yan ang gusto ko yung sumasagot ng Maayos. ikaw kasi puro ka Seen O sarcasto ang sagot pag tinatanong ko." Walang emotion tong nakatingin sakin. "At ngumiti Ngiti ka nga. Ang Ganda Ganda ng Ngiti mo tapos Hindi mo naman ginagawa." Dagdag ko pa. Pero Hindi parin to ngumiti, kaya tinusok tusok ko ang tagiliran nito. Umiwas naman to pero na kikiliti ko parin. Alam kong Nakikiliti nato Kaso pinipigilan niya.
Ngumiti na to at natawa. Napatitig naman ako sa ganda ng ngiti nito. Yan, yang ngiting yan ang matagal ko nang gustong makita ulit. Ngumiti narin ako dito at nagkatitigan kaming dalawa. Bigla naman nawala ang ngiti nito at umalis nalang bigla. Parang asar na asar or Inis na Inis ang itsura nito. Hindi ko na to sinundan kasi Biglang May humawak sa kamay ko, at pag tingin ko ay si Timothy na Naka simangot.
"Oh bat ganyan ka maka tingin sakin?"
"Tch... diba sabi ko ako Lang isipin mo." Biglang sabi nito.
"Ha?? Ano?" Tanong ko naman kasi Hindi ako makapaniwala sa sinabe nito.
"Wala... magtitime na kaya pumunta ka na sa klase mo. Kita nalang tayo mamayang Lunch." Sabi naman nito at umalis na sa harap ko. Kaya ginawa ko ang sinabe nito at pumunta na sa room namin. Pagdating ko ay kita kong nagkwkwentuhan sina Jane at Sam. Nang makita ako ni Sam ay ngumisi naman to, kaya tinignan ko to ng masama Habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Ano May Textmate ka na. Hehehe" pang asar naman nito.
"Alam mo Bwisit ka! Bat mo binigay kay Timothy Number ko nang walang Paalam sakin!?" Inis na sabi ko
"Eh. Umalis ka na daw kasi kaya Hindi niya natanong sayo, kaya ako nalang nagbigay." Sabi nito Inis ko parin tong tinignan. "Parang pag ikaw tinanong Hindi mo bibigay number mo. Maka arte ka Wagas. Hahahah." Sabi nito na natawa naman si Jane
"Kahit... masmaganda pag sakin Galing kasi 'Number' ko yun Hindi sayo."
"Daming Complain teh. Eh Past is Past na nga." Sabi nito magsasalita pa sana ako nang Biglang dumating na si Miss kaya nag ayos na kami at naghanda para sa klase. Naging Normal ang sunod sunod naming klase.
~ ~ ~
Lunch nanaman at natandaan ko yung sabi ni Timothy na sasabay ulit siya. Kaya umalis na kami ng mga kaibigan ko at tumungo na sa Canteen. Pag dating namin ay kitang kita ko pa na nakikipag harutan sina Kiara at Axel sa isat isa. Kaya nilampasan Lang namin sila at bumili na ng pagkain. Kasi Wala pa si Timothy ay naisipan kong bilihan ito. tinulungan ako nila Sam at Jane na Buhatin mga pagkain na binili ko, kasi pang dalawang tao ang binili kong pagkain. Pagkaupo namin ay nilabas ko na Cellphone ko at tinext si Timothy.
[To: Timothy]
(Send) 12:36 "Timothy Asan kana andito na kami sa Canteen."
(Received) 12:38 "Malapit na saglit nalang May tinapos pa kasi ako."
(Send) 12:41 "Sige, dumeretsyo kana sa table namin ah. Kasi binilihan na kita ng Pagkain mo."
(Received) 12:43 "sige, sige. Salamat ah. Ang sweet mo naman hahah." Piling ko ngumingisingisi pa to habang nagtetext.
(Send) 12:45 "Tss.... Basta bilisan mo ah mamaya hindi na mainit to."
(Received) 12:48 "Opo Ma'am. Para sayo heheheh."
Hindi ko na siya sinagot pa at binababa na ang Cellphone ko. Pagkalipas ng ilang saglit Lang ay dumating na si Timothy at dumeretsyo na sa tabi ko. Ngiting ngiti naman tong tumingin sakin pagkaupo.
"Sweet mo talaga inantay mo pa akong Dumating bago mag umpisa kumain." Pang asar pa nito. Nagtuloy tuloy ang lunch at nagkwkwentuhan kaming Apat nila Timothy, Jane at Sam. Puro pang asar naman sina Sam at Timothy sakin. Si Jane naman support hahhah. Pagkatapos ng lunch ay nagpaalam na kami Kay Timothy at pumunta na nang room. Naging normal klase namin hangang uwian na.
~ ~ ~
"Oh Sige Mauna na ako, at mamaya inaantay na ako ni Axel." Paalam ko kina Sam at Jane. Pumunta na ako sa gate at inantay si Axel. Pagdating nito Nakasimangot nanaman. Nag para na ito nang tricy at sumakay na ako at sumunod naman ito. Nang maguumpisa na sana sa pagandar ang tricy ay...
"Hindi ka man Lang ba mag papaalam sakin bago umalis?" Biglang May nagsabi, napatingin naman ako sa gilid at kita ko si Timothy na naka simangot rin.
"Ay... Timothy Alis na ako ah. Hindi na ki——" Hindi ko naman natuloy pa ang sasabihin ko nang biglang.
"Kuya Alis na tayo." Biglang singit ni Axel. Napatingin naman ako dito. "Kung gusto mo pa siyang kausapin ay bumaba kana. Kasi ako Uwing uwi na ako." Inis na sabi nito.
"Hindi na, oh Sige Timothy alis na ako Byeee." Paalam ko dito.
"Bye. Text tayo mamaya ah." Nakangiting sabi nito.
"Sure... Byee. Oh Sige na kuya alis na po tayo." At sumunod naman si kuya at pinaadar na ang Tricy. Hindi na kami nag usap ni Axel habang nagbibiyahe, pero Halatang halata ko na parang Inis na Inis ito. Pero Hindi ko nalang pinansin. Nang dumating na kami ay Bumaba at nagbayad na kami, at pumasok na sa sariling bahay. Kita ko naman parang walang gana at nakasimangot tong pumasok sa bahay nila. Pumasok na ako at dumeretsyo na sa Kwarto.
TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE