Her Voice

By bokukwags

1.1K 45 21

A story about a boy who only have HER VOICE in his head for him to find this one special girl. Can he find hi... More

Prologue
Chapter 2

Chapter 1

427 19 13
By bokukwags

Anna's POV

"Annaaaaaaaaa!!!" sigaw ni mama sa akin. Tinalukbungan ko ang sarili ko nang aking pink na kumot.

"Ma, 5 minutes na lang puyat po talaga ako." sabi ko kay mama.

"Anna sa kahihingi mo ng 5 minutes na yan naka isang oras ka na. Bumangon ka na dyan kung hindi-- hindi ka makakain buong araw." banta sa akin ni mama at para namang alarm clock ko yun at nagising ako.

"Mama hehe. Anong pagkain? Gutom na ako e." agad kong bati at sumapol sa maganda kong mukha ang uniporme ko.

"Ikaw bata ka pagkain lang pala makakapagpatayo sa'yo. Tumayo ka na dyan at maghanda para sa pagpasok mo." Ayun iniwan ako ni mama sa kwarto. Baka akala niyo masungit si mama hindi naman, makulit lang talaga ako. Nga pala di pa ako nagpapakilala no? Ako si Anna Ferrer 4th year high school sa St. Claire Academy (SCA) Don't get me wrong hindi kami mayaman, scholar lang ako kaya ako nakakapasok sa mamahaling school na iyon. Kami na lang ni mama dalawa ang magkasama ngayon yung papa ko? Ayun nasa ibang bansa kasama ang bago niyang pamilya. Never ko pa siyang nakausap o nakita man lang. Ang alam ko lang koreano si Papa kaya mukha akong koreana. Therefore you can conclude na maganda talaga ako. Hahahahaha!

Ang kinabubuhay naman namin ay ang karinderya ni mama malapit sa may palengke. Ako naman part time singer sa may Galaxy Club malapit sa may Monfort. Wala akong problema don sa trabaho ko dahil sa akin naman naka depende yung sched nang kanta ko. Tsaka pinsan kasi nang best friend ko yung may-ari nun. Susko! Crush na crush ko yun si Sir Drake. Hihi! Pogi, mabait, matalino at mayaman pa. Hahaha! Kaso may girlfriend na e.

"Ma anong pagkain?" Agad kong tanong pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

"Nagluto ako ng champorado--"

"Talaga Ma? Paborito ko iyon." Masayang sabi ko at agad akong umupo sa tabi ni mama.

"Anna ako wag mong pinaglololoko kasi kahit ano namang ihain ko sa'yo ay paborito mo." Sungit sa akin ni mama.

"Hmp. Ang sungit mo naman Ma. Eh masarap naman talaga lahat ng niluluto mo e." At sinimulan ko na ang pag kain.

"Nak, iyang gitara mo ba ay araw araw mo talagang dadalhin? Hindi kaya makakasama iyan sa balikat mo?" Alalang tanong ni mama.

"Eh Ma, alam mo namang ayan lang libangan ko e, atsaka wag kang mag-alala si Ja naman nagbibitbit nyan pag nasa school kami e. Hahaha!" sagot ko.

"Si Jared na naman. Nako hindi na ako magtataka kung isang araw magiging kayo na lang ni Jared. Aba gwapong bata ang best friend mo Anna." Sabi na naman ni mama. Oo, NA NAMAN, lagi niyang sinasabi iyan pero kung ako ang tatanungin isang malaking N O ang sagot ko. Hahaha!

"Ma pumuti man ang uwak, tumanda man si Peter Pan o tumalino man si Patrick star hinding hindi magiging kami ni Ja. Hindi ko pa nakikilala ang lalaking sasagutin ko ng 'OO, tayo na' at paglalaan ko ng aking puso." monologue ko habang kumakain. Si Mama naman binigyan lang ako ng isang malisyosang tingin. Nanay ko ba talaga to? Hayy.

"O sige na. Mauuna na ako at may lulutuin pa ako sa karinderya mag-iingat ka ha?" at niyakap na ako ni mama.

"Oo naman. Yes! Ako pa ba? I'm Anna 'maganda' Ferrer, I can handle myself very well." biro ko. Umalis naman agad si mama at saktong pag-alis niya may demonyitong tumatawag sa akin mula sa labas.

"Anna'ng Biik~" agad kong binato yung lalaking hinayupak na bumababoy sa maganda kong pangalan.

"Hoy Ja. Anong biik? Wanna die now?" sigaw ko sa kanya.

"Ang cute mo kasi ngayon mukha kang biik tapos may pa kulay kulay ka na pala ngayon nang buhok ah? Nagdadalaga na ata ang best friend ko HAHAHAHAHA!" asar niya sa akin at hinaplos haplos ang buhok ko. Bagong gupit kasi ako. Ang cute naman ng kulay nang buhok ko e ToT epal lang talaga to si Ja.

"Kung ako mukhang biik ikaw naman mukhang isda galunggong, bangus, tinapa, tilapia, goldfish, basta lahat ng klase ng isda kamukha mo." ganti ko sa kanya bigla naman siyang tumingin sa relos niya.

"patay quarter na. Ano dito na lang ba tayo? Mag-aaway na lang tayo? Sana pala di na kita sinundo." dahil sa sinabi niya agad naman akong napatakbo sa loob ng bahay at kinuha ang aking mga gamit pati na ang pinaka mamahal kong gitara. Pagkatapos sinara ko na din ang mga bintana at pinto.

"Sorry na Ja. Ikaw naman nagsimula e. Wag kang mag-alala pag nalate tayo mag- bestfriends parin tayo sa hirap at ginhawa fighting!" sabi ko

Habang nagdadrive siya. Kinakalikot ko yung bag niya. Hahahaha!

"Ano bang kinakalkal mo dyan Anna?! Mamaya kung ano pa makita mo dyan!" sabi niya habang nagdadrive.

"Shh! Manahimik ka dyan!!! Wag mo akong pakialamanan. Yes!" at inilabas ko na yung kanina ko pa hinahanap.

"Tss. Patay gutom." binelatan ko na lang siya at sinimulan nang kainin yung chocolate na nakuha ko.

"Uhmm.. Sarap nito! Sang bansa naman kaya ito galing ngayon?" tas tinignan ko yung tatak. "Waaaaah!!! Galing Switzerland!!! Nakauwi na si Tito at Tita?!" agad na tanong ko.

"Yeah. Kagabi lang. May mga uwi pala sila sa'yo daanan mo na lang mamaya bago ka umuwi." parang pumalakpak naman ang tenga ko. Yes! May uwi sila sa akin. Huwaaaaah!! Ang bait talaga nang pamilya ni Ja sa akin.

Ang swerte ko talaga sa best friend ko. Si Jared Kyle Villanueva ang isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko, kahit lagi niya akong pinepeste. HAHAHA! Hindi ko nga akalaing magiging magkaibigan kami. Bakit? Ang estado namin sa buhay ay sobrang magkalayo. Parang langit at lupa ang dating pero kahit ganun ay hindi iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin.

Well, hindi naman maiiwasan na may umaaway sa akin bukod kasi sa isa ako sa pinakamahirap na nilalang sa SCA ay ang aking pong kaibigan ay ang 'Prince Charming' kuno nang school. Edi syempre, habulin nang chicks ang lolo niyo. Yung iba inaaway ako kesyo ginagamit ko lang daw si Ja sa fame, money, etc. Yung iba naman nakikipagplastikan sa akin para naman ilakad ko sila kay Ja. Sa totoo lang pwedeng pwede kong ibugaw itong si Ja. Hahahaha! Kaso minsan nakakaawa naman siya kapag sinusundan siya nang mga girls kaya.... Tsaka ko na siya ibubugaw kapag gipit na talaga ako. Hahaha!

---------
"Patay tayo. Late na tayo kay Momzilla." sabi ni Ja sa akin habang tinatakbo namin ang daan paakyat sa room.

"Huuu! Whooo! C-Chill ka lang. A-akong bahala sa k-kanya." sabi ko habang humihingal.

"Tsk! Dapat lang." sabi niya at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

*******

"Ferrer, Villanueva... Late na naman kayo sa klase ko! Kelan ba kayo magtatanda?!" sigaw ni Ma'am. Di man lang muna kami hinayaang huminga ni ma'am, sermon agad? Oh well, that's life.

"Eh kasi ma--"

"Eh kasi po ma'am may banggaan po sa may highway. Buti nga po di kami nadamay e. Nako ma'am grabe yung traffic, halos wala na nga pong galawan e." palusot ko. Lumusot ka please *cross fingers*

"Talaga?! Ay buti na lang pala ay di kayo nasali. Hay nako! Ang mga tao kasi ngayon blah blah blah...." at hindi na ulit kami napansin ni Ma'am dahil nagkwento na siya nang experience niya tungkol sa banggaan. Whooo! Success!

Nag-apir naman kami ni Ja at naupo na sa kanya kanya naming pwesto.

"Ang lupit mo talaga gumawa nang palusot Anna." bulong sa akin nang katabi kong si Troy.

"Anong palusot? Uy toto--"

"Kadadating ko lang din. Mga segundo lang siguro ang pagitan natin o gawin na nating isang minuto. Sa may highway din ang daan ko at wala namang aksidente dun e. Edi sana pati ako na'traffic. Hahahahaha!" agad na nanlaki ang singkit kong mga mata.

"Shhhh! Wag kang maingay. Please? Bibingo na kami kay ma'am eh." pakiusap ko sa kanya. Ayun nagtatawa si loko. Aish! Minsan pahamak din talaga tong kumag na to e.

*******
Mabilis lang natapos ang oras sa school. Walang masyadong gagawin kaya napagpasyahan kog pumart time ngayon sa Galaxy Club. Isinukbit ko na ang gitara ko....

"Where are you going? Di ka dadaanan sa bahay?" tanong ni Ja sa akin.

"Ay oo nga pala no? Kakanta sana ako sa Galaxy Club ngayon e." sabi ko.

"Oh talaga?! Sama akooooo~" sabi niya.

No choice ako kahit naman sabihin kong ayaw ko ay susunod pa rin naman siya sa akin. Minsan nga iniisip ko... Crush siguro ako nito?! Hahahaha. Joke.

Pinili na lang namin ni Ja na maglakad papuntang Galaxy Club. Medyo malapit lang kasi iyon dito, lalagpasan lang namin ang MIS tapos ayun na.

"Ako na nga kasi magbibitbit nang gitara mo. Pag ikaw nakalas ako papagalitan ni Tita." sabi ni Ja habang nakikipag-agawan sa akin.

"Kulit naman nito oh! Kaya ko nga. Tsk!" sabi ko.

*hila*

*hila*

*hila*

Pak!!!!

Napatigil kami ni Ja sa pagaagawan nang may natamaan kami nang gitara.

"Oh my God Yuan. Okay ka lang?!" sabi nung kasama niyang babae. Nanatiling nakatungo yung lalaking natamaan ko.

"S-Sorry po." sabi ko lalo pa akong nataranta nang mapansing nakasuot sila nang uniform nang MIS. Shete! Mahirap na.

"Steffi..."

"Oh my God Yuan you're bleeding!" sigaw nang babae at nakita kong pumutok nga yung labi nung lalaki at dumudugo.

"No I'm fine." sabi nung lalaki at tumingin sa akin. Kinilabutan naman ako. Mukha siyang papatay ToT

Buti na lang humarang si Ja sa pagitan namin.

"Sorry di naman namin sinasadya." Sabi niya.

Akala ko magtataray yung babae pero ngumiti siya. Hanla! Mukha siyang anghel!!!! "It's okay. Sa susunod mag-ingat na lang kayo para di kayo nakakatama. Right Yuan?" sabi niya.

"Anong oka--" tumigil siya pagkatapos siyang batukan nung babae.

"Aray naman Steffi! Ako na nga nasaktan e." angal niya.

"Yuan Syd Domingo here we are again. Nagpapakaisip bata ka na naman." sabi nung babae.

Uhm? Hindi pa ba kami pwedeng umalis dito? -.-

"Uhm. We have to go. We're really sorry." sabi ni Ja at hinila na ako.

"Seriously?! Nag-away pa sila sa harap natin?" sabi niya. Natawa naman ako.

"Chill lang." sabi ko.

Nakarating naman kami nang buo ni Ja sa Galaxy Club.

"Oh Anna? May kanta ka ngayon?" tanong sa akin ni Kuya Guard.

"Opo. Hehe!" sagot ko.

Sa halos tatlong taon kong pagtatrabaho dito ay kilalang kilala na ako nang ilan sa mga nakatatandang kasamahan ko. Yeap, 1st year palang kumakanta na ako dito kung paano? Jared helped me. Minsan kasama ko din siyang kumanta dito kapag trip niya.

"Anna!"

"Sir Drake!" masayang bati ko. Swerte nga naman talaga oh! Andito si sir. 4th year college palang si Sir pero ang successful na niya. Kaya crush ko yan si Sir Drake eh. Hihi!

"Oh andito pala si Jared e. Kakanta kayo?" tanong ni Sir.

"Opo. May mga customers na po ba?" tanong ko.

"Hmmmm? Maaga pa kasi e. Kami kami palang nang mga kaibigan ko ang nandyan." Weeeeeeh?! Susko ang swerte nga naman talaga! Aba! popogi kaya nilang magkakaibigan. Ay grabeeeeee! Kaso di ko na nakikita si Sir Charlie na kasama nila e. Sayang naman.

*******
10 pm na ako natapos sa kanta ko. Palitan kami nung isa pang singer dun. Tsaka hanggang 10 lang talaga ako dun dahil minor pa lang ako. Hahaha! Hinatid na din ako ni Ja dito sa bahay. Ngayon gumagawa na lang ako nang mga assignments ko.

"A-Aray!!" at napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit >.< ...

"B-Bakit?! Anong nangyari sa'yo Anna?!" tanong ni Mama na halatang nag-aalala.

"N-Nauntog ako Ma. Ang s-sakit." palusot ko. Ayokong mag-alala si Mama sa akin. Dumadalas ang pagsakit nang dibdib ko pero agad din namang nawawala. Siguro naman normal lang iyon lalo na sa edad ko. Siguro nadadagdagan ang dibdib ko. Hehehehe! Kaya dedma lang.

"Ikaw talaga Anna! Pinapakaba mo ako e." sabi ni Mama.

Niyakap ko na lang si Mama "sorry mama. Di na po mauulit." sabi ko.

-------
Chapter 1 done :) naiintriga ba kayo kung sino si Sir Drake? :D go check out my other story (Mr. Cold vs. Mr. Perfect) andun siya :) Anna Ferrer on the MM :)

_xxPARKSxx

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...