Picture of You (season 1 and...

By aril_daine

4M 43.4K 5.1K

noong bata pa si Aldrin... may napulot siyang litrato ng isang babae. then he fell in love..... sinubukan niy... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: SANA TALAGA
CHAPTER 2: HUH????
CHAPTER 3: A DATE TO REMEMBER
CHAPTER 4: SPLIT PERSONALITY
CHAPTER 5: SPICY!
CHAPTER 6: WRONG MOVE
CHAPTER 7: I LOVE YOU RAW
CHAPTER 8: STUDY OR CONFESSION?
CHAPTER 9: Trouble
CHAPTER 10: Nakakapagtaka
CHAPTER 11: Ang Gulo
CHAPTER 12: The Truth
CHAPTER 13: Kailangan ba talaga?
CHAPTER 14: Na-miss lang kita
Chapter 15: Anino
CHAPTER 16: I LOVE YOU
CHAPTER 17: Handa nga ba?
CHAPTER 18: Problema
CHAPTER 19: Hindi ko man lang nagawa
CHAPTER 20: One Hour
CHAPTER 21: TIME MACHINE
CHAPTER 22: LETTER
CHAPTER 23: The real one
CHAPTER 24: Somebody's Heart
CHAPTER 25: Trouble
CHAPTER 27: Smile
CHAPTER 28: The runaway Lena
Chapter 29: Wedding day
EPILOGUE
~~~NOTHING FOLLOWS~~~
Chapter 33: Forbidden
Chapter 34: ~____~
Chapter 35: Last day with her
Chapter 36: time machine
Chapter 1 (season 2)
Chapter 2 (season 2)
Chapter 3 (season 2)
Chapter 4 (season 2)
Chapter 5 (season 2)
Chapter 6 (season 2)
Chapter 7 (season 2)
Chapter 8 (season 2)
Chapter 9 (season 2)
Chapter 10 (season 2)
Chapter 11 (season 2)
Chapter 12 (season 2)
Chapter 13 (season 2)
Chapter 14 (season 2)
Chapter 15 (season 2)
Chapter 16: season 2
Chapter 17: season 2
Chapter 18 (season 2)
Chapter 19 (season 2)
Chapter 20 (season 2)
Chapter 21 (season 2)
Chapter 22 (Season 2)
Chapter 23 (season 2)
Chapter 24 plus ending plus epilogue plus AN

CHAPTER 26: Daga

57.7K 600 39
By aril_daine

CHAPTER 26

"Daga"

Hindi ako pinapansin ni Lady ngayon. Tama nga kaya ako? Ang kasama ni Lady ay ang fiancé ni Lena? Anak ng.

Alam ni Lady na kasama ko si Lena, paano kung sabihin niya? Shete naman oh.

"See? No sign of Lena. Namamalik mata ka lang talaga."

"Alam ko nakita ko siya rito."

She's completely ignoring me.

"Nakita ko siya sa shop na ito." Pagpupumilit ng kasama niya.

Kunwari ay naghahanap nalang ako ng damit para hindi naman ako mapansin. Nakakainis. Mas lamang naman ako ng hindi hamak sa hinayupak na iyan. Mas gwapo naman ako kaysa sakanya, siguro ay mayaman lang siya. Pero hindi naman dapat na ipagkasundo sila dahil lang na kay Lena ngayon ang puso ng dati niyang nobya. Leche.

"Wala nga siya rito, see?" Halata namang aburido na si Lady at mas lalo naman ako dahil leche kung pwede ko lang sapakin ang lalaking ito ay ginawa ko na kanina pa.

"Sa fitting room? Hintayin nating lumabas yung nandyan!" Pagpupumilit niya. Badtrip 'to ah. Sapakin ko na kaya?

"Ano ka ba Raymond! Mukhang kasama ni kuya yung pumasok e."

"Paano kung siya yung pumasok?"

"Girlfriend ko yung pumasok sa loob, may problema ka ba?" Naglakas loob na akong kausapin siya dahil pucha lang.

"Girlfriend mo? Kasi parang fiancée ko ang nakita ko sa loob." Sobrang mapilit na 'to ah. Tapos imbes na tulungan ako nitong si Lady ay umalis pa siya at pinuntahan ang mga sales lady.

"Girlfriend ko nga."

"Kung ganon ay palabasin mo."

"Hindi ba't parang pambabastos na iyan? Nakikita mong pumasok nga sa fitting room para magsukat ng damit tapos papalabasin mo?" Naasar na talaga ako.

Lumapit na ang kumag sa saleslady para magtanong kung sino ang babaeng pumasok sa loob ng fitting room. Kumbinsido talaga siyang tama ang hinala niya. Sana lang ay huwag nang mangialam yung mga saleslady dahil si Lena ang mapapahamak nito. Mukhang obsessed sakanya ang taong ito.

"Yung babaeng kasama nung lalaki, kamukha ba niya ang kasama ko?"

"Hoy, pagsabihan mo yung kasama mo na huwag siyang bastos." Kako kay Lady at talaga namang ipinarinig ko pa sa Kumag na iyon ang sinabi ko dahil naiinis na ako.

"Spicy? Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ko pa para naman maniwala na siyang hindi talaga si Lena ang hinahanap niya.

"Spicy, Masikip yung pants e kuha ka nga ng size 30." Ipit ang boses niya nang sinabi niya iyan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa boses niya o sa size na pinapakuha niya.

"Sir, huminahon po kayo, yung kasama po kasi nung customer namin ay hindi po kamukha ng kasama niyo. Kukuha lang po ako ng size na pinapahanap ni ma'am" Mahinahon na sabi ng saleslady. Halata namang kinasabwat na siya ni Lady kanina. Hindi ko nalang tuloy mapigilang ngumiti.

Saludo na ako kay Lady.

"Kita mo na? It was just your imagination or maybe you're seeing things." Halatang nang-iinis si Lady sa lalaki. "Sorry for troubling you." Hinging tawad ni Lady saakin at nauna nang lumabas yung lalaking kasama niya. Bastos talaga. "Sa susunod mag-ingat kayo ng kapatid ko." Sabi pa ni Lady bago tuluyang lumabas.

"Hoy! Lumabas ka na dyan. Size 30 ka pa."

"W-wala na?"

"Wala na."

Paglabas niya ay bigla niya akong niyakap. Halata naman na natatakot siyang mahuli kaming dalawa. Wala naman talaga siyang dapat ikatakot.

"Aldrin, ayaw ko talaga sakanya."

"Huwag ka ngang kabahan. Kasama mo naman ako e."

Humingi kami ng patawad sa shop dahil maski sila ay napilitang magsinungaling. Bumili na rin naman kami ng damit para hindi naman nakakahiya sakanila at pagkatapos ay umalis na dahil baka makasalubong nanaman namin sila.

Naghanap rin kami ng mauupahang apartment. Yung hindi malayo sa pinapasukan ko dahil una sa lahat hindi ko kaya yung araw-araw na hotel. Pangalawa, baka sa kangkungan na kami pulutin pagkatapos.

Hindi pala biro ang pinasok namin dahil kailangan ko siyang buhayin, Kailangan kong bumili ng mga gamot niya at mag-ipon para sa uupahan. Mabuti nalang at may naipon na ako noon dahil sa part-time job ko. Pero alam kong lagot ako nito dahil LAGOT talaga ako sa nanay ko.

Anong magagawa ko? Mahal ko talaga si Lena. Kung bakit naman kasi kailangang ang daming pahirap ng buhay!

***

"Aldrin! Paano ba magluto?" Problemado niyang tanong saakin. Huminga nalang ako ng malalim dahil kanina pa siya nagpapaturo ng kahit ano saakin.

"Hindi mo talaga alam?"

"Hindi e, hindi naman ako tinuturuan sa bahay. Isa pa nakakatamad kasi." Saka pa siya tumawa dahil sa sinabi niya. Anak mayaman nga naman.

"Ang ganda nitong apartment ano? Buti nalang pwedeng lipatan kaagad. Kaso iisang kwarto lang."

Wala naman akong malaking pera para kumuha ng malaking apartment. Tingin ko ay sakto lang ang suswelduhin ko para sa gamot niya at sa apartment baka nga kulang pa. Wala na kaming pangkain. Buti nalang at kahit papaano ay may mga gamit na sa apartment na ito.

"Maliit man ang apartment, ayos lang at least madali kitang makikita. Okay lang ako kahit saan basta kasama kita. Hindi nila ako makukuha kasi poprotektahan mo naman ako, hindi ba? Hindi mo naman hahayaang mawala ako sayo, diba? Kasi alam kong mahal mo ako at syempre ganun din naman ako." Saka pa niya ako niyakap. Nakakatuwa na sana kaya lang ay nagpiprito ako.

"Lena nagcoconcentrate ako sa pagpiprito!"

"Eeeh! Kahit na!"

"Matatalsikan ka----"

"OUCH!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang kulit kasi.

Hinihipan niya ang natalsikan ng mantika. Hindi naman malala. Konti lang naman. Talsik lang talaga. "Halika nga rito." Hinila ko siya papunta sa lababo para hugasan yung natalsikan ng mantika. Kahit kailan talaga.

"Hindi naman malala e." aniya.

"Kahit pa. Habang ako ang kasama mo kahit kagatin ka lang ng lamok ay hindi pupwede saakin."

"Aldrin naman e! Huwag kang ganyan."

"Bakit?"

"Lalo akong naiinlove saiyo e." Napangiti nalang ako sa simpleng banat niya. Hindi ko akalain na mas magaling pa siyang bumanat kaysa saakin. Pero napapangiti niya ako tuwing ganyan siya. Feeling ko ay wala kaming problemang dalawa.

"Spicy, tingin ko nasusunog na yung ipiniprito mo." Hindi ko sinasadyang magbitiw nang malutong na mura at saka agad napabalikwas para balikan yung piniprito ko. Sunog nga! Mas maitim pa siya sa maitim!

"Ang bantot." Tinakpan pa niya ang ilong niya. "Kainin mo iyan Spicy ah!" Literal na napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Ikaw nakasunog e, sayang naman ang pera na pinambili natin niyan. Teka lang hah? Bibili lang ako ng kakainin ko."

"Lena! Bilhan mo na rin ako!" Pero hindi na siya sumagot. Basta pagbalik nalang niya ay pagkain lang na para sakanya ang dala-dala niya. Hindi ko akalain na seryoso pala siya sa sinabi niya kanina na kainin ko itong nasunog ko. Hindi naman ito edible!

In the end, binigyan naman niya ako ng kalahati sa ulam na binili niya. Mukhang naawa na siya saakin dahil tinititigan ko lang siyang kumain.

Kinabukasan ay iniwan ko na muna si Lena dahil pumasok na ako. Nangako naman siya saaking hindi siya lalabas at maggagagalaw masyado.

"Saan kayo nakatira ng kapatid ko?" Bungad ng nag-aabang na si Lady saakin. Sinadya pa niya talaga ako sa klase ko para lang tanungin ako.

"Kahit pa pinagkakatiwalaan kita ay hindi ko pwedeng sabihin saiyo."

"Fine but please, take care of her. She's fragile Aldrin. Huwag mo rin siyang hayaang lumabas. Kilalang-kilala siya ni Raymond. He's really into her and that sucks! Heto yung ibang gamot niya. Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang saakin."

Maaga naman natatapos ang klase ko kaya pagkatapos na pagkatapos ay nagpunta na ako sa bahay para kumuha ng mga damit ko. Ayokong iwanan si Lena mag-isa dahil baka pagbalik ko ay wala na siya. Ewan ko! Ang labo. Natatakot ako lagi na baka mawala siya. Baka iwanan niya ako ulit.

"Bakit hindi ka umuwi?" Inaabangan pala ako ni mama.

"Wala po. May ginawa lang."

"Ginawa? O tinanan mo si Lena?" Nagulat ako dahil sa tanong na iyon ni mama. "Marahil nagtataka kung bakit alam ko, anak?" seryoso lang siyang nakatingin saakin.

"Ma."

"Don't make any excuses! Nagpunta rito ang mommy ni Lena at ilang araw na siyang pabalik-balik dito!"

"Hindi ko siya kasama!" pagsisinungaling ko pero hindi ko inaasahan ang biglang pagsampal niya saakin. Ang sakit. Ang lakas. Ito ang unang pagkakataon na sinampal niya ako.

"HINDI KITA PINALAKI PARA MAGSINUNGALING ALDRIN!"

Sinabi kaya ni Lady? Hindi. Maaring hindi siya ang nagsabi. Ilang araw pa lang din kaming magkasama ni Lena.

"Hindi kita pinalaking nakikialam sa mga problemang pampamilya Aldrin. Oo gusto ko si Lena para saiyo pero anak, magulang na niya ang tumututol sainyo. Ang tagal na niyan. Kaya nga hindi ko ipinaalam saiyo na buhay pa siya!"

"Alam niyo? Alam niyo pero hindi niyo sinabi saaakin?"

"Don't talk back Aldrin! Nangako ako sa tatay mo na aalagaan kita! Kaya paano mo nagagawa ito ngayon? Anak naman! Tama na. Ikaw lang ang mapapasama sa ginagawa mong ito. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Makapangyarihan ang pamilya nila. Kayang-kaya ka nilang ipakulong." Alam ko naman na nag-aalala saakin si mama kaya lang hindi ko rin kayang iwanan si Lena.

"Mahal ko si Lena ma. At kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwanan. Para sakanila, patay na siya. Bakit ngayong inilalayo ko siya sakanila ay pinipilit nila siyang bawiin mula saakin? Ma! Ni minsan hindi niya naranasan ang buhay. Hindi naman tao ang trato sakanya."

Sa inis ko ay hindi ko na hinintay pa na sumagot si mama. Umalis nalang ako at bumalik na sa apartment.

Pagpasok ko ay nakatambad ang magugulong mga gamit. Kinakabahan ako bigla.

Si Lena.

"Lena?" tawag ko pero walang sumasagot. Shete!

Hinanap ko siya sa bawat sulok ng maliit na apartment na ito pero naktakte! Wala talaga! Dapat yata ay hindi ko siya iniwang mag-isa. Anong gagawin ko? Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!

Agad kong tinawagan si Lady para tanungin sakanya kung nasaan si Lena pero mukhang maski siya ay walang alam kaya naman kahit hindi pa siya tapos magsalita ay ibinaba ko na kaagad.

Saan ko siya hahanapin?

Lalabas na ako nang biglang magbukas ang pintuan.

"Oh? Bakit gulat na gulat ka? Pawis ka rin." Agad ko siyang niyakap dahil kanina pa ako kinakabahan.

"Saan ka ba nanggaling?"

"T-teka hindi na ako makahinga." Pinakawalan ko siya at hinintay pa rin ang sagot niya. "Bumili lang ako ng pagkain." Saka niya itinaas ang isang plastic. "Masama na bang bumili kapag nagugutom?" Nilagpasan niya ako at saka dumiretso sa lamesa. Hindi niya pinapansin ang mga nagkalat na gamit.

"Akala ko kung ano na ang nangyari saiyo."

"OA lang?" Sabi niya saka siya tumawa. "Paranoid ka! Hahahaha!"

"Hindi yun nakakatawa Lena." Bigla nalang siyang nanahimik at mukhang nagsisi sa inasal niya.

"Sorry." Aniya at saka ako niyakap. "Huwag ka na magalit. Sa susunod ay magpapaalam na ako saiyo at lagi kong dadalhin ang phone ko. Sorry, okay? Huwag kang magagalit. Please?"

Isa lang naman ang gusto kong itanong at iyon ay kung bakit magulo ng apartment? Hindi pa naman saamin ang mga gamit dito dahil inupahan lang talaga namin ang lahat ng ito.

"Bakit magulo ang apartment?" Tanong ko sakanya habang inililigpit ko ang mga natumbang kagamitan. Mabuti nalang at isang figurine lang ang nabasag. Baka palayasin kami bigla kapag maraming nasira.

"Kasi Aldrin. Ano. Uhm... Ano kasi may daga."

Napahinto ako sa paglilinis at siya naman ay nahinto sa paghain ng pagkain. "Iniisip ko palang ang hitsura ng daga kanina ay natatakot na ako. Tumambay talaga siya sa sahig kanina tapos nung tumakbo ako ay tumakbo rin siya. Aldrin, ayaw ko sa daga." Naiiyak pa siya nang ikuwento niya saakin ang pangyayari. Tipong parang hinabol siya ng manyak.

Nilapitan ko siya at niyakap. Kawawa naman siya dahil nararanasan niya ang mga ganitong pangyayari.

"Huwag ka ng matatakot, hah? Kasama mo naman ako e." Pero sa totoo lang ay gusto ko nang matawa ngayon. Kung nakita ko lang sana ang hitsura niya kanina baka mas nakakatawa pa lalo iyon.

"Pero hindi kasi kita kasama kanina." Sabi niya pa.

"Sa susunod kapag may pera na ako ay lilipat tayo sa mas matinong apartment."

Tinulak niya ako ng bahagya at sinabing "Aldrin, kahit ilang libong daga pa 'yan kung ikaw naman ang kasama ko ay ayos lang. Basta mahalaga ay kasama kita pero sana nga wala nalang daga. Kadiri kapag isang libo nga 'yon."

"Kahit kailan, sira ka talaga. Dahil d'yan, lumabas tayo bukas hah?"

"Date?" masayang tanong niya.

"Oo. Date." Nakangiti ko namang sagot sakanya.

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
590K 21.3K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...