Kung Ika'y Mawawala [complete...

walangmagawa1210 tarafından

1.3M 28.2K 1.5K

Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 ye... Daha Fazla

Kung Ika'y mawawala [Altamerano brothers series book 1]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 (FINAL)

Chapter 13

30.5K 695 27
walangmagawa1210 tarafından

Chapter 13

Francine

Ilang araw na ang nakalipas noong nakilala ko ang mga Altamerano na labis na nagpagulo sa isip ko. Simula noon ay ang daming mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Sino ba talaga ako? Gusto ko nang maniwala na ako si Ysabelle. Nitong mga nakalipas na araw ay parang ang daming mga nangyari. Mga bagay na hindi ko inaakala. HIndi ko rin alam kung mas naliliwanagan ako sa mga nakaraan ko o mas lalo lang akong naguguluhan. Kinakabahan din ako dahil kung ako talaga si Ysabelle, bakit nagsinungaling sa akin si Brandon. Bakit nya sinabing sa Cebu ako lumaki at kahit kailan ay hindi pa ako nakakarating sa ibang lugar? Bakit mas maraming may kakilala sa akin dito na para bang dito ako lumaki. Yung ibang mga lugar na pinagdalhan sa akin ni Spencer, pamilyar ang lahat ng iyon. Iyong Coffe shop, pakiramdam ko ay doon ako namamalagi palagi noong bata ako. Yung University, alam kong doon ako nag-aral. Hindi katulad noong nasa Cebu ako, parang walang akong alam na lugar doon, at para lang akong turista. Ang sabi ko sa sarili ko noon ay dahil siguro sa traum ana naranasan ko kaya wala akong natatandaan sa mga nakaraan ko. Pero ang dialect ba nakakalimutan din. Napaka-imposible naman non!

Mag-isa lang ako ngayon sa condo. Pumasok na sa school si Clyde at ako naman ay hindi muna ulit pinapasok ni Aldrin. Nag-aalala na nga ako, paano kami mabubuhay nito? Paano kung tuluyan nang mawala sa akin ang trabaho ko? Hindi kaya kailangan ko nang ayusin ang mga papeles na kailangan ko para kapag nagkagipitan na talaga ay may nakahanda na akong credentials, kahit na mga basic lang katulad ng birth certificates. Tama, kailanagn ko nang kumilos. Hindi pwedeng panghabang buhay akong tutunganga at aasa na lang kay Aldrin. May anak ako, at nakakahiya na umaasa kami ngayon sa kanya dahil hindi naman ako nakakapagtrabaho.

Tumayo na ako at habang nag-p-prepare ako ay pinaplano ko na ang mga gagawin ko. Pupunta ako sa NSO para kumuha ng copy ng birth at marriage certificate ko.

***

Spencer

I'm carrying a very big bouquet of flowers in my right arm. Sa kabila naman ang favorite nyang chocolates. Ive also added some stuff animals that she also loves. Loaded na loaded ako sa mga karga ko at halos hindi ako makakatok sa pinto. After a few minutes of waiting, she opened the door. Shock was all over her face. Tinignan nya ang mga dala-dala ko at unti-unti na syang napapangiti. Kinuha nya ang mga bulaklak at inamoy ito.

"Are these for me?"

"Of course."

Ipinulupot nya ang kamay nyang walang hawak sa leeg ko. "Oh, you're so sweet as always. Thank you so much! They are so beautiful. Nawala na kaagad ang tampo ko sa 'yo. "

Hahalikan sana nya ako, pero mabilis akong umiwas dahilan para kumunot ang noo nya. "Why is there something wrong."

"People might see us." Lumingon lingon ako sa kapaligiran, baka may mga kapitbahay na nakatingin.

"Why? We're engaged! And we do this all the time."

"Lovely, let's just go inside, ok?"

Nagbuntong hininga sya pero sumunod na rin sa gusto ko. Naupo ako sa salas habang sya naman ay kumuha ng vase at inayos yung mga bulaklak at inilagay ito sa center table.

"Salamat naman at natauhan ka na. It's been almost a week!" Tumabi sya sa akin at niyakap nya ako. "Bakit hindi ka man lang tumawag? Sobrang nag-alala ako sa 'yo. Wala ka sa bahay o sa condo mo. Hindi alam ng mama mo kung nasaan ka! Hindi ka naman daw pumapasok sabi ng sekretarya mo, at kung tatanungin ko naman si Shaun, walang maayos na sagot ang ibinibigay nya sa 'kin!" tumutulo na ang mga luha nya. "And I wouldn't dare talk to Aldrin akhit sya na lang ang natitirang taong pwede kong pagtanungan!"

"I'm so sorry Lovely."

"Why? Why did you disappear without telling me where you are? Halos mabaliw na ako sa kakahanap sa 'yo!" Mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin."

"I need you Spencer. 'Wag kang mawawala ng ganon!"

Hinaplos-haplos ko ang likod nya at hinayaan ko syang kumalma par makapag-usap kami ng masinsinan.

Damn! This is harder than I thought!

Ilang minuto pa ay pinahid na nya ang mga luha nya at pinilit na nyang ngumiti.

"But it's ok now. You're already here. Everything's fine. Kakalimutan ko na ang lahat. Ang importante ay nandito ka na. " tumayo sya. " what do you want to drink? Something cold or something hot?"

Hinawakan ko ang kamay nya at pinaupo ko sya.

"Lovely, we need to talk."

Hinawakan nya ang pisngi ko. "It's ok Spencer, pinapatawad na kita. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Si Aldrin at ang babaeng yon ang may kasalanan kung bakit nagugulo tayo ngayon. But we'll make it thru. This is just an obstacle that we need to get by. We are stronger than they know at hinding hindi nila tayo mapaghihiwalay!"

She is full of hope and optimism, how can I break it to her gently? Pero, hindi na ako pwedeng mag-back-out. Tanggapin man ako o hindi ni Ysabelle, I have made up my mind. It's a gamble that I have to take.

"Lovely. I am sooo sorry."

Nginitian nya ako. "I told you, it's ok. Handa na akong kalimutan ang lahat para maka-move-on na tayo."

Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at tinignan ko sya ng mabuti na para makita nya ang mga mata ko.

"You don't understand, I.really.am.sorry."

Tinitigan nya ako ng matagal, unti-unting nawawala ang mga ngiti nya. "No... No, no, no, no... " umuling-iling sya at maya, maya ay malakas na pilit na tawa ang pinakawalan nya." Oh my gosh! Ano ba itong iniisip ko, for a while there, I thought there's something else in your mind! Pero hindi, hindi mo magagawa sa 'kin yon. Mali and iniisip ko." Tumingin sya ng diretso sa akin. "Tell me I'm wrong. Sabihin mo sa kin na mali ang iniisip ko na magpapaalam ka na for good. Hindi diba? Napaparanoid lang ako sa mga pangyayari? Naapektohan lang ako sa pagsulpot ng babaeng 'yon?"

"I'm really sorry Lovely... Pero... Tama ang iniisip mo."

Napatitig lang sya sa akin na parang bang iniisip nya na nagbibiro lang ako. That all of what I said was just a joke. Pero hindi ko binawi ang seryosong tingin ko sa kanya, as if I'm trying to tell her that I mean what I said and it's final.

Unti-unting kumawala ang mga luha nya sa mga mata nya. Naramdaman ko ang sakit sa dibdib nya. Hindi ko itatanggi na nasasaktan din ako para sa kanya. It's not easy breaking up and hurting someone. Pero kahit na pagbali-baligtarin ko man ang mundo, si Ysabelle pa din talaga ang mahal ko. And I can't persue her if I'm still tied up to Lovely. Kailangan kong mamili sa kanila, and I chose the one who holds my heart.

"Anong gusto mong gawin ko wag mo lang akong iwanan? Luluhod ako kung kinakailangan. Mahal na mahal kita Spencer at lahat gagawin ko para sa 'yo! Please don't do this to me! Huwag na huwag mo akong iiwan!" Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko! Pilit ko syang itinatayo.

"Don't do this Lovely. Don't embarass yourself like this!"

"Lahat gagawin ko para sa 'yo. Kahit ikapahiya ko pa! Please lang, wag mo akong iiwan."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya, pero hindi ko na kayang manatilo sa tabi nya at sa iba naman tumitibok ang puso ko. Noong nakita kong muli si ysabelle ay napatunayan ko na mas matimbang pa din sya sa puso ko, mas lalo na ngayon na may mas malalim pang dahilan na dapat na ipaglaban ko.

"Tanggapin mo na lang na hindi tayo ang para sa isa't isa. Makakatagpo ka pa ng ibang lalake na mas mamahalin ka."

Niyakap nya ako ng mahigpit. "HINDI!!! Wala ng ibang lalake para sa akin. Hindi mo ba naiintindihan? Ikaw lang ang lalake para sa akin at wala na akong mamahalin pang iba! Ikamamatay ko kung mawawala ka sa 'kin! 'Wag mo akong iiwan, gagawin ko lahat para sa 'yo. I promise that I will always be good to you. Hinding hindi na ako magtataray. Tatanggalin ko lahat ng mga ayaw mong ugali ko. Basta wag mo lang akong iiwan.. PLEASE!!!!!"

Humahagulgol na sya. I have to get out of here. Baka kapag magtagal pa ako dito ay mas lalo lang syang umasa. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin.

"I have to go. I know that my sorry is not enough to mend the pain that you are feeling now. I hope that someday, you will have the heart to forgive me. Goodbye Lovely."

Tinalikuran ko na sya at nagmamadali na akong lumabas ng pinto.

"SPENCER!!!! NOOOO! Don't do this to me! I LOVE YOU SOOO MUCH! Wag mo akong iiwan!!!!"

Nagwawala na sya at kung ano ano na ang binabasag nya nang lumabas ako sa bahay. "HINDI AKO PAPAYAG NA MAWALA KA SA KIN!!! HINDIIIIII!!!!!"

Malakas ang boses nya at kahit nasa garahe na ako ay dinig na dinig ko pa din ang mga sigaw nya. I really hate doing that, but I have to. Sumakay na ako sa kotse ko.

Isinarado ko na ang pintuan ko kay Lovely at nakaramdam ako ng malaking pagluwag ng hininga. Ngayon naman ay kakatok ako sa puso ni Ysabelle, at gagawin ko ang lahat para mapag buksan nya ako.

"I will make you fall in love with me all over again Ysabell. Kahit ano gagawin ko paramahalin mo lang ako muli."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4.2K 113 42
minsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017
82.2K 1.2K 20
Ano nga kayang mangyayari kung sa mismong araw ng kasal mo ay hindi sumipot ang groom mo, at nag-hire ka ng groom na magco-cover up sa kahihiyan mo...
567K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...
534K 11.6K 33
If you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]