Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

259K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED ยฉ 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susรด
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

4.6K 225 36
By angDiyosaNgBuwan

"NANGYARI ba talaga 'yon? Wala akong maalala, eh," napapakamot sa batok na turan ni Brie.

"Ouch. Kinalimutan mo talaga ang moment na 'yon?" Nagkunwa namang na-offend si Trish. Napahawak pa ang isang kamay sa dibdib. "Ang sama mo... Samantalang ako, hindi halos nakatulog," nakanguso pang wika.

Hindi naman alam ni Brie kung matatawa kay Trish o ano. Alam niyang nagbibiro lang ito. "Tumigil ka nga riyan! Kala mo naman tunay." Bumaling na siya sa pagkain. Humigop muna siya ng sabaw ng bulalo. "Mm..." Napatango-tango siya nang pumatok sa panlasa iyon.

Ramdam niyang nakatingin pa rin si Trish kaya nilingon niyang muli ito. "Bakit?" Parang gusto niyang kilabutan sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang seryoso talaga ang mukha.

Napakaganda ni Trish, oo, pero pakiramdam niya kapag pinatulan niya ito ay parang pinatulan na rin niya ang sariling kapatid.

"Ang bad mo..." animo batang nagtatampo na wika pa nito, "pinahiya mo na nga ako kagabi nang bigla kang mag-walkout, tapos kinalimutan mo pa 'yong panghahalik mo sa'kin?"

Napakurap naman si Brie. "Teka, ako ang unang nanghalik?" nagulat pa niyang tanong.

"Oo, kaya," sagot naman ni Trish.

Si Devin na nasa tabi nito ay pigil-pigil lang ang tawa. Alam nitong si Trish naman talaga ang naunang humalik noon.

Sa kaliwang bahagi naman ni Brie ay nanatili lang na tahimik si Lorraine. Hindi mabasa ang mukha nito at patuloy lang sa pagnguya ng pagkain, ngunit kung papansining mabuti ay makikitang kayhigpit ng hawak sa kutsara't tinidor.

Nagulat pa si Brie nang biglang ilapit ni Trish ang mukha sa kanya.

"Gusto mo ba ipaalala ko sa 'yo, hm?" ang malanding sabi.

Napalunok naman si Brielle, hindi dahil sa natutukso siya kay Trish, kundi dahil parang gusto niyang masuka. "M-Magtigil ka nga," tila nahihintakutan niyang sabi.

Nagulat pa ang tatlo nang biglang tumayo si Lorraine.

Napalingon dito si Brie. "O, sa'n ka pupunta?"

"Busog na 'ko. Mauna na 'ko sa inyo," ang sabi lang nito.

Tiningnan ni Brie ang pagkain nito. Halos hindi man lang iyon nagalaw. "Nakakailang subo ka pa lang. Ang dami pang tira, o."

"Busog na nga sabi ako," walang-emosyong tugon ni Lorraine.

"Hindi naman uso sa'yo ang tira-tira, ah. Sa takaw mong kumain."

"Kailangan mo ba talagang ipangalandakan?" medyo paangil na saad  nito. "Bahala ka nga riyan!" At mabilis na itong umalis.

"Tingnan mo 'tong babaeng 'to." Napasunod na lang ng tingin si Brie sa papalayong likod nito. Bigla namang napabunghalit ng tawa ang dalawang nasa tabi niya.

"Confirmed!" si Trish at nakipag-apir pa kay Devin.

"Anong confirmed?" natatanga namang tanong ni Brie. "At ano namang nakakatawa, ha?"

"Tanga ka na lang kung hindi mo nahalata," ang wika ni Devin.

"O, baka naman nagtatanga-tangahan lang kasi..." ang sabi naman ni Trish.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyong dalawa. At teka nga, Trish... Naghalikan talaga tayo kagabi?" tanong niya na hindi pa rin makapaniwala.

Kung kay Devin ay pitik sa noo ang nakuha niya, si Trish ay buong palad ang itinampal sa kanyang noo.

"Ah — aray naman!"

"Alam mo, kung talagang may gusto lang ako sa'yo, magagalit na 'ko. Nakakainsulto kang babae ka. Alam mo ba kung gaano karami ang nangangarap na mahalikan ng bibig na 'to? Tapos ikaw — " Isa pa muling tampal ang ginawa nito " — kinalimutan mo lang!" singhal nito bagamat hindi naman totoong galit.

Inis na hinimas-himas ni Brie ang nasaktang noo. "Ba't ba ang sasadista niyo! Saka, anong magagawa ko kung nakalimutan ko nga?"

"Well, whatever. That's beside the point." Iwinasiwas ni Trish ang kamay upang ibahin ang usapan. "Alam mo kung anong dapat mong ginagawa ngayon? Dapat, sundan mo na si Lorraine. Selos na selos na 'yong tao. Tanga ka ba?"

"Makatanga naman 'to," tila nainsultong turan ni Brie, "saka, 'yon... magseselos? Nunca. Second nature na talaga ang katarayan at pagiging sumpungin no'n."

"Alam mo, tanga kang talaga," ani Devin, "hindi lang 'yon... manhid ka pa. Todo-effort na nga ang ginagawa ni Trish para mapakita 'yon sa'yo, pero ang laki mong bulag. Huwag nang isali ang pagiging duwag mo." Pinakadiinan ni Devin ang mga salita na tila nanggigil sa kaibigan. Napailing ito.

"Exactly," sang-ayon naman ni Trish. Tinampal naman nito sa braso si Brie. "Tinutulungan na kita pero ang slow mo pa rin. Ano, uupo ka na lang diyan?" tanong pa, "sundan mo na si Lorraine, para naman mailabas niyo na ang pinakatago-tago niyong nararamdaman sa isa't isa," pagtataboy nito.

Biglang nagseryoso ang mukha ni Brie. Imbes na sundin ang sinabi ni Trish ay humarap na lang muli sa pagkain. "Hindi ko gagawin 'yan. Sabi ko na sa inyo, 'di ba... Hindi kami puwede," diin niya at kumain nang muli.

Nagkatinginan sina Trish at Devin.

"Untugin na kaya natin 'to?" si Trish.

Umiling si Devin. "Hayaan mo siyang magmatigas. Balang-araw, magigising din 'yan. Makikita na lang natin 'yang umiiyak sa sulok. Ayaw kasing makinig. Kumain na lang tayo," tila inis na wika.

Napatingin muli si Trish kay Brie. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Hindi naman yata niya hahayaang masayang lang ang effort niya. "You knew all along that she likes you, don't you?" panghuhuli niya rito.

"Trish, just stop it," saway lang ni Brie.

"Then tell me why I should," Trish demanded, "I could see that you like her too. Bakit ba pinipigilan mo pa 'yan? Why make it complicated when the answer was very simple?"

Ibinagsak ni Brie ang kubyertos sa plato. Nakukulitan na rin siya sa dalawa. "Sabi na ngang tumigil na, eh. Hindi nga kami puwede, okay?"

"Bakit, dahil sa sinabi ni Mario?" ani Devin na bakas ang labis na pagkadisgusto sa tono.

"Anong sinabi ni Mario?" walang ideyang tanong ni Trish.

"Kaya 'yan naduduwag na pormahan si Lorraine, dahil sinabihan daw ni Mario na huwag na huwag kakantihin ang pinsan niya," sagot ni Devin na habang nagsasalita ay nakaduro ang hawak na tinidor kay Brie.

"Gano'n? Sino ba siya?" ika naman ni Trish. Napahalukipkip ito. "Come on, Brie. Pinsan lang siya ni Lorraine. Wala siyang karapatang pigilin kung ano man ang nararamdaman niyong dalawa. Saka, hindi siya ang magdedesisyon sa bagay na 'yan, kundi si Lorraine. So, go and talk to her and settle those feelings, once and for all."

Napahilot na sa sentido si Brie. Naiintindihan niyang concern lang sa kanya ang mga kaibigan, pero nakapagdesisyon na siya sa sarili. "Look, guys... It's my decision too, okay. Alam niyo naman ang standing ko pagdating sa mga straight na babae. Kumplikasyon lang talaga sila sa buhay. Kaya't huwag niyo na 'kong pipilitin, okay? End of discussion. Now, let's eat."

"Isa ka ngang dakilang tanga. Sarap mong untugin sa pader, nang magising ka!" paasik na turan ni Trish. "Waiter, nasaan na ba ang order kong pinaputok na tilapya? Papaputukin ko sa tangang 'to!" Napagbalingan tuloy nito ng inis ang staff na naroon.

Napakamot naman sa ulo ang lalaki sa counter. "Pasensya na, Ma'am... Mga five minutes na lang po. Dami po kasing waiting, eh."

Napatingin naman si Trish sa paligid. Nagsisimula na ngang mapuno ng tao ang bar. "Ah, basta! Pakibilisan at nagugutom na 'ko!" medyo may katarayan nitong sabi. Pinukol ng masamang tingin ang katabi.

Nagpatay-malisya na lang si Brie at nagpatuloy lang sa pagkain. Pati ang iniwang bulalo ni Lorraine ay kinuha na rin niya.

Napaangil na lang sa kanya si Trish. Maging si Devin ay masama rin ang tingin.

"Oy, bro!"

Nagulat ang tatlo sa biglang pagsulpot ni Mario. Tumabi ito kay Brie.

"Nandito na ang panira," mahinang bulong ni Devin.

Wala namang kamalay-malay doon si Mario. Umakbay ito kay Brie. "Ano, bro. Hindi mo naman siguro sinira ang usapan natin, 'di ba?"

Itinago ni Brie sa pagngiti ang naramdamang inis. "Ano ka ba, bro. Kilala mo naman ako, 'di ba? May isang salita ako," sabi na lang niya upang matigil lang ito. She have had enough on Trish and Devin.

"Good. Good," napatango-tango namang turan ni Mario.

"Hayy... Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain," ang biglang saad ni Trish na napangalumbaba sa counter.

"Oy, may magandang dilag pala dito. Hi, Trish," pa-cute pa ni Mario. Wala itong kamalay-malay na siya ang pinatutungkulan ni Trish.

Isang plastik na ngiti naman ang ibinigay dito ni Trish. "Hi... mo 'yang mukha mo," hininaan nito ang huling sinabi at tanging sina Devin at Brie lang ang nakarinig.

Lihim namang napabungisngis si Devin.

Dumating na din ang order ni Trish. "Hay, salamat. Nandito na rin ang pinaputok na tilapya," may bahid ng panunuya na saad nito. "Pinaputok na tanga, meron ba kayo dito, kuya?" birong tanong nito sa staff na naghatid ng pagkain.

"Ho? Wala po yatang gano'n," napapakamot naman sa batok na sagot ng staff.

"Baka pinaputok na epal, meron?" tanong pa ni Trish.

"W-Wala rin ho, Ma'am." Medyo napapatawa na ang staff. "May iba pa po ba kayong order, bukod diyan?"

"O, sige. Bigyan mo na lang ako ng kanin. 'Langya ka... Binigyan mo 'ko ng ulam, tapos wala namang kanin." Idinaan ni Trish sa biro ang pagka-imbiyerna.

"Ay, sorry po. Nakalimutan ko." Bahagya pang napayukod ang staff at nagmadali nang kumuha ng kanin.

Natawa sina Devin at Mario. Si Brie ay nanatiling seryoso ang mukha.

"Anong klaseng mga order ba 'yon? May pinagdadaanan ka ba, Trish?" ang tanong ni Mario.

"Hm? Wala naman... Dami lang kasing nagkalat na tanga at epal sa paligid," pasimpleng pahaging ni Trish.

Halos magkandaubo-ubo na si Devin sa pagpipigil na matawa. Napainom ito ng tubig.

"Gano'n ba..." ika ni Mario na napakamot na lang sa batok, hindi maintidihan ang sinasabi ni Trish.

"Oo..." sagot ni Trish. Bumaling sa kabilang bahagi at bumulong ng, "tanga."

Napatakip na ng mukha si Devin. "I can't take it, anymore," anitong yumuyugyog na ang balikat.

Si Brie ay pinukol ng masamang tingin si Trish. Ngumiti lang ang huli sa kanya.







NANG BUMALIK si Brie sa cottage house ay nakita niyang bihis na si Lorraine.

"May gagawin ka pa ba? Gusto ko na sanang umuwi," anito.

Sandaling tinitigan muna ito ni Brie. Hindi niya mabasa ang mukha nito. Nag-replay sa utak niya ang naging usapan nila nina Trish. Bigla ring parang may nag-uudyok sa kanya na komprontahin ito. Pero hindi puwede. Ipinilig niya ang ulo. "Sige. Overnight lang din naman talaga tayo dito. Maliligo lang din muna ako at magbibihis."

Kumuha na ng gamit si Brie at pumasok ng banyo.

Nang nasa loob na si Brie ay saka lang pinakawalan ni Lorraine ang tinatagong emosyon. Nasapo sa mukha at napapikit. Nang imulat ang mata ay nakita ang biglang pamumula niyon. "No. This can't be. I should stop this," ang turan sa sarili. Biglang may luhang naglandas sa kanyang magandang mukha. Kinalma niya ang sarili. Ilang beses na humugot ng hininga at nagbunga ng hangin.

Nang lumabas si Brie ay balik na rin muli sa pagiging poker-faced si Lorraine.

Nagpolbo lang si Brie at inayos ang sariling gamit. "Let's go?"

Habang nasa biyahe ay walang salitang namagitan kina Brie at Lorraine. Nakatanaw lang sa labas ng bintana ang huli. Si Brie ay panaka-naka naman itong tinitingnan. Ramdam niya ang pader na biglang umahon sa pagitan nila. Gusto man niyang tibagin iyon ay mas nananaig ang takot niyang harapin ang katotohanan. Ang katotohanang maaaring makapagsira o makapagbuo sa kanila, ngunit kung mabuo man ay batid niyang may masisira pa rin. Alam niyang may dahilan kung bakit siya binantaan noon ni Mario.

"Promise me you won't fall in love with her. It will ruin you, and her the most. Just don't."

Gusto niyang magtanong kay Lorraine, pero kagaya nga ng sinabi nina Trish at Devin... tanga siya at duwag.

Napabuntung-hininga na lang siya. Nang muli niyang tingnan si Lorraine ay tulog na ito.

Lorraine looked angelic while sleeping. There was an unfamiliar ache on Brielle's chest. Gusto niyang abutin ang mukha nito at haplusin. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. No. I must not. Get ahold of yourself, Brielle.








----
Dedicated to: Makauuyam

Continue Reading

You'll Also Like

426K 9.5K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
338K 6.1K 105
kwento Ng dalawang babae na nalunod sa katawan Ng isat Isa. kwento na Kung saan ay ang salitang "Mahal Kita" ay walang kasiguraduhan at pawang tawag...
93.5K 2.2K 33
Unknown number: Nag-enjoy ako babe! Labas ulit tayo sa isang araw. ;) Sent: 10:30 pm I'm sorry, wrong send ka ata at sa pagkaka-alam ko never akong...