Dealing With Him (Young Heart...

By Miss_Book-wormmmy

9.3K 273 7

" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng... More

Miss_Book-wormmmy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
A/N

Chapter 3

254 9 0
By Miss_Book-wormmmy

Accepting the deal.
--

Hindi ako nag-atubiling umakyat papuntang rooftop. Agad hinanap ng mga mata ko sina Felix at ang pinsan kong si Chloe.

'Hindi mo kailangang magbulag-bulagan. Alam nating pareho na nagkakamabutihan na sina Chloe at Felix. At paniguradong masasaktan ka kapag isang araw nalaman mong huli na ang lahat'

Bumalik ulit sa isipan ko ang sinabi sa'kin ni Cj nang araw na yun.

Masyado na ba akong tanga para hindi maramdamang nagugustuhan na ng pinsan ko si Cj? Masyado na ba akong nagbibigay ng sobrang tiwalasa pinsan ko?

Nakatalikod mula sa'kin si Felix habang nakapamulsa ito. Para yatang may hinihintay dahil hindi siya mapakali. Halatang excited na makita si Chloe eh.

Agad akong nagtago malapit sa basurahan nang makarinig ng yabag papunta dito. Tinakpan ko na lang ang ilong ko dahil sa sangsang ng paligid.

"Felix!", agad lumingon si Felix kay Chloe nang marinig niya ang sigaw nito. Mabilis nilang tinahak ang distansya sa pagitan nila at nagyakapan.

'Totoo nga!'

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sila nagyakapan. Pero bakit kailangan pa nilang itago ang nangyayari? Marahil ay takot silang malaman ng nakararami ang relasyon nila. Takot siguro silang masira ang reputasyon nila.

"Pasensya na, medyo nalate ako."

"It's fine, at least you came.", giit sa kanya ni Felix.

Halata ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Kaya siguro minsan lang kung sumabay sa aming kumain si Chloe eh, madalas pala silang nagkikita ni Felix.

"Naglunch ka na?", tanong ni Chloe sa kanya.

'Wow! Concern!'

"Hindi pa, hinihintay kasi kita.", malambing na bigkas ni Felix at iginiya si Chloe na maupo sa silyang inihanda niya.

'Sh*t'

Nakaramdam ako ng matinding selos sa kaloob-looban ko. Buong akala ko'y nagsisinungaling lang si Cj at pilit na sinisiraan sina Felix at Chloe pero nagkakamali pala ako. Biktima pala talaga si Cj umpisa pa lang.

"Ahm, pinagluto nga pala kita ng adobo saka nagdala na rin ako ng kanin.", natawa si Felix at hinaplos sa buhok si Chloe.

'Kailan pa natutong magluto si Chloe? Eh madalas pa nga iyan pumupunta sa bahay para lang makapag-almusal eh. Ilang beses ding nasunog ang itlog na niluluto niyan. Siguro ay nagpapaluto yan sa katulong nila para lang may madala tuwing date nila ni Felix.'

"Salamat, nag-abala ka pa.", giit sa kanya ni Felix. Kinuha nito ang bag niya at kinuha ang notebook na nasa loob. "Heto nga pala yung assignment na pinagawa mo. Pasensya na at ngayon ko lang nabigay, masyado kasi akong naging busy para matapos 'to.",saad niya at napakamot pa sa ulo.

'Grabe! Ang cute mo pa rin Feliiiixxx... pero galit pa rin ako sa'yo!'

Napahinga ako ng malalim. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sinasalinan ni Chloe ng kanin at ulam ang pinggan ni Felix.

Pagkatapos nun ay umupo siya saka ngumiti dito- nagpapacute 'ata kay Felix eh.

"Ahm, hindi ko pa rin magets hanggang ngayon yung formula eh.",saad ni Chloe habang panay pa rin ang cute nito. "gusto ko sanang magpatulong... kung okay lang sa'yo."

'Tsss, pwede namang sa'kin siya magpaturo eh bakit kay Felix pa?'

"Sige ba, kung pwede sana mamayang hapon na lang.", saad ni Felix na naging dahilan para mas lalong magngiting aso ang pinsan ko.

Parang gusto ko na rin maniwala sa sinabi ni Cj sa'kin. Lumalakas na rin ang kutob ko na kaya hiniwalayan ni Chloe si Cj ay dahil kay Felix.

Tumayo na ako at dahan-dahang umalis.

Sapat na ang mga nakita't nakalap kong mga impormasyon para patunayang may namamagitan nga sa kanila. Naaawa ako kay Cj, kahit na alam niyang ganun ang nangyari... hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Chloe.

Napakasuwerte ng pinsan ko.

"Oh, Ba't ka natagalan!?", bungad sa'kin ni Scarlette. "Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito. Akala ko nga ay hindi mo na 'ko babalikan kaya nagready na ako ng supot.", ipinakita pa niya sa akin ang supot na sa palagay ko ay hiningi niya sa tindera ng canteen.

"Sorry, may ginawa lang kasi ako.", giit ko sa kanya at saka umupo sa tabi niya.

"Sinigang na bangus 'yung binili.", saad niya saka kinuha ang bowl ng sinigang at nilagay sa tapad ko.

"Thank you.", giit ko. "tsaka sorry na rin kasi pinaghintay kita."

"Okay lang. Buti nga at binalikan mo ko eh."

Nagpaiwan sa canteen si Scarlette matapos naming kumain.

Napagdesisyunan ko na ring bumalik sa room para makapaghanda para sa first subject.

Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Chloe matapos kong makita ang pangyayari kanina sa rooftop. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano pa itatago ng pinsan ko ang sekreto n'ya.

"Mahinhin!", napalingon ako sa pinto nang marinig kong may tuatawag sa apelyido ko.

"Delafuente.", bulong ko nang makita ang ngumingising si Cj habang nakapamulsa ito.

Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya. Mukha atang alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Kamusta ang ilang araw na pag-iisip?", tanong niya sa'kin. "magbubulag-bulagan ka pa rin ba?"

Hindi ko alam kung saan nakahanap ng lakas na loob ang lalaking 'to. Masyado siyang mahangin.

"Sa tingin ko, hindi na.", mas lalong lumapad ang ngisi niya. Umiwas siya ng tingin at muling nagsalita.

"Good.", giit niya at mas lalong lumapit sa akin. He lifted my chin that made my heart beats so fast. "sa palagay ko ay tinatanggap mo na ang alok ko."

---

MALAMIG ang naging trato ko kay Chloe mula nang dumating siya kaninag first period hanggang sa umuwi kami. Nagtaka naman si Kuya Monday sa'min dahil hindi naman ganun ang trato ko kay Chloe tuwing magkikita kami.

Hindi ko lang talaga maiwasang magkaroon ng sama ng loob. Wala nga siguro akong karapatang magselos dahil unang-una ay wala naman talaga kaming relasyon ni Felix pero pareho naming alam ng pinsan ko na matagal ko ng gusto si Felix kaya naman alam ko na alam niyang masasaktan ako 'pag nalaman kong may relasyon sila.

Buong akala ko ay mas mangingibabaw pa rin ako kaysa sa taong yun, na mas mangingibabaw pa rin ang pangako niya tutulungan ako kay Felix.

Hindi ko lubos maisip na totoo nga ang bintang sa kanila ni Cj.

"Bunso, ang lalim naman ng iniisip mo.", saad sa'kin ni Kuya Monday pagkababa ko sa tricycle. "nag-away kayo ni Chloe no?"

Umiling lamang ako at pumasok na lang sa bahay para makapagpahinga.

May pasok pa bukas kaya naman kailangan kong matulog ng maaga. Hindi ko na lang muna pagtutuonan ng pansin ang mga pangyayari.

---

MARTES at maaga akong nagising. Sa likod ng tricycle ako sumakay dahil ayaw kong katabi si Chloe, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Hindi ko pa rin natatanggap ang katotohanan.

"Ahm, may problema ba Claire?", saad niya habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Galit ka ba sa'kin?", tanong niya ulit.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman natigilan ako sa paglalakad.
"Galit ka yata sa akin eh.", saad uli niya.

"Pagod lang ako Chloe.", giit ko at kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka siya tinalikuran.

"Ganun ba. Gusto mong masahihin kita pagkadating natin sa room? Maaga pa naman kaya-"

"Wag na! di ko kailangan 'yun.", malamig kong saad.

"Ahm may mga painkiller ako dito. Bigyan na lang kaya kita.", patuloy na saad niya pero hindi ko na lang iyon pinapansin.

Medyo naaawa ako kay Choe dahil sa ginagawa ko pero hindi ko lang talaga kayang magsinungaling sa sarili ko. Galit ako sa kanya kaya ganun ang pagtrato ko.

Hindi ko lang talaga alam kung paano pa ako makakaagconcentrate sa klase kung katabi ko rin siya.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago nilagay ang bag sa ibabaw ng desk saka nagkunwaring tulog.

Hindi na ako kinausap pa ni Chloe. Siguro ay napagod na siya sa kakapilit ng sarili niya sa'kin.

Mabuti naman siguro kung ganun. Marahil ay kailangan ko lang makapagisip-isip.

Tama nga kaya ang desisyon kong tanggapin ang alok sa'kin ni Cj?

Medyo nakokonsensya ako sa gagawin namin mamaya... pero sa una lang naman siguro ang pakiramdam na 'to.

"Hoy!", nagulat ako at biglang napatuwid ng upo. "Good morning Maria Clara!"

"Ilang beses ko ba dapat ipaalala sa'yo na Claire nga dapat ang itawag mo sa'kin, Scarlette.", saad ko at bahagyang napailing.

Napalingon kami sa labas dahil medyo nagkakagulo doon. Napansin ko ring wala na si Chloe sa tabi ko, siguro ay nainip kaya lumabas.
Hindi na kami nagdalawang isip ng kiaibigan ko at lumabas para makita ang gulong nangyayari doon.

'baka naman kagagawan ulit ni Cj ang gulo.'

Napailing ako sa iniisip. Dapat ay sa susunod na lang namin ginawa ang planong yun.

"Waaah!", napatakip ng bibig si Scarlette sa sobrang gulat. "Totoo ba 'tong nakikita ko?"

"grabe, totoo ba to?"

"Bati na nga siguro sila."

"Buti naman kung ganun. Wala ng gulo dito."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang buong nangyari pero ang nakikita ko lang ngayon ay ang unti-unting pagtanggap ni Felix sa kamay ni Cj. Nagkakabati na ata silang dalawa.

Tama, ganyan nga Cj. Umaayon ang lahat sa plano natin.

---

KANINA pa nagsasalita ang teacher namin pero hindi ako nakikinig. Parang mapapanis na 'ata ang laway ko dahil kanina pa kami hindi nagpapansinan ni Chloe. Malamang nararamdaman naman niya siguro na ayaw kong mkipag-usap sa kanya, nag alit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Kanina pa din usap-usapan dito ang nangyari kanina. Pakiramdam ko hindi lang dito usap-usapan yun eh, buong school yata alam na nakipagbati si Cj kay Felix. Akalain mo yun? Ang isang mapride, basagulero at ang laging puno't dulo ng away dito sa school, makikipagbati?

"Miss Mahinhin.", napatuwid ako ng upo nang tawagin ng guro namin ang pangalan ko.

"Yes ma'am?"

"Are you listening?", napatingin sa gawi ko ang mga kaklase ko.

"Yes ma'am, I am listening.", saad ko.

"Then, what are the types of chemical compounds that I have mentioned earlier?"

Napalunok ako. "Ahm... the types of chemical compounds are combination reaction, decomposition reaction, single replacement and double replacement reaction.", tumango ang teacher namin sa sagot ko pero mukha 'atang hindi pa rin siya nakukumbinsi.

"Hmmm... define what is combination reaction and give an example.", saad niya kaya napairap ako.

Masyado na yata siyang maraming tanong ah. "Combination reaction is a chemical union of two or more elements or compounds to form a more complex substance. Example, Carbon combines with Oxygen produces carbon dioxide."

"Very good Miss Mahinhin so Combination reaction..."

---

NATAPOS ang buong subjects namin sa umaga kaya pupunta kaming canteen para kumain. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko kasama si Chloe. Wala pa rin ang may lakas loob sa amin ang nagsalita.

Galit pa rin kasi ako hanggang ngayon, pero kung hindi ko kakausapin si Chloe... hindi matutupad ang plano namin ni Cj.
Pumukit ako at bumuntong hininga. Isasantabi ko muna ang pride ko.

"C-Chloe, sabay ka na saming kumain.", natigilan siya sa sinabi ko. Nagulat siguro siya dahil kinausap ko siya.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya muling magsalita, "Akala ko hindi mo na 'ko kakausapin eh!", giit niya at niyakap ako ng napakahigpit.

"Pwede ba naman yun?", saad ko at niyakap din siya pabalik.

Sumama siya sa aming kumain. Sa una ay kumontra si Scarlette sa desisyon ko pero sa huli ay nakumbinse ko din siya.

"Claire, pumunta kanina sina Ate Alice sa bahay kasama si kuya Josh.", nakita ko kung paano umirap si Scarlette sa sinabi ni Chloe. Tinutusok-tusok pa nito ang kinakain habang nakatitig siya sa pinsan ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Scarlette na agad naman niyang naintindihan, "Ano naman ang ginawa nina Ate Alice dun?"

"Nag-usap lang sila ni papa pero pinapasabi daw niya sa'tin na punta daw tayo sa bahay niya minsan.", giit niya.

Kunwari naman ay nasisiyahan ako sa pag-uusap namin. Hindi ako natutuwa lalong-lalo na kung nagsisinungaling ako sa sarili ko. Pero kapag hindi ko 'to ginawa, paniguradong masisira ang plano.

"Sige ba? Kalian ba tayo puwedeng pumunta dun?", tanong ko.

"Sabado kaya? Kung pwede sa'yo.", saad niya sa'kin kaya tumango ako.

Kailangan ko ng simulan ang plano kaya, "Insan", tawag ko sa kanya.
"Ano yun Claire?"

"Tutal naman ay nagkaboyfriend ka na, pwede bang humingi ng payo sa'yo?", bahagya siyang nagulat dahil sa sinabi ko.

"S-Sure", sagot niya.

Nanliit naman ang mga mata ni Scarlette sa sinabi ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"May kaibigan kasi ako eh, at nangahihingi siya sa'kin ng advice.", saad ko. "Ganito kasi yun, lalaki siya at gusto niyang bumalik sa kanya yung girlfriend niya. Ang kaso, mahirap kasing pabalikin ang babae eh. Medyo maselan, sa tingin mo... ano ang dapat niyang gawin para mapabalik yung babae."

Humigpit ang hawak niya sa kanyang tinidor. Hindi niya siguro gusto ang tinatanong ko. Malamang dahil nakikita niya ang sarili niya doon.

"Alam mo kasi Claire, depende iyon kung kaya pang patawarin ng isang tao ang karelasyon nito. Bago mo kasi balikan ang isang taong sinaktan ka... kailangan mo muna siyang patawarin-", hindi siya pinatapos ng kaibigan ko.

"Paano kung yung nang-iwan eh siya rin pala ang nangloko?", gusto kong murahin sa harap mismo ni Chloe si Scarlette. Tsk tsk tsk, ba't ba sumasagot ito?

"S-Siguro Claire mauna na ako. Kailangan pa kasi namin magpractice ng mga kasama ko.", saad nito at nag-umpisa nang ayusin ang mga gamit. "magkita na lang muna tayo mamaya."

Tumango na lang ako at pinanood siyang umalis. Parang balisa siya at hindi mapakali matapos sabihin ni Scarlette 'yun.

Napailing na lamang ako saka tumingin kay Scarlette na ngayon ay komportableng kumakain.

"Ba't mo ba kasi ginawa yun!?", galit na saad ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang ito at ngumisi.

"Bakit? Anong masama dun?", giit niya at muling sinubo ang pansit. "nakita mo naman siguro kung paano makipagplastikan ang pinsan mo sa'yo di ba? Nakita mo rin kung paano umiba ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig yung sinabi ko.", natatawang saad pa niya.

Hindi na ako nag-abalang tapusin ang pagkain ko. Nagpaalam na 'ko kay Scarlette na mauuna ako. Wala naman talaga akong ganang kumain.

Napagpasyahan ko na lang na lumabas muna ng canteen at magpahangin sa labas.

Naglalakad lamang ako nang biglang magvibrate ang phone ko sa bulsa. Agad ko naman iyong kinuha. I saw a message from Cj.

Charles Javier:

We need to talk. At café Delights this 5pm.

Hindi na ko nagtanong pa kung bakit kami magkikita. Malamang, pag-uusapan na naman namin ang deal mamaya. Aakmang ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag nang biglang tumawag si Cj.

"Ano na naman kaya ang problema nito?", mahinang usal ko at sinagot 'yung tawag. "Hello?"

[Ready yourself, Claire.], kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh!?"

[I said ready yourself.], pag-uulit niya na mas lalo kong pinagtaka.

"Bakit naman? Ikaw, Javier hah! 'Wag mo akong pinaglololoko-"

[bakit naman kita lolokohin?]

"Eh anong-", hindi ako natapos sa pagsasalita nang...

"Oh, Hi Claire!", bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya mismo ang pangalan ko.

Lumingon-lingon muna ako para masigurong ako nga iyong tinawag niya. At nang masiguro na ako nga 'yun ay, "H-Hi.", nauutal kong saad.

"Kanina pa kita hinahanap.", saad niya at huminto sa harapan ko. Unti-unti kong binaba ang cellphone ko kahit alam kong may tumatawag pa. Ito siguro ang ibig sabihin ni Javier na, 'Ready yourself'

Kay tagal kong pinangarap na makausap o di kaya'y mahawakan man lang ng matagal ang isang Felix Liam Suarez. It was a dream come true.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung magpapacute ba ako sa kanya o magpabebe. Ni hindi ko pa nga naayos ang sarili ko. Grabe ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa napakaguwapo niyang mukha.

"Naghahanap kasi kami ng participants para sa darating na culminating activity dito sa school. Nabanggit kasi sa'kin ni Cj na magaling ka daw magpinta kaya naman kung pwede sana ay makasali ka.",giit niya at may kinuha sa kanyang bag. So totoo nga ang balita. Para sa'kin napaka-angelic ng boses niya. It was a music in my ears.

May inilahad siya sa'kin. Isa iyong invitation, na para siguro sa culminating activity na sinasabi niya.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang hindi pa rin maialis ang titig sa kaya. Para akong lumilipad sa kalangitan at unti-unting inaabot ang rurok ng kaligayahan.

Sh*t mas lalo yata akong nafafall kay Felix. Kung pwede sana kitang yakapin ngayon, gagawin ko na.

"Ahm, Claire?", bumalik ako sa sariling huwisyo. "Are you alright?"

Napakurap ako, "A-Ah eh, oo naman. S-Sure! Sasali ako.", sabi ko. Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin kaya napatitig na lang ako sa invitation na hawak niya.

Dumoble ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang invitation.

'Oh. My. Gash!'

H-Hinawakan niya ang kamay ko! Sh*t nananaginip ba ko? Kung panaginip nga 'to sana hindi na ko magising!

Hindi na ako makagalaw matapos yun. Tanging pag-ngiti lamang niya ang nakita ko bago siya tuluyang umalis. Nanginginig ako at napahawak sa dibdib dahil parin sa epekto niya sa'kin.

Baliw na ko siguro pero, hindi ko mapigilan ang sarili kong amuyin ang kamay kong hinawakan niya. Grabe! Umiiwan pa rin ang napakabangong amoy niya sa kamay ko. Kaya simula ngayon, pinapangako ko na hindi ko na huhugasan ang kamay na 'to.
Natatawa ako sa sariling iniisip.

[Are you still their?], sh*t oo nga pala. Tumatawag pa ang mokong.

"H-Huh? O-Oo ahm nandito pa ko. A-Ano nga pala yung sinabi mo?"

[Tsss... simula pa lang yan ng mga plano natin Claire]

My jaw dropped. Napalunok ako habang iniisip ang deal namin ng Javier na yun.My goodness! This is it pansit! It's time to shine!

---

A/N:

If you are looking for a story that tells about love, friendship and betrayal... read my new story, The last summer of 2010.

Miss_Book-wormmmy

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5.8K 297 20
Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang saluhin ang naiwang responsibilidad. Ay...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
603K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...