Marrying the Attorney ( ON GO...

By sunsetsecrets

22.1K 863 616

They will get married but no strings attached or NO ONE SHOULD FALL INLOVE. WHAT IF one of them fell in love... More

Marrying the Attorney
Case 1
Case 2
Case 3
Case 4
Case 5
Case 6
Case 7
Case 8
Case 9
Case 10
Case 11
Case 12
Author's Note xoxo
Case 13
Case 14
Case 15 part 2
Case 16
SORRY PO!
Case 17
Case 18
NOT AN UPDATE. SORRY.

Case 15 part 1

541 5 1
By sunsetsecrets

Mirari Eliana's POV

Sa guest room ako dumiretso, ayoko sa kwarto namin dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako na tipong dinaanan ng paulit ulit ng isang daan baklang naka stiletto ang puso ko. Hindi ako nagbibiro dahil masakit sa pakiramdam ang matawag ng minamahal mo na kaibigan ka lang niya but for now kailangan kong makuntento.

I know another childish act of mine na matulog sa guest room at iwasan siya but what can I do? Nagmamahal lang ako at sa oras na ito gusto ko munang mag isa.

Hihiga na sana ako ng marinig ko ang phone ko sa kwarto namin kaya naman dali dali ko itong kinuha para hindi ako makita ni Ckola.

Pagkabalik ko sa guest room agad kong sinagot ang tawag.

"What?"

"Hi din ha? Hindi na uso ang bumati ngayon?" Pamimilosopo sakin ni Paul sa kabilang linya.

Napairap ako pero bahagya akong napangiti. "Hola! Bakit ka napatawag?"

"Hola? I love it! paturo ako kay husby ah? Anyways, your one month vacation is over. Nagdagsaan agad ang mga sponsors and endorsements at ang dami ng kumukuha sayo. Fully booked na ang schedule mo this February, I'll just send you-ay no. Bibigay ko na lang sayo bukas ang copy ng schedule mo. Hindi ko pa alam kung paano ko tatanggapin ang iba na gustong makuha ka lalo na't graduating tayo, kahit naman alam kong kaya mong pag sabayin mahihirapan ka. Hindi ka si Wonderwoman si Sweetheart ka. Echusera."

"Paula. I need to tell you something."

"What? Masyado naman malungkot ang boses mo. Don't tell me nagka problema ka na naman."

"No. It's about my work."

Matagal bago sumagot si Paul. Siguro nag iisip.

"Don't tell this to me over the phone." Naiimagine ko na ang magkasalubong niyang kilay base pa lang sa mariin niyang boses.

"Okay fine. We'll talk tomorrow." Buntong hininga kong sagot.

"Kung ano man ang nangyari sayo ngayon araw, don't let it penetrate to your happy and optimistic wall. Pagpapahingahin na kita ngayon because I very well knew from your voice na pagod ka na. Pero bukas, gusto ko lahat sabihin mo sakin. Okay, baby Eli? And oh! I'll pick you up tomorrow!"

I'm glad that Paula is a part of my life.

"Okay. Thank you, Paula. Good night."

"Ciao!"

And then I hunged up and laid down tiredly in the bed.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil ngayon ko na nararamdaman ang pagod, takot at sakit na naranasan ko sa loob ng iisang araw.

Tuluyan na talaga kong mababaliw sa mga nangyayari sa life ko.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Naalimpungatan ako dahil biglang lumutang ang katawan ko sa kama.

Ito na ba yung sinasabi nilang Cloud nine? Kidding aside, nalutang talaga ko.

Binuksan ko ng kaunti ang kaliwa kong mata at doon ko nakita si Ckola na buhat buhat ako. Agad ko naman pinikit yung mata ko ng naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kanya.

"Ibalik mo ko sa kama ko, Nickolas Sean." Inaantok kong sabi habang naka pikit pa din. Alam naman niya sigurong nagtatampo at galit ako or maybe hindi? Ah basta! Kasi ginamit ko ang full name niya.

Ang gulo mo kahit kelan!

"Hindi yan ang kama mo. And it's Ckola not Nickolas Sean."

"Itatawag ko sayo lahat pangalan na gusto ko. At bakit gusto mo talagang brand ng softdrinks ang nickname mo? Marami pa kong baon na pangalan para sayo."

"Then I'll call you Porky Pig . . . for the rest of our lives. Okay lang sayo Porky Pig? Gusto mo dalawang klase ng hayop ang tawag sayo?"

"Yeah halata ko nga, ikaw naman si Monkey Pig. Never know you had this kind of side." Iritado kong sabi. Bukod sa mapang asar siya meron din palang kakulitan sa katawan ang Greek God na may buhat huhat sakin ngayon. Masama talagang magkasama kami, nahahawa na talaga siya sakin. "Tumigil ka na . . . Ckola. Riri is way and far more better than Porky Pig. Paano na lang kapag nasa isang seryosong sitwasyon tayo tapos bigla bigla mo kong tatawagin ng ganun?"

Hindi ko siya sumagot pero dama ko ang kaunting pag yugyog ng balikat niya. Pinagtatawanan na naman ako ng unggoy na to!

Unggoy. Unggoy na nag uumapaw sa kagwapuhan.

Nakalabas na pala kami sa guest room dahil narinig ko ang pag sarado nito.

"San mo ko papatulugin? Sa sofa?"

"No. Sa kwarto natin. Sa kama natin."

"Shhh. Keep your voice low. Baka magising ako." Reklamo ko.

Totoo naman kasi baka mawala ang antok ko.

Bakit naman kasi ang haba ng pagitan ng guest room sa master's bedroom? Para tuloy kaming may hallway dito sa bahay.

"You'll sleep on our bed." Sexy ng voice!

"Ayoko. Galit ako sayo, nakalimutan mo na ba?" I know lumalabas na naman ang pagka bata ko. But this is a part of me na hindi ko mababago.

Nakapikit pa din ako at feeling ko sobrang layo talaga ng nilalakad namin. But that's okay kasi karga karga naman ako ng Monkey Pig ko. Paalala lang hindi siya si Tarzan okay? Siya si Monkey Pig.

"How can I forget? Kanina lang nangyari." Ang husky ng voice niya! OhMyGee!

"I'm sorry." Kahit naka pikit ako alam ko na sincere siya dahil ramdam ko sa boses niya.

"You're forgiven. Let's not just talk about it anymore---"

"Alam mong hindi ako papayag na hindi malaman---"

"Then apology denied. Bring me back to my room."

Bumuntong hininga siya at alam kong papayag siya at alam ko din na sa dadating na mga araw tatanungin niya ko pero mabuti na yung maunsyami ngayon kesa malaman niya agad. Mas maigi ng hindi muna niya malaman.

"Pinapatawad ka na nga hihirit ka pa."

"I just care about you. That's all. You matter to me kaya importante na malaman ko ang nangyari sayo."

Kinikilig ako. Midnight kilig. Kaya mahal na mahal kita softdrinks eh!

"Alam ko. Kasi kapag Dyosa na katulad ko, nagmamatter sa isang tao. Tapos ang usapan."

Matter talaga ako. I occupy space in your heart Ckola. Tama ba ko? Sabi sayo gagawin ko lahat mahalin mo lang ako.

Harot.

"Fine."

"Labas naman sa ilong yang sagot mo."

"You know why."

Napangiti ako dahil nagwagi ako sa ngayon laban kay Nickolas Sean.

Nakatulog na ko ulit bago ko pa marinig ang pag bukas ng pintuan.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Morning came at okay na kami ni Ckola. It's better this way na wala pa siyang alam.

Bakit ko pa nga ipapaalam kung alam kong matatapos din ito? Sayang lang ang pag aalala niya. Yun ay kung mag aalala siya sakin.

Selfish.

"Bye Ckola!"

"Bye husby!" Masayang paalam ni Paula kay Ckola na naghahanda na din sa pag alis.

"Bye. Bye Riri. Take care---"

"And have fun while studying but learn every lesson seriously." Sinabayan ko na si Ckola sa paalala niya sakin every morning.

"Noted, attorney. Bye!" Nag flying kiss ako sa kanya na ikinailing niya. Pwede naman kasi sambutin eh!

Lulan na kaming dalawa ni Paula patungo sa school.

"Na san yung lovebirds?" Puna ko.

"Gusto mag solo kaya ayaw sumabay satin ngayon."

"Hmmm. Nagseselos ka no?" Asar ko.

"Tigilan mo ko. Meron akong boyfie ngayon kaya magpakasaya silang dalawa." Masaya niyang sabi na ikinalungkot ko.

"May boyfie ka na? Akala ko ba nag usap na tayo na ako lang ang baby mo?" Nagdadrama kong sabi.

"Ikaw pa din naman ah? Imaginary boyfie lang ang meron ako ngayon. Mas gusto ko pa din ang real life husby mo." Kinikilig niyang sabi na ikinailing ko

"About last night . . ."

Panandalian akong sinulyapan ni Paula kasi nga nagdadrive siya.

"Deny all the incoming requests regarding my job, interview, commercials, catwalks . . . lahat."

"Are you saying what I'm thinking?" Worry laced his tone.

"Yes." I sighed.

"Bakit?" Nag aalala niyang tanong. Alam ko na alam niya na masaya ako sa modelling, its my nature since I was a kid. Yun ang happiness ko bago ako mabaliw kapag tinake over ko na ang company ko at the age of twenty one. At namulat ako sa modelling world dahil kay mommy at Mamita. They were the one who really brought me to the modelling world and who pursued me in this career. On the other hand my dad show me his passion in painting kaya bata pa lang namulat na din ang pagmamahal ko sa painting.

Being on the runway is something that makes me the happiest and most confident lady ( atleast that's what I feel ) and being a painter takes me into another wolrd. In my own world where I can express myself.

Back to the topic. Nalalayo na tayo. Pasensya na po. Tabi tabi po. Hahaha.

"Natatakot ako." Alanganin akong ngumiti sa kanya. Dahil paparating na sermon niya.

"Saan? Kanino?!" Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada.

"Utang na loob! Ako na kakagat sayo at itatali kita patiwarik sa pinaka mataas na puno at ako na ang papalit sayo! Kapag sinabi mong natatakot ka sa mga pesteng lalaking nagkalat na may tattoo sa palapulsuhan. Wag mong sabihin dahil sa kanila dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."

"Anong bang gagawin mo sakin? I'm very sure naman na hindi mo ko sasaktan. Love mo kaya ako." I mischievously smiled at him.

"Oo mahal kita kaya nga hindi ako papayag na mag resign ka at iwan mo amg kaligayahan mo."

"Kapag mas lalo akong lumabas sa media mas lalo lang mapapahamak ang mga taong nakapalibot sakin. At alam mong mahal ko kayo kaya ayoko ng lumala pa ang sitwasyon."

Mahirap para sakin ang desisyon na gagawin ko. Not because I wanted to quit but because I have to. Kung ang mga kaibigan ko nga napapahamak dahil sakin paano pa kaya kapag mas lalo nila akong nakilala sa media? I wouldn't dare risk someone's life.

No. Hindi ko hahayaang tumulo ang luha ko. I need to be strong. Kaylangan kong ipakita sa mga lalaking iyon na hindi nila masisira ang isang Sweetheart. Ang isang Mirari Eliana Cojuangco Andersen.

"May alam ba si husby mo dito? Sa desisyon mong ito?"

Napasandal ako sa upuan ko at tumingin sa bintana. "Wala. Pumasok ako sa career na ito na hindi siya kasamang mag desisyon, so I assume na hindi na kaylangan ang desisyon niya kapag nag quit ako."

"Asawa mo siya." Paalala niya sakin. As if naman nakakalimutan ko ang bagay na iyon.

"Alam ko. At alam ko na maiintindihan niya ko." Kilala ko siya. Kasi alam niya na hindi ako gagawa ng desisyon basta basta. Alam niyang may rason ako. And I know he respects that. Kaya nga hindi ko na ito sinabi sa kanya.

You're so nakakapanibago, Mirari Eliana.

Masyadong kang malungkot!

Ini stress mo din ng sobra ang inner goddess mo!

Hindi tuloy kami makapag isip ng happy thoughts!

Cheer up, Andersen!

Niyakap ako bigla ni Paula. "Nakaka asar ka! Alam mo ba yun?" Gumanti ako ng yakap sa kanya. Nakakaawa ang baklitang ito, naiyak na. Siya pa ang naiyak para sakin. Samantalang tinatatagan ko nga ang sarili ko.

"Wag ka nga mag inarte! Ayaw mo nun? May possibility na hindi ka na harasin ni Mel kapag hindi mo na ko hawak sa modelling." Si Mel ay isa sa manager ng co models ko na may crush. Malaking paghanga kay Paul. Echepwera ang pagka bakla ni Paula sa mata ni Mel.

"Pwede ba? Wag natin isipan ang loka lokang yun!"

"Wag ka na umiyak!" Sermon ko sa kanya at tinapik tapik ang balikat niya.

"Paanong hindi ako iiyak? Ang National Sweetheart magku quit na? Mawawalan na ng saysay ang modelling industry! Ayoko mag model ano! Baka mamaya ako ang ipalit nila sayo! Hindi ko afford ma stress ang binti ko sa heels!" Tumatawa niyang sabi. Pero umiyak na naman siya. "Hindi mo kaylangan gawin ito. Hindi mo kaylangan isakripisyo ang kasiyahan mo. Kaya naman ang sarili namin. And we can easily arrest those guys kung sasabihin natin sa pulis ang mga pinag gagawa ng mga panget na yun!"

"Hindi ko kaya. Lalo na't kilala ko kung sino ang isa sa mga babaeng nasa tattoo nila."

Hinarap ako ni Paula. Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Oo, kilala ko na." Ano bang luha ito!

"Sino?" Galit at curious na tanong ni Paul.

Alam ko nangako ako kay Ivan pero Paula deserves to know the truth.

"Isabelle." I whispered but I made sure na rinig ni Paula.  "Kapag nakapag buo na ko ng plano, I'll make my move. I hope meron."

"Hala! May balak siya gumawa ng masama!"  Sabay hagalpak sa tawa ni Paula. He knows very well na hindi ako magagawa ng ganoon bagay. Which is true. Bubuo ako ng plano ng wala akong masasaktan.

Natapos ang araw at dumiretso ako lugar kung saan tahimik. Kung saan nakaka usap ko ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko.

Napangiti na lang ako kapag katapak ko sa paraiso nila mommy at Mamita. Baliwala ang traffic. Si Paula iniitay ako sa sasakyan niya. At nagpapasalamat talaga ko dahil dun.

Inumpisahan ko ng maglakad. Kahit kelan hindi nalungkot at nalanta ang mga halaman at iba't-ibang uri ng bulaklak dito. Never atang mangyayari iyon.

Hinawakan ko ang isang naka ngiting rosas.

"Kahit na saan ka mommy hindi malulungkot ang mga bulaklak kapag kasama ka nila. You make them blossom so magnificently."

Ilang saglit pa narating ko na ang pinaka sentro. Marahan kong kinatok ang gazebo na nagsisilbing bahay ng dalawang lapida. "Kaylangan lagi kang matibay, ikaw ang nagbabantay kayla Mamita kapag wala ako."

Lumuhod ako sa tapat ng dalawang lapida. Hinaplos ko ang mga ito para tanggalin ang mga maliliit na dahon na nalalaglag at nililipad sa mga naglalakihang puno.

"I missed you, mommy. I missed you, Mamita. Pasensya na po ngayon lang ako naka dalaw ulit."

. . . "Naipon na nga lahat ng kwento ko para sa inyo sa sobrang tagal ko ng hindi nakakapunta." Bahagya akong ngumiti.

"Daddy knows best, mom." Pagbibiro ko. "Alam niyang si Nickolas Sean ang lalaking mamahalin ko. Opo, Mamita naamin ko na namahal ko ang asawa ko. Hindi naman siguro kayo tututol ni mommy diba?" Sabay tawa ko ng kaunti. "Remember nung nag sumbong pa ko sa inyo na sinisi niya kong naka inom habang nag dadrive? I know from that day na siya na talaga. Sana mommy and Mamita, maranasan ko ang pag ibig na meron kayo nila daddy and Papito. I wanted to experience that love with him."

"Malapit na din ang loob ko sa pamilya niya. Tingin ko nga po masasaktan ako kapag . . . kapag nauwi sa annulment ang meron kami. Hindi lang siya ang minahal ko kung di pati pamilya niya na din."

"Nakikita ko po kayo kay mommy Aliyah and Abuela. Sobrang maalagain. Sobrang magmahal. I just wish . . ." Wag na tama na.

Katahimikan.

"Akala ko simpleng lalaki ang nakita ko noong gabing kumain kami ni Ckola sa McDo. But I was wrong. Masasama sila. At first okay lang dahil hindi naman sila nanakit. Pero habang tumatagal lumalala ang mga ginagawa nila. Hindi ko po alam kung anong motibo nila but all I know is this all happening because of me. Please mommy and Mamita. Bantayan niyo po ang pamilya ni Ckola. His friends, sila ate Bang. Sila dad and Papito. Sila Sab. At ang mga taong nakapalibot sakin. Dahil hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sa isa sa kanila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Tama na ang isnag beses na pagkakamali."

Pinapakalma ko ang sarili ko dahil sa walang patid na pag iyak ng mga mata ko.

"Dito ako magaling . . . sa pag iyak. Sorry po kung puro pag iyak na lang ang ginagawa ko. Dito ko lang kasi naibubuhos sa inyo ang lahat ng sakit sa puso ko. Alam kong kayo lang ang makakaintindi sakin ng lubos."

"I love you both." Hinalikan ko ang palad ko at dinampi ito sa dalawang mahal ko sa buhay.

Tahimik lang kami ni Paula sa loob ng kotse hanggang sa maihatid niya ko.

"Take care on your way home." Sabay halik ko sa pisngi niya.

"Next time, ayoko ng makikitang naiyak ka. Nasasaktan din ako. Alam mo naman na magka dikit na ang bituka natin."

Tumango tango ako at pumasok na sa bahay namin.

"Seven na--- umiyak ka ba?" Biglang lapit ni Ckola sakin na naka upo kanina lang sa sofa.

"Recollection kanina." Pinitik niya ang noo ko.

"Hindi naman ako nag cuss ah." Himas himas ko pa din ang noo ko.

"I know. At kasama na kapag nagsisinungaling ka." Sumimangot ako.

"Padami na ng padami ang rules ah. Gumawa kaya tayo ng bago? Punitin din natin yung nagawa mo na? Tutal naman may iilan dun na ginagawa natin---" Nagtatanong na tiningnan niya ko.

Para paraan. Kapag wala na ang dating contract sisiguraduhin ko sa bagong contract wala na yung rule number four!

"Sweet tayo sa isa't-isa kahit wala naman nagrerequest. Natural lang satin. Its like we an inborn sweetness towards each other. And we're not even dating someone kaya useless lang din yung rule na yun. Might as well make a new one."

Hihihi! Sweet!

Mukhang nag iisip siya.

Pumayag ka na!

"Pag iisipan ko." Tumatango tango niyang sabi.

"Ah pag iisipan mo pa?" Akmang kakagatin ko siya sa tenga ng buhatin niya ko na parang isang sako ng bigas! Argh!

Hobby niya talaga ito!

"Ckola! Put me down!"

❤❤❤☀❤❤❤☀

Friday walang pasok. Bihis na si Ckola ng magising ako. Pagkatapos ko mag banyo sumunod ako agad sa kanya sa baba.

"Morning." Bati niya without even looking at me. Busy siya makipag away sa neck tie niya.

Hindi niya ata namalayan na nasa harap na niya ko.

"Let me." Ang pogi pa din niya magulat.

"Kaya ko na." Him and his ego. Argh!

"Kaya pala magkanda buhol buhol na yang neck tie mo at kamay mo." Pigil ngiti kong sabi.

"I'm just in a hurry today, Riri."

"You and your excuses." Natata kong sabi.

He let me entagled his hands with his neck tie at inayos ko ang pagkakalagay nito sa leeg niya.

Dahil makapal ang mukha ko. "Baka matunaw ako niyan."

"Nagdala ka ata ng palanggana ng magpaulan ng kayabangan." Umiiling niyang salita.

I ligthly tugged his neck tie kaya medyo napalapit siya sakin.

Danger! Alert! Alert! Alert level one hundred! Dangerous for my wildly beating heart!

"You were with me that time, remember? Batya pa nga buhat natin." Natatawa kong sabi.

"There. Tapos na. Mas marunong pa ko sayo." Pagmamalaki ko.

"You should. One of the wife duty is to know how to tie a necktie." OhMyGee! Nahugutan ata ako ng hininga ng kindatan niya ko!

Ang aga aga ang landi niyong dalawa!

"Yeah go make a list that you can't do and then gave it to me, I'll try my very best to do it for you, Attorney!" I sarcatically smiled his way which he just laughed at.

"I better be going. The hearing for Mrs. Monzon's annulment starts today. And speaking of, whatever you said to her. Thank you." He lean foward and kiss my forehead.

Kalma! Please lang. Wag kayong magwala! Kiss pa lang yan. Take deep breathes!

"Bye, supermodel!" Nakalabas na pala siya ng hindi ko napapansin.

Akala ko ba kalma? Sumombra naman ata!

Bored na ko! Hindi ko naman maka usap si Paula dahil inaayos niya ang photoshoot ko para bukas ng hapon.

Si Sab at Ivan naman may date. Ayoko naman maging third wheel!

Nakita ko yung phone ko. I immediately dialed Ckola's number.

"What?" Hindi rin uso hello?

"Hi Ckola! You busy?"

"Not much. Why?"

"I'm bored." I said and sighed.

"I'm working, Riri." Paalala niya na parang nakikipag usap sa two year old. Naiimagine ko na ang pigil niyang ngiti.

"Alam ko kaya nga iniwan mo ko mag isa dito at hindi sinama sayo." Hinipan ko yung buhok na humaharang sa mukha ko.

"But then you decided to call me." Pati naman pag tawa, ang hot at pogi pakinggan. May maisusumbat pa ba sakanya?!

Oo nga pati pag tawa pinag pantasyahan mo na!

Naalala ko kanina nung naunuod ako ng TV. Napasabay ako sa kanta ni Avril.

"Hey hey you you! I don't like your girlfriend! No way! No way! I think you need a new one! Hey hey you you! I could be your girlfriend---"

Nakarinig ako ng pagtawa. "You're already my wife."

OhMyGee! Napakanta ako habang kausap ko pa pala siya! Argh! Naman oh!

Ang galing ko talaga ipahiya ang sarili ko. Professional na ko dyan!

❤❤❤☀❤❤❤☀

Saturday morning we ate at mommy Aliyah's house. Then in the afternoon Ckola, drop me off at Paula's place.

The media, press immediately bombarded me with questions as soon as they saw me. Pero umiwas lang ako. Magpapa conference ako para mas maayos.

After a very tiring and long shoot. Hinatid ako ni Paula pauwi.

Naabutan ko pa si Ckola sa libary niya na may ginagawa kaya hindi ko na inistorbo pa siya dahil pagod na din ako.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Sunday came at hindi kami pupunta ngayon kayla daddy dahil umalis daw sila ni Papito. Hindi nila sinabi kung bakit.

Ready to go na sana kami ni Ckola para umalis kaso ayun nga wala pala sila.

"What now?" Balik ko sa bagong kakatabi lang na si Ckola sakin dito sa couch.

"Grocery tayo. Wala na din tayong stock for toiletry---"

Sumimangot ako. "Wag na. I'm poor as a rat! Wala na kong pambayad sayo." He suprised me by ligthly pinching my nose.

His face turned serious. "Why didn't you confront me about your monthly allowance? And you know that you can always ask money from me."

Hindi ko sinalubong ang tingin niya. "No. That's your money. And stop talking about it like its a big deal, eh hindi naman. Its just money." Kibit balikat kong sabi.

Totoo naman, pera lang iyon hindi matutumabasan nun ang kaligayahan ng isang tao. Lalo na ang happiness ko kasama siya.

Hmmm, marunong ka ng mag isip sometimes about maturity ah.

Oo nga! Agree! Akala ko forever childish ka na lang. Hep! Teka! Wag ka masaktan. Pupuriin na kita. Marunong ka na maging responsible and maging mature.

Konti lang. Hahaha! Madami ka pang tatahakin!

"Kahit na. Asawa mo ko. Kapag kaylangan mo sabihin mo sakin." There. Lumabas na naman ang authority sa boses niya.

Sino ba naman ako para tumanggi?

Talo na naman ako.

Tumango ako bilang sagot. "Are we clear?"

"Yes, Attorney!" Sabay pout. Dyosa kasi ako kaya may pouty lips ako.

"Come on, supermodel! Let's hit the market." Sabay abot sa kamay niyang naka lahad.

"Stop calling me that." Maktol ko habang naglalakad kami sa may gilid ng swimming pool.

"What, supermodel?"  Ang laki pa ng ngisi niya!

Tulak ko kaya siya?

"Argh!"

"Then better stop calling me Attorney all the time." He bargained.

"Nope. No can do." Taas noo kong sabi.

"Then expect me to have a nick name for you on every names you'll call me."

Itutulak ko na talaga siya sa pool! Walang bang aawat?

❤❤❤☀❤❤❤☀

As realization hit me.

Pasakay pa lang ako ng kotse ng maalala ko ang mga nagtatangka sakin.

What if they know na aalis ako? Nalalabas akong bahay. Paano kapag nakita nila ako? Ayoko ng mangyari ulit iyon. What if next time hindi na black rose? Baril na. I wouldn't risk my life. Not now. Not in this life time where I finally found the love and happiness I have with my husband.

Hinawakan ni Ckola ang pisngi ko which brought me back to reality.

"Ikaw ang dami mong iniisip. I'm here with you. Kaya wag kung saan saan ang iniisip." Sabay gulo sa buhok ko.

Oo nga naman kasama ko siya kaya I shouldn't be afraid of anything.

"Hmmm. Ikaw ah! Nagseselos ka ba? Iniisip ko lang yung mga bibilhin mamaya."

"Typical Riri."

Pumihit agad ako paharap kay Ckola ng maka upo siya sa driver's seat. "What kind of music do you listen to?"

He roared the engine into life. "Wala."

"Wala?!" Gulat kong tanong.

Naka tingin lang siya sa daan habang ako inaabangan ang sasabihin niya.

"When it comes to you? Calling me all day and you usually ring me a few times when I'm at work, even if just to sing me a few lines from a song you're listening." Naka ngiti niyang sabi. Bawal dapat yang mga ganyang ngiti! Dapat ipagbawal, baka marami ang mag kasala.

Oo nga lalo na kapag Monday at Friday kasi nga wala kaming pasok ni Sab ng araw na iyon. Madalas ako tumatawag sa kanya.

I grinned. "I thought you didn't like that. Should I call more often?" I joked. "You told me it gave you last song syndrome whenever I call."

"It does but I usually just bear it

. . . If it's a way to hear your voice then I'll be happy to answer every phone call from you."

Yung puso ko. Pwede ba next time may warning kapag babanat ka ng mga ganyan?

Kaylangan ibahin ang topic! Baka mahalata niyang kinikilig ako!

"What was the last song I sang?" Nag isip ako.

"Your gonna hear me roar."

Hagalpak ako sa tawa ng siya ang kumanta.

"Oh My Gee! So hilarious!" Napakapit ako sa tyan kong nananakit sa kakatawa.

"Laugh all you want." Naka ngiti niyang sabi. "It makes you more beautiful."

Napatigil ako sa pagtawa pero hindi nawala ang ngiti ko.

❤❤❤☀❤❤❤☀

"Don't get that one. Hindi mo naman kinakain." Sabay balik ni Ckola sa kinuha kong Hershey's with Almond. Gusto ko lang nakikita sa refrigerator siya pero never in my life na kinain ko siya.

Remeber allergic ako sa kanila?

Hinayaan ko na lang siya kumuha ng kumuha, mas may alam siya. And besides nakuha na din lahat ng gusto ko. Hihihi.

Medyo nauna siyang maglakad sakin. Para talaga kaming totoong mag asawa sa ginagawa namin. I smiled at that thought.

Agad akong lumapit sa kanya ng makitang tinitingnan siya ng mga babae kahit na may suot pa namin ang Nike cap namin to disguise ourselves kahit papaaano.

"Wag yan ang kunin mo." Sita ko sa kanya. Aba insulto! Alam ko naman nang aasar siya! Sinandya niyang kunin yung Happee toothpaste eh katabi lang nun ang Colgate na ako ang endorser. Ang laki laki nga ng katabi naming TV screen na pinapalabas ako habang gamit ang Colgate.

"I like this one better." Naka ngisi niyang sabi. Maiinlove sana ko sa mga ngiti niya kung di lang niya ko inaasar.

"No!" Kumuha ako ng Colgate at pinalitan ang hawak niyang Happee. Amusement is evident in his eyes. "Yan. Yan ang gagamitin natin." Sabi ko at kumuha ako ng maraming Colgate at ako na ang nag tulak ng cart namin. Bahala siya!

I frozed.

Ganito din ang ginawa niya dati. Ikinulong niya ko gamit ang katawan niya at naka hawak din siya sa trolley.

I was trapped between his body and our trolley. "I think I have to agree with you this time. Kaya siguro maganda ang ngiti mo dahil sa Colgate." Hindi dahil sa Colgate. Dahil sayo.

Nag angat ako ng ulo.

OhMyGee. Hindi naman siguro niya maririnig ang paghuhumerantado ng puso ko diba? Masyadong nakakalunod at nakakaligaw ang mga tingin niya. Parang hinihigop ako ng mga mata niya lalo para mawala sa realidad.

❤❤❤☀❤❤☀

Pagkatapos namin mamili iniayos na namin lahat at naka lagay na sa tamang lagayan.

"Riri!" Tawag sakin ni Ckola mula sa kusina. Galing kasi ako sa banyo.

It's my time of the month. Curse this weekly period!

Nagpalit na din ako ng v neck at cotton shorts.

"Kaylangan mo?" Tanong ko ng maka upo sa high stool sa mau kitchen counter. Katapat ko siya at nag tsa chop siya ng mga vegetables.

Nangalumbaba ako. "Nagugutom na ko." Tinaasan niya ko ng kilay. "Kelan ba hindi?"

Napangisi ako. "Kapag tulog ako . . . ay hindi din pala. Nananaginip ako minsan na gutom daw ako." Sinabayan ko ng tawa ng umiling siya sa pinagsasabi ko.

"Dito ka sa tabi ko." Utos niya ng kumalma na ko.

At bakit?

Nasanay na sa presence ko? HAHAHA!

"Can't get enough of me?" Pagbibiro ko na ikinasama ng tingin niya sakin. Tinaas ko ang dalawang kamay na parang sumuserrender. "Ito na. Lalapit na."

"Stop staring at me." Buntong hininga niyang sabi. Doon ko lang nareliaze na lumapit nga ko sa kanya pero nakatitig naman ako sa mukha niya.

Kasalanan ko ba na may Greek God na nagluluto sa harap ko. At ang gwapo niya sa black v neck t shirt at cargo pants.

Tinotoo ko na kanina. Sapilitan at pwersahan shopping ang ginawa ko kanina sa pamimili ng mga bagong pang casual ng Greek God na ito. Hindi niyo na gugustuhin malaman kung paanong paraan ko siya nakumbinsi para tigilan na niya ang mga suit niya. Argh!

"Come closer."

"Gaanong kaclose?" Naka ngiti kong tanong.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong hinigit sa bewang ko. Nasa likod ko siya at nakakulong ulit ako sa mga bisig niya at sa pagitan ng counter.

Okay lang naman sakin dito, I feel secure and warm. What more appealing is that I always feel at home in his arms. Kaso kasi natutuliro ang tenga ko sa ingay ng puso ko. Baka this time marinig na niya.

OhMyGee! Hinawakan niya ang mga kamay ko. Anong gagawin natin?!

"Dito ang tingin sa chopping board, hindi kung saan saan." Sita niya sakin. Mabilis naman akong tumingin sa mga kamay namin.

Tinuturuan niya ba ko mag luto?

Okay fine! Papayag na ko. Lalo na kung sa ganitong paraan niya ko tuturuan.

Pinanood ko ng maigi ang mga kamay niyang ginaguide ang kamay ko sa paghihiwa ng gulay.

"Kaya mo na mag isa?" Umiling ako sa tanong niya kahit sa tingin ko ay kaya ko na. Sayang ang moment.

"Hey!" Daing ko. Paano naman pinitik ako sa noo.

Pigil ngiti na naman siya. "Stop lying."

Iniwan na niya ko para haluin kung ano man yung nasa stove.

Okay back to work, Mirari Eliana.

Paano ba ito? Hindi ko naman talaga nakita kung paano. Sa magka hawak namin kamay ako naka tingin.

"Easy peasy." Sabi ko pa ng naka ngiti at naka singkit na mata yun pala nagka mali ako ng hiwa.

"Ouch!" Daliri ko lang naman ang nahiwa ko.

Nasa tabi ko naman agad si Ckola at hawak na ang nag dudugo kong daliri. "Bakit kasi hindi ka nag iingat! Saglit lang kitang iniwan may nangyari na agad sayo." Naka kunot yung noo niya.

"Masakit." Mahinang sambit ko ng hugasan niya sa sink.

"Daplis lang naman." Ang asim na siguro ng mukha ko. Hindi na nga niya hinuhugasan. Biglang lumaki ang mga mata ko ng sipsip niya ang dugo sa daliri ko.

OhMyGee! Nagwawala na ang inner goddess ko! Feeling ko ako na talaga! Akong ako na talaga ang Dyosa! Ang Swetheart! Ugh!

"Hmmm. Cko-ckola."  I stuttered kasi namin! Yung mahal mo sinisipsip yung dugo sa kamay mong nahiwa.

Sa mga oras na ito, hangin lang ata ako. Concentrated siya masyado sa pag supsop ng dugo sa daliri ko.

Sa mga oras din na ito, sigurado na talaga ako ubod pula ng pisngi ko base sa init din na nararamdaman ng mag kabilang pisngi ko.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa nakita ko na nilalagyan na pala niya ng band aid ang sugat ko.

"Thanks." I whispered. Ayoko tumingin sa mesmerizing eyes niya baka mawala ako sa mga ito. Kaya sa ilong lang niya ko tumingin.

Ginulo niya ang buhok kaya bahagya akong umurong kasi nagulat ako. "Mas maigi ngang kumakain lang. Kesa gumawa ng crime scene dito. Maupo ka na. I'll finish this up." Nginitian niya ko at bumalik na sa gawain niya.

Tumabi ako sa kanya. Yumuko ako. Feeling ko kasi nagiging pabigat na naman ako sa kanya. Okau na nga ako sa mga problema ko sa mga takot pagdating sa kanya pero hindi ko pa din maiwasan. "Sorry. I honestly wanted to help you. Hindi ko naman sinasadyang mangyari---"

"It's fine. Walang problema yun. Just take care of yourself next time." And there. I have fallen deeply inlove with him. He genuinely smile at my way.

"You're such a meanie! Crime scene? Hindi naman ah!"  Sabay hampas ko sa balikat niya.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Nakikipag staring contest ako sa mga hugasin. Correction. Bundok na hugasin. I don't wash dishes. Pero as a wife. Kaylangan ko ng matuto.

"We have a problem." Nakatingin din sa mga huhugasan ng mga plato na sabi ni Ckola.

Nakapameywang akong humarap sa kanya. "What? Don't you dare tell me na iiwan mo ko mag isa dito while doing the dishes. Ako na nga maghuhugas diba? But we agreed na sasamahan mo---"

Natigil ako ng amuse siyang naka tingin sakin. "Yeah. Pero tutulungan pa din kita. Ayan ka na naman you kept on talking non stop at hindi mo na naman ako pinapatapos mag salita." Naka ngiti niyang sabi. Showing his dimples.

"I was going to say that we need a general cleaning today."

"What?! As in today?! Like right now?"

Paalala lang ulit. Model ako hindi cleaner.
I salute all the cleaners, ang hirap ng trabaho nila ano!

Ano ba itong napasok ko.

Well okay lang. More fun and craziness with him naman.

"Ayaw mo?" As if naman kapag humindi ako may magagawa ako. Base pa lang sa tono ng boses niya kaylangan ko ng sumagot ng aayon sa gusto niya.

Ngumiti ako ng malapad. "Gusto! Gustong gusto!" Makakatanggi pa ba ko sa boses.

"Good. Better start washing the dishes now, supermodel." He winked at me before sitting down at the stool.

"Oh My Gee!" Tili ko. Nag splash yung tubig sakin. Napalakas kasi bukas ko.

Nakarinig ako ng mahinang tawa. "Drop it, Attorney." Sabay irap sa kanya.

Sa awa siguro niya sakin nasa kalagitnaan ako ng pagdurusa ko ng tulungan na niya ko.

"Took you long enough to help me here." Sabay wisik ng tubig sa mukha niya. Nag gantihan kami. Kaya ang tagal bago natapos ang mga hugasin.

"Kunin mo yung walis sa cabinet. I'll get the mop and other cleaning tools." I totally looked at him confused.

"What in the world is walis?" He looked at me liked I growned another five head.

Napahilot siya sa sentido niya. "A broom, supermodel. It's a broom."

"Oh! I know what it is!" Taas no kong sabi.
Moron.

"Yeah, right." Naiiling niyang sabi at tumalikod na para siguro kunin na yung iba pang mga gamit.

Naka upo ako sa couch sa living room dahil hindi ko siya makita.

"Halika na, Riri. Hindi lilinisin ng bahay natin ang sarili niya." Sabi ng boses sa likod ko. At doon ko nakita na dala na niya ang mga kaylangan namin.

Tumayo ako at sinundan siya paakyat sa taas. Nagsisi na talaga ko na kung bakit pumayag akong dito tumira. Ang laki laki tuloy ng lilinisin namin.

Dumagdag pa ang sakit ng puson ko. Curse this cramps!

Pumasok kami sa kwarto at sakto naman may tumatawag sakin.

Pagtingin ko ang Dean ng department namin.

Bakit kaya?

Hindi na ko nag abalang umalis pa sa tabi ni Ckola ng sagutin ko ang tawag. Naguguluhan din kasi ako kung bakit.

"Mirari?" Tinig ng boses sa kabila.

"Yes, Ma'am? Bakit po kayo napatawag?" Umupo ako sa kama. At nasa harap ko naman si Ckola.

"Remember your entry on our Foundation Day?" Mukhang tuwang tuwa si Dean ah?

Nung Foundation Day kasi nagpasa ang kaming mga honor students ng painting namin. Binigyan kami ng isang subject at nag kanya kanya na kami kung paano namin ito palalawakin pa. And I know na its for auction. Dahil may mga mayayamang bussinessmen ang dumadalo sa university namin.

"Opo. What about it?" Alanganin tanong ko.

OhMyGee! Baka walang kahit sino ang nag bid sakin!

Wag naman sana!

"It got the highest bid! It was sold for one million!" Ngayon ko lang narinig si Dean na ganyang kasaya base sa klase ng pananalita niya.

But wait! What did she said?!

"Oh My Gee! Thank you, Ma'am for the good news! But may I ask kung sino po ang bumilli?" Sobrang saya ko. Kasi half of the money will be given to The Sweetheart's Angels' sila kasi ang chosen charity ko. Paniguradong magiging masaya ang mga bata pati sila Sister. And half of the other amount will be donated sa university namin. At syempre kaylangan kong magpasalamat sa taong nagustuhan ng sobra ang ginawa ko para bilhin sa gaanong kalaking pera.

"He doesn't wanted you to know who he is. No, iha. Thank you. You make us so proud. A recognition will be given to you at your graduation. Excel in your studies more. And good luck on your upcoming exam."

Ayaw magpakilala ang drama? Okay lang at sobrang saya at nagpapasalamat naman ako sa kung sino man iyon.

Pagkatapos ko magpasalamat, nagpaalam na din ito. Hindi nabura ang ngiti sa labi ko.

"Bakit daw?" Curious na tanong ni Ckola.

I don't know what gotten in to me pero niyakap ko siya sa sobrang saya ko.

"I got the highest bid! They like my painting so much that they bought it for one million!" I said in pure joy and happiness. Tumalon talon ako habang nakayakap sa bewan niya.

Nakayakap sa kanya? Wait! Nakayakap kay Ckola?

Dahan dahan kong tiningnan ang kamay ko nakapulupot sa bewang nga niya paakyat sa mukha niya.

Napahugot ako ng hininga. Kapag gumalaw ako madadampian ng labi ko ang malalambot at kulay cotton candy pink na labi niya.

I didn't know na ganoon kalapit ang mukha namin sa isa't-isa lalo ng makita kong gumalaw ang mga labi niya. Is he saying something?

"Ha?" Was all I could mutter.

Umakyat ang tingin ko sa mata niya.

"Congratulations." Ngayon naka focus na ko sa mga mata niya kahit hindi ako tumingin sa labi niya, happiness and proud stood strongly in his gaze, directly towards mine.

"Thanks. Ah. Ah . . . sorry. Nadala lang ako." Sabay bitaw sa bewang niya pero nagulat ako ng hinigpitan niya ang yakap niya sakin.

"Let's have dinner later. Let's celebrate your achievement." Nagningning ang mga mata ko na parang mga tala sa madilim na kalangitan.

Unti unti akong napapikit. OhMyGee! Ikikiss niya ako?! OH MY GEE! Kakaibang ligaya at pagkakuntento ang nararamdaman ko sa mga bisig niya.

Naramdaman ko ang pag dampi ng mga labi niya noo ko.

I have to admit disappointed ako.

Pero okay na yun. Okay na yung meron kesa sa wala.

Binuksan ko ang mga mata ko pero yung labi niya nasa noo ko pa din.

Kalma lang heart and mind. Wag pahalata. Dibale next time pupunta na tayo sa cardiologist.

"I'm proud of you." He whispered before letting go of me.

Pwedeng extend ng kahit five minutes lang? Please.

Okay fine, wag na! Mukhang hindi na ko pagbibigyan.

But honestly speaking from ny heart masaya ako. And kinikilig ako!

"Linis na!" Pabirong sermon niya sakin at inabot ang sa tingin ko ay basahan pamunas sa mga bagay bagay.

Tahimik lang kami nagpupunas. Ako tahimik lang kasi tinablahan ako ng hiya sa ginawa ko kanina kaya nanahimik ako. Siya ewan ko kung bakit. Siguro ginagaya ako.

Hindi ako nag walis kasi pinakita niya pa sakin kung paano ang tama.

Okay gets!

"Let's move to another room." Aya niya ng matapos na kami sa kwarto namin.

Binuksan niya ang isa sa guest room. "Bakit naka lock?" Kunot noo niyang tanong sakin habang tinatry buksan. Naka lock nga diba?

"Kasi ano. May inilagay ako dyan. Personal stuffs ko. I hope you don't mind." No. The truth is puro painting ang nakalagay doon. Painting about every precious memories I have with him.

"Ayos lang. But still, we should clean this room." Pamimilit niya.

"Wag na. Ako ng bahala diyan." Umoo ka na lang!

"Sige. Pero sa susunod lilinisin na natin ito."

"May susunod pa?" Naka labi kong sabi at tinawanan lang niya ko.

Mabilis kaming natapos sa iba pang guest room dahil hindi naman nagagamit ang mga iyon.

Nasa pinaka dulo kami ng hallway. Kung bakit kasi puro vase ang nandito. Ang dami tuloy pupunasan. Hindi naman pwedeng basagin. Magagalit si Papito siya kaya ang nag gawa niyan. At hindi ko sila babasagin dahil mahal ko si Papito at regalo niya samin ito.

Kung ang iba gumagastos ng higit limang daang libo at pataas para sa mga gawang vase ni Papito, ito kami at may ari ng samu't sari muwebles galing sa kanya.

"Better start dusting those vases off kung ayaw gusto mong makapag celebrate tayo mamaya."

And just like that mabilis akong kumilos.

Natatawa niyang hinawakan ang kamay ko. Para naman akong ginapangan ng kuryente sa hawak niya. "Mabilis pero dapat malinis." Naiiling niyang sabi at nag simula na din siya mag punas.

"Done!" Nag iinat kong sabi. Kanina pa kasi naka upo sa hallway sa carpeted floor kasi nga nagpupunas kami ng vase.

"Good! Come on! Get up! We still have a lot more to do." Inabot ko ang kamay niyang naka lahad at itinayo niya ko.

Kung dati tuwang tuwa ako dahil sa ganda ng grand staircase namin ngayon nagsisi na ko. Nasa gitna pa lang kami, naka upo sa hagdan at naka sandalnako sa likod niya dahil magkatalikuran kami. Pinapakintab namin ang bawat hagdan.

"Bakit ang dami mong alam when it comes to house chores?" Pagsisimula ko.

Pagod na ko kaya naman tumigil ako sa pagkukuskos ng hagdan at sumandal lang sa likod niya.

"The moment I'd owned a condo, I know that I should be dependent. I have to do things on my own because no one will do it for me not unless I hired someone to do so. And lastly hindi ako pinayagan nila Abuela umalis sa kanila ng hindi natututo." Bilib na talaga ko Greek God na ito!

Ang sakit na talaga ng puson ko.

"I saw your collection of cars. Wow. Lahat ba sila nagagamit mo?" Ang ganda kasi nung mga sasakyan niya. And hell. I'm sure it costs a leg and arm. Pero baliwala lang siguro sa kanya kasi his so rich.

"You're just full of questions, aren't you?" Ckola asked and I know kahit naka talikod ako sa kanya naka ngiti siya.

"I'm curious." I shrugged.

Napahawak ako sa puson ko. Masakit na talaga. Saglit din akong napapikit dahil feeling ko matutumba ako.

And I did! Natumba ako. Muntik na kong mahulog sa hagdan.

"Riri!" Kung di lang niya ko nasalo. Mabuti na lang mabilis siya. Kasi kung hindi nagpagulong gulong na ko.

"Ayos ka lang?" Concern niyang tanong. Tumango ako. "Kaya mo pa?"

"Oo naman!" Sabay ngiti ko.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Nasa living room na kami. Tapos na din kaming mag punas. Walis at pagmamop na lang.

Sinakyan ko yung walis. At tumawa na parang witch. "Hihihi! Mga kagamitan! Linisin inyong mga sarili!" Kumumpas pa ko for more effect at bigla akong umayos ng tingnan ako ni Ckola.

"Sabi ko nga maglilinis na." Sabay walis.

"How about you? Bakit ang lapit mo sa mga bata?"

"You're just full of questions, aren't you?" I mocked. Ckola genuinely laughed and I smiled at the musical sound.

"I'm curious."

Sumilay ang ngiti sa labi ko. "Their innocence, their purity, freedom, how they freely show their emotions and their true happiness. Yan ang mga bagay na gustuhan ko sa mga bata. Simple lang, walang problema. They are free to do what their heart desires. Walang pinoproblema. Walang silang iniintindi. Kapag nasaktan, iiyak lang. Hindi katulad kapag nagka isip ka, hirap na hirap kang humanap ng solusyon. Sometimes I wish bata na lang ulit ko but I can never stay as a child forever. We all have to grow up. But you know what? Sobrang babait ng mga bata sa The Sweetheart's Angels. Alam ko na lulungkot sila minsan dahil kahit baliktarin pa natin ang mundo they long a love of a family."

"Its good to know that you knew that we all have to grow old. Our hairs will turn gray. Our skin will wrinkle. But you don't have to be a child to do what you want. No matter what your age is . . . do what you want. And knowing you. You tend to do that a lot. You do want you want."

Yep, kaya nga minamahal kita diba?

Natapos na ko mag walis kaya siya naman nag simula na mag mop.

Lumundag ako sa likod niya. "Get down, Riri."

"No. Napagod ako. Alam mo ba yun?" Bahagyang kong kinagat ang tenga niya.

"Porky Pig, I can't breathe." Nahihirapan niyang sabi.

Bumaba ako agad kaya naman hindi ko sinasadyang matabid ang timbang nay laman ng tubig.

"Oopsie." I guiltily looked his way.

"Now we have to this all over again." He said. At may mapag larong ngiti sa labi niya. And from the second I knew na hindi talaga mahigpit ang kapit ko sa leeg niya.

Tumakbo ako ng habulin niya ko.

❤❤❤☀❤❤❤☀

Nasa swimming pool na kami at may hawak na net si Ckola para tanggalin yung mga dahon na nalaglag dito.

"Ako na." Presinta ko. "Kanina ka pa diyan."

"Wag na. Mabigat."

Matapos ang sandaling oras natapos na din siya. Nag tungo kami sa kotse niya. Lilinisin namin yung ginamit namin kanina.

"Hey!"

"Sorry!" Hindi ko naman sinasadyang mabasa siya ng tubig mula sa hose.

Pero wala eh. Basa na siya sayang naman kung di ko itutuloy. Hahaha!

"Riri! Lagot ka sakin!" Pumunta ako sa kabilang side ng kotse. Inaagaw kasi niya sakin yung hose.

Tawa lang ako ng tawa. Ang hot niyang tingnan. Basang unggoy. Hahaha!

"OhMyGee!" Bakit kasi tatawa napapapikit pa ko.

"Got you." Nahuli na niya ko and I thought babasain niya din ako pero kinuha niya lang ito sakin at pinakawalan na ako.

"Pumasok ka na sa loob. Ako ng bahala dito. Wala tayong matatapos kapag nandito ka."

Pabor sakin. Masakit na talaga.

"Okay!"

❤❤❤☀❤❤❤☀

Third Person's POV

Mga ilan oras bago umakyat si Nickolas sa kwarto nila ni Mirari ng matagpuan niya itong namumutla ang itsura at balot ng kumot.

He quickly rushed over to her side.

"Are you sick?" Umiling lamang si Mirari.

Hinawakan ng binata ang kamay at noo ng dalaga only to find out na nanlalamig ito.

Worry washed over him dahil sa nangyayari sa dalaga ngayon. Hindi siya sanay na makitang nagkaka ganito ang dalaga. He is used to her cheerful personality.

Nagpapanic na si Nickolas. "Sabihin mo sakin kung anong masakit sayo." Umiling ulit ito. "Dadalhin na kita---" Inilapag niya ulit ang asawa niya sa kama ng marinig ang sinabi nito.

"Cramps. Painful cramps." Naluluha na ang asawa niya ng titigan niya ito.

"Babalik ako agad." Pumunta siya sa kusina at nagpa init ng tubig. nag mainit na ay isinalin niya ito sa basin at kumuha ng bimpo.

Bumalik siya sa kwarto only to be hurt dahil sa nakikita niyang nasasaktan talaga ang asawa niya.

"Riri." He called out to her pero ungol lang ang sinagot nito. Inayos niya ang higa ng dalaga. Inangat ng kaunti ang t shirt.

"What---"

"Shhh." Nilublob niya ang bimpo sa basin at piniga ng bahagya bago ilagay sa bandang tyan.

Pinapalitan niya ito every five minutes.

Hanggang sa hindi na maramdaman ni Mirarinang sakit. "You feel better?"

"Way better. Thank you."

❤❤❤☀❤❤☀

Mirari Eliana's POV

Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant.

We're justing waiting for our food to be serve.

"I have another good news! This coming March before my graduation, kinuha ako ng Calvin Klein."

I know na sabi ko hanggang February na lang ako pero kapag tinanggap ko ito ako ang kauna unahang Filipina model na mapapasali sa Calvin Klein.

"Good for you." Nakikita ko naman na masaya siya sa balita ko.

"Pero sabi ni Paula, kaylangan ko daw mag exercise. Konti lang naman daw. Pero hindi na. Kasi sa tingin ko, okay naman yung katawan ko."

He looked lost for a second. "You'll be walking on the runway wearing an undegarment?" Seryoso na mukha niya.

"No! Sabi ni Paul, fitted cotton short short and a sports bra. All black. May problema ba dun?" I curiously asked.

Calvin Klein this year will be sporting off new designs of undergarments and sportswear kaya nga maraming sabik sa ilalabas ngayon ng CK.

"Meron. You're decision is my decision."

"I really wanted to do it. Its not likeI'll be wearing a bikini. Can I do it? Please?"  And I gave him the smile of a Sweetheart that no one can resist.

"Where is it going to be held?"

"Resorts World."

Saglit siyang nag isip. "Alright. You can." Then he smiled.

"Thank you!"

------------------------------------------------------------------------------------------------

 Author's Note ♥

SUPER Thankies! Kahit walang comments and votes last chapter. Sobra akong thankful kasi amg daming reada in just one day! WOW! I LOVE YOU, OHMYGEE-ERS!

PART 2 WILL BE POSTED TOMORROW.

AND SORRY PO. NAG BACK READ AKO SA LAST CHAPTER. ANG DAMING MALI. IEEDIT KO PO KAPAG MAY ORAS NA KO. Hihihi!

xoxo

       Sunset

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
44.6K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
54.3K 888 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...