If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 73: Stand By Me

105K 2.6K 1K
By shirlengtearjerky

Chapter 73: Stand By Me

Inspired by Oasis' Stand By Me. Sana magustuhan nyo =))

Bago matapos 'tong kwento, sana magcomment naman kayo. Parang awa jk =)

--

Araw-araw tayong gumagawa ng desisyon.

At araw-araw din tayong nagdadalawang-isip kung tama ba ang nagawa nating desisyon.

Kahit di natin aminin, may pagkaundecisive tayo. We sometimes doubt ourselves in making decisions. Paano kung mas okay yun isa? O di kaya dapat di na lang ako nagdecide?

Araw-araw tayong humaharap ng mga desisyon.

Kaso kung kayo ang nasa posisyon ngayon ni Barbs, makakapili ba agad kayo?

**

BARBS' POV

WHAT THE FCK.

ANONG KALOKOHAN 'TO!?

Putreska naman oh!! Ba't ba ayaw akong patahimikin ng mga lecheng 'to!? Di pa ba sapat yung pang-eepal nila sakin the whole week!? At bakit ba agit na agit ako!?

Dammit. Don't stare at me. Wag nyo akong tignan please. Nakakakuha tayo ng atensyon dito sa Pop's and that's the least I want right now. Pucha. At anong akala nila sakin, makukuha sa onion rings? OY MGA KUYA HINDI NYO AKO MAKUKUHA SA ONION RINGS NA YAN!! Kahit favorite ko pa yan.. kahit gutom na gutom na ako at nagwawala na ang mga sawa sa tiyan ko.. HINDI AKO PAPATALO SA TEMPTATION NG ONION RINGS!! MGA NYETA!

Pero bakit hindi ako makagalaw? Here I am stuck in front of them. At ayan sila, nakatingin din sakin. Oh no. Ayoko nga sa lahat ang tinititigan ako! Putek ano ako, model sa ganda? Coke sa seksi ng katawan? MGA MANYAK!

"Barbs.. take this," may pagbulong na nalalaman si Bello! Wala pa namang masyadong nakakapansin samin. Basta andito lang kami sa gitna, buti busy silang lahat sa kakaparty etc.

"Wag yan, Barbs. Eto na lang kunin mo," WTF tong si Casabueno! "Meron yang dip, yung favorite mo." At kelan pa nya nalaman ang favorite dip ko!?

"May drinks namang kasama 'tong akin," wow pabonggahan pala labanan dito eh!!!

"May ice cream pa yung akin, wait lang."

ANG SARAP PAG-UNTUGIN NG MGA GAGONG TO. SERYOSO. SO WHATKUNG MAY ADDED ANG ONION RINGS?! PAKIALAM KO DUN AH!! NAKAKAINIS!!

Para matapos na, nginitian ko silang pareho.

"Thanks," kinuha ko yung hawak ni Casabueno. Ngiti naman agad sya. Pero, kinuha ko rin yung kay Bello. "'lamat."

"No pr--"

Pero of course hindi pa ako tapos. Tinapon ko sa mga damit nila yung mga onion rings na inaalay nila sakin. If you could only see the look on their faces!!! Nakakatawa talaga!!!

Habang in shock pa ang dalawa, lumapit na ako sa kanilang dalawa. Medyo pinagdikit ko pa mga ulo nito para marinig nila ang sasabihin ko.

"Mga kuya.. 7PM na po, tapos na ang pag-aalay ng pagkain sa poon. Mga gago, gagawin nyo pa akong santo!!!" at pinag-untog ko silang dalawa.

Tama na sila naman ang mapahiya at break muna ako. Agad akong sumibat sa scene na yun. Baka kung ano na naman masabi eh!!! Punyeta! Lahat na lang tungkol sakin, ba't ba di pwedeng sa iba naman!?

**

SUNDAY

And as promised, nagjogging nga ang barkada (minus Rocky na naghihintay sa Pop's for breakfast. Barbs completely ignored Cyrus kahit tinatabihan sya nito. Muntik pa nga nyang patirin ang lalaki sa sobrang inis.

"BREAKFAST'S ON ME!" sigaw ni Lean na kinagulat ng joggers pagkapasok nila sa Pop's.

"Nge korni mo Lean," pambabara ni Barbs bago nagfistbump sa teacher. "MIA ka ata ah? San galing?"

"Busy with masteral shit. And few other things. Tara, libre ko na kayo! Nakakamiss eh!"

Napa-aaww naman ang barkada habang naghahanap sila ng pwedeng mapwestuhan sa booth. Eto ang seating arrangement

Lean-Barbs-Wes-Rocky
Cyrus-Vivien-Chester-Janine

Sina Vivien at Cyrus na ang kumuha ng order since sila ang mas malapit sa counter. Kwentuhan lang sila about sa quarterly exams, asaran.. the normal stuff. Obvious naman sa kanila na may iniiwasan silang topic: Graduation.

"Oy, ready na ba kayo? 2 weeks na lang Graduation nyo na ah!" paninira ng mood ni Lean.

Kunwaring nawalan si Barbs ng ganang kumain. "Yuck ka naman Lean! Gusto mo atang sayangin 'tong libre mo eh! Killjoy! "

"Ako pa killjoy! Totoo naman ah, gagraduate na kayo next next week! Actually malapit na naming matapos ang list of awardees," dinagdagan pa nya ang pang-aasar.

"Ay sir, speaking of college.." pag-oopen up ni Wes. "San maganda magdorm sa QC? Wala pa kasi akong mahanap eh."

Saglit na napaisip si Lean. "Try ko sa Kalay! Ganda dun!"

"Anong maganda? Wag dun Wes, no to UP Dorms. Mas okay kung sa labas ka kukuha," payo ni Cyrus.

"San ka nga pala titira Cy?" inquired Rocky.

"Dun sa apartment ng mga ate ko, sa may Krus Na Ligas. Okay na dun kesa sa campus dorms."

"Hoy, okay kaya sa dorms dun! Tsaka ayaw nyo sa Kalay? Para Eheads lang ang feel!" pang-eenganyo ni Lean. "Ikaw Barbs, ayaw mo sa Kalay?"

"Tch. Sa Sunken na lang ako titira. Ayoko sa dorms sa loob ng campus. Dami kong nabasang horror stories sa Overheard. Molave at Kalayaan, no no no," si Vivien naman ang inusisa nito. "Ikaw Viv san ka?"

"Baka sa Katip na rin. Di ko pa sure eh."

Natahimik naman ang tatlong taga-ibang campus, at napansin yun ng teacher. "Buhay pa kayo dyan?"

Napangiti na lang si Rocky. "Okay lang Sir! Kami lang naman ni Ja ang nagkakaintindihan dito, diba?" sabay tingin sa bestfriend.

"Ako uwian lang kaya no problem," masayang sabi ni Chester.

Umakbay si Wes kay Rocky. "Beh, kelan kayo maghahanap ni Janine ng dorm? Baka mapunta kayo dun sa Men's Dorm ah, puro lalaki dun."

"Ulul puro babae na nakatira sa Men's dorm," side comment ni Barbs na kinagulat nilang lahat. "What? I heard.. from a reader. Oh shut the fck up and eat!!"

Tawang-tawa naman silang lahat sa reaction ni Barbs. Nang nagsubside na ang tawanan nila kinausap ni Rocky ang bestfriend. "Ja, gusto mo umabsent tayo next week? Pass tayo ng forms! Baka maging blockmates tayo if ever sabay tayong magpasa."

Janine smiled at her, which successfully hid her tension. "Ha? Sige, tignan natin next week! Sana di tayo mapagalitan ni Mrs. Yap. Gradprac na diba?"

"Oy gusto ko rin pumunta ng LB!!! Wag na tayong pumasok ne--" di--" na sya natapos kasi pinalo sya ni Lean ng menu sa ulo. "MASAKIT YUN AH!!"

"Talaga 'tong si Barbs basta pag-absent gora agad!" pang-asar ni Wes. "Cy, hawahan mo nga ng kasipagan yang si Barbs!"

Napatingin si Cyrus kay Barbs saglit. "Sus, ayaw namang pasakop nyan." Ayan tuloy, nakatanggap sya ng sipa galing kay Barbs.

**

The next few days were fine, halos wala silang ginagawa since computation ng grades nila at quarterly exams din ng undergrads. Kung nung sila ay undergrads nagkalat sila pag walang exams, ibahin nyo sila ngayon, dahil halos nasa classroom lang sila buong araw. May ibang natutulog, naglalaro (Tong-its, chess, jackstones), kumakain (himalang pinayagan ni Barbs kasi kumakain din sya) at karamihan? Nagkukwentuhan.

Lahat ng ito ay kinukunan ni Janine ng pictures. She's not the sentimental type, but there's something that urged her to do this now.

"Uy Janine picture pa kami ulit ni Rachel!" hirit pa ni Wes sabay akbay kay Rocky.

"Ikaw nakakarami ka na ah! Masyado ka!" kinurot pa ni Rocky sa pisngi si Wes. "Picture na nga Ja!"

Tuwang-tuwa naman ang photog habang kinukunan ang dalawa. They're undeniably cute together.

Kinuha ni Rocky ang camera para tignan ang picture nila ni Wes. "Uy kayo naman ni Chester! Dali! Dali!"

Hinigit na ni Janine si Chester para magpose silang dalawa. Dapat isang picture lang kaso mukhang naging pictorial na ata. Niyaya rin nila sina Vivien at Barbs (na obviously di pumayag kasi matutulog daw sya).

Tahimik na tinitignan ni Janine ang pictures nang tabihan sya ni Rocky. Medyo kinabahan sya, kasi dala nito ang acceptance letter.

"Ja, anong kinuha mong GE?" halata sa boses ni Rocky na medyo pressured sya. "Di kasi ako makapili! Ang dami kong gustong i-take!"

"Uhhh.. di ba irarank lang yan? Try mo kunin yung HUM 1. Lit something ata yan."

Rocky pouted. "Ano pa ba maganda? Wait, tapos ka na ba sa ganto mo? Kopyahin ko na lang! Baka maging classmates tayo!"

"Oh. Naiwan ko kasi sa bahay eh. Tinitignan pa nina Lola. Alam mo naman yun.."

"Eh how about the dorm? Mom called few of her friends.. tapos sina Jeng din nagtanong nako. They have this place, yung Lola J's! Ang cute kaso medyo masikip ata for us..."

Di na nakinig si Janine sa kwento ni Rocky. Nakaramdam na sya ulit ng takot. Halata namang excited na excited si Rocky na magkasama silang dalawa sa LB. Well, sino bang aayaw na kasama mo ang bestfriend mo sa college diba? Kung medyo matapang-tapang lang sya.. e di sana.. nasabi na nya na hindi sya tutuloy ng Los Baños.

**

At wala talagang sikreto ang hindi mabubunyag.

THURSDAY

Nasa kalagitnaan si Cyrus ng pag-aannounce ng schedule nila para sa retreat bukas nang..

"Care to explain this one!?"

Lahat sila ay napatingin kay Rocky na nakatayo sa harap ni Janine. Di nga nakagalaw sina Chester at Wes sa mga upuan nila sa sobrang gulat.

"W-wait.. Chel, I can e--"

"Pwede bang pakibilisan mo ang pag-eexplain!?" hawak ni Rocky yung admission letter ni Janine. "Nakita ko 'to sa Physics book mo! Nasa lola mo pala ha! Tell me, bakit di ka kumuha ng certificate of good moral character!? At bakit wala ka pang sinusulat dito? Why!?" galit na naiiyak na si Rocky.

Sumabat na si Barbs. "Rachel Anne wag ka ngang sumigaw! Mapag-uusapan naman ng maayos yan ah!"

Sinubukan nyang kalmahin ang sarili nya pero di nya matanggal ang galit nyang tingin kay Janine. "Please.. explain.."

Janine bursted into tears. "Sorry kung.. kung di ko masabi. I'm still.. trying to fix things pero it looks like I can't.. I'm not going to UP, Chel."

"Yun lang ba? Eh sana sinabi mo sakin ag--"

"Kasi aalis na'ko ng Pinas."

And that did it.

**

FRIDAY

Naka-assemble ang Seniors sa parking lot ng school, pasakay na sila sa bus papunta sa La Verna House of Prayer sa Tagaytay para sa kanilang overnight retreat.

"Di nya ako kakausapin, Ches. I'm scared," bulong ni Janine sa boyfriend habang pinapanood nya mula sa malayo sina Wes at Rocky na nagtatawanan sa pila.

Chester gripped her hand lightly. "Kilala mo naman yang bestfriend mo, medyo madrama. Mamaya kakausapin ka na rin nyan."

"What if.." her tears started to well up, "What.. Ches parang ganto nung 1st year eh. I'm scared.. Baka.."

"She'll come around. Wag mong gawing basehan yung 1st year tayo. Alam mo namang immature pa tayong lahat nun, lahat na lang dinahilan natin para may kagalitan tayo. Maiintindihan ka rin nyan, promise."

Sa kabilang side naman, si Wes ang todo silip kina Janine at Chester. "Chel, di mo ba talaga papansinin si Janine?"

Tumigil sa pagtawa si Rocky at napa-poker face ito. "Not now, Wes. Let's enjoy this retreat."

"Paano ka mag-eenjoy kung di kayo magkaayos ng bestfriend mo? Okay ka lang ba?"

Rocky shrugged. "I'm hurt. Please let this scab first."

"Kelan pa magkaka-scab yan? Walang pupuntahan yang pagpapairal ng pride mo. Mauubusan ka lang ng oras sige ka."

Sinilip na rin ni Rocky ang bestfriend, na ngayo'y nakahilig sa balikat ni Chester. "Bahala na, beh. Bahala na talaga."

Pagkasakay nila sa bus, pinili ni Barbs na lumayo muna kina Vivien at sa nag-aaway na kaibigan. Tumabi ito kay Karl sa may harapan. Kantahan lang sa bus habang binabagtas nila ang mahabang byahe papuntang Tagaytay, pero may apat na taong tahimik lang.

"Parang di ka affected ah," biglang sabi ni Karl kay Barbs.

"Kanya-kanyang trip yan."

"Di ka ba nalulungkot para kay Janine? It must've been sad, your friend's leaving."

Tumigil sya sa paglalaro ng Sushi Chop. "Walang pakialamanan ng feelings, okay? Matulog ka na lang dyan o ikaw ang papatulugin ng kamao ko." Tameme naman si Karl.

*

Maaliwalas sa La Verna pagkarating nila. Winelcome sila agad ng sisters ng lugar, with matching meryenda na spaghetti (na nilantakan talaga ng ever PG na si Barbs) at garlic bread. May onting meeting din about sa rules at schedule ng retreat. Matapos ng lahat ng yon ay bumaba na sila sa sleeping quarters nila.

At nandun ang problema. Sa isang kwarto ang SASSA since mukhang pinagkaisahan sila ng girls.

"Dito na lang ako sa top bunk," cold na sabi ni Barbs sabay hagis ng backpack nya sa taas.

Saglit na nagkatinginan ang tatlo at gumalaw na rin. Si Rocky ang kumuha ng lower bunk ni Barbs at sa kabila naman, nasa taas si Janine at sa baba si Vivien.

Ni walang nagsalita sa kanilang apat sa loob ng 30 minutes na rest period. Pinili na lang nina Barbs at Janine na mag-power nap habang si Rocky nakinig na lang ng music at nagbabasa naman ng libro si Vivien. Wala talagang nagsalita sa kanilang apat.

After 30 minutes sinundo na sila nina Chester at Wes. Still, walang pansinan. Ni hindi rin sila nagtabi-tabi sa hall kung saan sila mag-aactivity. Sina Lean, Ms. Medina, Panot at Ms. Liwanag ang faculty na kasama nila para sa retreat.

Una usap-usap lang about sa spiritual health, kamustahan, konting talk, tawanan. Medyo nakalimutan nga ng apat na may problema sila eh. Inabutan pa nga ni Janine ng pentel pen si Rocky nung gumagawa sila ng nametag.


May 2 hours break sina Barbs bago magdinner kaya nagdecide syang ikutin ang lugar. Eto na siguro ang pinakamatagal nyang pagkatahimik ever. Of course, bawal magmura dito, baka palunukin sya ng mga madre ng Zonrox at dasalan pa sya ng mga ito. Naglakad-lakad lang sya sa may garden sa labas. Pero ang tanga nya, she forgot to bring her jacket.

Pumwesto sya dun sa may bahay-kubo. Well-lit naman ang lugar kaya di nakakatakot. Actually hinihintay pa nga nyang may magpakitang pari na walang ulo, para adventure.

Ilang minuto syang umupo dun nang tuluyan na nyang maramdaman ang malamig na hangin. She inwardly cursed, baka mamaya may bantay dyan ang mga madre.

Aalis na sana sya nang.. biglang may naglagay ng jacket sa balikat nya.

"Ay pukang ama!!!" sa sobrang gulat nya may kung ano tuloy syang nasipa sa ibaba ng nipa hut.

"Bawal magmura dito, magagalit si Lord."

Galit na galit na hinagis ni Barbs ang jacket. Si Seth pala yun. "Gunggong ka!! Ba't ka ba sulpot nang sulpot?"

Umupo si Seth sa kaninang inupuan ni Barbs. "Kanina pa ako naglilibot dito. Nagulat mo ako."

Umayos ng tayo si Barbs at tutungtong sana dun sa statwa ng dwarves nang... bigla syang napadukwang. "Ay tekla! Ano ba't naba-- omaygad. Omaygaaaad!!!"

"Bakit?!"

Lumuhod agad si Barbs sa harap ng maliit na statwa at nakita nitong natanggal ang ulo nung malaking dwarf. "HALA ETO ATA YUNG NASIPA KO ATA KANINA!! PUTEK PUTEK PUTEK!!!" kinuha nya agad ang lalagyan ng bubble gum at kumain ng maraming piraso.

Tumawa naman ng malakas si Seth nang makitang parang baka na ngumunguya si Barbs. "What in the world are you doing!?"

"MALAMANG PANDIKIT!" *nguya nguya nguya*

"Semento yan, di kakayanin ng bubble gum."

"PAKIALAM MO BA!!" niluwa ni Barbs ang bubblegum at dinikit dun sa ulo ng dwarf at saka pinasak sa katawan. "Please dumikit ka dumikit kaaaa!!"

"Mapapansin din yan bukas. Sayang energy mo. Sit down."

Nang medyo di na halata ang basag sa statwa, umupo na nga si Barbs kaso di nya maalis ang mata sa statwa.

"Ayusin mo nga yung jacket. Kanina ka pa nanginginig dyan eh," medyo masungit na sabi ni Seth.

Hinagis naman ni Barbs yung jacket pabalik sa may-ari. "Okay lang ako, balat-kalabaw 'to."

"Heard about your friend. Okay lang ba kayo?"

"I don't want to talk about that. Pwede ba? And if you think magsosorry ako dun sa nangyari sa Pop's last week, asa ka. I'm not."

Ngumiti na lang si Seth. "Expected ko na yun. Wow.. you don't seem to care at all. Aalis na yung kaibigan mo tapos wala kang pakialam? You're so cold."

Tumalim ang tingin ni Barbs sa lalaki. "Porke ba wala akong sinasabi wala na akong pakialam? Na di ako umiiyak hindi na masakit? Kanya-kanya tayo ng coping mechanism! Wag mo akong husgahan sa mga bagay na wala ka talagang alam."

"Kaya nga gusto kong alamin eh. If you just let me," seryoso nitong sagot.

She stared at him blankly. "What now, gagawin nyo akong adventure race ni Casabueno? Look, di ko na 'to uulitin pa. Don't treat me like this. I am not a prize, a race or a fcking reality show. And if this is your concept of fun.. heck I'm not joining."

"Then choose now. Pumili ka saming dalawa para matapos na."

"Wala akong pipiliin. Di dahil sa ayokong makasakit. Kasi wala akong pakialam sa inyong dalawa," tumayo na si Barbs at inagaw ang jacket kay Seth. "Pahiram muna, nilalamig ako."

Naglakad nang palayo si Barbs na suot ang jacket ni Seth. Dun lang nya natandaan na di pa nya naibabalik kay Cyrus ang jacket nito. Then naisip nya ang sinabi ni Seth.. for like 3 seconds.

Ain't gonna happen. Ain't gonna happen.

**

Masama ang tingin ni Cyrus kay Barbs buong dinner. At dahil dun di makakain ng matino si Barbs. Isama mo pa dun ang di pa rin nila pagpapansinang apat.

Bago magstart ang evening activity nila ay napa-CR si Cyrus. Laking gulat nya nang makita si Barbs na naghihintay sa may entrance ng Boys' CR. "O ba't ka andyan?"

"Ba't ang sama mong makatingin kanina?"

Umiwas ng tingin ang lalaki. "Orange is not your color." He's referring to Seth's jacket na suot ni Barbs.

Narealize ni Barbs na alam ni Cyrus kung kanino ang jacket pero she dismissed the thought. "Pake mo ba ha? Lahat na lang pinakialaman mo. Ba't ang sama nga ng tingin mo?"

"Di mo pa kasi binabalik ang jacket ko, tapos kung kani-kanino pang jacket ang sinusuot mo."

Mas nainis si Barbs. "Maling kinausap kita. Maling-mali." Naglakad na sya palayo sa CR.

"Mas bagay pa rin sa'yo yung blue. Mas maganda ka dun!"

"Pasalamat ka bawal magmura dito! Epal!!"

**

Ayon sa kwento ng alumni, nakakaiyak ang activity ng retreat pag gabi. Puro kadramahan at iyakan daw ang magaganap dito. Expected na nila yun kaso iba pa rin pag nandun ka na.

"Beh pwede bang di na lang umattend nito? I feel bad," bulong ni Rocky kay Wes bago magsimula ang activity.

"Tsk. Duwag ka pala. Simpleng bagay lang tapos aatrasan mo? So papabayaan mo na mawala sa'yo si Janine ganun lang?"

"Wesley ano ba.."

"What now?" naiinis na sya. "Rachel, kung ayaw mong mawala ang isang bagay na importante sayo, dapat ipaglaban mo. Di yung wala kang gagawin para dun. Tignan mo, ganun ginawa ko sa'yo. In the end naging tayo, diba?"

Pigil na ngumiti si Rocky. "Nakakainis naman 'to! Babanat ka pa eh!"

"Syempre naman!"

*

Tumahimik na ang Seniors sa hudyat ng kanilang speaker na si Kuya Drew.

"Ilang araw na lang bago ang Graduation? I bet.. in less than 10 days ay gagraduate na kayo. Then 2, or a month break bago magcollege. Start from scratch kayong lahat.

Isang step na lang bago kayo mapunta sa real world. Ang ilan siguro sa inyo takot pang pumunta dun kasi hindi pa kayo sure sa gusto nyo sa buhay. May ilang excited.. ilang walang pake. Pero.. isipin nyo muna, worth it ba 'tong apat na taon nyo na magkakasama? Masaya kayo for 4 years, pero imposibleng di kayo nagalit, umiyak. May gusto ba kayong sabihin sa kanila?

May narinig ako kanina mula sa isa sa inyo. Sabi raw ng isang alumnus nyo na nakakaiyak 'tong part ng retreat na 'to. Malamang, kasi we're gonna deal about unresolved issues nyo. Kayong bahala kung gusto nyong grumaduate na hindi naaayos yun o ano. Sa loob ng 3 hours, kausapin nyo ang mga taong gusto nyong makausap. Pwedeng kaaway, dating karelasyon, o yung taong never nyong nakausap sa loob ng 4 years. Para pag grumaduate kayo next next week wala kayong baggage sa isa't isa. There's no stone left unturned, ika nga. Imagine this, siguro 10 years from now may reunion kayo, and you'll be glad na wala kayong masasabing hinanakit towards that person. 3 hours. Talk to as many people as you can. Settle things. Cry if possible. Wag lang kayong magsapakan. And.. go.

**

Hindi makagalaw ang apat sa kinauupuan nila. Well.. paano nga ba sila mag-uusap? At anong pag-uusapan?

Si Vivien na sana ang gagawa ng first move kaso biglang tumayo si Barbs at lumabas ng hall. Pupuntahan nya sana ang magbestfriend kaso.. nakita nya itong may mga kausap ng iba. No choice sya kundi lumipat sa pinakalikod ng hall at umupo, magpalipas ng 3 hours dun.

But she was surprised to see Karl in front of her. "H-hi Vivien."

Di na pala sya kinausap ni Karl nang matino after Prom. "Uy Karl! Musta?"

"Pwede ka bang makausap?"

Pumwesto sila sa pinakadulo ng hall, parehas na nagkakahiyaan. Minutes later, si Karl na ang nagsalita. "May kasalanan ako sa'yo. I'm so sorry."

"A-ano yun?" kinabahan naman agad si Vivien. Baka kasi si Karl yung nagpakalat ng video.

"Ako yung.. nagsumbong sa inyo ni Sir Lean kay Panot."

Di makapaniwala si Vivien sa narinig. Of all people she never expected Karl to do that. Sabi nga nila, nasa loob ang kulo ng taong tahimik. "What? But why?!"

"Siguro.. natakot lang ako," sumandal si Karl sa pader. "Ever since ikaw na yung kalaban ko sa top, na di kita matalo-talo. I even wanted to transfer sa Soc para ako mag-top kaso ayaw ng parents ko. Ang duwag ko naman daw pag ganun.

Ayun.. nung napansin kong close kayo ni Sir.. tapos ang tataas ng grades mo, plus the pressure from my parents, naging paranoid ako. Baka kasi may ginagawang kalokohan si Sir sa grades mo. Nadagdagan pa yun nung nakita ko kayong magkasayaw nung Prom."

"..."

"Vivien, di ako yung nagpakalat ng video. I swear. Sinumbong ko kayo kay Panot after kong mapanood yung sa'yo. I wasn't thinking straight that day. Nalaman kasi ng parents ko na pasado ka sa Big 4 tapos ako sa UP lang, eh dun lang naman ako nag-exam. Bwiset talaga minsan."

"Karl.." she can't find the words to say to him. Masyado syang nagugulat sa revelation ng kaklase.

"Vivien.. I'm so sorry. Dapat di ko na ginawa yun. Natakot lang ako para sa sarili ko.. na di ko na naisip yung mangyayari sa inyong dalawa. Ang gags ko lang talaga minsan."

Niyakap na lang ni Vivien ang kaklase, na kinagulat nito. "Okay lang Karl, I forgive you. Alam ko yang feeling ng pressure. Di mawawala yan satin."

Bumitaw na si Karl. "Hirap maging matalino noh? No pun intended."

Tumawa na lang si Vivien. "Sometimes I wish I'm not this smart. It takes away certain things in life."

"But we can't always get what we want."

*

Matapos palibutan ng mga kaklaseng may crush sa kanya dati, naabutan ni Chester na nakaupo si Wes sa may gilid ng hall. "Oy, walang kumausap sayo Pugs?"

"Meron.. kaso konti lang. Gags ka dre, daming babae nun ah! Sumbong kita dyan eh!" mahina pa nyang sinuntok ang kaibigan.

"Sina Rocky asan?"

Sinuyod ng mata ni Wes ang hall. "Ewan. Lumabas ata kanina eh. Ang tigas din ng ulo nun, ayaw kausapin si Janine. Kanina ko pa kinakausap eh."

"Paranoid na rin si Ja. 1st Year all over again daw."

Saglit na natahimik ang dalawa nang.. sabay silang napasabi ng..

"Natatakot ako."

Natawa pa si Wes. "Gaya-gaya ka ah!"

"Magka-wavelength lang tayo pugs," Chester paused. "Pero seryoso.. natatakot ako."

"Kay Janine?"

"Oo.. alam mo yung okay na eh. Nakuha na namin yung gusto namin tapos.. dadating 'to. Panira talaga ng timing."

"Kelan ba alis nya?"

"Dunno. Wala pang final date. Basta ayaw lang syang pag-aralin ng daddy nya bago sya bumalik ng Japan. Sakto talaga."

Wes sighed. "Ako.. takot din ako. Nakakainis, dati naman di ako ganto ah."

"Kasi she's the real deal. Ano ka ba, almost 4 years kang naghintay dyan!"

"Natatakot ako kasi.. bago lang kami eh, tapos sasabak agad sa LDR. Ayaw pa naman nya ng ganun, kaya nga sila nagbreak ni Podi diba?" he sighed again. "Paranoid lang siguro ako ano? Pero.. di ko talaga maiwasang isipin eh."

Napangiti na lang si Chester. "Minsan nakakatuwang makita na nahihirapan ka sa mga babae. Parusa yan sa'yo ni Lord."

"Siraulo! Pero.. kakayanin kaya? Naisip ko ngang hilingin sa kanya.. na after one year transfer sya sa Diliman.. kaso pano kung magustuhan nya Devcom?"

"Edi kausapin mo! Ikaw talaga, lakas mong mambola pero pag seryosong usapan titiklop ka. Gags mo talaga."

Tumawa silang dalawa pareho. "Nako, bumu-bromance ata tayo dito Wes. Wag mo akong yayakapin kundi masusuntok kita ulit."

"Wag mo na akong suntukin, sakit sa panga ng kamao mo!"

*

Sa kabilang dako ng hall ay nakakumpol ang Snerds, na nag-iiyakan. Todo sorry ang tatlo kay Tatin dahil dun sa nangyari nung Students Week nang dumating si Cyrus.

"Pwede bang mahiram si Tatin saglit?" pagpapaalam nya sa tatlo. Sabay na tumango ang tatlo, in shock.

Tahimik na lumabas ang dalawa patungo sa rooftop, saktong kokonti lang ang tao. Pumwesto sila sa may bench.

"I was kind of expecting this one," paninimula ni Tatin na nakangiti. "Pupuntahan sana kita kaso naunahan mo ako."

"Drama pa rin ba nina Chass sa'yo? Tulo uhog kanina eh." Tumawa silang dalawa.

"Cy.. okay ka lang, right? I really wanted to talk to you nung SW kaso di naman ako makasingit. Sorry about the fuss."

"Okay lang. It wasn't your fault anyway. Di ko naman kung anong nakalagay sa time capsule ni Barbs."

"Is that true? She's the writer?" Cyrus nodded. "Now I believe. Nagulat lang ako na nakakasulat sya ng ganun. Binasa kasi nina Fel yun nung weekend.. it's girly."

Napangiti si Cyrus. "Yeah, ang girly nga. Di halata sa kanya."

"So.. kamusta ang panliligaw?"

Nagulat si Cyrus dun. "What do you mean?"

"Hoy umayos ka nga. I know you. You like Barbara a lot, right?" Cyrus nodded. "So.. I was right."

"Halata ba?"

"Para sakin oo. We've been together for almost 3 years.. kahit ang hirap mong basahin may loopholes ka pa rin dyan sa pa-mysterious effect mo."

"Loopholes?"

"The way you stood up for her nung club meeting. I was hurt when you shouted at me. Kahit naman naiinis ka sakin dati never mo akong sinigawan ng ganun. Pero for Barbs.. you shouted at me. Marami pa talaga eh. The way you look at her.. pag dumadaan ako sa Herald Office.. mga ganun. The small things you think people can't notice? Napansin ko yun. I'm good like that."

"Sige na.. ikaw na ang imbestigador. Galing mo ah, napansin mo yun."

"It hurts for me to know that you like her when you decided to get back together with me," she confessed. "Pero.. I realized, mas masakit siguro yung niloko kesa ganun. I can never forgive myself for doing that to you. But on the lighter note, kung di ko ginawa yun, hindi mo magugustuhan si Barbs, diba?"

"..."

"I'm happy for you Cy. Team Cyrus ako for Barbs!!" may cheering moves pang ginawa si Tatin.

Nagtaka naman dun si Cyrus. "Ba't may Team Cyrus?"

"Coz apparently may Team Seth?"

"How did y--"

"I saw them talking sa school. At first akala ko trip lang yun, pero nung nagrequest sya ng ibang partner nung, I had this hunch na gusto nyang malipat sa Archi since.. wala ka nga diba. So ayun, I gave up my partner, then binigyan ko sya ng bago. Simple as that, para di sila maging magkapartner."

Nabibigla si Cyrus sa mga pinagsasabi sa kanya ni Tatin ngayon. Di nya inexpect na gagawin yun ng ex nya para sa kanya. "Thanks, Tats. Buti Team Cyrus ka. Akala ko magagalit ka sakin kasi.. alam mo na."

"Wala naman akong karapatang magalit kasi ako ang unang nanakit, diba? I'll do everything para sa inyo ni Barbs. Bayrus kaya ako!"

Todo tawa ng dalawa sa pangalang "Bayrus"! "Grabe, ang korni mo pala!" naiiyak na halos si Cyrus sa kakatawa.

"Ang cute kaya ng Bayrus! Goodluck sa'yo Cy. You're a great catch! Sana mapansin yun ni Barbs. She can be thickheaded sometimes."

Saglit na nanahimik si Cyrus dun at.. "Yeah, I hope she'll notice this, too."

**

Nagkulong naman si Barbs sa kwarto nilang apat. Feeling nya masusuka sya pag nakakita sya ng isang batchmate na todo iyak with matching uhog. Di naman sya umiiwas sa confrontations eh, ayaw lang nya ng hassle.

Matutulog na sana sya nang marinig nyang bumukas ang pinto. Sina Janine at Rocky pala yun.

Umayos sya ng upo. "Teka, lalabas lang ako para makapag--"

"No Barbs, stay," utos ni Rocky. Takot naman sya kaya di na sya bumaba.

Minutes later dumating na rin si Vivien. Bumaba si Barbs sa lower bunk katabi ni Rocky. Nakatingin silang tatlo kay Janine, waiting for an explanation.

Janine tried her best not to cry. "Guys.. I'm so sorry for hiding this. Akala ko kasi.. maaayos ko 'to. I tried! I really really tried so hard to fix this but.. no avail."

Si Rocky lang ang nagkalakas loob na magtanong sa tatlo. "Bakit.. biglaan 'to Ja? Akala ko okay kayo ng daddy mo?"

"I thought so, too. Nung naging final ang divorce nila they had this agreement na after kong maghighschool dito, kay Papa na muna ako titira for college. Eto yung mga panahong di tayo nagkakausap na apat. So.. I said yes. Then nung okay na ang lahat, I asked him if I could revoke the agreement, ayaw na nya. Sabi nya.. I already made my decision. So ever since I tried my best to pass all the subjects so I could pass UP. I thought.. passing the UPCAT could change his mind.. pero hindi. He didn't even budge."

Natahimik ulit silang apat. Ni ayaw nilang magtinginan.

"This.. is so unfair," naiiyak na sabi ni Rocky. "I'm your bestfriend! Bakit di mo sakin sinabi 'to? Ang sakit lang, Ja. Tatanggapin ko naman eh! Ba't pinatagal mo pa?"

"You're so happy and I don't want to take that away. Ayokong alalahanin nyo ko masyado. That's why I tried my best to fix this. Sasabihin ko naman sa inyo eh.. takot lang ako. Ang saya na natin, diba? Papalungkutin ko pa ba?"

"Kahit sinabi mo naman samin nang maaga.. masakit pa rin naman. Ang pinagkaiba lang, mas masakit 'tong ngayon," sabi ni Vivien.

"I won't leave soon. Marami pang inaayos na papers si Daddy so.. baka by the end of the year pa," she tried to smile. "At least we have a year left, right? Matagal pa rin yun!"

"Ja I'm sorry about this.. ang sakit lang kasi. Sobrang excited ako kasi.. alam mo yun, akala ko.. hindi ako mag-isa sa LB. Sina Barbs kasi sa QC lang, malapit pa. I planned ahead too much. Takot lang akong mag-isa dun," Rocky confessed at ayun, bumigay na sya sa pag-iyak.

Nilapitan naman nina Vivien at Janine si Rocky at nag-iyakan ang tatlo. That left Barbs with a disgusted look on her face. Of course, front lang nya yan. Deep inside naiiyak na rin sya. Parehas sila ng nararamdaman ni Rocky. Pinakaayaw nya talaga ay yung may umaalis sa buhay nya, ang sakit kasi pag sobrang attached sa kanya 
nung tao.

The three broke their hug and looked at Barbs. "Barbs.. wala ka bang sasabihin!?" tanong ni Vivien na nagpapahid pa ng luha.

"Meron. Di ako iiyak."

"Eto naman Barbs eh.. parang bato talaga 'to!"

"Ayaw ko lang mag-isip ng malungkot, mga gaga. Habang nag-iiyak kayo dyan.. inaalala ko lang kung pano tayo nagkakilalang apat."

Napaisip din ang tatlo at natawa sa memory na yun. "Sa totoo lang, yun talaga ang pinakamalaking tagos na nakita ko sa buong buhay ko. Seryoso!" natatawang sabi ni Rocky.

"Parang gripo ng dugo si Barbs nun eh!" - Vivien

"YAYABANG NYO HA! HOY EXCUSE ME MAS MARAMI PA RING DETENTION SI ROCKY KESA SAKIN!! Yuck, nadetention kasi sa lighter!"

"How about yung nadetention sya dahil inaway nya si Fel? 2nd year!" - Janine

"Hey! I just defended you!" aggressive na sagot ni Rocky. "Minsan na nga lang eh! Talaga 'tong babaeng to!"

"Yung 3rd year! Kopyahan sa Pre-Cal!" sabi ni Vivien. "Lakas ni B nun! Akala ko mahuhuli tayo!"

"Sana nga 3rd year pa rin tayo eh, para nagpapakopya ka pa rin!" pang-asar ni Barbs.

May naalala pa si Rocky na sobrang tinawanan nya. "Si Barbs nung 2nd year! Tanda nyo yung palaging answer na lang ang sinusulat nya sa Algeb seatworks natin?"

"Right! Kasi kinokopya na lang nya kay Wes! Tapos yung sagot galing kay Viv!!" napahiga na si Janine sa kakatawa!

"AT LEAST MAY SAGOT! Aba yun talaga ang pass the message, 4 na tao bago makarating sakin ang sagot!"

Tuloy lang sila sa pagtawa hanggang magsubside ito. Barbs took the opportunity to say something. "10 days na lang, graduation na. So what? Gawin nyong motivation ang graduation! Isipin nyo, kung HS na lang tayo forever, e di puro sa turo-turo na lang tayo kumakain pag gala! Ayaw nyo bang sa first class restos or bars tayo naghahang-out? Mga ganun! Positivity lang guys!"

"Naks kinikilabutan ako sa'yo B!"

"Kasi.. kung puro malulungkot na bagay lang ang pagtutuunan natin ng pansin.. sayang sa oras. Imbes na umiiyak tayo at nag-aaway.. sana gumala na lang tayo kumain nang madami! Diba, tiba-tiba tayo nun!"

Buong magdamag silang nagkwentuhan ng memories nilang apat, nakakaiyak o nakakatawa man. Sa konting oras na natitira, puro malulungkot pa ba na bagay ang iisipin mo?

**

Late na nagising ang apat dahil sa kwentuhan spree nila. Of course, si Barbs pa talaga agad ang pinagalitan ni Panot. Everything's okay again, in fact mas umokay na sila. Unti-unting tinatanggap ng sistema ng tatlo na aalis na si Janine by the end of the year. May 9 months pa naman! No reason to be sad!

Buong umaga ay nagkaron ng activity, pero di na nakakaiyak. Tinago na rin ni Barbs ang jacket ni Seth, with a mental note na dapat nyang ibalik yun.

"Teka Archi! Picture muna tayo oh!" request ni Janine bago sila umalis ng retreat house. Dun sila sa may nipa hut pumwesto para maganda ang background.

"Uy Wes! Natanggal mo yung ulo ng dwarf!" sabi ni Rocky, na narinig naman ni Barbs. Agad syang kinabahan, iba pa tuloy ang napagbintangan.

"Uy kapal mo. Kanina pa walang ulo yan!" kinuha ni Wes ang putol na ulo at tinignan nito. "Bakit naman bubblegum ang pinandikit nito? Tanga naman nun!" Medyo masakit sa loob ni Barbs na marinig yun kay Wes pero di na lang sya nagsalita.

Nakaraos din sila sa picture, na ilang beses nilang inulit kasi nga palaging nakapikit si Barbs. Palakad na sila papunta sa bus nang makita nyang magkasunod na umakyat sina Cyrus at Seth sa bus.

"Uy! May damit na ba kayo sa Grad Ball?" narinig nyang tanong ni Vivien kina Rocky at Janine.

"Shoot wala pa! Bili tayo bukas sa Town! Dali na please?" pagpipilit ni Janine.

At yun pa pala ang problema nya..

sinong pipiliin nyang date sa Grad Ball if ever mang yayayain sya ng dalawa?

***

Continue Reading

You'll Also Like

34.9K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
14.6K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
62.4K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...