Hospital
Ang kwentong ito ay galing sa kaibigan ko na kapapasa lamang bilang MD (Medical Doctor) nitong nakaraang board exam. Itago na lamang natin siya sa pangalang Andrei. Si Drei ay nag-aral sa isang private university at dahil nga sa propesyon na tinatahak niya iba't ibang karanasan na ang sumubok sa kanyang pagkatao. Sa mundo ng Medisina hindi maiiwasan ang pamamalagi sa mga hospitals madalas magdamag kang narito upang mag-duty, ito ay para sa internship, kinakailangan nila ito upang mahasa ang kanilang mga kakayahan, masanay sa lugar, matuto at maging magaling na doktor balang araw at syempre upang makapasa.
Sa panahon ng kanyang internship nakilala ni Drei si Miguel, isang medical intern din kagaya niya. Habang nagkukwentuhan naisipan ni Miguel na isama sa kwento ang pinaka-creepy na experience niya sa hospital. Bandang alas 12 ng madaling araw, naalimpungatan daw siya dahil may isang Doktor na dumaan upang mag-round sa mga pasyente sa pasilidad. Hindi ito pamilyar at waring ngayon niya lamang ito nakita. Maputi na ang maikling buhok nito, nakauniporme at nakasalamin. Nginitian siya nito at dahil isang intern kinakailangan niyang magbigay ng assistance sa Doktor at kahit inaantok pa ay sinundan niya ito.
Nalibot nila ang bawat kwarto, nagtataka si Miguel dahil ni minsan hindi siya kinibo man lamang o inutusan ng Doktor, bigla na lamang itong umalis pagkatapos ng pag-iikot. Kung kaya itong si Miguel, pagkayari'y nagtungo sa dating pwesto niya at umidlip ulit.
Kinaumagahan, bandang 7am, nagpatawag ng meeting para sa lahat. Sa meeting room makikita ang mga litrato ng mga Doktora at Doktor na namalagi sa Hospital na yaon. Hinanap ni Miguel ang Doktor na nakasama niyang mag-ikot sa mga pasyente kagabi subalit hindi niya ito mahagilap, sa halip ang litrato ng Doktor ang kanyang nakita.
Dahil sa kuryusidad agad siyang nagtanong sa kaniyang katabi, "Excuse me po, magtatanong lang po sana kung kilala nyo po ba si Dr. Cruz? (hindi niya totoong apelyido) sabay turo nito sa litrato. Sumagot naman ang katabi nito ng "Ay, si Doktora ba? Oo, magaling na doktor yan." Ngumiti nalang si Miguel at nagsabi, "Ganoon po ba? Sinamahan ko po siya kagabi para ikutin ang mga pasyente. Magaling po pala siyang Doktor, hindi po kasi siya nasalita." "Bago ka lang dito ano?" sambit nito. "Opo" tugon naman ni Miguel. "Hijo, si Dr. Cruz ay matanda na nung nagretiro at minahal niya talaga ang propesyung ito kung kaya't hanggang ngayon baka nariyan pa rin siya upang maalagaan ang kanyang mga pasyente, at sinabi mo nga na nakasama mo siya kagabi, baka paraan niya lang siguro yun para i-welcome ka, naabutan ko si Dr. Cruz noong nabubuhay pa, mabait ito lalo na sa mga intern subalit dahil sa katandaan agad din itong binawian ng buhay, sa madaling salita, ang Doktora na sinamahan mo kagabi ay matagal ng patay."
Hindi agad nakagalaw si Miguel sa kanyang kinauupuan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala at aminado siyang ang karanasan na yaon ay dadalhin niya habangbuhay. Sa ngayon ay nakapasa na rin siya bilang MD katulad ng kaibigan kong si Andrei. Inaasahan na nila ang marami pang katatakutan at kababalaghan sa bawat lugar na kanilang mapupuntahan.
Hanggang dito na lamang po. Salamat sa pagbabasa!
-aci
Unknown
Hello po. I'm one of the silent readers and first time ko pong mag-send ng story dito so please hide my identity di pa ako marunong magkuwento, intindihin nyo sana. Ang istoryang ito ay walang halong kathang isip kundi purong katotohanan lang, simulan na natin.
May 22, 2011.
12 years old ako ng naranasan namin itong kababalaghan na ito. Bandang 12pm naghanda na kami para pumuntang simbahan dahil noong mga panahong yon eh Flores de Mayo at ang lola ko ay isang katikista sa simbahan, tatlo kaming kasama ng lola ko patungong simbahan, ako (a.k.a Idle, pinsan ko (a.k.a Jhon) at yung kapitbahay namin (a.k.a Princess). Buhay ng nagdadalaga't nagbibinata, napag-utusan kaming magturo sa mga bata at gumawa ng at mga palaro para di maiinip ang mga bata.
Fast forward.
Natapos ang Flores de Mayo mga bandang 3pm, pinauna na kaming pinauwi ni lola para magsaing ng hapunan, kasama kong umuwi si Jhon at Princess, nung nakarating na kami sa bahay ay nanood muna ako ng tv samantalang si Jhon ay nagsaing at si Princess ay umuwi muna sa kanila, nawiwili ako sa panunuod ng tv ng biglang may naglakad sa may 2nd floor (yung bahay kasi ng lola ko eh dalawang palapag tapos kahoy kaya't dinig mo kung may tao sa taas). So ayun tinignan ko kung may tsinelas ba sa ilalim ng hagdan, meron naman kaya akala ko si kuya at gf nya ang nasa taas kaya binalewala ko nalang. Mga ilang sigundo pa ang lumipas at bumalik na si Princess at sakto namang pag-upo nya eh may tumalon sa taas, sa gulat naming tatlo ay napagdesisyunan naming tingnan kung ano ang ginagawa nila sa taas.
Nakayuko kami habang dahan-dahang umaakyat sa hagdan. Nasa huling tapakan na kami ng hagdan ngunit wala pa kaming nakikitang tao. Doon na kami kinabahan at ang bilis ng pangyayari, nang may biglang tumalon na ewan sa harapan namin na sa sobrang lakas eh nagsiliparan kami sa hagdan, imbis na
Isa-isahin ay tinalon namin ang iilang baitang ng hagdan. Nag-unahan kaming palabas na tila ba mga runner kami na para bang nahulog ang puso namin sa nangyari at dahil doon ay sa labas na namin hinintay si lola at ang sinaing namin ay napabayaan at nasayang dahil wala ni isa samin ang nagkaroon ng lakas para pumasok muli doon sa bahay.
Simula nung naranasan namin yun ay umuwi na ako sa amin at ni minsan at di na ako pumupunta sa kinila ng mag-isa.
Idle.
Bulong
Hi admin! Pa-hide nalang po ng identity ko.
Nangyari ito ng madaling araw ng December 24, 2019. OFW at nagbakasyon kasi ang kapatid ko kaya nakitulog muna ako sa kanila ng pamilya nya last December 23, tapos uuwi ako ng hapon ng December 24. Meron talaga silang "kasama" sa bahay pero hindi naman nagpapakita ito sakin at never pa itong nagparamdam sakin noon, until nung madaling araw ng December 24.
Around 2am, as usual hindi pa ako tulog, nagse-cellphone lang magdamag. Ang kamang hinihigaan ko ay nasa lapag, sa right side ko ay mahabang kabinet, sa ulunan ko mga side table, sa kaliwa ko ay yung double deck na kama kung saan natutulog ang mga pamangkin ko. Mga isa't kalahating metro ang layo mula sa paanan ko ay iba pang mga cabinet at pintuan sa may kaliwang dingding sa may sulok ng kwarto.
Sanay naman na ako magpuyat kaya wala naman akong takot. 10pm palang tulog na silang lahat habang ako ay gising pa, nakatalikod ako sa kama ng mga pamangkin ko at nakaharap ako sa cabinet. around 2am, let's say mga 2:30am mga ganon, nakadinig ako ng bulong, yung tipong bulong na di mo maintindihan kung ano ang sinasabi, "swsshshshssws" yung akala mo puro mahangin na mahina ang dating, natigil ako sa pagse-cellphone syempre para mag-focus ng konti kung saan nanggagaling yung bulong, nilibot ko ang mata ko sa kwarto, wala naman akong nakita. Mga 1 min din bago tumigil ung tunog, so balik cellphone ako. Mga ilang mins after that (mga 10 mins after more or less), gumalaw yung batang pamangkin ko sa kama at nalaglag sa may ulunan/unan ko ung music box na kahoy, at biglang tumunog, 'fur elise' pa nga ung tugtog, aminado akong nangilabot ako nun kasi creepy lang talaga ung tunog. so ginalaw ko konti para tumigil, at tumigil naman. So ayon, di ko nalang kinibo at nag-cp na naman ako. Ilang mins after that nadinig ko na naman yung bulong. Tahimik lang sya, akala mo nasa may tenga mo lang, natigil na naman ako sa pagse-cellphone at hinanap kung saan nanggagaling yon hanggang sa matigil ung tunog. Medyo kinabahan ako kaya pinilit ko nalang makatulog after that. Inisip ko nalang na baka mga pamangkin ko yon na nag-i-sleeptalk kasi banda sa kanila ko naririnig.
Dating ang umaga at kumakain na kami ng pang umagahan, in-open ko sa kuya ko at sa asawa nya ung na-experience ko nung gabi.
"Kuya nag-i-sleep talk ba sila ***?" "Ha? Hindi naman, never sila nag-sleeptalk" Kahit sinasabi ng batang pamangkin ko na bumubulong daw sya nung gabi kaya nadidinig ko daw sya, sa sarap ng himbing nya nakapag-cr pa nga ako saka impossibleng malaman ng taong tulog pag nag-sleeptalk sila. So kinilabutan ako kahit umaga na haha, nalaman ko din na yung nanay ng asawa ng kuya ko, si tita, pag natutulog din pala sa kwarto na yon, naririnig din ung bumubulong. Sinasabi din pala niya kila ate na "Sa kwarto nyo may bumubulong ano?" pag doon sya natutulog.
Tapos eto pa, diba tumunog yung kahoy na music box? Yun yung mga tipong nabibili sa souvenier shop, ung kailangan mo pang pihitin para tumunog, jusko po. Hindi ko naman pinihit nung gabi, saka paggising ko ng maaga, maayos naman syang nalaglag sa may ulunan ko, at kung malalaglag man yon, malambot ang unan ko so paano syang tutunog?
Haha so ayun, natapos kami kumain ng breakfast and shookt ako kasi binibiro pa ako ng kuya kong may third eye "Haha napagtripan ka nya no? Binubulungan ka nya sa tenga".
Tang*na diba?
skl.
-lex 21
Shadow
Hello admins, I use my real account to share this story, please do hide my identity po, thank you.
Nangyari ito nung grade 2 ako, nasa Davao pa kami noon, pero nasa Tarlac na kami ngayon kasi dito ako nag-aaral. Back to the story. Masasabi kong may kahirapan ang buhay namin noon. Halos oras-oras mong iisipin kung may kakainin pa ba kayo mamaya, bukas o sa mga susunod na araw. Wala rin kaming kuryente nung mga panahong yon, tanging ilawang may gas lamang ang nagsisilbing tanglaw namin tuwing gabi.
Bilang isang panganay na anak, madalas na ako ang inaasahang tutulong sa mga gawaing bahay at magbantay sa mga kapatid ko sa tuwing aalis sila mama upang maghanapbuhay.
Isang gabi, nasa kapitbahay namin sila mama, nakikipagkwentuhan. Habang ako at ang pangalawa kong kapatid ay naiwan sa bahay, katatapos lang kasi naming kumain non at ako ang naatasang maghugas ng pinggan. Nagpasama lamang ako sa kapatid ko kasi nga takot ako dahil madilim at tanging ilawang gas lamang ang ilaw namin. Abala ako sa pagsasabon ng mga pinggan non at maya't maya ang lingon ko sa bahay ng kapitbahay namin which is tapat lang ng pinto namin yung kubo nila kaya makikita agad kung sino yung mga nandon, sa tantiya ko'y 14 meters ang layo nito mula samin.
So eto na, abala ako sa pagsasabon ng pinggan non habang yung kapatid ko naman ay katabi ko lamang, nakatayo sya sa gilid ko. Nagmamadali na ako non kasi natatakot ako, ewan ko kung bakit. Maya-maya'y bigla nyang hinipan yung ilawang gas namin kaya namatay ito dahilan upang kumaripas kami ng takbo palabas pero ako lang yung nakarating sa may kapitbahay namin samantalang yung kapatid ko naiwan pero nakita kong nauna syang tumakbo sakin kaya di ko na napansin kasi takot na ako non. Pagdating ko don nakita ko na nandun yung kapatid ko kaya inisip ko na nauna sya, agad kong isinumbong yung kapatid ko na pinatay nya yung ilaw. Pero nagulat ako sa sinabi ni mama, kasi kasabay daw nilang pumunta don yung kapatid ko at mag-isa lang daw ako na naiwan sa bahay. Kaya ayon di muna ako umuwi kasi natakot ako at ikinuwento ko kila mama yung nangyari pero di sila naniwala, baka namalikmata lang daw ako. Pero as in ang tagal ko pa talaga syang nakatabi. Hindi sya gumagalaw pero nakatingin lang sya sakin nung time na yon, parang pinapanood lang ako.
Btw, kaya shadow yung title kasi sa anino ko nakita na hinipan nya yung ilaw then automatic takbo na ako palabas, feeling ko kasabay ko sya pero agad ding nawala.
Neeps
Tarlac
My Elder Brother named Jamie
Hi ako ito si Jus, I just want to share a story na hanggang ngayon ay nakakapagpabagabag (wag mabulol) ng aking isipan.
Here it goes.
Ako at si Kuya Jamie ay ipinanganak sa parehong taon 2000. February ang birthmonth niya samantalang November naman ang sa akin, magkasingtangkad at magkaitsurang-magkaitsura kami. A lot of people tends to think na kambal kami, pareho kami sa halos lahat ng bagay, from haircut, attitude pati kinahihiligan. Nagkagusto pa nga kami sa isang babae at pareho naming naging ex yun hahaha. dahil sa pagkakatulad namin hindi maiwasan na ikumpara kami sa bawat isa at sa bawat pagkukumpara, siya palagi ang angat. Alam niyang naiinis ako sa kanya tuwing kinukumpara kami pero nanatiling mabait sakin si Kuya Jamie. And after all totoo naman talagang magaling siya, pareho kaming lefty pero mas magaling siyang opposite spiker kung ikukumpara sa akin pagdating sa volleyball. At naiinis din ako pag ako ang natatapat sa kanya pagdating sa lawn tennis dahil palagi akong natatalo, lahat nalang yata siya ang mas magaling. Sumagi pa sa isip ko na siya ang nagiging barrier sa pag-abot ko ng pangarap ko at sinasabi ko yun sa kanya, pero sadyang mabait talaga siya bilang kuya ko at di siya nagtanim ng sama ng loob pero isang bagay na alam ko ang di niya alam, hindi siya marunong lumangoy.
February 2017 post birthday celebration niya sa kanyang 17th birthday, nag-outing kami sa beach. Maganda naman ang panahon medyo maulap pero parang di naman uulan. Naliligo kami nun na magpipinsan naiinggit siya sa amin kasi halos lahat kami marunong lumangoy, nakiusap siya sa akin bilang kapatid na turuan ko siya, pero todo tanggi ako, basta ang nasa isip ko lang nun ay baka matuto siya at maging mas magaling na naman sya sa akin, dito na nga lang ako angat mauungusan pa niya ako. Madami akong alibi that time na next time nalang ganito ganyan para lang hindi talaga siya matutong lumangoy.
Mga 3pm ng hapon ng pinaahon na kami ng mga pinsan ko ni tita para umuwi at baka daw maiwanan kami ng jeep na service namin. Agad naman kaming nagsiahon at umakyat sa bubong nang jeep, hindi na kami nagbihis at napagdesisyunan na sa bahay nalang magbanlaw. Paalis na ang Jeep ng napag-usapan ang birthday ni kuya at doon na namin napagtantong wala pa pala si kuya sa service namin. Nagtanungan na kami kung sino ang huling nakasama ni kuya, Ngunit walang makasagot sa aming magpipinsan. Nagsibabaan kaming lahat para hanapin si Kuya Jamie pero tanging tsinelas lang na nasa buhangin ang aming natagpuan. Hindi na nakita pa si kuya mula noon, halos mabaliw si mama sa malabangungot na nangyari kay kuya. At ako, halos di pa rin makapaniwala at sinisisi ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon dahil kung naturuan ko siyang lumangoy baka hindi siya nalunod, baka kung sinamahan ko siya hindi siya nawala sa baybayin hindi sana siya namatay. At dahil bukas ang third eye ko palagi siyang nagpapakita pero hindi siya kailanman lumapit sa akin. Palagi ko siyang nakikita sa harap ng school sa typikal niyang maamong nakangiting mukha pag noon break pero pagtatawid na ako bigla nalang siyang mawawala sa kumpol ng mga estudyanteng nakatambay doon. Kung hindi lang sana ako nainggit sa kanya noon baka masaya pa kami hanggang ngayon. And it seems na hindi mo naman ako sinisisi sa nangyari sayo kaya sana sa third death anniversary mo this February tuluyan ka ng makalaya.
-Jus