To love a star

By mymirai2012

129K 4.4K 1.1K

Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha... More

Author's note
Cast/characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 11

2.4K 79 33
By mymirai2012

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV

"Oh hi Rain! I thought dikana makakarating eh?" Bati sakin ni Nikki, yumakap lang siya sakin saglit and nag beso-beso pati sa Manager ko "come! May nakareserve na table for us," lumapit ng bahagya sakin si Nikki and whisper "pina arranged talaga ni Dani yung table for us, kasama ng mga close friends namin,ayoko naman maki-table sa mga ibang andito, pakilala kita sa mga loyal friends namin ni Dani.." saka siya nag smile.




"Ah Rain? Mrs. Fabian?Im sorry to bother, pero, ok lang ba na iwanan ko na muna kayo?? Puntahan ko lang mga amiga's ko dun" sabi ni Manager, i just nod at her,Saka na ako hinila ni Nikki sa may designated table namin.



Oo nga pala, birthday kasi ni Me.Ferrer ngayun, yung father ni Dani, kaya sobrang enggrande ng venue and mga bibigating tao halos lahat ng mga bisita, celebrities, politician's, mga businessman na minsan lang ata sa talambuhay ko sila makikita ng personal, at syempre mawawala ba naman ang mga media at mga press? Lalo na sa larangan ng business and isa sa mga halos nangunguna ang Ferrer Corporation dito sa pinas, at sa ibang bansa.



Dinala ako ni Nikki sa may medyo malaking table malapit sa may stAge, halos pinagtitinginan ako ng mga ibang tao dito, siguro iniisip nila bakit kasama ako ni Nikki, marahil iniisip din nila kung bakit ka close ko sila.





"Here," anyaya sakin ni Nikki "oh by the way this is Leni my best friend," turo sakin sa isang halos kaedaran ni Nikki, medyo may kagandahan din naman at mukhang mabait naman saka ako nakipag-kamay sakanya "this is Raymond" megad! Ang gwapo,may pagkachinito, at panalo sa muscle ah!,Nakipag-kamay din ako sakanya, then Nikki whisper to me "Rain, paminta yan, huwag kang paloko"saka siya biglang tumawa ng nakakaloko..


"Oi! Bakla! alam kong sinisiraan mo ako sa bagong friendship natin, huwag ka ngang panirang moment diyan." Said Raymond sabay inirapan si Nikki, pero si Nikki patawa-tawa lang, natawa nalang ako sakanila,
Hindi ko talaga na sense na paminta siya promise! ang gwapo kasi eh. "Ikaw yung bff ni Natasha sa isang teleserye right? And nakikita kita sa mga magazine eh, hindi ka naman mukhang atribida ah?" At kontodo taas pa ng kilay niya, saka ako tiningnan ng ulo hanggang paa, parang kinikilatis.




Napansin ata ni Nikki yung awkwardness so yun, bigla niyang iniba ang usapan at pinakilala niya yung gwapo din kasama nila.



"Ang this is Paolo, ang nagiisang gwapo sa table na ito" pagbibiro ni Nikki, pailing-iling lang si Paolo saka ngumiti.



"Hi Rain? Im Paolo, your handsome future husband," said Paoli, then extended his arm to me,para makipag-kamay,




"Hello Paolo, I'm Rain,sorry but, I'm almost taken" saka ako nag smile sakanya.





Natawa si Nikki kay Paolo, "oh ano Paolo? Wala paman basted kana agad? May pa handsome-handsome future husband kapa diyan,"
said Nikki na patawa-tawa talaga, napakamot nalang ng ulo si Paolo and muttered na hindi na namin naintindihan.


Napaka-nice naman ng mga friends nila,they really know kung paano kumilatis ng mga kaibigan, hindi mo ma-fi-feel ang boredom sakanila at lalo hindi ka maa-out of place.



"Teka? Diba invited din si Natasha? Nasan na siya!? Namimiss ko na rin yung loka-lokang yun eh." Said Raymond.



"Oo nga eh, lately kasi masydo siyang busy sa career niya." Said Leni na bestfriend ni Nikki.



San na nga ba siya?



Nakailang text na ako at tawag sakanya ni hindi man sumasagot, sayang ang effort kong magpaganda para sa sosyaling okasyon na ito.(actually si Dani ang nag prepare ng damit ko for this occassion.



"Dito kana umupo Rain," said Paolo, he pulled a chair  na tabi sakanya, napaka gentleman naman niya.




"Naku papa Paolo ah, hindi ka napaghahalatang dumadamoves dito kay Rain" said Raymond saka inirapan si papa Paolo daw. So yun, nakagitna ako kay Raymond at Paolo, saka sa may side ko si Leni and Nikki.



"Oh, nag text na si Nati, malapit na daw sila ni David, galing pa kasi sila sa pinagshootan sa subic." saka nag wink sakin si Nikki, "Oh, iwanan ko na muna si Rain sa inyo ah? Mukhang kailangan namin humarap sa ibang bisita, sumesenyas na si kumander." Sabay nguso ni Nikki sa gawi ni Dani malapit na sa may stage kalong yung baby girl niya at nakahawak yung baby boy niya dun sa isa Babae na hawig ni Dani,yun siguro yung sister ni Dani, actually nakita ko na rin siya sa isang magazine, may hawak na malaking kumpaniya ng law firm,ang ganda nila! napaka perfect, bakit kasi ganda lang ang meron ako e?!
charot.! Perfect kasi ng datingan nila.



Narinig ko narin nagsalita yung emcee na tinatawag si Mr. Ferrer ang father ni Dani at si mrs.Ferrer yung mother ni Dani, na kahit me kaedaran na sila ang gwapo at gaganda, no wonder kung saan namana ni Dani at sister niya yung mala dyosang looks nila,napapatulala nalang ako sakanila, first time ko lang nakita sa personal yung family ni Dani na kahit pa sa Ferrer corp. ako nag wo-work eh ni hindi ko man sila nasilayan.



Ma joke din yung father ni Dani habang pinagmamalaki sa lahat yung family niya lalo na dAlawang apo niya na super cute,
mapapa 'SANA ALL' ka nalang talaga.



hayy.. kainggit sana ako din..



Umasa oh! Hehe
libre lang naman mangarap diba?



At yun pala si mr. Phillip Ferrer,gwApo talaga!
gaganda ng mga lahi nila ah.




Palahian niyo naman ako! Hehe.. joke!



After magsalita sa harapan ng Family Ferrer,pinaubaya na sa emcee Ang lahat, and nag entertain na sila sa mga dumating na bisita.


Mayat-maya pa naglupong ulit ang mga reporters, dumating na pala sina Natasha at David, na mas mukhang pinagpyestahan kesa sa birthday ni Mr.Ferrer.


Lumapit din si Mr. Ferrer kay Natasha at nakipagkamay, ang layo kasi nila, kaya hindi ko masydong maintindihan mga pinaguusapan nila.


Nakipag-beso-beso rin si Dani at Nikki kay Natasha.

Mayat-maya napansin kong tinuturo ni Nikki yung table namin, saka nag smile lang si Natasha.


"Hey, miss Rain? You ok?" Asked Paolo, bigla kasi akong nawala sa realidad dahil naging focus kolang e ang pagdating ni Natasha and David.


"Huh? Im-I'm sorry, Ano nga ulit yun?" I asked



"Im asking kung gusto mo ng wine? Or ng foods? Gutom kaba?" He smiled at me, kita tuloy yung dimples niya at pantay-pantay at puti niyang ngipin, ang gwapo ng lalaki na to, siguro marami ng nalokong girls ito?or yet baka naman pihikan kaya wala pang girlfriend?



"Yah, thank you."




"Ok, just a minute." He said, saka na siya nagpunta sa may mga foods and drinks.




Siya naman pagdating ni Natasha with Nikki,



"Here, dito kana umupo.." said Nikki pinaupo niya si Natasha sa tabi ko, si David nasa ibang grupo nagpunta, saka lumapit sakanya si Raymond and Leni. "ok dun muna ako sa wife ko ok?" Paalam ni Nikki at bigla na nanaman nawala. Busy na busy sila.




"Uyy! Bakla komusta kana?" Si Raymond at niyakap si Natasha, parang mga matatagal ng magkakaibigan, lumapit din si Leni at nakipag beso-beso din, nagkakwentuhan lang sila at ako nakaupo lang at pinakikinggan lang mga usapan nila, ni hindi pa niya ako masydong pinapansin. Pero ok lang naman, eh mukhang matagal-tagal narin naman simula ng last silang magkita-kita eh.



"Ehem!ehem.." si Paolo to get our attention "oh hi!Natasha!"  Saka niya binaba muna sa table yung dalwang basong wine and inabot ang kamay niya kay Natasha para makipagkamay,pero inirapan lang siya ni Natasha, kaya pasimpleng natawa si Leni at Raymond.



May problema ba siya kay Paolo? Bait-bait nga ng tao eh,pinagsungitan talaga?



"Hey Paolo, para sakin ba to?" I asked Paolo, para mabaling ang attention niya sakin, iwas pahiya rin sakanya.


"Yah, eto oh!" inabot niya sakin at umupo sa may side ko na dapat upuan ni Raymond kaya sa side nalang ni Leni umupo si Raymond.



"Grabe Paolo ah, nakakasakit ng loob,Siya kinuha mo ng drinks, kami wala?" Said Raymond na sinangayunan narin ni Leni.



"Hay naku hintayin nyo nalang yung, waiter na nagseserved diyan." Said Paolo na pangiti-ngiti pa at sakin lang nakatingin.



While drinking wine, pasimple
Nalang akong sumusulyap kay Natasha na hindi naman ako masydong pansin kanina pa, nakikipag kwentuhan lang siya kay Raymond and Leni,
Minsan kay Nikki, kapag napapagawi sa table namin, si Dani nakikita ko lang siya sa malayo
Pero hindi pumupunta sa table namin dahil busy nakikipag usap sa mga bibigating bisita.



Kaya kami ni Paolo madalas magusap.

Then hindi ko na natiis yung pagdededma ni Natasha
"Hey" pasimple akong bumulong sakanya.



"Hey ka diyan." She said. Na hindi man akong tinitingnan.



"Wala sa mood?"



"Magusap tayo mamaya sa condo ko." She said na napaka seryoso and biglang tumayo at pumunta sa ibang table.



Problema ng babaeng yun?
Ako nga dapat mainis sakanya sa ginawa niyang pangdededma sakin, anu man lang yung simpleng greetings? Mapapansin ba ng mga andito yung sikreto namin relasyon? Hindi naman diba?!



So yun, mabilis ko naman na get along yung mga friends ni Nikki and Dani, mababait naman sila lalo na si Paolo, napaka gentleman niya, ni hindi ko Man nga napansin yung oras dahil sa pageentertain niya.



Then after that, pinuntahan ko muna yung Manager ko to ask if pwede nalang ako makisabay kina Raymond, niyayaya kasi kami sa restobar ni Paolo, may bagong branch daw siyang binuksan.


So pumayag naman si Manager, saka na muna ako pumunta sa may comfort room nitong venue, para naman magkaroon ng oxygen, grabe kasing nakakapanliit yung mga tao dito,nakakasuffocate pala mga ganitong okasyon.



Pumasok ako sa isang malapit na comfort room na napaka sosyal ng dating at 4 ang cubicle nito, so chineck ko muna kung may tAo sa may bandang dulo bago ako pumasok ng may tumulak sa likuran ko,and narinig ko nalang na nilock yung pinto.



"Shh...huwag kang maingAy" bulong niya, baka kasi may makarinig samin sa labas.




Boses ni Natasha! Kinabahan tuloy ako, Kala ko kung sino eh.




Niyakap niya ako at dinikit yung mga labi niya sa leeg ko.



Amoy mint and liquor yung bibig niya. Naamoy ko kahit nakatalikod ako.



"Nakarami kana ata ng inom?" Bulong ko.



"Konti lang." she said and suddenly pulled me and turn me at ako ang dinikit niya sa may pinto nitong cubicle na sumikip dahil Dalawa kami dito.

She suddenly lean on me and kissed me torridly.


Pero parang ayoko yung way ng halik niya ngayun, parang lust lang at wala yung intimate, parang humahalik lang siya, pero yung focus niya wala Sa ginagawa namin ngayun, feel ko naman na there's something wrong, Dahil ba nakainom siya? Ganun ba yun?I don't know!


Kaya tinulak ko siya ng bahagya, para mag stop sa ginagawa namin, Saka baka may ibang tao pang makapansin samin dito, magka-issue pa.



"Stop it, this is not the right place for this, Natasha" I said whispering.




"Ok! ok,I'm sorry." Tinaas niya ng bahagya ang dalawang kamay niya na parang susuko na,Then siniwang niya ng konti ang pintuan, sumilip muna siya ng mapansing wala namang tao, saka na siya nagmadaling lumabas.


At ako napaupo nalang sa may bowl nitong cubicle ng ilang minuto, nabigla rin naman kasi ako sa mga nangyari.

Ngayun ko lang nakitang nakainom ng ganun si Natasha, well, as if naman nakakasama ko siya sa mga ganitong event.


Every-time naman na iinom kaming dalawa e puro wine lang naman and hindi naman siya nagkkaganito.


After a while nagayos lang ako ng konti sa harap ng salamin, then lumabas nArin aKo sa comfort room.


Bumalik na ako sa table namin nina Paolo.


"Hey, nakapagpaalam
Kana sa Manager mo?" Asked Paolo.



"Yah.." i smile para hindi masydo halata na nagkakagulo ang pusot isipan ko.




"Good!" He smile sweetly, ang cute talaga niya, wala ba Talagang girlfriend ito?
"Hintayin nalang natin si Leni and Raymond, kausap lang saglit si Nikki kung makakasama sila ni Dani."


Saka na ako umupo malapit sakanya.


Then suddenly, Dumating si Natasha with her co-star friend, palapit samin ni Paolo na medyo nagiiba narin ang lakad.


"Hey Natasha, you wanna go with us after this celebration?" Asked Paolo, tiningnan lang siya ni Natasha saka inirapAn ulit na parang bored na makausap si Paolo.


"May lakad pa ata kayo nat's" narinig kong sabi ni Isabella co-artist, halos ka level ni Natasha sa industry. "So Rain, right? Iwan na namin si Nat's sa inyo, mukhang hindi na makalakad ng mabuti eh."


"Ok! Sige," i said and weakly smile, saka na sila umalis, Patapos narin kasi yung celebration ni Mr.Ferrer unti-unti naring umaalis ang mga bisita,and its almost 10pm narin kasi.



"May lakad ka? Aalis ka ng hindi man lang nagpapaalam?" Natasha asked, at talaga namang napakaseryoso ng mukha.



"No Natasha, Nag-paalam na siya sa Manager niya, ok lang daw basta hatid lang daw namin siya pauwi." Paolo smile pero medyo awkward yung smile niya.



"Kinakausap ba kita?" PagtatatarAy ni Natasha kay Paolo,Napapakamot nalang tuloy ng ulo si Paolo,Kawawa naman ang tao oh!.

"Natasha, pwede ba kalma kalang? Wala naman ginagwang masama sayo yung tao, bat ba pinagsusungitan mo?" I asked, hindi na kasi ako makatiis.




"Sasama.ka.sakin." She said na mahina pero super diin ng pagkakasabi ni Natasha.



"Natasha, tawagin mo na kaya yung driver mo? Para maihatid kana, mukhang nakarami ka ng inom eh." I asked concerned.



"Hindi ako lasing ok.? So are you going with me or not? You choose"


Grabe talaga tong si Natasha, pinamimili ako,eh yung way naman ng pagtatanong niya, na kpag hindi ko piniling sumama sakanya,magagalit siya. Hayy.



"Natasha kasi—"


"Ok fine! Sumama kana sakanila, uuwi na ako."


Tingnan mo tong babae na to ni hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko, nagmadali ng umalis.



Kainis!



"Paolo, I'm sorry, next time nalang ako sasama ha?!" Nataranta narin ako dahil sa reaksyon ni Natasha.



"Its ok Rain,hindi ko alam na close pala kayo ni Natasha?" Asked Paolo.

"Yah, and its a long story, sige ha! Nice meeting you Pao, sundan ko lang siya" i said and get my purse at nagmadali na akong sumunod sakanya, nagpaalam muna siya kay mr. Ferrer, at kay Nikki.. Then nagmadali ng maglakad palabas ng venue.



Pati sa paglabas, Sinusundan siya ng mga reporters pano ko kaya sila malulusutan nito?. Shit naman oh! Mahihirapan akong makalapit sakanya.


I just called her phone baka sakaling mapansin niya.


Pero hindi eh,diretso lang siya sa sasakyan niya.



Bumalik ako sa venue at nakiusap kay Paolo na sundan namin si Natasha, buti mabilis naman kumilos tong si Paolo.


Minamadali ko talaga si Paolo,para makasunod sa sasakyan ni natasha..



"Are you ok rain? Ano bang nangyari at kailangn sundan si Natasha?" Asked Paolo, pero yung tingin niya sa driveway lang.



"Im sorry Pao, can't tell, basta ayoko lang magalit siya."




"Oh i see, may pag-ka dominant naman kasi itong si Natasha eh, gusto laging sinusunod." He sigh."Well, don't worry masusundan rin natin sila okey?"

I just nod at him, nakakahiya kay Paolo, first time palang namin magkita humingi na agad ako ng favor sakanya,feeling close na agad.



"Pao sure kaba na dito sa way na to sila dumaan?" I asked Paolo na medyo nagtataka.



"Oo, oh ayan yung sasakyan nila oh."sabay nguso niya.


Panong hindi ako magtataka e dito yung condo n tinitirhan naming mga tAlents,bakit sila dito nagpark?




"Oh ano? Ilalapit ko ba yung sasakyan sa kanila?" Asked Paolo.



"Ok lang Paolo bababa na ako, thank you talaga ah? Kabago-bago palang kitang nakilala, humingi na agad ako sayo ng pabor, Pano ba kita mababayaran niyan?" I asked




"Just give me your number," he wink at me.



"Huh?"



"Just give me your number, then i'll call you kapag naisipan ko na yung kabayaran ng pagtulong ko sayo." Saka niya ako nginitian,

Bigla tuloy akong kinabahan, baka mamaya eh!kung anong hingin sakin.



"Hey..its ok, i know what's running into your mind," sabay smile niya ulit "hindi naman ako masamang tao, don't worry, gusto mong balatan ako ng buhay ni Dani at Nikki? Kapag ginawan kita ng masama?" Tumawa pa siya



Then yun binigay ko yung personal calling card ko and gave it to him,Saka na ako nag thank you ulit at lumabas ng kotse niya.



Pagbaba ko, hinintay ko muna si Paolo na makaalis bago ako lumapit sa black sprinter van ni Natasha.


Pinagbuksan naman ako ng body guard ni Natasha na kanina pa naghihintay sa harap ng sasakyan, parang alam na alam nila na ako yung sakay ng sasakyan ni Paolo kanina ah.



Then pag pasok ko sa sasakyan,



"Ang tAgal mong bumaba ng sasakyan ni Paolo?ano pabang ginawa niyo bago ka bumaba?" At talaga namang kuntodo dikit ng mga kilay niya. Para namang ang laki-laki ng galit niya sa earth.




"Nagusap.lang po kami,nagpasalamat lang din ako sakanya" i said calmly pero hindi ako sakanya nakatingin. "Saka paano mo naman nalaman na kami yun laman ng sasakyan?" I asked.




"Alam ko na hindi mo ako matitiis at susundan mo ako, saka naisip ko narin na kay Paolo ka hihingi ng pabor para sumunod, dahil wala ka naman sasakyan, saka isa pa nakita ko ng nauna umuwi ang Manager mo, So paano mo ako masusundan?"




"Grabe ka naman!Saka bakit ba ang sungit-sungit mo ngayun?ba't parang galit na galit ka? May ginawa ba ako sayo?" Pero hindi niya ako sinagot at inirapan niya lang ako. "Alam mo magusap nalang tayo sa susunod," saka ko na pilit binuksan ang pinto, Pero nilock niya agad. "Buksan mo nga to, uwi na ako." Pagpupumilit ko.



Pero hindi niya ako pinansin. "Manong diretso na tayo sa condo ko." She said sa driver saka na umandar tong sasakyan.



Hindi na kami umimik hanggang sa makarating kami sa lavish condo niya.



Saka na niya ako hinila pababa ng sasakyan.



hinila niya ako hanggang sa elevator nitong condo, sobrang higpit naman ng hawak niya sakin, ayaw niya talaga makawala ako sakanya, halos kaladkarin na niya ako,eh hindi naman ako tatakas at wala naman akong balak iwanan siya.


Saka na kami pumasok sa condo niya,
Umupo siya sa sofa niya, at tinanggal
Yung heels niya at pinatong kung saan lang, grabe naman babaeng to!


Saka siya biglang tumayo, at pumunta sa may kitchen at ako para parin akong tuod sa kinatatayuan ko.



Saka niya ako inabutan ng baso ng wine.



"Inom pa tayo." She said at umupo sa may sofa, ng mapansin niyang hindi ako umiimik at tuod parin akong nakatayo, lumapit siya sakin "hey! May kausap ba ako dito? I said inom pa tayo." Habang hawak niya ang bote ng wine niya at diretso uminom sa bote ng wine.



Pilit kong hinihila sakanya yung bote ng wine. Pero pilit niya rin nilalayo sakin.



"Andami mo ng nainom, tama na,ok?" I said




"No!" Kumunot ang noo "konti pa i just wanna drink with you, or gusto mo sa bar ni Paolo tayo uminom?" Sarcastic yung pgkatanong niya.




"No!please Natasha, tama ng inom mo, pagusapan nalang natin kung anong gumugulo sa isip mo ok?." I said with a worried tone.




"No, wala naman gumugulo sa isip ko, gusto ko lang talaga uminom kasama ka,"sAka niya halos ubusin na yun laman ng wine.




So yun, hindi nalang ako umimik, inubos ko lang yung baso ng wine na inAbot niya sakin kanina saka ko na nilapag sa table yung baso.


Nakaupo lang kami sa sofa, habang tinutungga na niya yung bote ng wine.



Nung hindi na ako nakatiis,Inagaw ko na yung bote ng wine ulit sakanya na halos kokonti nalang din ang laman.




"Pwede ba tama na? May nangyari ba na hindi mo sinasabi sakin? Bat ka ba nagkakaganyan? May nagawa ba akong mali sayo? Just tell me." I asked.



"Wala—wala naman!" saka lang siya umiling-iling,tapos bigla siyang nag smile, parang praning "sexy mo ngayon ah?." Bigla nalang siyang dumikit sakin at hinigA sa sofa, at pumatong sakin,then started kissing me on my neck,and kissing me slowly sa lips ko, hanggang sa lumaban narin ako ng halik sakanya.

We torridly kiss, yung nagiging wild narin yung halikan namin, and kung saan-saan narin naglalaro yung kamay niya sa katawan ko.


Then itulak ko siya ng bahagya At ako ang pumatong sa kanya, and nakahawak sa leeg ko
Yung isang kamay niya at yung isa naman sinisimulan na niyang i unzipped yung zipper ng dress ko sa likod. Then maghahalikan na naman..



Then she started to moan, kaya lalo akong na excite sa ginagawa namin,

"Ahhh, ni.. nikkkii..." she moan..



What? Did i heard it right?


Nikki? Inuungol niya ang pangalan ni Nikki?




Napa stop ako sa ginagawa namin,
Parang bigla akong nawalan ng gana.

Eh sino ba namang hindi? Sino ba namang hindi magagalit at masasaktan?
Nag me-make kayo ng partner mo, tapos ibang pangalan ang maririnig mo?



"Hey babe, what's wrong?" She ask.



What's wrong?

Whats wrong??

Whats wrong????!!!

Sira ulo ba siya?



"I need to go" i said and tumayo na ako para ayusin ang sarili ko.



Then she hugged me at my back.


"Rain? What's wrong?" Parang wala siyang ka ide-idea kung bakit ako nagkaganito.



"You need to rest muna Natasha" para bang gusto ng bumagsak ng mga luha ko.



Naiinis ako promise!



Ang sakit pala nito..


"HuWag mo naman akong iwan, please?" She turn me around facing her and hugged me tight "ok, kung wala ka sa mood makipag-make sakin, then its ok,basta, wag moko iwan please?"


Shit naman oh..



How can i say NO?
Kahit sobra akong nasaktan?



Ganito ba talaga kapag mahal mo ng sobra?


Ano?



Tanga-tangahan nalang talaga?


Well,Baka naman kasi hindi niya intensyon na lumabas sa bibig niya ang pangalan ni Nikki?, baka naman kasi bigla niya lang naalala habang nagme-make kami at dumulas lang sa bibig niya?.


Ganun ba talaga yun?


So anu?

Tanga-tangahan ulit?


So kailangan ko nabang paniwalaan nalang ang sarili ko sa mga ganoong katangahan?


Anu na?


"Ok, ill stay. pero sana don't mention other girls name muna, lalo na ako yung nasa harapan mo
Ngayun." Saka ako pabagsak na bumuntong-hininga.



"Huh? Did i mention Nikki?" She asked na parang wala talaga siyang ka ide-idea.



Saka bakit alam na alam
Niyang si Nikki ang tinutukoy ko?



So it means si Nikki talaga ang laman ng utak niya ngayun?



"Babe,please. look at me." hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko "wala ka naman dapat ikaselos kay Nikki diba? We're just really good friends, and kay Dani na yun noh." Saka siya biglang tumawa na lumabas sa ilong.




"So kung walang Dani na nageexist, ipu-pursue mo siya ganun? Kahit pa your always saying na 'we're just good friends' ganun ba yun?"




"Bakit ko pa iisipin yun? E may Rain na ako,?!
And I'm sorry if i mention her earlier na hindi ko alam, at hindi ko rin intensyon na banggitin siya. Im sorry ok? You know what Rain?, i really- really like you ok?and mapapraning talaga ako kapag nawala ka sa buhay ko." She smile and started to kiss me slowly and gently.


Kaya yun, mabilis bumigay ang katawang lupa ko, At nag continuation yung nangyari kanina.

**************************************

Continue Reading

You'll Also Like

864K 23.2K 81
APPLE DREW YUZON IS ONE OF THE SUCCESSFUL HEIRESS IN THE COUNTRY SHE HAS EVERYTHING SHE EVER DREAM OF HAVING EXCEPT FOR ONE... HOPING TO WIN THE GAME...
410K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
59K 1.4K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
17.3K 1.3K 32
What is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionall...