Fake Girlfriend of Mr. Famous...

By MsKindGirl

1.9M 68.5K 12.9K

Ano ang gagawin mo kung humingi sa 'yo ng favor ang bestfriend mo na magpapanggap ka bilang Girlfriend ng Boy... More

Prologue
Chapter 1: Favor
Chapter 2: Meeting Grey
Chapter 3: Sweetie & Sweetheart
Chapter 4: Punishment
Chapter 5: Admits Relationship
Chapter 6: Picture
Chapter 7: First Kiss
Chapter 8: I won't Fall In Love
Chapter 9: Interview
Chapter 10: Pretend
Chapter 11: Condo
Chapter 12: Surprised
Chapter 13: New Classmate
Chapter 14: Clinic
Chapter 15: Date
Chapter 16: Cheater
Chapter 17: Fake Girlfriend
Chapter 18: Peace Offering
Chapter 19: It Hurts
Chapter 20: Library
Chapter 21: Courting Me
Chapter 22: In A Relationship
Chapter 24: Wrong
Chapter 25: Hate
Chapter 26: Intrams
Chapter 27: Crazy
Chapter 28: Falling
Chapter 29: Sketch
Chapter 30: I Love You
Chapter 31: Beach
Chapter 32: Necklace
Chapter 33: Dedicated
Chapter 34: Notice
Chapter 35: Help Me
Chapter 36: For Real
Chapter 37: Kiersten's POV
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Perfect
Chapter 40: Birthday Celebration
Chapter 41: Happy
Chapter 42: Graduation
Chapter 43: Leave
Chapter 44: 7 Years
Chapter 45: Wedding
Chapter 46: Bouquet
Chapter 47: Picture
Chapter 48: It Hurts
Chapter 49: I'm Waiting
Chapter 50: Soon
Epilogue
Thank You
Special Chapter
Special Chapter Part 2
Kiersten&Grey Love Story

Chapter 23: Don't Leave Me

32K 1.2K 291
By MsKindGirl

Chapter 23

Hinalikan muna ni Tristan ang noo ko bago siya umalis. Hinatid niya muna ako sa amin. Napansin ko ang lapad ng ngiti ni Mom habang nakatingin sa 'kin. Mukhang gustong-gusto niya talaga si Tristan.

Hindi ko naman siya masisisi kasi talagang napakabuting tao ni Tristan. Simula nung nagloko si Dad ay hindi na siya marunong magtiwala sa isang tao.

Pero kay Tristan binigay na niya ang buong tiwala niya.

"How was your day?"

Nilapitan ko si Mom at hinalikan ang pisngi niya. Nilingon ko naman ang kapatid ko na busy sa paglalaro ng moba.

"Maayos naman po."

Kahit na nakangiti siya ay napansin ko ang lungkot sa mukha niya na para bang may bumabagabag sa kanya.

"Anong nangyari, Mom?"

Nawala ang ngiti sa labi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napansin kong namamasa rin ang mata niya na para bang gusto niyang umiyak.

"Si Dad po ba ang dahilan?"

Marahan niyang pinisil ang kamay ko samantalang napuno naman ng galit ang nararamdaman ko.

"Pumunta siya kanina sa restaurant at humingi ng tawad. Gusto na niyang uwuwi rito kasi miss na raw niya kayo."

Napailing ako sa sinabi ni Mom. Ayokong makita si Dad kasi sobrang naiinis ako sa kanya sa ginawa niyang pananakit kay Mom.

"Hindi namin siya kailangan!"

Mabilis akong nagtatakbo paakyat sa kwarto ko. Binalewala ko lang ang pagtawag sa 'kin ni Mom.

Pagdating ko sa kwarto ay bumuhos na ang luha ko. Aaminin kong namimiss ko si Dad pero hindi ko siya kayang makita kasi muling bumabalik sa ala-ala ko ang lahat.

Kung saan mas pinili niya ang babaeng 'yon kaysa amin na pamilya niya.

Nanunuod ako ng kdrama nang mag message sa 'kin si Tristan. Sinabi niya na miss na raw niya ako. Syempre emoji lang na puso ang nireply ko sa kanya.

Hihintayin ko ang araw na kay Tristan naman tumibok ang puso ko. Hinihiling ko sana na mawala na sa landas ko si Grey para maglaho na ang nararamdaman ko sa kanya.

Ang panunuod ko ng kdrama ay napunta sa pag sstalk ko kay Grey. Mayroon siyang bagong post na litrato niya habang naka school uniform siya.

Naiinis ako kasi napaka
gwapo niya, mas lalo na sa personal. Habang titigan siya ay talagang hindi mo mapipigilan na mahulog sa kanya.

Matagal na rin pala siyang nagpopost about sa kaibigan ko. Litrato niya lang ang pinopost niya pero about naman kay Kiersten ang caption niya.

Naabala ang pag sstalk ko sa kanya nang biglang tumawag ang kaibigan ko. Ang babaeng mahal ni Grey.

[I badly need your help.]

Nahalata ko sa boses niya ang pag-aalala kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano 'yon? May nangyari bang masama?"

[Grey is not feeling well.]

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Kanina naman ay hindi mainit ang gagong 'yon kaya alam kong hindi siya nilalagnat.

"O ta----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang umimik sa kabilang linya.

[Can you please take care of him? I can't be with him right now. My mom is with me.]

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Sa boses niya palang ay alam kong nasa banyo siya. Mukhang tinakasan niya ang Mom niya para lang tawagan ako.

"I'm busy," pagdadahilan ako.

Nag-aalala ako para kay Grey pero ayokong makita siya. Sobrang delikado ang puso ko kasi sobrang nasasaktan ako.

Ayokong sabihin sa kaibigan ko na may nararamdaman ako para kay Grey. Alam kong sobrang laki ng tiwala niya sa 'kin pero ano ang magagawa ko? Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin si Grey.

[I'm begging you, please. Take care of him for me.]

Malakas akong napabuntong hininga habang ang higpit na ng hawak ko sa phone ko.

"Sige, pupuntahan ko siya."

Napahawak ako sa noo ko sa sinabi ko. Bakit kasi pumayag pa ako na maging fake girlfriend ng hudas na 'yon? Kung hindi ako pumayag malamang hindi siya makakapasok sa buhay ko.

Hindi sana ako masasaktan ng ganito. Nung una naman balewala lang sa 'kin na makita silang magkasama pero ngayon ay sobrang nasasaktan ang puso ko.

[Thank you, gurl! I love you!]

Hindi ko na siya sinagot pa dahil ini-end ko na ang call. Sanay na naman siya sa 'kin kaya okay lang.

Mag-isa lang akong nakasakay sa elavator papunta sa condo ni Grey. Hindi ko mapigilan na kabahan kasi makakaharap ko na naman siya.

Nalaman ko kay Kiersten na kaya mas gusto ni Grey na manatili sa condo para hindi sila mahalata ni Tita na may relasyon pa.

Syempre marami ang nakamasid sa kanila dahil nga pinapabantayan sila ni Tita.

Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi ko nakita si Tristan. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya sa oras na makita niya ako na papunta sa condo ni Grey.

Sinabi ko pa naman sa kanya na busy ako sa panunuod ng kdrama. Sobrang nagi-guility ako kasi nagsisinungaling ako sa kanya.

Pagpasok ko sa condo ni Grey ay natagpuan ko siyang papunta sa kusina. Nakakapit pa siya sa dingding para huwag siyang matumba.

Sobrang maumutla rin siya kaya nasisiguro ko na sobrang taas ng lagnat niya. Hanggang ngayon ay naka school uniform pa rin siya.

Hindi ko akalain na nilalagnat din pala ang isang hudas na tulad niya.

"Grey!"

Mabilis akong lumapit sa kanya para maalalayan siya. Mukhang nagulat naman siya sa pagsulpot ko samantalang mahina akong napamura dahil sobrang init niya.

"W-Water!"

Sa halip na akayin ko siya papunta sa kusina, inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya. Hindi naman siya umangal kasi mukhang sobrang sama talaga ng pakiramdam niya.

Nang maihiga ko siya ay mabilis akong pumunta sa kusina para ikuha ko siya ng tubig.

Pagka inom niya ng tubig ay muli niyang binagsak ang sarili niya sa kama.

Kumuha ako ng tuwalya at binasa ko. Naghanap din ako sa closet niya ng masusuot. Halos maliyo ako sa sobrang dami niyang mamahalin na damit.

"Gumising kang hudas ka at palitan mo ang suot mo."

Mahina ko siyang tinapik sa balikat pero hindi siya gumising. Malakas akong bumuntong hininga kasi wala na akong magagawa kundi ako ang magpalit sa kanya.

"Kingina! Abs!" hindi ko napigilang sabihin 'yon habang nakamasid sa napakaganda niyang katawan.

Pakiramdam ko ay sobrang namula ang mukha ko. Mabilis ko naman siyang pinalitan ng kasuotan kahit na naakit ako. Pikit mata pa akong pinalitan ang pambaba niya.

Mabuti na lang talaga naka boxer siya. SAYANG!

Pagkabihis ko sa kanya ay nagluto na ako ng lugaw. Hinanda ko na rin ang iinumin niyang gamot.

"Wake up!"

Natigilan ako sa pagtapik sa kanya nang mapagmasdan ko ang mukha niya. Muli na naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kiersten.."

Pakiramdam ko ay nabiyak ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan ko.

"Kiersten.."

Umupo ako sa gilid ng kama niya habang nakamasid sa kanya. Hanggang ngayon ay binabanggit niya pa rin ang pangalan ng kaibigan ko.

"Bakit ganyan ka, Grey? Bakit sinasaktan mo ang puso ko?! "

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Sobrang nasasaktan ako kasi ako ang kasama niya pero ang kaibigan ko ang hinahanap niya.

Sabagay, ang kaibigan ko nga pala ang mahal niya. Isang hamak na fake girlfiend lang naman ako.

Natigilan ako nang bigla niyang imulat ang mata niya. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

Nakakainis kasi nakita niyang umiiyak ako. Ano'ng iisipin niya na nakita niya akong umiiyak.

"Why are you crying?" pabulong niyang saad.

Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa mata ko. Mabilis ko naman pinunasan ang luha ko at pinakita sa kanya ang ngiti ko.

"Bakit naman ako iiyak? Hindi ka naman patay para iyakan ko," natatawa kong tugon.

Hindi siya natawa sa sinabi ko kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayokong mapansin niya na kaya ako umiiyak dahil nasasaktan ako.

"Kumain ka ng hudas ka para makainom ka ng gamot."

Tatayo na sana ako nang muli niyang hawakan ang braso ko. Natigilan ako nang bigla niyang haplusin ang pisngi ko. Hindi ko napansin na tumutulo pa rin pala ang luha ko.

"Pinaiyak ka ba ng gagong 'yon?"

Tinapik ko ang kamay niya at mabilis na umiling. Gusto kong sabihin na kaya ako umiiyak kasi nasasaktan ako nang dahil sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hindi dahil sa kanya kaya ako umiiyak. Bigla ko lang kasing naalala ang naging ending ng Moon lovers, sobrang lungkot ng ending."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya kasi tinalikudan ko na siya. Nagtungo ako sa kusina para ikuha siya ng makakain.

Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to pero hindi ko naman siya kayang iwan sa ganung kalagayan.

Pagbalik ko sa kwarto niya ay nakasandal na siya sa headboard ng kama niya.

"Kumain ka na."

Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Nilalagnat ako kaya subuan mo ako."

Napairap naman ako sa sinabi niya. Hindi na ako umangal pa at sinubuan ko na siya. Iniiwasan ko talagang mapatitig sa mata niya kasi nanghihina ako.

Pagkatapos ko siyang pakainin ay pinainom ko siya ng gamot. Naghintay muna siya ng 10 minuto bago siya muling humiga.

"Paano mo nalaman na nilalagnat ako?"

"Sinabi ng kaibigan ko na alagaan kita kasi hindi ka niya mapupuntahan ngayon. Mukhang bantay sarado siya ni Tita."

Napatango naman siya sa sinabi ko. Pinikit niya ang mata niya kaya malaya ko na muli siyang napagmasdan.

Naalala ko na naman ang pagbanggit niya sa pangalan ng kaibigan ko. Kahit sa pagtuloy ay kasama niya si Kiersten sa panaginip niya.

Makalipas ang limang minuto ay mabigat na ang paghinga niya. Mukhang nakatulog na siya dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang lagnat niya.

Aalis na sana ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko. Paglingon ko sa kanya ay nakapikit pa rin ang mata niya.

"Don't leave me," pabulong niyang saad.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kamay niya na sobrang higpit ang hawak sa 'kin na para bang ayaw niya akong mawala.

Hinanda ko ang sarili ko kasi alam kong babanggitin na naman niya ang pangalan ng kaibigan ko.

"Autumn."

Hindi ko napigilan na maluha habang nakangiting nakatingin sa kanya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.

Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mata niya. Sobrang lalim na ng tulog niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

I love him so much that it hurts.

---
AN: So ano na? Sino mas matimbang sa inyo? Tristan or Grey?

VOTE, COMMENT AND BE A FAN❤️

Continue Reading

You'll Also Like

84.8K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
322K 22.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
9.3K 453 34
Will you give up on her or will you love her unconditionally? She is Calli and he is Gio, the lovely couple, or not? "Our almost perfect love story...