Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 52

1K 9 0
By MaraMCM

****

                Kararating lang ni papa galing Florida kahapon kaya as usual, kakain nanaman sa labas. Yung Innova yung nilabas namin ngayon, madalas medyo nakokornihan ako kapag kakain kaming tatlo sa labas pero ngayon, mas okay kasi kasama namin si tita Evelyn saka si Janelle, yung tita at pinsan ko na galing ding Florida.

                “Now where?” tanong nya.

                Ito lang nakakairita ditto kay Janelle, since napunta ng ibang bansa, nagging masyado ng sensitive.

                “Lalabas daw tayo sabi ng uncle mo.” Sagot ng mama nya.

                Nasa may pinto lang ako, nagaantay, di ko syang trip kausapin kahit na paulit ulit akong kinukulit ni mama na ientertatin yung pinsan ko. Pano ba naman, kapag kakausapin mo, walang ibang bukang bibig kundi Philippines hasn’t change a thing, people are still stupid. PUTA. Stupidin nya mukha nya. Mga taong nakatikim lang ng snow, ng bumalik sa pinagmulan, parang di na nakakaalala.

                “Mom, Mike’s as grumpy as ever!” complain nya nung nakatingin ako sa kanya ng masama.

                Kairita, napakaimmature.

                “Janelle, hindi ka matahimik.” Nagalit na mama nya.

                Ayun, sa wakas, natahimik din yung chaka doll. Maya maya ng onti, bumaba na din sila mama at papa.

                “Tara?” Yaya ni mama.

                Pumasok na si papa sa kotse saka sumunod yung iba, ako nagaantay na agad, pumwesto na ako sa pinakalikod.

                “Mike, what’s wrong? Why aren’t you talking to Janelle?”

                “Pa naman, ang sakit sa tenga ng boses nya. Kanina pa complain ng complain.”

                “She’s just 16 Mike, hayaan mo na, besides, minsan lang kayo in five years na magkikita.”

                Hindi na ako nakipagargue, wala din namang patutunguhan to. Sinaksak ko sa tenga ko yung Ipod ko saka nilagay sa maximum volume. Si mama sa harap tapos sa gitna naman sila tita at Janelle. Nilagay ko yung shades ko at natulog. Di ko namalayan, may yumuyugyog na sa binti ko. Anak ng teteng naman oh.

                Tinanggal ko yung isa kong headset.

                “Michael!” yung tiyanak, ngumangawa nanaman.

                “Ano?” sagot ko.

                “You won your basketball?”

                GIGISINGIN NYA KO PARA LANG DITO? Di ako sumagot.

                “No seriously, you won? I saw your photo in yahoo!”

                Di ako kumibo.

                “Janelle, they just had their championship last week and yes, they won.” Sagot ni mama para sakin.

                Ibinalik ko yung headset ko pero rinig na rinig ko yung sigaw nya.

                “OMIGOD! So we’re celebrating! This is so awesome, you’re like a celebrity or something and you’re my cousin!”

                Nakarating kami sa Rockwell ng saktong tanghalian. Sa may Powerplant kami dumiretso, sa Banana Leaf. Si tita Evelyn, excited na excited magpicture kaya tinawag nya agad yung isang waiter para picturan kaming lahat, tinanggal ko na yung shades ko at ngumiti na din kahit papano.

                “I’m gonna tweet this.” Sabi nung tiyanak.

                Nagplace na ng order si papa, hindi ko masyadong naintidihan yung kinuha nya, bahala na, basta makakain, ayos na saakin.

                Lumabas sandal si mama at tita evelyn, may titignan lang daw, si papa naman nagcr kaya kaming dalawa lang ni Janelle ang naiwan sa table.

                Napansin kong may mga nagbubulungan sa malapit samin, pagkalingon ko, may grupo ng mga babae na nasa kabilang table, di naman sila pamilyar pero ano ba kasing bago, madaming nakakakilala sakin na hindi ko naman kilala so hinayaan ko nalang kaso itong maldita sa tabi ko, di pinalampas yung mga babae.

                “Hey, what are you guys looking at?”

                “Hoy! Tumahimik ka nga!” bulong ko sa kanya, putek, magiiskandalo pa ata to ditto.

                “No Mike, i can see them looking at you, what’s with them?” ang lakas lakas ng boses nya.

                Kainis. Baka isipin naman nitong mga babae na suplado ako. Tinanggal ko yung nakapasak sa tenga ko saka tumayo. Hinawakan ko sa balikat si Janelle para maupo sa silya nya. Lumapit ako dun sa grupo ng mga babae.

                “Uh miss, pagpasensyahan nyo na pinsan ko, mah ADHD lang kasi sya.”

                “ADHD!? Michael, you’ve got to be kidding me!”

                “Tumahimik ka na lang pwede?” singhal ko sa kanya na pabulong.

                Nagmake face sya saka nanahimik.

                “Hindi, okay lang, napansin lang kasi namin, hindi ba ikaw si Michael Riguerra?” tanong nung isang babae na brown yung buhok.

                “Ah, eh. Oo.”

                “Congrats. Nakalaban mo kasi school namin nung championship.”

                Kaya pala, sila pala yung karibal naming school.

                “Pasensya  na ha.” Sabi ko nalang.

                “Okay lang yun.”

                Tumungo nalang ako saka bumalik sa table namin.

                “Ikaw, kung di ka marunong magpakabait, tumahimik ka nalang!” galit na sabi ko kay Janelle.

                “They were looking at you, i thought they were badmouthing us.”

                “Ano ka ba Janelle, basketball player ako ng isa sa pinakasikat na school ditto sa Pilipinas, bawat laban finifeature sa TV, may commercials kami, pati sa magazine meron din kaya natural maraming nakakakilala sakin.”

                “So its true, you’re like a celebrity?”

                “Hindi ako artista.”

                “Whatever you say. I’m gonna tweet that you’re here.”

                “Bahala ka sa buhay mo.”

                Dumating na si papa at walang nagsalita saaming dalawa, si mama at tita, bumalik na din, may dala dalang tig isang paper bag, ang aga naman nilang magshopping. Pagkadating ng pagkain inupakan ko na agad.

                “Kailan ka nagparenew ng passport?” tanong ni tita kay mama.

                “Last year lang, nakapunta na kaming New York just last month.”

                “Oh good. Nakapagpamedical na kayo?”

                “Yes, sabay kaming lahat pagkagaling namin sa New York.” Sagot ni papa.

                “Pati si Mike?”

                “Yes, all the three of us.”

                Di ko magets yung sinasabi nila. Nagpamedical kami last month pero bakit iba yung dating sakin nitong usapan?

                “The visa might be arriving in less than a month already, inayos ko na yung papers sa embassy.”

                VISA? Aalis kami?

                “Teka teka, ano tong pinaguusapan natin?” sabat ko.

                “Can’t you see, we’re going to live together!” tuwang tuwa tong si Janelle.

                “Ha?” Nagulat ako.

                “Anak, diba nakapagpamedical na tayo last month lang, dumating na yung petition, all set na tayo pagkadating ng visa.”

                “TEKA! MAGMIMIGRATE TAYO? Bakit hindi ko alam?”

                “Mike, we’ve told you already.” Sabi naman ni mama.

                “Hindi eh, akala ko wala lang yung medical, nakakaapat na tayong pamedical, wala namang dumating na visa, bakit ngayon, ano to?”

                “I’ve spoken with the embassy Mike, all papers cleared, perhaps this month, makakarating na sainyo yung visa.”

                “Hindi pwede! Bakit wala man lang akong alam? Bakit di nyo ineexplain sakin? Pano kung ayokong umalis?”

                “Gustong gusto mo umalis dati diba? A year ago, you were almost like dreading us to leave.” Si papa, tumigil sa pagkain.

                “Last year yun pa, ngayon iba na. People change, decisions vary. You should’ve told me so hindi yung pinapapunta nyo ko sa lugar na ayoko.”

                “Are you stupid, you’ve been interviewed silly, how come you don’t know?” sabat naman tong si Janelle.

                “Akala ko nga lang wala, besides, ilang beses na to na iniinterview kami, malay ko ba na matatanggap na ngayon.”

                Hindi ko na alam isasagot ko. Naguguluhan na ko.  Kung kalian nagkabati na kami ni Angelie, kung kalian wala na akong grudge kay Ruth, kung kalian graduate na ako, kung kalian champion kami, KUNG KAILAN OKAY NA ANG LAHAT, saka biglang ganito? Putanginang buhay to oh.

NOTE:

Kumusta naman ang sembreak? Ako? Productive, masaya, araw araw pa ding wala sa loob ng bahay, saan saan napapadpad. Dahil masaya ako ngayong araw na to, maguupdate ako pero dahil din sa sobrang dami ng mga requests na pahabain ko pa, ito po, ginagawa ko lahat ng kaya ko para mas mapahaba pa, yung bitin ng mga updates. haha.

Salamat sa pagsuporta. MAHAL NA MAHAL KO KAYO. 

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 834 22
I just learned that not because we got married, we're meant to be. Maybe your loyalty wasn't for me. Dangerous Man's Book 2
3.6K 1K 30
UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that is genuine, a love that will never abando...
14.1K 659 53
"I became a soldier for my love ones other than serving this country. I don't appreciate that you're a soldier too." How much can you sacrifice to wi...
4K 160 52
Alondra Arcega is secretly in love with Evrance Salvacion, her older brother's best friend. And she will do anything to MAKE HIM FALL for her. ...