Safe Skies, Archer (Universit...

By 4reuminct

118M 2.7M 6M

University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
EPILOGUE
Author's Note
Author's Note Part 2

16

3M 76.5K 127K
By 4reuminct


"Cabin crew, prepare for take-off." 


Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang umaandar ang eroplano. Nakatingin sa 'kin si Kyla at pinanlalakihan ako ng mata dahil napansin ang pagkatulala ko habang hinihintay ang pag-angat ng eroplano, pero wala siyang masabi dahil tahimik ang paligid.


Tumingin ako sa mga pasahero. Ang iba sa kanila ay kinakabahan at ang iba naman ay tulog. Ako? Kinakabahan at takot. Mabuti na lang pala at na-late ako saglit para hindi ko siya na-meet sa headquarters. Pinagalitan nga lang ako ng head namin sa flight na 'to na si Purser Sally. 


I clasped my hands when the airplane sped up and smoothly left the ground. Nanatili kami sa inuupuan namin, hinihintay ang senyas ni Captain... Juarez. 


Huminga ako nang malalim habang dinadama ang kaunting pag-alog ng eroplano dahil umaakyat at dumadaan sa mga ulap. Hindi ako roon kinakabahan kung hindi sa taong nagpapalipad ng sinasakyan ko ngayon. 


I heard a beep and our purser stood up to make an announcement. 


"Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the fasten seat belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated. In a few moments, the flight attendants will be passing around the cabin to offer you hot or cold drinks, as well as breakfast. Enjoy the flight. Thank you."


Tinanggal na namin ang seatbelt sa katawan at tumayo. Ako, pumunta ako sa galley para ilipat sa trolley ang mga hinahandang pagkain ni Bri, kasama si Kyla.  "Ano'ng mayroon sa 'yo, girl? Iba ata timpla mo today?" tanong niya habang nilalagay sa trolley ang mga binibigay ni Bri. 


"Wala. Pagod lang," pagdadahilan ko kahit ito lang naman ang flight ko ngayong araw. 


Pagkalagay namin ng mga pagkain ay tinulak ko na 'yon palabas, nakangiti ulit sa mga pasahero. Si Kyla ang nagtulak noong isa para magkabilaan kami. 


"Coffee, sir?" I asked the man and smiled. 


Tinanggal niya saglit ang earphones niya at iritang lumingon, ngunit nawala kaagad 'yon nang tumingin sa 'kin. I smiled at him, waiting for his answer. 


"Sir?" I asked again when he didn't talk. He was just staring. 


"A-ah! Yes!" natatarantang sabi niya. 


Kumuha ako ng paper cup at sinalin doon ang nakatimplang kape, saka dahan-dahang inabot sa kanya. Nanginginig pa ang kamay niya nang kuhanin 'yon mula sa 'kin. Hindi ko na 'yon pinansin at tinulak na ulit ang trolley papunta sa nasa harapan niya para ihanda ang pagkain. 


"Drinks, Sir?" I asked another man again who was about my age. Abala siya sa pagkalikot ng mini-TV sa harapan niya at hindi man lang ako nagawang tignan. "Do you need help, Sir?" I asked again. 


Tumingin siya sa 'kin saglit at binalik ang tingin sa screen niya, pagkatapos ay mabilis na lumingon sa 'kin at tinitigan ako. Ngumiti ako at lumapit saglit para tulungan siyang i-on ang monitor. 


"Are you married?" he asked out of the blue.


"I am not married, Sir." I smiled. "Drinks?" 


"Boyfriend?" he asked again. 


"Drinks?" I repeated, getting irritated, pero hindi ko pinahalata. Lagi na lang nangyayari 'to. 


"Water." He got the hint. 


Nagsalin ako ng tubig at binigay sa kanya bago ako tumulak ulit papunta sa may economy class. Ang hirap minsan kausapin ng mga nasa business class at masyadong abala. Ang dami pang side comments! 


Nang matapos ako sa pamimigay ng pagkain ay bumalik na 'ko sa galley at nag-ayos doon. Sumunod naman si Kyla sa 'kin ngunit hindi kami nag-usap dahil pumasok din si Purser Sally. 


"Hinatid n'yo na ba ang pagkain sa cockpit? Baka nagugutom na sila Cap," mahinang sabi niya. 


"Kyla." Siniko ko kaagad siya para makaiwas. Baka ako pa ang mautusan dito! 


"Ako na po!" Excited si Kyla na naglagay ng mga pagkain sa trolley. 


Nakahinga ako nang maluwag at lumabas ulit para pagsilbihan ang mga nasa business class. Naka-standby lang ako at hinihintay na may magtawag sa 'kin. 


"Can I get a tissue, please?" the lady said. 


Kumuha kaagad ako ng tissue at naglakad pabalik sa kanya para ibigay 'yon. Napaangat ang tingin ko nang biglang may lumabas mula sa cockpit. Nanigas ang katawan ko at humigpit ang hawak sa tissue. 


Captain Juarez entered the lavatory in his uniform. 


Agad akong umiwas ng tingin at tumalikod para maglakad pabalik sa galley. Mabuti na lang at hindi niya 'ko nakita. 


Pero sigurado akong alam niya na narito ako dahil malamang nabasa niya sa flight details. Sana inisip niya na absent ako at may pumalit sa 'kin dahil na-late ako at hindi kami nag-meet sa headquarters. Sana nga ganoon, pero tingin ko ay nakita niya 'ko sa pila ng immigration. 


Ugh! I was overthinking again. Nakakaasar! 


Umikot ulit ako pagkatapos ng isang oras para sa trash bag at para ligpitin ang mga pinagkainan noong mga pasahero. Wala akong ginawa kung hindi ngumiti at um-attend sa bawat tawag ng mga pasahero. Pagkatapos ng ilang oras, naghanda na 'ko para magpahinga dahil papalit sa 'kin 'yong isa pang flight attendant. 


Mayroon pang tatlo at kalahating oras bago mag-land kaya naman magpapahinga muna ako sa rest station, kasama si Kyla at Bri. 


"Oh my god." Umatras si Kyla saglit kaya napaatras din ako habang papasok kami sa rest station. "Good evening, Cap." 


Nanlaki ang mga mata ko at gustong-gusto nang umalis pero pagod din ako at masakit na ang paa ko! Kailangan ko nang mahiga o magpahinga man lang! Bakit sabay pa ang pahinga ko at 'yong pag-switch nila ng co-pilot niya?! 


Pumasok si Kyla sa rest station at umupo roon sa baba ng isang maliit na bunk bed. Mayroong tatlo sa loob. Tuloy-tuloy lang akong pumasok at umupo roon sa kabilang kama, tinatanggal ang heels ko.


"Good evening," Hiro answered Kyla back.


Nasa tapat ko siya ngayon dahil magkatapat ang bunk bed na inuupuan niya at 'yong inuupuan ko. I refused to look at him so he won't see a glimpse of my face, but since my hair was in a bun, there was nothing to cover my face with. Umiwas na lang ako ng tingin at sunod na tinanggal ang scarf ko. 


"Nakatulog po ba kayo?" pagchika na naman ni Kyla.


"Uh, no..." Hiro was hesitant. 


His voice sounded lower in tone. Ang dami palang nag-iba sa kanya nang saglit ko siyang mapagmasdan kanina noong lumabas siya sa cockpit. He seemed taller and more... fit. Bagay na bagay ang uniform niya sa kanya lalo na't niyayakap noon ang katawan niya at ang braso niya. His hair style was the same. He still looked clean, but more mature since there were some hints of stubble on his jaw. 


Humiga ako at agad tumalikod sa kanya, walang balak na batiin siya katulad noong ginawa nila Kyla. May kasama pa siyang isang lalaki na tulog sa may itaas. 


Ang sabi ko ay matutulog ako pero kahit anong pikit ko ay hindi talaga ako dinalaw ng antok. Pagod ako pero hindi ako makatulog dahil iniisip kong nasa iisang kwarto kami ngayon. 


Halos limang taon!


Halos limang taon na ang lumipas nang mawala siya at simula non ay hindi na kami nagkita muli kaya bakit ngayon pa? Bakit dito pa? 


Akala ko ba ay sa ibang bansa siya magtatrabaho? Akala ko ba ayaw niya sa sarili nilang kumpanya? Eh, bakit narito siya ngayon?! 'Tang inang mundo naman 'to. Pinaglalaruan 'ata ako. Binabawian ata ako sa mga kasinungalingan ko noon. 


"Omg, ang bango niya." Napalingon ako kay Kyla at Bri nang maghampasan sila roon. 


Pagtingin ko sa paligid ay wala na pala si Captain Juarez. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na kasing mag-descend ang eroplano. Gaano katagal ba 'kong nakatulala? 


"May jowa kaya siya? Feeling ko mayroon! 'Yong ganyang itsura, jusmiyo!" Nagpaypay kunwari si Kyla gamit ang kamay. 


"Kung siya lang ang makakasama sa mga long flight, sign me up." Malanding tumawa si Brianna. 


Napailing ako at umayos ng upo, sinusuot na ulit ang scarf ko at ang tinanggal kong vest. Nag-retouch muna ako bago kami lumabas nina Brianna. 


"Attention passengers, this is your Captain speaking." I heard Hiro's voice. 


Siniko 'ko si Kyla nang bahagya nang marinig ko ang impit niyang sigaw dahil sa kilig habang naglalakad kami sa aisle. 


"We've already started our descent procedure into Hamad International Airport. We expect to land at 2:25 PM, 10 minutes before our scheduled time. If you want to adjust your watch, it is 2 o' clock in the afternoon in Doha, Qatar now. The weather in Doha is sunny and the temperature is about 24 degrees Celsius. We wish you a pleasant stay in Doha and we hope to see you again very soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today," Hiro announced. 


Napatingin ulit ako sa cockpit at bumagal ang lakad kaya tinulak ako nang bahagya nitong si Kyla. Lumingon ako at sinamaan siya ng tingin.


"Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you," our purser announced this time.


We checked all aisles para masiguradong maayos ang mga upuan at tray table, at nakasuot ang seatbelt ng mga pasahero, pati na rin ang mga bag sa ilalim. 


"Cabin crew, prepare for landing please," Hiro announced again. 


Umupo kami sa mga jump seat namin at naglagay ng seatbelt para mag-prepare for landing. Nakatingin lang ako sa harapan ko at nakatulala, kung ano-ano ang pumapasok sa isipan. 


Layover! 


May layover kami sa Qatar for 24 hours! 


Napabalik ako sa katinuan nang maramdaman ang paglatag ng eroplano sa runway. As expected from Hiro, the landing was smooth. 


"Ladies and gentlemen, FlyAsia welcomes you to Doha, Qatar. The local time is 2:26 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the fasten seat Belt sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight," pag-announce ulit ng purser namin. 


Nang maka-park sa gate ang eroplano, tumayo na 'ko sa may exit na pintuan at nang mabuksan na 'yon, ngumiti na ulit at nagpasalamat sa mga pasaherong lumalabas na. May mga lalaki pang pasimpleng nagtanong number ko pero ngumiti lang ako at nagpasalamat sa pagsakay sa flight namin. 


Nang maubos ang pasahero ay nag-rounds ulit kami bago kinuha ang mga gamit. Nang lumabas na ang mga piloto sa cockpit ay tumalikod na 'ko at naunang maglakad palabas, iniisip nang malalim ang tungkol sa layover namin. 


"Yanna! Nagmamadali?" Humabol sa 'kin si Kyla na hatak-hatak ang maliit niyang maleta. 


We passed by immigration before leaving the airport. May service nang naka-provide para sa amin papunta sa hotel na tutulugan namin. I refused to look back because I knew Hiro was there, talking with other pilots. 


Nang dumating na ang van ay nauna na 'kong pumasok. Doon ako pumwesto sa unang row sa likod at siniksik ang sarili ko sa pinaka-bintana. I was just looking outside, praying for Kyla to sit beside me.


Nanlaki ang mata ko nang nilagpasan niya 'ko kaya hinawakan ko siya sa braso para hatakin.


"Dito ka!" natatarantang sabi ko.


Dahil nga hindi pa nakakaupo si Kyla, she unintentionally blocked the way. Napatigil din sila Hiro at ang tatlo pa niyang kasama sa pagsakay ng van. He stood there proudly in his uniform with his hands inside his pockets, watching me pull Kyla's arm so she could sit beside me. 


"Bakit ba?! Nahihilo ako riyan. Yanna, nakakahiya kila Cap," mahinang sabi ni Kyla at lumingon pa kina Hiro.


Hiro bit his lower lip and looked away, stifling an amused smile. Sumimangot ako at binitawan siya, sumuko na dahil ayaw kong gumawa ng eksena rito. 


"I'll just take the shotgun seat," narinig kong sabi ni Hiro sa mga kasama niya.


Nakahinga ako nang maluwag nang tumabi sa 'kin 'yong isa pang babaeng flight attendant at doon naman sa pinakalikod sumakay ang mga piloto. Nakipagchikahan si Kyla sa kanila habang nasa biyahe at ako naman, nakatingin lang sa bintana. 


"Let's have dinner!" suggest ni Bri. 


Napalingon kaagad ako sa kanya para samaan siya ng tingin kahit alam kong hindi niya makukuha 'yon dahil wala naman siyang alam sa 'kin noon at kay... Captain Juarez. 


"Oo nga! Sama ka, Cap?" Sumimple na naman 'tong si Kyla. 


"I need to rest. I'll just ask for room service, thank you," Hiro politely refused. 


Nakahinga ako nang maluwag nang malamang hindi siya sasama. Sige, payag na 'ko sa dinner na 'yan. Gutom ako at ngayon lang ako nakapunta rito sa Qatar. 


Pagkarating sa hotel, bumaba na kami ng van at pumunta sa may likod para kuhanin ang mga gamit namin. Inabot ko ang akin at sinubukang hatakin 'yon pero may nakapatong pang isang bagahe kaya tumabi muna ako. 


Hiro blocked my vision when he effortlessly carried two baggages, including mine. Binaba niya 'yon sa sahig at kinuha pa ang iba. Tahimik kong kinuha ang akin at hinatak 'yon papasok sa hotel. 


Good thing Kyla, Bri, and I were roommates. Pagka-shower ko, nagbihis kaagad ako at humiga sa malambot na kama. Agad din akong nakatulog dahil sa pagod. 


Madilim na sa labas nang magising ako. Nauna pa 'kong nagising kay Bri at Kyla na mga nag-aya pang mag-dinner mamayang 8 PM. Napatingin ako sa orasan at nakitang 7 PM pa lang kaya naman tumayo muna ako at sinuot ang sweater ko para lumabas sa may terrace. 


Sumandal ako sa may railings ng balcony at pinagmasdan ang mga kumikislap na ilaw galing sa matataas na building. Nilabas ko ang phone ko para kuhanan iyon ng litrato, ngunit napatigil din nang makitang may lumabas din sa balcony ng kabilang room. 


Nanlaki ang mata ko nang makita si Hiro na kaswal na ang suot. He was wearing a basic white shirt and a pair of black sweatpants. Our eyes met but his vision immediately went down to my sweater. Agad akong tumalikod at pumasok sa loob ng hotel room, ignoring him. 


Nang mapadaan ako sa salamin, napatigil ako. Saka ko lang napagtanto kung ano ang suot ko ngayon. "Fuck!" inis na sabi ko sa sarili ko.


It was his sweater! Years ago! Kaya pala ganoon na lang ang tingin niya sa suot ko! 


But it was just a plain grey sweater. Marami namang grey sweater, ah! Hindi naman niya alam kung sa kanya 'yon o mayroon talaga akong ganoon dahil bumili ako. Tama. Assuming siya kung sakaling isipin niyang sa kanya nga 'yon... kahit sa kanya naman talaga. 


"Maingay ka, sis," reklamo ni Kyla na nagising dahil sa 'kin. 


"Dinner, 'di ba? Gumising na kayo," pagdadahilan ko. 


Nagmamadali silang tumayo ni Brianna at nag-ayos para sa dinner. Nagsuot lang ako ng maong pants at pink na sweater na ngayon. Naglagay lang ako ng powder at lip tint para naman makapagpahinga muna ang mukha ko sa make-up. I let my long wavy hair down. Nakakasawa rin mag-bun, 'no. My hair looked good and soft on the shade hazel brown. 


Habang naghihintay kina Kyla, kinuha ko muna ang phone ko at nag-send ng iMessage kay Sam para kumustahin ang anak ko. Madaling araw na roon kaya sana tulog na ang bata. 


To: Sam

Kumusta si Avi? Nakatulog ba? 


Paminsan-minsan ay hindi nakakatulog si Avi kapag wala ako kaya kapag iniiwan ko siya kay Sam, nagbabaon siya ng stuff toy para may yakapin. Iniisip na lang niya na ako 'yon. It was devastating to leave my daughter alone, but I had to work. Wala namang mangtutustos sa mga pangangailangan niya kung hindi ako. 


Sam sent a picture of Avi hugging her shark stuff toy this time. I smiled and touched her face through the screen of my phone. My poor baby. She looked so peaceful sleeping. 


To: Sam

Thanks for taking care of her! 


Nang matapos na mag-ayos sila Kyla ay bumaba na kami sa lobby para roon mag-meet kasama ang ibang crew. Medyo natagalan dahil marami kami. 


"Hindi talaga sasama si Cap?" Napakamot si Kyla sa ulo niya habang kausap 'yong isang batang piloto. 


"Tulog siya, e," sagot noong piloto. Roommate niya siguro. 


Lumabas kami at kumuha ng mga litrato bago kumain doon sa isang Arabic restaurant para naman matikman namin ang mga pagkain nila. It was actually good. Mas nakilala ko pa ang mga kasamahan ni Hiro sa flight ngayon. The young pilot was named Dylan. Ang dalawa ay mas matanda nang kaunti. Sina Sir Arnold and Nick. 


"Mabait po ba si Cap?" curious na tanong ni Kyla. 


"Captain Juarez?" tanong ni Sir Arnold. "Aba'y oo naman! I admire that kid. Very polite and humble. He doesn't brag kahit alam naman naming isa siya sa mga magagaling na piloto ng airline natin." 


Yeah, at sila rin ang may-ari ng buong airline. Hindi ko alam kung aware ba sila roon pero hindi na lang ako nagsalita. 


"He actually earned his hours in America and worked for Delta back then, but he went back here for FlyAsia," pagkekwento noong matanda. "I guess nothing beats home!" 


Hindi ako nagsalita at tahimik lang na kumain, hinahayaan silang mag-usap tungkol kay Captain Juarez. Hindi ko na rin tuloy alam kung ano ba ang itatawag ko sa kanya sa isipan ko. May karapatan ba 'kong tawagin siya sa una niyang pangalan? Mataas na siya ngayon. He earned that title so I guess he deserved respect. 


"Bakit sobrang distracted mo naman 'ata, sis?" Siniko ako ni Kyla nang makarating na ulit kami sa hotel room. 


"Wala. Marami lang akong iniisip," sabi ko at humiga na ulit ng kama. 


Bumawi ulit ako ng tulog hanggang sa magising kami kinabukasan. Maaga pa lang ay nag-ayos na kami para sa flight mamaya mula Qatar papuntang Singapore at mula Singapore pabalik naman ng Manila. Magkasunod 'yon. 


I was wearing our uniform. It was a black long-sleeved blouse in a darcon fabric with slanted small bronze buttons partnered with a black corporate skirt ending above our knees. Mayroon din kaming striped scarf with the colors pink, blue, white, and other shades of it na nakasuot sa bandang leeg. Naka-skin-toned stockings din kami sa binti at sa sapatos naman ay black heels. 


May suot kaming puting shirt or blouse panloob kung sakaling gusto namin tanggalin ang blouse pagkalabas ng airport, lalo na sa Manila dahil mainit. 


I put my long hair on a bun and applied minimal make-up for the long flight. Matagal kami mag-ayos kaya maaga pa lang sinisimulan na namin. Sakto lang nang sunduin kami ng service sa hotel. Ganoon pa rin ang ayos namin sa van kaya hindi ako namroblema. 


It was another safety briefing. Mabilis ang oras dahil naging abala akong pagsilbihan ang mga pasahero. I rested for a while before we arrived in Singapore. It was direct so we just stayed in the airport for 3 hours para lang makakain. 


"Burger! I want a burger!" sabi ni Kyla habang pumipili kami ng kakainan. 


Bandang huli, burger nga ang kinain namin sa parang foodcourt ng airport. Ang mga piloto ay noodles ang kinain at naroon sila sa kabilang table kasama ang purser namin at isa pang matandang flight attendant.


"Pusta ko bente, may jowa 'yan si Captain," bulong ni Kyla sa aming mga batang flight attendant. 


"Ano ba ang Instagram niya? Mayroon ba siya noon?" Humagikgik si Brianna at nilabas ang cellphone. 


"Grabe, bata pa naman si Cap! Wala pa 'ata siyang 30, eh," sabi noong isa. 


"Bakit ba gustong-gusto n'yo siyang pinag-uusapan? Hindi ba kayo naiilang na nandiyan lang siya sa kabilang table?" seryosong sabi ko habang kumakain.


"Galit ka ba, girl?" nag-aalalang tanong ni Kyla. 


Umiling ako at kumagat sa burger. Natahimik tuloy sila at kung mag-uusap man ay pabulong na lang para hindi ko marinig. Napailing ako at inubos ang pagkain ko. Pagkatapos, tumayo ako at kinuha ang tray para ligpitin. 


"Oh shit." Muntik ko nang mabitawan ang tray nang mabunggo ako. 


"Sorry," mahinang sabi ni Hiro at pinulot ang wrapper ng burger sa sahig, pati ang straw na nahulog mula sa tray ko. 


Binalik niya 'yon sa tray at nilagpasan na 'ko para um-order ng tubig. Dumeretso na 'ko sa basurahan at tinapon doon ang mga kalat ko bago ako bumalik sa table namin. 


"Ikaw ba, Yanna? Hindi mo ba type si Cap? Hindi ka nagagwapuhan sa kanya?" bungad ni Kyla pagkabalik ko.


Umiwas ako ng tingin at umupo na ulit, walang balak sagutin ang mga tanong niya. Hindi ko masabing hindi dahil kung ganoon, nagsisinungaling naman ako. Hindi ko rin masabing oo dahil baka sabihin niya ay may gusto ako kaagad kay Captain Juarez. It was a difficult question to answer. 


Maganda pa naman ang airport ng Singapore pero limitado lang ang oras namin kaya hindi na kami nakapag-ikot. Bumalik na lang ulit kami sa eroplano para mag-prepare sa panibagong flight. Last flight ko na 'to ngayong araw kaya excited ako. 


"Ladies and gentlemen, this is Sally Ramos and I'm your chief flight attendant. On behalf of Captain Akihiro Leonel Juarez and the entire crew, welcome aboard." 


The flight from Singapore to Manila was short, so it wasn't that tiring. Ang mga long flights ang nakaka-drain sa 'kin, pero dahil ang last flight ay maikli lang, marami pa 'kong energy nang makarating kami sa headquarters. 


"Thank you for today," Hiro thanked the crew. "I guess we'll see each other more often now." 


Nanlaki kaagad ang mata ko at tumingin sa kanya saglit. More often?! Bakit?! Ang mga susunod ko bang flight ay siya ang piloto? Tiningnan ko tuloy at hindi naman siya ang piloto bukas. Mayroon lang sa susunod na araw papunta namang Japan at may layover na tatlong araw. 


Japan! Omg! Na-excite ako bigla. Nakakadalawang flight pa lang ako roon at wala naman kaming layover kadalasan kaya hindi ako nakakapag-ikot talaga. It was so exciting for me, but I kind of wished Avi was with me. She would love Disneyland. 


Naglakad ako pabalik sa kotse kong naka-park habang hinahalughog ang susi sa bag ko. Napatigil ako nang makita ang puting Aston Martin sa tabi non. I looked around and realized that it was Hiro's when I saw him walking towards it. 


Nagmamadali akong sumakay sa luma kong Mirage na kulay pula. Ingat na ingat pa 'kong hindi tumama ang pinto sa kotse niya bago ako sumakay. 


I tried to start the engine but again, it made that weird machine sound. Irita akong bumaba at binuksan ang hood para tignan. Binuksan na ni Hiro ang pinto ng kotse niya ngunit napahinto nang makita akong tinitignan ang makina. 


"Is there a problem?" he suddenly asked. 


"Wala po, Cap," maikling sagot ko at sinara ang hood. 


Bumalik ako sa driver's seat at sinubukan ulit i-start ang engine. Nang ayaw na naman, irita kong hinampas ang manibela at bumaba ulit ng sasakyan. Hiro was just standing there, watching me get so stressed out with the car. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa pinto pero hindi masara-sara 'yon dahil nakatingin sa 'kin. 


"Let me see." Lumapit siya at binuksan ulit ang hood. 


Magrereklamo na sana ako ngunit naalala kong Mechanical Engineering pala ang kinuha niya noon. Hindi ko lang alam kung nag-take na siya ng boards para roon o kung may plano ba siya. Piloto na siya, e. Baka hindi na niya kailangan 'yon. 


May kinalikot siya roon bago sinara ulit ang hood. 


"You should have this checked," he said in a monotone. 


"Opo," sagot ko at kinuha ang phone ko para tumawag ng mekaniko. 


Napabuntong-hininga ako at iniwan na roon ang sasakyan ko. Ito-tow na lang daw nila mayamaya pero kailangan ko nang umuwi kaya sinubukan kong mag-book na lang ng Grab. 


"Do you need a ride?" 


Napabaling ako bigla kay Hiro. He seemed so hesitant to ask the question but because he felt bad for me, he did... for courtesy. 


"Hindi po. Magbo-book na lang po ako, Captain Juarez," pormal na sagot ko at binalik na ang tingin sa phone ko. 


Tahimik siyang tumango at sumakay na sa kotse niya. Pinanood ko kung paano siya nag-drive paalis, at nakitang huminto pa siya sa tapat ng purser naming sinusubukan ding mag-book. Napangiti ako nang sarkastiko sa sarili ko nang sumakay roon sa sasakyan niya ang senior namin dahil mukhang inalok din niya. 


It took me ten minutes to find a ride and almost two hours to arrive at Sam's condo, kaya naman pagkarating ko roon, gabing-gabi na. 


"How's the flight?" bungad sa 'kin ni Sam pagkapasok ko. 


"The flight was okay. 'Yong byahe papunta rito ang nakakapagod." Umirap ako at lumingon sa paligid para hanapin si Avi. 


I let out a heavy sigh when I saw her watching cartoons, still awake. Nakaupo siya sa sahig at suot ang pink niyang pajamas. Naka-pigtail pa at hawak ang shark niyang stuff toy, titig na titig sa TV. 


"Mommy's home," I tried to catch her attention. 


She did not even look at me! Napanguso ako at lumuhod sa tabi niya para magpapansin pa lalo pero masyado siyang focused sa pinapanood niyang cartoons. Nagselos tuloy ako sa cartoons na 'yon. 


"Gabing-gabi na, pinapapanood mo pa? Pinupuyat mo ang bata, ha." Siningkitan ko ng mata si Sam.


"Sabi niya last na!" Pagdadahilan naman ng Tita nitong si Avi. Palagi na talagang spoiled 'to kay Samantha. Pinagbibigyan palagi. 


"Avi, Mommy's here na." I tried again.


"Mommy, shh." Bahagyang kumunot ang noo ni Avi at tinakpan pa ang bibig ko gamit ang maliit niyang kamay. Sumimangot ako at tinanggal ang kamay niya sa labi ko. 


"Avrielle," seryosong tawag ko. 


Hindi siya tumingin sa 'kin pero nagsalubong ang kilay niya at dumaan ang kaunting irita sa mukha. I bit my lower lip stop myself from smiling. She reminded me so much of... her father. 


"Avrielle Haven Fernandez." Sinubok kong muli kung lilingon siya. 


"Mommy, look!" turo niya sa T.V.


Napakurap ako nang ituro niya ang nakita niyang airplane. Hindi ko alam kung 'yon ba ang tinuturo niya o 'yong lalaking cartoon na nagpapalipad non. I suddenly felt nervous for some reason. 


"It's your job!" tuwang-tuwang sabi niya. 


Napangiti ako at pinisil ang pisngi niya. "Uwi na tayo, anak." 


She pouted but still slowly stood up to get her things. She looked so cute and small in her pink princess pajamas, it made me giggle a bit. Dumagdag pa ang nakanguso niyang itsura at ang pigtail niyang nagulo na. 


"Go home and then you will leave again..." bulong niya.


I felt a sting on my chest when I heard what she said. Hindi naman niyang intensyon na masaktan ako sa sinabi niya pero iyon ang naramdaman ko dahil pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang sa kanya. 


"Come here, baby." I reached for her hand. 


Lumapit siya sa 'kin, hawak-hawak pa rin ang stuff toy niya sa isang kamay. Inayos ko ang buhok na humaharang sa mukha niya at hinalikan siya sa noo. 


"Mommy's working to feed you, baby," malambing na sabi ko. 


"I want to see..." She pouted again. 


"Soon, Tita Sam will bring you to my job, okay?" I assured her. "Promise." 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 77 27
He's a CEO, a well known Singer, Dancer, Song writer and Producer. He's indeed famous. He promised to himself that he would never date a fan; not unt...
188K 3.7K 19
Makakatagpo ni Alexie sa isang bar ang isa sa sikat na soccer prodigy sa kanilang paaralan, as she bumped with him hindi na tumigil si Dale sa plano...
407K 5.4K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...