Mister Fanboy, Itanan Mo Ako...

By GHIJK_Elle

6.9K 316 204

Madami ang humahanga kay Koa sa lugar nila; maging ang mga kababaihan ay baliw na baliw sa kagwapuhang taglay... More

Prelude
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 6

463 22 7
By GHIJK_Elle

Kabanata 6

Laging updated

"ANONG plano mo ngayon, anak? Malapit nang fiesta dito sa 'tin, baka may makakilala r'yan sa nobya mo. Dumugin pa iyan dito."

Nagkatinginan sina Koa at ang ama niya. Sumenyas itong sagutin ang tanong ng nanay niya. 

Ang alam ng kanyang ina ay nobya niya ang artista pero kagabi nang mag-inuman sila ng kanyang tatay ay nadulas siya at nasabi ditong hindi niya naman nobya ang kasama niya.  Ikiniwento niya dito ang buong pangyayari kung bakit may kasama siyang artista sa pag-uwi niya.

Ayaw niyang maglihim. Pero wala siyang ibang paraan kundi 'wag sabihin ang totoo sa nanay niya dahil alam niyang tututol ito. Mabuti na lang at suportado siya ng ama sa ginawa niya.

Sumimsim ng kape si Koa saka ngumiti. "Ipapasyal ko ho dito Nay, si Jade Paris sa Bayan natin. Saka kilala naman ako ng mga tao dito di'ba?  Hindi nila pwedeng mahawakan ang anu mang bagay na ipinagbabawal ko. Ano pa kaya kung siya ang ipagdadamot ko."

Bumuntonghininga ang kanyang ina na agad namang dinaluhan ng ama niya at hinaplos ang likod.

"Relax, Senya. Nag-aalala ka ba r'yan sa anak natin? Ayaw mo 'nun? Magkakaapo na tayo."

Halos mabilaukan siya sa sinabi ng ama.

"Tigilan mo ako Adantor. Ayos lang sa 'kin na mag-asawa na iyang si Koa, pero bakit sa dinamirami ng magiging nobya niya, ay iyong artista pa. Ang tahimik na buhay n'yan ay gugulo dahil doon."

"Wala eh. Gwapo talaga itong anak natin at pati artista nagkagusto--"

Tumaas ang sulok ng labi ni Koa. Iyan ang gusto niya sa kanyang tatay eh. Gwapong-gwapo sa kanya.

"Heh! Tigilan mo 'ko Adantor! Alam ko kung saan na naman ito patungo."

Naiiling na lamang na inilagay ni Koa ang tasa sa lababo at saka sumandal doon habang pinagmamasdan ang magulang niya.

Ganito ang gusto niya. Pinapanalangin niya na sana maging ganito rin sila ni Sinta. Simpleng pamumuhay pero masaya.

Tumango siya sa kanyang tatay bago ibinalingan ang bahay niya. Isang sulyap lang muna kay Jade Paris para ganahan siya.

Tulog na tulog pa ang dalaga nang pumasok siya sa kwarto. Umangat ang sulok ng labi niya nang makita kung gaanong balot na balot ng kumot ang katawan nito.

Hindi niya maiwasang mapangiti nang halos mandiri ito sa kanya kagabi nang kumuha siya ng unan sa higaan niya at dinala sa upuan sa labas.

Pinanlisikan pa siya nito ng mata saka padabog na pinulupot ang kumot sa katawan. "'Wag na 'wag mo akong papasukin dito sa kwarto. Dahil kung hindi--"

Hindi nito naituloy ang sasabihin at nanlaki ang mata nang hubarin niya ang T-shirt at pantalon niya. Tanging boxers na lang ang tinira.

Kung ito lang ang tanging paraan para matigil sa pagmamaldita si Sinta sa kanya, gagawin niya.  Hindi sa binabastos niya ito, natutuwa lang siya kapag nakikita ang pamumula ng pisngi nito.

"Alis na muna ako, Sinta," ani Koa at hinalikan ang kanyang daliri bago dinala sa noo ng dalaga.

Lumabas siya ng bahay at kinuha ang lambat. Madaling araw pa lamang at papalaot sila ng tatay niya para may maiulam at maibenta sa palengke mamaya.

Namiss niya din gawin ito.  Nung mga panahong hindi pa siya nakakapasa sa board exams, ito ang madalas na gawin niya. At ilang taon niya na din itong hindi nagagawa nang magtrabaho siya sa Siyudad.

"Ano okay na? Nakapagpaalam ka na?" ani Tatay niya.

Ngumisi  lang siya at nauna nang umangkas sa bangka.

***

MATAAS na ang sikat ng araw nang maggising si Jade Paris. Pawis na pawis siya dahil sa kumot na nakabalot sa katawan niya. 

Pumapasok na din ang sinag ng araw sa kwarto kaya ganun na lamang ang panlalagkit niya. Nang sulyapan ang orasan ay nakatutok na ang mahabang kamay nito sa numerong nwebe at ang maliit ay nasaktong sa numerong dose.

Bumaba siya ng katre at halos mapangiwi sa sakit ng likod dahil matigas ang hinihigaan niya.

Iginila niya ang paningin sa paligid. Nagtataka kung bakit walang nakakainis na Koa ang bumungad sa kanya.

Lumabas siya ng kwarto upang maghilamos nang maabutan niya ang isang matandang naglilinis sa sala.

"Mabuti naman at gising ka na. Aba'y tanghali na. Nakakahiya naman sa nobyo mo hindi ba? Madaling araw pa lamang ay gising na iyon at ayun nga nasa palengke na, tinitinda ang isdang nahuli nila."

Nangunot ang kanyang noo.  Who the hell is this old woman? At saka nobyo?  Huling pagkakatanda ni Jade Paris ay hiwalay na sila ng dati niyang kasintahan.

Akmang magsasalita siya nang unahan siya nito.

"Maghilamos ka na at mag-almusal.  Kung gusto mong magkape--maggatong ka na lang sa labas at mag-init ng tubig. Matapos nun ay linisan mo iyong isdang nasa lababo. Tanggalan mo ng hasang at kaliskis at lutuin mo na rin at susunod ako sa palengke kay Koa."

"W-what?" tanging naiusal niya sa dami nito ng sinabi.

"Oh bakit? Hindi mo ba ako naintindihan?"

Umiling siya, hindi makapagsalita. Sino ba ang babaeng ito at kung umasta ay daig pa ang kanyang manager sa sobrang sungit?

"N-naiintindihan ko. What I mean is--"

"Iyon naman pala eh. S'ya, mauna na ako. Sarapan mo ang luto mo ha? Mamayang alas dose ay nandito na rin kami." Tumalikod ito at lumabas ng bahay.

Natatangang napasunod na lamang ng tingin doon si Laureana.

***

GIGIL na gigil na umiiyak habang nililinisan ni Jade Paris ang isda. Never in her entire life na nakapaglinis siya ng isda. Nandidiri siya sa hasang nito at ang lansa-lansa. Mabuti na lamang at may gloves sa loob at isinuot niya iyon sa kamay niya.

Hindi siya marunong pero alam naman niya kung ano iyong hasang kaya kahit papaano ay nalinisan niya ang isda.

Alas onse na at halos isang oras na siyang naglilinis ng isda pero hindi pa siya nangangalahati sa dami nito. Kumukulo na rin ang tyan niya sa gutom dahil tanging sinangag at sardinas ang nakita niyang pagkain sa mesa. 

Bukod sa nandidiri siya ay hindi siya pwedeng kumain ng sardinas dahil allergy siya. Namamantal ang balat niya at nahihirapan din siyang huminga.

Bahala na!  Usal niya sa isip at binanlawan ang mga isda.  Tyak naman na hindi kumakain ang mga 'yon ng ulo ng isda kaya kahit 'wag niya nang tanggalan ng hasang ay ayos lang. Kesa naman sa wala siyang maluto, dahil tanghali na.

Nangangati man ang leeg dahil sa mga tumalsik na kaliskis ng isda ay hindi niya na inintindi. 

"Damn it!" mura niya nang makitang walang gas stove ang kusina ng bahay ni Koa.  Kinakaylangan niyang maggatong at dirty kitchen lang ang nandun sa likod bahay.

Mabuti na lang at may alam siya sa paggatong kahit papaano dahil nung nag-aaral pa lamang siya ay may naganap na immersion programme sa school nila at isa ito sa mga nagawa niya nang isang gabing nakitira sila sa mga tao sa bundok.

"Damn it!" Mura niya ulit at napaluha na lamang  nang matuluan ng plastik ang kamay niya nang sindihan niya ito ng posporo.

Nataranta siya at huli na bago niya nahugasan ang kamay kaya mas lumaki pa ang sugat niya.

Hindi ko ito ginusto!  Nagsisisi na tuloy siya at nagpadalos-dalos siya sa kanyang desisyon.

Medyo kumalma na si Jade Pariabpero nang talsikan naman siya ng mantika dahil sa piniprito niya, doon na naubos ang pasensya niya. 

Akmang magwa-walk out siya nang makita ang bagong dating na si Koa. Nagmamadali itong bumaba ng pick-up at pinuntahan siya.

"Sinta, ayos ka lang? Anong nangyari sa 'yo?" may pag-aalalang sambit nito at akmang hahaplusin ang pisngi niyang natalsikan ng mantikan nang umatras siya.

"Don't! Ang lansa ng kamay mo. Ayoko!"

Bumuntong hininga naman ito saka tumango. "Anong nangyari sa 'yo?"

Hindi niya ito inintindi at dumako ang mata sa babaeng matanda na kabababa pa lamang ng pick up.

"Ano? Nakapagluto ka na ba? Nalinisan mo naman ba ng maayos iyong mga isda?"

"Nay! Anong nakapagluto? Anong nalinisan?" Nilingon ni Koa ang matanda.

"Oh bakit? Siya lang itong naiwan dito sa bahay kaya inutusan ko.  Alangan namang wala siyang gagawin. Samantalang ikaw na nobyo niya eh nasa palengke at nagtitinda?"

Umirap si Jade Paris at napatirik ang mga mata.

"Nay naman. Diba sinabi ko na sa 'yo na ako ang maglilinis nung mga isda at hindi naman agad iyon masisira sa dami ng yelong nakalagay doon."

"Oh eh, bakit ba? Wala naman ginagawa iyang nobya mo."

"Prinsesa ko iyan, Nay eh. Ni ayaw ko ngang padapuan iyan sa lamok tapos palilinisan niyo lang nung isda."

Bumaling sa kanya si Koa saka hinawakan ang kamay niya. Napamura ito ng mahina nang makita ang sugat niya doon.

"Napano ito?"

Inagaw niya ang kamay dito saka inirapan at pumasok sa loob. Nadinig niya pa ang panenermon ng matanda kay Koa.

Dumiretso siya sa kwarto at kumuha ng damit saka dumiretso sa banyo. Pakiramdam niya'y gumaan ang pakiramdam niya dahil nawala ang malansang amoy sa kamay niya.

Hindi siya lumabas ng kwarto kahit ilang beses siyang pinuntahan ni Koa at kinausap para gamutin ang sugat niya.  Inignora niya lamang ito.

Umiinit ang ulo niya hindi dahil sa nanay nito at sa binata mismo. Gusto niyang saktan ang sarili dahil sa biglaang desisyong ginawa niya.

Kinagabihan nang makitang nasa labas ang mag-anak ay saka niya napagdesisyunang kumain kahit ilang beses na siyang pinuntahan ni Koa.

Tapos na siyang kumain at akmang ilalagay na sa lababo ang pinagkainan nang siya namang pasok ng matanda sa kusina.

"Mabuti't kumain ka na. Hindi masamang magpalipas ng gutom," anang matanda.

Tinanguhan niya lamang ito saka akmang lalagpasan nang hawakan ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung anong nakita sa 'yo ng anak ko pero hindi kita gusto para sa kanya. Wala ka namang alam sa mga gawaing bahay kaya paano mong maaalagaan ang nobyo mo kung ganoon?"

Bumuga siya ng hangin. Gusto niyang sigawan ang nanay ni Koa pero nagpipigil siya. Ayaw niya itong bastusin kahit kabastos-bastos na ang mga sinasabi nito.

"Ano? Alam kong nagagalit ka na. Pero may punto naman ako. Oo nga't artista ka. Pero ang gusto ko para sa anak ko'y iyong maaalagaan siya. Hindi iyong magaling lang umarte sa harap ng camera."

"Matutulog na ho ako." Tinalikuran niya ito.

"Hindi ako hahadlang sa inyo.  Hahayaan ko na lang ang anak kong mapagtanto na hindi kayo bagay na dalawa." Iyon lang at nauna na itong lumabas ng kusina.

Umirap naman sa hangin si Jade Paris. Sino ba naman kasi ang nagsabing magkasintahan silang dalawa?  Napatirik siya ng mata.  Hinding-hindi ako magkakagusto kay Mister Labastete!

Nasa ganoon silang posisyon nang pumasok si Koa. Umangat ang sulok ng labi nito at lumapit sa kanya.

"Sinta ko," anito at akmang hahawakan siya sa beywang nang iatras niya ang mga paa.

Naiiling naman na umalis ang nanay ni Koa at iniwan silang dalawa.

"Mabuti't lumabas ka na sa kwarto. Halika't samahan mo ako sa labas."

Bago pa man makapagprotesta si Jade Paris ay iginaya na siya nito sa labas. Naupo sila sa kahoy na upuan sa ilalim ng puno.

"Ano ba!" Iwinaksi niya ang braso nitong pinangakbay sa kanya.

Natatawang inalis naman ito ng lalake at umusog ng konti papalayo sa kanya.

"Mapapaamo rin kita Sinta ko."

Nagsalubong ang kilay ni Jade Paris. "Are you drunk?" Hindi naman siya sigurado pero sa tono ng pananalita nito ay parang nakainom ito.

Tumawa ito. "Nagkayayaan kasi kami kanina nung mga kaibigan ko doon sa kabilang kanto. Pasenya ka na at kauuwi ko lang. Kumain ka na ba?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Wala akong pake kung anong ginawa mo. Tinatanong ko lang kung lasing ka."

Nailing si Koa at kapagkwan ay tumayo.  Pumwesto ito sa harapan niya saka dumukwang. Pilit hinuhuli ang mata niya.

"Masanay ka na. Kahit hindi mo tanungin kung ano ang ginagawa ko, ipapaalam at ipapaalam ko pa rin sa 'yo."

"And why is that?" umarko ang kilay niya.

Nanlaki ang mata ni Jade Paris nang abutin ni Koa ang kanang kamay niya at dinala sa dibdib nito.

"Ganito kasi ako magmahal. Para lang akong status mo sa facebook: 24/7 laging updated," kindat nito.

Umirap siya. Hindi alam kung anong mararamdaman. Ang korny lang huh!

Itutuloy...

02-01-20
02-06-20
02-20-20

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...