Kabanata 3

890 54 34
                                    

Hellooooo ceejeewrites ! Binabati kita ng-Charing lang.  Kamusta po hehe.  Add moko sa fb haha.

Kabanata 3

Nabighani sa Kagwapuhang Taglay

PARA akong nasa alapaap.  Iyon ang pakiramdam ni Koa habang tuluyan nang kaharap si Sinta.

Gusto niyang damhin ang mala-porselana nitong kutis.  Natutulala siya sa angkin nitong kagandahan.

Naglandas ang kamay niya sa bulsa ng pantalon at kinapkap ang kanyang rosaryo.

Hindi ko dala. Ibig sabihin lang nito, pwede akong magpadala sa tukso dahil si Sinta ang kaharap ko.

"Hi? What's your name?"

Nyemas! Boses pa lang ni Sinta, naabot niya na ang sukdulan.

"H-hi Sinta-I mean Miss Jade Paris. I am my husband," birong aniya at walang pagdadalawang isip na inabot ang kamay ng artista at dinala ang likod nun sa labi niya.

Mahinang humagikhik naman ang huli. "Nice to meet you, My husband. You got a nice name huh."

Pareho silang natawa.

"P-pwede ba kitang halikan?" Huli na para bawiin niya ang sinabi.

Pero mukhang wala naman ito sa artista dahil tumayo ito mula sa kinauupuan at tumingkayad sa kanya saka siya sinunggaban ng halik sa labi.  Ninamnam niya ang pakiramdam nun hanggang sa hindi na siya makahinga.

***

"Nyemas Rylan!" sigaw ni Koa nang makabawi sa paghinga. "Papatayin mo ba ako?!" Galit niyang itinapon sa mukha nito ang unan na ipinantakip sa kanya.

Tatawa-tawa naman nitong pinulot sa sahig ang unan. "Nananiginip ng gising, nakatulala sa hangin," pagkanta nito saka tumawa na naman. "Tangna, Par.  Napapa-kanta na lang ako ng Sinta dahil dyan sa pinagsasabi mo kahit natutulog ka.  Kaya hindi mo ako masisisi kung tinakpan kita ng unan sa mukha."

Pinanlisikan niya ito. "Gusto mo bang mawalan ng gwapong kaibigan? Nyemas ka Par, naghahalikan na kami ni Sinta sa panaginip ko!"

"Ah--" Tumango-tango si Rylan. "Kaya pala nagkanda haba na ang nguso mo kanina habang ginigising kita? Tangnang 'to.  Nakakadiri.  Kahit kamay ko, hinalikan mo. Pwe!"

Tiniklop niya ang higaan, hindi inintindi ang pagmamaktol ng kaibigan. "Ano bang ipinunta mo rito? May lakad ako mamaya, Par."

"Pinapunta ako dito ni Sugar-moms. Hindi ka raw ma-contact... Ayos 'tong kwarto mo, Par.  Konti na lang, mapupuno na ni Jade Paris."

Dumiretso sa banyo si Koa. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin matapos umihi. Bahagya niya pang sinulyapan ang kanyang labi.

"Nyemas akala ko talaga totoo nang naghahalikan kami ni Sinta," bulong niya sa sarili.

Lumabas siya sa banyo matapos maghilamos. "Bakit daw pala?"

"Anong bakit daw? 'Yung mga estudyanteng tuturuan mo ng dance step para sa foundation day, hindi mo raw sinipot nung sabado. Naku,  kung iba ang gumawa nun, panigurado--lagot na kay Miss Calorie."

Nahilot niya ang sintido. Nakalimutan niya dahil masyadong okupado ang isip niya ni Jade Paris Ballar.

"Tawagan ko na lang 'yung estudyante at mamaya na kami mag-practice." Maaga pa naman at mamaya pang hapon ang event ni Sinta kaya sakto rin sa oras niya. Buti na lang at maaga pa lang ay nambulabog na sa kanya si Rylan. 'Yun nga lang masyadong kontrabida at sinira ang panaginip niya.

Mister Fanboy, Itanan Mo Ako Pakiusap!Where stories live. Discover now