Safe Skies, Archer (Universit...

By 4reuminct

118M 2.7M 6M

University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
EPILOGUE
Author's Note
Author's Note Part 2

13

2.9M 73.7K 221K
By 4reuminct


"Is this supposed to hurt or what?" 


Kanina pa nagrereklamo si Hiro habang nakadapa roon sa nilatag na foam sa sahig ng bahay at walang suot pantaas. Nagpamasahe kasi sila Mama kaya napagtripan pa si Hiro at pati siya dinamay. Nakaupo ako sa sofa at tinatawanan siya. 


"Aw," reklamo niya ulit nang durog-durugin noong matandang lalaki 'yong likod niya. 


Kumakain ako ng popcorn habang pinapanood siyang maghirap doon. Si Mama umalis saglit para magtrabaho kaya naiwan kami nila Tita. Si Tita ay naglilinis ng bakuran. 


"Diinan n'yo pa po. 'Yong hardcore," sabi ko sa nanghihilot. 


"That's not funny." Umirap si Hiro habang nakapatong ang baba sa palad. "Ah!" 


Tumawa ulit ako habang pinaparusahan siya roon. Vinideo-han ko pa siya para may pang-blackmail ako kaya noong natapos siya, todo kuha siya sa cellphone ko para i-delete 'yon. 


"Magluluto na po kayo, Tita?" tanong ni Hiro sa Tita ko nang pumasok sa kusina. 


Binayaran ko muna 'yong manghihilot bago ako sumunod sa kanila sa kusina. Kumuha ako ng baso ng tubig at pasimpleng nakinig sa usapan nila. 


"Oo, halika, tuturuan kita ng bagong putahe." Tuwang-tuwa si Tita kay Hiro. 


Ilang araw na siyang nandito simula noong umuwi kami mula Palawan at bawat araw, tumutulong siya sa pagluluto dahil gusto raw niya matuto. 


"Ano pong favorite ni Yanna?" mahinang tanong niya pero narinig ko naman. 


"Si Yanna? Sinigang na bangus," sagot ni Tita. 


"I want to learn how to cook that." Tumango si Hiro at desidido pa ang mukha. 


Napangiti ako habang umiinom sa baso at nilapag 'yon sa lababo bago pumuntang sofa. Hinayaan ko muna sila roon mag-cooking lesson at nanood na lang ako ng TV. Bukas, babalik na ulit kaming Manila ni Hiro dahil may gagawin daw sila sa school, at ako naman ay mag e-enroll ng 2nd sem. 


Napatingin ako sa pinto nang marinig ko si Mama sa gate, inaabangan ang pagpasok niya. Napataas ang kilay ko nang may kasama na naman siyang lalaki papasok ng bahay at may dala-dala siyang mga mamahaling paperbag. Napalingon din si Hiro mula sa kusina. 


"Si Yanna, anak ko. Yanna, si Tito Raymond," pagpapakilala ni Mama nang makita ako sa sofa. 


"Hi." Nilahad ng matandang lalaki ang kamay niya sa 'kin at ngumiti. 


Mukha siyang mas matanda kay Mama ngunit may hitsura at maganda ang tindig. Pagkatingin ko sa relong suot, alam ko na kaagad na mayaman ang lalaki. Naka-corporate attire pa siya. 


Tumayo ako at kinuha ang kamay niya, walang reaksyon sa mukha. Lumaki ang ngiti niya at hindi na binitawan ang kamay ko. Agad kumunot ang noo ko at sapilitang binawi 'yon. 


"Dito muna siya matutulog, ha, anak." Nakangiting sabi ni Mama.


Hindi ako nagsalita at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Naupo 'yong lalaki sa tabi ko at sa kabila niya naman ay si Mama. "I didn't know you have a gorgeous daughter." Tumawa ang lalaki. 


"Mana sa 'kin." Humagikgik si Mama kaya napairap ako. 


"Nag-aaral pa ba siya?" 


"Oo, college pa lang sa Manila," sagot naman ni Mama. "Pagka-graduate, maga-apply kaagad sa airline para makatulong sa bahay." 


"I know an airline. I'm actually friends with the owner." Kinuha ng lalaki ang cellphone niya. 


Lumabas si Hiro mula sa kusina para tingnan ang kalagayan ko. Tumaas kaagad ang kilay niya nang makita ang matandang lalaki sa tabi ko kaya bigla siyang lumapit at sumingit sa gitna namin. Napausog tuloy ako! 


"I don't trust men," bulong ni Hiro sa 'kin. 


Tumawa ako at lumipat sa kabilang sofa na pang-isahan lang para hindi kami magsiksikan doon. "Oh." Gulat na napatingin 'yong lalaki kay Hiro na bigla na lang umupo roon sa tabi niya.


"Hi," Hiro greeted politely and smiled. 


"Ah, si Hiro, boyfriend ni Yanna," tuwang-tuwang pagpapakilala ni Mama. 


"May boyfriend!" gulat na sabi ng lalaki at tumingin sa 'kin. 


"Yeah," Hiro said so casually like it was true. 


"Ayun! FlyAsia. I know the owner. I can get her in immediately after her graduation." The man proudly smiled. 


Napatingin kaagad ako kay Hiro at nakita ang pagtaas ng isang kilay niya sa lalaki. Walang reaksyon si Mama dahil hindi naman niya alam kung gaano kayaman 'tong sila Hiro. Kung alam niya 'yon, nakakatakot. Baka ipilit niya kaagad. 


"Really?" Sumingit si Hiro bigla sa usapan. "Are you friends with the owner?"


"Yes, hijo." Mukhang nainis nang bahagya 'yong lalaki nang bumaling sa kanya. "Nagkikita kami sa mga gatherings at nag uusap-usap." 


"Gatherings where?" pag-usisa ni Hiro. 


"In their mansion," sagot noong Raymond. "Alam n'yo, ang ganda ng bahay ng mga 'yon sa Rizal. Malaki tapos elegante. Doon nila madalas ginaganap 'yong malalaking events nila na imbitado kami ng mga kaibigan ko. Kung may litrato lang ako ay ipapakita ko sana sa inyo." 


"Really," Hiro said, not pleased. 


Napalingon na naman ang lalaki sa kanya dahil ang dami niyang side comments. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko at bahagyang nahiya sa lalaking dinala ni Mama rito. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi o nagpapasikat lang. 


Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon. Agad kong binasa ang tinext ni Hiro sa 'kin ngayon lang. 


From: Hiro

I don't know this man. 


Tumawa kaagad ako at tumingin sa lalaki. Interesadong-interesado naman si Mama sa kinekwento noon na akala mo'y totoo. Napailing na lang ako nang mapagtanto kung gaano kadaling maloko si Mama. Siya pa naman ang nagsasabing maging mailap sa mga lalaki. 


From: Hiro

He's spitting nonsense. 


Tumawa ulit ako at nag-type.


To: Hiro

Hayaan mo na at diyan siya masaya. Diskarte niya 'yan. 


From: Hiro

We don't have a fucking mansion in Rizal lol 


I giggled when I read the text. Binaba ko ang phone ko at tumingin kay Hiro na gustong-gusto nang umirap habang pinapakinggan ang mga kwento ng lalaki. Tumayo ako at pumasok sa kusina para tingnan kung tapos na ba ang niluluto nila. Sumunod naman si Hiro sa 'kin. 


"Scam 'yon. Bogus!" he said hysterically. 


Tumawa ako at sumandal sa may counter. "Hindi 'yon. Pa-goodshot lang siya at uto-uto naman 'tong si Mama." I laughed. "Anyway, don't mention about your family and FlyAsia. May pagka-gold digger si Mama." 


"You're judging your mom too quickly." He shook his head. "She's actually nice. You're a rebel." 


"Shut up." Umiling ako. 


Nang maluto ang sinigang, sumama pa 'yong lalaki sa dinner namin. Hiro was so proud about it at paulit-ulit na sinasabi sa 'king luto niya raw 'yon kahit tinulungan naman talaga siya ni Tita. Siya lang ata ang taga-lagay, e. 


"I'll practice cooking sinigang until I master it," sabi niya nang mahiga na kami sa kama ko. 


"Bakit sinigang lang? Magluto ka rin ng iba." Umirap ako.


"It's your favorite," maikling sagot niya.


Napangiti ako sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. Naramdaman ko ang paghatak niya sa 'kin palapit kaya umusog ulit ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko pa nga ang mabilis na pagtibok ng puso niya. 


"I'll let you taste the best sinigang before I leave," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. 


"Sabi mo 'yan, ah." Tumawa ako. "Dapat bago ka umalis, marunong ka na magluto ng limang putahe para kapag nasa America ka na, magluluto ka na para sa sarili mo. Nakakasawa pa naman 'ata roon kasi puro burger." 


"Yeah..." He laughed for a bit. 


"Para rin kapag nag-asawa ka na roon, may alam kang lutuin para sa mga anak n'yo." Napangiti ako sa sarili ko. 


Napatigil siya sa paghaplos sa buhok ko at tumahimik. Sinilip ko tuloy ang itsura niya at nakitang nakatingin na lang siya sa kisame, mukhang malayo na ang nararating ng isipan. Napabuntong-hininga ako at niyakap siya sa baywang. 


"Pumili ka nang maayos, ah. 'Yong mamahalin ka kahit anong mangyari," bilin ko sa kaniya na para bang may karapatan akong sabihin 'yon sa kanya. Napasinghap siya at umayos ng higa, hindi ako sinasagot. "Ayaw mo ba? Bakit hindi ka nagsasalita dyan?" Tumawa ako kahit kumikirot ang dibdib ko. 


"I don't want to hear those things," seryosong sabi niya. 


Dumapa ako sa kama, sa tabi niya, para makaharap siya at makita ang mukha niya. Sinulyapan niya 'ko saglit bago iniwas ulit ang tingin. 


"Hiro, mas magandang doon ka pumili ng makakasama mo pang habang-buhay para hindi ka mahirapan." Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon.


"I don't want to talk about it right now." He swallowed hard. 


Napatingin ako sa mata niyang kumislap nang tumingin siya sa kisame. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang makitang naluluha siya. 


"Let's sleep," mahinang sabi niya at tumayo para patayin ang ilaw. 


Natahimik ako bigla at pinigilan ang luha ko. Tumulo ang isa roon nang yakapin niya 'ko patalikod at hinatak ako palapit. Humawak ako sa braso niya at napabuntong-hininga na lang. 


Kinabukasan, maaga kaming lumuwas pa-Manila. Noong nagsimula na ang klase ko, naging abala rin kaming dalawa. Binawasan ko na ang pagbibilyar at pag-inom ko para makapag-focus sa pag-aaral ko, lalo na't malapit na ang finals. 


"Happy Valentine's Day, Yanna!" nakangising bati sa 'kin ni Kyla pagkapasok ko ng room. "Ang daming nagpapabigay sa 'min ni Bri."


Napataas ang kilay ko nang bumungad sa 'kin ang maraming chocolates at bulaklak sa upuan ko. Lumapit ako at tinignan ang card. Sa iba't-ibang lalaking hindi ko kilala nanggaling 'yon. 


"Binigyan siya ni Darren," bulong ni Rachel kay Megan.


Hindi nagsalita si Megan ngunit lumingon sa upuan ko, may bahid ng sakit sa mga mata. Hinanap ko ang chocolates na bigay noong Darren at inabot 'yon kay Megan. Baka gusto niya noon. 


"Yanna, nang-aasar ka ba?" Tumayo siya sa kinauupuan niya, paiyak na. 


"Huh?" inosenteng tanong ko at nilapag ulit ang chocolate sa upuan ko. 


Hindi siya nagsalita at lumabas lang ng room. Sumunod naman kaagad sa kanya si Rachel at naiwan ako ritong nagtataka. Napakamot na lang ako sa ulo ko at padabog na umupo. 


"Binibigay na nga sa kanya 'yong bigay noong ex niya, e," reklamo ko kay Kyla habang nilalagay sa bag ko ang mga chocolates. 


"Hindi pa siya moved on, sis! Na-hurt siya lalo na't kaka-break lang nila last week." Tumawa naman 'tong si Kyla. 


Kaya matindi ang galit nitong si Megan sa 'kin, eh! Dahil bago maging sila, naging fubu ko 'yon si Darren, at iniisip niya siguro ngayong ako ang dahilan ng paghihiwalay nila. Dinamay pa 'ko! Wala naman akong pakialam! 


Noong tanghali, nagkita-kita kami nila Sam para sa lunch date naming magkakaibigan. 


"Si Luna lang at Kierra may date," sambit ni Via. "Si Yanna may sex." 


Tumingin si Sam sa 'kin at ngumisi. Siya lang ang nakakaalam ng tungkol sa 'min ni Hiro ngayon lalo na't hindi naman ako naglalagay masyado sa IG story ko na magkasama kami. Ang hindi naman alam ni Sam ngayon ay 'yong pag-amin sa 'kin ni Hiro sa Coron na gusto niya 'ko. Wala naman akong balak sabihin dahil mawawala rin naman. 


"Kierra, sure ka na riyan sa jowa mo?" tanong ko ulit. 


"Yanna naman," pagod na sabi ni Ke. 


"Hayaan n'yo na," sabi naman ni Luna. "Maging masaya na lang tayo para sa kanya, okay?" 


Pero hindi ako naging masaya para sa kanya. May iba akong pakiramdam sa lalaking 'yon. Hindi ko siya kayang gustuhin. 


"Happy Valen-" Napatigil si Hiro sa pagbati nang makita ang mga dala-dala ko. Sumimangot kaagad siya pagkapasok ko ng sasakyan. Nag-seatbelt ako habang tinatawanan ang hindi maipintang mukha niya. 


"Marami akong admirers," pagbibiro ko.


Umiling siya at nag-drive na paalis. Pupunta kami sa isang rooftop restaurant ng mamahaling hotel at hindi na 'ko nakapagpalit ng damit dahil nagmamadali siya. Nakapang-corporate tuloy ako ngayon dahil may major subject kami kanina. Ang pang-corporate attire pa naman namin ay parang pang-flight attendant. 


Hiro was wearing a casual shirt and a pair of pants kaya okay lang na ganito ang suot ko. Tinanggal ko na lang ang ipit ko at hinayaan ang buhok kong nakalaglag. Pagkarating namin doon, bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. 


"Ano 'yan?" Turo ko sa paper bag na dala niya.


"Shush. Don't spoil it." Tumawa siya at inakbayan ako. 


May reservation na siya kaagad kaya naupo kami roon. Ang gagara ng mga suot ng iba at naka-formal talaga habang kami, ganito ang suot kaya nahiya ako nang bahagya. Hiro already ordered for us kaya hinihintay na lang namin dumating ngayon. 


"Nasaan na regalo mo?" nakangiting tanong ko. 


"You had so may gifts, it would mean nothing to you now," nagtatampong sabi niya.


"Hindi, ah! Dali na!" excited na sabi ko. 


"I have two gifts."


Pinanood ko siyang kuhanin 'yong isang black box mula sa paper box. Binigay niya sa 'kin 'yon at pinanood ang reaksyon ko habang tinatanggal ang puting ribbon. Tumaas ang kilay ko nang makita ang maliit na photo album na kulay white. Dali-dali kong binuksan 'yon.


Napaawang ang labi ko nang makita ang mga developed pictures namin mula sa film camera niya. Tinignan ko ang mga stolen pictures ko roon at ang mga solo pictures din niya sa Coron. Mayroon pang litrato na nakaakbay siya at nakahalik sa labi ko, kinuhanan noong bangkero namin. 


Mayroon ding litrato na nakangiti ako at tumatawa habang nilalaro ang tubig. Sa likod ko ay ang sunset. Umangat ang tingin ko sa kanya na nakapahalumbaba at nakangiti. 


"Sa 'kin na 'to?" namamanghang tanong ko. He nodded kaya napangiti ako sa tuwa. "Thank you!" Niyakap ko ang photo album. 


I will treasure these memories until I die. Kahit mawala siya, kahit papaano naman ay may panghahawakan akong mga litrato. May pagkakataong mabalikan ko lahat ng alaala ko sa kanya kahit sa isipan ko lang. 


Nalungkot ako nang maisip na hindi pa pala ako handa sa pag-alis niya... pero kailangan. 


"Ano 'yong isa mong regalo?" tanong ko. 


Nilabas niya ang wallet niya at binuksan para may kuhanin doon. Nahagip pa ng paningin ko ang baby picture ko na naroon pa rin naka-display. 


"Tada!" May tinaas siyang ticket at binigay sa 'kin. 


Nagtataka akong kinuha 'yon mula sa kanya at tinignan nang maigi. 


"It's my graduation ticket." He gave me a smile. "2 weeks from now." 


Matagal akong nakatitig doon at hindi alam ang mararamdaman. "A-akala ko.. May pa ang alis mo?" 


"Yes, I still have to earn hours in my other school." Hinawakan niya ang kamay ko sa may lamesa. "Don't worry, I'll stay until the end of your sem." 


"Okay..." Bumuntong-hininga ako at tinignan ang date. "May klase ako nito.." 


"Oh." He looked hurt. "It's okay, then. Attend your class." 


"Magkita na lang tayo pagkatapos?" tanong ko sa kanya.


"Yeah, sure," tumango siya. "Sayang, I have Latin honors." 


"Huh?!" Napabaling ako sa kanya.


Ngumisi lang siya at hindi sumagot dahil naglapag na rin ng pagkain ang waiter sa lamesa. I was staring at him while eating, hindi pa pumapasok sa utak ko lahat ng nangyayari. Parang ngayon pa lang nararamdaman ko na ang pag-alis niya. Nalulungkot ako. 


"Don't be sad," pansin ni Hiro. 


"Hindi naman, ah," sagot ko habang hinihiwa ang steak, hindi nakatingin sa kanya.


"I can hear your sadness from here." He laughed again. "Smile, Yanna. I'm not leaving yet. Don't make me feel like I am." 


I forced a smile to show him that everything was okay. Hindi siya nakumbinsi pero nginitian niya na lang ako pabalik at pinagpatuloy ang pagkain. 


"Congratulations!" 


Nilahad ko sa kanya ang isang maliit na box. Nakangiti niyang kinuha 'yon mula sa kamay ko at nilapag ang toga niya sa may coffee table bago umupo sa sofa. Tumabi naman ako sa kanya para tignan ang reaksyon niya. 


"Wow," he exclaimed when he opened the box. 


It was a silver bracelet with a plane symbol in the middle. Sa likod ng plane na 'yon ay may nakalagay na 'Hiro' para alam niyang sa kanya 'yon. Agad niyang kinuha 'yon at nilagay sa may palapulsuhan niya. 


"Can you?" 


Agad akong lumapit at kinabit 'yon sa kanya. He was staring at it and admiring it like it was a diamond ring or something, e in-order ko lang naman 'yon sa isang Instagram shop at pina-customize.


"Thank you." He leaned and gave me a kiss. "This is beautiful."


Just like what he said, he really stayed through March and April and we were actually happy. Medyo busy nga lang siya dahil may inaasikaso sa flying school niya kaya madalas siyang nasa Clark. 


"Ma, nakauwi na 'ko," sabi ko pagkapasok ng bahay. 


"Yanna!" Napatingin kaagad ako kay Mama na nagmamadaling bumaba sa hagdan, tuwang-tuwa. 


Nawala ako sa mood nang may sumunod na lalaki sa kanya pababa. Nandito na naman si Raymond. Siya na 'ata ang pinakamatagal na naging jowa ni Mama kaya wala na lang akong reklamo, pero hindi ko siya gusto. 


"May regalo kami sa 'yo ng Tito Raymond mo!" Agad niya 'kong hinatak paupo sa may sofa. 


Kumunot ang noo ko at hinintay ang 'regalo' niya. Abala siya sa paghahanap ng paper bag sa may gilid ng sofa at nang mahanap, binigay sa 'kin 'yon, abot langit ang ngiti. Umupo pa si Raymond sa tabi ni Mama, hinihintay ang reaction ko.


Napataas ang kilay ko nang ilabas ang isang puting box na pahaba. Sa labas pa lang ay may litrato na ng mamahaling cellphone. 


"Luma na kasi ang cellphone mo, anak, kaya binilhan ka namin ng bago!" 


Matagal kong tinignan 'yon. Ayaw kong tanggapin dahil alam kong galing sa bulsa ni Raymond 'to pero malapit na rin talagang masira ang cellphone ko kaya wala akong choice. 


"Thank you, Ma, at... Tito... Raymond," hirap na hirap akong sabihin. 


"Walang anuman, hija," sagot niya at ngumiti sa 'kin. 


Umakyat na rin kaagad ako sa kwarto ko para magpahinga. Binuksan ko ang iPhone at kinalikot 'yon, naguguluhan kung paano ba gamitin. Kinuha ko ang lumang phone ko para ilipat ang sim doon at nag-save ako ng contacts. 


I tried sending a text to Hiro. 


To: Hiro

Nakauwi na 


Mabilis siyang nag-reply.


From: Hiro

Wow, iMessage!!!!!!!


Natawa kaagad ako sa reply niya lalo na noong sinamahan niya ng selfie niya na nakatakip sa bibig niya, gulat na gulat. Nag-selfie rin ako at nag-peace sign lang saka sinend sa kanya. 


To: Hiro

New phone :") Di mo kaya 'yon. 


From: Hiro

Pwede na mag Facetime hahaha yabang dude


Kinabukasan, nasa bahay na naman namin siya at unang bungad niya sa 'kin ay patingin daw ng cellphone ko. 


"Ingat kayo, Mama, Tita Isabel," sambit ko pagkahatid ko sa kanila sa gate. Pupunta silang debut ngayon. 


"Bye po!" Kumaway rin si Hiro. 


Nang mawala sila Mama sa paningin namin, bumalik na kami ni Hiro sa kusina dahil pinagluluto niya 'ko ngayon ng adobo. Pinapractice niya 'yon ngayon. 


"Sure ka masarap 'yan?" tanong ko. 


"Mas masarap ako." The side of his lips rose up. 


Umirap ako habang nakaupo roon sa may counter, hinihintay na matapos siya. Kanina pa 'yon! Baka mamaya sunog na 'yon, ah! Wala pa kaming makakain dito! 


"Ayan," pinatay na niya ang apoy sa lutuan at dahan-dahang sinalin 'yong adobo roon sa may mangkok. "Nakapag-desisyon na 'ko."


"Ano?" 


"Magche-chef na lang ako," pagbibiro niya, pinipigilan ang tawa.  


"Bobo." Natawa ako nang malakas. 


Ilan pa nga lang ang alam, magche-chef na?! Napaka O.A. talaga nitong si Hiro. 


"Where's my reward? I cooked for you!" Turo niya sa adobo. 


"Lika rito," inabot ko siya gamit ang kamay ko. "Wala naman sila Mama." 


"Here?" Gulat na tanong niya. 


Tumango ako, nakangisi. 


"Ah... Hiro..." 


Tinakpan niya ang bibig ko habang naglalabas-masok sa 'kin. I spread my legs wider at kumapit pa sa may counter para hindi tuluyang mahulog. Nanlambot ang tuhod ko nang maramdaman ko ang pagpihit sa puson ko.


I heard his heavy sigh and felt his warm juice inside me. Nanghina rin ako nang maramdaman 'yong akin. Dali-dali niyang kinuha ang tissue at pinunasan ang binti ko. 


Masaya naman ang mga sumunod na linggo. Sinusulit namin ni Hiro ang mga natitirang oras na magkasama kami kahit pakiramdam ko ay may kulang sa 'kin. 


"I don't actually know. There was a tension between Amethyst and Kalix, you know?" pag-chika ni Sam sa 'kin habang kumakain kami. 


"'Yaan mo na 'yon. Si Luna bahala roon," sagot ko habang umiinom ako ng shake. 


"Hey, about taking pills... I went to my OB-"


"Fuck! Pills!" 


Nagulat si Sam sa 'kin at agad nataranta dahil hinalungkat ko ang bag ko. Wala 'yon sa mini-kit ko at wala rin sa wallet ko. Binuksan ko rin ang notebook ko para tignan kung napunta ba roon pero wala. 


"Ugh, shit. Nakalimutan ko!" Napasapo ako sa noo ko.


"H-how many times? Just take two pills today." Nagpapanic na rin si Sam.


"Nakalimutan ko noong nagpalit ako ng phone tsaka noong kinuha ng bwisit na Megan 'yong pills sa bag ko noong nag C.R. ako! Nagpunta naman na 'kong OB and back on track na 'ko." 


"Really?! What a bitch!" inis na sabi ni Sam. "Who's that? Your bully? Megan, right? She still won't stop, huh?!" Napakibit-balikat na lang ako. "Well... Did you have sex with Hiro in the past few days?" 


Napaisip ako at umiling. "Hindi. Busy ako, eh." 


"Oh, then it's okay." Sam shrugged. "Why don't you just set an alarm on your phone?!" 


It was a stressful month, ngunit pagpasok pa lang ng May, tila dumoble ang stress na naramdaman ko dahil masamang balita na kaagad ang narinig ko mula kay Sam. 


"Hey, why?" tanong ni Hiro sa kabilang linya nang mapansin ang pag-iba ng reaksyon ko nang makatanggap ng text mula kay Sam. 


From: Sam

Kierra's in the hospital. Where are you? 


"Wait lang," sambit ko at pinatay muna ang videocall namin ni Hiro. 


Pagkapatay ko, tumatawag na kaagad si Sam sa 'kin. Wala pang isang ring ay sinagot ko na kaagad 'yon, nanginginig ang mga kamay. 


[Where are you?! I'll pick you up! This is an emergency, Yanna. Kierra's critical!] 


"H-huh?" Parang nawala ako saglit. Hindi ko naintindihan nang maayos ang sinabi niya. Hindi pumasok sa utak ko. 


[Kierra! Kierra's in the hospital! Papunta na 'ko sa hospital. Nasaan ka ba?!]


"N-nasa Laguna ako." Nakatulala pa rin ako. "Bakit nasa hospital? Ano... Ano raw nangyari?" 


[I don't know yet! I'm on my way to the hospital! Text me if you want me to pick you up!] At namatay ang tawag. 


Matagal akong nakatulala sa kwarto ko, mabilis ang pag-tibok ng puso ko. Napabalik lang ako sa katinuan nang tumawag ulit si Hiro. 


[Hey, were you in another call?] Tanong niya sa kabilang linya. I did not talk. I couldn't talk. [Yanna?] 


"Busy ka ba? Pwede mo ba 'kong sunduin?" mahinang tanong ko. 


[No, I'm not busy. Why? Are you okay?] nag-aalalang tanong niya. 


"I need to go to the hospital..." Nahihirapan akong magsalita. "Kierra... She's..." 


[Calm down, baby. I'm on my way.] 


Nagmamadali kong kinuha ulit ang mga gamit ko at hindi mapakali habang hinihintay siya. Malapit nang mag madaling-araw nang makarating siya sa 'min. Dere-deretso akong sumakay sa kotse niya, nakatulala lang. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong kung bakit at nag-drive lang paalis pagkatapos kong sabihin kung saang hospital. 


"Will you be okay?" He asked when he stopped the car in front of the hospital's lobby. 


"Pwede mo ba 'kong hintayin?" tanong ko sa kanya. 


"Of course." He did not hesitate to answer. "I'll wait in the parking. Text me when you're done." 


Bumaba ako sa kotse niya at nagmamadaling pumasok sa hospital. Yumakap kaagad si Sam sa 'kin pagkarating ko, umiiyak, sinasabing sinaktan daw ni Miguel si Kierra. Parang may kung anong nag-alab sa loob ko dahil sa sobrang galit. Parang nangati ang kamay kong manakit. 


Luna was crying so hard I had to leave so I wouldn't hear her cries. It was devastating. Naiiyak ako tuwing naririnig ko siyang umiiyak. 


Pagkapasok ko sa kotse ni Hiro, nakatulala lang ako. Nanatili lang kami roon, hindi siya nagdadrive paalis, at hinihintay lang akong magsabi. 


"Kung legal lang pumatay, patay na si Miguel ngayon," sambit ko. 


"Who?" naguguluhang tanong niya. "Who's that?"


"Kierra's abusive boyfriend." Kinuyom ko ang kamao ko. 


Natahimik si Hiro at umiling. "Do you want me to kill him for you?" seryosong tanong niya na parang kaya niya talagang gawin. 


That made me smile a little. 'Yong itsura niya kasi ay parang desidido talagang manakit ng tao. Umiling ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. 


"Pwede bang sa inyo muna ako matulog ngayon?" malungkot na tanong ko.


I was so sad about everything that I had to distract myself with other things. Hiro hugged me from behind while we were taking a shower.


"You're zoning out," sambit niya. 


Ang lungkot. Ang bigat. Lalo na't kakasimula pa lang ng May, parang ang sama na ng pasok. Malapit na siyang umalis at ang kaibigan ko naman nasa hospital. Ang bigat lahat sa pakiramdam kung iisipin ko ngayon. 


Humarap ako sa kanya at niyakap siya sa baywang. Tahimik kong sinandal ang ulo ko sa dibdib niya habang dinadama ang mainit na tubig mula sa shower. Niyakap niya 'ko pabalik at hinaplos ang buhok ko. 


"You're a strong woman," sambit niya. 


Tumango ako at hinigpitan ang yakap sa kanya. Nagtagal kami saglit sa ganoong ayos bago kami matapos sa pag-shower. Nagpapatuyo siya ng buhok habang ako ay bihis na at nakaupo sa kama niya, pinapanood siya. 


"Aalis ka na," bulong ko.


Napatigil siya at napabaling sa 'kin. "Yes." He swallowed hard. "We still have... 2 weeks." 


Sapat ba ang dalawang linggo? Kahit ngayon o bukas pa siya umalis, ganoon pa rin naman ang sakit na mararamdaman ko. 


"Hahatid pa ba kitang airport?" nakangiting tanong ko. 


"Don't." Tumalikod kaagad siya sa 'kin. 


Umakto siyang may hinahanap sa cabinet pero napahinto lang rin at nanatiling nakahawak ang isang kamay sa may handle, mukhang nag-iisip. 


"I can stay, Yanna."


Umangat ang tingin ko sa kanya. For a second, my heart felt happy when I saw a hint of hope that he will stay, but it eventually faded when I realized everything he will sacrifice for it. Matutuwa ako para sa sarili ko kung mananatili siya, pero alam kong balang-araw, pagsisisihan niyang hindi siya tumupad sa mga pangako niya sa sarili niya... sa mga pangarap niya. At habang-buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nangyari 'yon. 


"Don't." I gave him a sad smile. 

________________________________________________________________________________

:/

Continue Reading

You'll Also Like

333K 5.2K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
127M 4.1M 48
UNIVERSITY SERIES #4. Samantha Vera from Ateneo De Manila University, the epitome of kindness, empathy, grace, and solicitude got her life ruined whe...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...