Nakakabaliw, Nakakamatay (Pub...

By TriciaKye

34.1K 724 35

"Sa puso ko, ligtas ka." Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagba... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine

Chapter Ten

4.5K 122 23
By TriciaKye

NAKATITIG si Harmony sa kalangitan mula sa bintana ng kaniyang silid. Napalingon siya sa pintuan nang makarinig siya ng mga katok mula roon. Bumukas iyon at iniluwa ang kaniyang kapatid na si Melody.

"Ate, nandyan na naman si Kuya Ryan. Hindi mo ba siya lalabasin?" tanong nito sa kaniya.

"Sabihin mo natutulog pa ako."

"Sigurado ka? Ilang beses nang pumupunta rito si Kuya pero kahit minsan hindi ka nagpakita sa kaniya."

Inirapan niya ang kaniyang kapatid. "Mukha ba akong hindi sigurado? Sige na, lumabas ka na."

"Napakasungit mo. Nakakainis ka na. Lagi ka na lang ganyan. Diyan ka na nga!" litanya ni Melody at pabagsak na isinara ang pinto.

Nagbago na ang lahat simula nang umalis si Harmony sa bahay nila ni Ryan. Isang linggo na siyang nakabalik sa poder ng kaniyang mga magulang. Nagulat na lamang ang mga ito nang makita siya nitong dala-dala ang mga gamit niya. Hindi na nagtanong ang mga ito sa kaniya kung bakit siya bumalik doon at ipinagpapasalamat niya iyon dahil hanggang ngayon ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Ryan. At lalong ayaw niya munang makita ang lalaki.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Harmony kay Ryan. Pakiramdam niya ay hindi niya pa lubos na kilala ang lalaki dahil sa nalaman niya. Alam niyang napakababaw ng dahilan niya para hindi niya kausapin ang lalaki tungkol doon, pero sana man lang ay naikwento iyon ng lalaki sa kaniya samantalang halos magpi-pitong buwan na silang nagsasama sa iisang bubong.

Nang sa tingin ni Harmony ay nakaalis na ang lalaki, lumabas siya ng kaniyang kwarto. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Dumaan sa harapan niya ang kaniyang ina.

"Saan po kayo pupunta?" tanong niya rito nang mapansin na nakabihis ito.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. "Mag-go-grocery ako tapos pupunta ako sa Taytay. Nandoon kasi ang Daddy mo. Dinalaw niya ang auntie mo dahil may sakit daw. Maiwan ko na muna kayo. Nagmamadali ako dahil baka matraffic ako."

"Ako na lang po ang mag-go-grocery tapos dumiretso na kayo sa bahay ni auntie para hindi ka maabutan ng traffic."

"Ayy nako! 'Wag na. Magpahinga ka na lang diyan. At saka hindi ka naman pwede magbuhat ng mabibigat dahil malapit ka na manganak."

"Dadalhin ko naman 'yong sasakyan ko. Magpapatulong na lang ako doon sa mga bagger na dalhin 'yong groceries sa sasakyan. Gusto ko rin kasi lumabas muna."

Bumuntong-hininga ang kaniyang ina. "Sige, bahala ka. 'Wag kang magbuhat, ha? Magpatulong ka sa kanila roon." Inabot nito ang isang pirasong papel. "Nakasulat diyan lahat ng kailangan mong bilhin."

"Sige po. Ako na ang bahala rito. Ako na rin ang magbabayad," aniya.

"Sige. Salamat. Alis na ako."

"Ingat po kayo."

Bumalik si Harmony sa kaniyang silid at nagbihis ng damit-pang-alis. Pagkatapos niyon ay pinuntahan niya ang kaniyang kapatid.

"Aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala sa bahay," sabi ni Harmony kay Melody.

"Saan ka pupunta?"

"Mag-go-grocery mmuna ako. Nasaan si Jingle?" paghahanap niya sa bunsong kapatid nila.

"Nandiyan lang 'yan sa labas," tugon ni Melody.

"Mamaya hanapin mo na siya tapos pauwiin mo na. Aalis na ako."

Tinungo na ni Harmony ang palabas ng bahay at dumiretso sa kaniyang sasakyan. She started driving. Halos talumpung minuto rin ang inabot bago siya nakarating sa mall. Dumiretso na kaagad siya sa supermarket.

Binasa niya ang nakasulat sa papel na binigay ng kaniyang ina. Lahat ng naroon ay isa-isa niyang hinanap. Inabot rin siya ng mahigit isang oras bago siya natapos sa pamimili dahil pakiramdam niya ay bumibigat lalo ang kaniyang tiyan.

"Saan ko po ilalagay ang mga ito, Ma'am?" tanong ng bagger sa kaniya.

"Dito na lang sa likod," tugon naman ni Harmony sa lalaki.

Isinakay ng lalaki ang mga pinamili niya sa likod ng sasakyan. Pagkatapos niyon ay inabutan niya ng pera ang lalaking tumulong sa kaniya at iniwan na siya roon. Tinitigan niya ang mga pinamili niya.

"May nakalimutan pa kaya akong bilhin?" pabulong na tanong niya.

Kinuha niyang muli ang papel na binigay ng kaniyang ina para tignan kung may nakaligtaan siya. Binasa niyang muli ang laman niyon.

"Babe..."

Napalingon si Harmony sa kaniyang likuran. Bumungad sa kaniyang paningin ang lalaking isang linggo na niyang hindi nakakausap. Kapansin-pansin na tinubuan na ng balbas ang lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Harmony kay Ryan.

"Let's talk," anito.

"Hindi pwede. Nagmamadali ako. Walang kasama ang mga kapatid ko sa bahay," tugon pa ni Harmony sa lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa sa driver's side ng kaniyang sasakyan.

Hinawakan siya sa braso ng lalaki. "Please..."

Hinarap ni Harmony ang lalaki. "Ano naman ang gusto mong pag-usapan natin?"

"About Jessy."

Namaywang siya. "Mag-uusap tayo tungkol sa kaniya? Oh, please, I had enough."

"Bumalik ka na sa bahay. Please, Harmony. Ano ba talaga ang problema?"

"Hindi mo alam ang problema? Pwede ba, Ryan, 'wag mo akong pinapaikot."

"Hindi kita pinapaikot. Tinatanong ko lang kung ano ba talaga ang problema natin para maayos ko na. Dahil ba kay Jessy? Wala naman kaming ginagawang masama. Magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan lang? 'Wag mo nga akong pinaglololoko! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ex-fiancé mo siya?" tanong ni Harmony sa lalaki.

"Nagalit ka na sa akin, at ayokong madagdagan pa iyon. At saka nakaraan na naman iyon kaya wala nang dahilan pa para banggitin ko pa na naging girlfriend ko si Jessy," paliwanag ni Ryan.

"Nagalit na nga ako sa 'yo eh. Dapat nilubos mo na. At least nalaman ko hindi 'yong mukha akong tanga na nakikipagbangayan doon sa clown na iyon tapos hindi ko alam na ex mo pala siya kaya ang lakas ng loob niyang makipagsagutan rin sa akin!" bulalas ni Harmony.

"What's wrong with you, Harmony? I was just trying to do the right thing! Ano bang hiningi ko sa 'yo na hindi mo kayang ibigay? Hindi naman kita pinipilit sa lahat ng bagay. Pero ngayon ay parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa 'yo kaya hindi mo ako mapatawad. Binigay ko naman sa 'yo ang lahat ng kaya kong ibigay, pero ikaw? Ni hindi mo nga masabing mahal mo ako. Nagreklamo ba ako? Hindi! Pero ngayon ay ako pa ang masama. Kahit isang beses ay hindi kita naringgan na mahal mo rin ako. Hindi ko na inisip 'yon kasi mahal kita. Damn it, Harmony! I love you, but you never cared!" litanya ni Ryan kay Harmony.

Napansin ni Harmony ang luhang namumuo sa mga mata ni Ryan. Hindi niya iyon masyadong binigyan ng pansin para hindi siya maapektuhan. Ngunit nagsisimula na ring magbagsakan ang mga luha sa mata ni Harmony.

"Dahil sa mga nangyayari ngayon, parang ipinaparamdam sa akin ng langit na mali ang lahat ng bagay na nangyayari sa paligid ko. At alam kong una pa lang ay mali na ang lahat pero hindi ko pinansin iyon kasi ang alam ko, balang-araw ay magiging masaya ako. Naniniwala akong ikaw ang makakapagpasaya sa akin. Nakikita ko ang pagiging totoo mo kaya pinagkatiwalaan kita. And everytime I think about how I got to this kind of situation, it makes me crazy. Nakakabaliw, Ryan. Ang tanda-tanda ko na, pero parang ngayon pa lang nagsisimulang gumulo ang buhay ko. I had enough of all the pain. Akala ko manhid na ako, pero hindi pa pala," aniya.

"Pero bakit hindi mo masabi na mahal mo ako? Tapatin mo nga ako, minahal mo ba ako?"

Pinahiran ni Harmony ang luha sa kaniyang pisngi. "Mahal kita, Ryan. Ngunit ayoko nang maulit ang nangyari sa akin dati. Masyado kong ipinakita kung gaano ko kamahal ang isang tao. I was not afraid to show everyone that I'm very much in love. Sa huli, iniwan niya rin ako. Ang saya, 'di ba? Ibinigay ko ang lahat, pero hindi man lang iyon nasuklian ng kahit katiting na respeto." Huminga siya nang malalim. "Kaya malaking bagay sa akin ang pagsasabi ng totoo. I had a hard time trusting people because of what I experienced." Pinunasan niyang muli ang mga luhang muling dumaloy sa kaniyang pisngi. "I need to go."

Sumakay na si Harmony sa kaniyang sasakyan. Binuksan niya kaagad ang makina at pagkatapos ay sinimulan na niyang magmaneho. Ngunit hindi pa siya nakakalayo sa lugar na kaniyang pinagmulan ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan. Itinigil niya ang kaniyang sasakyan. Napahawak siya sa manibela at napasigaw nang malakas.


DAHAN-DAHANG idinilat ni Harmony ang kaniyang mga mata. Nararamdaman niya pa rin ang panghihina ng kaniyang katawan ngunit nabawas-bawasan na iyon, hindi katulad kanina na halos hindi na siya makalagalaw.

Naghanap siya ng orasan sa pader. Nang makakita siya, tinignan niya kung anong oras na. It was already past five in the morning. Nang galawin niya ang kaniyang braso ay may nasanggi siya. Napalingon siya sa kaniyang gilid. Bumungad sa kaniya si Ryan na mahimbing na natutulog. Nakaupo ito sa monoblock chair habang nakatungong natutulog sa gilid niya.

Bahagyang gumalaw ang lalaki, dahilan para masilayan niya ang mukha nito. Hindi maintindihan ni Harmony ang kaniyang nararamdaman. Tila ba nawala lahat ng tampong nararamdaman niya rito. The hurt just disappeared like that. Napasama na ata iyon nang manganak siya.

Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki. Hindi niya napigilang mapaluha. She really missed him. Pinagsisisihan niyang lumayo pa siya kay Ryan. Kung may lakas lamang siya para halikan ang lalaki, ginawa na niya. Gusto niyang yakapin ito. Ganoon niya ka-miss ang lalaki.

Gumalaw ang lalaki. Dahan-dahan itong dumilat. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti.

"Hi," bati ni Harmony kay Ryan.

"Hi. Good morning. Nagugutom ka na ba?" tanong nito sa kaniya. Umiling lang si Harmony. "Gusto mong makita ang baby natin?"

Ngumiti si Harmony at tumango bilang kasagutan.

Tumalikod sa kaniya si Ryan. Naroon lang pala sa likod nito ang anak nila. Dahan-dahan itong binuhat ni Ryan at dinala sa kaniya. Binigay ito ng lalaki sa kaniya.

Tinitigan niya ang bata. Hindi niya napigilang mapaluha. Lubos ang sayang nadarama niya.

"Ang ganda niya," tanging nasambit ni Harmony.

"Just like you," ani naman ni Ryan.

Nilingon ni Harmony ang lalaki. Hinalikan naman siya nito sa noo. Napangiti siya.

Maraming napagtanto si Harmony. Kung masakit ang magmahal at tila ika'y mamamatay kapag nasaktan, hindi iyon natatapos roon. Kapag nadapa ka, desisyon mo na kung tatayo kang muli o hindi na. Kung hindi mo alam kung ano ang gagawin, tumingin ka lang sa taas at tutulungan ka niya. Ibibigay niya sa 'yo ang isang taong makakapagpabago ng buhay mo. Pero nasasayong muli ang desisyon kung papapasukin mo siya sa buhay mo. Pakinggan at pakiramdaman lamang ang tibok ng puso mo. Doon mo malalaman kung ang taong nasa harap mo ang ibinigay ng Diyos sa 'yo.

"I love you," aniya sa lalaki.

Ngumiti si Ryan. "Napakasarap pakinggan," tugon nito. Hinalikan siya nito sa labi. "I love you, too," he said between his kisses.

Kung mayroon mang bagay na hindi kailanman pagsisisihan ni Harmony, iyon ay ang dumating si Ryan sa buhay niya at pati na rin ang anak nila. And with that moment, everything seems right.

WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
67.7K 1.1K 12
Naniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng...