Nakakabaliw, Nakakamatay (Pub...

By TriciaKye

34.4K 725 35

"Sa puso ko, ligtas ka." Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagba... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten

Chapter Six

2.5K 54 1
By TriciaKye

TINITIGAN ni Harmony ang itsura niya sa salamin. Napangiti siya sa kaniyang nakikita. She was so happy because her black laced dress looks good on her. Medyo sumikip na nga lang ito dahil noong nakaraang taon niya pa binili iyon at hindi kailanman naisuot. Binagayan niya ang suot niyang iyon ng sapatos na tatlong pulgada ang taas. Naglagay lamang siya ng manipis na make-up.

Napalingon siya sa pintuan ng kaniyang silid nang makarinig siya ng katok. Natagpuan niya roon ang kaniyang ina na nakadungaw sa kaniya mula sa labas.

"Bakit po, Mommy?" tanong niya rito.

"Nandyan sa baba si Ryan," tugon ng kaniyang ina.

Napakunot ang noo ni Harmony sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Hindi niya inaasahang pupunta pa roon ang lalaki.

"Bababa na po ako," sabi niya rito.

Ngumiti lang ito sa kaniya at nauna nang bumaba. Inayos lang ni Harmony saglit ang bag na dadalhin niya at pagkatapos niyon ay binaba niya na rin si Ryan. Natagpuan niya ang lalaki na naghihintay sa kaniya sa sala.

Nang makalapit siya rito ay kaagad na ngumiti ang lalaki sa kaniya. Nakangiti pa rin ito nang titigan siya nito mula ulo hanggang paa. Bumulong ito sa kaniya.

"You look good," anito. Ryan kissed her on the cheek, and she did the same.

"Thank you," tugon naman niya. "Hindi ba ang sabi ko sa 'yo doon na lang tayo magkita? Makulit ka talaga."

"Hindi ba sinabi ko rin sa 'yo na hindi ko pwedeng pabayaan ang girlfriend ko na mag-drive para sa date namin? Makulit ka rin, eh."

Natatawang inirapan niya ang lalaki. Hindi man aminin ni Harmony pero kinikilig siya sa lalaki.

"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga."

Halos tatlumpung minuto ang inabot ng byahe nila bago sila makarating sa restaurant na sinabi ni Ivy. Bago sila pumasok ay tumigil muna sila sa labas nang may maalala siya.

"May mga makakasama nga pala tayo ngayon," sabi ni Harmony kay Ryan.

Napakunot ang noo ng lalaki. "Sino?" tanong nito sa kaniya.

"Si Ivy, kaibigan ko, at saka 'yong ka-date niya."

"Bakit naman nagsama ka pa? Date natin ito, eh!"

Hinila na ni Harmony si Ryan papasok sa loob ng restarant. "Huwag ka na magreklamo. Ililibre naman tayo ng mga iyon."

Natanaw agad ni Harmony ang kaibigan niya at kaagad itong nilapitan.

"Ivy," sambit niya sa pangalan nito.

Ngumiti ang kaibigan niya. "Nandyan na pala kayo. 'Nga pala, ito si Jake. Jake, si Harmony, friend ko," pakilala nito sa kasamang lalaki.

Nginitian lang ni Harmony si Jake. Ngunit nagulat siya nang biglang magsalita si Ryan.

"Jake?"

"Ryan?" tanong rin ng lalaki.

"Pare, kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah," sabi ni Ryan.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Harmony sa mga ito.

"Oo. Magkaibigan kami noong high school. Ewan ko nga ba rito kung bakit hindi nagpaparamdam sa amin," sagot ni Ryan.

Napalingon si Harmony sa kaibigan niyang si Ivy. Nakangiti nitong pinagmamasdan si Ryan mula ulo hanggang paa.

"Hoy!" bulalas niya.

Gulat itong napalingon sa kaniya. "Bakit?"

"Bakit ganyan ka makatingin kay Ryan?" bulong ni Harmony sa kaibigan.

Lalo lang lumapad ang ngiti ng kaibigan niya. "Hindi ko alam na may taste ka pala pagdating sa pagpili ng lalaki. Iyong ex mo kasing bulok, walang panama rito sa bagong lalaki mo," anito. Lumapit ito kay Ryan. Napalingon naman rito ang lalaki. "Hi. Ryan, right?" Tumango ang lalaki. Inilahad ni Ivy ang kamay nito sa lalaki. "I'm Ivy, Harmony's friend."

Tinanggap naman ni Ryan ang kamay ng kaniyang kaibigan. "Hi. Let's have a seat."

Umupo na silang apat at nagsimulang um-order ng kanilang kakainin. Nasa tapat ni Harmony ang kaibigan niyang si Ivy at katabi naman niya si Ryan.

Nagsisimula nang magtaka si Harmony sa ikinikilos ng kaniyang kaibigan. Patuloy pa rin kasi itong tinititigan si Ryan. Hindi naman iyon napapansin ng lalaki dahil nakikipagkwentuhan ito kay Jake. Sumitsit siya nang mahina sa kaibigan. Napatingin ito sa kaniya.

"Bakit?" tanong nito.

"Bakit ba kanina ka pa titig na titig kay Ryan?" tanong niya rito sa mahinang boses.

Ngumiti si Ivy sa kaniya. Her friend gave her a genuine smile and whisper.

"I'm so happy for you!"

Lumingon si Harmony sa katabi niyang si Ryan. Laking gulat niya nang nakatingin na pala ito sa kaniya. Napangiti na lang si Harmony.

Masaya rin ako para sa sarili ko, aniya sa kaniyang isipan.

Tuwing kasama ni Harmony si Ryan ay napapansin niya na ang gaan ng pakiramdam niya. Ang galit na nararamdaman niya noong hindi niya pa ito kilala ay tila bigla na lamang nawala. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Ang alam niya lang ay masaya siya kapag kasama niya si Ryan.

Napalingon silang dalawa sa harap nila nang biglang gumalaw ang lamesa at tumunog ang mga kubyertos. Nakita ni Harmony si Ivy na hindi gumagalaw.

"Ivy, ayos ka lang ba?" tanong niya sa kaibigan.

"H-ha? Ako ba? Ah, oo naman! Ayos lang ako. Punta lang ako ng restroom," tugon nito at tumayo na.

Tiningnan lang ni Harmony ang kaibigan niya habang papunta ito sa restroom nang mapadako ang tingin niya kay Jake. Nakatingin rin ito sa kaibigan niyang naglalakad palayo. May nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. May nabuong konklusyon sa isip ni Harmony kung bakit ganoon ang naging kilos ng kaniyang kaibigan. Hindi na sana niya masyadong bibigyan ng pansin ang bagay na iyon nang mapansin niyang mahinang hinampas ni Ryan si Jake at tumawa lang ang huli. Dahil doon, napatunayan niyang tama ang iniisip niya. Napailing na lang si Harmony.

They actually had a nice evening. Naging masaya ang double date na iyon. Nakilala niya ring mabuti si Jake. Sa tingin ni Harmony ay bagay na bagay ang kaibigan niya at ang lalaki.

Bago sila maghiwa-hiwalay ng gabing iyon, niyakap si Harmony ng kaniyang kaibigan. Bumulong ito sa kaniya.

"Thank you, Harmony. This means a lot to me," Ivy said.

Ngumiti siya sa kaniyang kaibigan. "Anytime, Ivy. Basta libre mo ako, go ako riyan!"

Tumawa silang dalawa. Hindi ikakaila ni Harmony na sobrang malapit sa kaniya si Ivy. Nag-iisang anak lang kasi ito at siya ang itinuturing nitong kapatid.

Katulad kanina, si Ryan din ang naghatid sa kaniya pauwi. Nakaramdam si Harmony ng pagod dahil pagkagaling niya sa trabaho ay kaagad siyang umuwi para magpalit ng damit at umalis din kaagad para sa date nila. Mabilis siyang nakatulog sa sasakyan.


IDINILAT ni Harmony ang kaniyang mga mata. Pinilit niyang alamin kung nasaan siya kahit na nanlalabo pa ang mga mata niya. Nang umayos-ayos na ang kaniyang paningin ay napansin niyang naroon na pala siya sa kaniyang silid. Tumayo siya mula sa kaniyang higaan at lumabas ng silid. Dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig.

"Anak..."

Napatalon si Harmony dahil sa gulat. Lumingon siya sa kaniyang likuran at natagpuang nakatayo roon ang kaniyang ina. Natapunan si Harmony sa damit ng tubig na kaniyang iniinom. Doon niya lang napansin na hindi pa pala siya nakakapagpalit ng damit.

"Mommy naman!" bulalas niya sa kaniyang ina.

"Pasensya na. Nagulat din kasi ako na may tao pala rito."

"Umuwi na po si Ryan?"

"Oo, kanina pa. Pinauwi ko na dahil hatinggabi na. Nakisuyo na lang ako na ihatid ka sa kwarto mo."

Tumango-tango siya sa sinabi ng kaniyang ina. Ininom na niya ang natitirang tubig sa baso niya.

"Gusto ko si Ryan para sa 'yo."

Natigilan si Harmony sa sinabi ng kaniyang ina. "Po?"

"He seems a very nice guy."

Napangiti si Harmony. "I know, Mommy. Gano'n rin po ang tingin ko sa kaniya," tugon niya sa ina.

Ang kaniyang ina naman ang natigilan dahil sa sinabi niya. Natawa si Harmony sa naging reaksyon nito. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Good night, Mommy," aniya rito at tinungo na ang kaniyang silid.

Everybody likes Ryan for her, and she was happy about it. Nakatulog muli si Harmony nang may ngiti sa kaniyang mga labi.


"MA'AM Harmony, may nagpapabigay po sa inyo."

Napalingon si Harmony kay Rina na nakatayo sa may pintuan ng opisina niya at may hawak na isang napakalaking bouquet of flowers. Napakunot ang noo niya.

"Client ba ang may bigay?" tanong niya rito.

"Hindi po ako sigurado. May nagdeliver lang po. May card naman po rito." Lumapit ito sa kaniya at ipinatong sa lamesa niya ang bulaklak. "Check niyo na lang po kung may pangalan ng nagpadala. Labas na po ulit ako," sabi nito.

Ngumiti siya kay Rina. "Sige, salamat."

Hinanap niya ang card na sinasabi ng sekretarya niya. Nang matagpuan niya iyon, binasa niya ang nilalaman niyon. Napag-alaman ni Harmony na galing pala iyon kay Ryan. Napalingon siya sa cell phone niya nang tumunog iyon. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Good morning, baby," ani ng nasa kabilang linya.

Inilayo ni Harmony ang cell phone niya sa kaniyang tenga at binasa kung sino ang kausap niya. Natawa siya nang malaman niyang si Ryan pala iyon.

"Baby ka diyan," aniya rito.

"Bakit? Baby naman kita, ah."

Napairap siya. "Tigilan mo nga ako. Ang aga-aga, ang corny mo!"

Tumawa si Ryan. "Natanggap mo ba ang ipinadala ko?"

"Ikaw ang nagbigay ng mga bulaklak na 'to?"

"Oo. Bakit may iba ka pa bang inaasahang magbibigay sa 'yo ng bulaklak?"

"Oo, meron." Lihim siyang tumawa nang tumahimik sa kabilang linya si Ryan. "Joke lang! Masyado kang seryoso. Salamat nga pala."

Sa wakas ay tumawa nang muli ang lalaki. "You're welcome, my baby."

"So, what's with the flowers?" tanong ni Harmony kay Ryan.

Tumikhim ang lalaki bago nagsalita. "Happy 2nd monthsary!"

Mabilis na kinuha ni Harmony ang maliit na kalendaryong nakapatong sa lamesa niya at tinignan doon ang petsa ngayon. Shoot!

"Dalawang buwan na pala tayo. I'm sorry. I forgot about it. Makakalimutin kasi ako sa mga petsa," tugon niya rito.

Tumawa si Ryan. "It's okay. Don't worry too much."

"Bibili na lang ako ng gift para sa 'yo mamaya. I will send it to your office."

"Hindi na kailangan. May isa lang akong gusto."

"What is it? Tell me."

"Go on a date with me."

Natigilan si Harmony. Nagtataka siya kung bakit ganoon lang kababaw ang kahilingan ng lalaki.

"That's it? Sige, okay lang. Anong oras ba?"

"Right now."

Natigilan na namang muli si Harmony. "As in ngayon na?"

"Oo. Let's go?"

"Saglit lang naman. Aayusin ko lang mga gamit ko. Nasaan ka ba ngayon?"

"Nasa labas ako ng opisina mo."

Lumingon si Harmony sa bintana. Nasapo na lang niya ang noo niya nang mapagtanto niya na nasa mataas na palapag nga pala siya kaya singliit na lamang ng langgam ang mga taong makikita niya sa ibaba.

"Okay. Ayusin ko lang gamit ko."

"Cell phone mo na lang ang dalhin mo."

"Huh?"

"Lumabas ka na lang ng opisina mo."

Sinunod na lamang ni Harmony ang sinabi ni Ryan. Tinungo niya ang pintuan ng kaniyang opisina dala-dala lamang ang kaniyang cell phone. Pagkabukas niya ng pinto ay laking gulat niya nang maabutan niyang nakatayo na roon si Ryan.

"Akala ko ba nasa labas ka?" tanong niya rito. Napailing na lang siya. Nilingon niya si Rina. "Rina, paki-ayos naman ng mga gamit sa lamesa ko. Aalis lang ako," utos niya rito.

"Yes po, Ma'am."

Nilingon ulit ni Harmony si Ryan. "Tara na?"

Tumango ito. Sumakay sila ng elevator para makababa. Nang silang dalawa ay nasa loob na ng elevator, nagkatinginan si Harmony at Ryan. Nginitian siya nito at ganoon din siya.

Sa totoo lang ay masaya si Harmony. Masaya na siya. She experienced pain and she thought that she will never get away from it, but she was wrong. Tuwing tinititigan niya si Ryan, pakiramdam niya ay kilalang-kilala na niya ito buong buhay niya. Ryan had his soul connected to hers. Harmony can feel it. Everything's in process that she can feel it moving.

Hinawakan ni Ryan ang kamay ni Harmony. Tinitigan niya ang mga kamay nilang magkasalikop. Tila lahat ng bagay ay nakikita niya. Even the electricity flowing through their hands is visible to her eyes. Everything is magical that she can't believe it herself. But everytime she will look in his eyes, her worries are already gone and she now believes in his sincerity.

Bumukas na ang elevator. Lumabas sila roon at tinungo ang parking lot.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito matapos nilang makapasok sa loob ng sasakyan.

"Relax, babe. Hintayin mo na lang makarating tayo doon," sagot naman ni Ryan at pinaandar na ang sasakyan.

"Baka dalhin mo na naman ako sa Bicol, ha," aniya rito.

"Bakit? Ayaw mo ba sa Bicol?"

"Hindi naman. As long as I am with you, it's okay with me. Pero noong huli kasing nag-relax ako sa sasakyan mo, dinala mo ako sa malayong lugar." Tumawa siya.

"Ikaw kaya nagsabing dalhin kita sa malayong lugar!" bulalas ni Ryan.

"Ginawa mo namang literal!" bulalas naman ni Harmony.

Nagkatinginan sila at sabay na nagtawanan.

"Kung hindi ka kaya bigla na lang sumakay sa taxi na sinasakyan ko noon, magtatagpo kaya ang landas natin?" tanong ni Ryan.

Nilingon niya ito. Binigyan niya ng ngiti ang lalaki at ibinalik ang kaniyang tingin sa daang tinatahak nila. Hindi pa rin inaalis ni Harmony ang ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi ko alam," sagot niya rito. "Hindi natin alam. We actually don't know what future might bring us. But we sure have received one of its blessings. Magpasalamat na lang tayo dahil nagtagpo ang mga landas natin."

"Salamat sa ex-boyfriend mo at salamat din dahil antok na antok ako noon kaya kailangan kong sumakay ng taxi."

Nilingon niyang muli ang lalaki. Malaking ngiti ang nakapaskil sa labi nito. Muli na naman silang tumawang dalawa.

Maya-maya pa ay ipinarada na ni Ryan ang sasakyan sa isang sulok ng bahay. Natahimik si Harmony, hindi dahil nagtataka siya kung bakit naroon sila, kung hindi naaalala niya ang bahay na iyon.

"Akala ko sa restaurant tayo pupunta," aniya kay Ryan.

Nginitian siya nito. "May gusto lang ako ipakilala sa 'yo."

Napakunot-noo si Harmony. Sino ang ipapakilala niya sa akin?

Pagkapasok nila sa loob, may dalawang taong bumungad sa paningin ni Harmony. Nakaupo ang mga ito sa sofa at nanonood ng telebisyon. Sabay na napatingin sa kanila ang mga ito nang lumapit sila. Nakatingin lang ang mga ito sa kanila at tila gustong magtanong kung sino siya base sa titig ng mga ito sa kaniya. Pati ang pagbaling ng tingin ng mga ito kay Ryan ay sabay rin nilang ginawa. Nginitian niya ang mga ito.

"Bakit parang nakakita kayo ng multo?" tanong ni Ryan sa mga ito.

"Sino siya?" tanong ng matandang babae.

""Ma, 'Pa, si Harmony nga pala, girlfriend ko," sagot ni Ryan.

Tila lumiwanag ang mga mata ng mga ito. Tumayo ang dalawa at humarap sa kanila ni Ryan.

"Ikaw pala ang girlfriend ng anak ko," sabi ng ina ng lalaki at pagkatapos ay niyakap siya. Nang bitawan siya nito ay bigla nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Ang ganda mo naman." Ngumiti ito. Ngumiti rin si Harmony bilang tugon rito. "Tawagin mo na lang akong Mama Susie."

Ang ama naman ni Ryan ang kaharap niya ngayon. Napansin niya ang paghawi nito sa asawa para makaharap siya. Bahagyang natawa si Harmony sa ginawa nito. Natutuwa siya sa mag-asawa. Mukhang masayang bahay ang kinatatayuan niya ngayon.

"Ako naman ay tawagin mo na lang na Papa Andoy," sabi naman nito. Nilingon nito ang anak. "Ryan, bakit hindi mo sinabi sa amin na dadalhin mo pala rito si Harmony? Hindi tuloy nakapaghanda o nakapagluto man lang ng pagkain ang Mama mo."

"Okay lang. Lalabas naman kami maya-maya lang para kumain. Gusto ko lang muna siya idaan dito para ipakilala sa inyo. Gusto niyo ba sumama sa amin?" tanong ni Ryan sa mga magulang.

Umiling ang mga ito. Natutuwa si Harmony tuwing nagagawang magsabay ng mga magulang ni Ryan sa isang bagay.

"Kayo na lang dalawa. Baka maka-istorbo pa kami sa inyo," sabi ni Papa Andoy.

"May kukuhanin lang ako sa kwarto," ani ni Ryan at umakyat na sa taas.

"Maupo ka muna habang hinihintay mo si Ryan."

Nginitian ni Harmony si Mama Susie at sinunod ang sinabi nito.

"Anong pinagkakaabalahan mo, iha?" maya-maya pa'y tanong sa kaniya ng matandang babae.

"Vice President po ako ngayon sa company ng Tito ko."

Lumingong babae sa asawa nito. "Magaling, ano?"

Tumango-tango ang matandang lalaki. "Anong kompanya naman iyan, iha?"

"Frootie Joocie Foods po," tugon naman niya.

Bahagyang kumunot ang noo ng matandang lalaki. "Pamilya Varientos ang may-ari niyan, hindi ba? May natatandaan akong Varientos ang apelyido, eh. Sino ba ang tatay mo?"

"Si Inocencio Varientos po. Kilala niyo po ba siya?"

Saglit itong nag-isip. "Tama! Natatandaan ko na siya. Magkaklase kami noon sa high school. Matagal na kaming hindi nagkikita. Kumusta na nga pala siya?"

Nginitian niya ito. "Maayos naman po si Daddy. Sa ngayon po ay hindi na sila nagtatrabaho ni Mommy sa kagustuhan ko na rin po. Pabalik-balik na lang po sila sa probinsya namin para magbakasyon."

Tumango-tango ito. Maya-maya pa ay dumating na si Ryan.

"Aalis na kami," sabi ni Ryan sa mga magulang nito.

"Mag-ingat kayo," tugon ng ina nito.

"Ikumusta mo na lang ako sa Daddy mo, iha," ani naman ng ama ni Ryan.

Tumango siya bilang tugon rito. Nang makalabas sila ng bahay ay tumigil si Ryan sa tapat ng sasakyan nito.

"Bakit gusto ni Papa na ikumusta mo siya sa Daddy mo?" tanong nito sa kaniya.

Nginitian niya ito. "Magkaklase sila sa high school noon," sagot ni Harmony sa lalaki. "Tara na?"

Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 1.2K 10
Supermodel No. 4 Benjamin Salazar, ang "Papa Ben-tot" ng TMA
106K 1.6K 14
"Ang sabi dito sa ending ng nobela mo, MJ kissed the love of her life while whispering how much she loved him. Ano pa ang hinihintay mo? Handa na ang...
127K 2.4K 11
"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even now." Naniniwala si Jenna na natagpuan na...
43.9K 791 12
Catchline: "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Hindi rin ako nagbibiro nang halikan kita. Pasensiya ka na, hindi ko napigilan ang sari...