4 goddesses meets the 4 angels

By rosieeeeroseee

100 0 0

4 goddesses meets the 4 angels. Can this eight people will be together? ... More

4 goddesses meets the 4 angels
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 17

0 0 0
By rosieeeeroseee


PROSERPINA'S
    POINT OF VIEW

May babaeng masayang nakatanaw sa isang malayo. Nilalaro niya ang mga paru-paru. Masaya niyang hinawakan ang mga paru-paru na pinatong niya sa kanyang daliri.

"Goddess Era, pinapatawag po kayo ng mahal ninyong ama." Isang alipin ang lumapit sa kanya. Gumalang pa ito.

Napaikot ang kanyang mata. Sa isip niya, ang kanyang ama ang nagpatawag sa kanya. Isasama na naman siya sa paglalakbay sa buong kaharian. At mabobored lang siya doon.

"Sige susunod ako." Ngiteng sabi niya habang hinimas himas ang pakpak ng paru-paru.

"Pero po goddess Era ngayon na po kayo hinahanap ng mahal na hari." Napabuntong hininga ang babae. At inis na umirap.

"Si ama talaga ay mapadali. Sige na nga tayo na." Tumayo na ang alipin at sumunod naman na siya.

Hanggang sa may inisip siyang kalokohan. May ngise iyon sa labi niya.

Biglang lumakas ang hangin na siya ang may kagagawan. At sa alipin niya lang ito ginawa. Napatili naman ang alipin at siya naman ay tumawa lang.

"Patawad pero kailangan ko talagang gawin to. Pakisabi nalang kay ama na patawad rin." Tumalikod na siya. Tinawag siya ng alipin pero hindi ito makagalaw dahil sa hangin na nakapalibot sa kanya.

Tumakbo lang siya ng tumakbo. Ng makaramdam na siya ng pagod ay tumigil na siya. Kumuha siya ng hangin sa kaibigan niyang hangin. Napaawang ang kanyang baba ng makita ang kabuuan ng lugar. Isang talon na may ibat ibang kulay ng bulaklak sa paligid. Kumikislap pa ito. Napakaganda ng lugar nato. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nasisimhot niya ang presko at mabangong hangin sa paligid.

"Waaaah ang ganda dito."  Lumapit pa siya sa talon. Talagang kumikislap pa ang tubig. Kita mo ang mga bato na nasa ilalim nito.

Hanggang sa may narinig siyang kaluskos sa likod. Napahinto siya at lumingon dito. Nakaramdam siya na may paparating kaya dali dali siyang nagtago sa malaking puno.

May nakita siyang isang lalaki. Napakunot ang noo niya. Hindi ito galing sa kaharian nila. Kakaiba ang kanyang kasuotan. Ang ganda. Kumikintab pa ito dahil yari sa ginto. Nagulat ang babae dahil bigla itong  huminto. Maghuhubad na sana ang lalaki pero napahinto ito at napalingon sa gawi niya. Pero bago iyon ay nakatago na siya.

Bumilis bigla ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba at baka makita siya ng lalaki. Lumingon ulit siya pero nanlaki ang mata niya ng wala na ang lalaki. Tanging may nakita siyang saplot ng damit na kanina lang nakita niya sa lalaki.

'lumangoy na kaya siya?" Tanong niya sa kanyang isipan.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Napapitlag siya ng naramdaman niyang nandoon ang lalaki sa kanyang likod. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at baka may mangyayaring masama sa kanya.

"Humarap ka binibini." Utos niya. Nakatalikod kasi ang babae sa kanya. 'At bakit ko naman siya susundin?' tanong ng kanyang isip.

"Aah....ang totoo niyan aalis na ako dahil baka hinahanap na ako ni ama. Sige ha aalis-

"Wala kang karapatang umalis dahil kinakausap pa kita binibini. Bakit hindi mo ipakita sa akin ang iyong buo mong mukha ? Baka naman nahihiya ka dahil may peklat yang mukha mo at nakakahawa." Dahil sa sinabi niya ay nainis ang babae. Kaya inis siyang humarap dito.

"Itong mukhang to may peklat-

Maski siya ay napatigil ng mapatingin sa lalaki. Napaamang ang kanyang baba at hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Isang anghel ang kanyang nakita. Nakikita niya ang matitipunong dibdib nito. Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya makita ang kanyang mukha pero alam niya kong ano ito.

"A-anong ginagawa ng isang dyosa dito? Umalis ka na at wag ka ng pumunta dito." Tela napakunot ang kanyang noo dahil nababalisa ang anghel at agad na umalis na walang pahintulot.

"Hoy Proserpina! Gising ! Gising !" Napapitlag ako ng may yumuyugyog sa akin. Yung panaginip ko. Sino ang babaeng iyon? Bakit may ganon akong panaginip? Anong ibig sabihin non? At yung lalaki sa aking panaginip hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero isa lang ang masisiguro ko, Isa siyang anghel.

"Hoy! Anong nangyayari sayo? Bakit nakatulala ka?" Napatingin ako kay Celestina.

"Bakit mo ko ginising? Ayan tuloy hindi ko natapos ang panaginip ko." Maktol kong sabi. Kaya pala nagising ako, dahil sa malakas niyang boses.

"Hala tumigil ka nga! Kanina ka pa kaya tulog kaya ginising kita. Ano matutulog ka nalang habambuhay?" Napanguso ako. Yung panaginip ko kasi.

"Bakit ano ba ang napaginipan mo?" Napatingin ako sa kanya. Umiling ako.

"Wala. Halika ka na." Tumalikod na ako at iniwan siya doon. Tinawag niya pa nga ako pero hindi ko siya pinansin.

Yung napaginipan ko, hindi familiar sa akin. Bakit ko iyon napaginipan? Anong konek iyon sa akin? Para siyang totoo. Pero impossible dahil hindi ako yung babaeng yun. Atsaka yung lalaking nakita ko hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Pero alam kong isa siyang anghel.

"Proserpina! Bakit ka ba nang iiwan?" Hingal na lumapit sa akin si Celestina. Napatawa ako.

"Oppps pasensya nandiyan ka pala hehe." Inirapan niya ako sabay taray. Abat marunong na palang tumaray ang babaeng to. Nahahawa na kay Hestiya.

"Ikaw pa nga yung ginigising, ikaw pa yung nangiiwan." Nguso niyang sabi. Kinulong ko siya sa aking braso.

"Pasensya na okay? Ang oa nito. Teka nga nasaan ba sila Athena at Hestiya?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam e. Sige ha mauuna na ako sayo dahil pupuntahan ko pa ang lalaking walang modo." Tumalikod na siya akin. Napatawa nalang ako. Mukhang alam ko na kong sino yung tinutukoy niya.

Kanya kanya na kasi kaming trabaho ngayon. Tanging mga senorito lamang ang aming susundin. Kasi kami na yung personal maid nila. Susundin namin kong ano ang gusto nila. Mas mabuti na din ito para hindi kami utusan ni senorita Pacifica at miss Hattie.

Sabi nila Sheila at Nonimie unang beses daw to nangyari. Yung may personal maid ang mga senorito. Sa nagtagal daw sila dito hindi sila kinuha bilang personal maid nila. Kaya nakapagtataka kong bakit nangyayari to ngayon. Kong bakit kinakailangan nila kaming maging personal maid

"Ikakaganda mo na ba ang pagpili sayo ni senorito Nathaniel bilang personal maid?" Napahinto ako sa aking paglalakad at napalingon sa likod ng biglang may nagsalita.

Nakita ko si Alliyah. Ang sama ng tingin niya sa akin. Mataray rin ang kanyang mukha. Isa siya sa kasamahan nil miss Hattie. Minsan ko na rin siyang nakabangga at talagang ang taray niya talaga.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot noo kong tanong pero may ngite sa labi ko.

"Pwede bang wag kang ngumite!!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Bigla siyang lumapit sa akin.

"Ayoko talaga sayo e dahil pabida ka! Ako sana ang magiging personal maid ni Nathaniel pero umepal kang babaeng ka!" Nagagalit siya sa akin. Hindi niya tinawag na senorito si senorito Nathaniel.

"Ano? E wala naman akong ginagawa. Nagulat nalang ako na ako na pala ang magiging personal maid ni senorito Nathaniel. Wag akong sisihin mo, kundi si senorito Nathaniel."

"Ikaw talaga yung sisisihin ko dahil umeepal ka! Ayan tuloy hindi na ako yung personal maid niya! Nakakainis ka!bakit ba kasi nandito kayong mga weird? Kasama na rin yung tatlong mo pang kasama na ang Celestinang iyon ay ang bobo! Yung Hestiyang iyon ay walang Alam! At yung isa ay ang hambog!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Uyyy mga kapatid ko yun ha! Wag mo silang pagsalitaan ng ganun. Ang sama mo." Nainis ako sa babaeng to dahil sa sinabi niya sa mga kapatid ko. Wala siyang karapatan pagsabihan sila ng ganun.

"So youre siblings, kaya pala ang weird niyo at saksak ng kabobohan! Mga walang alam at mga hambog!"

"Hoy nakakasakit ka na ng damdamin ha! Hindi kami mga bobo si Celestina lang este hindi kami mga bobo!" Napangise siya.

"Inaamin niyo talagang bobo kayo. Umalis ka na dito at wag ka ng babalik." Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?

"Bakit ko naman gagawin iyon? Tanging si senorito Nathaniel lang ang susundin ko at wala ng iba." Tumalikod na ako sa kanya pero agad akong napahinto dahil bigla kong naramdaman ang paghila ng sambalilo ko.

"Wag kang tatalikod kinakausap pa Kita. Ako lang dapat ang magiging personal maid ni Nathaniel." Sinambunotan niya ako. Ang sambalilo ko! Maaalis ang sambalilo ko! Hindi pwede!

"Ano ba Alliyah! Tumigil ka nga! Nasasaktan ako!" Hindi parin siya tumigil sa pagkasambunot sa akin. Puno ng galit ang kanyang puso at dahil iyon sa akin.

"Hindi ako titigil! Hayop ka! Ayoko talaga sayo!"

Natatakot talaga kapag natanggal itong sambalilo ko. Dahil kapag nangyari iyon, mapapahamak talaga kami. Hanggang sa naramdaman kong sinasampal niya ako. Ang sakit ng pinangagawa niya sakin. Napahiga ako at dinaganan niya ako habang sinasampal parin. Ayoko talagang manakit ng tao dahil hindi ko gawain iyon. Hindi ko kayang manakit lalong lalo nat nararamdaman ko ang galit ni Alliyah sa akin.

Pero parang nasobrahan yata ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Shit ang sakit! Pero hindi parin siya tumigil habang sinasambit ang mga katagang 'sa akin lang si senorito Nathaniel'

Kaya hindi ko napigilan ang kanyang dalawang braso dahil don ay bigla siyang napaalis sa pagkadagan sa akin. Nabigla naman siya sa ginawa ko. Shit naman nagamit ko tuloy ang kapangyarihan ko.

"Pwede bang tumigil ka na! Nakakarami ka ng sapak sa akin. Hindi ko talaga gawain ang tulad ng ginagawa mo e dahil mabait ako. Pero sinasagad mo na ang galit sa puso mo." Saad ko habang bumangon. Ang sakit parin ng sinampal niya sa akin.

"Ang sakit ng ginawa mo." Angal ko.

"Tss Hindi pa tayo tapos." Bigla na naman niya akong sinugod. Pero sa pagkakataong ito ay bigla nalang niyang tinabig ang braso ko at dahil don ay narinig namin na may nabasag.

Napahinto kami at tinignan ang nabasag. At doon nalang nanlaki ang mata ko kong ano iyon, ang plorera ni senorito Nathaniel ay nabasag. Hindi lang basta plorera yun pang paborito niyang plorera. Patay tayo nito.

"Lagot ka ngayon." Ngumise siya at doon nalang nag sink in sa akin lahat. Sinadya niyang ihulog ang plorera para mahulog Ito.

"Ang sama mo talaga."

At hindi na ako magtataka ng bigla nalang may dumating at hindi ako nagkakamali ng si senorito Nathaniel iyon.

Bigla siyang tumingin sa gawi namin at may kunot noo iyon. Hanggang sa nabaling ang tingin niya sa nabasag na plorera. Nakita ko naman na unti unting bumilog ang kanyang mata. At alam ko at nararamdaman ko talaga na galit na galit siya. Nakuu naman.

"What the hell did you do to my vase?!" Napapitlag ako sa sigaw niya. Natatakot siyang magalit. Para siyang halimaw.

"S-senorito, paumanhin po pero hindi po namin-

"Senorito kasalanan niya kase dahil tinulak niya ako wala naman akong ginagawang masama sa kanya." Nanlaki Ang Mata ko sa sinabi ni Alliyah. Waaaah hindi totoo yung sinasabi niya. Siya yung nagtulak sa akin.

"What?! You! Ikaw nalang palagi! Alam mo namumuro ka na sa aking babaeng ka! Ang hirap sayo ay wala kang alam! Alam mo bang importante sa akin ang vase na yan! Importante pa sa buhay mo! Well nabasag mo na! Kasalanan mo talagang lahat!" Nasindak ako sa pagsigaw niya. Waaaah nakakatakot siyang sumigaw. Ayoko talagang pagsigawan ako e. Dahil humihina ako. Hindi ko alam kong bakit. Lalong lalo nat sa lalaking to.

"H-hindi ko naman po kasalanan. Hindi po siya nagsasabi ng totoo. Ako yung paniwalaan niyo senorito. Siya po yung tumulak sa akin para masagi ko po yung plorera." Naiiyak na ako. Sobrang sama ng tingin niya sa akin. At nangangalati siya sa galit.

"At bakit naman kita paniniwalaan? E isang hamak na walang kwentang  katulong ka lang dito. Walang kwentang babae." Tumalikod na siya. At hindi ko alam pero parang ang sakit ng puso ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa nangyari ngayon.

Hindi ko namalayan ng bigla akong nabagsag at hinihingal. Anong nangyayari?

"Buti nga, kinalaban mo ako e." Sabi niya at tumalikod na rin.

May nahulog na butil ng luha sa aking pisnge. Umiiyak ako? First time kong umiyak. At hindi ako makahinga. A-anong nangyayari sa akin? Bakit nahihirapan akong huminga? Pilit akong kumukuha ng hangin sa aking kapangyarihan pero hindi tumalab.

Mga kapatid.

Biglang nandilim ang aking paningin.

"Bakit hindi kailangang makita ang mukha mo Storm?" Tanong ng isang babae habang nakatanaw lamang sa kasama nito.

Hindi niya mawari kong ano ang expresyon na pinapakita nito dahil nakatabon ng mapuputing ulap sa buo niyang katawan.

"Hindi pwede dahil isa kang dyosa at isa akong anghel." Sagot naman ng binatang nangangalang Storm. Kumunot naman ang noo ng dalagang babae.

"Hmmm? Anong konek naman doon?"  Tumingin sa kanya ang lalaki.

"Mapaparusahan tayo pareho."

Hingal na napabangon ako bigla ng may panibagong panaginip na naman akong nakita. Ibang panaginip na naman ang aking nakita. Sino ba talaga ang babaeng iyon? Bakit palagi ko nalang siyang napapaginipan? Urrghh! Sumasakit lang ang ulo ko.

"Youre awake." Napapitlag ako ng biglang may nagsalita. At wala pang isang segundo ng napatingin ako dito.

Si senorito Nathaniel ay prenting nakaupo sa kanyang upuan habang nakadekwatro at masamang nakatingin sa akin. Doon ko lang napagtanto ng nandito pala ako sa silid niya. Teka anong ginagawa ko dito?

"A-ano po ang nangyari?" Tanong ko.

"Iba ka rin no, hindi mo alam yung nangyari? Tss. What a naive woman." Mukhang galit parin siya hanggang ngayon. Napaiwas ako ng mata.

"A-anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" Sabi ko habang napalinga sa silid. Ang dilim ng buong silid. Tanging ang ilaw sa gilid ng kanyang kama lang ang nakailaw. At kita kita ko ang kanyang nanglilisik ng mga mata.

"Nahimatay ka pagkatapos nangyari yun. Ganyan ka ba kapag pinapagalitan? Nahihimatay? Tss mahina ka pala." Ang salitang mahina ay parang tumusok sa aking kalamnan.

Siguro nga mahina talaga ako.

"Bakit hindi ka lumaban?" Napalingon ako sa kanya. May pagtataka ito.

"Huh?" Sumimangot siya. Kaya napaayos ako ng upo.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi ka lumaban? Sinasaktan ka na nga tapos ayaw mo pang lumaban. And why is that?"

"Sabi mo nga ay mahina ako. At ayoko talagang manakit ng tao dahil hindi ko naman gawain iyon."

"Kahit na sinasaktan ka? Wow what a naive woman. Ang tanga mo. Wag mong hahayaang may manakit sayo ng ganun dahil," huminto siya bigla at doon nalang kumabog ang dibdib ko. Sa sobrang bilis nito hindi ko na alam ang nangyayari. Parang hindi ako makahinga. Lumapit siya sa akin at sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin sabay hinawakan ang aking pisnge. Dahil sa ginawa niya ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Nagaalala ako sayo lalong lalo nat nahimatay ka. Hindi ko alam kong bakit nahihirapan ako makahinga. Kaya wag mong hayaang mapahamak ang sarili mo dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ko."

- - - -

RR 💯 💖

Hii Rosie's

So hows my chapter this time?

I need some comments.

Love lots 💞 ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

97.7K 2.8K 21
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
181K 4.3K 103
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...
26.3K 49 11
Smut 18+ ONLY! ⚠️WARNING⚠️ ⚠️CONTAINS MUTURE CONTENT⚠️ 22 year old Raven Johnson is just going to her yearly doctors appointment, little does she kno...
346K 477 59
⚠️⚠️⚠️just a warning don't read with family around or company⚠️⚠️⚠️ sexual stuff Take your time Read at your own pace Start at the beginning of 2022 ...