Chapter 18

3 0 0
                                    


CELESTINA'S
   POINT OF VIEW

"Kailangan 7 am ay hatirin mo ako ng breakfast. 7 am dapat, bawal na lumagpas ng 7:01 am. Nagkaintindihan ba tayo?" Umikot lang ang mata ko sa kanya.

Grabee maka utos ang lalaking to. Talagang oras oras e. Nandito kasi ako sa silid niya. At umagang umaga pinagsabihan niya ako kong ano ang mga dapat kong gawin. Tulad nalang nong sinabi niya na dapat ko siyang hatirin ng breakfast kada araw dahil tinatamad  siyang bumababa ng sala. Pambihirang lalaking din to ang tamad.

"Kailan naman po yung rest time ko?" Kumunot ang noo niya. Wag mong sabihin na wala akong rest time?!

"Hmmm....hindi ko alam. Siguro pag sinabi ko." Hindi ako makapaniwala. Inaamin niya parin na wala akong rest time.

"Ano?! Hindi mo alam?! Hoy! Kailangan ko ng rest time okay! Dahil mapapagod rin ako."

"Wag ka ngang sumigaw. Atsaka ako ang magdedesisyon kong kailan ang rest time mo. Kaya wag mo akong diktahan kong ano ang gagawin ko." Nabigla naman ako sa pagsigaw niya. Napabuntong hininga siya.

"Kumuha ka na ng breakfast ko dahil nagugutom na ako. And also, wag mong kalimutan ang cape ko." Napabuntong hininga rin ako.

"Opo senorito." Tumalikod na ako kahit naiinis sa kanya. Haay buhay. Ganito nalang ba kami palagi? Palaging nauutusan. Namimiss ko na ang EVELLIAN. Doon may freedom kami pero dito wala. Para kaming nakakulong. Tss.

Nang nandito nako sa kusina ay nakita ko si manang Arsenia. Siya yung taga luto dito sa mansion. At talagang napakasarap niyang magluto.

"Hello po manang Arsenia." Bati ko sa kanya. Nanghihiwa kasi siya ng mga lamas.

"Oh hello rin sayo Celestina. Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Uhmm...ano po kase hahatirin ko sana si senorito Rafael ng breakfast."

"Hindi pa siya nakipag breakfast? Nakong batang yun. Osya ibigay mo sa kanya tong bago kong niluto. Mainit pa yan." Napangite ako. Mabuti nalang nandiyan si manang. May ulam na siya.

"Osige po. Nakuu mukhang masarap yan ha. Adobo po ba iyan?"

"Oo paborito to ni senorito Rafael." Napatango ako. Kaya pala palagi siyang kumakain nito. Nasisimhot ko ang bango ng adobo. Parang kumalam yata ang tiyan ko. Nakuu naman hindi pa ako nakapag breakfast.

"Sige na ihatid mo na ito sa kanya. Gutom na yun."

"Ayy teka muna, magtitimpla lang muna ako ng cape." Tumango siya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Kaya pumunta na ako sa coffee section dito sa kusina.

May ibat ibang kape ang nandito dahil ibat ibang lasa rin kasi ang gusto ng mga senorito kaya maraming flavour ang nandito.

Kumuha na ako ng tasa at nilagyan na agad ito ng kape. Sabi sa akin ni Nonimie, dapat kaunti lang kape dahil matapang ito. Nilagyan ko ng gatas at asukal. Pagkatapos ay nilagyan ko na ng mainit na tubig. Pero bago iyon pumikit ako at tinawag ang aking kapangyarihan para kunan ako ng isang halaman na palagi naming inilalagay sa isang pagkain at pwede rin sa mga kape o ano ano pa para maging masarap ito at tadah! tapos na ang masarap na kape ni senorito Rafael.

4 goddesses meets the 4 angelsWhere stories live. Discover now