Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

259K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED ยฉ 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susรด
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

15. Overprotective "kuya"

4.2K 236 8
By angDiyosaNgBuwan

HINDI maipinta ang mukha ni Mario nang bumaling kay Brie.

Taas-kilay namang napatitig dito si Brie. Hindi niya maintindihan kung bakit parang galit sa kanya ang kaibigan.

Nagulat pa siya nang bigla siya nitong haklitin sa leeg at sakalin sa pagitan ng isang braso nito.

"Ah— ano ba! Problema mo?!" palag niya.

"Gago ka, bro. Pinsan ko 'to eh!" parang over-protective na kuya'ng turan ni Mario.

"P-Pinsan?" tila hindi naman makapaniwalang tanong ni Brie, "pinagloloko mo ba 'ko?" Tinabig niyang palayo ang braso nito.

"Oo nga! Pinsan ko 'yan!" mariing wika ni Mario.

Napatingin si Brie kay Lagring, na tila naa-amuse namang nakamasid sa kanila. "Totoo ba ang sinasabi ng mokong na 'to?"

Tumingin muna si Lorraine kay Mario at ngumiti. "Actually... Oo."

Bagsak ang panga ni Brie. "Ha??? Hindi nga???" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Joke ba 'to?"

Napahagikhik si Lorraine. Lumabas na rin ito ng tarangkahan. "Oo nga, baliw. Magpinsan kami sa mother's side."

Napamaang na lang si Brie at parang hindi matanggap ang sinasabi ng dalawa.

Napa-aray si Brie nang biglang tampalin ng malakas ni Mario sa braso. "Ano ba! Ba't ka ba nananakit? Mag-pinsan nga kayo."

Muli siyang inipit sa braso ni Mario. "Loko-loko ka, bro. Pinsan ko pala 'yong lagi mong kinukuwento sa 'kin?" anitong ikiniskis pa ang kamao sa ibabaw ng ulo ni Brie.

"Aray! Tigilan mo, ano ba!"

"Pumasok na nga kayong dalawa," tawag ni Lorraine na nauna na sa loob.

Inakay na ni Mario si Brie habang sakal-sakal pa rin.

Pilit namang nagpupumiglas si Brie. "'Oy, 'yong pagkain! Nasa kotse pa!"

Binitawan naman siya ng lalaki at kinuha na nila ang mga dala-dala. Marami iyon, dahil sinadya nilang damihan upang panuhol kay Lagring, para sana hindi ito magtaray. Subalit sino ba naman ang mag-aakalang mag-pinsan ang dalawa?

Napapaiilling na lang si Brie. Ibang-iba ito sa inaasahan niyang mangyari.

Nagtuloy na sila sa loob.

"This is so not happening. You two can't be cousins. Please tell me it's a joke. Please..." eksaheradang pagdadrama ni Brie. Hindi pa rin talaga siya makabawi sa matinding pagkabigla.

Nakaupo na sila sa salas.

Napailing na lang ang mag-pinsan sa kanya.

"Whether you believe it or not — " si Lorraine habang ngumunguya ng pizza. Lumunok muna ito. " — it's true."

Sa center table ng salas ay nakapatong ang mga pagkain. May malaking box ng pizza, fried chicken, fries, at mayroon pang ice-cream.

"Pero pa'nong nangyari?" tanong ni Brie na hindi pa rin talaga makapaniwala. Bumaling kay Mario. "Saka, bro... 'di ba lagi kong nakukuwento 'tong si Lorraine sa 'yo?"

"Just to be clear. Hindi Lorraine ang sinabi mong pangalan niya kundi Lagring," ani Mario. Nakapatong sa dalawang hita ang mga siko. Halos namumutok ang mga braso nito sa puting long-sleeve na button-down. Nakalukot na iyon hanggang sa siko nito. Sa leeg ay may necktie pa rin.

Katabi ito ni Brie sa isang mahabang sofa. Sa gilid na sofa naman nakapuwesto si Lagring. Nakaputing bestida naman ang huli at nakatali sa likod ang buhok.

"But you could have hinted, right? Base sa mga nakukuwento ko sa 'yo. Saka nabanggit ko sa 'yo no'ng unang beses na Lorraine ang pangalan niya."

Umiling si Mario. "Alam mo, bro. Ibang-iba ang Lorraine na kinukuwento mo sa 'kin sa Lorraine na kilala ko," pagbibigay-diin nito.

Nagpagpag si Lorraine ng kamay at kumuha ng tissue. "Oo nga pala... Ano bang pinagkukuwento sa 'yo ng baliw na 'to?" tanong nito sa pinsan.

Bahagyang natawa si Mario. "You won't believe it, Rain. Kaya nga gulat na gulat ako nang makita kita. 'Tong mokong na 'to, kung anu-anong pinagsasabi tungkol sa 'yo."

Bahagyang pinaningkitan ni Lorraine si Brie na napakamot naman sa ulo.

"'Oy... Lahat ng sinabi ko, mga totoong pangyayari lahat ng 'yon," depensa ni Brie na nakatingin kay Mario, "alam mo namang hindi ako marunong tumahi ng kuwento. Mas forte mo 'yon."

"Hoy, Brie," si Mario, "alam mo ba, 'tong pinsan kong 'to... Siya ang pinakamahinhin at pinaka-sweet sa lahat ng pinsan ko. Kaya hindi ko matanggap ang pinagsasabi mo tungkol sa kanya. Ni hindi kayang pumatay ng langaw niyan," pagmamalaki nito sa pinsan.

"Mahinhin at sweet??" Napaismid si Brie, "puwes, hindi talaga siya ang pinsan mo. Sa sobrang sungit niyan? At anong hindi kayang pumatay ng langaw? Ilang beses na kaya akong sinaktan niyan. Naalala mo ba 'yong kinuwento ko sa 'yo na binato niya 'ko ng gunting at hinampas ng walis?"

Biglang may unan na lumipad kay Brie.

"Hoy... Sobrang kulit mo kasi. Hindi mo 'ko tinitigilan kaya sinusungitan kita. Sabi ko nga sa 'yo, ikaw lang nakapagpalabas ng sungay ko," depensa ni Lorraine.

"No'ng una pa lang kaya, ang sungit mo na sa 'kin!" protesta naman ni Brie.

"Kasi una pa lang din, ang kulit mo na!"

"Nagtanong lang naman ako no'n, ah! Makulit agad? Nag-o-offer pa nga ako ng tulong, tapos sinungitan mo lang ako."

Napapailing si Mario habang nakatingin sa kanila. "Tama na nga 'yan. Kumain na tayo," saway nito at dumampot ng isang slice ng pizza.

Natigil naman ang dalawa.

"Pero curious lang ako, ha," si Brie na nakatingin kay Mario, "ang sabi mo, sweet at mahinhin 'to? Totoo ba talaga? Parang hindi ko mapaniwalaan."

"Makapagsalita 'to. Parang wala ako dito, ah?" si Lorraine.

"Eh, sa hindi ko talaga mapaniwalaan na... 'yong kaibigan kong luko-luko at 'yong napakasungit kong kapit-bahay, mag-pinsan pala? I still couldn't wrap my head around it!"

"Alam mo, bro. Tanggap ko kung sasabihin mong luko-luko ako, pero 'yong mga sinabi mo tungkol kay Rain? Hindi talaga," si Mario.

Nakailang diskusyon pa sila tungkol sa pagiging magpinsan ng dalawa. Maya-maya ay biglang tumayo si Mario.

"Bro, halika muna sandali," aya nito kay Brie.

Nagtataka namang napatingin dito si Brie. "Bakit?"

"Basta."

Bantulot man ay sumunod na rin siya.

"Sa'n kayo pupunta?" nakakunot na tanong ni Lorraine.

Inakbayan ni Mario si Brie. "Dito sa labas, 'insan. Sandali lang kami."

Nakarating ang dalawa sa hardin.

Pinalis ni Brie ang braso ni Mario sa leeg niya. "Ano ba 'yon? Para kang natatae diyan," puna niya dito. Simangot na simangot kasi ang mukha nito at ngayon lang yata niya ito nakitang ganoon. Ini-adjust niya ang suot na long-sleeves shirt dahil nagulo na iyon sa kahihila nito.

"Usap tayo ng matino, bro," anito, "may gusto ka ba sa pinsan ko?"

Biglang napatawa si Brie. "Ano? Alam mo namang ayoko sa mga straight, 'di ba?"

"Hindi iyon ang tinatanong ko, bro. Ang tinatanong ko kung may gusto ka sa kanya."

Napakurap-kurap si Brie habang nakatitig sa kaibigan. "Teka nga, ba't ka ba nagkakaganyan?" tanong niyang napamaywang.

"Ba't hindi mo masagot ang tanong ko?" Tila may bahid na ng inis ang boses nito.

"Paulit-ulit ka na lang, eh. 'Di ba nga sabi ko sa 'yo hindi ako pumapatos ng straight? Saka baka nakakalimutan mo, ikaw itong laging nagtutulak sa 'kin sa mga straight," pasinghal na saad niya rito.

Parang naaasar na napakamot ito sa likod ng tainga. "Iyon na nga eh... Pakiramdam ko nakakarma na 'ko sa panunudyo sa 'yo. Tuloy, 'yong pinsan ko ang inilapit sa 'yo," palatak nito.

"Teka nga muna, ba't ka ba ganyan mag-react? Para kang kuya'ng napaka-overprotective."

Sandaling natahimik si Mario. Maya-maya'y napailing. "Hindi mo puwedeng mahalin si Rain, bro," anitong seryoso ang mukha, "hindi talaga puwede. Kaya't huwag na huwag kang mahuhulog sa kanya."

Natigilan naman si Brie sa tinuran nito. "Ano bang— bakit ka ba ganyan ka-protective sa kanya?" Naalala niya ang sinabi noon ni Lorraine matapos niyang iligtas ito mula sa sabog na lalaki. "Teka nga... May nangyari ba sa kanya dati?"

Tinitigan lang siya ni Mario. "Huwag mo nang alamin, bro. Hindi ko iyon lugar para sabihin sa 'yo."

Nanibago si Brie sa kaseryosohang nakikita sa kaibigan. Hindi niya maiwasang mapaisip. Napatingin siya sa direksyon ng pinto ni Lagring, nangungunot ang noo.

"Sigurado ka ba talagang wala kang gusto sa kanya?" Narinig niyang tanong muli ni Mario.

Bumaling siya dito. "Wala nga, bro. Ano ka ba. Paninindigan ko ang rule ko."











----
Sorry, guys. Wala man lang nakatama sa inyo😋

— A.

Continue Reading

You'll Also Like

158K 5.1K 31
(COMPLETED) Mapansin mo pa kaya yung nararamdaman ko para sayo? Sabi nila kahit gaano mo ka-close ang isang tao once na tinamaan ka ni kupido, mahih...
427K 9.5K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
11.9K 448 28
Have you ever fall in love with the person that you only met in the internet? same old story right? but how about if your introvert, ugly and unpopu...
33.3K 971 22
Thales Reiu x Gwynedd Villonez