KAGAGOALS

By Zalesxs

1.3K 108 93

A set of friends that always have a positive thoughts More

Note
Prologue
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
Epilogue
Author's Note

1

102 6 5
By Zalesxs

Andra's POV

"Ms. Castillo!!" Biglang sigaw ni Prof. sa kalagitnaan ng klase

Napatingin naman kami agad sa pinto ng room at tulad ng inaaasahan andoon nanaman yung bestfriend kong laging late.

"Ano ka ba naman?! 2 weeks kanang ganyan! Ano?! Lagi ka nalang bang late sa buong period?!" Sermon sakanya ni Prof.

Tinignan ko naman yung kaibigan kong sabog at napailing.

Nakayuko lang siya habang pinapakinggan yung mga sermon ni Prof.

Jusko 'tong babaeng 'to, walang pinagbago, simula first year hanggang ngayon na fourth year high school  palagi paring nale-late, bilang lang yung mga araw na maaga siya pumapasok.

"Umupo kana!" Sigaw ni Prof matapos niyang sermunan yung kaibigan ko.

Agad naman itong pumasok at dumiretso sa hilera ko.

Sa bandang likod kase kami tapos nakaupo siya sa likuran ko.

Nang makaupo siya sa likod ko ay humarap ako sakaniya na nang-aasar.

Pero imbis na maasar siya ay tumawa siya ng malakas kaya nanlaki yung mga mata ko at napatingin agad kay Prof. na umuusok na sa galit.

Paktay!

"Ms. Castillo and Ms. Rojado!!! Get out of this room!!! Now!!" Sigaw niya na nakapag-patayo agad samin ni Krizia at sabay kaming dalawa na lumabas.

Lintek naman oh!

*
*
*
*

"HAHAHHAHAAH POTA HAHAHAHHAHA!!" Malakas na tawanan namin ni Krizia dito sa canteen.

Pinagtitinginan na nga kami pero hindi nalang namin pinapansin at tila ba wala na kaming pake.

Nagkukwentuhan kasi kami about kay Prof. na laging galit tapos kung ano ano pinagsasabi niyang kalokohan.

"Tama na nga yang kalokohan mo baka mamaya may makarinig sayo tapos isumbong ka kay Prof." Sabi ko sabay tawa ulit.

"Pake ko? Samahan ko pa sila eh." Aniya atsaka tumawa ulit nang malakas.

"By the way, bakit nanaman ba late kang Gaga ka ha?!" Pag-iiba ko ng usapan dahil baka may mga students rin dito si Prof. at baka malagot pa kami pag nagsumbong.

"Nagtanong ka pa eh alam mo naman na tsk!" Sagot niya

Ay oo nga pala, sobrang bagal nito kumilos minsan. Nauuna muna ang tulala at pagkakape bago maligo. Kailangan talaga niyang magising ng maaga dahil mas lamang ang oras ng pagtulala niya. Bakit alam ko? Naki-sleep over na ako sakanila nung minsan tapos saktong kinabukasan may pasok noon. Sobrang stress ako sakanya noon at ayoko nalang isipin ulit.

"Ah excuse me." Napatingin agad kami ni Krizia sa nagsalita at yon ay si Ken.

Crush ni Krizia dati.

"Excuse? Sa pagkakaalam ko walang daanan dito eh." Sarkastikong Saad ni Krizia na tinawanan ko.

Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Ken.

"I just want to say that you two are disturbing us." Sarkastiko din nitong Saad.

"Weh panong disturb?" Aniya at sinabayan rin ang pagtaas ng kilay ni Ken.

"Pwede wag kayong maingay?? Nakakaistorbo kayo sa mga kumakain eh." Halatang inis na sabi ni Ken.

Di ako nagsasalita at pinapanood nalang sila. Ayokong makisali sa pagtatalo ng dalawang ito.

"Lintek! Ano 'to?! Library?! Pa'no naman namin sila naistorbo?! 'Dibale sana kung sumigaw ako ng NATATAE AKO! yon yung istorbo! Kasi kumakain sila!" Sigaw ni Krizia na nakapagpatigil sa lahat ng kumakain.

Natigilan din si Ken sa sinabi niya at di nakasagot.

Habang ang iba ay ang sama na nang tingin samin kaya agad akong yumuko at humingi ng paumanhin sabay hila kay Krizia patayo at hinatak siya palabas ng canteen.

"Lintek kang babae ka! Ang daming kumakain doon tapos sisigaw ka ng ganon?!" Sermon ko agad sakanya paghinto namin sa gilid ng pinto ng canteen.

"Diko sinasadya mhie." Aniya sabay tawa. Aba tinawanan pa'ko ng kumag.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa wrist watch ko.

12:00 pm na pala at lunch break na namin ngayon.

Bale isa't kalahating oras na kaming nandito sa labas nitong baliw na ito tapos mags-stay ulit kami dito ng isang oras para nga sa lunch break jusko nakakaurat.

"What's up?!" Napatingin agad kami sa mga sumigaw at nakita namin ang iba pa naming mga kaibigan.

"Ano?! Okay pa ba kayo?!" Bungad samin ni Jessabelle.

"Tingin mo?" Walang ganang tanong ko.

"Yan sige tawa pa!" Singit naman ni Joy.

"Di naman ako yung tumawa!" Pagtanggol ko sa sarili ko.

Lahat sila ay lumingon kay Krizia na nagse-cellphone na pala sa tabi.

"Sorry." Sabi niya na wala manlang lingunan sa gawi namin.

"By the way, kumain na kayo?" Tanong ni Ayesah.

"Nope." Sabay naming sagot ni Krizia.

"Aw! Answeet Naman ng mga milabs ko! Hinintay pa talaga kami!" Sabi ni Jessabelle sabay yakap sakin at kay Krizia.

Agad naman kaming nagpumiglas rito dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Parang sinadya talaga ng kumag.

"Ano na mga ate? Dito nalang Tayo?" Biglang singit ni Alex, ang gay friend namin at itinuturing namin na bunso.

"Oo nga tara na!" Sigaw ni Joy sabay takbo papasok ng canteen.

"Arat na!" Sigaw din ni Krizia sa panlalaki na boses at tumakbo din pasunod kay Joy.

Kaya lahat kami ay tumakbo papasok sa loob ng canteen at sabay sabay na nagsi-upo sa palagi naming inuukupa na table.

"Ako na oorder mga ate." Sabi ni Alex sabay tayo at dumiretso sa counter. Hindi na niya tinanong kung ano ang gusto namin dahil pare-pareho lang naman kami ng kinakain rito kada araw. Sandwich at coke lang.

Habang hinihintay namin si Alex ay nagkwentuhan kami about kanina sa nangyari kung bakit daw kami napalabas ni Prof.

Lahat kami ay nagtatawanan dahil in-action pa talaga ni Krizia yung mukha ko nung inasar ko siya.

"That crazy girl argh! Nakakadiri siya!" Napatigil kami sa pagtawa nang marinig namin yung sinabi ng babae sa kabilang table.

"Siguro nanggaling yan sa mahirap na family kaya siya ganyan ew. Walang filter ang bibig." Dagdag naman ng isa pa niyang kasama.

Napatingin naman ako kay Krizia na nakangiti ng nakakaloko.

Habang sila Jessabelle, Joy, at Ayesah naman ay nagtataka kung bakit ang sama ng tingin ng dalawang babae Kay Krizia.

"Excuse me?" Pagtataray ni Jessabelle.

"What?" Mataray din na tanong ng babae.

"Bakit ang sama mo tumingin sa kaibigan ko? May problema?" Tanong niya.

"Kadiri kasi siya! Wala siyang manners! Basta basta nalang siya sumisigaw ng ganoon? Huh biatch." Pag-iinarte nito na talagang hinawi pa ang buhok.

"Krizia ano bang sinigaw mo?" Tanong ni Ayesah kay Krizia.

"Sabi ko non natatae ako." Sagot niya na parang wala lang.

Napanganga naman yung dalawang babaeng babae sa sinabi niya na parang hindi makapaniwala.

"How dare you!" Sigaw nito Kay Krizia

"Ay attitude ka sis?" Sarkastikong litanya niya. Napailing nalang ako.

At pilit kong pinapakalma ang sarili ko na huwag tatawa. Natatawa na kasi talaga ako sa mukha ng dalawang babae.

Pero di ko naman sila masisisi. Noong katulad din nila ako dati nagulat at nagalit rin ako kay Krizia. Kaso nakasanayan ko nalang.

Kahit kailan talaga itong babaeng 'to. Puro nalang kalokohan.

"What the hell?!" Asar na asar na talaga yung babae.

"Oh sorry, ang hot ko kasi." Sabi ni Krizia sabay tayo at inilugay ang nakapusod niyang buhok at hinawi ito habang nakangisi.

Putragis mukha siyang tanga!

Mabatukan nga ito mamaya.

Lahat ng nandirito ay napatingin sakanya nang may paghanga. Hindi ko sila masisisi, maganda si Krizia kaso lang talagang walang filter ang bibig.

"Argh!" Inis na saad ng babae tsaka tumayo na at umalis na may halong pagdadabog.

Tinarayan muna kami ng kasama niya bago sumunod sakanya.

"Aray naman!" Napatingin kami kay Krizia na sumigaw at hawak ang ulo niya.

Binatukan ni Alex. Natawa nalang din tuloy ako.

"Ikaw imbes na humingi ka nalang ng pasensya, nang-aasar ka pa!" Pagsesermon niya dito.

"Oo nga! Ikaw rin naman may mali!" Dagdag ni Joy.

Tinarayan niya naman ang mga ito tsaka nakasimangot na kumain.

Naiiling at natatawa ko silang pinagmasdan tsaka itinuon na ang atensyon sa pagkain na iniabot ni Alex.

*
*
*
*
*

"Guys CR lang ako! Mauna na kayo sa room!" Paalam ko sakanila nang makalabas kami sa canteen.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at agad na akong tumakbo papuntang CR dahil tinatawag na talaga ako ng kalikasan.

Pagpasok ko ay dumiretso agad ako sa isang cubicle at iniraos na ang paghihirap ko. Napabuga pa ako ng marahas na hininga dahil dito. Akala ko maiihi na ako sa pants ko eh.

Nang matapos ay lalabas na sana ako pero bigla akong napahinto nang may marinig akong pumasok, isinara ang pinto atsaka mahihinang ungol.

Shet ano 'to!

Binuksan ko nang kaunti ang pinto ng cubicle at nakita ko sa reflection ng salamin ang dalawang rebulto ng tao na may ginagawang milagro.

Oh my god! My virgin eyes!

At habang tumatagal ay nakikilala ko na kung sino ang mga ito.

At nang makilala ko na nga sila, parang biglang gumuho ang mundo ko at hindi ma-process ng utak ko ang nangyayari.

Si Renz yung lalaki.

Yung ultimate crush ko simula pa nung first year.

Tapos si Agatha naman yung babae, sobrang popular niya dito sa school dahil sa kagandahang taglay niya.

At isa pa, isa siyang cheerleader captain.

Hindi ako makagalaw. Ano ba dapat gawin kapag nakakakita ng ganito? At ang mas malala sa school pa! Grabe hindi na sila nahiya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ako ni Agatha Kaya agad kong sinara ang pinto ng cubicle na kinaroroonan ko.

What the F!

"Babe lipat nalang tayo, i think someone's here." Rinig kong sabi ni Agatha.

"Huh? Wag na babe, mabibitin ako." Ungot naman ni Renz.

Kada taon nalalaman ko nalang na meron siyang kalandian pero hindi ko akalain na iba na pala ang meaning non! Nakikipag--- argh ayoko sabihin!

"Please? Sa ibang lugar tayo, promise i'll do anything you want me to do." Mapang-akit na tono na ani Agatha.

Napapikit nalang ako dahil kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi nila. Wala pa sila sa wastong edad tapos ganito sila kung umasta? Nasaan ba ang mga magulang nito?

"Hmm... You're really seducing me huh?" Sabi ni Renz na parang uhaw na uhaw na.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. Gago ba 'to? Anong nakaka-seduce doon? Nakakadiri kamo.

Sa sobrang galit at inis ko ay tinakpan ko nalang yung mga tenga ko.

Ilang sandali pa, kahit pa nakatakip na ang mga tenga ko ay may narinig akong pagbukas ng pinto.

Dahan-dahan akong sumilip mula rito sa pinto ng cubicle at nang mapagtanto na wala nang tao ay dali-dali akong lumabas.

Tumingin-tingin pa ako sa paligid ko kung naroon pa sila. Pero mukhang nakaalis na sila.

Marahas akong napabuntong hininga.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko at narinig ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
52.1K 1.6K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
11.5M 297K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...